Share

CHAPTER FOUR

Author: Franz Valley
last update publish date: 2020-07-29 16:11:37

NAPANGITI si Jercelle ng makita niya ang bouquet of fresh white roses sa table niya. Ito ang unang pagkakataong nangyari ang ganito at may hatid iyong tuwa sa puso niya.

"Kanino ba galing ito?" Bulong niya ng umupo sa swivel chair. Hindi niya magawang hawakan ang bulaklak. "Akin ba talaga ito?"

Wala siyang maisip na taong posibleng nagbigay niyon kaya napilitan siyang tingnan ang maliit na card at binasa ang nakasulat doon.

"For the most beautiful lady in this company, Jercelle. Stay calm and be brave. I'm always here for you. Julan."

Napatawa siya ng mahina. Hindi niya inaasahan ang pagbibigay nito ng bulaklak.

"Ang kulit ng lalaking 'yon." Bulong niyang hinawakan ang bouquet at inamoy ang roses. "Ano kayang naisip at nagbigay nito?"

Bigla niyang naalala si Rexter. Ugali na kasi nitong magbigay ng bulaklak kahit walang occassion or special day. Kaya sumagi ito sa isip niya at biglang na-miss. Parang gusto tuloy niya itong yakapin.

"Nakakainis ka, Julan." Sabi niya sa sarili. "Dahil sa roses na ito ay gusto ko ngayong makapiling ang husband ko..."

Maingat niyang inilagay ang bouquet of roses sa table. Totoong nanabik siya sa presensya ng unang lalaking kanyang minahal. Her first boyfriend. Her late lovable husband. The sweetest man of her life.

"Sana... you're still alive, Rexter. How could I wish that we're still together until now?"

Totoong nalungkot siya. Nawala ang tuwang naramdaman niya kanina nanf makita ang bulaklak.

Napatingin siya sa kanyang cellphohe na nasa table nang mag-ring iyon. Agad niyang kinuha at tiningnan ang pangalan ng caller na nagpa-flash sa screen. Hindi siya nagkamali sa naisip na si Julan iyon. "Hello."

"Hi, Jercelle. How's your day?"

"Okay na sana kaya lang..." Humugot siya ng malalim na hininga. Hindi naman iyon nakaligtas sa pandinig ni Julan.

"A-anong problema, Jercelle?"

"The roses!"

"Hindi mo ba nagustuhan? Sorry. Binigyan kita dahil akala ko'y natutuwa ka. Masisiyahan. Jercelle, mali ba ako?"

"Natuwa naman ako, Julan. Thank you so much. Ngayon na lang uli ako nakatanggap ng roses mula ng mawala si Rexter. Kaya nga bigla ko siyang naalala. Na-miss. At... nalungkot ako."

"I'm sorry, Jercelle. So... p-paano? I mean, ayaw mo na bang makatanggap ng flowers?"

Hindi agad siya nakapagsalita dahil sa tanong ni Julan. Ayaw na nga ba niyang makatanggap muli ng mga bulaklak? 

"I don't want you to become sad, Jercelle. So, it's better for you not to receive flowers. I will never give you again. Promise."

Bigla siyang nakadama ng panghihinayang dahil sa sinabi nito. Sa kabilang banda, naisip niya na mabait talaga si Julan at kapakanan niya ang inaalala. Kaya nga hindi na daw ito magbibigay sa kanya ng bulaklak para hindi na sumagi sa isip niya si Rexter. Pero may tumutol sa isa pang bahagi ng utak niya.

"You deserve to be happy again, Jercelle. Don't be unfair to yourself. Wala na si Rexter at huwag kang pumayag na dahil sa mga alaala niya ay malungkot kang muli."

AGAD kinabahan si Jercelle nang makitang nagpa-flash sa screen ang pangalan ni yaya Sally. Emergency lang o may importante itong sasabihin kapag tumatawag. At dahil nga sa nangyaring pagdadala ni Salve kay Rexcelle na walang abiso ay iyon agad ang pumasok sa utak niya.

"Yaya?" Kabado man ay mabilis niyang sinagot ang call. "May problema ba?"

"Wala, ate."

Nakahinga siya ng maluwag. Mabuti na lang at mali ang naisip niya.

"Bakit napatawag ka?"

"Kasi po, narito 'yong lalaking kasama n'yo noong nawala si Rexcelle. Bricko daw po ang pangalan niya."

"Ha? B-bakit nariyan siya?"

"Dadalawin daw po kayong dalawa ni Rexcelle. Papapasukin ko po ba?"

"Huwag na muna, yaya. Hintayin na lang niya ako sa labas. Dala ba niya ang taxi?"

