FAZER LOGINPreoccupied
I wish I become more stronger and braver.Pagkatapos ng huling hiling ay pumasok na ako sa loob. Tahimik lang silang dalawa habang nagtatakang nakatingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa bago tahimik na umupo sa pwesto ko kanina.Wala silang imik tanging pag senyas lang ni Valene kay Vernon ang napapansin ko. Tahimik na na tumayo si Vernon papunta sa kusina. Nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang dulo ng unan. Para akong nawalan ng gana at mas gugustuhin nalang matulog sa kwarto ko at doon umiyak.Kinulbit ako ni Valene kaya napatingin ako sa kaniya na may nag aalalang tingin."Ayos ka lang?" tila gatilyo ang tanong niya dahil nagsibagsakan ang kanina pang gustong kumawala ng mga luha ko.Agad siyang lumapit sa akin at sinandal niya ang ulo sa balikat niya at hinagod niya ang likod ko. Tahimik lang ang paglandas ng mga luha ko.Parang may nakadagan sa dibdib ko na hindi ko malabas, ang hirap sabihin ng nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag. Pero isa lang ang sigurado ko. Pangungilila.Nanatili ako nakasandal sa balikat ni Val ng dumating si Vernon na may dala ng mga pagkain. Maligaya siyang ngumiti sa akin at pinakita ang dala niyang pagkain. He's trying to make me smile.Kahit na hindi ako magkwento sa kanila kung ano pinag usapan namin ni Mama ay alam na agad nila kung bakit ako nagkakaganito. Lagi akong ganito. I feel so neglected."Hayaan mo na 'yon, Ate, i-enjoy nalang natin 'tong gabi na 'to. H'wag mo ng isipin 'yon nandito naman kami para sa'yo," pinilit kong ngumiti sa sinabi ni Vernon."H'wag ka ng umiyak papangit ka niyan!" biro pa ni Valene at inabutan ako ng tissue. Ipinunas ko iyon sa mukha ko na punong puno ng luha."Kumain ka nalang, oh!" sabi pa ni Vernon at inabutan ako ng isang bowl ng popcorn.Natawa akong bahagya sa kaniya. Masyado silang nag aalala para sa akin at ayaw ko no'n. Pilit nila akong pinapasaya. Ayaw nila akong nakikitang malungkot. Lagi silang ganito tuwing malungkot ako. I'm lucky that I have them both. Kahit laging kaming nagkakapikunan ay hindi talaga mawawala sa aming tatlo ang care.Habang nanunood kami ay hindi ako natatakot sa pinapanood namin ewan ko ba para akong naging manhid. Si Vernon at Valene na nasa magkabilang gilid ko ay takot na takot. Sinisiksik pa nila ako."Pota!" sigaw ni Vernon at siniksik ang ulo sa braso ko. Tinawanan namin siya si Valene. "Para kang bakla, Ver!" reklamo ni Valene."Nakakatakot kaya!" katwiran pa ni Vernon"Malamang horror pinapanuod natin!""Duwag!" sabi ko at kinutusan siya sa ulo.Hindi ko na natapos ang panunuod ang movie dahil nakatulog na agad ako dala na din siguro ng pag iyak ko kanina.Nagising ako ng may kumukulbit na sa akin. Bumungad sa akin ang mukha ni ni Vernon na mukhang kakagising lang rin. Madilim pa sa labas pero rinig na ang tilaok ng mga manok.Tinignan ko si Valene sa tabi ko na tulog na tulog pa. Na alala ko ang kasunduan naming tatlo na kung sino ang huli gumising ay manlilibre ng pamasahe namin papunta sa school.Napangisi naman ako at sa wakas ay nakaligtas ako sa gastos. Makakabawi ako sa kinain namin kahapon."Hayaan mo si Valene diyan, maligo ka na," natatawa kong bulong kay Vernon."Tinapos niya ata pinapanuod natin kagabi," bulong pa ni Vernon at