Home / All / Solitary / Chapter 7

Share

Chapter 7

Author: Margaretzzzz
last update publish date: 2020-10-23 11:15:42

Rejected

Hanggang sa makauwi ako ay iniisip ko pa rin 'yong sinabi ni Vivyan na 'joke' kuno. Anong ibig sabihin ng joke niya? Na joke lang na gusto niya si Ardus o joke lang na huwag ko na siyang tulungan?

I spent the whole night thinking of that. Bukas na bukas una kong gagawin ay itanong kung ano ang ibig niyang sabihin sa joke niya.

Ayos lang naman sa akin magustuhan niya Ardus. Ayos lang talaga. I don't mind. Baka ako pa maging kauna-unahang shipper nila. At kung mangyayari man ay iyon ang unang pagkakataon na gagawin ko iyon.

Kinabukasan ay masyado akong tinanghali ng gising. Pinauna ko na ang pinsan ko na pumasok. Dahil pagbaba ko kanina ay nag aantay na sila at wala pa akong kain at tanghali na.

Hindi ako sa mga lola ko dumaan para makasakay ng tricycle. Dahil alam ko ng pagsasabihan na naman ako kung bakit ako tinanghali. Sa may gate namin ako dumaan para doon maghintay ng sasakyan. Sa mga ganitong oras ay malimit na ang mga tricycle dahil ang karamihan ay naghahatid na ng mga estudyante sa school.

Nang may papadaan na tricycle ay agad ko iyong pinara ngunit huli na ng makita kong puno na. Tumigil pa rin ito sa tapat ko. Umatras ako sabay iling sa driver.

"Sakay na ineng, ayos lang ba sa iyon sa tool box?" tanong pa ng driver sa akin. Lahat pa ng pasahero sa tricycle ay nakatingin sa akin ata para bang inaabanagn nila akong sumakay.

Ngumiti ako at umiling. "Hindi na po," magalang kong sabi.

"Sige, wala na atang dadaan na tricycle," pangongonsensiya pa sa akin ng driver bago umaandar uli.

Ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa ring dumadaan na tricycle. Bente minutos nalang at malelate na talaga ako. Wala pa ring dumadaan na tricycle. Walang masasakyan na jeep dahil sa kabilang kanto pa ang sakayan at malayo kung lalakarin.

Nakatingin lang ako sa relo ko at hinihiling na bumagal ang oras. Kapag nalate ako ngayon baka sa HQ na ako hanggang sa matapos ang first subject. Madami na akong late at baka masuspend na ako.

Gulat akong napaangat ng tingin sa humintong sasakyan sa tapat ko. Nanlaki ako mata ko ng makita ko kung sino ang sakay nito. Nakababa ang bintana sa passenger seat. Ngumiti siya sa akin at lumabas sa sasakyan.

What is he doing here? Parehas ata kami ng barangay, hindi ko alam. Hindi ako mahilig lumabas kaya hindi ko rin alam kung sino-sino ang taga-barangay namin.

Napatingin pa uli ako sa orasan ko bago ko siya tinignan ng nakakataka.

"Wala ka ng masakyan? Sabay ka na sakin." alok niya pa at tinuro ang sasakyan nila. Bumaba ang bintana ng front seat at sumilip ang mommy niya ata iyon. Ngumiti at kumaway siya sa akin. Nahihiya naman akong ngumiti pabalik.

"Sumabay ka na, hija. Wala ng dadana na tricycle baka malate ka pa," sabi pa.

Napakurap-kurap pa ako ng ilang saglit.

"Sumabay ka na, ten minutes nalang late ka na," napatingin ako uli sa relo ko at oo nga late na talaga ako pag hindi pa ako sasabay.

"Tara na," nakaramdam ako ng kaba at ng biglang pagdaloy ng elektrisidad sa aking katawan. Nang biglang hawakan ni Ardus ang siko para maigiya papasok ng passenger seat.

Nauna na akong sumakay. Sobra ang kaba at kahihiyan ko. Nang makaupo na ako ay napatingin ako sa rear viewer at nakangiting nakatingin sa akin ang mommy ni Ardus. Nahihiya naman akong ngumiti. Napabaling ako kay Ardus na pasakay na sa loob.

Katulad ng inaasahan ko ay magkatabi kami. Ngumiti siya sa akin ng masarado na niya ang pinto. Tipid lang akong ngumiti pabalik sa kaniya.


