Share

Chapter 2

Author: DiSe_Artemis
last update publish date: 2020-07-28 18:46:53

"You again?" parang walang emosyon nitong sabi.

Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "Ikaw ‘yung may condom sa wallet. Grabe, mayaman ka pala talaga," pagtatanto ko rito.

Pinaningkitan niya lang ako ng mata. He lazily went inside the condo unit. At dahil curious ako, pumasok ako sa loob. Pinigilan pa nga ako ni Mang Dencio, pero nag-shh lang ako sa kaniya at tinapik ang kamay niyang nakahawak sa ‘kin.

Tuwang tuwa akong humiga sa sofa. Ang lambot naman. Iba talaga pag anak mayaman.

Kaso, may isang bagay akong ‘kinaiinisan. Ang kalat-kalat! Nakakaloka! Uso mag-hire ng katulong a?

Nakakita ako ng sosyaleng wine. May natira pa sa isang kopita kaya ininom ko ito. Mesherep.

"Why the hell are you inside?! " biglang sigaw ni... Ahm... Ah huh! Austine.

Kinunotan ko siya ng noo at nagkibit balikat. "Kasi wala ako sa labas? "

Tumalim ang tingin nito sa akin. "Out!" sigaw niya pa at tinuro ang pinto.

Nakita ko sa labas si Mang Dencio. Mukhang kinakabahan din siya sa Austine na ‘to. Nangangain ba ‘to at takot na takot siya?

I crossed arms above my chest and raise my left eye brow to him. "Ayoko nga! Pinagmadali mo si Mang Dencio dito tas hindi ka pa naman pala nakakaligo. Tas ayaw mo pa kaming papasukin sa condo mo. Hoy! Fyi! Hindi ako nagpapatangkad para tumayo lang sa labas no! " lakas loob kong sabi.

Hindi ko na tiningnan ang mukha niya. Pumunta na lamang sa may tv at sinaksak iyon. kinuha ko ang tatlong remote na nakita ko. Bakit ba tatlo-tatlo ang remote neto? Isa lang naman ‘yung tv niya.

Bumalik ako sa sofa at isa-isang sinubukan ang mga remote. ‘yung pangalawa sa nakita ko ang tumamang remote para sa TV. Yahoo!

"Are you serious!? Nag-uusap pa tayo tas TV kaagad ang inaasikaso mo?! " sigaw pang muli ni Austine.

Napabuntong hininga ako at tumingin sa kaniya. "Anong serious? Hindi naman tayo para magseryoso ko sayo. At bakit hindi ‘yung TV ‘yung aasikusuhin ko? Haler! Maligo ka na kaya no? May shooting ka pa, FYI lang po. Kaya shupi! Dun ka na nga sa CR mo. Iniistorbo mo ko e. "

He looked at with unbelievably look. Napasabunot ito sa buhok niya at saka pumasok sa isang kwarto. ‘Yun na yata ang CR.

Ang lakas ng pagkakasara niya ng pinto. Ano bang problema nung artistang 'yun? Nagbago na isip ko. Hindi na lang pala ako mag-aapply sa company nila. Baka araw-araw kaming magkita, at araw-araw din kami magbangayan.

Biglang nagpatalastas at nakita ko si Ervin. Napa-tsk ako habang pinapanuod ‘yung commercial niya. Mukha siyang mabait at loyal sa patalastas. Pero josko! Mas malandi pa ‘yan sa pusa ng kapitbahay ko e.

Lagi ‘yan nasa coffee shop namin. Close nga ‘yan kayla besh e. Kilig na kilig ang mga loka. Alam naman nilang babaero ‘yun, pero pinapatulan pa rin nila. Ewan ko ba dun.

"Nakakasora talaga ‘tong mukha ni Erbin! Ang lakas maka-gentleman sa TV, e mas malandi pa ‘yan sa pusa ng kapitbahay ko e. Mapagpanggap ang g*go," bubulong-bulong ko.

"You're right."

I raised my hand from the back. "Thanks. Magaling talaga ko kumilatis ng tao," tamad kong sabi at nilipat 'yun sa ibang channel.

