LOGINCold Compress
Mabilis lumipas ang mga araw sa biyernas na, ang pinakahihintay kong araw. Nakatambay ako sa garden ng school kung saan ako mahilig tumambay. Lunch time at naisipang hindi kumain ng lunch dahil maaga ang labas naming ngayon. Sa labas nalang ako kakain mamaya.
Nag re-review ako sa isang subject na may long quiz kami. May isang oras pa ako para makapag-aral. Nasaulo ko na 'to kahapon at kailangan ko nalang basahin ng basahin para hindi ko makalimutan.
Sumala noong araw na iyon ay hindi na ako pumasok ng maaga. Minsan ay pag napapaaga ang pasok nila Valene at Vernon ay hindi na ako sumasabay at pinapauna ko na silang dalawa.
Nagtataka pa si Valene kung bakit gusto ko magpa-late ng pasok. Nagdadahilan nalang ako na ayos lang malate dahil wala naman gagawin sa first subject na ang katunayan naman ay meron kaming gagawin.
Tatlong araw na akong late lagi sa first subject naming. Minsan pagpapasok na ako ay nagsisimula na ang klase o kaya naman ay may ginagawa na sila. Buti nalang at mabait ang adviser namin.
Iba ang init ngayon. Pinagpapawisan ako kahit na nagpa-paypay na ako. Inayos ko na ang mga gamit ko at nagpasyang sa room nalang mag-aral. Dumaan muna ako sa canteen para bumili ng candy at tubig.
Habang pumipili ako ng bibilhin ko ay may narinig ako na may nag aaway daw sa corridor ng grade 10. Hindi ko nalang pinansin baka mga walang kwentang bagay lang ang pinagaawayan nila na madalas nilang gawin.
Paakyat na ako at naririnig ko na ang sigawan nila. Dapat pala tumambay muna ako sa canteen dahil mukhang hindi pa sila tapos mag-away. Tsk. Wala bang nagsusumbong?
Nang tuluyan na akong naka-akyat at laking gulat ko nalang kung sino ang nag-aaway. It's Nico and Vernon. Anong ginagawa ng isang 'yan ditto, sa baba ang room niyan!
Ang mga estudyante na nakapaligid sa kanila ay kinakantyawan pa sila. Napailing nalang ako at lumapit sa kanila. Hinila ko ang damit ni Vernon habang nakikipag-titigan kay Nico galit na nakatingin sa kaniya.
"Ver, tama na 'yan!" gigil na bulong ko sa kaniya. Pero hindi pa rin siya natinag, tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa kaniya. Akala ko susuntukin na naman niya si Nico pero umamba lang naman. Yabang!
"Ang yabang mong lalaki ka! Hindi pa naman kayo ni Bethany!" galit na sigaw ni Vernon.
What? Bethany again?
Humalakhak si Nico. "Ha-ha inggit ka? Kasi lagi kaming magkasama? Mag-aral ka nalang, Tutoy." Asar niya pa.
Hindi ko napigilan si Vernon dahil sa bilis niya. Nasuntok na niya agad si Nico.
"Vernon!" sigaw ko na ng masuntok na niya si Nico. Marahas ko siyang hinila at tumingin sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi siya natinag at tinignan na naman si Nico.
Pasaway talaga!
"Gago ka!" susuntukin na san ani Nico pero...
"Stop!" sigaw ako at humarang ako.
"Ate!" narinig kong sigaw ni Vernon ng bumagsak ako sa sahig dahil sa akin tumama ang suntok ni Nico.
Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sakit. Nakita kong may dugo sa kamay sa kamay ko. Nanginig ako bigla. Nakatulala ako roon habang ang ibang estudyante ay nag-iingay.
Nadamay pa nga!
"Gago ka!" narinig ko pang sigaw ni Vernon kay Nico bago niya ako daluhan. Hinawakan niya ang braso ko para tulungan tumayo. Parehas kayong gago!
"Ayos ka lang, Ate Wyn?" what a stupid question!
