Home / Lahat / Solitary / Chapter 2

Share

Chapter 2

Author: Margaretzzzz
last update Petsa ng paglalathala: 2020-08-21 12:02:04

Wishing Star

Tumatakbo na kami ng makapasok kami sa gate ng bahay namin. Malayo pa ito sa bahay namin dito kalimitan dumadaan ang mga sasakyan ng mga tita ko pag gusto nilang iparada ang sasakyan nila sa malawak naming bakuran. 

Malapit sa kalsada ang gate namin kaya saktong sakto. Ang bahay naman namin ay napapaligiran ng mga puno pero may mas mabilis na daan naman para makauwi ako. Pwedeng dumaan sa gilid ng bahay nila Val.

Pero ngayon sa bahay muna si Valene dahil medyo ginabi kami at baka pagalitan kami. Kapag na abutan kami nila tita na nasa bahay na kami ay hindi na kami papagalitan.

Medyo palusong ang dadanan namin kaya tumigil na kami sa pagtakbo. Sementado naman ito at medyo malumot na kaya kailangang magdahan-dahan para hindi kami madulas.

Gubatan na ang paligid ng bahay namin kaya wala kami masyadong kapitbahay. Tanging mga tita at tito pati ang bahay lang ni lola ang kapitbahay namin.

Kahit na ganon ay kahit nasa kalsada ay makikita ang bahay namin dahil sa laki nito. Hindi ko alam kung bakit dito pa sila nagpatayo ng bahay sa tagong parte ng aming lupain. Pwede namang medyo sa unahan na kapantay ng bahay nila Valene.

Ayos na din ito at least tahimik.

"Nakakapagod talaga dumaan dito," hingal na hingal na sabi ni Valene nang nasa harap na kami ng bahay.

Binuksan ko na ang pinto ng bahay namin. As usual madilim at walang kabuhay-buhay ang sumalubong sa'min.

Nilapag ko ang aking bag sa sofa at gano'n din ang ginawa ni Val.

"Gutom na uli ako," natatawa kong sabi habang tinatanggal ang id ko.

"Tara nalang magluto!" biglang sabi ni Val at dumiretso sa kusina.

Sumunod agad ako sakanya at kumuha ng tubig sa despenser.

"Ano kayang masarap," sabi niya pa at tinitignan ang laman ng ref namin.

"Pancit canton nalang para mabilis lutuin," suhestiyon ko sakanya. Kung magluluto pa kami ng ulam ay baka matagalan pa.

"Ay sige," nakangiti niyang sabi at sinarado ang pintuan ng ref bago siya humarap sa lagayan ng mga noodles namin.

"Magbibihis lang ako sa taas, Val." paalam ko hindi ko na hinintay ang sagot niya at pumunta na ako sa kwarto ko para makapag bihis.

Bago ako bumaba ay naririnig kong may nag uusap. Tingin ko ay si Vernon iyon na nakakabatang lalaking kapatid ni Valene.

Dumiretso ako sa kusina at nando'n nga si Vernon at kinakain na ang nilutong pancit cantom ni Valene. Nakasandal siya sa counter habang nakasimangot na tinitignan ang kapatid.

"Ate Wyn, pakaim muna ha," natatawang sabi niya bago uli sumubo ng kinakain.

"Hindi naman para sa'yo 'yan! Bakit ka ba nandito?" angil ni Val sa kapatid.

"Pinaghuhugas ako ni mama ng pinggan tumakas lang ako, Ate." natawa ako sa sinabi niya. Lagi siyang ganyan kapag ayaw niya ng gawain ay lagi iyang pupunta dito sa bahay para dito manggulo.

"Susumbong kita kay tita tamo," natatawa kong sabi. Agad naman siyang napasimangot sa simabi ko.

Kumuha ako ng pinggan at tinidor bago umupo sa katabing upuan ni Vernon. Kumuha ako ng pancit canton at nagtira lang ng kaunti para kay Valene.

