LOGINNarito ako ngayon sa sementeryo. Nakangiti ako nang mapakla habang tinititigan ang kabaong na ibinababa sa sa hinukay na lupa. Namatay ang aking ama. Ang nag-iisang nagmamahal sa akin, namatay na. I want to shout in despair but I didn't. I am crying in inside.
Ang Itay ko... Napabuntong hininga ako habang nakatitig pa rin rito. Gusto niyang palagi akong matapang. Ayaw na ayaw niya ang umiiyak ako. Kaya hanggang sa huling pagkakataon, tinupad ko pa rin ang pangako ko sa kaniya, that I will never cry in front of his dead body, na kahit patay na siya, huwag na huwag ako iiyak.
Dahil ang pag-iyak ay kahinaan. Hindi nila maaaring makita ang kahinaan ko. My weakness could bury my body while I'm still alive.
"Ayos ka lang ba, iha?" tanong sa 'kin ni Mang Carlo.
Tumingin ako sa kaniya nang walang emosyon sa aking mga mata. "Oo naman po. Kung nasaan man po si Itay ay siguradong masaya na siya dun. Wala na siyang paghihirap na mararanasan. "
Ngumiti ito sa akin. Mukha itong nagpapahiwatig ng pakikiramay. Ngunit alam ko kung ano ang nasa likod ng mga ngiting ‘yun. Hindi maganda. Iyan ang sigurado ako.
"Kung ayaw mong mapag-isa sa bahay niyo, pwede kang tumira muna sa bahay ko. My home is open for you, iha. "
I gave him a reassuring smile. "Hindi na ho. Doon na lang po ako sa bahay namin ni Itay. Gusto ko po doon. Nandoon lahat ng mga alaala namin ng Itay," magalang kong sabi.
Ngumiti ito na parang naiintindihan niya ako. Ipinatong niya ang kamay niya balikat ko. Mabilis na tumalas ang tingin ko sa kamay niya ngunit nagpanggap akong walang malisya sa akin yoon.
"Kaya mo ‘yan, iha. I know you're a tough girl. At kung kailangan mo ng trabaho, narito lang ako. Pwedeng-pwede kita isama sa–"
"Hindi ko ho gagawin 'yun, " agad kong sabi at tinanggal ang kamay niya sa balikat ko.
Sa wakas sinabi niya na rin ang totoo niyang pakay. That's what he wants from me. He wants me to be like my father pero hindi pwede. Bago pa mamatay si Itay, binilinan niya na ako na huwag papayag sa gusto ni Mang Carlo.
Mukhang medyo nagulat si Mang Carlo sa inakto ko ngunit nawala rin kaagad ang gulat sa mukha niya.
"Sa tingin mo ba, mabubuhay ka ng ganito? Hindi ka mabubuhay kahit na isang buwan lang. Wala kang maipantutustos sa pang-araw-araw. Kaya kung ako sayo, sumama ka na lang sa akin. Sayang ka, Ylaina. Makakatulong ka sa ‘min gaya ng ama mo. Alam kong tinuturuan ka niya nung bata ka pa. Bakit hindi mo subukan? "
Sa haba ng sinabi niya, wala pa rin akong pake. Ngumiti ako ng peke. "Ayoko ho talaga. Hindi po ako magnanakaw kagaya ng ama ko. Oho, tinuruan niya ako ng ilang bagay tungkol sa ginagawa niya. Pero hindi niya po ako tinuruan magnakaw. Tinuruan niya po ako kung paano maililigtas ang sarili ko sa tuwing nasa panganib at kung anu-ano pa. Ngunit hindi po kabilang doon ang pagnanakaw. Pasensya na po. Pero wala po kayong mapapala sa akin. " mahinahon kong sabi. Sana naman layuan niya na ko. Malapit na ko mairita.
Nag-iba ang tingin niya sa akin. Namumuyos na siya sa galit. "Ikaw na bata ka! Wala kang kwenta! Masyado kang nagmamalinis! Madumi naman ang ama mo! "
Napakuyom ako ng kamao. Wala siyang karapatang sabihan ng ganyan ang Itay ko. Ginagawa niya lang ‘yun dahil gipit na gipit na kami. At dahil ‘yun sa walang kwenta kong Ina.
