LOGIN"SI Jercelle ba 'yon?" Naitanong ni Julan sa sarili nang makita niya ang isang babaing nagmamadaling lumabas sa elevator. Galing siya sa production department at tapos na siyang mag-inspect bilang department manager. "Aalis siya gayong office hour pa..."
Sinundan niya ito ng tingin hanggang makarating sa lobby ng gusali ng manufacturing company na pinagtatrabahuhan nila.
Nangunot ang noo niya ng matiyak na si Jercelle nga iyon. Nagdudumali niyang sinundan ito para kausapin pero hindi na nangyari. Sumakay na ito sa isang taxi.
"Saan siya pupunta?" Nagtataka pa ring tanong niya sa sarili. "Nagmamadali!"
Naisipan niyang tanungin ang accounting manager kaya kinuha mula sa bulsa ng pantalon ang sariling cellphone at tiwagan ito.
"What?" Gulat niyang nasabi ng marinig ang rason kung bakit umalis ng wala sa oras si Jercelle. "Is that true, Jean?"
"She won't leave her work just because of simple matter. Teary eyes si Jercelle ng magpaalam kaya pinayagan ko. Her reason is a matter of life and death."
Kinabahan siya para sa babaing itinuring na niyang special. Sobrang seryoso ng kinakaharap nitong problema. Tama ang kausap niya... It's a matter of life and death.Buhay ng anak ni Jercelle ang nakataya dito!
Nang pinindot niya ang end button sa screen ng kanyang cellphone ay nagdesisyon siya. Susundan niya si Jercelle. Iiwan niya ang trabaho para puntahan ito sa bahay at alalayan sa mabigat na problema.
Jercelle needs companion and he is willing to be. Ngayong may mabigat na problema ay ipakikita niya ang concern sa pinahahalagahang babae. Gagawin niya ang lahat ng magagawa hanggang sa maramdaman nito ang pagpapahalagang iyon.
"Sana nga... Sana nga..."
Habang nagmamaneho siya papunta sa bahay ni Jercelle ay hindi niya maiwasang mag-isip. Sino nga ba ang kumuha sa anak nito? Is it a case of kidnapping? Did the kidnapper found Jercelle a wealthy one and can pay million of peso for the ransom?
"Kawawa naman si Rexcelle. Hindi madaling makahagilap ng pambayad ang mommy niya para sa ramsom. Gaano siya katagal mamamalagi sa kamay ng kidnapper niya?"
Mula ng maging officemate niya si Jercelle at naging malapit dito ay naging open siya sa bahay nito. Naging close na siya kay Rexcelle at naging malambing sa kanya ang bata. Madalas na itong nag-aaya na kumain sa paboritong kainan at iyon na ang nagiging bonding niya sa mag-ina.
Ang totoo, may special feelings siya kay Jercelle. Pero hindi pa niya inaamin ang totoo. He just acting like a close friend and she treated him the same. Kaya nga wala siyang lakas ng loob na aminin ang totoong damdamin. Natatakot kasi siyang magalit ito at iwasan siya.
Pero umaasa siya na darating din ang panahon na mahuhulog ang loob ni Jercelle sa kanya dahil sa maganda niyang pagtrato sa mga ito.
Inihinto niya ang kotse sa tapat ng nakasaradong gate ng bahay ni Jercelle. Bumaba siya at sinilip ang nakasarado ding bahay.
"Parang walang tao. Nasaan na kaya sina Jercelle at yaya Sally?"
Bumuntung-hininga siya at ipinihit ang katawan. Ipinamulsa niya ang dalawang kamay at pinayapa ang sarili. Hindi niya naiwasang mag-isip ng kung anu-ano.
"Wala sanang masamang mangyari. Sana'y maging matatag si Jercelle alang-alang kay Rexcelle..."
Napatingin siya sa paparating na taxi. Hindi pa man nakikita ay naisip niya na ang hinihintay ang sakay niyon.
Napangiti siya nang huminto ang pampasaherong sasakyan sa likod ng nakahimpil niyang kotse.
"Jercelle," Naibulong niya nang matanaw sa loob ng taxi ang babae. "Ngayon palang pala siya nakauwi..."
Agad na napawi ang kanyang ngiti nang bumaba sa taxi ang driver. Nangunot ang noo niya nang magtungo ito sa may passenger seat at binuksan ang pinto niyon.
"What the hell?" Naibulong niya ng alalayan nito si Jercelle sa pagbaba. "Who's he?"
Nagtiim ang mga bagang niya ng makaramdam siya ng kirot sa puso.
NAAASIWA man ay ipinatong na ni Jercelle ang kamay sa inilahad na palad ni Bricko para alalayan siya sa pagbaba sa taxi nito.
"Thanks." Sabi niyang iniiwas ang mga mata dito. Agad namang nahagip ng paningin niya ang lalaking nakatayo sa may gate ng bahay niya. "J-Julan..?"
Agad na nangilid ang mga luha niya. At iyon ay bunga ng tuwa dahil tiyak niyang narito ito para magmalasakit sa kanya.
"Excuse me." Iniwan niya si Bricko at dali-daling lumapit sa kaibigan. "Julan, si Rexcelle..."
Bigla nitong iniangat ang mga kamay at niyakap siya. Tuluyan na siyang napaiyak kaya isinubsob sa dibdib nito ang mukha.
"Relax." Sabi ni Julan na hinagod ang likod niya. "Huwag kang masyadong mag-isip. Rexcelle is okay. We will find her."
"But how? Julan, ni wala akong gatiting na idea kung sino ang kumuha sa anak ko. Hindi ko alam kung saan magsisimulang hanapin siya."