"Nagtira ka pa?" sabi sa'kin ni Valene. Natatawa ko siyang tinignan.

"Magluto ka nalang uli," sabi ko.

"Oo nga naman, Ate. Madali lang naman iyan lutuin," segunda pa sa'kin ni Vernon. Napairap sa'ming dalawa si Valene. Kumuha siya ng tinidor at kinuha ang tinira kong pancit canton sa pinggan at naupo siya sa katapat ba upuan ni Vernon.

"Lilipat ka ng school, Ate Wyn?" napabaling ako kay Vernon dahil sa tanong niya.

"Bakit mo naman natanong?" tanong ko din.

Tinapos niya munang isubo ang nasa tinidor niya bago nag angat ng tingin sa'kin. Pero bago pa siya magsalita ay naunahan na siya ni Valene.

"Lilipat na 'yan, diba? Wyn?" tinaasan niya pa ako ng kilay. Nalipat ang tingin ni Vernon sa ate niya.

Nagkibit ako ng balikat. "Hindi ko pa sure," sabi ko.

"Bahala ka, desisyon mo 'yan," sabi ni Valene na nakasimangot.

"Lipat ka nalang, Ate Wyn. Mas maganda sa school na papasukan ni Ata malapit mall." ngiti-ngiting pang pagkumbinsi sa'kin ni Vernon.

Hindi lang naman si Val ang gusto akong palipatin. Lahat silang nagbabantay sa'kin dito. Para daw kahit papaano ay malapit ako kay Valene. Hindi ko naman kailangan ng desisyon nila Mama at Papa. Kung ano naman ang desisyon ko ay papayag sila. Wala silang pake in short.

Buong buhay ko hindi sila nanghihimasok sa mga desisyon ko.

I became independent at a young age. Sanay na nga akong mag isa. Kahit na hindi ko kasama si Val o si Vernon ay ayos lang sa akin.

After eating we decided to watch a horror movie. We are suckers for horrors. Lahat pinapatulan namin basta nakakatakot.

Nilatag namin ang sofa bed sa salas at doon na din kami matutulog dahil paniguradong gabi na kami matatapos sa kakanuod.

Nakahilig ako sa balikat ni Vernon habang nunuod pa kami ng kung ano-ano sa Youtube. Hinihintay namin si Val dahil umuwi ito para magpalit ng damit at para magpaalam.

Habang hinihintay si Val ay pinag-uusapan namin ni Vernon ang crush niya na hindi siya crush. Ang laki naman ng problema niya. Tsk.

"Ang pangit mo kasi kaya hindi ka crush!" agad naman niya akong kinotongan.

"Baka nga pangit ako, ang dami kayang nagkakagusto sa akin!" apila niya.

"Hindi ka nga crush ng crush mo!"

"Mas matanda lang 'yung crush niya kesa sa akin pero mas gwapo ako do'n sigurado ako." pinaglalaban niya talaga na gwapo siya.

"Sino ba crush ng crush mo? At sino ba 'yang crush mo ha baka naman pangit 'yan!" biro ko.

Bahagya niya akong tinulak.

"Anong pangit hindi, ah!" angil niya.

"Sino nga!"

"Si Bethany," bulong niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Inisip ko kung sino iyon. Hindi ako pamilyar sa estudyante sa school depende nalang kung laging usap-usapan.

"May jowa na 'yan, ah." paninigurado ko.

"Hindi pa sila ni Nico 'yong kaklase mo," sabi niya.

"Eh? Lagi ko silang nakikitang magkasama minsan sa room namin," sabi ko.

"Hindi pa daw, e." nagkibit siya ng balikat. Napairap nalang ako.

"Ang bata mo pa mag-aral ka muna bago jowa!" pangaral ko sa kaniya.

"Wala ngang pag asa, e!" 

"Sus!"