"Umalis na lang ho kayo," mahinahon ko pa ring sabi. I badly want to punch his ugly face. Pero ayokong gawin ito sa harap ng Itay ko.
"Talagang aalis ako! Wala kayong kwentang mag-ama!" sigaw niya at agad na umalis.
Gustong-gusto ko na siya bugbugin pero hindi ko ginawa. May araw din sa ‘kin ‘yung tandang ‘yun. Leche siya! Dito pa talaga niya nasabi ‘yun, sa harap ng puntod ng itay ko!
"Ayos na, Ylaina. Condolence ulit ah? " sabi naman ni Mang Dencio. At halatang naaawa siya sa kin. Tss... I hate that expression. Ayokong kinakaawaan ako.
"Thank you ho, Mang Dencio. Salamat ho sa pag-aayos ng lilibingan ni Itay,” sabi rito at ngumiti. Tunay na ngiti na.
Ngumiti ito pabalik sa akin. "Kayanin mo ‘to, iha ah? Maging matapang ka sa lahat ng bagay. At huwag na huwag kang tutulad sa Itay mo. Kung tutulad ka man, tularan mo ang pagiging mapagmahal niya. Ang pagiging matatag. At huwag ang trabaho niya dati. Alam kong makakaya mo ‘to. Ikaw pa ba? Talo mo nga ‘yung mga masasamang tao sa lugar natin e. Eto pa kaya? Basta't tatandaan mo, nandito lang kaming mga nagmamahal sayo. Nasa kabilang street lang ako. Kung nalulungkot ka, mangapit-street ka muna. "
Kahit medyo corny ‘yung joke niya tinawanan ko pa rin. At least, may isang tao pang totoo sa akin. He is the only person whom I trust now.
"Salamat ho, Mang Dencio. "
"Ikaw talagang bata ka. Sabi ng Darcy ang pangalan ko e. Kulit mo no? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na bakla ako? Ang lakas mo pa rin maka- Mang Dencio e. Sino ba ang matanda sa tin? Ikaw ba o ako? Makakalimutin mo e," maarte nitong sabi.
Humagalpak na ako ng tawa. Ang saya talaga asarin ni Mang Dencio. Alam kong bakla siya. Kaso, paiba-iba kasi ‘yung pangalan niya e. Depende kung sinong pinakamaganda para sa kaniya ngayon. At mukhang ‘yung Darcy sa The One That Got Away ‘yung pinaka-nagagandahan siya ngayon. Hay nako...
Umuwi ako at saka ko pinakawala ang mga luha ko. Sabi niya, hindi ako pwedeng umiyak sa harap ng puntod niya. Pero hindi naman niya sinabi na bawal sa bahay ‘di ba?
Ang pilosopo ko pero kailangan ko rin namang umiyak. Gusto ko rin namang ilabas ang mga nararamdaman ko kahit sa loob ng bahay.
Nakatingin ako sa kawalan. I am imagining my father. Nakangiti siya sa imahinasyon ko. Ang saya-saya niya na.
Itay... Pumikit ka na lang ngayon. Hindi ko na kasi talaga kaya e. Ang sakit-sakit kasi na nawala ka. Parang ang bilis kasi. Hindi ako handa, Tay. Hindi mo man lang ako i-ninform. Pero sa tingin ko, kahit naman i-inform mo ko, hindi pa rin ako makakapaghanda. Kasi masasaktan at masasaktan pa rin ako. Hindi ko pa rin nanaisin na mawala ka. I miss you, Tay. Promise ko sayo, magsusumikap ako. Hindi ako magiging magnanakaw. I will use my skills for work and for my safety. I promise you. Mahal na mahal kita, Itay.
Humahagulgol ako at panay pa rin sa pag-iyak. Hindi ko malaman kung kailan ako natapos. Pero namalayan ko na lang na nakatulog ako kakaiyak.
•••—————•••
Narito ako ngayon sa mall. Huwag kayong mag-assume. Hindi ako magsa-shopping o maggagala. I am here for work. May trabaho kasi ako sa isang coffee shop.
