LOGINJoke
Habang nagkaklase ay mas determinado akong makinig sa guro na nagtuturo sa harapan namin. Hindi ko alam pero simula ng pumasok ako kanina pagkatapos ng recess ay maganda ang mood ko.
Kahit no'ng nag groupings kami para sa isang activities ay ako na ang nagpresinta na ako nalang ang magsusulat sa isang malinis na papel. Dahil tamad ang groupmates ko ay pumayag na sila. Dati pag may groupings na ganito ay tahimik lang ako sa gilid at nakikinig sa mga ginagawa nila. Tahimik lang akong nagsusulat habang ang mga kagroup ko ay mga nag iingay na at gusto na agad na lumabas at baka raw maubusan sila ng ulama sa canteen.
Nang mag bell na ay patapos na ako sa sinusulat ko kaya tinapos ko na muna bago ako lumabas ng room. Paglabas ko ay papasok na ang mga kaklase kong nakabili na ng kanilang pagkain. Sinilip ko ang canteen na tanaw sa building namin. Ang dami na agad na estudyante at mas lalo pang dadami kapag labasan na ng mga senior.
Bumili na ako ng pagkain ko nakasabay ko pa si Vernon sa pagbili. Nginisian niya lang ako ng nakakaasar.
"Bilis!" asar niyang sabi sa may bandang likod ko. Siraulo talaga 'tong pinsan ko.
Nang makabili na ako pagkain ko ay umalis na ako.
"Hindi tayo sabay umuwi mamaya, Ate Wyn!" sigaw pa ni Vernon bago ako makalabas ng canteen. Hindi ko na siya nilingon at dere-deretso ang lakad ko.
Nagdadalawang isip ako kung saan ako kakain, kung sa garden o sa room nalang. Pero sa huli ay mas pinili kong sa garden nalang baka mamaya ay maghintay si Ardus, nakakahiya naman.
Hihintayin ko ba siya bago ako kumain o kakain na ako? Hindi ko alam ang gagawin. Naupo ako sa bench na inupuan namin kanina at nilapag ang pagkain na dala ko. Sakto naman ay nag bell na ang sa senior. Konting minuto nalang ang paghihintay ko.
Maya maya ay natanaw ko na si Ardus at may dala na rin siyang pagkain. Maangas siyang ngumiti at sabay tanggal na naman sa salamin niya.
Ang hilig niyang gawin 'yon, bakit kaya? Ano kayang purpose ng salamin niya at tinatanggal niya pa.
Umupo siya sa tabi ko at tinignan 'yong pagkain ko. Kinuha ko iyo at sinimulan ng buksan.
"Akala ko hindi ka pupunta,"
"Hindi nga dapat, kaso naawa ako sa'yo,"
"Wow! Hindi naman ako bata na iiyak kung hindi ka pumunta," masungit niyang sabi. "Ano ulam mo?" bigla niyang tanong at sinilip ang ulam ko.
"Adobo na konti lang ang laman," sagot ko.
"Ang konti nga, bakit 'yan binili mo?" tanong niya pa at binuksan ang pagkain niya. Natakam naman ako sa amoy ng ulam niya.
"Bakit 'yan ulam mo? Ubos na raw 'yan kanina. 'Yan nga hinahanap kong ulam." reklamo ko at iniwas ang tingin sa kaniya.
"Baka vice president 'to," mayabang niyang sabi kaya pasiring ko siyang binalikan ng tingin.
"Ang daya naman, pano 'yon?" pabiro kong sabi. Tinignan niya lang ako ng nakakainis na tingin at ngiti.
Nagsimula na akong kumain at hindi na siya pinansin. Kinakabahan ako dahil ramdam ko ang mga titig niya sa akin sa bawat pagsubo ko ng pagkain.
Ito ang kauna-unahan kong pagkakataon na may nakasabay ko sa pagkain. Hindi ako sanay na may kasamang kumain, nasanay ako na mag isa lang ako. At ang mas malaking pinagkaiba ay kasabay kong kumain ang isang senior at vice president pa. Sana nalang ay walang makakita o magsumbong sa amin at baka mapagsabihan kami.
