INICIAR SESIÓNNANGINIG ang kalamnan ni Jercelle matapos marinig ang masamang balita mula sa umiiyak na si yaya Sally.
May babae daw na kumuha sa kanyang anak!
Napahigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone. Kasabay ang pangingilid ng kanyang mga luha. Ang bilis ng kabog ng kanyang dibdib.
Nasaan na si Rexcelle?
Sino ang babaing kumuha dito?
Pangahas!
"A-ang anak ko..."
"Ate, sorry po talaga." Lalo pang lumakas ang pag-iyak sa kabilang linya ng matandang dalagang tagapag-alaga ng anak niya. "Hindi ko naman po alam na dadalhin niya si Rexcelle kaya nagtiwala akong hawakan niya ang alaga ko. Pero nalingat lang po ako ay nawala na sila!"
"Yaya, uuwi ako." Sabi niyang pinatatag ang loob. Hindi niya hinayaang pumatak ang mga luha niya. "Huwag kang aalis. D'yan ka lang sa bahay!"
"Opo, ate. Ingat po kayo."
"Bye."
Nanginginig ang kamay na pinindot niya ang cellphone. Saglit siyang napatingin sa kawalan bago kumilos. Nang mailagay niya sa handbag ang gadget ay tumayo. Saka mabilis na iniwan ang sariling cubicle sa accounting department ng pinagtatrabahuhang company. Dumiretso siya sa office ng manager nila at nagpaalam.
Nang payagan siya nito ay halos tumakbo na siya palabas ng gusali.
"Lord, Ikaw na po ang bahala. Please po, huwag Mong hayaang mawala sa akin ang anak ko."
AGAD napansin ni Bricko ang isang babae na nakatayo sa may lobby ng gusali, na pinaghatiran niya sa kanyang pasahero.
"Sexy, a." Naibulong niya. "Ang puti. Sana sumakay ng taxi..."
Habang mabagal niyang pinauusad ang ipinapasadang sariling taxi ay nakatutok pa rin ang mga mata niya sa estranghera. Sa isip ay umuusal siya ng panalangin na sana ay sumakay ito. Kaya naman napangiti siya ng ito ay pumara.
"Yes!" Bulong niya. "Sana siya na ang destiny ko..."
Hinintuan niya ito. Buo talaga ang pag-asam niya na ito na ang kapalaran niya. Big sign na nga sana na nangyari ang naisip niya at ipinanalangin na sumakay ito sa kanya.
Wow! Ito ang unang pagkakataon na nangyari sa kanya ang ganito. Ang totoo'y pihikan siya pagdating sa babae pero ngayon ay agad siyang humanga. Kakaiba ito!
A, bakit nga ba nakita lang niya ito ay umasam na siya na ito ang destiny niya? Dahil ba ito talaga ang nakalaan? Dito ba magsisimula ang pag-ibig para sa kanya?
"Puwede." Bulong niya sa sarili ng matitigan ang babaing sumakay sa likurang upuan ng taxi niya. "Mas maganda sa malapitan."
Nangunot ang noo niya ng mapansin ang kakaiba sa aura nito.
"Parang problematic..."
HINDI na napigilan ni Jercelle ang umiyak pagkaupo niya sa passenger seat ng taxi. Natalo na siya ng takot at pag-aalala kay Rexcelle.
Apat na taon na niya itong kasama at lalo pa niyang minahal nang mamatay si Rexter. Sabihin pa'y ito ang naging daan para mapawi ang sakit sa pagkawala ng asawa niya. Ito ang nagbigay sa kanya ng kaligayahan at bagong pag-asa kaya siya nabubuhay ngayon ng normal kahit isang taon na siyang biyuda.
Hindi niya alam kung paano pa siya mabubuhay kapag tuluyan din itong nawala sa kanya ngayon.
"Miss, saan po tayo?"
She swiped her tears by her palm when she heard the voice of the taxi driver. She answered him without poise and continuously swipes her tears.
"Tissue."
Humugot siya ng ilang pirasong tissue mula sa kahong iniabot nito.
"Thanks..."
Bigla siyang nahiya. Bakit ba hindi man lang niya kinuha ang panyo sa handbag para ipamunas sa mga luha?
"Mukhang napakalaki ng problema, a. Pasensya na pero hindi ko maiwasang mag-usisa dahil sa reaction mo."
Matapos niyang punasan ang basang pisngi gamit ang tissue ay tiningnan niya ito. Hindi man buo ay nakita niya sa overhead mirror ng sasakyan ang mukha nito.
Guwapo. Mukhang mapagkakatiwalaan.
Mabilis niyang iniukol sa kanan ang mga mata nang tumingin din ito sa kanya sa maliit na salamin.
"Huwag mo sanang ikagalit pero gusto ko sanang malaman ang problema mo. Baka sakaling makatulong ako."
Muli siyang napatingin sa overhead mirror. Nagkatinginan sila. Bahagya itong yumukod na nakangiti. Hindi siya ngumiti pero tumango. Ang totoo'y agad niyang naramdamang magaan ang loob niya rito. Hindi ito ang tipo ng tao na iiwasan mo o babalewalain, lalo at ngayon lang ito nakita.
"I'm Bricko Aguilar from Valenzuela city. Isang simpleng taxi owner na binata pa rin at the age of thirty. Hindi ko aamining guwapo ako pero iyon ang totoo. Magmumukha akong hambog kung sasabihin kong mabait ako at maunawain pero iyon talaga ako."
