LOGINSorry
"Bilisan mo diyan!" utos ko kay Vernon na pinaglilinis ko ng bakuran naming. Nakabusangot na siya habang binubuhat ang sako ng mga dahoon na nawalis niya kanina.
"Oo, saglit lang!" naiinis na niyang sabi. Sakto naman ay padating na si Valene na may dalang pagkain.
Nasa terrace kami habang pinapanuod si Vernon na naglilinis. Hindi sa aking ideya ang paglinins si Vernon kundi sa ate niya mismo.
"Huwag kang magrereklamo diyan! Napaka-basugalero mo at nadamay pa si Wyn!" galit na sigaw ni Wyn.
Nang malaman niya kahapon kung ano ang nangyari sa mukha ko ay mas galit pa siya kesa sa akin. Hindi siya natitigil sa kakadakdak kay Vernon. Noong pag uwi naming ay hindi pa umaamin si Vernon sa ginawa niya. Hanggang sa ako nalang ang nagkwento at mas lalong nagalit si Valene.
Grounded si Vernon sa cellphone niya kaya para makuha niya ito ay kailangan niyang maglinis hanggang sa makuntento si Valene. Mukhang malabo makuntenhto si Valene at marami pa raw siyang ipalinis kay Vernon.
Kakatapos lang naming kumain at agad na inutusan ni Valene na linisin ang bakuran namin. Umaapila pa siya kanina pero hindi talaga siya makatakas sa ate niya.
"Bilisan mo maliligo pa kami sa batis!" sigaw uli ni Valene.
Tumigil si Vernon sa ginagawa niya at humarap sa amin na nakapamayawang.
"Ikaw kaya ditto!" ayan pikon na siya.
"Aba ako pa utusan mo?!"natawa ako sa kanilang dalawa.
Napahawak ako sa pisngi ko na hindi na ngayon ko palang nararamdaman ang sakit. Buti nalang at hindi namasa ng husto at kaunti lang ang pagiging-violet niya. Buti nalang at agad akong binigyan ng cold compress kahapon ni Ardus kung hindi ay siguro Malala pa ito ngayon.
Nagpatuloy si Vernon sa paglilinis hanggang sa nagyaya na si Valene na pumunta na kami sa batis. Iniwan namin si Vernon do'n para ayusin ang mga ginamit niya.
Nagdala lang ako ng isang malaking tuwalya. Wala naman akong balak maligo, gusto ko lang magpahangin doon. Dumaan kami sa sakop ng lupa namin. Mas malapit dito kahit na puro puno ang madadaanan namin.
Pagdating namin ay dumiretso kami sa isang maliit na kubo na may lamesa upuan. Nilagay namin ang mga gamit namin doon. May iilang mga bata na naliligo rin sa batis. Palibhasa walang pasok kaya nagkatao dito.
Tumingin sa akin si Valene ng makaupo ako sa upuan.
"Ano tatambay ka lang dito?" tanong niya habang inaayos ang buhok niya.
Nag iwas ako ng tingin at tinignan ang mga batang nagkakasiyahan sa tubig.
Umiling ako. "Mamaya na, mauna ka na muna," sabi ko.
Hindi na niya ako pinilit at umalis na para magtampisaw sa malamig na tubig ng batis. Ngayon nalang uli ako nakapunta dito. Tuwing pupunta ako dito ay lagi kong sinasama ang mga pinsan ko dahil natatakot ako daanan. Baka may sumlubong na baboy ramo sa akin at wala akong kasama.
Maya maya ay dumating na si Vernon na may dala dalang soda at chips. Tumingin siya sa akin at naupo sa katapat kong upuan.
Inirapan ko siya.
"Ano na naman ginawa ko sa'yo? High blood ka masyado diyan."
Masama ko siyang tinignan. "Huwag ka na ngang magsalita naiirita ako sa pagmumukha mo!" naiirita kong sabi.
"Hindi naman ako sumuntok sa iyo, ah!" pangangatwiran niya pa. Lalong nag init ang dugo ko sa kaniya.
"Sino ba kasing nakikipagsuntukan?" pabalang kong tanong sa kaniya.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Ikaw naman mang-aaway sa akin ngayon?" tanong niya. "Bahala ka nga diyan," sabi niya at nilapag sa lamesa ang hawak niyang pagkain at umalis sa harap ko.
Naghubad siya ng pang itaas at binato sa mukha ko ang damit niya.
"Ang baho, Vernon!" sigaw ko sa natatawang si Vernon. Tumakbo na siya palayo sa akin at nakisali sa mga bata na nagtatampisaw roon.
Napailing nalang ako at nilagay sa lamesa ang damit niya.
Pinagmasdan ko nalang sila. Tinawag pa ako ni Valene para maligo pero hindi ako pumayag. Wala pa akong gana. Tumayo ako at naglakad malapit sa malaking bato. Inakyat ko iyon at doon naupo.