"Bakit ka nakatingin?" puna ko sa kaniya pagkatapos kong sumubo.
Nagkibit balikat lang siya at sinumulan na rin niyang kumain. Ilang saglit ko siyang pinagmasdan habang kumakain siya. Kahit kung paano siya ngumaya ang angas. Hindi ko napigilan na humanga sa pagiging perpekto niya.
Napaiwas lang ako ng tingin ng bigla siyang lumingon sa akin. Narinig ko pa ang mahina niyang tawa. Damn! Nakakahiya!
"Gusto mo?" sabay alok niya sa ulam niya.
Agad akong umiling. "No thanks, patapos na ako dito," sabi ko at tinuro ko pa ang styro na pinaglalagyan ng pagkain ko.
Tumango siya. "Okay."
Nagpatuloy kami sa pagkain at halos magkasabay lang kaming matapos kumain. Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko. Limang minuto nalang at time na ng junior department.
Tahimik lang kaming dalawa habang pinagmamasdan ang mga estudyante na tanaw na naglalakad sa gilid ng building na malapit sa amin.
I really don't know how to start a conversation. I hate myself for that.
Ilang saglit pa ang nakalipas ng may maisip akong itanong sa kaniya. I'm just a little bit curious.
"Kailan ang next election?" I asked.
I looked at him. Tila ay nag iisip pa siya. Mukhang wala pang date kung kailan nga.
"Siguro by the end of this month, why? Akala ko wala kang pake," matawa tawa niyang sabi.
Nagkibit ako ng balikat. "Wala tinatanong ko lang, hindi kasi talaga ako updated sa mga ganyan-ganyan. Kasi naman wala naman kayong nagagawa dito sa school. Puro lang kayo panghihingi ng fund, hindi mo ba alam ang sakit kaya sa bulsa ng limang piso kada buwan!" pabiro kong sabi. Huli ko ng napagtanta na it sound offended.
"Wow! I'm so lucky that I heard student like you is ranting about us!" imbis na ma-offend ay natawa pa siya.
"Lakas mo, ha! Hindi ka ba na offend sa sinabi ko?" nagtataka kong tanong. Kahit totoo naman wala talaga silang nagagawa sa school nito. May pa speech pang nalalaman last year at sinabing mas paiigtingin ang pagiging disiplinado ng mag-aaral na sa katunayan ay mas lalong lumalala ngayong taon.
"Totoo naman, kaya nga hindi na ako tatakbo sa susunod na election. Latag ako ng latag ng plano kung paano mapapabuti ang mag-aaral. Pero laging ayaw ng president. We're not in good terms, you know." what?! Nagulat ako sa sinabi niya. Paanong hindi magkasundo?
"Really? Why?"
"Ang susunod na posisyon na dapat kong takbuhan ay presidential na lang, dahil grade 12 na ako next school year. And I think I won't be an effective president kung mananalo ako."
"Paano mo malalaman kung effective ka o hindi kung hindi mo susubukan?"
Nangunot ang noo niya. "Akala ko ba ayaw mo sa mga officers? Bakit parang pinipilit mo ang tumakbo bilang presidente?" takang tanong niya. Napatitig ako sa kaniya na ngayon ay tila nagpipigil ng kaniyang ngiti.
Ako naman ang nagtaka sa sinabi niya. "What I mean is if you really want to continue giving us service then go. I can see that you want it. Tanggalin mo ang doubt mo, I know you can do it." tinagilid ko ang ulo ko at nginitian ko siya.
Umiling siya. Tumingala siya at tinignan ang mga dahon ng puno na malapit sa amin.
"Hindi na siguro, baka seryosohin ko na ang pag-aaral ko. Gusto kong makapasok sa isang malaking unibersidad sa Maynila ng walang binabayadang tuition mga magulang ko." sabi niya at nagbalik ang tingin sa akin.