Patalastas din. Si Austine naman ngayon ang nandoon. Ang gwapo niya. Napangiti ako ng bahadya. Pero sumagi sa isipan ko 'yung kasungitan niya.

"Gwapo sana, masungit lang," bulong ko pa.

"Ganon? My door is open, pwede ka na umalis. "

Nanigas ako sa ‘kinauupuan ko. Tumingin ako sa likod. "Kanina ka pa .... di-yan..? " pahina ng pahina ang boses ko. Ang bilis naman niya maligo?

Pusang gala naman kasi e! Nakatapis lang siya! Kitang-kita ko ‘yung tubig na dahan-dahan tumutulo pababa sa katawan niya.

Parang nauhaw ako. Those toned body. Freaking nice abs. He is really a one hell of a perfection. Kung hindi lang siya masungit.

Bumalik ako sa pag-akto ko kanina. "Uso magdamit, Austine. Baka magkapulmonya ka. " sabi ko at tumingin na sa mukha niya.

I saw his smirk. Oo nga naman. Siguradong nakita niya kung paano ako tumingin sa katawan niya. Tss... Nakakahiya ka, Ylaina!!

"Are you sure? It looks like your enjoying yourself. "

His tone is quite seductive. Packing tape naman oh! Huwag naman ganyan Austine. Baka ma-rape kita. Mas malakas ako sa mga besh ko, baka hindi ka makawala pag-ako na ang nang-rape.

Argh!!! Erase! Erase!

Napapikit ako ng mariin bago tumingin muli sa kaniya. Calm yourself down, Ylaina. Hindi ka pwedeng pumatol sa masungit na yan.

"Siraulo! Lumayas-layas ka na nga! Naaalibadbaran ako diyan sa abs---este sa mukha mo! Chupi! " pagtataboy ko rito at agad na tinuon ang mata ko sa TV.

Pumasok ito sa kwarto niya. At mayroon pa ring mapaglarong mga ngisi sa labi niya. Bwisit! Siguradong pinagtatawanan na ko nun sa loob-loob niya.

Huwag ganyan, Ylaina! May abs din ‘yung mga nasa TV. Huwag tayo magpapadaig.

•••—————•••

Nang makarating kami sa set. Lahat ng tao ay napatigil sa kani-kanilang ginagawa. They are all staring at Austine. Ang oa naman ng mga ‘to.

Akalain mo ‘yun? Nasa kotse palang si Austine, e parang kitang-kita na nila mula sa salamin 'tong lalaking 'to. Ayos ah. Tumatagos ‘yung tingin nila sa tinted glass. Iba talaga pag sikat.

Inaamin ko na rin na sikat ‘tong lalaking ‘to. I just saw 4 billboards with his face on it. Hindi ako nagbibilang. Pero habang dinadaanan namin ‘yung mga billboard, todo salita si Mang Dencio. Kesyo daw, tingin-tingin din daw sa mga billboard pag may time. Para naman daw updated din ako sa mga sikat.

"Dito na lang ako, Mang Dencio. Wala naman akong gagawin dun e,"sabi ko at saka pinindot ‘yung pangpabukas nung pinto ng kotse.

"Oh sig---"

"I could order you around," biglang sabi ni Austine. Bastos talaga ‘tong lalaking ‘to. Magsasalita pa lang si Mang Dencio e.

"Ayoko nga! Ano ka, chicks? " pambabara ko sa kaniya. Balak pa yata akong gawing chimay nitong lalaking ‘to. Kapal ng fes ah. Hampas ko sa kaniya ‘yung dictionary k---

"3 thousand for the day. "

Medyo napangiti ako pero agad kong pinalis ‘yun. Higher pa, mga bes. Kailangan natin ng datung.

"Ayoko pa rin. Mas mataas pa ‘yung sweldo ko sa cafe---"

"5 thousand!"

Agad kong pinakawalan ang ngiting kanina ko pa pinipigilan. "Deal! Madali naman ako kausap e. " mabilis kong sagot at bumaba sa kotse.

