LOGINTinatawanan ako ngayon ng mga katrabaho ko ngayon. Mga leche ‘tong mga ‘to. Ako ‘yung kaibigan nila pero parang mas pinapaboran pa nila ‘yung lalaking ‘yun. Arghh! Nakakairita siya!
"So besh, talagang ‘yung condom 'yung napansin mo sa wallet niya? Hindi ka man lang tumingin sa pera? At partida! Nakalagay pa ‘yun sa may zipper, napansin mo pa rin ‘yung condom? 'Yung totoo, besh? " natatawang sabi ni Rose.
I rolled my eyes. Ilang beses niya na bang tinanong ‘yan? Napabuntong hininga ako bago sumagot.
"Bakat na bakat nga kasi ‘yung condom sa wallet niya. Tiyaka dapat ba ‘yung pera kaagad ang titingnan ko? Ibig sabihin lang nun, hindi ako mukhang pera. " paliwanag kong muli.
"E ‘yung buong pangalan ni Austine, nakita mo? " tanong naman ni Ann.
"Huh? Sinong Austine? "
May Austine pala kaming pinag-uusapan? Bakit hindi ako na-inform. My gosh! Hindi ako nakahabol sa pinagku-kwentuhan namin?
"Si Austine ‘yung may ari ng wallet!" sabay-sabay nilang sabi.
Napatakip ako ng tenga at isa-isa silang pinagbabatukan. Mga leche ‘tong mga ‘to. Sisigaw na lang sila, sabay-sabay pa. E kung mabingi ako?!
"Kailangan talaga nakasigaw?! Malay ko bang Austine ‘yung pangalan nun. Hindi ko naman siya kilala,” sabi ko at saka tumingin kay Rusting.
"Eto na ba ‘yung order nung table 5?" tanong ko rito at tumango siya.
Kinuha ko ito at saka dinala sa table 5. Nakita ko ‘yung costumer na nagbabasa ng newspaper. Kaya naman, inilapag ko na lang ‘yung order niya at kinuha ‘yung stand na may nakalagay na 5.
"Enjoy your coffee, sir," magalang kong sabi at saka umalis.
Naabutan kong nakanganga ang tatlo. "Bakit ganyan ‘yung mga mukha niyo?" tanong ko sa kanila.
"Hindi mo. "—Rose
"Talaga kilala. "—Ann
"Si Austine? "— Mina.
"Huh?" clueless kong sabi. Hindi ko talaga maintindihan sila e. Para silang ewan. "Oo nga di'ba? Paulit-ulit, mga besh? "
"SERYOSO KA?! " sabay-sabay na nilang sabi. Ano ba ‘to, nasa speech choir?
"Ang kulit niyo! Oo nga e! Bakit, tagapagmana ba ‘yang Austine na ‘yan? " curious kong tanong.
Sabay-sabay ulit silang tumango ng ilang beses.
"Anak siya ni... "—Rose
"Stanley Fuego na... "—Ann
"Nagmamay-ari ng Fuego Airlines at Fuego Hotel and Resorts. Plus... "—Mina.
"May sikat silang corporation! " sabay-sabay na nilang sabi.
Napahawak ako sa baba ko. "Yung totoo, nagdudugtungan ba kayo? " kimeng tanong ko sa kanila. Kanina pa sila e.
Sasagot na sana sila pero nauna na kong magsalita. Ngayon lang nag-sink in sa ‘kin ‘yung mga sinabi nila e.
"Tagapagmana ‘yung Austine na ‘yun?! Bakit hindi niyo kaagad sinabi?! Edi sana, naging mabait ako sa kaniya. Kainis kayo, mga besh!" sunod-sunod kong sabi.
They gave me a weird look. "Akala ko ba hindi ka mukhang pera? "—Rose.
"Oo nga. Pero syempre, kailangan ko ng pera para may makain ako sa araw-araw. Ano ba kayo, mga besh. Edi sana, nakahingi ako ng trabaho sa kaniya. Siguradong mataas ang sweldo dun. Sayang naman,” nanghihinayang kong sabi at saka tumitig sa table.
Naririnig ko ang pag-tsk nilang tatlo. Alam ko ring nag-so slow clap na sila ngayon.
"Hindi talaga siya mukhang pera. "—Rose.
"Hindi nga halata e. " —Ann.
"Matinde talaga ‘tong si Ylaina. Antinde! Hindi man lang niya pinuri ‘yung Austine natin. " —Mina.
"Yung mga order dito! Ibigay niyo na!"
Napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Rusting. Ang lakas ng boses niya e. Halatang bwisit na bwisit na siya sa kakadaldal ng mga ‘yun.
"Oo na!" sabay nilang tatlo na sabi.