Napatawa siya ng mahina. Hindi siya sigurado kung nagdu-joke ito pero natawa siya. Para sa kanya ay hindi ito nagyayabang at nagsabi lang ng totoo.
"Hindi ako nagbuhat ng sariling bangko, ha. Nag-joke lang ako para mapangiti ka. Para kahit paano ay hindi ka tuluyang mahulog sa problemang dala-dala mo. At sa tingin ko naman ay hindi ako nabigo. Tumawa ka. Mahina pero narinig ko."
Tumango siya. Nagpasalamat. Napigilan nga nito kahit paano na tuluyan siyang mahulog sa pinuproblema.
"Sorry. Hindi ko napigilang umiyak. Natatakot kasi ako... nag-aalala. Nawawala kasi ang anak ko. Ang sabi ng yaya niya ay kinuha daw ng isang babae..."
Muli siyang nag-worry kay Rexcelle. Naisip na naman niya kung nasaan na ito ngayon. Huwag naman sana pero baka tuluyan na itong mawala sa kanya.
"My God! Sino ba ang kumuha sa anak ko? Bakit?"
Napaiyak siya.
"Hindi ko kakayanin kung mawawala ang anak ko..."
Nanahimik ang lalaking kanina lang ay kausap niya. Nakatuon na ang attention nito sa pagmamaneho.
PANGHIHINAYANG ang agad na naramdaman ni Bricko ng nalaman niyang may anak na ang babaing naisip niyang destiny niya. Nalungkot siya dahil maling-mali pala iyon.
She's a mother. A woman with a child. Meaning, she's already taken.
Napabuntung-hininga siya. Ayaw niyang isipin pero umukilkil sa utak niya ang status ng estrangherang pasahero. May anak na ito kaya tiyak na may asawa na. Committed na. She's in a relationship with anyone else, na siguradong mahal nito.
Ang saklap naman!
Kung kailang nakadama siya ng paghanga sa isang babae sa una palang kita ay sa isa pang hindi na malaya.
Sayang!
Bigla tuloy niya naisip na sana'y hindi na niya ito isinakay.
"Bricko..."
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang pagtawag nito sa kanya. Lihim siyang natuwa dahil natandaan nito ang pangalan niya.
"Pakibilisan mo para makauwi na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko."
"Okay... okay..."
Mas binilisan niya ang pagpapatakbo sa sasakyan. Kailangan niyang tumulong. Hindi dahil sa paghanga niya dito kundi bilang tao.
"Huwag kang masyadong mag-panic at baka kung mapaano ka pa... m-misis?"
Parang gustong umurong ng dila niya sa pagbigkas ng huling salita. Ayaw niyang tanggapin ang katotohanang misis na ito. But he needs to accept the truth and ignore his feelings.
"Umayos ka nga, Bricko, for God's sake!" Sumbat ng isang bahagi ng utak niya. "Seryosohin mo ba ang paghangang naramdaman mo ng daglian?"
Ipinilig niya ang ulo. Ayaw niyang lumala pa ang isiping iyon.
"I'm Jercelle. Jercelle Frias. Pasensya ka na sa akin."
My God! Kumpirmadong may asawa na nga ito. Siya si Mrs. Jercelle Frias. Take note, Mr. Bricko Aguilar.
Tumikhim siya bago nagtanong.
"Alam na ba ng mister mo ang nangyari? Tawagan mo siya, Jercelle."
Umiling ito. Kahit sa overhead mirror lang niya ito tiningnan ay kitang-kita niya ang pagpatak ng mga luha. Lalo siyang nakadama ng awa dito. Kaya naman nainis na siya sa sarili dahil nagpapa-apekto siya.
"Kailangan mo ng katuwang. Hindi ikaw lang ang dapat mag-worry ng ganyan."
"Hindi ko alam kung bakit ngayon pa nangyari ang ganito. Kung kailang wala na ang asawa ko ay saka pa nagkaroon ng ganitong problema!"
"N-nasaan ang asawa mo, Jercelle?"
"Rexter is already dead. It's so sad but I'm a widow for almost one year."
"B-biyuda ka na?" Lihim siyang nakadama ng tuwa. Dahil sa nalamang wala na pala itong asawa ay naisip niyang malaya na ito. Mayroon man itong anak pero wala na ng lalaking nagmamay-ari dito. Puwede siyang magkapuwang sa buhay nito.
"My husband is a bank manager. Papasok na siya sa work ng umagang iyon nang mabangga ng isang bus ang kotse niya..."
Nagtiim ang mga bagang niya nang magka-sound ang pag-iyak nito. Parang kumirot ang puso niya sa bigla nitong pagdadalamhati na bunga ng pagbabalik-alaala sa kamatayan ng asawa.
"Si Rexcelle ang naiwang kasama ko at siya ang nagbigay sa akin ng bagong pag-asa. Tapos ngayon..."
Sinapo ni Jercelle ang sariling dibdib.
"Jercelle, relax." Lalo siyang nag-alala dito. "Kung hindi mo mamasamain... I will be in your side. Willing akong samahan ka at tulungan."
"P-pardon..?"
"Oo, Jercelle. Hindi muna ako aalis para samahan ka. Kung may maitutulong ako ay hindi ko iyon ipagdaramot."
"Bricko..?"
Kitang-kita niya ang pagkagulat sa magandang mukha ni Jercelle nang lingunin ito.
"HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P
"PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-
LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho
"SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka
NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi
MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K