Home / All / Solitary / Chapter 8

Share

Chapter 8

Author: Margaretzzzz
last update publish date: 2020-10-23 11:16:32

Clear

Siya na ang pumila para bumili ng pagkain naming dalawa, pero ako ng nagbayad. Ang dami niyang kinuha na pagkain. Kasya sa limang tao ang binili niyang mga pagkain. Mukhang hindi naman namin iyon mauubos dahil sa dami.

Tinulungan ko siya sa mga dala niyang pagkain dahil ang dami ng napapatingin sa kaniya. Trip ata nito ang mag camping. Naghanap kami ng bakanteng lamesa na malapit sa canteen. Sa harap namin ay ang malaking field ng school namin. Dito madalas ginaganap ang outdoor sports.

Ang maliit na mesa ay sakto lang para sa mga dala namin. Ang saya saya naman ni Vivyan. Tahimik lang ako habang nakaupo at sinimulan ng buksa ang pagkain sa harap namin. Ilang minuto lang naman ang break namin at paniguradong hindi iyon kasya para maubos ang mga pagkain namin.

Kung babaunin namin ito sa room ay marami lang ang hihingi. Ibibigay ko naman kung gusto nila. Dahil hindi ko naman mauubos at kakain ako ng kanin mamayang tanghalian kaya wala na akong magagawa sa sobrang pagkain.

"Ano na? Magkukwento ka ba o hindi?" tanong ko sa kaniya. Abala siya sa pagkain. Ibinaba niya ang kinakain niya at bumuntong hininga.

Kanina ko pa siya kinukulit pero lagi niyang nililigaw ang pinag-uusapan namin. Long overdue na pagiging-curious ko sa 'joke ' niya.

Why am I bothered this much, by the way?

"Huh?" baliwala niya sa tanong ko.

"Ang gulo mo, nilibre na kita ayaw mo pa magkwento!" tinaasan ko na siya ng kilay. Siyempre si Vivyan 'yan hindi magpapatalo.

"Sige nga, edi kunin mo, oh!" sabay hagis niya sa isang chips na hawak niya. Attitude!

"Iyo na! Ano nga ibig sabihin ng joke mo?" pangungulit ko sa kaniya.

Dumadami na ang mga tao sa tabi namin. Kaya medyo naiilang na akong magsalita. Pakiramdam ko lahat sila makikinig sa pinaguusapan namin. Pati ang ibang seniors ay dumadaan sa may table namin kaya kailangan mag-ingat. May mga tenga at bibig sila. Kapag narinig nila ang pinag-uusapan namin ay kakalat ito panigurado.

Hindi nalang ako nagsalita at nagpatuloy na sa pagkain. Nang mag bell na ay nagtataka akong tumingin sa room namin dahil halos ng kaklase ko ay nasa labas ng room namin. At ang iba pa ay pababa ng building.

Agad naman hinarang ni Vivyan sila Cleo at Odele na kaklase namin.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Vivyan sa dalawa.

Wala na sana akong pake at balak ko ng lagpasan sila pero nakatingin sa akin si Odele na para bang may ginawa akong masama sa kaniya. Ginapangan ako ng kaba. Si Odele at Cleo ang pinakamaldita sa room namin. Gusto nilang dalawa sila ang superior.

"Guzman, hinahanap ka ni De Vera kanina sa room," hindi maproseso ng utak ko ang sinabi niya. Isa lang naman ang kilala kong De Vera rito. At siya lang rin ang medyo malapit sa akin.

Narinig ko ang pagtikhim ni Vivyan.

"Bakit daw?" tanong ko. Mataray akong tinaasan ng kilay ni Cleo.

May sasabihin 'tong hindi maganda. Kaya bago niya sabihin ay umalis at nilagpasan ko na sila. Ayokong ubusin ang oras ko sa kanila na mukhang away ang gusto.

Pumunta na ko sa room. Ang mga katabi naming section ay mga nasa loob na ng room at naghihintay nalang sa pagdating ng teacher. Samantalang ang mga kaklase ko ay mga nasa labas at mga nag iingay na.

Sinalubong ako ng kaklase kong si Hazel. Nagulat ako dahil hinarangan niya ako.

"Wala si Sir kaya walang klase at hinahanap ka ni De Vera kanina," sabi niya at nilagpasan na niya ako.

Hindi na ako nagtaka sa ginawa niya na bigla nalang niya ako nilagpasan pagkatapos niyang sabihin iyon.