mahinang tumawa."Bahala siya," tawa ko pa at dahan dahang tumayo mula sa pagkakahiga.Umakyat na ako sa kwarto ko para maligo at mag ayos ng katawan. Maaga pa naman kaya naman tinagalan ko sa loob ng banyo at sinulit ang oras sa pag aayos. Tinignan ko rin ang mga notebook ko kung may nakaligtaan ba ako.Tumambay pa ako sa kama ko at medyo inaantok pa ako. Hindi pa rin ako nagising sa malamig na tubig na pinanligo ko kanina. Gusto ko ng mag biyernes para sa susunod na araw ay sabado na at wala na uling pasok. Feeling ko kapag nasa school ako ang tagal tagal ng oras.Bumaba na ako ng kwarto. Habang nasa hagdan ako ay tanaw ko si Valene na inaayos ang pinaghigaan naming tatlo kagabi habang may kagat kagat na tinapay sa bibig. "Buti gising ka na!" asar ko pa sa kaniya sabay tawa.Dumiretso ako sa kusina at gumawa ng oatmeal. Maya maya ay sumnod sa akin si Valene at kumuha ng tubig sa water dispenser."Madaya naman kayo ni Vernon. Nauna ka ng matulog tapos nang makita ka ni Vernon na tulog na gumaya na. Ang daya niyo alam niyo 'yon?" reklamo niya sabay kuhay uli ng tinapay sa ibabaw ng lamesa."Inantok na ako, e. Natakot suguro si Vernon kaya natulog na rin," biro ko pa.Natahimik kaming dalawa. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa tubig sa baso. Lutang pa ako dahil ang aga pa. Ngayon lang ata ako nakapag-ayos na ng ganitong kaaga.Naupo si Valena sa katabing bakanteng upuan ko. Rinig ko ang buntong hininga niya kaya nilingon ko siya."Kung ano man ang nangyari habang nag-uusap kayo ng mama kagabi h'wag mo 'yon isipin. Balang araw uuwi rin sila para sa'yo, malay mo sa moving up ceremony mo andiyan sila." nakangit pa niya akong nginitian.Nangilid ang mga luha ko. Natatawa ko itong pinawi. Agang aga umiiyak na naman ako. Nakakapagod rin kayang umiyak, sawang sawa na akong umiyak. Nakasanayan ko na lang rin pero ayaw ko na."Ano ba 'yan pinapaiyak mo ako ang aga aga, Val!" hinampas pa ang balikat nita habang ang isang kamay ko ay pinupunasa ang mga luha ko. "Pinapaasa mo naman ako, e!""Naiirita kasi ako sa'yo! Alam ko namang malungkot ka pero pinipilit mong maging masaya. H'wag gano'n! Ipakita mo kung ano talaga ang nararamdaman mo kaya ka inaabuso ng karamiha!" napanguso ako sa sinabi niya. Napatitig ako sa kinakain ko."You need to be yourself, be true to yourself. Kung naloloko mo ang sarili mo na masaya ka kahit na hindi nama, ibahin mo ako kitang kita sa mga mata mo. Your eyes can't lie, Wyn." sinuklay pa ng kanyang kamay ang medyo basa ko pang buhok.Yeah. I'm not really happy. I'm just trying to be happy. I doubt myself for being like this. I'm so sick for being an introvert. Natatakot akong ipakita ang tunay kong nararamdaman. Concious ako sa mga galaw ko sa kapag kaharao ko ang ibang tao.I heavily sighed."May tiwala ako sa'yo, kaya mo 'yan!" tinapik niya pa ang likod ko bago siya at tumayo sa kinauupuan at lumabas ng bahay.Inisip ko ang sinabi ni Valena. Maybe I should leave my comfort zone na hindi ko naman na feel na masaya. Laging neutral lang ang ekspresyon ko. Tuwing kasama ko si Valene at Vernon doon ko lang napapakita ang totoong ako.Ngayon pa ba ako makikipag-kaibigan kung kelan patapos na ang taon? I will just not attach myself para kung may umalis man ay ayos lang sa akin at hindi ako masaktan