Share

CHAPTER SIX

Author: Franz Valley
last update publish date: 2020-07-29 16:15:53

"JULAN!" Naisigaw ni Jercelle ang pangalan ng kaibigan ng makita niya itong umaakyat sa bakod. Napatakbo siya palapit dito. "What are you doing there?"

"J-Jercelle..!"

Kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito. Nasapo niya ang sariling dibdib. Muntik na siyang mapatawa. Alam niyang nahiya ito at nagliwanag ang isip sa ginawang kalokohan.

"Jercelle, I'm sorry..."

Bumaba ito sa bakod at napakamot sa ulo.

"Are you out of your mind, Julan? My God! Nabigla talaga ako nang makita kang..?"

"Open the gate, please." Pinagsalikop nito ang dalawang kamay sa tapat ng dibdib. "I just want to be with you and your daughter today..."

"Pero hindi mo kailangang umakyat pa ng bakod." Binuksan niya ang gate. Natatawa siyang umiling. "Hindi ko ma-imagine na ang department manager ng production sa ating company ay gumawa ng ganyang bagay!"

Muli na namang namula ang mukha ni Julan. Pero lalo pa itong gumuwapo sa paningin niya. Nag-mukhang tisoy ang loko.

"Si yaya Sally." Halata sa tinig nito ang pagkainis. "Imbes na pagbuksan ako ng gate ay bumalik pa sa loob ng bahay. Bakit?"

"Come-in, Julan."

Mabilis itong pumasok sa bakuran at malalaki ang mga hakbang sa pagpunta sa main door ng bahay niya. Nataranta naman siyang mabilis itong sinundan.

"Bakit ayaw akong papasukin dito ng yaya mo?" Pikong sabi ni Julan nang banggitin niya ang pangalan nito. "Ano bang meron sa loob?"

"Bumalik lang si yaya Sally dahil sinabi niyang dumating ka..."

"Hindi!" Malakas ang boses na sabi nito. Tuluyan itong nakapasok sa kanyang bahay. "Sinasabi ko na nga ba!"

GUSTONG sumabog ng ulo ni Julan ng pagkapasok niya sa bahay ni Jercelle ay nakitang yakap ni Bricko si Rexcelle habang nakaupo sa sofa.

"Bitiwan mo si Rexcelle!" Sigaw niyang nagtatakbo palapit kay Bricko. Kinuha niya mula rito ang bata. "You have no right to hug her! Baka kung anong gawin mo dito sa bata!"

"Tito Julan, bitiwan mo po ako..."

"Rexcelle, huwag kang lalapit sa taong 'yan!"

"Ano 'to?" Natatawang tanong ni Bricko. Tumayo ito. "Okay ka lang, 'Tol?"

"Julan, akin na si Rexcelle. Kumalma ka nga."

Nilingon niya si Jercelle nang kunin nito sa kanya ang anak.

"Jercelle, bakit nagtitiwala ka sa lalaking 'yan? You don't know him!"

"Mabuting tao si Bricko, Julan!"

"Paano mo nasabi? Jercelle, kakikilala mo lang sa Mokong na 'yan!"

"Bricko ang pangalan ko. Hindi Mokong!" Dinuro siya nito. "Sumusobra ka na!"

"Julan, please! Huminahon ka nga. Huwag kang magsalita ng kung anu-ano!"

"Wow! Ako pa ba ang masama, Jercelle? Nagmamalasakit ako sa inyong mag-ina. I want to protect you in this man!"

"Huwag ka ngang judgmental! Sobra kang makapanghusga. Hindi mo ako kilala."

"Iyon na nga, e. Hindi ka namin kilala. At ewan ko kay Jercelle kung bakit agad na nagtiwala sa 'yo."

"Julan," Hinawakan siya ni Jercelle sa braso. "Bricko is a good man. I trust him."

"Hinayaan mong yakap-yakapin niya si Rexcelle, e, hindi mo sure kung wala nga siyang malisya!"

Napasigaw si Jercelle ng suntukin siya ni Bricko sa mukha. Napaigik naman siya ng maramdaman ang sakit na dulot niyon.

"Marumi ang utak mo!" Sigaw ni Bricko na dinuro siya. "Hindi ako kasing-sama ng nasa utak mo."

Muling napasigaw si Jercelle ng siya naman ang gumanti ng sundok, na tumama din sa mukha ng lalaki.