Napakurap kurap ako. Hindi ko inaasahan na gano'n pala ang balak niya. Hindi pa ba siya seryoso sa pag-aaral niya ngayon? Hindi niya na kakayanin na mapagsabay?
Bakit ko nga ba iniisip 'yon, ayaw ko nga pala sa organisasyon na kinabibilangan niya.
Nang mag bell na ay agad na akong tumayo at kinuha ang kalat na pinagkainan namin.
"Ano diyan ka lang?" tanong ko sa kaniya ng hindi pa siya tumatayo roon.
Nagbuntong hininga siya sabay iling. "Dito muna ako, may thirty minutes pa kami. Pupunta rin ako sa HQ mamaya." tumango tango ako sa sinabi niya.
"Sige, pasok na ako, ha?" paalam ko pa sa kaniya. Tipid lang siyang ngumiti at bahagyang tumango.
Napakunot ang noo. Pero hindi ko na natanong kung anong nangyari sa kaniya. Tumaklikod na ako at mabilis na naglakas papunta sa building. Bago ako tuluyang makaakyat sa hagdan ay sinilip ko pa siya. Tila may malalalim na iniisip.
Bakit biglang nag iba mood niya? Naging parang seryoso siya. May nasabi ba akong masama kanina habang nag-uusap kami?
Pumasok ako sa sunod kong klase na siya pa rin ang iniisip ko. What is that? Why he sudden change his mood? Kailangan niya ba ng kausap? Dapat ba hindi muna ko umalis at hintayin 'yong sasabihin niya?
Lutang na naman ako habang nagkaklase. Hindi mawala sa utak ko ang mukha ni Ardus na problemado. Buti nalang ang last period namin sa klase ay naging vaccant dahil absent ang teacher namin.
Maaga kaming naglinis para kapag time na ay lalabas nalang kami ng walang inaalala. Lumabas ako sa corridor na tanaw ang covered court. Sumilip ako at madaming estudyante na nasa labas. Siguro ay may ginagawang mga activities na groupings.
Halo halo ang nasa labas. May iilan ring mga senior. Sa pagmamasid ko ay hindi nakaligtas sa paningin ko si Ardus. Kasama niya ang ilan niyang mga kaklase. May sinasabi ang isa sa kasamahan ngunit parang hindi siya nakikinig at nakatungo lang.
Napakunot ako ng noo. Napatitig ako sa kaniya ng ilang minuto.
Nagulat ako ng biglang sumulpot si Vivyan sa tabi ko. Tinusok niya pa ang tagiliran ko kaya napalayo ako ng bahagya sa kaniya.
"Sino tinitignan mo? Tingin nga!" sabi niya pa at siniksik niya pa ako at pilit na hinahanap ang tingin ko. Iwinala ko ang tingin ko kay Ardus at nilipat sa ibang estudyante ang tingin.
"Sinasabi mo diyan," sabi ko.
Pero hindi pa siya matahimik at dinungaw niya pa ang mukha ko. Wala na akong nagawa kundi ang ilayo ang mukha niya sa akin. Baliw 'to?!
"Wala nga, sino titignan ko diyan?"
"Wala talaga? Parang mayroon, e," pilit niya pa. Nanahimik siya ng ilang segundo bago magsalita muli. "Alam mo na ga-gwapuhan ako kay De Vera, kahit na nakasalamin ang gwapo," napatingin ako kay Vivyan, nakangiti pa siya! What does it mean? She likes Ardus? Seryoso?
Lumingon naman siya sa akin at tumawa ng malakas. Tanga, baliw nga ata 'to.
"Selos ka naman agad?" natatawa niyang tanong. Nag iwas ako ng tingin sa kaniya. Paano ako magseselos, hindi ko naman gusto si Ardus.
"Hypher mo ata ngayon, ano nakain mo?"
"Selos ka nga?" pangungulit niya pa.
Napabuntong hininga ako. "Hindi. Bakit naman ako magseselos?" sagot ko sa kaniya.
