LOGINNagsa-star gazing kami ngayon sa taas ng kotse niya. Tulog na tulog si Adrian kaya't nakahiga lang siya sa backseat. At dahil nga, nagmo-move on si Austine, sinabi ko sa kaniya na magstar gazing muna kami.
"Ang ganda ng mga bituin no?” tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa kalangitan.
"They are.”
Napatingin ako sa kaniya at nakitang nakatingin siya sa akin at hindi sa kalangitan. Kinunotan ko siya ng noo.”Bakit ganyan ka makatingin?” tanong ko.
He smiled and shrugged as he look at the stars. ”Wala lang. May naisip lang ako.”
Bumalik din ako ng tingin sa mga bituin.”Ano naman ‘yung naisip mo? Si Michelle no?” tanong ko kahit na medyo kumirot ‘yung puso ko.
"Nope. I'm just thinking how lucky I am... nandito ka kasi.”
Parang tumigil ang paghinga ko sa sinabi niya.”Ahm... ano?"
"Don't overthink. I'm just happy cause you're there for me. Masaya 'ko ngayong araw and I forgot the heartaches in a while.”
Napangiti ako at mabilis itong pinalis. Naramdaman ko ang kamay niyang hinawakan ang kamay ko. He intertwined our hands and I smiled as I saw that his hand fits perfectly on mine.
Sana nga lang, ako rin ‘yung fit para sa puso niya.
"Ganun talaga. Masaya kasi ako kasama.” pagmamayabang ko para hindi niya mahalata na kinikilig ako.
"Yeah, you're right..”
Napapikit ako saya. My heart flutters so much. Ano ka ba naman, Austine. Ang galing mo magpaasa e. Onti na lang bibigyan na kita ng medalya. Best in Paasa portion.
•••—————•••
Pagkagising ko ay nasa taas pa rin kami ng kotse. Tulog pa rin si Austine. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Ang gwapo niya talaga.
Gamit ang instincts ko, nahanap ko ang cellphone niya sa baba ng unan. Umungol pa siya na parang magigising. Pero buti na lang at hindi nangyari.
Tinawagan ko ang cellphone ko gamit ang cellphone niya. Para naman, malaman ko kung anong number niya.
Ngunit laking gulat ko ng may pangalan na lumabas sa call. My number is registered in his phone book. 'Driver' ang nakalagay sa pangalan ko.
I change it into, 'Beautiful Thief'. Ayan. That's more like it.
Pasimple kong kinuha ‘yung bag ko sa kotse at saka pumunta sa sakayan. Pumara ako ng taxi.
Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong naligo at saka pumasok sa trabaho.
Nabungaran ko sila Rusting na seryoso sa pag-aayos ng cafe. Wow ah. Ang tahimik nila.
Napatingin sa akin sila Rose at Mina. Sabay nilang tinuro si Rusting at Ann. Nag-make face sila na parang umiiyak tas tinuro ulit sila. Mukhang gets ko na kung anong ibig nilang sabihin. Sila ‘yung mga inakala kong love interest nila Michelle at Ervin.
Tsk tsk tsk. Broken hearted siguro yang mga yan. Kasi naman ‘yung sila Michelle e. Hindi man lang nila binulong sa 'kin na may namamagitan na pala sa kanila. Para nasabi ko sana kaagad sa kanila. Mukha tuloy nalugi ‘yung mga kaibigan ko.
Pagkapasok ko sa staff room ay sinundan ako nila Rose at Mina. Para silang nakatakas na ewan.
"Anong meron?” tanong ko sa kanila.
Frustrated nila akong tiningnan.”Broken.”—Rose.
"Hearted.”—Mina.
Napatango na lang ako. Expected ko na ‘yun. Mukha pa lang nila Rusting, halatang-halata na. Hindi na nakakagulat.
"'Yun lang 'yun?”—Rose.
"Hindi ka man lang nagulat?”—Mina.
Pagkalagay ko ng gamit ko sa locker ay agad akong nagbihis. Humarap ako sa kanila nang matapos ako at bumuntong hininga.
"Alam ko na kasi 'yan. Na-kwento na sa 'kin 'yan ni Austine," balewala kong sabi at tiningnan ang sarili sa salamin.