Napatingin ako sa langit na dumidilim na. Mukhang may nagbabadyang ulan. Lumapit sa akin si Valene at tumabi sa inuupuan ko. Nakaktingin siya sa tatlong batang nilalaro ni Vernon. Napatingin na din ako at pinagmasdan ang bawat ngiti ng mga bata.
Nagbuntong hininga siya sabay ngiti. "Ang bilis ng panahon, ano? Dati tayong tatlo naglalaro lang rin dito. Mga panahon wala pa tayong pake sa mundo," sabi niya.
Napangiti ako. "I missed those days," mapait akong ngumiti.
I missed our childhood days.
Naramdaman ko ang pagpatak ng ambon sa akin. Sinalo ko iyon ng aking palad saka ngumiti. Isang alala ang nagbalik sa akin.
Umiiyak ako habang nakaupo sa isang bato malapit sa gilid ng batis. Nakalubog ang kalahati kong paa sa malamig na tubig ng batis habang masama akong nakatingin sa mga pinsan ko na pagkakaisahan ako.
"Umiiyak na!" tawang sabi ni Valene.
"Iyakin talaga!" asar pa ni Vernon. Kumuha ako ng maliit na bato at ibinato sa kaniya ngunit hindi tumama sa kaniya kaya lalo silang natawa.
"Uuwi na nga ako, bigay mo na tsinelas ko!" sigaw ko kay Vernon na nasa medyo malalim na parte ng batis. Dahil mas matangkad si Vernon sa akin kahit na mas matanda ako sa kaniya ay hindi ko kayang pumunta sa pwesto niya.
Si Valene naman ay natatawa lang sa gilid. Trip nila ako ngayon. Sa sobrang inis ko ay iniwan ko sla doon at umuwing walang tsinelas.
Nagulat nalang ako ng biglang hilahin ni Vernon ang paa ko. Napahawak ako sa braso ni Valene kaya nalaglag na din siya. Hinila niya kaming dalawa hanggang sa mabasa na ang paa ko ng tubig.
"Tulala moments ka na naman, Ate Wyn, uulan na hindi ka pa din magtatampisaw?" sabi ni Vernon at tinalsikan niya ako ng tubig. Pati si Valene ay nakisali na din.
Kaya ang ginawa ko ay ginantihan ko sila. Pero mas napuruhan nila ako dahil dalawa sila at isa lang ako. Ako na naman ang talo. Hindi ko na napigilang mapatawa. Ganito ang lagi naming ginagawa dati.
Basang basa na ako. Kanina ay ayaw kong maligo, pero ngayon parang ayaw ko pang umuwi. Nararamdaman ko na ang malalaking patak ng ulan.
"Lumalakas na ang ulan," biglang sabi ni Valene.
Natigil kami sa paghahrutang tatlo. Naupo uli ako sa bato na kinauupuan ko kanina. Dinama ko ang mga patak ng ulan na masakit sa balat.
Magsasalita na sana ako ng may marinig kaming tawanan sa may bandang likod ko kaya napatingin kami roon. Pagtingin ko ay saktong napaingin din siya sa dereksyon namin. Agad akong nag iwas ng tingin. Kasama niya ang mga barkada niya. Tingin ko ay sa ibang daan sila dumaan. Basang basa na sila ng ulan.
"Uwi na tayo, ang nilalamig na ako," sabi ko at nauna ng naglakad. Nagmamadali ako sa paglalakad at hindi ko na namalayan na may malaking bato sa dadaanan ko kaya natalisod ako.
"Ate Wyn!" tawag sa akin ni Vernon sabay tawa. Buti nalang at nabalanse ko ang akin katawan at hindi ako nadapa. Huli ko na nang marealize na madadaanan ko pala sila. Nag iba ako ng daan.
Pagdating ko sa kubo ay agad kong kinuha ang dala kong gamit. Nakasunod na sa akin ang dalawa kong pinsan.
"Patila muna tayo, lumalakas na ang ulan," suhestiyon na naman ni Valene. Tinignan ko siya ng masama. Nakatingin siya sa akin gamit ang nakakaasar niyang tingin.
"Uuwi na ako, bahala kayo diyan," sabi ko at lumabas na ng kubo at tinahak na ang daan pauwi. Hindi ko maatim na magtagal roon lalo na at nadoon rin ang kinaiinisan ko.
Naligo agad ako pagkarating ko sa bahay. Pagkatapos ay hindi na ako lumabas ng kwarto ko at inabala nalang ang sarili ko sa ibang bagay. Lumabas lang ako ng oras na ng kain.
Pagsapit ng linggo ay nasa bahay lang ako. Ang dalawa kong pinsan ay abala sa kani-kanilang gala kasama ang mga barkada nila. Niyaya ako ni Valene pero alam kong hindi ako makakarelate sa kanila.