Binuksan ko ang pinto ng kotse at nginitian silang dalawa. "Tara na po, senyorito, Mang Dencio," sabi ko sa kanila.

Nginisihan ako ni Austine at saka bumaba ng kotse. Agad nagtilian ang mga tao at prinotektahan siya ng ilang staff ng shoot.

Naiwan kami ni Mang Dencio. At nakita ko siyang nakasimangot sa akin. "Bakit? " takhang tanong ko.

Tinaasan niya ko ng kilay at nag-cross arms. "Si Austine, may pa-senyorito? Tas ako, Mang Dencio pa rin? Asan ang hustisya dun, Ylaina Alexandrea Austria? Papa-swelduhan din naman kita ah? " giit nya.

I cleared my throat. Ngumiti ako ng malawak sa kaniya at inilahad ang kamay ko. "Tara na ho, Ms. Darcy? " sabi ko rito.

Umirap ito sa akin at matipid na ngumiti bago hawakan ang kamay ko. Pa-feeling dyosa talaga ‘to si Mang Dencio. Lakas ng tama.

Sinara ko ang pinto at ni-lock. Sumunod ako kay Mang Dencio at pumasok kami sa isang tent.

Namangha naman ako sa loob nito. Ang ganda ng pagkakaayos kahit tent lamang ito. At wag ka, may TV rin dito sa loob. Isa kaya ‘to dun sa remote ni Austine. E ba't nasa bahay niya ‘yung remote, tas nandito ‘yung TV? Dala niya kaya 'yung isang remote?

'Di bale na nga. Nakiupo na lang ako sa isang sofa at nakinuod ng TV. Ang ganda ng palabas. Nasa highlight na e. At nang sasampalin na nung bida ‘yung babae.

"Hoy, babae! "

Agad akong napatingin kay Austine. "Ano ba 'yun? Ang lakas ng boses mo. Aktor ka ba talaga, o singer? Pwede ka rin don senyorito," sabi ko at tumingin muli sa TV.

Napanganga ako at napa-pout. Tapos na ‘yung sampalan scene. Commercial na! Kainis!

"Hoy, babae! Tinatawag kita! "

"Alam ko! Ano ba ‘yun?! " inis kong sabi habang nakatingin pa rin sa TV. Baka hindi ko na naman maabutan ‘yung sampalan scene, sana ulitin ulit.

"Babae! Tumingin ka nga sa 'kin!"

Pinagdikit ko ang mga labi ko. Kanina pa ko nagtitimpi dito ah. "Relax, Yla. Maganda ka pero chos lang. " bulong ko sa sarili ko bago tumingin kay Austine.

"Ano ba 'yun?! " buong lakas kong sabi. Kanina pa rin siya nakasigaw e. Hindi ako magpapatalo no! Para it's atay.

"Where's my things? " cold niya tanong. Anlabo rin nito e. Kanina, over power ‘yung boses niya, ngayon naman, mas malamig pa sa yelo ang boses niya. Ano, bipolar lang?

"Nasa kotse," simpleng sagot ko.

Kumunot ang noo niya. "Why didn't you bring them here? " mariin niyang sabi. May galit ba ‘to sa ‘kin? Parang gigil na gigil na siya sa akin e.

Napatingin ako sa taas at pinaglaruan ang mga labi ko. Tumingin akong muli sa kaniya. "Hindi mo naman sinabi e. 'Di ba nga, sabi mo 'I could order you around'? And you didn't order me ‘to took them so i didn't, " nakangiti kong sabi. English ‘yun! Magdiwang! Heee

Nag-iba ang timpla ng mukha niya. Jusko! Huwag naman sana siya magtransform into monster. Ayoko pang mamatay.

Pero... Ano kayang monster ang i-ivolve niya? Sana ‘yung medyo cute para hindi rin masyado nakakatakot.

"Get my things now!"

Napatakip ako sa tenga. Ang lakas talaga ng boses niya. Grabe.

Mapaglarong ngumisi ako sa kaniya. "Okay po," magiliw ko pa ring sabi at saka lumabas ng tent.