"Parang nagiging close na kayo nun ah. May hindi ka ba sinasabi sa min, Ylaina?” rinig kong sabi ni Rose habang papalabas na kami.
Kumunot ang noo ko sa kaniya.”Wala, besh. May ibang gusto ‘yung lalaking 'yun," sabi ko at kinuha ‘yung order na nakalagay sa tray.
Ngumiti ako sa costumer. ”Enjoy your cake, Miss," sabi ko at saka bumalik ulit sa counter.
"So, ikaw ang may gusto sa kaniya? Parang disappointed ka rin e," sabi pa ni Rose.
Eto talagang babaeng 'to. Napakamalisyosa. Lahat na lang naisip e. Pwede na siya gumawa ng sarili niyang story.
I make face.”Asa ka pa!” sabi ko at saka tinungo si Rusting.
Salita ng salita 'yung costumer pero mukhang hindi nakikinig ito. Kawawa naman ‘yung babae, puro kasi siya pa-cute e. Hindi naman napapansin ni Rusting. Lumilipad 'yung utak e.
Tinapik ko ang balikat niya bago tumingin dun sa babae.”Ako na dito, " sabi ko at tumango na lang sa akin si Rusting bago umalis. Obviously, lumilipad pa rin ‘yung utak niya.
Ngumiti ako dun sa babae pero sinimangutan lang niya ko.”Ano pong order niyo, Miss?” magalang kong sabi.
Her lips twitched.”Bakit mo naman siya pinalitan, Miss? Ayon na ‘yung chance ko e. Ang pogi nun. Pinaalis mo naman.” asar na sabi niya.
Tinawanan ko na lamang siya.”You like him?”
Agad siyang tumango. Ang cute niya. Halatang bata pa siya. Siguro mga 3-4 years ang tanda namin sa kaniya.
"Opo! Ang gwapo niya po kasi tyaka gentleman. Tipid siya magsalita pero mas lalo po ‘yun nakakadagdag ng ka-gwapuhan niya. Gustong-gusto ko po siya.”
Napangiti ako. Kitang-kita ko ang determinasyon sa mga mata nito.”But I'm sorry, dear, that guy is in love with somebody else. Hindi mo ba nakita? My friend, Rustle, is a very attentive in terms of our costumers. Hindi man siya mahilig magsalita, sigurado namang magaling siyang makinig sa inyo. But this time, I can see that he isn't listening to anything that you said. That's because he's brokenhearted. Kaya, I think you should stop. I think... he's really in love with her.”
Biglang namula ang mata nito. Naalarma naman ako at saka nag-abot ng tissue sa kaniya.”Oh my gosh, Miss. I am very sorry. Hindi dapat kita binigla.”
Mas lalo itong naiyak. Pinunasan niya ang uhog niya at saka kinuha ‘yung isa pang tissue na pinasa ko.”Tama ka naman e. Rustle won't ever fall for me. He always want to be with someone as same as his age," malungkot na sabi niya.
Mali yata ako. This girl. She knows Russle. Hindi lang basta crush ang nararamdaman niya rito. Mas malalim pa doon.
"Merrianne...”
Napatingin ako kay Russle. Matiim siyang nakatingin kay Merrianne.”Bakit ka umiiyak?” tanong pa niya.
Merrianne gave me a faint smile. Pinahid niya ang luha niya at bumalik sa dati ang kaniyang sigla bago humarap kay Rusting.
"Hindi ah! Bakit naman ako iiyak? Sige, alis na ko," sabi niya at dire-diretsyong umalis sa cafe. Sayang naman. Nawalan kami ng isang costumer. Hindi pa ‘yun umo-order e.
Lumapit sa akin si Rusting.”Bakit siya umiyak? Anong sinabi mo sa kaniya?”
"Ewan ko... Siguro, dahil sayo.” halos pabulong na lang ‘yung huli kong sinabi.
Kumunot ang noo niya.”Ano?”
"Do you know her? Matagal mo na ba siyang kilala, Rusting?”
Tumango siya sa akin.”Since her 7 years old. Magkakilala na kami. Magkaaway kami ng Kuya niya pero gusto niya pa rin akong kaibigan.”