"Opo."

"Okay. Puwede namang do'n na muna siya sa taxi niya maghintay. Pauwi na rin naman ako."

"Sige po, ate."

"Bye, yaya. Ingat kayo d'yan. Salamat sa pagtawag."

Nang wala na ito sa kabilang linya ay pinindot niya ang end button sa screen ng cellphone niya. Napangiti siya. Ang totoo'y natuwa siya ng malamang bumisita si Bricko para kumustahin silang mag-ina. Naisip niya na totoo ang sinabi nitong nagmamalasakit sa kanya.

"Totoo nga kayang single pa ang Bricko na 'yon?" Tanong niya sa sarili. "May girlfriend na kaya siya?"

Nangalumbaba siya. Nakita niya sa isip ang hitsura ni Bricko. Guwapo ito. Maputi. Maganda ang pangangatawan at matangkad.

"Mukha rin siyang mabait." Sabi pa niya sa sarili. "Tipong mapagkakatiwalaan."

Iyon talaga ang naramdaman niya kaya noong unang nakita si Bricko ay hindi ito binalewala. Tinanggap niya ang inalok nitong pagtulong sa problema niya.

"Bakit kaya nagmalasakit sa akin si Bricko? Napakababaw namang dahilan na dahil lang nalaman niyang problemado ako ay naisipan niyang tumulong sa estranghera."

Lalong lumuwang ang pagkakangiti niya. Inalis niya ang pangangalumbaba.

"Hindi kaya nagandahan lang siya sa akin? Na-attract ba siya sa beauty ko?"

Sinapo niya ang magkabilang pisngi ng dalawang palad. Bigla siyang nahiya sa sarili ng magliwanag ang isip.

"Jercelle Frias, okay ka lang?" Sigaw ng utak niya. "Hello! Ano bang nangyayari sa 'yo at nag-isip ka ng ganyan?"

Namula siya. Pagkatapos niyang magpakawala ng impit na pagtili na bunga ng pagka-inis sa sarili ay naghanda na sa pag-uwi. Hindi niya gusto na parang intresado siya kay Bricko.

HINDI matukoy ni Jercelle kung ano ang totoong nararamdaman ng makita ang naghihintay na si Bricko. Nakatayo ito at nakasandal sa taxi na naka-park sa gilid ng kalsada.

"Nagtiyaga ngang maghintay." Nakangiti niyang bulong. "Paano ko siya iiwasan kung ganito?"

Nang makita siya nito ay ngiting-ngiti siyang sinalubong.

"Naglakad ka lang?"

"No need to ride in a tricycle." Natatawa niyang sagot. "One block lang naman ang bahay ko mula sa main street, na babaan ng jeep. Mas okay 'yong nai-exercise ako sa maikling lakarin."

"Kunsabay." Sumabay ito sa paglalakad niya. "Hindi ako sa office n'yo tumuloy kasi hindi ko alam ang oras ng uwi mo. Minabuti kong dito na lang sa bahay mo maghintay."

"Sorry kung naghintay ka sa labas. Itinawag sa akin ni yaya Sally na narito ka at ako talaga ang nagsabi na huwag kang papasukin. Pasens'ya na, ha."

"It's okay. Normal lang na mag-isip ka ng safeness dahil sa ginawa ni Salve."

Kunot-noo siyang napatingin dito. "K-kilala mo si Salve?"

"Ha?" 

Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha nito.

"Alam mo na ang name ng babaing nagdala kay Rexcelle?"

"O-oo. Nakausap namin siya noong pumasok ka sa bahay that day."

Napatango siya. "Siya nga si Salve. Kaibigan namin ng asawa ko dati. Bigla siyang nawala kaya hindi na namin nakasama ni Rexter. Tapos bigla siyang bumalik at itinakas pa niya ang anak ko."

"Kumusta si Rexcelle?"

"She's fine. Hindi naman niya alam 'yong nangyari. She thought that's a normal thing."

"Mabuti naman kung ganoon lang. Pangit kung magkakaroon siya ng maling isipin. Baka ma-trauma."

She pressed the doorbell when they reached the gate of her house.

"I thank God for that, Bricko. And I'm praying na sana'y huwag ng bumalik pa si Salve dito."

"Paano kung bumalik siya, Jercelle?"

Nanlaki ang mga matang napatingin siya kay Bricko. Gumapang ang takot sa buo niyang pagkatao.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY TWO

    "HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY ONE

    "PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY

    LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER NINETEEN

    "SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER EIGHTEEN

    NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER SEVENTEEN

    MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status