공유

CHAPTER FIVE

작가: Franz Valley
last update 게시일: 2020-07-29 16:13:09

SINADYANG pumunta ni Julan sa accounting department ng nakauwi na ang mga empleyado. Kanina pa kasi niya naisip na posibleng iwanan na lang ni Jercelle ang ibinigay niyang bouquet of roses o baka nga itapon sa basurahan dahil hindi nito nagustuhan.

"Ayaw nga niya ng ibinigay ko." Malungkot niyang naibulong matapos sumilip sa cubicle ni Jercelle at nakitang nasa ibabaw ng mesa nito ang ibinigay niya. Masakit sa kanyang loob pero nagsusumigaw na katotohanan na iniwan nito iyon na tila balewala lang. "Akala ko pa naman ay matutuwa siya."

Bagsak ang mga balikat na lumabas siya sa opisinang iyon. Malungkot siyang nagtungo sa elevator at sumakay doon.

"Ano pa bang puwede kong ibigay sa kanya?" Sa isip-isip niya. "Iyong bagay na talagang makapagpapasaya sa kanya at bibigyang halaga?"

Nasa labas na siya ng gusali at papunta na sa parking lot, kung saan nakahimpil ang kotse niya, ay abala pa rin siya sa pag-iisip.

"Malakas ang kutob ko na puporma sa kanya si Bricko. Hindi puwedeng matuon ang pansin niya sa Mokong na 'yon!"

Ang isipin niyang iyon ang rason kaya bigla siyang kumilos. Kaya nga kaninang umaga ay maaga siyang naghanap ng bukas na flower shop para bumili. Siya mismo ang umakyat sa accounting department para iyon ilagay sa mesa ni Jercelle. Iyon nga lang, hindi iyon nagbigay-saya sa babae dahil naalala pa nito ang namayapang asawa.

"Kung alam ko lang na mauuwi sa ganito... hindi na lang sana flowers ang ibinigay ko sa kanya!"

He's really disappointed. This is his first move but he failed. Parang pinanghinaan na siya ng loob. 

"Hey, Julan!" Narinig niyang protesta ng isang bahagi ng utak niya. "Huwag ganyan. Hindi ka dapat sumuko agad. Duwag ka ba?"

Umiling siya. "Hindi!"

Ang totoo, lihim na niyang minamahal si Jercelle, higit pa sa isang kaibigan. Unang kita palang niya rito ay nabighani na siya. Kaya nga hindi siya nag-aksaya ng oras noon. First day of work palang nito ay nilapitan na niya para makipagkilala.

And a big blessing for him because she's not an snobbish type but rather, an approachable person and really easy to be with. They became best of friends then and he considered it as a gift from heaven.

Noon lang kasi siya nakaramdam ng ganoong damdamin sa isang babae. Pero hindi siya nagpadalus-dalos. Dahil itinuring siya nitong kaibigan ay kinuntento niya ang sarili sa kanilang relasyong iyon.

At first, nagulat siya nang malamang biyuda si Jercelle. Hindi kasi halata sa hitsura nito na may asawa na. Hindi kalabisang sabihin na mukha talaga itong dalaga. Pero dahil ipinakilala din nito sa kanya ang anak ay naniwala siya. Na wala namang nagbago sa kanyang damdamin. Kaya hanggang ngayon ay umaasam siya na may patutunguhang maganda ang kanilang relasyon.

Kahit pa nga tutol ang kanyang Ina. Isa pa ito sa dahilan kaya hindi pa siya nanliligaw. Ayaw daw nitong magkaroon ng biyudang manugang. Pero hindi naman siya totally umurong. Naghihintay lang siya ng tamang panahon para manuyo.

"Hindi ako susuko!" Sabi niyang ngumiti. "Patuloy kong susuyuin si Jercelle. Gagawin ko ang lahat para mahalin din niya ako higit sa isang kaibigan..."

Tiyak niya sa sarili kung saan siya pupunta ngayon.

"Tiyak kong magugulat ka." He said with a joyful heart. "I'll go to your house, Jercelle. I'm coming..."

"NATUTUWA ako, ate," Sabi ni yaya Sally kay Jercelle habang naghahahanda sila ng food for dinner. "Giliw na giliw si Rexcelle kay Bricko. Ang saya-saya niyang nangungulit na parang matagal na silang magkakilala."

Ngiting-ngiti niyang nilingon sina Bricko at Rexcelle, na habang nanonood ng television sa salas ay magkayakap na nakaupo sa sofa. Ang totoo'y kanina pa siya natutuwa sa mga ito dahil hindi matatawaran ang saya -- na higit pa kapag si Julan ang nasa bahay niya.

