LOGINPagbalik namin ay bad trip na si Austine. Anyare? Ba't parang sambakol 'yung mukha niya ngayon?
I looked at Mang Dencio and saw that he's also nervous to Austine. Binigyan niya lang ako ng galit-si-Kya-Tumahimik-na-lang-tayo look. I just shrugged it off and went near him.
Nilahad ko yung sukli sa kaniya.”Senyorito, eto na po 'yung sukli sa kinain ni Adrian. Pramis hindi ko binawasan 'yan. Saktong sukli 'yan," sabi ko sa kaniya at tinitigan niya lang ako.
Wala siyang sinasabi ngunit halatang galit na galit siya. His eyes were in raging fire. Ano bang nangyari?
Napabuntong hininga na lang ako at saka kinuha yung bag niya. Doon ko inilusot 'yung sukli.
Nakita kong padaan na si Ervin, kaya't agad ko siyang sinitsitan. Napansin naman niya kaagad ako, kaya naman pinalapit ko siya sa akin.
"Bakit?” medyo inis rin niyang sabi.
Napansin ko ang pasa niya sa gilid ng labi niya. Anong meron? Uso rin basag ulo sa set ngayon? Aba matinde.
"Anyare sa 'yo?” diretsyo kong tanong. Mamaya na yung isang sasabihin ko sana sa kaniya.
Hinawakan niya ang pasa niya at napangiwi sa sakit.”Wala 'to. May siraulo lang na nanuntok sa akin. Wala naman akong ginagawa." May hinanakit niyang sabi at pasimpleng sinamaan ng tingin ang katabi ko.
Sinuntok siya ni Austine? Pero, bakit? Magkaiba naman ang love interest nila ah?
"Ganun ba?”
Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. I looked at Austine and saw him glaring back at Ervin. May hindi talaga ako nalaman e.
Buti na lang, wala dito si Adrian. Bawal sa bata ‘to. Baka gayahin niya 'tong mga lalaking 'to.
"Ayos ka na ba? Napalagyan mo na ba ‘yan ng ointment? Wait, meron ako sa bag. Kukuhain ko lang sa kot---" napatigil ako dahil sa paghawak ni Austine sa braso ko.
Gulat akong tumingin sa kaniya but his face remained serious.”Austine,” mahinang tawag ko.
"Don't do that. Wala sa job description mo ang pag-aalaga sa ibang artista. Ako ang boss mo 'di ba? Take care of me not him, babe.”
Just a simple words from him. It makes my heart beats faster. Iba na. Iba na ang nagiging pakiramdam ko at masama ‘to.
"Tumigil ka nga. May pasa siya oh. Pagkakawang gawa ang tawag rito, Senyorito. Getchi?” sabi ko at hinampas ang braso niya.
"Ayoko pa rin. Umuwi na tayo. Ako ang alagaan mo.”
"Huh?”
Tinaas niya ang kamao niya at nakita kong namumula yoon. So, siya talaga ang sumuntok kay Ervin? I kennat! Bakit?
"Did you punch him?” seryoso kong tanong.
Tumango lang ito at hindi pa rin binibitawan ang braso ko. His hand went down and intertwined it with mine. Pitong put puting pating. Kainis. Kinilig ako.
I sighed. Baka ganito lang talaga siya. Let's not over think, mahirap nang umasa.
Humarap akong muli kay Ervin.”Sorry ah? Tinopak lang 'tong senyorito ko. Pasensya na talag--"
"Don't apologize to that guy. Halika na. Umalis na tayo, " putol ni Austine sa sanang sasabihin ko at saka ako hinila paalis.
Ang lalaki ng hakbang niya. Ang bilis tuloy namin makaalis. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Ervin. Tsaka si Mang Dencio! Hindi siya nakasunod.
Hinila ko ang kamay ko sa kaniya nang makaabot kami sa parking lot. Inis ko siyang tiningnan.”Ano bang problema mo? Wala na ba kayong, iso-shoot? Tsaka si Mang Dencio, babalikan ko muna,” sabi ko at akmang babalik dun.
Pero sadyang maagap talaga 'tong lalaking 'to. Bago pa ako makahakbang ay binuhat niya na ako ng parang sako at saka binuksan ang pinto ng kotse.
Pinasok ako doon at nakaupo na ako ngayon sa passenger's seat. Samantalang siya naman ay umikot papunta sa driver's seat.
"Bakit ba kayo nagsuntukan?” tanong ko sa kaniya pagkasarang-pagkasara pa lang ng pinto.
"Don't ask," he coldly said and held my hand again.