"Huwag po kayo suntukan..." Umiiyak na sabi Rexcelle. "Huwag po kayo away..."

"Anak!" Umupo si Jercelle at niyakap ang anak. "Don't cry, Rexcelle. Don't mind them, anak."

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Napawi ang galit na naghuhumiyaw sa dibdib niya. Agad siyang naawa sa bata.

"Rexcelle, I'm sorry." Sabi niyang umupo din at hinagod ang likod nito. "Huwag kang umiyak. Stop crying..."

Nagtiim-bagang si Jercelle at galit siyang tinitigan. Daig pa niyon ang piniga ang puso niya. Makirot. Hindi niya gustong magalit ito sa kanya.

"Nagpunta ka rito para manggulo, Julan? Tinakot mo ang anak ko. Nagpakita ka ng ganyang attitude kaya umiyak siya ngayon."

"Jercelle, sorry. Pasens'ya na."

"Umalis ka na."

"Pero--"

"Go!"

"Jercelle--"

Hindi na natuloy ang sasabihin ni Bricko dahil sinigawan na rin ito ni Jercelle at pinaalis.

"Sorry. Uuwi na muna ako." Hindi siya tiningnan ni Bricko nang umalis ito.

Nang magkatinginan sila ni Jercelle ay inulit ang pagpapaalis sa kanya. Ayaw sana niya dahil gusto pa niyang humingi ng tawad pero tumayo ito at binuhat ang anak. Saka iniwan siya at pumasok sa kuwarto. 

"Jercelle..."

NANG makita ni Bricko si Julan na lumabas ng unahang pinto ng bahay ni Jercelle ay itinapon niya ang hinihithit na stick ng sigarilyo. Mula sa pagkakasandal niya sa taxi ay sinalubong ito sa paglabas ng gate.

"Huwag kang gago, ha!" Sabi niyang dinuro ito. "Huwag mo akong pag-isipan ng masama!"

Tinapik ni Julan ang kamay niyang nakaduro dito.

"Bakit? Sino ka ba?"

"Iyon na nga, e. Hindi mo ako kilala at wala kang alam sa totoo."

"Kung may masama kang binabalak sa mag-ina, tumigil ka! Ako ang kalaban mo."

Pagak siyang tumawa. "Talagang ang sama ng turing mo sa akin, Mokong ka. Wala akong masamang binabalak sa mag-ina. Malinis ang hangarin ko kay Jercelle!"

"Talaga lang! Sinabi ko na nga ba't plano mong ligawan si Jercelle, e. Hoy, Bricko! Hindi ako ang Mokong, ikaw 'yon. Huwag mong itawag sa akin ang tawag ko sa 'yo."

"Nagseselos ka, ano? Nagkakaganyan ka dahil hindi mo matanggap na malapit na ako sa mag-ina."

"Iyon nga ang hindi ko matanggap... ang agad na pagtitiwala sa 'yo ni Jercelle. Imagine, yakap-yakap mo si Rexcelle. Pasikat ka! Ipinakikita mo sa mommy niya na tanggap mo kunwari na anak 'yong bata kahit hindi mo kadugo!"

Tumawa siya ng mahina habang umiiling. Walang kaalam-alam si Julan kung ano ang sinasabi. Halatang selos na selos ito kaya nagmumukhang tanga.

"Lalo ka na, Mokong... kapag nalaman mo ang katotohanan."

"Sinabi ko sa 'yong ikaw ang Mokong at hindi ako, Bricko!"

"Bahala ka sa buhay mo! Pero sinasabi ko sa 'yo, Julan... seryoso ako kay Jercelle at hindi mo ako mapipigilan sa panliligaw sa kanya."

Tinalikuran niya ito at dali-dali na siyang sumakay sa taxi niya. Iniwan niya ito, na tila tulala sa kinatatayuan.

"Sorry ka na lang, Julan." Sabi niya sa sarili. "Alam kong mahal mo si Jercelle higit sa pagiging kaibigan. Ganoon din ang turing niya sa 'yo kaya mahihirapan kang ihayag ang totoo mong damdamin. Gagawin ko ang the best ko para makuha ang attention niya alang-alang kay Rexcelle!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY TWO

    "HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY ONE

    "PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY

    LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER NINETEEN

    "SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER EIGHTEEN

    NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER SEVENTEEN

    MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status