Hahayaan ko muna siyang sigawan ako. Para ‘to 5 thousand pesos ko. Saka na ko makikipag-away kapag tapos na ko mabayaran.

•••—————•••

Pawis na pawis akong naglalakad papunta sa tent ni Austine. Leche siya! Hindi man lang niya ko sinabihan na buong bahay niya pala ang dinala niya rito. Bwiset, ang dami!

"Ang dami naman nito, Yla. Pinapahirapan ka talaga ni Austine ah. Type ka siguro niya no? " sabat ni Ervin na may dala rin.

Tinutulungan niya kasi ako ngayon. Balak yata niya ko kanina landiin, kaya nag-offer siyang mag-lend a 'hand' sa akin habang hinahalungkat ko ‘yung mga gamit ni Austine.

Nung makita niya na ako ‘yun, muntik na siyang umayaw. Pero dahil magaling ako, pinasa ko kaagad sa kaniya ‘yung ibang gamit ni Austine. Ang lakas ng loob niyang mag-"Need a hand?' ah, ayan, dalhin niya ‘yung 1 box ng gamit ng lalaking ‘yun.

Hindi na siya makaayaw. Kaya kasa-kasama ko na siya ngayon papunta sa tent.

"Huwag ka munang papasok. Baka biglang bawasan ni Austinyeta ‘yung sahod ko. Okay? Kukuhain ko na lang ‘yan dito, ibababa ko muna ‘to. " sabi ko rito nang nasa tapat na kami ng tent.

Akmang magrereklamo siya pero pinanlakihan ko siya ng mata at tumango na lang. Good dog---este, boy pala.

Ipinasok ko ‘yung mga gamit at akmang lalabas na ulit. Kaso parang may napansin ako.

"Dito pa, Michelle. Parang hindi tama," rinig kong sabi ni Austine habang titig na titig dun sa Michelle.

At ‘yung Michelle. Siya ‘yung famous na fashion designer. Wow. Iba talaga ang mga umaasikaso kay Austinyeta ah. Mga bigatin e.

Pero pansin ko lang. Parang pilit na pilit na ‘yung mukha ni Michelle. At si Austine. Puro siya utos dito. Paiba-iba ng gusto. Kaya siguro ganun na lang ‘yung mukha ni Michelle. Pinipigilan niya na lang mainis dito.

"Huy!! " pabulong na sigaw ni Ervin.

Napa-ayy ako at saka binalikan siya. ‘kinuha ko sa kaniya ang dala-dala niyang box. "Sorry sorry. Nakalimutan ko. Salamat, Ervin ah? " nakangiti kong sabi.

Nakabusangot pa rin ang mukha nito. "Ang init kaya. Alam mo ba 'yun?! "

Naku. Mukhang galit na nga. Alanganin akong tumawa. "Sorry talaga. Don't worry, iku-kwento ko ‘to kayla Ann. Gustong-gusto pa naman ni Ann sa mga gentleman. "

Biglang kumislap ang mga mata niya. "Talaga? Ayos lang pala. Huwag mo kakalimutang magkwento sa kanila ah? Lalong-lalo na kay Ann. "

Mabait na ulit ang tono nito. Natawa na lamang ako sa kaniya. "Oo naman. Sige, pasok na ko ah? "

"Oh sige. Pasok na! " magiliw niya pang sabi.

Napailing na lang ako habang natatawa. Ervin is quite a playboy, and my friend, Ann is quite a playgirl? Ano 'to, birds with the same feathers, flocks together? Aba, matinde!

"Hello! Ikaw ba ‘yung bagong assistant ni Austine? Ako nga pala si Michelle. " rinig kong sabi ng maibaba ko ‘yung box.

Ngumiti ako rito at pinunasan ang pawis ko. "Hello din! Ylaina nga pala. At oo, ako ‘yung assistant niya. For now. "sabi ko rito at saka umupo dun sa sofa. Ako talaga nagtataka, may pa-sofa talaga ‘tong tent ni Austine? Susyal si Sungit.