Masama ko siyang tinignan. "Oo!" I sarcastically said. Ang tanga naman ng pinsan kong 'to. Hindi ko nalang sana siya pinakaelaman.
Sana hinayaan ko nalang siya. Hindi naman ako ang masasaktan sana at dapat ay siya!
Aalis na sana ako ng dumating ang isang SSG. I think he's the vice president. He has a big thick eye glases ay may hawak na clip board. Ang galit na inis na nararamdaman ko kanina ay nadagdagan ng kaba.
Patay damay na nga ata ako. But I'm a victim here! I'm trying to stop them earlier.
"What is the commosion all about?" maotoridad niyang tanong at isa isa kaming tinignan. Ang mga estudyante na kanina pa nanunuod ng away ay saka palang umalis at pumasok na sa kani-kanilang room.
"Why Ms. Guzman's nose is bleeding? Did you two punch her?" what? Kilala niya ako? He's a senior high student at hindi naman ako sikat sa school kaya paano niya nalaman ang surname ko?
"Woah easy, De Vera, I'm her causin I can't do that to her." Mayabang pa siyang lumingon kay Nico.
"Is that so?" tanong niya pa at tumingin sa akin, tumango ako. "Sumama kayo sa headquarters at doon kayo magpaliwanag," mariin niyang sabi at saka kami nilagpasan.
Inabutan ako ng panyo ni Vernon at agad ko na hinawi ang kamay niya at kinuha ang sarili kong panyo sa bulsa ko.
"Sorry, Ate," sabi pa niya pero hindi ko na pinansin at naglakad na pababa ng hagdan para makapunta sa headquarters.
Narinig ko pang tumawa si Nico. Baliw ba ang isang 'yon? Hindi maalam mag sorry? He's being immature mas bata sa kaniya si Vernon pero pinatulan niya pa.
Habang naglalakad ako ay nakahawak ako sa kaliwang pisngi ko dahil sa sakit. Ramdam ko na pagpapasa ang iyon. Dumaan muna ako sa banyo para makapaghilamos at matanggal ang dugo na galling sa ilong. Ang hina naman manuntok hindi ako napaiyak.
Paglabas ko ng banyo ay napaatras ako dahil sumalubong sa akin si Nico na nakasandal sa dingding habang nakatulala. Nang makita niya ako ay agad siyang napaayos ng taya. Hindi ko siya pinansin at lalagpasan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko dahilan ng mapatigil ako.
"What?" walang emosyon kong tanong.
Hindi siya nagsalita at tumitig lang siya sa akin. Napabuntong hininga ako at tinanggal ang kamay niya sa braso ko. Tatalikod na sana ako ng magsalita na siya.
"Wait," pigil niya.
Iritado ko siya tinignan. "Ano? Tara na sa HQ kung ayaw mo malate mamaya!" saka ko siya tinalikuran. Nagmamadali akong naglakad para hindi niya ako maabutan.
Pagpasok ko sa HQ ay parang ginigisa na si Vernon na nakaupo roon. Agad na umayos ng upo ang SSG vice president ng makita niya ako. Umupo ako sa katabing upuan ni Vernon. Hindi nagtagal ay sumunod ng pumasok si Nico. Naupo siya sa katapat na upuan ni Vernon.
Matalim silang nagtitigang dalawa. Tumikhin ang vice president kaya natigil silang dalawa.
"As Mr. Inigo said, pinag-aawayan niyo raw si Bethany? Whose Bethany is this?" kunot noong tanong nito.
Ang haba kasi ng hair ni Bethany pinag-aagawan ng dalawang ito. Prenteng nakaupo lang si Nico at si Vernon lang ang nagsasalita. Walang balak magpaliwanag?
Ako naman ay nakikinig lang kay Vernon na nagpapaliwanag kung paano nagsimula ang pag-aaway nila. Napailing nalang sa dahilan nila.
Nakabungguan raw ang dalawa at doon na sila nagkomprontahan ng tungkol kay Bethany. Kamusta kaya si Bethany na walang kaalam alam na pinag-aawayan na siya ng dalawang 'to. Ang babata pa naman nila para seryosohin ang mga ganoong bagay. Akala naman nila mauubusan sila ng babae diyan.