Nang makarating ako sa tapat ng shop, napangiti ako kahit papaano. Ang ganda talaga dito. Maaliwalas at nakakatanggal ng stress.
DJ'S Cafe. That's what the shop's name is. Medyo hindi ko maintindihan pero maganda ang storya ng shop na 'to.
This was derived from Mrs. Deandra and Jackriel Howells' first letter in their first names. Sa coffee shop daw kasi unang nanligaw si Sir Jack kay Mrs. Deandra. And he wants to have a coffee shop too para may mapagkaabalahan ang asawa niya.
Dating model si Mrs. Deandra, pero tumigil na din ito. Masyadong possessive si Mr. Howells rito. Kaya para sa ikatatahimik ng kalooban ni Sir, nagquit si Mrs. Deandra sa pagmomodel. Nakakatawa nga, dahil nai-televised pa ito noon. Umiyak daw kasi nun sa saya si Sir.
Ang ganda ng pag-iibigan nila ‘no? Sana ganyan din ako. Sana ganyan din ang pamilya ko. Pero hindi... hinding hindi mangyayari ‘yun. Kasi walang kwenta ‘yung nanay ko.
Nagawa niya 'kong iwan nung 3 years old ako. Nagmakaawa ako na huwag niya ako iwan pero ni hindi man lang siya natinag. Iniwan niya pa rin ako. Iniwan niya ang Itay. Kaya napariwara ang itay ko. Hindi siya makapagtrabaho ng maayos. Nagkasira-sira ang buhay namin.
One day, nakilala niya si Mang Carlo inalok siya ng malaking halaga. At dahil walang-wala na kami. Kumapit si Itay sa patalim. Naging isa siya sa mga magnanakaw na grupo sa lugar namin.
Nung una ay hinusgahan ko siya. Ngunit habang tumatanda ako, natutuhan ko na lang siyang intindihin. Wala na kaming ibang malalapitan at mahihingan ng tulong. Kailangan namin mabuhay. At alam kong ginawa lang ‘yun ng aking ama para may maipantustos sa akin.
Pinahid ko ang luhang tumulo sa mata ko. Agad kong inayos ang sarili ko bago ako pumasok.
"Good Morning, mga besh! " masayang sabi ko at tumingin sa counter.
Walang bumati sa akin, ni isa sa mga beshy ko. Wow ah. Inisnob nila ko? Grabe ‘tong mga baklang ‘to.
"Hi, Rusting! Nasaan na ‘yung mga besh ko? Nakakaloka! Mag-isa ka lang at wala ni isa ‘yung mga girlalu rito. Ano bang ginagawa nila? "
He snorted and pointed his finger to some other direction. Sinundan ko ang turo niya at nakita sila. Bakit ba sila nagkukumpulan sa isang table? Aba't, halos hindi ko na makita
‘yung table ah. Parang tinabunan na nilang lahat.Titingnan ko sana ang pinagkakaguluhan nila. Ngunit may iba akong napansin. A school girl. May hawak siyang wallet at nanginginig ng kaunti ang kamay niya.
May sinasabi siya dun sa nasa table na para bang nagpapacute. Hindi nakalampas sa mata ko ang pagbulsa niya ng wallet.
May kinuha pa siyang notebook at nagpasalamat sa kung sino mang nasa table na ‘yun. Umalis siya at hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Agad kong binato kay Rusting ang bag ko.
"Pakilagay sa locker ko. Alam mo naman kung anong pass ‘di ba? May hahabulin lang ako. Babye! " sabi ko at agad na umalis. Hindi ko na inantay ang sagot niya sa akin. Basta't tumakbo na lang ako.
Pasimple lang itong naglalakad ngunit kitang-kita ko ang pagkabilis ng lakad nito. She is nervous. I'm sure of it.
Pumasok ito sa isang restroom. Balak ko sanang pumasok din, ngunit agad nagkagulo ang mga tao. Kinuyog nila ang isang lalaki.
Napa-tsk na lang ako sa kanila. Bakit ba ang daming sikat ngayon? Ang oa tuloy ng mga babae dito.