ng husto.Dumating na si Vernon at nakabihis at nakasukbit na sa balikat niya ang bag niya na aabot na sa puwitan niya. Napailing nalang ako usong uso ang ganoomg style ng bag. Akala naman nila cool tignan."Pakain nga dito walang pagkain sa bahay," reklamo niya pa at naghalwat ng pwedeng makain. Kinuha niya ang box ng cereals at kumuha ng fresh sa ref bago umupo sa upuang inupuan kanina ni Valene.Tinapos ko na ang pagkain ko. Hababg umiinom ng tubig ay nakatingin ako kay Vernon na parang ilang buwang hindi kumain. Naramdaman niya ata anf tingin ko at napalingon siya sa akin at pinanliitan niya ako ng mata."Umiyak ka naman? Napakaiyakin mo talaga," sinipa ko ang paa niya. Imbis na i-comfort ako aasarin pa ako. Pinsan ko ba 'to?Lumabas na ako sa kusina. Naupo ako sa sofa saka binuksan ang TV at nanuod ng balita habang hinihintay si Vernon na matapos kumain pati kay Valene na naghahanda pa lang. Nakabukas ang kurtina ng bintana namin kaya nag re-reflect sa screen ng TV ang mala kahel na kulay ng papasikat na araw.Nakahalumbaba ako sa isang unan ng biglang dumating si Valene at padabog na nilagay ang bag sa sofa bago siya naupo sa tabi ko.Magkasalubong ang mga kilay niya na akala mo ay may ka away. Para na siyang sasabog dahil namunula na rin ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung tatawanan ko ba siya dahil sa itsura niya o mag aalala."Bakit ganyan mukha mo?" tanong ko at dinungaw pa siya dahil diretso lang ang tingin niya sa flower base na katapat niya.Kanina lang siya ang nagtatanong sa akin kung ayos lang ba ako, ngayon siya naman. Hindi na maipinta ang mukha niya."Huy!" winagayway ko pa ang kamay ko sa harap ng mukha niya na siya namang hinawi niya. Hala boang?Napairap ako at itinuon nalang ang atensyon ko sa panunuod ng balita. Lakas na naman ng topak ng isang 'yon. Maya maya ay lumabas na si Vernon galing sa kusina na nakangiti. Pero ng makita niya ang Ate niya na gano'n ang itsura ay kulang nalang na bumalik patakbo papunta sa kusina dahil sa gulat."Ate, nandiyan ka na pala. Tara na!" inosente niyang sabi. Lalagpas na sana siya ng salas ng lingunin siya ni Valene.Pinatay ko ang TV at tumayo na rin at sinukbit ko na ang bag ko habang pinakikiramdam ang dalawa na parang mag aaway pa ata."Bakit hindi mo sinabi na tumawag si Jerard sa Telepono kagabi!" pagalit na sigaw ni Valene. Laking gulat ko sa pagsigaw niya. Nalipat ang tingin ko kay Vernon na nakakunot ang noo na tila ba ay nag iisip pa."Huh? Akala ko alam mo na dahil umuwi ka kagabi?" nalilitong tanong ni Vernon.Agad naman siyang binato ng throw pillow ni Valene na tumama sa mukha niya."Magagalit ba ako kung alam ko?!" sigaw pa niya uli."Bakit ba kasi sa telepono siya tatawag, meron namang cellphone!" sigaw pabalik ni Vernon na mukhang naiinis na.Ako naman ay walang ginagawa at nakatayo lang at palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Agang aga away."Dapat sinabi mo pa rin sa akin! Project namin 'yong pag uusapan namin!""Bakit hindi siya sa cellphone mo tumawag? At bakit sa landline pa!""Tumawag rin pero hindi ko nakita!"Naririndi na ako sa sigawan nilang dalawa kaya nakisingit na ako sa kanila."Ano ba 'yan ang aga-aga ang ingay niyo! Tara na nga!" yaya ko sa dalawa at nauna ng lumbas ng bahay.Paglabas ko palang ay niyakap