"Let's go, mom." sabi ni Ardus. Nagsimula ng umandar ang sasakyan. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba siya o mananatili nalang akong tahimik.

"Bakit late ka na?" tanong ni Ardus kaya napabaling ako sa kaniya. Hindi na naman siya nakasuot ng salamin niya. Maybe he just wears it while he's studying or hindi siya sanay o komportable. But for me, he looks so good without his specs.

"Ah, tinanghali lang ng gising." nag aalangan kong sabi.

"Madaming school works?" tanong niya pa.

"Hindi naman, napasarap lang talaga ang tulog ko."

"Iyang si RD, kanina pa niya gustong pumasok commute nalang raw siya. Hindi ko naman pinapayagan dahil ang mga tricycle ay punuan. Ewan ko ba diyan laging gustong maaga pumasok mamaya pa naman ang klase nila." sabi ng mommy niya.

Hindi ko na napigilan at natawa na ako ng bahagya. Nakasimangot lang si Ardus sa tabi. It looks like he's a mama's boy.

I even imagine him being soft to his mom. He's so lucky, he's mom is always there for him. Napawi ang ngiti ko ng maalala sila mama at papa.

When will I feel the warmth of the love of my parents?

"Hey, are you okay?" nagulat pa ako sa pagtawag sa akin ni Ardus.

Tumango ako. "Yes, iniisip ko lang palusot ko mamaya para papasukin ako ng room." pagsusunungaling ko at tinignan ko ang relo ko. Isang minuto nalang magsisimula na ang klase at malapit na rin naman kami.

"Ihatid mo mamaya sa room, RD, para papasukin."

"I know, mom."

"Hindi na, papapasukin naman siguro ako. Konting pakiusap lang 'yon," agad kong angal ko. "At baka may gagawin ka pa." dagdag ko pa.

Nakakahiya naabala ko pa sila. At mukhang may gagawin pa si Ardus dahil kanina pa gustong gawin.

"What is your name, hija?" napaayos naman ako kaagad ng upo.

"Wynona Yadira Guzman po, but you can call me Wyn or anything you want po," magalang kong sabi.

"What a beautiful name. I'll call you Ira, a simple nickname for you." napangiti ako. This is my first time talking to a parent who is close to me.

"Ang corny mo, mom. Akin nga RD saan mo nakuha 'yon?" nakasimamgot na tanong ni Ardus. He's so cute.

"RD shortcut ng Ardus, aRDus. Did you get it, honey?" paliwanag pa ng mommy niya. Hindi na mawala ang ngiti sa akin.

"Whatever, mom."

Nang makarating kami sa tapat ng school ay naunang lumabas ng sasakyan si Ardus at tinulungan ako para maingat na makalabas. He gently held my right hand. Nag aalangan pa ako sa ginawa niya.

Paglabas ko ay nakita ko na agad ang guard na nakakunot na ang noo sa amin. Hindi ko na iyon pinansin alam ko namang may sasabihin na naman niyan sa pagiging late ko.

Pero bago pa ako umalis ay nagpaalam muna ako sa mommy ni Ardus. "Thank you po, pasensya na po at nakisabit ako." nahihiya kong saad.

"No, it's okay. Huwag kang mahiya, next time ulit pag naabutan ka namin ni RD."

May next time pa pala. Hindi na ako sumagot at kumaway nalang. Nilipat ko si Ardus na ngayon ay inaayos ang salamin niya bago niya sinarado ang pinto ng sasakyan.

"Bye, mom!" paalam niya at nilipat ang tingin sa akin. "Let's go." mataman niyang sabi at nauna siyang maglakad.

Nakanguso akong sumunod sa kaniya. Binati niya pa ang guard. Tuloy-tuloy lang siyang nakapasok pero nang ako na ang dadaan ay kinuha ang identification card ko. Wala naman akong nagawa at binigay na. Kailangan ko lang kunin iyon mamaya sa headquarters. I know Ardus can do something about that.

Tumigil sa paglalakad si Ardus at nilingon ako. May nakakalokong ngiti sa kaniyang labi. Asar!

"Uso kasi matulog ng maaga," sabi niya pa at sinabayan ako sa paglalakad. Paliko na kami sa pasilyo ng papunta sa building namin na katabi lang rin ng building nila.

"Ang sarap kayang matulog malamig," dahilan ko pa.

"Hindi ako naniniwala," nag angat ako ng tingin sa kaniya at nagkasalubong ang mga mata namin. Hindi pa rin nawawala ang nakakaasar na ngiti sa kaniya.