Lunes ay maaga akong nagising at hindi rin ako na late sa unang klase. Hindi na ganoon kasakit ang pisngi ko at hindi na rin halata ang pasa. Pinilit pa ako ni Valene na lagyan ko raw ng concealer at malugod kong tinanggihan.
Wala masyadong nagtanong sa mga kaklase ko tungkol sa nangyari noong Biyernes. Expected ko na 'yon. Alam ko naman nandon sila para makichismis.
Pababa ako ng hagdan para pumunta sa canteen para bumili ng pagkain ko ng may tumawag sa akin. Tumingala ako para tignan iyon. Nang mapagtantong si Nico ay tumuloy ako sa pagbaba ko sa hagdan.
Pero bago pa ako makapasok sa canteen ay nakatakbo na agad siya sa tabi ko.
"Bakit?" mahinang tanong ko at balak ko na sana siyang unahan ng bigla siyang humarang sa harap ko. Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya.
"I'm sorry," nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon pinahalata.
Tumango ako. "Okay," sabi ko nalang at balak ko na siyang lagpasan pero hinawakan niya ang kamay ko. Agad ko iyong binawi sa kaniya.
Tumunog na ang bell ng senior high, ibig sabihin ay recess na rin nila.
Hinarap ko si Nico. "Okay na. Hindi ko na kailangan ng concern mo, pwede na ba akong umalis para makakain ako? Na sayang mo oras ko." hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at nilagpasan ko na siya.
Akala ko lulubayan na niya ako pero nagkamali ako. Habang bumibili ako ay nakasunod pa rin sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin. Pero tuloy tuloy pa rin siya sa pagsasalita. At mukhang kasalanan ko pa.
"Hindi ko naman sinasadya, e. Bigla ka kasing humarang, hindi ko na nakita." see?
"Dapat kasi hindi ka na nangialam, away naman 'yon, e" dagdag niya.
Nang mabili ko na ang pagkain na gusto ko ay agad akong umalis roon at nakisiksik sa ibang estudayate para matakasan ko siya.
Nang makalabas ako ng canteen ng walang sumusunod na Nico ay napabuga ako ng hangin. Pinagpawisan ako ng dahil sa pagtakas sa lalaking iyon.
Maglalakad na sana ako papunta sa garden ng mau biglang tumawag sa akin. Akad ko iyong nilingon. Napangiti ako ng makita kung sino iyon. Si Ardus. Maya hawak siyang binder. Mukhang mag-aaral siya.
"Hi! Ayos ka na?" tipid ngiting tanong niya sa akin.
"Ayos naman na ako, unti unti ng gumagaling," sabi ko.
"May pupuntahan ka?" tanong niya.
Tumango ako. "Diyan lang sa garden, naiirita kasi ako kay Nico kanina niya pa ako kinukulit." pagrereklamo ko. Wala naman kasi akong sa mood tumambay roon dahil konting minuto lang.
"Kung ganoon pwedeng sumama?" napatingin ako sa hawak niya binder bago mag angat muli ng tingin sa kaniya.
"Huh? Baka may gagawin ka pa at maabala ka pa," nag aalangan kong sabi.
Inayos niya ang kaniyang salamin. Napatitig ako ng saglit sa kaniya. Wow! Ang angas niyang tignan.
"Hindi naman props lang naman 'to," sabi niya sabay pakita ng binder niya.
A small smile rose on his lips.
Natawa ako. May itinatago pala itong kulo.
"Sige, sabi mo, e."
Sabay kaming naglakad papunta sa likod ng building kung saan naroon ang garden ng school.
"Bakit nga pala ikaw ginugulo ni Nico?" tanong niya.
Nagkibit balikat ako. "Nag sorry pero parang ako pa ang may kasalanan," sabi ko.
Naupo ako sa malimit kong pinag uupuan tumabi naman siya agad sa akin. Agad akong nakaramdam ng kaba. Baka may makakita sa amin dito magkaroon pa kami ng issue. Ang dami pa namang mga estudyante na mahilig sa issue.
"Naiirita lang ako dahil nasabi ko naman na okay na sa akin iyon, pero paulit-ulit siya." dagdag ko pa.
Napatingin ako kay Ardus na nagpipigil ng tawa.
"Bakit ganyan ka?!" hindi na niya napigilan at napatawa na nga siya.
"Kung makikita mo lang 'yong mukha mo habang sinasabi mo kung gaano ka kainis kay Nico matatawa ka talaga," tawa niya pa.
Pinangunutan ko siya ng noo at sinumulan ng kainin ang pagkain na binili ko kanina. Tumatawa pa din siya. Walang pag aalinlangan niyang tinanggal ang salamin niya at pinunasan ang gilid ng kaniyang mata.