Nakakahingal... Nakakauhaw... Kasalanan talaga 'to ni Austinyeta e. Tss.

Biglang may lumitaw na mineral water sa harap ko. Hawak ito ni Michelle at nakangiti pa sa akin. Ang ganda talaga niya. Kaya crush na crush siya ni Rusting e.

"Tubig? " alok niya.

Ngumiti ako pabalik dito at inabot ‘yung bote. Agad kong ininom ‘yun. Isang inuman lang, ubos na. Uhaw na uhaw ako e. "Salamat. Ang bait mo naman. Kaya crush na crush ka ni Rusting e. Maganda na mabait pa. "

She giggled. "Rusting? "

"Yung katrabaho ko sa coffee shop. Russle ang pangalan niya, pero Rusting ang tawag namin sa kaniya. Wala lang, trip trip lang namin. " pagku-kwento ko.

"Talaga? "

"Uhm! " sabi ko na lamang.

Sa mata ni Michelle. May kakaiba sa kanila nang mabanggit ko si Rusting. Parang nagningning? Aba't! Parang makakasungkit ng sosyal si Rusting ah. Swerte naman niya.

Sana ako rin. Kahit 1 million at house 'n lot lang.

"Michelle... "

Parehas kaming napatingin ni Michelle sa kaniya. Siya, dahil sa siya ang tawag ang tinawag. At ako, dahil parang naabnormalan lang ako sa boses niya. Malambing e. Ang layo sa masungit na kilala ko.

"Yes? " —Michelle.

"Yung kwelyo ko, parang may mali. "

Napakunot ang noo ko. Anong mali? Maayos naman ah? Kung anu-ano nakikita nitong lalaking ‘to, kahit wala naman. Ano, nagka-third eye? Pero kahit na! Walang ganun sa third eye.

"Wala naman ah? Kanina pa ‘yang sinasabi mo, Austine. Walang mali diyan. Kailangan na ko ng ibang staff. "

"Hindi pwede! "

Umasim ang mukha ko. Ang pabebe naman nitong lalaking ‘to. Pwede, pasakal?

Napapikit si Michelle, pati ang bibig niya, nakatikom na. Halatang inis na inis na kay Austine. Kahit ako naiinis na e. Siya pa kaya?

"Austine ---"

"You could go now, " putol ko sa sanang sasabihin ni Michelle.

I gave her a meaningful look. Tumayo ako at lumapit sa kanila. Pumwesto ako sa likod ni Austine at hinawakan ng mariin ang mga balikat niya.

I smiled. "Pasensya ka na sa senyorito ko. Sige, pwede ka ng umalis. " sabi ko rito at nababahala siyang nakatingin sa akin.

I gave her a Go-Away-Now look. Agad naman siyang tumango at tumingin kay Austine. "Una na ko, Austine. See you! " agad niyang sabi at saka lumabas ng tent.

Pabalyang tinanggal ni Austine ang kamay ko sa kaniya. He is glaring at me. At kung nakamamatay lang ang tingin, i would probably be dead by now.

"What was that!? Bakit mo pinaalis si Michelle? Tutulungan niya pa---"

"Wag ako, Austine. Tutulungan? Tulungan your face! Hindi mo ba nakikita? Kanina pa siya naiinis sa inaasal mo. Mabait lang talaga siya kaya nagtitimpi pa rin siya kanina. Maryosep naman, Austine. Inaabala mo na siya. Kung gusto mo siya, manligaw ka. Hindi 'yung puro ko papansin! "

"I am courting her! "

Napatigil ako sa sinabi niya. I was run out of words. "Ows? Pero kasi Austine---"

"Bakit ba nagsisigawan kayo? Nakita ko si Michelle ah? Kalalabas lang sa tent na ‘to. Austine iho, ‘di ba sinabi ko naman sayo? Huwag mo siya masyadong abalahin. Marami pa siyang kailangan gawin," biglang singit ni Mang Dencio na kakapasok lang.

"Yun na nga ho ang sinasabi ko kay Austine. Kawawa naman po si Michelle kanina. Halos wala ng magawa dahil sa kaniya. " dagdag ko naman sa sinabi niya.