"Kailangan nating makausap si yaya Sally..."
Tiningala niya ito.
"S-si yaya Sally..."
Nang lumuwag ang pagkakayakap nito ay inilayo niya ang katawan hanggang magkaroon na sila ng distansya.
"Hindi mo pa ba siya nakakausap, Julan?"
Umiling ito na hindi sa kanya nakatingin. Napalingon siya. Nausal niya ang pangalan ni Bricko ng makita ito sa likuran niya. Dito pala nakaukol ang mga mata ni Julan. Dahil ngayon din lang nito nakita ang isa pang nagmamalasakit ay nagtatanong ang mga mata.
"Julan, si Bricko. Nang malaman niya ang problema ko ay nag-offer siya ng tulong."
Sa kanya tumingin si Julan. "Akala ko'y walang tao sa loob ng bahay mo, Jercelle. Hindi na ako nag-doorbell. I thought, you went to the police station with yaya Sally to report the problem."
"Kararating ko lang..."
Iniwan niya ito at nagtungo siya sa may doorbell. She pressed it to call the attention of Rexcelle's nanny.
"Ano ba daw nangyari?" Tanong ni Julan na nakatayo na sa likuran niya. "Ano bang sabi niya kanina habang kausap mo sa cellphone?"
"Sana lang ay namukhaan niya ang kidnapper." Sabat ni Bricko na nasa likuran ni Julan. "Mag-report na kaya tayo sa presinto."
Kitang-kita niya ang inis sa mukha ni Julan ng harapin si Bricko. "Agad-agad? Pare, we need to talk the yaya first. We don't know yet the whole story."
"Galit ka?"
"Mapapel ka kasi."
Pagak na tumawa si Bricko. "Ano bang sinasabi mo? Hindi ako pumapapel. Gusto ko lang tumulong kay Jercelle."
"Bakit? Sino ka ba?"
"Julan," Hinawakan niya ito sa braso. "Be calm..."
"Sorry, Jercelle." Dinuro nito si Bricko. "Ito kasi, e."
Tinapik ni Bricko ang nakaturong kamay ni Julan. "Huwag mo akong duruin, pare."
"Aba't..!"
Agad siyang pumagitna sa dalawa dahil umastang uupakan ni Julan si Bricko. 'Tumigil nga kayo. Julan, ano ba?"
"Boyfriend mo ba ang mayabang na 'yan, Jercelle? Ang yabang maka-asta!"
"Bricko, Julan is my friend. A bestfriend."
Pagak na namang tumawa si Bricko. "Kaibigan lang pala, e. Bakit selos na selos?"
"Selos?" Pagak ding tumawa si Julan. "Hindi gaya mo lang ang pagseselosan ko, pare."
"Tumigil nga kayo! Pati ba naman kayong dalawa ay puproblemahin ko?"
"Jercelle, sorry." Duweto ng dalawang lalaki. Sabay itong humarap sa kanya.
Magsasalita pa sana siya para sermunan ang mga ito pero dumating si yaya Sally. Luhaan ito habang binubuksan ang gate.
"Yaya..."
PINIGILAN ni Bricko ang bumangong inis paukol kay Julan. Hindi maganda na magpakita siya ng magaspang na ugali kay Jercelle. Totoo ang paghangang naramdaman niya rito kaya ayaw niyang masira. Gusto niyang seryosohin ang naisip na ito na ang kanyang destiny kaya may plano na siyang suyuin ito. Kaya sasamantalahin niya ang pagkakataong kailangan nito ang tulong sa mabigat na problema.
"I'll be on her side." Sa isip-isip niya. "Walang makakapigil!"
Nang tiningnan niya si Julan ay gusot ang mukha nito. Ramdam niya ang pagkainis nito sa kanyang presensiya.
"Bad trip ka, man?" Lihim siyang natatawa sa naiisip na iyon. "Ipanalangin mo na hindi tayo magkasabay sa pagdalaw kay Jercelle para hindi masira ang araw mo?"
Kaibigan lang ang turing ni Jercelle kay Julan pero sure siya na may lihim itong pagkagusto sa biyuda. Kaya ito nagmamalasakit ay dahil higit pa sa pagiging kaibigan ang turing at hindi makaamin.
"Kung mahal mo si Jercelle at may plano ka ring ligawan siya... uunahan na kita." Sigaw na naman ng isip niya. "Watch out, man!"
Sumunod siya sa mga ito sa pagpunta sa main door ng bahay ni Jercelle.
"Tingin ko'y mahihirapan kang magtapat ng totoo mong saloobin dahil magkaibigan kayo ni Jercelle. Eh, ako? He-he-he. Magiging honest agad ako at sisimulan ko na ang manuyo..."
"Tao po!"
Nasa harap na sila ng pintuan ng bahay ni Jercelle nang marinig nila ang malakas na boses na iyon ng isang babae. Mula iyon sa labas ng gate kaya sabay-sabay silang napalingon.
"Ate, siya ang kumuha kay Rancelle!" Sigaw ni yaya Sally ng mamukhaan ang dumating. "Kasama niya ang alaga ko, o!"
"Anak ko!" Sigaw ni Jercelle na nagtatakbo patungo sa nakasarang gate para lapitan ang anak. "Thank God, narito ka na!"
Magkasabay na sumunod sina yaya Sally at Julan. Samantalang natilihan siya at nanatiling nakatayo. Nanlalaki ang mga mata niyang napatitig sa babaing may dala sa anak ni Jercelle. Namukhaan niya ito.
"S-Salve?" Bulong niya. "Si Salve ang kidnapper?"
"HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P
"PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-
LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho
"SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka
NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi
MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K