Agad akong nakaramdam ng kakaiba kaya nag iwas ako ng tingin. Nadaanan na namin ang daan papasok sa building nila ngunit hindi siya lumiko. Taka ko siyang tinignan at tinaasan niya lang ako ng kilay at nauna na siyang umakyat sa hagdan ng building namin.

Nakakahiya. Naririnig ko na sa ibang room na nagsisimula ng magklase. Paniguradong ganoon rin sa amin. Sana hindi talaga ako pagalitan. Pang ilan ko na rin itong late kaya kabado talaga ako.

Nang makaakyat na kami lahat ng nadaanan naming room ay napapatingin sa amin ang mga ka-batch mate ko. Napailing nalang ako.

Nasa tapat na kami ng room ko at binuksan ko ang pinto.

"Thank you!" sabi ko bago pumasok sa room. Tama nga hula ko nagsisimula na sila at may sinasagutan na.

"Good morning, Ma'am. I am sorry I was late, wala pong masakyan na tricycle." bati ko sa subject teacher namin.

Tumango lang siya at wala ng sinabi. Tumingin ako sa upuan ko at agad na sumalubong sa akin ang abot tengang ngiti ni Vivyan.

"Excuse me, Ma'am." bago pa ako magsalita ay may nagsalita sa labas ng roon namin. "May I talk to you?" lumingon ako kay Ardus na nagsalita.

Tumayo naman si ma'am sa inuupuan niya at lumabas ng room. Hindi na namin marinig ang pinag-uusapan nila. Naupo na ako sa upuan ko, pero panay agad ang kulbit ni Vivyan sa akin.

"Ano? Nagkasabay lang kami don't worry," sabi ko at nilabas ang notebook ko. "Anong gagawin?" tanong ko sa kaniya.

Narinig ko pa ang mga hagikhik niya. "Hindi mo talaga na gets sinabi ko kahapon, ano?" natatawa niyang tanong sabay abot ng notebook niya sa akin. Hindi ko na tinanggihan, hindi ko ugali ang mangopya pero sa mga ganitong sitwasyon kailangan ko na.

"Hindi mamaya magkwento ka," sabi ko habang kinokopya ang ginawa niya sa notebook niya. Iniba ko naman ang ibang sagot para hindi halata na nagkopyahan kami.

"Bakit kayo magkasabay?" usisa niya pa.

"Kabarangay ko pala siya hindi ko alam."

"O bakit nga kayo magkasabay?" pangungulit niya pa.

"Late na ako tapos walang masakyang tricycle kaya isinabay nila ako nang madaanan nila ako."

"Nila?" takang tanong niya pa. Nilingon ko siya at kunot noo ko siya tinignan.

Agad kong ibinaling ang tingin ko sa notebook ko.

"With his mom," tipid ko sabi.

"Ha? Ano?" medyo napalakas ang boses niya. Napatingin na sa amin ang ilan naming mga kaklase.

"Mommy niya driver kanina," paglilinaw ko.

"What? So it means nakasakay ka na sa kotse nila tapos na meet mo mommy niya?" sunod sunod niyang tanong at palakas ng palakas ang boses niya.

"Ang ingay mo," bulong na saway ko sa kaniya. Nasa labas pa si Ardus at baka marinig kami. Kailangan ko na atang sapakan ng papel ang bibig ng katabi ko. Pahamak!

Nang matapos na ako ay ibinalik ko na sa kaniya ang notebook niya. Sakto naman ay kakapasok palang ni ma'am mukhang tapos na silang mag-usap ni Ardus. Napatingin ako sa labas at ang nakita ko nalang ay si Ardus na naglalakad palayo sa room namin.

Napaayos ako ng upo dahil agad na lumipad ang tingin ni ma'am sa akin. Agad akong ginapangan ng kaba. Ano kayang pinag-usapan nila ni Ardus? Baka ipinahamak ako ng isang iyon!

Natapos ang dalawang subject na nakikinig ako sa discussion. Hindi ko pinapansin ang mga pandedemonyo sa akin nu Vivyan na daldal ng daldal sa akin.

Inayos ko ang mga gamit ko dahil bababa ako para bumili ng pagkain. Nang biglang pumunta sa pwesto ko si Nico, taka ko siyang tinignan.

"Ano kailangan mo?" agad kong tanong sa kaniya.

"Sabay na tayo kumain?" napatanga ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na itatanong niya iyon sa akin. Anong dahilan at gusto niya akong kasabay kumain? We're not close.

