Compartir

CHAPTER THREE

Autor: Franz Valley
last update Fecha de publicación: 2020-07-29 16:10:00

PAGKABUKAS ni Jercelle ng gate ay agad na umupo at humagulhol na niyakap si Rexcelle. "Anak..."

"Mommy, bakit ka po iyak?" Buong ka-inosentehang tanong ng batang babae na gumanti ng yakap sa kanya. "Tigil po."

Eksaktong tiningala niya ang babaing nagdala sa anak nang hawakan ito sa braso ni Julan.

"Sino ka?" Galit nitong tanong. "Anong ginawa mo kay Rexcelle?""

"Bitiwan mo ako." Hindi nagawang bawiin ng babae ang sariling braso. "Wala akong ginawang masama sa bata!"

Tumayo siyang buhat-buhat si Rexcelle. Hinarap niya ang kumuha sa kanyang anak.

"Wala kang karapatang--"

Nakilala niya ito.

"S-Salve..?"

"Jercelle, I'm sorry."

Napalunok siya. Parang gustong sumabog ng ulo niya dahil sa hindi inaasahang makaharap ang babae.

"Bakit ka narito?" Umurong siya. Napahigpit ang pagkakabuhat niya kay Rexcelle. "Hindi maganda ang ginawa mo!"

"Kilala mo siya, Jercelle?" Binitiwan ni Julan ang braso ng babae. "Hindi na ba natin siya ipapupulis?"

"Please, Jercelle... 'wag mo akong ipapulis. Ipinasyal ko lang si Rexcelle. Maayos ko siyang ibinalik."

"Wala kang karapatang gawin 'yon! Alam mo bang sobra kaming nag-alala sa pagkawala ng anak ko? Ikamamatay ko ang ginawa mo..."

Muling humagulhol na niyakap niya si Rexcelle.

"Hindi ko alam kung paano mabuhay na wala si Rexcelle..."

"Ate," Nag-aalalang hinagod ni yaya Sally ang likod niya. "Huwag ka ng umiyak. S-sa akin na po muna si Rexcelle."

Umiling siya. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa buhat-buhat na anak.

"Mommy, 'wag ka na po iyak. Aray ko."

"Sorry, anak." Niluwagan niya ang pagkakayakap dito. Pinalis niya ang mga luha at pinigil ang pag-iyak. "Huwag mo kasi iiwan ang mommy, Rexcelle. Ayaw kong mawala ka sa akin, anak."

"Si Tita Salve po kasi..." Tumingin ito sa babae. "Isinama po niya ako. Sabi kakain kami sa Jollibee... hindi naman!"

"N-naisip ko kasi na baka magkagulo kaya iniuwi ko na si Rexcelle dito. Hindi na kami tumuloy. Jercelle, sorry talaga."

"Umalis ka na, Salve. Huwag ka nang babalik pa."

Tinalikuran niya ito at mabilis na humakbang papunta sa bahay. Sinalubong siya ni Bricko.

"Sino ang babaing 'yon, Jercelle. Bakit iniwan mo? Hindi mo ba siya ipakukulong sa ginawa niya?"

"Gusto ko na munang magpahinga kasama si Rexcelle. Bricko, umalis ka na. Salamat sa pagmamalasakit mo."

Nausal nito ang pangalan niya ng kanyang iwanan.

Dumiretso siya sa kuwarto at ini-lock ang pintuan. Ibinaba niya si Rexcelle sa kama at umupo sa tabi nito. Sinikap niya na huwag na muli pang umiyak.

"Mommy, bakit po?"

Napatingin siya rito ng ito ay magtanong.

"Anak, huwag ka na uling sasama kahit kanino, ha. Hindi gusto ni mommy 'yon. Nagwu-worry ako sa 'yo."

Yumakap ito sa kanya. "Sorry po, mommy. Hindi ko na po uuliting sumama sa tita Salve."

"Promise 'yan, ha, anak?"

"Opo, mommy."

Hinagod niya ang likod ng mas humigpit pa ang pagkakayakap sa kanya.

Naisip niya si Salve. Nakadama siya ng galit dito. At the same time... takot!