Pumasok ako sa room habang iniisip kung bakit ako hinhanap ni Ardus. Parang gusto ko siyang puntahan na ayaw. Hindi pa tapos ang recess nila at baka nasa labas pa siya. Pero saglit nalang naman at time na nila.

Hindi na ako lumabas at nanatili nalang sa room. Mamayang tanghali nalang siguro. Sa garden ako kakain at baka magkita kami roon. Nakaubob ako sa upuan ko dahil nakatulog ako. Nagising nalang ako ng may naramdaman kong may kumukulbit sa akin.

Walang ayos-ayos ng mukha ng mag angat ako ng tingin sa kung sino man iyon. Hindi ko pa naman nakikita ng buo ang mukha niya dahil nasisilaw ako sa liwanag ay nag init na agad ang dugo. Alam ko na agad na si Nico 'to.

If he's here to annoy me, I don't have time for his bullshits.

Inayos ko ang buhok at kinusot ang mata ko saka ko siya tinignan ng ayos.

"Bakit? Anong ginagawa mo dito?"

"Of course, i'm to be here, this is our room," mas nainis ako sa pabalang na sagot niya.

Siya na nga nanggising siya pa galit!

"I mean, what are you here in front of me. Did you need anything?" kahit na iinis na ao ay pinilit kong maging kalmado.

Napansin kong wala na ang mga kaklase ko sa room at maingay na rin sa labas ng room namin dahil sa mga nagdadanan na ibang estudyante sa hall way. Tinignan ko ang relo ko at nagulat ako na dapat ay simula na ng klase namin, pero wala pa ang teacher namin sa room.

Bumuntong hininga siya bago magsalita. Para bang kinokontrol niya ang sasabihin niya.

"Pwede na mag early lunch, may meeting ang mga teachers." paliwanag niya.

"Ano naman?" hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Sabi mo sabay tayong kakain?" kita ko sa mukha niya na parang hindi siya sigurado kung sasabihin niya ba iyon sa akin. Nag iwas naman siya ng tingin sa akin.

Napakunot ako ng noo. May sinabi ba akong sabay kami kumain ngayon? Ang naalala ko lang next time, pero palusot ko lang iyon. Seseryosohin niya pala iyon.

"May sinabi ba ako? Asan mga kaibigan mo, bakit hindi ka sa kanila sumabay?"

Napaawang ang labi niya. "Sabi mo, sabay tayo next time?" he shook his head.

Nag iwas ako ng tingin sa kaniya. Napailing ako. Kinuha ko na 'yong wallet ko sa bag bago tumayo at tinignan siyang muli.

"Ngayon ba iyong next time?" tignan ko lang kung susuko agad siya, pero pagbibigyan ko na siya para tumigil na siya sa kakakulit sa akin.

Bakit ba kasi gusto niya akong kasabay kumain?

Sa ekspresyon ng mukha niya ng marinig ang sinabi ko ay parang nag aalangan na siya kung itutuloy niya pa. Nilagpasan ko siya, akala ko ay susunod siya sa akin pero ng maramdaman kong hindi siya sumunod ay nalingon ko siya at kinulbit. Napatingin siya sa akin.

"Tara na, baka umiyak ka pa diyan." biro ko para kahit paano ay gumaan ang nasa pagitan naming dalawa.

May munting ngiti sa kaniyang labi. Napailing nalang ako at nauna na ng magkalakad sa kaniya. Ito ang unang pagkakataon na may makakasabay ako sa pagkain na kaklase ko maliban kay Vivyan.

I will give him a chance to explain kung bakit niya ako niyaya na sumabay sa kaniya. Baka may gusto siyang sabihin or what kaya pinagbigyan ko na rin siya. Sumabay siya sa paglalakad ko at hinayaan ko nalang siya kahit na maraming tumitingin sa kaniya.

May girlfriend nga pala ang isang 'to. Nasaan na kaya? Bakit hindi si Bethany ang isama niya o kung may sasabihin siya sa akin pwede namang kasama si Bethany.

Crowded na ang hallway kaya nahihirapan akong makisingit sa daraanan lalo na at may magagaslaw pang mga estudyante. Nang pababa na kami ng hagdan ay para akong lumabas sa palengke dahil sa init.

Pinunsan ko ang noo ng panyo dahil sa pawis. Nahagip ng mata ko si Nico na nakatingin lang sa akin. Nailang ako bigla. Mabilis akong bumaba ng hagdan sa sobrang ilang ko.