Napatango rin ako sa sinabi niya. Kaya siguro siya nagbreak down kanina. Matagal na siguro niyang mahal tong lalaking to. Sadyang manhid lang si Rusting.
"So... Do you think of her as a friend?”
Umiling siya sa akin.”Nah. I think, she, being my friend is not right. Hinding hindi kami magkakasundo ng Kuya niya. Hindi ko nga alam kung bakit pilit pa rin siyang lumalapit sa kin," parang wala lang na sabi niya. Ako ang nasaktan para kay Merrianne.
"Then, tell her that. Tell her that you don't want to see her. Para hindi rin siya lapit ng lapit sayo. Tell it her straightly," seryoso kong sabi sa kaniya.
Nagtaka siguro siya sa pagiging seryoso ko kaya magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na siya.
"That girl. She might fell for you kaya ganun ang pakikitungo niya sa 'yo. Kaya kung wala ka naman palang nararamdaman sa kaniya. You better tell it to her, ASAP. Para hindi na rin siya umasa," I said and went to the kitchen. Hindi kinaya ng powers ko ‘yung mga brokenhearted moments nila.
•••—————•••
Naalimpungatan ako sa lakas ng ring sa cellphone ko. Punyeta! Ano bang trip nitong cellphone ko? Ngayon pa talaga?! Ang sarap pa ng tulog ko e.
Nagtalukbong ako ng kumot. Mamamatay din 'yan.
Napahinga ako ng malalim nang sa wakas, tumigil rin ang pag-ring nito. Now I could have my beauty slee---
My phone rang once again.
Punyeta ‘to the highest level!
"Ugh!!” Agad kong dinampot ang cellphone ko at saka sinagot ang tawag. Kung sino man to, punyeta siya! Hindi siya marunong magpatulog!
"Hello!" I almost growl from anger. Kainis talaga e.
"Did I wake you up?”
Dumilat ng buo ang mata ko. Ano ba to. Nagkagusto lang ako sa kaniya, naging ganito na ko. Dapat talaga, hindi ako nagkagusto dito e.
"Oo!” sagot ko kaagad sa kaniya. Alangan namang magpabebe ako, e sa talagang ginising niya ko.
Hindi kaagad ito nakasagot.
"I'm... sorry. Itatanong ko lang sana sayo kung free ka bukas?”
Napaisip ako sa shift ko.”Alas kwatro ng hapon ang out ko sa cafe.”
"Then, I'll pick you up. May pupuntahan tayo pagkatapos mo sa trabaho.”
Napangiti ako ng walang dahilan. Kahit na alam kong trabaho lang ang gagawin namin, hindi ko pa rin maiwasang kiligin. I'll be seeing him in a weekday. Perst taym 'to.
"Okay," tanging nasabi ko na lamang.
"Bye...”
"Bye...”
Inantay kong babaan niya ko ng telepono. Matagal. Nangingiti ako habang inaantay siya. Para kaming magjowa.
"You're not dropping the call. Para kang teenager na ewan. Tss," he said and end the call.
Ang bilis ah. Kinilig na ako e. Nabwisit kaagad ako. Makatulog na nga lang ulit.
•••—————•••
Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawang tao ngayon. ‘yung isa ay kay Austine, at 'yung isa naman ay doon sa babaeng naka-office attire.
Hindi naman siya mukhang isa sa mga babae ni Austine. She is beautiful and sexy but she looks quite older than Austine. Nanay niya siguro.
Pero bakit, ang tagal nila mag-usap? Time is ticking. Magtititigan na lang ba sila? Baka mapanis ‘yung mga laway nila.
Napaubo ako para makuha ang atensyon nila. They both look at me and I just smiled. Mag-usap na kayo dali. Ang boring dito sa gitna niyo 'no.
Mukhang wala talaga silang balak. Bumalik sila sa titigan e. Hindi ba sila matutunaw niyan?
"Pwede ho bang mag-usap na kayo kung mag-uusap po talaga kayo?” sabi ko na sa kanila at napatingin silang muli sa akin.
I cleared my throat before talking again.”Kanina pa ho kayo nagtititigan. Lingid man po sa kaalaman niyo, mga 5:30 na ho. Time is gold, di'ba po? Mag-usap na po, please. Mag-iisang oras na po kayong nagtititigan e. Hindi po ba kayo natutunaw?