"Bakit bumalik siya?" Tanong ng isip niya. "Anong plano niyang gawin ngayon?"

Napaigtad siya ng may kumatok sa labas ng pintuan. Nang tumingin siya sa nakasarang dahon nito ay narinig niya ang boses ni Julan. Tinatawag siya nito.

Napilitan siyang tumayo at pinagbuksan ito ng pinto.

"Umalis na 'yong babae, Jercelle. Dapat ay ipinakulong mo siya..."

Umiling siya. Saka sinapo ang sariling noo. Ang totoo'y naguguluhan siya at hindi alam ang gagawin.

"Sa ngayon ay nagpapasalamat na lang ako at nasa akin na uli si Rexcelle. Julan, k-kilala ko si Salve kaya hinayaan ko muna siya. Ang importante sa akin ngayon ay si Rexcelle..."

Nakahiga na sa kama ang bata ng nilingon niya. Nang muling magsalita si Julan ay tiningnan niya ito.

"Puwede ko bang kausapin ang anak mo?"

"Julan, sorry. Gusto ko na munang magpahinga kasama ang anak ko. Bumalik ka na sa office. May trabaho ka pa."

"Okay ka na ba?"

Pinilit niyang ngumiti. Tumango. Hinawakan niya ito sa braso.

"Julan, thank you so much sa concern. Salamat sa pagpunta mo rito."

Nakangiti itong tumango. Saka hinawakan ang kamay niyang nasa braso nito.

"Handa akong tulungan ka, Jercelle. Tawagan mo lang ako kapag may problema at gagawin ko ang magagawa ko para sa inyo ng anak mo."

"Salamat. Napaka-suwerte ko sa pagkakaroon ng kaibigang tulad mo."

He nodded.

"Anyway, I have to go. Babalik na muna ako sa office. Ingat kayo dito, ha."

Tango ang itinugon niya habang ngiting-ngiti.

NANG makapasok sina Julan at yaya Sally sa bahay ni Jercelle ay mabilis na lumabas sa bakuran si Bricko. Hinabol niya si Salve na hindi pa nakakalayo sa paglalakad.

"Salve." Hinawakan niya ito sa braso. "Sandali lang..."

Gulat itong napalingon sa kanya na nanlalaki ang mga mata.

"B-Bricko..?" Nakilala siya nito. "Anong ginagawa mo rito?"

"Kumusta ka na?"

"Ito..." Ikinibit nito ang mga balikat.

Nakita niya ang lungkot sa mukha ng babae. Agad siyang naawa dahil doon. Ewan kung bakit naramdaman niya na hindi maayos ang buhay nito.

"Saan ka ba nakatira ngayon, Salve? May asawa ka na ba?"

Umiling ito at pagak na tumawa. Saka ibinagsak ang dalawang kamay.

"Ang daming nangyari sa buhay ko, Bricko. Magulo. Aaminin ko... hindi ako naging masaya."

"I'm sorry. Ikinalulungkot ko rin kung anong nangyari sa buhay mo. Pero sana... sana'y huwag mong gawing mas kumplikado ito."

"Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko, Bricko." Pagak itong tumawa at tuwid na tumingin sa kanyang mga mata. "Wala kang alam..."

"Oo. Pero nalaman ko ang hindi magandang ginawa mo ngayon. Iyon ang isyu ngayon."

"Ano bang sinasabi mo, Bricko?"

"Hindi mo dapat kinidnap ang anak ni Jercelle!"

"Kidnap? Bricko, wala akong kinidnap."

"Nasa bahay ako ni Jercelle kanina. Hindi mo pala ako nakita..."

Nangunot ang noo nito. Nagtatanong ang mga mata. Hindi man ito nagsalita ay alam niyang humihingi ng paliwanag.

"Problemado kanina si Jercelle ng sumakay sa taxi ko. Umiiyak dahil nawawala ang anak niya. Naawa ako kaya nag-offer ako ng tulong dahil nalaman ko na biyuda na siya at walang katuwang sa hinaharap na problema. Sinamahan ko siya d'yan sa bahay niya at nakita ko nga na isinauli mo ang bata."

