LOGINAng aga ko nagising. Maaga rin kasi ako natulog kaya siguro ganito.
A loud sound of gunshot happened.
Napatingin ako sa labas. Dahil mahilig ako ma-curious, lumabas na rin ako at tumingin sa paligid.
"S-sira ulo kang lalake ka! ‘yung asawa ko pa talaga? Wala ka na bang ibang makita at asawa ko ‘yung kinalantari mo?! Punyeta ka! Ahas kang lalake ka! " rinig kong sigaw sa di kalayuan.
Nakita ko si Kuyang sumisigaw na may hawak na itak. Matalas a? Hinang hina ni tsong. Pero teka, bakit may putok ng baril? E itak 'yung hawak niya.
"Punyeta ka rin! Wala ka ng magagawa, Castor! Mahal ako ng asawa mo! Nagmamahalan kami! At ako na ang pinili niya! "
Napanganga na lang ako sa kaaway ni Mang Castor. Ang lakas ng apog a. At talagang nasabi niya pa ‘yung mga ‘yun. Mga punyeta nga sila! Ang ko-corny!
Babalik na nga lang ako sa bahay. Walang kwenta ‘yung pinag-uusapan nila. Akala ko naman, kung may natokhang na dito. Hindi naman pala.
Pero, may humawak sa balikat ko. Agad akong napaikot nito at itinutok sa akin ang itak niya. Punyeta! Nakiki-punyeta na rin ako. Punyeta kasi 'tong si Mang Castor e.
"Ibalik mo ang asawa ko! Kundi, papatayin ko ‘tong babaeng 'to!" sigaw niya dun sa kaaway niya. Bwisit! Ano namang pake ng lalaking 'yun sa akin? Baka hayaan lang niya ko mamatay.
"Huh?! Wala akong pake diyan sa babaeng yan! Hinding hindi ko ibabalik 'yung asawa mo! Hihiwalayan ka na niya! " pabalik na sigaw nito. Sabi ko na nga ba e. Lagot ako nito e. Baka mapaaga ‘yung buhay ko. Hindi ko pa naman nahahanap si ka-porebs. Chos. Anlandi ko.
Nanigas si Mang Castor. Halatang hindi niya naisip ‘yun. Katanga naman. Buhay ko pa talaga ang sinama niya dito.
"Ang kapal talaga ng mukha mo!! " sigaw niya at akmang gigilitan niya na ko sa leeg.
Napapikit na lang ako sa kaba. My goodness. My precious life. Itay, baka magkasama kaagad tayo.
A loud gunshot rang on our ears.
Bumagsak ang itak at napahiwalay sa akin si Mang Castor. Ininda niya ang likod ng kanang balikat niya. May tama ng baril.
Napatingin ako sa likod. And wow... I just saw very gorgeous guy. Wow naman po. Uso ba ang action star dito sa lugar namin? Bakit ngayon lang siya nagpakita? Sawang sawa na ko sa pagmumukha ng mga lasinggero naming kapitbahay e.
"Don’t try to run cause I'll just shoot you again," seryoso niyang sabi habang nakatutok pa rin ang baril niya kay Mang Castor.
Nanginginig na tumango si Mang Castor at itataas pa sana ‘yung pareas niyang braso kaso kumirot ‘yung nasa likod ng balikat niya. Kaya ‘yung isang kamay niya lang ang naitaas niya.
"Opo, boss. Hindi ko po sinasadya. Si Cream O kasi! Inagaw niya ‘yung asawa ko!" paliwanag niya at masamang tiningnan ‘yung Cream O nga daw.
"G*go! Anong cream o?! Presto ang pangalan ko! Presto! "
Ewan ko kung dapat ba kong tumawa ngayon. Presto talaga? Tas cream o? Mga pa-comedian sila ah.
"Wala akong pake! Aalahanin ko pa ba 'yang pangalan mo, e inagaw mo 'yung asawa ko. G*go ka!! "
Sinundan ko ng tingin ang ginawa ni Mang Castor. Lalapit sana siya ulit dun kay Presto pero nahawakan na siya nung gwapong pulis.