Bumilis na naman ang tibok ng puso. Putspa naman o! Huwag naman siyang ganyan. Kinikilig ako e.
He sighed and start the engine. Nakatulog ako sa pagod. At nagising na lamang ako nang tapikin ni Austine ang pisngi ko.
"Wake up, babe. Nakaakyat na si Adrian. Ikaw na lang ang hindi. Tara na?” malambing ang tono niya.
Kinusot ko ang mata ko at tumingin sa paligid. Gabi na pala.”Kailangan ko ng umuwi," I lazily said and went out from the car.
Naglakad ako paalis, ngunit hindi rin ako nakaalis. This guy held me tightly and carried me in a bridal style.
"Sleep in my condo. Pagod ka na," he whispered and just in instance, I slept on his arms.
•••—————•••
Austine never open the topic about hi and Ervin. Kapag tinatanong ko siya ay iniiba niya yung topic. Pakiramdam ko nga, sila pa yung may feelings sa isa't isa e.
Oh... My... Gas... Hindi kaya... Bakla si Austine? At si Ervin ang totoo niyang mahal. Kaya siya nagsusungit sa mga babae kasi si Ervin talaga ang gusto niya. Oh my gas. Hindi nga?
"Mukhang masarap 'yang niluluto mo ah.”
Napapitlag ako sa gulat. Sobrang lapit sa akin ni Austine. Nakalagay ang baba niya sa kaliwang balikat ko habang ako naman ay nagluluto ng breakfast. I can't help but to think... we look like a married couple.
I pursed my lips to supressed my smile.”Syempre naman no. Ako yata ang nagluto. Si baby? Gising na ba?”
I was surprised when he suddenly eloped his arms on my waist. Mas lalo ako nitong siniksik. Nakaka-distract.
"Ako 'yung nandito ta's siya 'yung hinahanap mo. Can you please just focus on me?”
Mas lalo akong nanigas sa sinabi niya. Jusko! Halos atakihin ako sa puso sa sinabi niya.
Minabuti kong huwag pansinin yun at saka ipinagpatuloy ang pagluluto. Pinatay ko ang kalan at nilagay sa mga plato 'yung niluto ko.
Hindi pa rin umaalis sa likod ko si Austine at malapit na akong maloka. Bakit ba siya ganyan ngayong umaga? Nasisiraan na ba siya?
"Kaysa diyan ka nakapwesto, pwede bang pakilagay ‘tong mga plato sa table?” sabi ko rito at agad naman siyang humiwalay sa akin.
Napahinga ako ng malalim. Halos hindi ako makahinga nung yakap niya ko. Too much kilig could really kill. Naniniwala na ko ngayon.
"Magsabi ka nga sa 'kin ng totoo. Ano ba talagang nangyari kahapon? Why did you punch Ervin in the face?” tanong ko rito pagkalapag ko ng ulam.
Bumalik sa dating pagkakakunot ng noo si Austine. Tsk! Sabi ko na nga ba e. Dahil dun, kaya siya nagiging sweet sa 'kin.
"Michelle and Ervin are already in a relationship..” he said almost a whisper.
Parang nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Sila na? Kaya ba, ganun siya kanina? Is he trying to entertain himself by doing sweet things with me? Litse! Wala pa siyang sinasabi pero napi-feel ko na agad yung pagiging rebound ko.
Teka nga, bakit ba 'yun 'yung iniisip ko? Hay... Dapat si Rusting tyaka Ann 'yung inaalala ko.
"Sigurado ka?” paninigurado ko pa. Baka naman kasi nag-aassume siya. Ang alam ko talaga kasi, si Ann ang trip ni Ervin. Mali nga ba ko?
"I saw them talking. They were saying that they should keep it as a secret. Sigurado daw kasing masasaktan ako. And then, Michelle started to cry. Sa sobrang galit ko, sinuntok ko siya.”
Hindi ako naka-imik. Wala ko masabi e. So Ervin talaga tyaka si Michelle? Hindi nga? Akala ko pa naman, makakahithit ng sosyalin si Rusting.
Napabuntong hininga ako sa naisip ko. Sayang naman. Ang buhay talaga, parang life.
"Are you disappointed?” biglang sabi pa niya.
Nagtataka akong tumingin sa kaniya. While he, kept on looking at me intently.”Ano?” takhang tanong ko sa kaniya.
"Sabi ko, disappointed ka ba. You like Ervin, do you?”
Napamaang ako sa sinabi niya. Talaga? Gusto ko si Ervin? Bakit hindi ako na-inform? Ang alam ko kasi, siya ang gusto--- wait, erase, erase! Wala pala.