"Hindi ko kinidnap ang bata. Nakita mo, di ba? Isinauli ko siya."

"Okay. Hindi mo siya kinidnap pero bakit mo siya dinala na walang paalam? Itinakas mo ang anak ni Jercelle sa yaya niya!"

Iniiwas ni Salve ang mga mata sa kanya. "May personal akong rason kung bakit..."

Nasapo niya ang sariling noo. Gusto pa sana niyang magtanong pero naisip niyang wala siyang karapatang manghimasok sa buhay nito.

"Kilala mo na pala si Jercelle."

"Kanina lang. At hindi ko ipinaalam sa kanya na kilala kita."

Kunot-noo itong tumingin sa kanya. "Natakot kang madamay sa ginawa ko?"

Umiling siya. "Matagal kitang hindi nakita, Salve. Marami na akong hindi alam sa buhay mo kaya kahit namukhaan kita kanina ay nagkunwari akong hindi kita kilala."

"Lumayo ka na, Bricko. Baka may makakita pa sa 'yo at makarating kay Jercelle na kilala mo ako."

"May taxi ako. Kung gusto mo'y ihatid na kita pauwi."

"Seryoso ka?"

"Marami tayong pag-uusapan, Salve. Kung okay lang sa 'yo..."

NARAMDAMAN ni Jercelle ang paglabas ni yaya Sally sa kuwarto kaya tiningnan niya ito.

"Tulog na si Rexcelle, yaya?"

"Opo, ate." Lumapit ito sa kanya at umupo sa one seater sofa na nasa kaliwang side ng kinauupuan niyang three seater sa salas. "Hindi pa po kayo matutulog?"

Nginitian niya ito. "Ang totoo'y hindi ako makatulog, yaya..."

"Hindi pa rin po maalis sa isip n'yo ang nangyari kanina?"

Ini-off niya ang television. Saka ipinatong ang remote control sa ibabaw ng center table.

"Nagugulo ang isip ko, yaya. Natatakot ako!"

"Sino po ba ang Salve na 'yon? Bakit hinayaan n'yo na lang siya kanina? Maling-mali po ang ginawa niya kaya dapat niyang panagutan!"

"Malaki ang kaugnayan ni Salve sa buhay namin ni Rexter, yaya. Kaya nga naguguluhan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko."

"Gano'n ho ba siya ka-importante? Ate, baka ho ulitin niya ang ginawa kanina."

Nagsalubong ang mga kilay niya. Bagama't naiisip na niya ang bagay na iyon ay nakadama siya ng galit ng marinig mula sa tagapag-alaga.

A, paano nga ba kung umulit si Salve? Kailangan pa ba niyang isaalang-alang ang kaugnayan nito sa kanila ng namayapang asawa?

"Hindi! Hindi na ako papayag na gawin pa niya 'yon!"

"Ate, paano kung bumalik siya rito at kuhanin uli si Rexcelle?"

"Huwag na huwag mong ibibigay sa kanya ang anak ko, yaya. Ngayong kilala mo na si Salve ay umiwas ka. Huwag mo siyang papapasukin kahit sa bakuran."

"Hindi ko naman siya pinapasok kanina, ate. Tiyempong nasa labas kami ng alaga ko ng dumating siya..."

"Bakit sumama sa kanya si Rexcelle gayong kanina lang sila nagkita?"

"Ang bait ho kasi ng dating ni Salve, ate. Kahit nga ho ako tiwala agad. 'Yon pala ay may gusto siyang gawin."

"Kaya nga mag-ingat ka sa kanya, yaya. Kung maari ay huwag na kayong magtitigil ni Rexcelle sa labas."

Bumuntung-hininga ito. "Bakit parang giliw na giliw siya kay Rexcelle, ate?"

Iniiwas niya ang tingin kay yaya Sally. Hindi niya alam kung ano ang itutugon dito.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY TWO

    "HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY ONE

    "PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY

    LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER NINETEEN

    "SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER EIGHTEEN

    NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER SEVENTEEN

    MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status