Napa-Pfft na lang ako habang nakatingin sa kanila. Akalain mo ba naman kasi, parang bata lang na pinipigilan ni Kuyang pulis si Mang Castor. Hawak niya ‘yung ulo nito at pinipigilan niya itong tumakbo. Saktong-sakto pa at kalbo si Mang Castor.
"Aba't g*go ka rin, boss ah! Bitawan niyo ko, papatayin ko ‘yang bwisit na yan," inis na sabi ni Mang Castor.
"That's enough. Sumama na lang kayo sa presinto," seryoso niya pa ring sabi at saka hinila si Mang Castor.
May isa pa pala siyang kasama. Hawak-hawak na nito ngayon ‘yung si Mang Presto. "Tara na, Cream cheese. Doon kayo sa presinto mag-away. "
"G*go! Presto nga ang pangalan ko e! Kagaya ka rin ni Castor!"
"Wala kong pake! " sigaw pabalik nung lalaki.
Ang lakas ng boses ni Mang Presto. Tsk! Kung sino man 'yung asawa ni Mang Castor, napakahaba ng buhok niya. Siguro maganda 'yun. At punyeta rin siya! Kung hindi sana siya nagpalandi, edi sana hindi nanganib ang buhay ko.
Napabuntong hininga ako at akmang babalik na sa bahay. Ngunit may nakabungguan naman akong pader. Jusko! Wala namang pader dito kanina ah.
"Care to move away?"
Agad akong napaatras. Sabi ko nga, hindi pader ‘yung natamaan ko kundi, katawan ng tao. Katawan na halatang batak at punong puno ng mga namimintog na muscles. Eto na ba? Eto na ba ang ka-porebs ko?
"Uhh... Hi? " alanganin kong sabi.
"Sumama ka sa presinto, hihingin namin ang statement mo," sabi niya at hindi man lang natigilan sa akin.
Hay... Sabi ko na nga ba. Hindi siya ‘yun. Hindi man lang kami nagkaroon ng slow motion. Tss...
•••—————•••
"Yun lang ba ang nalalaman mo?" tanong sa akin ni Sarhento.
Tumango ako. "Oho," agad kong sagot.
"May balak ka bang idimenda etong si Castor? Sabihin mo na at ng malaman niya na ng maaga. Para rin makapaghanap na siya ng abogado," sabi pa nito.
Napatingin ako kay Mang Castor at nakitang nanlaki ang mga mata niya. Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang mga binti ko. Hindi kaagad ako sa nakapag-react. Kagulat e.
"Maawa ka, Yla---"
"Tumigil nga ho kayo, Mang Castor!" agad kong sabi at hinampas ang kamay niya. Pinatayo ko kaagad siya at itinulak paupo sa upuan niya kanina.
Humarap akong muli kay Sarhento. "Hindi na ho. Alam ko namang mahal na mahal niya lang talaga kung sino man ‘yung asawa niya kaya niya nagawa ‘yun. Sadyang mali-mali lang po talaga siya sa pagkuha ng iho-hostage niya. Ni hindi ko nga ho kilala si Sky Flakes ---"
"Presto nga e!" putol ni Mang Presto na nakaupo sa medyo malayo kay Mang Castor. Baka magsapukan na naman sila e.
Nag-peace na lang ako sa kaniya at tumawa. "Juk-juk lang, Mang Presto. " At saka bumalik ng tingin sa harap. "So ayun na nga po. Hindi po ako magde-demanda," nakangiti kong sabi at tumayo na.
"Baka pwede na po ako umalis," sabi ko sa kanila at tumingin sa kanila ng isa-isa.
"Sige, iha. Salamat,” sabi ni Sarhento at ngumiti na lang ako sa kaniya.
Bumukas ang pinto at bumungad doon ang isang babae. Jusko! Mahabaging langit. What is happening in this world?
"Kemushta ne pow yowng asewa kow," sabi niya habang nakalingkis dun sa Kuyang Pulis na tumulong sa kin kanina.