"Oo nga, bakit naman siya magseselos?" nagulat kaming dalawa ni Vivyan sa biglang pagdating ni Nico.
"Bakit ka nandito? Epal ka?" pabalang na tanong ni Vivyan.
Seryosong pabalik balik ang tingin ni Nico sa aming dalawa ni Vivyan. Agad akong kinabahan na may kasamang pagkakainis.
"Ano pinag-uusapan niyo?" usisa pa ni Nico.
Nakita ko ang pag irap ni Vivyan bago niya ako hinila papasok ng room namin. Dumiretso kami sa upuan namin at naupo.
"Bwisit! Napakachismoso!" reklamo niya pa at padabog na inayos ang upuan niya.
"Bakit ka ba naiinis diyan?!" tanong ko sa kaniya. Hindi na maipinta ang mukha niya.
"Bakit hindi ako maiinis? Nakikisawsaw siya sa usapan natin!"
"Ano bang pag uusapan natin?"
"Si ano pag uusapan natin," bigla naman siyang lumapit sa akin at bumulong.
Nagtataka akong lumingon sa kaniya. "Bakit ka nabulong?" tanong ko at tinignan 'yong mga kaklase naming mga naghaharutan.
"Kasi pag-uusapan natin si ano," bulong niya uli. Nilapit ko 'yong tenga ko sa kaniya para marinig ko ng malinaw.
"Sino?" nahawa na ako sa pagbulong bulong niya.
"Si ano, kilala mo 'to, e, sigurado ako." napaisip ako kung sino 'yong tinutukoy niya.
"Nag-iisip ka pa, konti lang naman kilala mo dito," natigilan ako sa sinabi niya. Oo nga naman, wala naman akong masyadong kilala rito.
"Sino nga?!" medyo irita ko ng sabi.
"Si mister vice president," bulong niya pa bago siya humagikhik na parang timang.
"Anong meron sa kaniya?" tanong ko.
Ngumisi siya ng nakakaloko. "Kunwari walang alam ha!" natatawa niya pang sabi.
"Ano ba kasing meron?!" apurada ko ng tanong.
"May gusto nga ako sa kaniya!" pagkasabi niya ay parehas kaming natigilan. Gusto niya nga, pero bakit niya sinasabi sa akin 'to ngayon? I don't have much communication with him. She needs my help, para mapalapit siya kay Ardus?
Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumawa at hinampas ang braso ko. Napahawak naman ako sa braso ko dahil sa sakit ng hampas niya.
"Baliw ka?!" naiinis kong tanong sa kaniya at nag iwas ng tingin. Nagpahalumbaba ako sa lamesa ko at nakatingin sa may pintuan.
"Galit ka na niyan?" asar niya. "Selos ka nga?" pangungulit niya pa habang kinukulibit ako.
Hindi ko siya pinansin at mas lalo pa akong tumalikod sa kaniya. What is her point? I don't get it.
Ardus is just my friend? I'm not sure yet. We just met a few days ago. Friend na ba agad iyon? Ako lang ata nakakaisip ng idea na iyon. Ako lang ata ang kaibigan na ang turing makasama ko lang ng ilang saglit o makausap man sa ibang bagay.
Paano ba maging kaibigan ang isang tao? Tingin ko tuloy sobrang babaw ko, gusto ko lang naman ng kaibigan na lagi kong kasama. I've been alone for years here in school. No one dares to become my friend. Ang swerte ko pa na kinakausap pa ako ni Vivyan.
"Hindi nga, gusto ko talaga si vice president," bulong bulong niya pa sa tabi ko. "I like him so much! Ang sipag niya at ang talino pa," patuloy niya pa.
Sumandal ako sa umpuan ko. "Gusto mo tulungan kita?" hindi ko maintindihan kung bakit may pait sa pagkakasabi ko sa mga kataga na iyon. No way!
Nanlaki ang mata niya kitang kita ang pagkagusto niya sa alok ko. "Talaga?! Tutulungan mo ako?"