"Napansin mo din pala, yaya." Sabi niyang itinuon na ang mga mata sa hinihiwang patatas. "Sobrang makatawa si Rexcelle. At grabeng makapangulit kay Bricko."

"Hindi naman siya ganyan kay Julan, ate. Oo, close sila pero hindi pa nagkukulitan ng ganyan. Grabe ang harutan kanina!"

"Mas masaya ako kapag nakikitang ganyan kasaya ang anak ko. Yaya, wala akong gusto kundi ang maging masaya ang anak ko."

"Oo naman, ate. Mahal na mahal mo po kasi Rexcelle."

"Siya kasi ang tanging buhay na alaalang naiwan ng husband ko. Kaya hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala si Rexcelle."

Napabung-hininga si yaya Sally. Napatigil ito sa paghihiwa ng karne ng baboy. Sinalubong nito ang tingin niya.

"B-bakit, yaya?"

Ikinibit nito ang mga balikat. Saka ngumiti. "May naisip lang ako, ate."

"Ano 'yon, yaya?"

Inituon nito ang tingin sa ginagawa. Hindi naalis ang pagkakangiti.

"Yaya..?"

"Huwag kang magagalit, ate, ha. Naisip ko kasi... sana magkaroon na si Rexcelle ng pangalawang daddy."

Nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang mga labi. Nagulat siya sa narinig. Hindi niya inaasahang sasabihin iyon ni yaya Sally.

"Sorry, ate. Pasens'ya ka na. Pero iba din po kasi 'yong may taong nagmamahal at nagmamalasakit talaga sa inyong mag-ina. 'Yong taong mag-aalaga at mag-iingat sa inyo."

Iniiwas niya ang paningin dito. Bumilis ang tibok ng dibdib niya. Walang-wala sa isip niya ang bagay na iyon.

Kailangan pa nga ba iyon sa buhay niya? Sa buhay nila ni Rexcelle? Alang-alang sa kapakanan nilang mag-ina? At sino namang lalaki ang puwede niyang pagkatiwalaan?

Dahan-dahan siyang lumingon at itinuon ang paningin kay Bricko.

AGAD na nakadama ng galit si Julan ng makita ang nakaparadang taxi sa harap ng gate ng bahay ni Jercelle. Naisip niya na iyon ay sa lalaking bago nitong kakilala -- at rason kung bakit siya nagplanong manuyo na sa kaibigan.

"Hindi ako nagkamali ng iniisip." He whispered. He parked his car at the back of the taxi. "Banggain ko kaya ito?"

Napailing siya. Hinampas pa niya ng mahina ang mabinela bago binuksan ang pinto at lumabas sa kotse.

"Iyong may-ari ang dapat kong banggain at hindi ang taxi na 'to!"

Dali-dali siyang pumunta sa harap ng gate at nag-doorbell.

"Ang Mokong na 'yon ang sagabal sa akin at hindi ang taxi niya!"

Lalo siyang nakadama ng galit kay Bricko. Oo, galit. Nauwi na sa galit ang dati'y pagkainis palang niya dito. 

Ngayon kasing narito sa bahay ni Jercelle ang lalaki ay maliwanag na pumuporma nga ito.

"Ang kapal ng mukha! Nanliligaw na kay Jercelle!"

Nang makita niyang lumabas si yaya Sally sa main door ay malakas niya itong tinawag.

"Shit!" Gigil niyang sabi ng imbes na lumapit sa gate ay bumalik sa loob ng bahay ang tagapag-alaga ni Rexcelle. "Anong problema no'n?"

Madiin niyang pinindot ang doorbell. Dalawang ulit. Lalong tumindi ang emosyong nanggagalaiti sa dibdib niya.

"Nasakop na ba sila ng Bricko na 'yon?" Nanggigil siya. Nagawa pa niyang alugin ang nakasarang gate. "Hindi puwedeng hindi nila ako papapasukin dahil nasa loob ng bahay ang Mokong na 'yon. Hindi!"

Inihanda niya ang sarili sa gagawing pagliban sa bakod. Kailangang makapasok siya sa bakuran. Dapat niyang malaman kung ano ang nangyayari sa loob ng bahay ni Jercelle!

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY TWO

    "HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY ONE

    "PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY

    LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER NINETEEN

    "SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER EIGHTEEN

    NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER SEVENTEEN

    MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status