Nakita kong palabas ng canteen si Vivyan. Naisipan kong kung yayain ko kaya 'to? Para hindi kami awkward ni Nico.

Boring akong tao at wala siyang mapapala. Baka kapag kinausap niya ako ay wala akong maisagot sa kaniya.

"Saan kayo?" tanong ni Vivyan ng nasa harapan na namin siya. Tumingin pang muli siya kay Nico at inirapan.

I think they are not on good terms. Panay ang irap ni Vivyan tuwing nakikita niya si Nico.

"Sama ka, kakain lang kami." yaya ko kahit na hindi ako sigurado na kakain nga lang kami.

I heard Nico growned. Ayaw niya ba?

Parang nangasim ang mukha ni Vivyan sabay iling. "Ayoko kayo nalang. Enjoy kayo!" sabi niya at dali daling umalis sa harap namin.

Humarap ako sa daan papuntang canteen at ngayon ko lang napansin na ang daming tao at nakahalo na rin ang mga senior.

Agad na naglakbay ang mata ko na tila ba ay may hinahanap na kung ano. Sa pagmamasid ko ay nakuha nalang ni Nico muli ang atensyon ko ng hawakan niya ang kamay ko at iginiya papasok sa canteen.

Agad ko naman iyon tinanggal ng makabawi ako sa ginawa niya.

"Tulala ka kanina. Ano iniisip mo?" tanong niya habang nakapila sa bilihan ng pagkain.

Umiling nalang ako.

Inabot pa kami ng ilang minuto bago kami makaalis sa mainit na canteen dahil sa sobrang daming tao. Siya ang nagbayad ng binili namin. Pinipigilan ko siya kanina kaso masyado siyang mapilit. Ayos din nabawi ko 'yong nilibre ko kanina kay Vivyan.

"I just want to apologize for what i did to you," nag angat ako ng tingin sa kaniya. I knew it. May sasabihin nga siya. Pero kung dahil magsosorry siya hindi na sana niya ako niyaya na kumain kasabay niya. Pwede namang kausapin nalang niya ako sa room ayos na sa akin ang ganoon.

"'Yan ba ang dahilan kung bakit mo ako niyaya? Ayos lang naman sa akin. Sana kinausap mo nalang ako sa room." sinimulan ko ang pagkain at hindi na siya inangatan ng tingin.

Kahit na nahihiya ako ay tuloy-tuloy lang ako sa pagkain. Acting like Nico is not looking at me. Ignoring his glares.

"I really just want to treat you for the damage I've done to you and to your cousin." sa boses niya ay dama ko ang pagsisi. He's really serious on this, huh? I never expect that. Ang tingin ko sa kaniya ay isang barumbadong lalaki pero sa ginagawa niya ngayon ay nababawasan na sa aking paningin. May itinatago naman pala siyang kabutihan.

Sana ay hindi lang ito pakitang tao.

Tumango ako. "Ayos lang. Kayo dapat nagbabati ni Vernon, hindi dapat ako." sinubukan kong tumawa pero hindi natuloy dahil may nakaagaw ng aking pansin.

Napatingin ako sa may bandang gilid namin. Dumaan si Ardus kasama ang mga kaklase niya. Kinakausap siya ng isang babae at mukhang close silang dalawa. Napagawi ang tingin niya sa banda namin. Akala ko ay titingin siya kaya bahagyan akong napangiti, pero hindi pala.

Dahan dahan kong ibinaba ang tingin ko sa pagkain na nasa harapan ko dahil sa kahihiyan. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Wala naman sigurong nakatingin maliban sa katabi ko?

"Hindi ka pinansin?" ani niya sa nangaasar na tono. Matalim ko siyang nilingon.

"Sinasabi mo diyan?" pasiring kong sabi. Tinaasan niya pa ako ng kilay. Tumayo na ako para umalis na sa harap niya. Naiinis na ako sa nakakaloko na naman niyang mga ngiti.

"May nginitian ka kanina hindi ka naman pinansin," nang aasar nga talaga siya.

"Wala naman. Kung anu-ano nalang nakikita mo." Tinapos ko na ang kinakain ko dahil gusto ko ng umalis.

Tapos na rin naman siya sa sinasabi niya kanina. Napakasimple lang naman ng sasabihin niya niyaya niya pa ako. Baka mamaya makita kami ni Bethany at sugudin ako bigla mamaya kahit na lower grade siya ay nararamdaman kong may itinatago siyang kamalditahan.