Tumango ako. "Oo naman," pilit kong sabi kahit na hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan.
"OMG! You're the best!" tumayo pa siya na parang kinikilig. Napatingin sa kaniya ang iba naming mga kaklse sa bigla nyang pag akto ng ganoon.
Inalog alog niya pa ang balikat ko habang sinasabi kung gaano siya kinikilig. Wala naman akong nagawa kundi ang pagbigyan siya.
Uwian na at palabas na ako ng pinto at nakita ko na nag aabang na ang pinsan ko sa labas ng room namin. Nagulat pa ako sa bigla niyang pagpunta dito. Madalas ay sa labas ng school niya kami hinihintay ni Valene.
"What are you doing here? Maghahamon ng away?" kunot noo kong tanong sa nakangising si Vernon.
"Grabe ka naman sa maghahamon ng away. Ako na raw ang magsundo sa iyo rito, nasa baba na si Ate masakit ang paa." nauna na akong maglakad sa kaniya at hindi na inintindi ang mga sinsabi niya.
I'm still occoupied sa sinabi ni Vivyan sa akin. Mukha naman siyang seryoso sa sinabi niya.
Dapat ay wala na akong pake, pero sinabi ko na tutulungan ko siya. Hindi naman siguro papatol si Ardus sa junior high, diba?
Nakababa na kami ng hagdan ng matanaw ko si Ardus na kakalabas lang ng building nila. Hindi katulad kanina, mukhang parang nakahinga na siya. Medyo maaliwalas na ang mukha niya.
"Wyn!" napalingon ako sa likod ko sa tumawag sa akin. Si Vivyan na nakangiti sa akin.
"Joke lang 'yung sinabi ko sa iyo!" sigaw niya pa.
"Alin?!" napasigaw na rin ako dahil malayo ang distansya namin.
"'Yong kanina!"
"Ha?!" hindi ko maintindihan.
"Tara na, Ate Wyn!" sabi ni Vernon sa tabi ko at hinila na ako. May itatanong pa ako pero epal talaga 'tong pinsan ko.
What? Joke? Alin sa sinabi niya? Saan banda?
ClearSiya na ang pumila para bumili ng pagkain naming dalawa, pero ako ng nagbayad. Ang dami niyang kinuha na pagkain. Kasya sa limang tao ang binili niyang mga pagkain. Mukhang hindi naman namin iyon mauubos dahil sa dami.
RejectedHanggang sa makauwi ako ay iniisip ko pa rin 'yong sinabi ni Vivyan na 'joke' kuno. Anong ibig sabihin ng joke niya? Na joke lang na gusto niya si Ardus o joke lang na huwag ko na siyang tulungan?
JokeHabang nagkaklase ay mas determinado akong makinig sa guro na nagtuturo sa harapan namin. Hindi ko alam pero simula ng pumasok ako kanina pagkatapos ng recess ay maganda ang mood ko.
Sorry"Bilisan mo diyan!" utos ko kay Vernon na pinaglilinis ko ng bakuran naming. Nakabusangot na siya habang binubuhat ang sako ng mga dahoon na nawalis niya kanina.
Cold CompressMabilis lumipas ang mga araw sa biyernas na, ang pinakahihintay kong araw. Nakatambay ako sa garden ng school kung saan ako mahilig tumambay. Lunch time at naisipang hindi kumain ng lunch dahil maaga ang labas naming ngayon. Sa labas nalang ako kakain mamaya
Preoccupied I wish I become more stronger and braver.Pagkatapos ng huling hiling ay pumasok na ako sa loob. Tahimik lang silang dalawa habang nagtatakang nakatingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa bago tahimik na umupo sa pwesto ko kanina.Wala silang imik tanging pag senyas lang ni Valene kay Vernon ang napapansin ko. Tahimik na na tumayo si Vernon papunta sa kusina. Nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang dulo ng unan. Para akong nawalan ng gana at mas gugustuhin nalang matulog sa kwarto ko at doon umiyak.Kinulbit ako ni Valene kaya nap