"No way, dude. Nasan ba yang utak mo? Na-brokenhearted ka lang, assumero ka na agad. Fyi no! Wala akong justo diyan sa Erbin na yan," buong lakas kong sabi.
I saw his half smile but it disappeared instantly. Ano ba naman ‘to. Kung anu-ano na yung nakikita ko.
"Good.”
"Huh? Ano 'yun, Austine?” tanong ko sa kaniya. Ang hina naman kasi niya magsalita.
He just shrugged and took some fried rice.”Nothing.. Let's eat?”
Eat? Matatagalan ako nun ah.
"Hindi pwede e. Nagluto lang talaga ko para kay Adrian. May trabaho pa kasi ako. Actually, aalis na nga ko e. Alam mo na... Next Sunday na ang balik ko.”
Tumigil siya sa pagkain at tumingin sa akin.”You're not going to work. In-excuse na kita sa boss niyo.”
Nagloading sa utak ko ang sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko.”Hindi nga? Pinayagan ka?”
Tumango ito sa akin bilang tugon. Napa-Yeey ako sa tuwa. Nagka-day off din ako sa wakas! Wala na kasi akong pahinga simula nung maging driver -slash- PA ako ng lalaking ‘to e.
"Oh my gosh!!! Mahabaging life!!! Salamuch, be!!” sabi ko at napapatalon-talon pa sa saya. Makakapagpahinga na rin ako sa wakas.
Lumapit ako sa bag ko at sinukbit ‘yun. Aalis na ko dito. E-enjoy-in ko 'tong pahingang 'to. Yie! Salon, here I come!
"Where do you think you're going?”
Kumunot ang noo ko at tumingin kay Austine.”Sa bahay. I-enjoy-in ko 'tong pahinga ko. Sa’n pa ba?”
He raised his eyebrow at me. Bakla ba 'to?
"I did that so we could spend time together. Bakit ka uuwi?”
Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Spend time together?
"I mean, kailangan ng ka-bonding ni Adrian dito. And I think you could be the right person."
Agad nawala yung kilig ko. Bwiset! Hindi man lang niya pinataggal ng 5 minutes. Ang bilis nawala nung paru-paro sa tiyan ko. Iisa na nga lang, pinatay niya pa.
I snorted.”Ang sabihin mo, gusto mo lang maglibang para makalimutan mo si Michelle. Sus! Pasimple ka pa e. Nahiya ka pang sabihin. Dinahilan mo pa si Adrian.”
Natahimik ito. Dapat pala, di ko na lang sinabi. Na-bad mood tuloy kaagad siya.
"Sorr---"
"It's okay. Tama ka naman e," mababang sabi niya at napayuko.
Nalungkot tuloy ako para sa kaniya. Pinagdikit ko ang aking mga labi at saka lumapit sa kaniya. Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya at pi-nat iyon.
"Huwag ka na malungkot, Austine. Magiging maayos din ang lahat. Maybe, your not just meant to be with her. Ganito na lang... Ahm... Mag-EK tayo. Mag-enjoy tayo ngayong araw. Para naman sumaya ka," pagpapalakas ko ng loob sa kaniya.
He raised his head and look straight at me. Hinawakan niya ang bewang ko at niyakap iyon upang mapalapit lalo ako sa kaniya.
"Really?” parang bata nitong sabi.
Ngumiti ako at hinaplos ang buhok niya. Nakayuko ako ngayon. Nakaupo kasi siya sa stool at ako naman ay nakatayo. Para siyang batang binasted ni krass.
"Oo naman.”
Nagngitian pa kami. Bumilis muli ang tibok ng puso ko. Kakatanga rin nitong puso ko. Harap-harapan ng sinasabi ni Austine na gustong-gusto niya si Michelle. Pero eto siya, tumitibok pa rin para sa kaniya.
"Sweetheart?”
Napatingin kaming pareas kay Adrian. Kagigising niya lang at halatang inaantok pa. Papikit-pikit pa yung mga mata e.
Masaya akong lumapit sa kaniya at bumaba para maging magkasing tangkad kami.”Wanna go to EK, baby? Free si Ate Yla ngayon."
His eyes sparkle in joy.”Really!? Yeey!!"
•••—————•••
Nasakyan namin ang mga rides. Ang saya, sobra. Ang nakakatawa nga lang, suka ng suka si Austine. Pinipilit niya kasing sumakay sa space shuttle kahit hindi naman pala niya kaya.