"Alright. Ms. Guzman, paano ka nadamay gayong si Bethany naman pala ang pinag-aawayan nilang dalawa?" tanong niya habang nakataas ang kilay niya sa akin. Kinabahan ako sa dahil sa pagtatanong niya. Hindi ako nababahala sa tanong pero 'yong paraan niya ng pagtatanong ako kinakabahan
Bumuntong hininga ako. "I tried to stop them from fighting. Kasi naman ang daming estudyanteng nakapaligid pero walang nangahas na pigilan sila. Tuwang tuwa pa nga ang iba." Pagkatapos ko sabihin iyon ay masama kong tinignan si Nico na nakatingin rin sa akin.
Siya pa galit niyan? Siya nga itong nadamay sa suntukan nila. Well, medyo kasalanan ko rin at sinubukan ko silang pigilan. Dapat hinayaan ko nalang maging bugbog sarado ang mukha nilang parehas.
Biglang may kumatok sa pinto ng HQ at may pumasok na isang babaeng senior high na may dala na cold compress. Pumasok siya at nilapag niya sa lamesa ng vice president iyon.
Napatingin ako sa wall clock na katabi ng pintuan. Mas lalo akong kinabahan dahil sa oras. Koonting minute nalang at magsisimula na ang pang hapong klase. Hindi pa ba kami matatapos ditto? Nasayang na ang oras ko ng dahil sa away na ito.
Lagot sa akin mamaya si Vernon sa bahay.
Nang kaming apat nalang uli ay tumingin ako sa vice president. "Hindi pa ba tapos? may long quiz pa ako," I coldly said.
Hindi ko maibuka ng ayos ang bibig ko dahil sa sakit ng aking pisngi parang nadamay ata ang ngipin ko.
Tumikhim siya at nagpalipat ang tingin niya sa dalawang lalaki sa harap niya.
"This is the warning for you two. Kapag may narinig pa akong tungkol sainyong dalawa you will take the cosequences. You may go Ocasio and Inigo maiwan ka Ms. Guzman." matalim siyang nakatingin sa dalawa bago ang lumipat sa akin.
Napalunok ako. What did he just say? Bakit kailangan ko pang maiwan wala naman akong ginawang masama. Kunot noo akong tumingin sa nerd na 'to.
Lumabas na silang dalawa at hindi man lang umapila si Vernon kung bakit ako maiiwan rito. Nang kaming dalawa nalang ay tinanggal niya ang salamin niya at pinatong sa lamesa. Hinawi niya ang buhok na natatakluban ang noo niya. Umangat ang buhok niya at Nakita ang maputi niyang noo.
Sa pagtitig ko sa kaniya ay hindi ko na namalayan na nasa harap ko na siya at hawak na niya ang cold compress. Tiningala ko siya. Dinampi niya ang cold compress sa pisngi ko na agad ko naming iniwas dahil naramdaman ko lalo ang sakit.
Napatingin ako sa ID niya. De Vera, Ardus Callahan M. 11- Stem St. Benedict. Basa ko sa ID bago muling tumingin sa kaniya
"Why are doing this?" tanong ko ng nakakunot ang noo. "Ako na," sabi ko ng balak na naman niyang ilapat. Pero hindi niya binigay at naupo pa siya sa inupuan kanina ni Vernon at ihiniharap niya ako sa kaniya.
Seriously? Why is he doing this? Ngayon lang kami nagkaroon ng ganitong interaction. Wala akong matandaang nagkausap na kami or what. Pero bakit siya ganito ngayon?
"Huwag ka na kasing magpaka-bayani," hinawakan niya ang kanang pisngi ko para lalong maiharap sa kaniya.
Parang may dumaan na elektrisidad sa aking katawan dahil sa ginawa niya. Napatitig ako sa mukha niya. Itim ang kaniyang mata, mahahaba ang kanyang pilik mata, matangos na ilong and his pinkish lips. Napaiwas ako ng tingin ng magtama ang mga mata namin.