Nang matapos na ako ay agad na akong tumayo dala dala ang pinagkainan ko para itapon sa malapit na basurahan.

"Saan ka pupunta?" tanong niya at hinabol ako sa paglalakad. Pagkatapos niyang mag sorry mang aasar naman siya.

"Aalis na ako. Salamat sa libre mo." umalis na ako, pero mga ilang segundo palang ang nakakalipas ay sumunod siya sa akin.

Balak ko sanang pumunta sa garden at doon nalang tumambay hanggang mamaya. Pero nakasunod sa akin si Nico, hindi rin ako matatahimik kung kasama ko siya. Gusto ko lang mapag-isa. That's the usual I want pero tingin ko ay iba ngayon.

Nadaanan pa namin kung nasaan sila Ardus pero hindi ko na tinignan dahil baka mapahiya na naman ako. Napasimangot nalang ako. Gusto ko pa naman kausapin si Ardus para itanong kung bakit niya ako hinahanap sa room kanina.

"So, we are clear now? Bati na tayo?" kita ko ang mukha niya sa peripheral vision ko dahil nakadungaw siya sa akin habang nakangiti. Makikipagkaibigan na ba ang isang 'to sa akin?

"Anong klaseng clear ba? Shampoo?" ah joke. Tumitig lang siya ng seryoso sa akin bago siya tumawa at kinutusan ang noo ko. Napahawak ako do'n at tinignan siya ng masama.

"Funny? It's clear that we are friends now." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ang bilis naman akala ko makikipagkaibigan palang siya, pero kaibigan na pala agad ang tingin niya. Ang bilis niya naman.

"Ang bilis naman," sabi ko.

"Hindi naman kita yayain kumain kung ayaw kitang maging kaibigan, e." nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"Ah ganon? So friends?" tanong ko pa sa kaniya at nakipag fist bump sa akin. Parehas kaming nakangiti sa isa't isa. Maybe this is the start of making some friends?

"Friends!" sabay pa naming sinabi bago kami umakyat ng hagdan. Napalingon ako sa likod ko dahil nararamdaman ko na parang kanina pang may nakatingin sa akin. Hindi ko inaasahan nakatingin sa akin si Ardus. Kitang kita ko ang pagkurba ng kilay niya kahit na nakasalamin siya.

What now? Bakit parang galit siya?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Solitary   Chapter 8

    ClearSiya na ang pumila para bumili ng pagkain naming dalawa, pero ako ng nagbayad. Ang dami niyang kinuha na pagkain. Kasya sa limang tao ang binili niyang mga pagkain. Mukhang hindi naman namin iyon mauubos dahil sa dami.

  • Solitary   Chapter 7

    RejectedHanggang sa makauwi ako ay iniisip ko pa rin 'yong sinabi ni Vivyan na 'joke' kuno. Anong ibig sabihin ng joke niya? Na joke lang na gusto niya si Ardus o joke lang na huwag ko na siyang tulungan?

  • Solitary   Chapter 6

    JokeHabang nagkaklase ay mas determinado akong makinig sa guro na nagtuturo sa harapan namin. Hindi ko alam pero simula ng pumasok ako kanina pagkatapos ng recess ay maganda ang mood ko.

  • Solitary   Chapter 5

    Sorry"Bilisan mo diyan!" utos ko kay Vernon na pinaglilinis ko ng bakuran naming. Nakabusangot na siya habang binubuhat ang sako ng mga dahoon na nawalis niya kanina.

  • Solitary   Chapter 4

    Cold CompressMabilis lumipas ang mga araw sa biyernas na, ang pinakahihintay kong araw. Nakatambay ako sa garden ng school kung saan ako mahilig tumambay. Lunch time at naisipang hindi kumain ng lunch dahil maaga ang labas naming ngayon. Sa labas nalang ako kakain mamaya

  • Solitary   Chapter 3

    Preoccupied I wish I become more stronger and braver.Pagkatapos ng huling hiling ay pumasok na ako sa loob. Tahimik lang silang dalawa habang nagtatakang nakatingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa bago tahimik na umupo sa pwesto ko kanina.Wala silang imik tanging pag senyas lang ni Valene kay Vernon ang napapansin ko. Tahimik na na tumayo si Vernon papunta sa kusina. Nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang dulo ng unan. Para akong nawalan ng gana at mas gugustuhin nalang matulog sa kwarto ko at doon umiyak.Kinulbit ako ni Valene kaya nap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status