Nagsiksikan sila at pati ako nadamay. Ano ba naman ‘to. FYI ah! Hindi ako kasama sa mga umiidolo dito. Bakit ba pati ako nasasama?
Wala na akong nagawa kundi makipagsiksikan na rin. Alangan naman mag-stay ako, hindi ba? Kung sino mang pinagkakaguluhan ng mga taong ‘to, masyado na siyang maraming fans. Wala akong balak na dumagdag.
"Aray naman, ‘te! "
"Oy! Huwag mo nga kong siksikin! "
"Ano ba!? "
Kung anu-ano pa ang narinig ko sa kanila. Ngunit pinagpatuloy ko lang ang pagsiksik sa kanila para makaalas sa kumpol ng mga tao.
Success! Nakaalis din ako. I have a victory smile plastered on my face. At nang mapadako ang tingin ko sa mga babae, lahat sila ay masama ang mga tingin sa akin.
Tumawa ako at nag-peace sign. "Sorry sa abala, girls. Don't worry, para naman sumaya kayo. May ichi-chika ako sa inyo. Kukuha daw ng 10 fans ang idol niyo. Good luck sa inyo!" sabi ko at saka dumiretsyo sa restroom.
Napabuntong hininga ako ng malalim. That's a very suffocating experience. Hindi na ulit ako pe-pwesto dun sa malapit sa stage.
Napatigil ako ng makarinig ako ng iyak. Hinanap ko kung nasaang cubicle ito. At nang mahanap ko na, kumatok ako rito.
"Uhm.. Miss? Ayos ka lang? " alanganin kong tanong.
Napatigil ang pag-iyak. "Ayos lang po ako. May malaki lang po akong problema. "
Halata nga e.
"Ganun ba? Kung ganon, bakit ka dito nagmumukmok? Dapat nag-iisip ka na ng solusyon para sa problema mo. Hindi ‘yung ganyan. "
Narinig ko ang pagsinga nito at saka nito binuksan ang pinto. Siya nga. Siya ang babaenh nakita ko sa coffee shop. Baka nakokonsensiya siya?
Ngumiti ito ng mapakla sa akin. "Sige po. Aalis na ko. " paalam niya at akmang aalis na.
Pero hinila ko ang braso niya bago ka umalis. "Bakit ka nagnakaw? " diretsyahan kong sabi.
Naramdaman ko ang paninigas niya at gulat siyang tumingin sa akin. "H-hindi ko po alam kung anong pinagsasabi niyo. "
I smirked. "Ah talaga? E ba't nauutal ka? I saw what you did on the coffee shop. Hindi mo na kailangan magsinungaling. "
Tumulo ang pawis nito at natawa na lang ako. This girl. Hindi talaga siya magnanakaw. Obviously, napipilitan lang siya magnakaw.
Nagluha ang mata niya at saka inilabas ang wallet. "Eto na po. Sorry po. Kailangan na kailangan ko lang po. Huwag niyo po ako isusumbong sa pulis. Kunin niyo na po ito. "
Luluhod na sana siya pero agad ko itong hinawakan upang hindi mapaluhod. "Hindi mo kailangan lumuhod. Ano ka ba naman. Sabi mo nga ‘di ba? Kinailangan mo lang gawin ‘yun. Kaya wag mo gagawin ‘yan. "
Kinuha ko ang wallet at saka hinila siya papuntang costumer service. At wow lang ah? Pati dito, pinagkakaguluhan.
"Ser Will!" hiyaw ko at agad naman itong tumingin sa akin. May kausap siyang lalaki pero wala akong pake. Basta't kailangan ko ng ibigay sa kaniya ‘to.
Lumapit ako rito at isasama sana ‘yung babae. Ngunit nagpumiglas siya sa akin.
Kyuryoso ko siyang tiningnan. "Natatakot ka? Huwag kang mag-alala. Gaya ng sinabi ko kanina, hindi kita isusumbong. Isinama lang kita para makita mo na wala akong interes sa pera at malinis ang intensyon ko. Owkie? Tara na! " sabi ko at hindi na siya inantay maka-imik.
"Hi, Ser Will! Eto nga po pala ‘yung nakita kong wallet. Mukhang may nakalaglag ho. " magalang kong sabi habang ibinibigay ‘yung wallet at nginitian ‘yung babae para panatagin ang sarili niya.
