Solitary

Solitary

last updateLast Updated : 2020-10-23
By:  MargaretzzzzOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
9Chapters
27views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Si Wynona ang babaeng sa una ay matapang pero ng dumating ang pinakamalaking aksidente sa buhay niya ay bigla siyang nag iba. She wanted a love from her parents since she was just a kid. And now, gano'n pa din naghahanap pa din siya ng pagmamahal na hindi niya naramdaman kahit kailan. Gusto niyang abutin ang mga pangarap niya pero hindi na niya ito magagawa dahil sa kondisyon niya. Naisip niyang sumuko nalang sa buhay pero may isang nag uudyok na magpatuloy, iyon ang kanyang pinsan na si Valene. Susuko nga ba si Wynona o ipagpapatuloy niyang mabuhay para ipagpatuloy ang pangarap.

View More

Chapter 1

Prologue

Prologue

I was staring at my window near at my bed when I saw my cousin heading to our house. Nakaramdam ako ng ng tuwa dahil sa wakas ay meron na din akong makakausap kahit saglit.

Hinawakan ko ang saklay ko at naupo sa kama ko. Alam kong pupunta iyon dito dahil ako lang naman ang tao dito sa bahay. Wala ang mga magulang ko dito parehas nasa ibang bansa wala naman akong kapatid kaya mga Tita, Tito, Lola at pinsan ko lang ang nagbabantay sa 'kin.

Kahit noong naaksidente ako ay hindi man lang umuwi sila Mama at Papa para kamustahin ako. Sobra ang nagiging pagtatampo ko dahil doon. Anak nila ako dapat intindihin kahit minsan. Lumaki akong wala sila sa tabi ko, mag-isa lang ako. Lumaki sa kalinga ng ibang tao hindi sa kalinga ng sariling magulang.

Habang lumakaki ako ay iba ang kinikilala kong magulang. Laging lang pinapaalala ng mga Tita ko na kaya sila wala dahil nagtatrabaho para sa 'kin. Oo, naintindihan ko iyon pero hindi nila ako gano'n kalimit tinatawagan. Tawagan man pero saglit itatanong kung may pera pa daw ako 'yon lang tapos si Lola na at mga Tita ko ang kakausapin nila.

Hindi ko alm kung anak pa ba ang turing nila sa 'kin. Lalo lang lumayo ang loob ko sakanila ng maputulan ako ng kanang binti. It's just an accident hindi ko ginusto iyon at wala namang may gusto na putulan ng binti dahil sa hindi inaasahang pangyayari. 

Dalawang buwan na akong ganito simula ng aksidente. Hindi na tumatawag sa 'kin si Mama at Papa. Walang paramdam, parang wala silang anak na naghihirap dito. Hindi na ako pumapasok at tanging dito nalang ako sa loob ng kwarto ko. Itong kwarto ko ang nagsisilbing kulungan ko.

Sa bawat araw na dumadaan ay lagi kong na iisip na sana na tuluyan nalang ako at hindi na nabuhay. Bakit pa ako nabuhay kung ganito lang din naman ang mararanasan ko. Sobrang lungkot walang mapagsabihan ng nararamdaman ko. Tanging ang diary ko lang ang nakaka-alam pero mas maganda pa ding kung sa taong nakakaunawa.

Sobrang hirap ng sitwasyon ko ngayon hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para lumaban. Sabi ng mga Tita ko laban lang daw paano ako lalaban kung sarili kong magulang ay hindi ako kamustahin man lang. Hindi pa nga ata nag aalala sa kalagayan ko.

Konti nalang at iisipin kong masaya sila sa nangyari sa 'kin.

Maya maya pa ay bumakas na ang pinto ng kwarto ko. Pumasok doon si Valene na aking nakakatandang pinsan na may dalang tray ng pagkain. 

"Kain ka na?" nakangiti ito sa 'kin ngunit hindi ko magantihan ng ngiti. Ayoko maging plastik kung anong nararamdaman ko gusto ko gano'n din ang nakikita nila.

Kahit na anong gawing pagpapalakas ng loob ang gawin nila hindi gagaan ang loob ko. Subukan kaya nilang ilagay ang mga paa nila sa sapatos ko ng malaman nila.

Nilapag ni Valene ang tray sa isang bakanteng lamesa malapit sa bintana.

"Narinig ko kanina uuwi daw Mama at Papa mo," panimula niya na agad naman akong napairap. Pake ko? Hindi naman ata para sa 'kin kung bakit sila uuwi. Hindi ko na siya sinagot at napatitig nalang ako sa kumot ko.

"Pagbebenta na din daw 'yong lupa niyo na may batis," dagdag niya pa nakapag-pagulat sa 'kin. Ano? pagbebenta? bakit iyon pa? Biglang namuo ang inis sa aking dibdib kaya naikuyom ko ang aking kamay.