"Ano na? Kaya pa?" tanong ko rito habang hinihimas ang likod niya.
He looked at me with determination.”Of course! Hindi ako magpapatalo sa mga rides na 'yun.”
Natawa na lamang ako sa kaniya at pinasahan siya ng tubig.”Push mo yan, Kya," sabi ko rito at hinila na ito papunta kay Adrian.
Nakaupo sa bench si Adrian. Ayaw niya daw kasama yung Uncle niya habang sumusuka. Kadiri daw at baka masuka din daw siya. And it's not very manly. Tama nga naman siya.
"Okay na daw siya, baby. Ano naman gusto mong next na ride?" magiliw kong tanong sa kaniya.
Excited siyang tumayo mula sa kakaupo at tinuro yung mascot na wizard.”Pa-picture po muna tayo, sweetheart. Gusto ko po ng remembrance," sabi niya at hinila ako papunta doon.
Dahil hawak ko si Austine, nahila rin siya. Muntik pa akong matalisod sa bilis ng lakad ni Adrian. Ngunit buti na lang, nakaantabay sa likod ko si Austine. I felt giddy every time he's doing that.
"Uncle, picture-an mo po kami ng girlfriend ko," utos ni Adrian.
Hinila naman ako nito at saka nagpapicture dun sa mascot. Nag-thumbs up si Austine tanda ng tapos na ang pagkakapicture niya.
Aalis na sana kami pero pinigilan pa niya kami.”Bakit / Why, Uncle?” sabay naming sabi ni Adrian.
He didn't say anything. Binigay niya na lamang yung cellphone niya kay Adrian at saka ako hinablot sa bewang. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ano ba 'to? Aatakihin ako nito sa puso e.
"Take us a picture, kid. Hinayaan na kitang mauna. Ako naman ngayon.” cool na sabi ni Austine at saka ako inakbayan habang nakatabi kami sa mascot. Nasa gitna namin si Austine at ang higpit ng hawak niya.
Sumimangot si Adrian pero sinunod din ang tiyuhin niya.”1... 2... 3...” pagbibilang pa niya.
*Click!*
Agad akong humiwalay kay Austine at lumapit kay Adrian.”Tara na, baby. Sa’nnaman tayo ngayon?” sabi ko na lang dito. Hindi pa kasi bumabalik yung normal heart beat ko e.
Ang hirap pigilin yung kilig na nararamdaman ko kanina. Siguradong pulang pula na 'yung pisngi ko sa picture.
Adrian smirked at his Uncle before looking back to me.”Log Jam.”
Naramdaman ko ang paninigas ng nasa likod ko. Haha. Isa pang nakakatakot na ride. Good luck na lang kay Austine.
Nginig na bumalik kami sa bench. Nanginginig kami sa lamig. Ewan ko lang kay Austine.
"Basang basa na tayo, baby. Tara, let's buy shirts?” aya ko rito.
Pumunta kami sa isang stool at ngiting-ngiti kaming sinalubong ng tindera.”Family T-shirts po? Ang cute naman ng anak niyo. Nandito po yung mga bagay sa inyo. 250 na lang po for the one set.”
"We're ---"
Tinakpan ko ang bibig ni Austine. He glared at me but I just wiggled my eyebrows.
Tinanggal ko ang kamay ko sa bibig niya at babawiin na sana. Ngunit hinawakan nito ang kamay ko at in-intertwined sa kamay niya. Nakaramdam ako ng kiliti sa aking puso.
"Sige po, miss,” sabi ko at saka tumingin dun sa mga family shirt. Tinuro ko yung color blue.”Yun na lang po, " sabi ko.
Ngumisi ako kay Austine at inilahad ang kamay ko. Wala akong pera no.
He smirked at me and shake his head. But I just smirked back at him. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.
Pagkahiwalay ko sa kaniya ay hawak ko nang muli ang wallet niya. He looked at me in pure surprise. I grinned and took a 500 peso bill.
Bumalik yung babae at nakaplastic na yung mga t-shirt.” Eto na po, miss," sabi ko at saka inabot yung plastic bag.
"Here's your change po. Come again, Miss. Bagay po kayo ng Mister niyo, " nakangisi pa niyang sabi.
Ngumiti ako pabalik at saka hinila na sila paalis dun. I gave them their T-shirts at saka kami nagpalit sa CR.
Nakangiti akong tumingin sa salamin. My shirt has a big letter M in the middle. 'M' stands for Mommy.
Pagkalabas ko sa CR ay nakita kong nakapagpalit na rin sila. Austine has letter D and Adrian have letter B. It stands for Daddy and Baby. We surely looks like a family.