Biglang bumakas ang pinto at agad na pumasok si Valene at ni-lock na ang pinto. Hingal na hingal para bang tumakbo siya ng napakalayo. Dipende nalang kung tinakbo niya pababa ang hagdan papunta dito sa bahay namin.

Naupo siya sa paanan at sumandal sa tuhod nakabaluktot ni Vernon.

"Anong nangyari sa iyo, Ate?" tanong ni Vernon.

Nagpaypay siya gamit ang kamay niya kahit na bukas naman ang aircon.

"Para akong may nakitang white lady sa may hagdan. Gagi ang gulat ko," hinihingal pa niyang kwento.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Vernon, imbis na matakot ay tinawanan lang namin si Valene. Lumingon siya sa amin ng masama ang kanyang tingin.

"Ate, baka uniform ko lang 'yon na nilabhan ko kanina!" humagalpak ng tawa si Vernon. Natigilan si Valene.

"Ay gano'n?" si Valene.

"Oo! Wala namang multo dito, epekto na 'yan ng panunuod natin!" natatawa kong saad.

"Kung ano-ano na nakikita mo, Ate!"

"Tangina ka ako pinaghugas ni Mama ng pinggan! Ikaw dapat 'yon hindi naman ako kumain sa bahay!" hinampas pa ni Val ang binti ni Vernon pero baliwala lang ito sa kaniya.

"Ate, dapat tinakasan mo nalang din!" humagalpak ako ng tawa sa sinabi ni Vernon. Bad influence!

Nandadamay pa sa katamadan niya. Nagpatuloy sila sa pag aasaran nahinto lamang ng simulan ko na ang aming papanuodin. Tumabi na sa akin si Val, nasa gitna nila akong dalawa dahil mahilig manakit si Val tuwing nanunuod kami ng mga nakakatakot. Si Vernon naman ay naiinis tuwing nadadali siya ng Ate niya.

Nakatitig lang ako sa screen ng TV habang nanunuod. Paminsan minsan ay pinipikit ko pa ang aking isang mata tuwing intense na ang scene. 

"Puta!" biglang sigaw ni Vernon sa aking tabi. Agad kaming napatingin sa kaniya ni Valene.

"Ang ingay mo! Mamaya marinig tayo sa bahay pagalitan pa tayo!" saway sa sa kaniya ni Valene.

Aangal pa sana si Vernon sa kapatid ng biglang tumunog ang telepono. Nagkatinginan pa kaming tatlo nagpapakiramdaman kung sino ang sasagot. Sa huli ay ako na ang tumayo at kinuha ang telepono sa maliit na lamesita.

"Hello?" bungad ko.

"Hello, Wyn?" boses palang ay alam ko ng si Mama kahit na minsan lang kami magkausap ay tandang tanda ko ang kaniyang boses.

Napangiti ako dahil sa pagtawag niya. Malimit lang kami nagkakausap, minsan tatlong beses lang sa isang buwan at si Papa naman hindi ko na nakakausap dahil si Mama lagi ang tumatawag. Feeling ko tuloy minsan ayaw nila akong kausap.

"Ma, bakit po kayo napatawag?" nanginginig kong tanong. 

Napatingin sa akin ang dalawa kong pinsan. Sumenyas ako sa kanila na lalabas lang ako. 

Dahan dahan kong binuksan ang pinto para hindi gumawa ng ingay. Naupo ako sa barandilya ng terrace, sumandal ako sa poste at tinaas ang dalawa kong paa.

"Kamusta ka na?" nagulat ako sa tanong niya. Bihira nila akong kausapin. Tuwing tatawag sila dito ay agad nilang sinasabi ang pakay ng pagtawag nila.

Kakaiba ito para sa akin, hindi ako sanay. Nakaramdam ako ng kaunting saya sa aking dibdib.