"Ano naman ang naisipan nila at ibebenta pa iyon?" Nag angat ako ng tingin at walang emosyon ko siyang tinignan.

"Hindi ko alam iyon lang ang narinig ko," sabi pa niya.

"Sana hindi mo nalang kinuwento sa 'kin kung hindi naman pala buong detalye ang sasabihin mo." Malamig kong sabi. 

Simula din noong aksidente ay napapansin ko sa sarili ko na masyado ng mainitin ang ulo ko hindi katulad ng dati na pasensyoso ako.

"Bakit ba ganyan ka?" nahimigan ko sakanyang boses ang inis kaya tinaasan ko siya ng kilay. Inis na pero ayaw pa akong tantanan. Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama kaya naging alarma siya ng konti. Hinila ko 'yung upuan at umupo doon at hinarap ang pagkain ko.

Sinimulan ko ng kumain habang siya ay nag aayos sa ng mga kakat ko sa kwarto ko. Ilang araw din siyang hindi nakakapunta dito dahil may pasok siya. Maswerte nalang ako kung may pumupunta dito para dalhan ako ng pagkain.

Hindi naman ako gugutumin dito sa loob ng kwarto ko na mala impyerno sa lungkot dahil may refrigerator dito na puro pagkain ang laman.

Pero siyempre gusto ko pa din ng presensya nila. Minsan naisip ko na pabigat ako sakanila kaya hindi na nila ako pinuputahan dito sa kwarto ko.

"Gano'n na ba talaga ka laki ang tampo mo kaya ayaw mo na silang makita?" padarag kong binitawan ang ang kutsara at tinidor saka uminom ng tubig.

"Pwede ba, ayaw kong pag usapan iyan?!" inis kong sabi sakanya.

"Magulang mo pa din sila kahit ganyan sila sa 'yo." humarap siya sa 'kin pagkatapos niyang ayusin ang kama ko. Napangisi ako sa sinabi niya. Ano 'to joke? nagpapatawa ba siya? Gusto kong humalakhak sa sinabi niya.

"Bakit naging magulang ba sila sa 'kin?" mapait kong tanong sakanya. Makapagsalita siya parang naging magulang niya sila Mama at Papa para makapagsalita ng gano'n.

"Saan mo man tignan magulang mo pa din sila," lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Seriously Val, did you get my point?! I think your not, try to fit your foot to my shoe ng malaman mo. Hindi 'yung dakdak ka ng dakdak diyan." mataray kong sabi kita ko ang pagkakadismiya niya sa sinabi ko.

"Nagbago ka na talaga?"

"Lahat ng tao nagbabago nasa tao nalang kung paanong pagbabago ang mangyayri sa sarili niya." walang gana kong litanya. Siya itong nag aaral pero hindi niya alam ang ganito. Palibhasa kumpleto ang pamilya. Kumpleto naman kami kaya lang wala talaga sila dito kaya tinatawag kong broken family kami. HIndi ko alam pero iyon ang gusto ko. Paano magiging pamilya kung silang dalawa ay nandoon sa ibang bansa samantalang ako ay nandito na hindi man lang nila magawang kamustahin.

"Alam ko, pero kasi Wyn hindi maganda ang pagbabago mo," sabi pa niya na nagpangisi sa 'kin.

"I know that too Val, mas gugustuhin kong maging ganito kesa maging mukhang kawawa sa paningin niyo!" singhal ko dahil hindi ko na kaya ang namumuong inis sa dibdib ko.

"Sa kalagayan mo pa lang ngayon mukhang kawawa ka na!" nanliit ang mga mata ko kasabay ng pagdaloy ng mga luha ko. Putangina ginusto ko ba 'to? Kung ginusto ko 'to sana masaya ako diba? Pero putangina ang malas naman ng buhay ko!

"Umalis ka na," mahina pero gigil kong sabi sakanya. Matalim ko pa itong tinignan ng hindi umingli sa kinatatayuan niya.

"Hindi mo ba ako naririnig? Sabi ko umalis ka na!" hindi ko na napigilan at sinigawan ko na siya dahil sa gigil ko.

"Wyn,"

"Sabing alis na!" sigaw ko pang muli. Nag aalinlangan siyang lumabas ng kwarto ko.

Nang masiguro kong nakalabas na siya ay doon ko na binuhos ang emosyon ko. Sunod sunod ang pag agos ng mga luha sa aking mga mata. Dalawang buwan na ang nakalipas pero andito pa din ako mahina, nag iisa at nakakulong sa isang dimensyon ng kalungkutan na hindi ko alam ang palabas.

I don't know what to do now.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters
No Comments
9 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status