Natawa ako sa pangyayari sa shop na ‘to. Kahit nalulumbay ako kay Itay, nagagawa pa rin nilang pasayahin ako. They are really sometimes weird and loud. But this people are my stress reliever.
"Yla, paki-design naman ‘tong kape oh. Hindi ko pa rin maperfect ‘yung Rose design e,” sabi ni Rusting.
"Okay!" masigla kong sabi at tinanggap ang hawak niyang baso ng kape.
A loud slap sound stopped everyone from doing their own tasks.
Sa lakas ng sampal na ‘yun, pati ako, napatingin rin. Nakita ko ang galit na mukha ni Mina habang nakatingin sa lalaki.
Habang ‘yung lalaki naman. Ayun, laglag ang panga. Natawa ako sa senaryong ito. Palagi kasing nangyayari ‘to sa shop. May mga lalaking bastos na pumupunta dito at bigla na lang kung anu-ano ang ginagawa sa mga waitress namin.
Well... Malas nga lang nila. Lagi rin sila nasasampal bago sila umuwi. At hindi lang ‘yun. Nabubutas rin ang mga bulsa nila. In exchange of their jerkiness, they should buy a 3,000 worth of drinks and food in our cafe before going. Ang saya di'ba? Tumataas ang sweldo namin diyan.
"Ang kapal ng mukha mong sampalin ako. Matapang ka ah! " galit na sigaw ng lalaki at biglang naglabas ng baril. Well, that's a new one. May nakaisip na na magdala ng baril. So brilliant ah?
Tinutok ng lalaki ang baril kay Mina. And unfortunately, mukhang natakot siya. Hindi yata marunong mag-disarm ng baril ‘tong babaeng ‘to. Hay nako...
"Sir, pag-usapan po natin ‘to. Ibaba niyo po ‘yan,” mahinahong sabi ni Mina habang nakataas ng bahadya ang mga kamay nito.
Bago ako makigulo, which I'm not really planning to. Kayang kaya naman ni Rusting ‘yung lalaki e. Malaki lang ‘yung tiyan niya, pero mas malakas pa rin si Rusting. Echuserang lalaki, dinaan sa laki ng tiyan---este, katawan.
Bumalik ako sa paggawa ng rose design. Cute-cute talaga nito gawin.
"Tama na ho 'yan, Sir. I'm sorry pero hindi naman po kasi dapat kayo nambabastos. Hindi niya ho kasalanan na nasampal niya ho kayo. " rinig kong sabi ni Rusting.
"Ahhh!! " tili ng mga costumers. 'Yung totoo, late reaction sila ah?
"Walang gagalaw! Babarilin ko kung sino mang gumalaw sa inyo," banta nung... Ahmm... Ano bang dapat kong tawag sa kaniya? Hostage taker?
Kung anu-ano pa ang mga sinasabi nila Ann dun sa lalaki. Bakit ba usap sila ng usap? Halata namang naka-high ‘yung lalaki e. Hindi ‘yan madadaan sa matinong usapan.
"Yey! " simbulat ko nang matapos ko ‘yung rose design. Ang ganda. Ang galing ko talaga.
Hindi nila naitatanong, magaling ako sa art. Kahit high school lang ang natapos ko, I could say na makakasabay ako sa mga artists ng taon. Malawak ang imahinasyon ko at madali ko silang naisusulat o nagagawa.
"Hoy! Bingi ka ba?! Sabi ko walang gagalaw, 'di ba?!"
Napahawak sa ako sa tenga ko. Ang lakas ng boses ni Koya. Ang layo niya sa kin, pero abot na abot sa ear drums ko ‘yung boses niya. Nakalaklak ba siya ng megaphone?
Sinamaan ko siya ng tingin at mukhang nasindak siya. Ngunit nawala rin ‘yun kaagad. Ang lakas ng loob niyang magbunot ng baril, tas natatakot naman pala. Abnormal!
"Naririnig kita! Parang megaphone 'yang boses mo ta's tatanungin mo 'ko kung naririnig kita. Siraulo ka ba?!" sigaw ko pabalik sa kaniya.
Nagulat ang lahat sa lakas ng boses ko. Alam kong natakot sila. Pasensya na. Nabwisit ako sa megaphone na mukhang butete na ‘to e.
Huminahon ako at tumingin kay Rusting. "Kaninong table ‘to? " monotone kong sabi.
Nakita ko ang pagkabalisa nito at nautal-utal pa. "S-sa.. Sa ta-ble 8."
Hinanap ko kaagad ang table 8 at saka ibinaba doon ang kape. Ngumiti ako sa babaeng nasa table na ‘yun, kahit na mukhang takot rin siya sa kin.