"Huwag nga kayo makielam! Hindi ako makadiskarte dahil sa inyo. "

Naningkit ang mga mata ko at tumingin sa kaniya. "Pwes, bulok ‘yang diskarte mo. Puro ka utos. Pa-check ng ganito, paki-tingin ng ganyan, paki-ayos ng ganun... Kaloka! Ang pangit mo manligaw, tsong! "

"Manahimik ka!" sigaw niya sa ‘kin.

"A. Yo. Ko! " sabi ko at pasimpleng tumingin sa kung saan.

"Manahimik ka nga e! "

"Ayoko nga e! "

"Bakit ba ayaw mo tumahimik!? "

Taas noo ko siyang tiningnan. "Ah gusto mo malaman? Oh sige. Kasi bukas 'yung zipper mo!! Ang dami mong pinaayos kay Michelle tas sarili mong zipper, hindi mo man lang napansin. Shunga! " sabi ko at umirap pa.

Ilang beses siyang napamura. Hmp. Buti nga sa 'yo. Ang bigat ng pinadala mo e. Bayad ‘yan sa pagdala mo ng bahay mo dito sa set!

•DiSe_Artemis•

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Steal your Heart   Chapter 6

    Nagsa-star gazing kami ngayon sa taas ng kotse niya. Tulog na tulog si Adrian kaya't nakahiga lang siya sa backseat. At dahil nga, nagmo-move on si Austine, sinabi ko sa kaniya na magstar gazing muna kami."Ang ganda ng mga bituin no?” tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa kalangitan."They are.”

  • Steal your Heart   Chapter 5

    Pagbalik namin ay bad trip na si Austine. Anyare? Ba't parang sambakol 'yung mukha niya ngayon?I looked at Mang Dencio and saw that he's also nervous to Austine. Binigyan niya lang ako ng galit-si-Kya-Tumahimik-na-lang-tayo look. I just shrugged it off and went near him.Nilahad ko yung sukli sa kaniya.”Senyorito, eto na po 'yung sukli sa kinain ni Adrian. Pramis hindi ko binawasan 'yan. Saktong sukli 'yan," sabi ko s

  • Steal your Heart   Chapter 4

    Dala-dala ko ngayon si Adrian. Ayaw magpaiwan e. Kaya ngayon, nakaupo na siya sa passenger seat."Why do I get to be here in the back and my nephew is in there?" tanong ni Austine."Cause I want to feel how to be in the passenger seat. We already talked about this, Uncle," sagot ni Adrian sa tiyuhin niya.

  • Steal your Heart   Chapter 3

    Ang aga ko nagising. Maaga rin kasi ako natulog kaya siguro ganito.A loud sound of gunshot happened.Napatingin ako sa labas. Dahil mahilig ako ma-curious, lumabas na rin ako at tumingin sa paligid."S-sira ulo kang lalake ka! ‘yung asawa ko pa talaga? Wala ka na ba

  • Steal your Heart   Chapter 2

    "You again?" parang walang emosyon nitong sabi.Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "Ikaw ‘yung may condom sa wallet. Grabe, mayaman ka pala talaga," pagtatanto ko rito.Pinaningkitan niya lang ako ng mata. He lazily went inside the condo unit. At dahil curious ako, pumasok ako sa loob. Pinigilan pa nga ako ni Mang Dencio, pero nag-shh lang ako sa kaniya at tinapik ang kamay niya

  • Steal your Heart   Chapter 1

    Tinatawanan ako ngayon ng mga katrabaho ko ngayon. Mga leche ‘tong mga ‘to. Ako ‘yung kaibigan nila pero parang mas pinapaboran pa nila ‘yung lalaking ‘yun.Arghh! Nakakairita siya!"So besh, talagang ‘yung condom 'yung napansin mo sa wallet niya? Hindi ka man lang tumingin sa pera? At partida! Nakalagay pa ‘yun sa may zipper, napansin mo pa rin ‘yung condom? 'Yung totoo, besh? " natatawang sabi ni Rose.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status