"Po? Ayos lang naman po, Mama. Kayo po? Kamusta po kayo ni Papa diyan?" unti-unti ng nag iinit ang gilid ng mga mata ko. Naiiyak ako dahil sa galak at saya na nararamdaman.

"Ayos lang kami ng Papa mo... may gusto ka bang ipabili? magpapa-balikbayan box ako diyan sa katapusan." hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko.

I don't need material things, I need your presense.

Tumingala ako at tumingin sa langit na punong puno ng mga tala. 

"Kahit ano po, wala naman po akong kailangan kuntento na po ako." mahina kong sabi at pinanatili ang aking mga mata sa langit. "Asan nga po pala si Papa?" tanong ko.

"Nasa trabaho pa. Anyways, sabihin mo nalang sa Lola mo na tumawag ako. Ilista nila kamo ang kailangan kong bilhin para sakanila ha? Sige na at may trabaho pa din ako." tila ay nagmamadali si Mama

"Bye–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong binabaan ng tawag.

Napabuntong hininga nalang ako saka pinawi ang mga luhang lumandas sa aking pisnge. Tila nabahiran ng pagkadismaya ang kasiyahan ko kanina.

If I could only tell them that I want to talk to them whole night, I would. But that is impossible. May trabaho sila roon at hindi sabay ang oras.

Missing the presense of my parents in the middle of the night. Parang kinukurot ang aking puso sa nangyari. Ayos na sana, e, masaya na sana. Bakit ba hindi pumasok sa utak ko na hindi nila kayang mag laan ng mahabang oras na kausap o kasama ako.

While staring at the night sky. I was shocked when I saw a wishing star passed by. Hindi ako naniniwala na kapag humiling ka dito sa matutupad. But I want to try it now there's no wrong if I will try.

I closed my eyes...

I hope they will spend more time with me.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Solitary   Chapter 8

    ClearSiya na ang pumila para bumili ng pagkain naming dalawa, pero ako ng nagbayad. Ang dami niyang kinuha na pagkain. Kasya sa limang tao ang binili niyang mga pagkain. Mukhang hindi naman namin iyon mauubos dahil sa dami.

  • Solitary   Chapter 7

    RejectedHanggang sa makauwi ako ay iniisip ko pa rin 'yong sinabi ni Vivyan na 'joke' kuno. Anong ibig sabihin ng joke niya? Na joke lang na gusto niya si Ardus o joke lang na huwag ko na siyang tulungan?

  • Solitary   Chapter 6

    JokeHabang nagkaklase ay mas determinado akong makinig sa guro na nagtuturo sa harapan namin. Hindi ko alam pero simula ng pumasok ako kanina pagkatapos ng recess ay maganda ang mood ko.

  • Solitary   Chapter 5

    Sorry"Bilisan mo diyan!" utos ko kay Vernon na pinaglilinis ko ng bakuran naming. Nakabusangot na siya habang binubuhat ang sako ng mga dahoon na nawalis niya kanina.

  • Solitary   Chapter 4

    Cold CompressMabilis lumipas ang mga araw sa biyernas na, ang pinakahihintay kong araw. Nakatambay ako sa garden ng school kung saan ako mahilig tumambay. Lunch time at naisipang hindi kumain ng lunch dahil maaga ang labas naming ngayon. Sa labas nalang ako kakain mamaya

  • Solitary   Chapter 3

    Preoccupied I wish I become more stronger and braver.Pagkatapos ng huling hiling ay pumasok na ako sa loob. Tahimik lang silang dalawa habang nagtatakang nakatingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa bago tahimik na umupo sa pwesto ko kanina.Wala silang imik tanging pag senyas lang ni Valene kay Vernon ang napapansin ko. Tahimik na na tumayo si Vernon papunta sa kusina. Nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang dulo ng unan. Para akong nawalan ng gana at mas gugustuhin nalang matulog sa kwarto ko at doon umiyak.Kinulbit ako ni Valene kaya nap

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status