"Enjoy your coffee, Miss. Nagawa ko ‘yan kahit nag-iingay ‘yung buteteng megaphone. Rejoice, Miss. Ang ganda ng gawa ko diyan," sabi ko rito at saka lumapit dun sa lalaking mukhang butete.
Masama ang tingin niya sa ‘kin pero kita ko naman ang butil ng pawis sa baba ng patilya niya.
"Ako ba ang tinutukoy mong megaphone na butete?! Aba't bastos kang babae ka a!"
Tinutok niya sa noo ko ang baril. Kahit medyo kinabahan ako sa ginawa niya, hindi ko pinahalata. Baka tawanan pa ko nitong megaphone na buteteng ‘to.
I smiled devilishly. "Oo! Ang pangit mo kasing hinayupak ka! " sigaw ko at biglang pinilipit ang kamay niya upang maiharap ang bunganga ng baril sa mukha niya.
Nagulat siya sa galaw ko. Ngunit hindi lang dun nagtatapos ang ginawa ko. I stomped on his feet at napahawak ito sa paa niyang inapakan ko.
Dahil doon, nabitawan niya ang baril. Kaya ako naman ngayon ang nagtutok ng baril sa kaniya.
I laugh like a devil. "Pano ba ‘yan, tsong? Checkmate na tayo e," sabi ko rito at bigla itong tumakbo papuntang pinto.
"Close the door!" sigaw ko at awtomatikong nagsara ang mga pinto.
He tried to push the door but the door didn't even move an inch. The glasses here are bulletproof at mas matibay pa ito sa ibang glass. Hinding-hindi ito basta-basta magpapatibag.
"Sorry, dude. But you still have 3 thousand pesos to pay. But don't worry, bibigyan ka naman namin ng coffee at iba pang foods. Para naman hindi ka lugi," nakangisi kong sabi at mas lalo pa itong namutla.
•••—————•••
Ang sarap naman ng breakfast ko ngayon. Wala kasi akong pasok ngayon sa coffee shop. Kaya nakapagluto ako ngayon ng sangag, itlog at hotdog. Typical breakfast but I didn't do this for a while. Kaya tuwang-tuwa ako ngayon.
Alam niyo na. May times pa rin kasi na naiiyak ako kapag nagbe-breakfast ako ng mag-isa. Naiisip ko si Itay. Siya kasi ang palagi kong kasama kumain e. Kaya hindi ko maiwasan na maiyak sa tuwing kumakain.
So instead of eating breakfast in home. Doon na lang ako sa cafe kumakain. May discount naman kasi kapag empleyado ka roon. Kaya doon na lang ako kumakain.
But now, I want to face the truth. My father is dead but I should still go on with my life. Binabantayan naman niya ko kung nasaan man siya. Kaya dapat maging masaya na lang ako.
Chineck ko ang facebook ko. Naka-private ito. Kung bakit? Wala lang, trip ko lang.
Tiningnan ko ang mga chat namin at nakitang nagdadaldalan sila Ann at Mina. Guess what? Pinag-uusapan nila ngayon ‘yung Austine na 'yun.
Mula nang mapunta ‘yung lalaking ‘yun dun sa cafe, hindi na sila natapos sa kakausap tungkol sa kaniya. Kesyo, ang gwapo daw, kesyo ang sexy, ang hot, ang bait daw at kung anu-ano pa. Naloka nga ko dun sa 'ang bait' e. Ang sungit kaya nun.
Nagpicture ako nang nakatingin sa breakfast ko. Pinost ko ito sa facebook at nag-caption ng 'Eating breakfast in house, for the first time in a while.'
Agad nagsi-comment ang mga kaibigan ko. At pati na rin si Mang Dencio.
Mina MahalAngSarili: Ang ganda ng pagkain. May pa-plating si Mayora?
Rose NaDiPinagpala: Ano bang klaseng post ‘to?! 😕😕
Ann GandaKo: Maayos pa ‘to kahapon ah?
Den Dyosa: Uso magsuklay, iha 😂😂
Kinakalawang: 😧😧
Napa-face palm na lang ako sa mga comments nila. Bwishet! Hindi na lang ako sinuportahan sa trip ko?
At si Rusting! Hindi nga siya nanglait. Mukha namang constipated ‘yung emoji niya. Leche siya!
Someone knocked on my door.
Napatingin ako sa pinto. I lazily open the door and saw Mang Dencio looking so brightly at me. Matapos niya kong laitin? Ganyan siya makangiti?! Sora!