ko na agad ang sarili ko dahil sa lamig. Enero na at malamig pa rin. Napakamot ako sa noo ng hindi pa tapos magsagutan ang dalawang magkapatid sa loob ng bahay. Kaya bumalik ako at sinilip ko sila at malapit na silang magpatayan sa mga tinginan nilang dalawa. Napailing nalang ako sa ugali ng magkapatid na ito."Hoy! Tara na!" sigaw ko sa kanilang dalawa.Nakasimangot na sumunod sa akin si Valene at si Vernon naman ay nakakunot ang noo. Badtrip silang dalawa kaya hindi na ako nagtanong kung anong nangyayari sa kanila.Habang nasa tricycle ay tahimik lang ako at inabala ang sarili sa panunuod sa mga nadaraanan namin. Hindi ko sila pinapansing dalawa dahil baka madamay pa ako sa away nila. Mahirap na…Pagdating namin sa school ay nakahiwa-hiwalay na kami. Wala pang masyadong mga estudyante at nakikita ko pang naglilinis ang mga utility officials. Tinanaw ko ang room namin mula sa baba at nakabukas na ang pinto nito ngunit wala pang bukas na ilaw sa loob. Ang katabing room namin ay nakasarado pa. Kinabahan ako dahil baka ako ang nauna sa room namin.Napaaga ata ang pasok ko. Tinignan ko ang room ng mga lower grade at ang iba ay may tao na. Ngayon lang ako pumasok ng maaga kaya hindi ko alam ang dadatnan ko sa room. Baka nga ako pa lang.Binagalan ko ang pag akyat ko sa hagdan. Dahil hindi naman ako nagmamadali. Wala akong nakakasalubong ni isa. Sumisipol sipol pa ako bago ako pumasok sa room namin at laking gulat ko nalang nang makita kung sino ang mga naroon.Seriously? Is this a dating place?Bumungad sa akin si Nico na kaklase ko kasama si Bethany. Nagtatawanan sila ng pumasok ako at ang ulo ni Bethany ay nakasandal sa balikat ni Nico.Napatingin sila sa akin ng dumating ako. Natigil sila sa pag uusap at sa tawanan nila. Napalunok ako ng mapagtanto na katabing upuan ni Nico ang upuan ko. Bakit ba siya nakaupo roon e hindi naman doon siya nakaupo.Nakayuko akong naglakad sa upuan ko at agad na nilagay ang bag ko sa upuan. Napatining sa’kin ‘yong dalawa. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Their stares look like that I am forbidden to be there.
I sighed heavily bago ko sila iwan roon. Lumabas ako ng room at tumabay sa may hallway at pinagmamasdan ang mga estudyante sa baba. Kahit na nasa labas na ako ay rinig ko parin ang hagikhikan nila sa loob ng room.
Hindi ba nila alam na bawal iyan? Labag ang ginagawa nila sa rules ng school. I don’t care though. Hindi naman ako mapapadala sa guidance. Good luck nalang sa kanila pag nahuli sila mga teachers o kaya baka may magsumbong.
Maya maya ay lumalakas ang pag uusap nila. Nilingon ko sila at papalabas na pala sila ng room. Ang sama ng tingin sa akin ni Bethany habang si Nico ay napawi ang mga ngiti ng makitang nakatingin ako sa kanila.
Nag iwas ako ng tingin. Binaling ko nalang uli ang atensyon ko sa mga lower grade na pagala-gala sa baba. Ihahatid na niya siguro si Bethany sa room niya.
Tanaw ko sa baba na nagsisidatingan na ang mga kaklase ko. Napaaga nga ang pasok ko dahil dati lagi sila ang nadadatnan ko ditto sa room tuwing papasok ako. This day is something different.
Papasok na sana ako ng room ng biglang tumawag sa akin. Nilingon ko si Nico. Tinakbo niya ang distansiya naming. Mataman ko siyang tinignan.
“Why?” tanong ko nang nasa harapan ko na siya.