Tiningnan ako ni Sir Will na parang alam niya kung ano ang ginagawa ko. I wiggled my eyebrows for him to get what I am saying.
Tinawanan niya na lang ako. And I winked at him when he nodded. "Ganun ba, Yla? Sige, ipapatawag ko ‘to mamaya,” sabi niya rito at pasimpleng tumingin din sa kasama kong babae.
"Tapos na ba kayo mag-usap? I badly need my wallet. Can I see that? It looks like it's ‘mine. " malamig na sabi ng kausap kanina ni Sir Will.
Kunot noo kong tiningnan ito. Gwapo sana, masungit nga lang. Tss! Nibermaynd (Nevermind).
"Ganun po ba sir? Go ahead po," sabi naman ni Sir Will at ipinasa dun sa lalaki ‘yung wallet.
Dahil curious din ako sa loob ng wallet, pumwesto ako sa tabi nung lalaki at nakitingin. Nakarinig ako ng biglang pag-react ng mga tao pero hindi ko ‘yun ininda.
Napanganga ako sa laman ng wallet. "Wow... Bakit ba ang hilig ng mga lalaki maglagay ng condom sa wallet? Hindi naman nabebenta ‘yun," bulong ko pero mukhang narinig ng lahat. Sabi ko nga, hindi bulong ‘yung nagawa ko.
DiSe_Artemis
Sabi nila, swerte daw ‘yung kapag may condom sa wallet. Totoo kaya ‘yun?
Nagsa-star gazing kami ngayon sa taas ng kotse niya. Tulog na tulog si Adrian kaya't nakahiga lang siya sa backseat. At dahil nga, nagmo-move on si Austine, sinabi ko sa kaniya na magstar gazing muna kami."Ang ganda ng mga bituin no?” tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa kalangitan."They are.”
Pagbalik namin ay bad trip na si Austine. Anyare? Ba't parang sambakol 'yung mukha niya ngayon?I looked at Mang Dencio and saw that he's also nervous to Austine. Binigyan niya lang ako ng galit-si-Kya-Tumahimik-na-lang-tayo look. I just shrugged it off and went near him.Nilahad ko yung sukli sa kaniya.”Senyorito, eto na po 'yung sukli sa kinain ni Adrian. Pramis hindi ko binawasan 'yan. Saktong sukli 'yan," sabi ko s
Dala-dala ko ngayon si Adrian. Ayaw magpaiwan e. Kaya ngayon, nakaupo na siya sa passenger seat."Why do I get to be here in the back and my nephew is in there?" tanong ni Austine."Cause I want to feel how to be in the passenger seat. We already talked about this, Uncle," sagot ni Adrian sa tiyuhin niya.
Ang aga ko nagising. Maaga rin kasi ako natulog kaya siguro ganito.A loud sound of gunshot happened.Napatingin ako sa labas. Dahil mahilig ako ma-curious, lumabas na rin ako at tumingin sa paligid."S-sira ulo kang lalake ka! ‘yung asawa ko pa talaga? Wala ka na ba
"You again?" parang walang emosyon nitong sabi.Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "Ikaw ‘yung may condom sa wallet. Grabe, mayaman ka pala talaga," pagtatanto ko rito.Pinaningkitan niya lang ako ng mata. He lazily went inside the condo unit. At dahil curious ako, pumasok ako sa loob. Pinigilan pa nga ako ni Mang Dencio, pero nag-shh lang ako sa kaniya at tinapik ang kamay niya
Tinatawanan ako ngayon ng mga katrabaho ko ngayon. Mga leche ‘tong mga ‘to. Ako ‘yung kaibigan nila pero parang mas pinapaboran pa nila ‘yung lalaking ‘yun.Arghh! Nakakairita siya!"So besh, talagang ‘yung condom 'yung napansin mo sa wallet niya? Hindi ka man lang tumingin sa pera? At partida! Nakalagay pa ‘yun sa may zipper, napansin mo pa rin ‘yung condom? 'Yung totoo, besh? " natatawang sabi ni Rose.