"Huh?"

"I said, sabay na tayong kumain." ulit niya pa.

"Bakit?"

Napatigil siya ng ilang segundo bago siya makasagot sa tanong ko. "Wala lang gusto lang kitang kasabay?" he's not sure.

Nararamdaman ko na may gusto siyang sabihin pero dinadaan niya lang sa paganto-ganto. While looking to his eyes, hindi siya sa makatingin sa akin at nakatingin lang sa sahig. I can sense there is something bothering him.

Bago pa ako makapagsalita ay nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Vivyan ng makapasok siya sa room namin. Hawak hawak niya ang wallet niya at patakbong lumapit sa akin. Inirapan niya pa si Nico.

"Wynona Yadira Guzaman! Let's go!" sigaw ni Vivyan kaya ang mga kaklase namin kahit na nasa labas ay napatingin sa amin.

Hinila niya ang kamay ko para makalayo ako kay Nico. nag aalangan pa ako kung magpapaalam ba ako o hindi?

Bakit kasi ngayon pa umatake kakupalan ni Vivyan.

"Ah, sorry maybe next time?" iyon nalang ang nasabi ko bago kami makalabas ng room.

Can't believe I rejected him.

"What is that, besh? Haba hair ha," pababa na kami ng hagdan ng sabihin niya iyon.

"Anong mahaba? Maikli pa nga," pabalang kong sabi at hinawakan pa ang buhok kong hanggang balikat palang.

"Bakit nandon si Nico?"

"Sabay raw kami kumain, hindi ko siya gets." sa totoo lang talaga.

"So, you rejected him?" usisa niya pang tanong.

"Malamang! Bakit ka sumabay sa akin? Unusual, ha!"

"Siyempre makikichismis ako sa buhay mo," pabiro niyang sabi.

"Ano naman ang ikukwento ko sa iyo? There's nothing special in my life." pahina ng pahina kong sabi dahil ng makapasok kami sa canteen ay nagkasalubong ang mata namin ni Ardus. Napatingin ako sa relo ko at hindi pa nila time.

"There is nothing special nga ba?" mapang-asar na usal ni Vivyan.

Tinignan ko siya ng matalin. "Tseh! Ano bang gusto mo? Kanina ka pa, a!"

"Libre mo nalang akong pagkain."

Ang galing! ang saya!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Solitary   Chapter 8

    ClearSiya na ang pumila para bumili ng pagkain naming dalawa, pero ako ng nagbayad. Ang dami niyang kinuha na pagkain. Kasya sa limang tao ang binili niyang mga pagkain. Mukhang hindi naman namin iyon mauubos dahil sa dami.

  • Solitary   Chapter 7

    RejectedHanggang sa makauwi ako ay iniisip ko pa rin 'yong sinabi ni Vivyan na 'joke' kuno. Anong ibig sabihin ng joke niya? Na joke lang na gusto niya si Ardus o joke lang na huwag ko na siyang tulungan?

  • Solitary   Chapter 6

    JokeHabang nagkaklase ay mas determinado akong makinig sa guro na nagtuturo sa harapan namin. Hindi ko alam pero simula ng pumasok ako kanina pagkatapos ng recess ay maganda ang mood ko.

  • Solitary   Chapter 5

    Sorry"Bilisan mo diyan!" utos ko kay Vernon na pinaglilinis ko ng bakuran naming. Nakabusangot na siya habang binubuhat ang sako ng mga dahoon na nawalis niya kanina.

  • Solitary   Chapter 4

    Cold CompressMabilis lumipas ang mga araw sa biyernas na, ang pinakahihintay kong araw. Nakatambay ako sa garden ng school kung saan ako mahilig tumambay. Lunch time at naisipang hindi kumain ng lunch dahil maaga ang labas naming ngayon. Sa labas nalang ako kakain mamaya

  • Solitary   Chapter 3

    Preoccupied I wish I become more stronger and braver.Pagkatapos ng huling hiling ay pumasok na ako sa loob. Tahimik lang silang dalawa habang nagtatakang nakatingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa bago tahimik na umupo sa pwesto ko kanina.Wala silang imik tanging pag senyas lang ni Valene kay Vernon ang napapansin ko. Tahimik na na tumayo si Vernon papunta sa kusina. Nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang dulo ng unan. Para akong nawalan ng gana at mas gugustuhin nalang matulog sa kwarto ko at doon umiyak.Kinulbit ako ni Valene kaya nap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status