I feel so uncomfortable. I don't why am I feeling this. Uneasy to move para lang akong estatwa na nakaupo habang marahan niyang nilalapat ang cold compress.
Nang tumunog na ang bell ay agad akong nataranta. Bigla kong nahawakan ang kamay niya na may hawak ng cold compress. Nagkatinginan kaming dalawa.
"Ahh... kailangan ko ng pumasok may long pa kami," sabi ko sa kaniya at tumayo na. binigay niya sa akin ang cold compress at agad ko naman iyong hinawakan. Tumayo na rin siya.
"Hatid na kita baka nandoon na ang teacher mo," mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya.
"Huh? Kaya ko naman. Sa clinic ko nalang ibabalik 'to," tukoy ko sa cold compress.
"Nah, I insist," pagpipilit niya pa.
"Baka may klase ka rin, nakaka-abala na ata ako." yeah, nakaka-abala nga ako sa kaniya.
Umiling siya. "Half day lang kami tuwing Friday. Tara na." nauna na siyang naglakad kaya sumunod na ako. Binagalan niya ang paglalakad at sinabayan ako.
"Close ba kayo ni Ocasio?" napakurap-kurap ako sa tanong niya.
Umiling ako. "Hindi, kaklase ko lang siya," mahina kong sabi. Hindi pa rin ako komportable na nandiyan siya.
Wala ng mga estudyante sa mga corridor at ang iba ay may mga teacher na sa kada silid. Sana wala pang ang teacher namin.
"Okay." nagtaka ako sa sagot niya.
Paakyat na kami ng hagdan nag may maisip akong itanong sa kaniya. Tiningala ko siya dahil mas matangkad siya sa akin.
"Paano mo nalaman surname ko?" pagtatanong ko sa kaniya ng tuluyan na kaming nakaakyat.
He looks so uneasy to my question. Hindi agad siya nakapagsalita. Tinaasan ko pa siya ng kilay.
Tinuro niya ang ID ko kaya napatingin ako roon. "Nakita ko lang kanina," parang hindi kapaka-paniwala. Akala ko ba malabo ang mata nito dahil nakasalamin siya. Ngayon ay hindi niya suot ang salaman. Ano ba ang totoo?
"Huh? Talaga?" nagpanggap nalang ako na hindi naniniwala
"And I bet you don't know me," kilala na kita nakita ko rin sa ID mo. Pero hindi ko 'yon sinabi at nagkunwaring hindi ko nga alam.
"Hindi. Hindi ko naman kasi sinasaulo pangalan niyo." kahit 'yong mga tumatakbo sa SSG ay wala akong pake sa pangalan. Basta nalang rin ako bumoto. Hindi ko alam pero hindi ko feel ang pagiging SSG nila mas gusto ko pa 'yong mga organizations na may kinalaman sa subjects.
Nasa back door na kami ng room ko at bubuksan ko na sana ang pinto ng magsalita siya.
"By the way, I'm Ardus Callahan De Vera." sabi niya sabay ngiti.
Nginitian ko rin siya pabalik at binuksan na ang pinto ng room. Akala ko aalis na siya pero sumilip pa siya sa pinto.
"Mr. De Vera, what brings you here?" dumiretso na sa upuan ko. Siniko ako ni Vivyan na may makahulugang tingin.
"Hinatid ko lang po si Ms. Guzman. Sige Ma'am pasensiya sa abala." hindi ko na siya tinignan. Narinig ko nalang ang pagsarado ng pinto.
"Narinig ko nangyari sa'yo na sapak ka raw? Kaya pala may dala ka niya at namumula na ang kaliwang pisngi mo." mahinang hagikhik ni Vivyan. Hindi ko na siya pinansin at inayos ang mga gamit na dala ko kanina at nilagay sa bag.