My gosh! Ayan?! Ayan ‘yung asawa ni Mang Castor!? Susmaryosep!
"Asawa ka talaga ni Mang Castor?" hindi makapaniwala kong tanong.
Tinaasan niya ako ng kilay at ni-head to foot. "Oow! Bhaket!? " mataray niyang sabi.
"Edi, kabit mo 'tong Oreong 'to? " dagdag ko pang tanong habang nakaturo kay Mang Presto.
Tumingin siya duon at bumalik ng tingin sa akin. "Oreo? Presto 'yan! At oow! Akowz ang peynag-eegaweyn nila. Ang gondo kow 'no? " sabi at hinawi pa ang buhok niya na nagpapabebe.
"Mang Castor," tawag ko kay Mang Castor habang nakatingin pa rin dun sa babae.
"Oh? "
"Hindi ako magde-demanda. Basta hayaan mo lang akong gawin ang isang bagay. Okay? "
Hindi kaagad siya sumagot. "Oh sige, iha. "
Napatango ako at mabilis na tumakbo lumapit dun sa babae. Agad kong naitulak si Kuyang pulis at saka sinuntok ang mukha nung babae.
Tumilapon ‘yung babae at hawak-hawak niya na ang panga niya. "Ano bang problema mo!? " Sa wakas, dumiretsyo din ‘yung dila niya.
"Myrtle ko! " rinig kong sigaw ni Mang Castor pero hindi ko iyon pinansin.
Nanlilisik ang mga mata ko na nakatingin sa Myrtle na to. "Punyeta kang babae ka! Muntik na kong mamatay kanina dahil sa 'yo. Nanlalaki ka kasi! Tapos malalaman ko na ganyan ka pala?! Punyeta! Ano to, joke?! Ugh! Punyeta, nakakaasar!! " sigaw ko.
Nakailang punyeta pa ko bago kumalma. At nang kumalma na ko ay humarap akong muli sa kanila. "Ayos na 'ko. Sibat na 'ko. And please lang, huwag na huwag niyo na ulit ipapakita sa kin 'tong babaeng 'to," I spat and walked out.
Punyeta talaga! Naglaban sila para sa isang mukhang bisugo?! Ang kapal at itim ng labi, ang baho, ang sama ng itsura. Hindi sa judgemental ako. Pero.. Punyeta talaga e.
Matatanggap ko pa kung maganda e. Pero, bwisit! 'Yung mukhang 'yun!? ‘yung mukhang 'yun, nakahithit pa ng dalawang lalaki!? Hiyang-hiya naman ako sa kaniya.
Pakshet siya!
•••—————•••
Sunday ngayon at may trabaho ulit ako bilang driver. Na-kwento ko na sa mga katrabaho ko, especially, Ann, ‘yung nangyari dun sa kay Ervin. Ayun, kilig na kilig ang loka. May bago na naman daw siyang kalandian. At artista pa daw.
Nag-doorbell ako sa condo unit ni Austine. Actually, kanina pa e. Ewan ko ba at parang bingi ‘yung lalaking ‘yun.
Sa inis ko, sinubukan kong buksan ‘yung pinto gamit ang passcode. Four digits ang kailangan. Dahil wala akong maisip na code, 1234 na lang ang pinindot ko.
Nagbukas ang pinto. Wow lang a? Ang hirap nung passcode niya. Parang sobrang pinag-isipan e.
Pumasok ako at biglang nanigas nang may nakita akong bata sa harap ko. Takot na takot akong lumapit dito at tinusok ng kaunti ang pisngi niya.
Naramdaman ko ang balat niya. Napabuntong hininga ako. He's alive. Hindi siya multo or anything, buti naman. Natakot ako dun ah.
"What are doing here? How did you manage to open the --- nevermind. I already know how. So what do you need here? Are you a thief? I assure you, you can't have any money in this house. This was just a raffle prize. We didn't buy it. "
Natawa na lang ako sa mga tanong niya. Thief? At seriously, pa-raffle ang bahay?