Tumingin silang dalawa sa akin at pareas din silang nakasimangot.”Ang tagal mo!” sabay nilang sabi.
Natawa na lang ako sa kanila. Nilapitan ko sila at inakbayan si Adrian. Samantalang, si Austine naman ay humawak sa bewang ko.
"Tara Ferris wheel?” yaya ko sa kanila.
"That's weak / Basic!” sabay na sabi ni Adrian at Austine.
Nag-pout ako.”Gusto ko dun e, " pag-iinarte ko sa kanila.
"Oo na! / Okay fine!” —Austine and Adrian.
Napahagikhik na lang ako at saka kami pumunta sa pilahan ng ferris wheel. Yeey!
•••—————•••
Tawa ako ng tawa habang nakatingin kay Austine. Ang putla niya na kasi.
"Stop laughing! Baka umalog 'tong sinasakyan natin. I still wanna live, " inis na sabi niya pero halatang takot na takot pa rin.
"Yeah, right! Kalalaki mong tao, takot na takot ka sa ferris wheel. Tingnan mo nga yung pamangkin mo. Tuwang-tuwa sa kabila, " sabi ko at tumingin sa kabilang cart.
Kumaway pa ako at kumaway naman pabalik sa akin si Adrian. Gusto niya daw kasing kasama yung mga kids na nasa unahan namin kanina, kaya pinasama ko na lang siya dun.
Kumaway ito pabalik sa akin at bumalik ito sa pakikipag-usap sa mga bago niyang kaibigan.
"Don't move too much! F*ck. Get me out of here!!!"
Tumawa na lang ako sa kaniya. Kung anu-ano pa ang sinigaw niya. Ata puro tawa lang ang ginawa ko.
Habang sigaw siya ng sigaw, parang nagso-slow motion habang tinititigan ko siya. I really do like him. I'm such a stupid person.
Sa lahat ng lalake, bakit siya pa?
•DiSe_Artemis•
Nagsa-star gazing kami ngayon sa taas ng kotse niya. Tulog na tulog si Adrian kaya't nakahiga lang siya sa backseat. At dahil nga, nagmo-move on si Austine, sinabi ko sa kaniya na magstar gazing muna kami."Ang ganda ng mga bituin no?” tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa kalangitan."They are.”
Pagbalik namin ay bad trip na si Austine. Anyare? Ba't parang sambakol 'yung mukha niya ngayon?I looked at Mang Dencio and saw that he's also nervous to Austine. Binigyan niya lang ako ng galit-si-Kya-Tumahimik-na-lang-tayo look. I just shrugged it off and went near him.Nilahad ko yung sukli sa kaniya.”Senyorito, eto na po 'yung sukli sa kinain ni Adrian. Pramis hindi ko binawasan 'yan. Saktong sukli 'yan," sabi ko s
Dala-dala ko ngayon si Adrian. Ayaw magpaiwan e. Kaya ngayon, nakaupo na siya sa passenger seat."Why do I get to be here in the back and my nephew is in there?" tanong ni Austine."Cause I want to feel how to be in the passenger seat. We already talked about this, Uncle," sagot ni Adrian sa tiyuhin niya.
Ang aga ko nagising. Maaga rin kasi ako natulog kaya siguro ganito.A loud sound of gunshot happened.Napatingin ako sa labas. Dahil mahilig ako ma-curious, lumabas na rin ako at tumingin sa paligid."S-sira ulo kang lalake ka! ‘yung asawa ko pa talaga? Wala ka na ba
"You again?" parang walang emosyon nitong sabi.Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "Ikaw ‘yung may condom sa wallet. Grabe, mayaman ka pala talaga," pagtatanto ko rito.Pinaningkitan niya lang ako ng mata. He lazily went inside the condo unit. At dahil curious ako, pumasok ako sa loob. Pinigilan pa nga ako ni Mang Dencio, pero nag-shh lang ako sa kaniya at tinapik ang kamay niya
Tinatawanan ako ngayon ng mga katrabaho ko ngayon. Mga leche ‘tong mga ‘to. Ako ‘yung kaibigan nila pero parang mas pinapaboran pa nila ‘yung lalaking ‘yun.Arghh! Nakakairita siya!"So besh, talagang ‘yung condom 'yung napansin mo sa wallet niya? Hindi ka man lang tumingin sa pera? At partida! Nakalagay pa ‘yun sa may zipper, napansin mo pa rin ‘yung condom? 'Yung totoo, besh? " natatawang sabi ni Rose.