Hindi nagtagal ay nagsimula na ang long quiz at buti naman ay madali lang naman. It feels like weird habang nagkaklase ay nasa pisnge ko pa rin ang cold compress hindi ko iyon tinatanggal. Nang puro tubig nalang ang nasa loob ay tinigilan ko na at ang panyo ko naman ang pianangtaklob roon. Nakita ko kanina sa salamin na medyo nag kukulay ube na.
Pagtapos ng klase naming ay agad na akong lumabas ng room. Halos ako na ang nangunguna sa paglabas. Baka kasi hindi ko maabutan na bukas ang clinic at hindi maibalik ang cold compress. Bago makapunta sa clinic ay dadaan muna sa HQ.
Laking gulat ko na nadoon pa si Ardus na nakaupo sa harap ng computer. Hindi ko nalang sana siya papansinin ng bigla niya akong tawagin.
Sumilip ako sa pinto. "Why?" I asked.
"Where are you going?" tumayo siya at lumapit sa akin. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko na parang may humahabol.
"Isasauli ko lang sana 'to sa clinic," sabi ko sabay pakita sa cold compress. Napatingin siya roon.
"sarado na ang clinic. Iwan mo nalang ditto at ako na ang magsasauli sa Monday," sabi niya. "Akin na," inilahad niya ang kamay niya at wala ko namang pag-aalinlangang ibinigay.
Ngumiti ako. "Ahm... Salamat nga pala. Hindi ka pa ba uuwi?"
Umiling siya sabay ngiti rin sa akin. "Tatapusin ko lang 'yong plano para sa dadating na SSG election."
Napatango-tango pa ako. "Ah sige, uwi na ako. Salamat uli." kumaway pa ako sa kanaiya bago tuluyang tinalikuran siya.
Nakangiti ako habang papalabas ng gate. Nawala lang iyon ng makita kong naghihintay sa akin ang pasaway kong pinsan.
Ngumiti siya ng nakakaloko sa akin. "Ikaw lang ata ang nasuntok na masaya pa, Ate Wyn!" halakhak niya. Hinampas ko sa kaniya ang hawak ko na libro bago sumakay ng tricycle.
Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit pa ako nakakangiti gayong nadamay ako sa away at nasuntok pa.
ClearSiya na ang pumila para bumili ng pagkain naming dalawa, pero ako ng nagbayad. Ang dami niyang kinuha na pagkain. Kasya sa limang tao ang binili niyang mga pagkain. Mukhang hindi naman namin iyon mauubos dahil sa dami.
RejectedHanggang sa makauwi ako ay iniisip ko pa rin 'yong sinabi ni Vivyan na 'joke' kuno. Anong ibig sabihin ng joke niya? Na joke lang na gusto niya si Ardus o joke lang na huwag ko na siyang tulungan?
JokeHabang nagkaklase ay mas determinado akong makinig sa guro na nagtuturo sa harapan namin. Hindi ko alam pero simula ng pumasok ako kanina pagkatapos ng recess ay maganda ang mood ko.
Sorry"Bilisan mo diyan!" utos ko kay Vernon na pinaglilinis ko ng bakuran naming. Nakabusangot na siya habang binubuhat ang sako ng mga dahoon na nawalis niya kanina.
Cold CompressMabilis lumipas ang mga araw sa biyernas na, ang pinakahihintay kong araw. Nakatambay ako sa garden ng school kung saan ako mahilig tumambay. Lunch time at naisipang hindi kumain ng lunch dahil maaga ang labas naming ngayon. Sa labas nalang ako kakain mamaya
Preoccupied I wish I become more stronger and braver.Pagkatapos ng huling hiling ay pumasok na ako sa loob. Tahimik lang silang dalawa habang nagtatakang nakatingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa bago tahimik na umupo sa pwesto ko kanina.Wala silang imik tanging pag senyas lang ni Valene kay Vernon ang napapansin ko. Tahimik na na tumayo si Vernon papunta sa kusina. Nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang dulo ng unan. Para akong nawalan ng gana at mas gugustuhin nalang matulog sa kwarto ko at doon umiyak.Kinulbit ako ni Valene kaya nap