Sinara ko ang pinto at saka umupo sa isang sofa. "First of all, I am not a thief. Isa akong part time driver ni Austine. At personal alalay tuwing Sunday. Nandito ako dahil kailangan ko siyang sunduin para sa shooting niya," paliwanag ko.
Nakiupo rin siya sa sofa. "How can I make sure that you're not gonna steal anything in this condo? " tanong niya pa at naniningkit ang mga matang nakatingin sa akin.
"Kasi sabi mo pa-raffle lang 'to?" I chuckled lightly. "I'm just kidding. Pero hindi talaga ko magnanakaw. I like to work hard for my own money and not by stealing it. "
"Good answer."
"Thank you so much," sabi ko at kumaway-kaway pa na parang beauty queen.
Tinawanan na lamang ako nito. "It doesn't suit you well. A beauty queen knows how to comb her hair, " sabi pa niya.
Ngumisi ako. "Yeah, but I have a unique beauty. I don't need to comb my hair to stand out my beauty," sabi ko pa at tumawa.
"So where's your dad? Gising na ba si Austine? Anong oras na. Bakit hindi pa siya gising? " pag-iiba ko ng topic.
"Dad is in Italy with my mom. Uncle Austine is inside his room. He won't wake up whatever I may do. I'm already hungry but he's too lazy to get up from bed," nakalabi nitong sabi. Ang cute.
Naawa naman ako rito kaya pumunta ako sa kitchen nila. Binuksan ko ang ref. "Do you want me to cook for you? Ate Yla is a good cook, you know,” sabi ko habang tinitingnan kung anong pwedeng lutuin.
"Really? " I can sense the happiness in his voice. "But... what if Uncle Austine got mad?"
Kinuha ko ang itlog at bacon mula roon at isinara na ang ref. "Hindi 'yan. Akong bahala sayo, " sabi ko at saka tiningnan naman ang rice cooker. Buti naman, at may bahaw pa. Pwede pang isangag.
Nagprito ako ng egg at bacon. Sinangag ko rin ‘yung lahat ng kaning natira. If ever na maghanap din ng almusal ‘yung senyorito. My goodness! May kasama siyang bata, hindi man lang niya paghainan ng pagkain.
"Salamat po sa pagkain," masaya niyang sabi at saka nilantakan na ‘yung pagkain.
Ngumiti naman ako rito. "Kain lang ng kain. Bakit ka ba kasi nandito? Hindi ka tuloy nakakain agad. Alam mo naman... Artista ‘yung Uncle mo, kaya lagi ‘yung puyat at baka hindi ka maasikaso. "
"Nag-honeymoon po kasi sila Mommy. Gusto ko po ng baby sister kaya hinayaan ko sila duon. Saka, mabait naman po si Uncle Austine e. Kapag napupuyat siya at hindi ako nakakakain kaagad kagaya ngayon, bumabawi naman po siya. He takes me to a restaurant and we eat there," sabi niya at sumubo ulit ng pagkain.
Tumango naman ako. "Ahh... 'Di bale, julalay naman ako ni Austine tuwing Sunday, lulutuan na lang kita every morning, sa lunch, at saka sa evening," nakangiting sabi ko rito.
Nanlaki ang mga mata niya at kumislap. "Talaga po? Yeey! "
Bumukas ang pintuan ng kwarto ni Austine. At bumungad sa amin ang morning look niya. His hair were rugged and he is freaking topless. Mga lalaki talaga, hilig magtopless. Kala mo naman ang hot.
Litse! Parang pinagpawisan kaagad ako ah. Hindi to dahil kay Austine no! Pake ko ba sa abs niya! Dahil to.. sa... ahm... sa init nung pagluluto ko kanina. Tama 'yun nga! Bakit ba ko nage-explain? Hay nako...
Kumunot ang noo niya nang makita ako. Tinaasan ko lang din siya ng kilay at inungusan.
"Good Morning, Adrian. I'm sorry. Puyat na puyat kasi si Uncle e," sabi niya roon sa bata nang makalapit siya rito.