Shit ang cute!
Ako naman ang natawa sa kaniya. "Sige, tawa pa, naiyak ka tuloy," sabi ko.
"Ang init naman dito," reklamo niya at ginawa niyang pamaypay ang binder niya. May purpose naman pala ang binder niya.
"Hindi naman lagi, ngayon nalang uli uminit dito dahil magtatag-araw na," sabi ko, tumango tango naman siya. "Gusto mo?" alok ko sa cream o na kinakain ko.
Agad siyang umiling. "No thanks, I don't eat unhealthy foods." mayabang niyang sabi.
"Arte mo naman, hindi ka naman mamatay diyan!"
"Hindi rin naman ako gutom, kumain na ako kanina bago pa tayo magkita," sabi niya.
Tumango nalang ako.
"Patingin nga ng pasa mo," sabi niya at balak na niya sanang tignan nang iiwas ko ang mukha ko ko sa kaniya.
"Huwag na! Ayos na nga!"
"Patingin lang naman, damot mo!" angala niya rin.
"Huwag na nga, baka mamaya pisilin mo!" biro ko sa kaniya.
"Hindi ko naman gagawin," paawa niya pang sabi, Hindi niya makita ang kaliwang pisnge ko dahil na sa kanan ko siya.
Nag bell na ang junior department ibig sabihin kailangan na naming pumasok sa room. Tumayo na ako at hinarap si Ardus. Nakataas ang isa niyang kilay sa akin.
Ngmuti ako, bahagya akong tumagilid at medyo nag squat. "See? Hindi na gaano ka violet, ayos na 'yan." sabi ko.
Aamba na sana akong umalis ng higitin niya ang kamay ko. Agad akong ginapangan ng kaba. Kakaiba ito kesa kanina ng hawakan rin ni Nico ang kamay ko. Para akong nanigas sa kinakatayuan ko.
"Patingin hindi ko kita," hinigit niya uli ako pababa akala ko titignan niya pero bigla niyang pinindot ang pisngi.
Agad akong umiwas sa kaniya at sinamaan ko siya ng tingin. Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko.
"Opps sorry!" natatawa niya pang asar.
Walang pag aalinlangan at tinalikuran ko na siya. Kainis!
"Mamaya ha!" sigaw niya pa sa akin. Nagtaka ako sinabi niya kaya bahagya ko siyang nilingon.
"Anon?!" medyo painis kong sabi.
"Dito uli mamaya," nakangisi niyang sabi.
"Mr. Vice president, magbantay ka nalang sa HQ!" pasinghal kong sabi at tuluyan na siyang tinalikuran.
Narinig ko pa ang nakakainis niyang tawa. Halos tumakbo na ako para makaalis na roon. Late na naman! Pero parang hindi ako nag aalala na baka mapagalitan ako. I'm just thinking his laughs. Damn he's so cute!
Pupunta kaya ako mamaya o hindi? Siguro depende sa mood ko.
ClearSiya na ang pumila para bumili ng pagkain naming dalawa, pero ako ng nagbayad. Ang dami niyang kinuha na pagkain. Kasya sa limang tao ang binili niyang mga pagkain. Mukhang hindi naman namin iyon mauubos dahil sa dami.
RejectedHanggang sa makauwi ako ay iniisip ko pa rin 'yong sinabi ni Vivyan na 'joke' kuno. Anong ibig sabihin ng joke niya? Na joke lang na gusto niya si Ardus o joke lang na huwag ko na siyang tulungan?
JokeHabang nagkaklase ay mas determinado akong makinig sa guro na nagtuturo sa harapan namin. Hindi ko alam pero simula ng pumasok ako kanina pagkatapos ng recess ay maganda ang mood ko.
Sorry"Bilisan mo diyan!" utos ko kay Vernon na pinaglilinis ko ng bakuran naming. Nakabusangot na siya habang binubuhat ang sako ng mga dahoon na nawalis niya kanina.
Cold CompressMabilis lumipas ang mga araw sa biyernas na, ang pinakahihintay kong araw. Nakatambay ako sa garden ng school kung saan ako mahilig tumambay. Lunch time at naisipang hindi kumain ng lunch dahil maaga ang labas naming ngayon. Sa labas nalang ako kakain mamaya
Preoccupied I wish I become more stronger and braver.Pagkatapos ng huling hiling ay pumasok na ako sa loob. Tahimik lang silang dalawa habang nagtatakang nakatingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa bago tahimik na umupo sa pwesto ko kanina.Wala silang imik tanging pag senyas lang ni Valene kay Vernon ang napapansin ko. Tahimik na na tumayo si Vernon papunta sa kusina. Nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang dulo ng unan. Para akong nawalan ng gana at mas gugustuhin nalang matulog sa kwarto ko at doon umiyak.Kinulbit ako ni Valene kaya nap