Ngumiti siya sa akin na aking ipinagtaka.
“Huwag kang magsusumbong ha?” ano bang tingin nito sa akin? Sumbongera?
“Bakit kayo na ba?” nagulat ako sa sarili ko sa tanong ko. Kita ko sa mukha ni Nico ang pagkagulat rin pero agad niya iyong nabawi at ngumiti.
Damn! Bakit kailangan niya pang ngumiti ng ganoon?
“Hindi pa pero ‘wag kang mag kang magsusumbong ha?” ulit niya pa.
Wala na akong nagawa kundi ang tumango. Kahit hindi naman niya sabihin hindi ako magsusumbong pake ko ba sa kanila.
He tapped my head na parang tuta. What the fuck?!
Dahil sa ginawa niya ay bigla akong kinabahan. Napayuko ako. Siya ang unang pumasok sa loob ng room. Nanatili pa ako ng ilang minuto sa laba bago ko napagdesisyunan na pumasok na.
Naabutan ko si Vivyan na nakaupo na sa upuan niya. Sinalubong niya ako ng nakakatakang tingin. Hindi ko na siya pinansin at naupo na sa upuan ko.
Wala ako sa sarili ko habang nag kaklase. My body is present, but my mind is not. Nasita pa ako ng isa kong teacher sa science.
“Ms. Guzman are you listening?” halos mapatalon na ako sa kinuupuan ko dahil sa gulat ng tawagin ako ng teacher ko.
Napakurap-kurap ako at tinignan ang mga kaklase ko na natigil sa pagsusulat at tumingin sa akin.
“May pinapagawa na ako nakatulala ka pa rin diyan,” masungit niyang sabi. Kinapangan ako ng kahihiyan at kaba.
“I’m sorry, Ma’am.” Paumanhin ko.
My mind was preoccupied dahil sa nangyari kanina sa amin ni Nico. Shocks nakakahiya! Narinig ko pa ang mga bulungan ng mga kaklase ko. Hindi ko nalang pinansin at sinimulan ng gawin ang pinapagawa ni Ma’am.
I swear, hindi na ako papasok ng maaga.
ClearSiya na ang pumila para bumili ng pagkain naming dalawa, pero ako ng nagbayad. Ang dami niyang kinuha na pagkain. Kasya sa limang tao ang binili niyang mga pagkain. Mukhang hindi naman namin iyon mauubos dahil sa dami.
RejectedHanggang sa makauwi ako ay iniisip ko pa rin 'yong sinabi ni Vivyan na 'joke' kuno. Anong ibig sabihin ng joke niya? Na joke lang na gusto niya si Ardus o joke lang na huwag ko na siyang tulungan?
JokeHabang nagkaklase ay mas determinado akong makinig sa guro na nagtuturo sa harapan namin. Hindi ko alam pero simula ng pumasok ako kanina pagkatapos ng recess ay maganda ang mood ko.
Sorry"Bilisan mo diyan!" utos ko kay Vernon na pinaglilinis ko ng bakuran naming. Nakabusangot na siya habang binubuhat ang sako ng mga dahoon na nawalis niya kanina.
Cold CompressMabilis lumipas ang mga araw sa biyernas na, ang pinakahihintay kong araw. Nakatambay ako sa garden ng school kung saan ako mahilig tumambay. Lunch time at naisipang hindi kumain ng lunch dahil maaga ang labas naming ngayon. Sa labas nalang ako kakain mamaya
Preoccupied I wish I become more stronger and braver.Pagkatapos ng huling hiling ay pumasok na ako sa loob. Tahimik lang silang dalawa habang nagtatakang nakatingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa bago tahimik na umupo sa pwesto ko kanina.Wala silang imik tanging pag senyas lang ni Valene kay Vernon ang napapansin ko. Tahimik na na tumayo si Vernon papunta sa kusina. Nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang dulo ng unan. Para akong nawalan ng gana at mas gugustuhin nalang matulog sa kwarto ko at doon umiyak.Kinulbit ako ni Valene kaya nap