Tumingin siyang muli sa akin. "You cooked? "
"Ah huh. May natira pa dun sa kawali na fried rice kung gusto mo rin kumain," sabi ko rito.
Tumango ito sa akin. He lazily went to the kitchen. Pagbalik nito ay may hawak na itong plato na punong-puno ng kanin. Hindi naman siya gutom niyan. Hindi talaga.
Umupo ito sa tabi at saka kumuha ng ulam. "Nag-toothbrush ka na ba? " tanong ko.
Papikit-pikit pa itong tumingin sa akin. Tumango siya ng ilang ulit at saka kumain na. "Thanks for cooking, Ylaina. And for taking care of Adrian while I'm asleep," sabi pa niya.
"No problem. Bawing-bawi naman e. Ang cute-cute kaya nitong batang 'to. Mas gwapo rin 'to sayo," nakangiti kong sabi habang nakatingin kay Adrian.
Adrian smiled adorably at me. Lumabas ang dimples nito sa ginawa niya. "Thank you po. You are very honest Ate Yla. "
"You're welcome!" nakangiti ko ring sabi sa kaniya.
"You are not gonna say that again. Ako ang amo mo, Ylaina. Hindi siya, " parang naasar na sabi ni Austine. Siraulo talaga to. Pati ba naman sa bata, hindi magpapakabog?
"And so? " asar ko pa at sinamaan na lamang niya ako ng tingin.
•DiSe_Artemis•
Nagsa-star gazing kami ngayon sa taas ng kotse niya. Tulog na tulog si Adrian kaya't nakahiga lang siya sa backseat. At dahil nga, nagmo-move on si Austine, sinabi ko sa kaniya na magstar gazing muna kami."Ang ganda ng mga bituin no?” tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa kalangitan."They are.”
Pagbalik namin ay bad trip na si Austine. Anyare? Ba't parang sambakol 'yung mukha niya ngayon?I looked at Mang Dencio and saw that he's also nervous to Austine. Binigyan niya lang ako ng galit-si-Kya-Tumahimik-na-lang-tayo look. I just shrugged it off and went near him.Nilahad ko yung sukli sa kaniya.”Senyorito, eto na po 'yung sukli sa kinain ni Adrian. Pramis hindi ko binawasan 'yan. Saktong sukli 'yan," sabi ko s
Dala-dala ko ngayon si Adrian. Ayaw magpaiwan e. Kaya ngayon, nakaupo na siya sa passenger seat."Why do I get to be here in the back and my nephew is in there?" tanong ni Austine."Cause I want to feel how to be in the passenger seat. We already talked about this, Uncle," sagot ni Adrian sa tiyuhin niya.
Ang aga ko nagising. Maaga rin kasi ako natulog kaya siguro ganito.A loud sound of gunshot happened.Napatingin ako sa labas. Dahil mahilig ako ma-curious, lumabas na rin ako at tumingin sa paligid."S-sira ulo kang lalake ka! ‘yung asawa ko pa talaga? Wala ka na ba
"You again?" parang walang emosyon nitong sabi.Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "Ikaw ‘yung may condom sa wallet. Grabe, mayaman ka pala talaga," pagtatanto ko rito.Pinaningkitan niya lang ako ng mata. He lazily went inside the condo unit. At dahil curious ako, pumasok ako sa loob. Pinigilan pa nga ako ni Mang Dencio, pero nag-shh lang ako sa kaniya at tinapik ang kamay niya
Tinatawanan ako ngayon ng mga katrabaho ko ngayon. Mga leche ‘tong mga ‘to. Ako ‘yung kaibigan nila pero parang mas pinapaboran pa nila ‘yung lalaking ‘yun.Arghh! Nakakairita siya!"So besh, talagang ‘yung condom 'yung napansin mo sa wallet niya? Hindi ka man lang tumingin sa pera? At partida! Nakalagay pa ‘yun sa may zipper, napansin mo pa rin ‘yung condom? 'Yung totoo, besh? " natatawang sabi ni Rose.