Isasara ko na sana ang pinto pero hinarangan niya kaagad ito. "Teka lang iha! Eto naman. Highblood agad! Huwag ka na magtampo sa comment ko. Please? "
Sumimangot ako at saka binuksan muli ang pinto. "Ano po bang kailangan niyo, Mang Dencio? Kakakain ko lang po e. "
Nag-iba ang timpla ng mukha niya nang sambitin ko ang 'Mang Dencio'. Pero agad itong nakakalma at ngumiti.
"Hahayaan kita diyan sa Mang Dencio na ‘yan. Basta tulungan mo ko ngayon, iha. "
"Bakit po ba, Mang Dencio?" pang-aasar ko pa.
Nakita ko ang pagpipigil niya ng inis. Haha. Napipikon na si Mang Dencio.
"I need you to be our driver. "
"Driver? " bulong ko sa sarili ko. "Okay po. Pero... 'our'? Sino pa pong kasama natin? "
"Yung alaga ko. "
Napa-ahh ako. Alam ko ‘yang tungkol sa 'mga' alaga niya. Isa sa siyang manager ng mga artista. Na-kwento niya na sa ‘kin dati ‘yun.
"Ilan? " tanong ko pa. Ang alam ko kasi, marami siyang mina-manage na artista e.
"Isa lang naman. "
Tumango ako. "Ah okay! Tara na po! " sabi ko at saka kinuha ‘yung susi ng bahay.
He looked at me from head to foot. "Aalis ka ng ganyang suot? Are you serious, iha? "
Tiningnan ko ang suot ko. Isang malaking t-shirt at panjama. Anong masama dito? Ganto lang naman talaga ko pag nasa bahay e. Tyaka magdadrive lang naman. Bakit kailangan ko pa mag-ayos?
"Oo naman po. Tara na! " I said and closed the door. Napailing na lang sa akin si Mang Dencio at saka nagpatianod.
•••—————•••
Nagdoorbell kami sa isang sosyaleng condo unit. Wow ah. So dito pala tumitira ‘yung mga artista?
Nagbukas ang pinto at iniluwa noon ang isang gwapong lalaki. Matangkad at may napakagandang mata. He have a beautiful brown eyes but it shows coldness.
"Ikaw!? " gulat kong sabi. Artista 'to?
•DiSe_Artemis•
Nagsa-star gazing kami ngayon sa taas ng kotse niya. Tulog na tulog si Adrian kaya't nakahiga lang siya sa backseat. At dahil nga, nagmo-move on si Austine, sinabi ko sa kaniya na magstar gazing muna kami."Ang ganda ng mga bituin no?” tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa kalangitan."They are.”
Pagbalik namin ay bad trip na si Austine. Anyare? Ba't parang sambakol 'yung mukha niya ngayon?I looked at Mang Dencio and saw that he's also nervous to Austine. Binigyan niya lang ako ng galit-si-Kya-Tumahimik-na-lang-tayo look. I just shrugged it off and went near him.Nilahad ko yung sukli sa kaniya.”Senyorito, eto na po 'yung sukli sa kinain ni Adrian. Pramis hindi ko binawasan 'yan. Saktong sukli 'yan," sabi ko s
Dala-dala ko ngayon si Adrian. Ayaw magpaiwan e. Kaya ngayon, nakaupo na siya sa passenger seat."Why do I get to be here in the back and my nephew is in there?" tanong ni Austine."Cause I want to feel how to be in the passenger seat. We already talked about this, Uncle," sagot ni Adrian sa tiyuhin niya.
Ang aga ko nagising. Maaga rin kasi ako natulog kaya siguro ganito.A loud sound of gunshot happened.Napatingin ako sa labas. Dahil mahilig ako ma-curious, lumabas na rin ako at tumingin sa paligid."S-sira ulo kang lalake ka! ‘yung asawa ko pa talaga? Wala ka na ba
"You again?" parang walang emosyon nitong sabi.Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "Ikaw ‘yung may condom sa wallet. Grabe, mayaman ka pala talaga," pagtatanto ko rito.Pinaningkitan niya lang ako ng mata. He lazily went inside the condo unit. At dahil curious ako, pumasok ako sa loob. Pinigilan pa nga ako ni Mang Dencio, pero nag-shh lang ako sa kaniya at tinapik ang kamay niya
Tinatawanan ako ngayon ng mga katrabaho ko ngayon. Mga leche ‘tong mga ‘to. Ako ‘yung kaibigan nila pero parang mas pinapaboran pa nila ‘yung lalaking ‘yun.Arghh! Nakakairita siya!"So besh, talagang ‘yung condom 'yung napansin mo sa wallet niya? Hindi ka man lang tumingin sa pera? At partida! Nakalagay pa ‘yun sa may zipper, napansin mo pa rin ‘yung condom? 'Yung totoo, besh? " natatawang sabi ni Rose.