Tinaasan lang ako ng kilay ng babae. Her aura shouts a classy. Halatang edukada at may pinag-aralan. Medyo, nakakatakot nga lang.
"We are not bound to melt," parang yelo nitong sabi. Mag-ina nga sila. Parehas na masungit.
I tried to act normal, kahit medyo nabara ko dun. I grinned.”Alam ko po. It's just a figurative language,” sabi ko at tumawa na pahina ng pahina. Ang awkward talaga.
She looked back at Austine. Hay salamat, mag-uusap na rin sila.
"Who is this girl?”
Austine remain on his usual self. Wow ah. Constant. Cold kanina, cold pa rin ngayon. Hoo! Onti na lang, yelo na tong kwartong to. Nakidagdag pa ng lamig ‘yung Nanay niya e.
"None of your business," simpleng sagot nito.
Nairita ‘yung babae at napahawak sa sintido.”Son... Ganyan ba ang tinuturo sayo ng babaeng to? Sinasagot mo na ko? You are acting so rude. You're not like my son before. What happened to you? Dahil lang sa walang kwentang babaeng to? Sama ka kasi ng sama sa mga dukha! Tingnan mo nga siya! Ni hindi man lang marunong magsuklay!”
I felt a pang on my chest. Sanay na naman ako sa lait ng mga tao. Pero parang sobra naman yata tong babaeng to. Hindi porket mahirap ako, e gaganyanin niya na ko.
"Tapos na ho ba kayo?” walang emosyon kong sabi. ‘yung pakiramdam ko... Parang nung nawala ang Itay at pumunta si Mang Carlo para alukin akong magnakaw. I feel so useless. I feel like an idiot.
She narrowed her eyes on me. Mataman ko lamang siyang tiningnan. This woman. Inapak-apakan niya ang pagkatao ko. Dahil lang sa 'none of your business' ng anak niya? Sorry sa word, pero... punyeta ‘to ah!
"Kung ganon, ako naman. Unang-una sa lahat. Hindi ako titser para turuan yang anak niyo. Oo, mahirap ako. Senior high nga lang natapos ko e. But that doesn't mean na wala akong kwenta. I worked my ass out just to eat 3 times a day. Halos wala na nga kong pahinga e. Tapos ito? Your going to give me that? Dahil lang sa naging rude yang anak mo sayo, isisi mo na sa kin ‘yun?! Hoy! Excuse me lang, kahit hindi ako dadaan, matagal nang ganyan yang anak mo! Kakakita ko palang sa kaniya, mas masungit pa siya sa may menstruation. Kaya pwede ba, huwag mo kong idamay diyan sa pinagsasabi mo. I ask you nicely. Damn! Nangungu-po pa nga ako di'ba? Tapos ganyan ang sasabihin niyo sa akin?”
I sighed out of frustration. Tumingin ako kay Austine at nakitang kanina pa siya matamang nakatingin sa akin. Hindi ko malaman kung naaawa ba siya sa kin o hindi e. Bakit ba kasi ang expressionless ng mukha niya?
"Antayin na lang kita sa labas. Talk to your...” Tumingin ako sa babae at awtomatikong umikot ang mata ko.”mother," sabi ko at saka akmang lalabas na sa office.
"I don't like you for my son," biglang sabi pa nito.
Napangiti ako ng mapakla at tumawa nang mapang-asar. I faced her again.”At sa tingin mo, gusto ko 'yung anak mo? No, thank you 'po'. Kung ikaw lang din ang ina, huwag na lang," sabi at tuluyang nakalabas ng office.
Sumandal ako sa dingding at napapikit. Another person humiliate me. Ang hirap talagang maging mahirap. Maraming humuhusga at umaapak sa pagkatao mo.
Bakit kasi ganun sila? I felt a lump on my throat. Pakiramdam ko, paiyak na ko. Pero agad kong kinuntrol ito. Hindi ako iiyak. Hindi dapat. Hindi dun sa matapobreng babaeng ‘yun. Punyeta siya. Wala na akong pake kung nanay siya ni Austine. Kung ganito lang din, wag na.
Hindi ako gagaya dun kay Ginny dun sa 'APKI'. Jusko! Maaga kong mamamatay sa bwisit kapag naging biyenan ko ‘yun.
Teka nga, bakit ko ba iniisip na magiging biyenan ko ‘yun? E may mahal nga palang iba si Austine. Tss.. Nagiging ambisyosa na ko, habang tumatagal.
Napatingin akong muli sa office nung Ina ni Austine. Transparent ang office na ‘yun, at kitang-kita ko kung paano tumingin sa akin ‘yung babae na parang diring-diri siya sa akin. Nakakagigil!!
Habang tumitingin ako, may nahagip ang mata ko sa pulang dot. Laser... na galing sa kabilang building.
Shit!
Agad akong pumasok sa office at hinila si Austine. Sakto naman na nakita kong papalapit na ‘yung bala.
Nabasag ang glass window at nadaplisan ng bala ‘yung nanay ni Austine.”Ughh!!!” daing niya.
Gulat naman akong tiningnan ni Austine. 'Yung totoo, wala ba siyang balak na tulungan 'yung Nanay niya?
Nag-red alert ang buong building kompanyang to. May pumasok na mga guards at sinangga ang mga sarili kung sakaling may pangalawang putok.
The guy from the other building disappeared. Tumingin akong muli kay Austine at hinila siya patayo. Nangangawit rin naman ‘yung braso ko kakahawak sa kaniya.
"Madame!!”
"Si Madame!!"
Sabay-sabay ang mga reaksyon ng mga tao. But Austine isn't one of them. ‘yun ang pinagtataka ko. He looks worried for her unconscious mother but he didn't get even near to her.
Kinuha ng mga tao ang katawan nung babae at itinakbo papunta sa ambulansya. Hanggang ngayon ay wala pa ring ginagawa si Austine. He is just staying by my side.
"Tara na," sabi ko rito at tumango lang siya sa akin.
Hinila ko siya papuntang parking lot at pinapasok sa kotse. Pumunta ako sa driver seat at pinaandar ang makina.
"Tawagan mo 'yung secretary ng Nanay mo. Tanungin mo kung saang ospital dinala ‘yung Nanay mo. Pupunta tayo," sabi ko rito at saka pinatakbo ang kotse.
"Don't, " mahina niyang sabi.
Napatingin akong muli sa kaniya. Baka kasi, mali ‘yung pagkakarinig ko. 'Don't' ba 'yung sinabi niya?
"Huh?”
"Let's not go there.”
Napamaang ako sa sinabi niya.”Huh? Edi san tayo pupunta?”
"Bar.”
Napanganga na lang ako sa sinagot niya. Iba talaga tong si Austine. At naisipan niya pa talagang mag-bar? Matinde!
•DiSe_Artemis•
Nagsa-star gazing kami ngayon sa taas ng kotse niya. Tulog na tulog si Adrian kaya't nakahiga lang siya sa backseat. At dahil nga, nagmo-move on si Austine, sinabi ko sa kaniya na magstar gazing muna kami."Ang ganda ng mga bituin no?” tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa kalangitan."They are.”
Pagbalik namin ay bad trip na si Austine. Anyare? Ba't parang sambakol 'yung mukha niya ngayon?I looked at Mang Dencio and saw that he's also nervous to Austine. Binigyan niya lang ako ng galit-si-Kya-Tumahimik-na-lang-tayo look. I just shrugged it off and went near him.Nilahad ko yung sukli sa kaniya.”Senyorito, eto na po 'yung sukli sa kinain ni Adrian. Pramis hindi ko binawasan 'yan. Saktong sukli 'yan," sabi ko s
Dala-dala ko ngayon si Adrian. Ayaw magpaiwan e. Kaya ngayon, nakaupo na siya sa passenger seat."Why do I get to be here in the back and my nephew is in there?" tanong ni Austine."Cause I want to feel how to be in the passenger seat. We already talked about this, Uncle," sagot ni Adrian sa tiyuhin niya.
Ang aga ko nagising. Maaga rin kasi ako natulog kaya siguro ganito.A loud sound of gunshot happened.Napatingin ako sa labas. Dahil mahilig ako ma-curious, lumabas na rin ako at tumingin sa paligid."S-sira ulo kang lalake ka! ‘yung asawa ko pa talaga? Wala ka na ba
"You again?" parang walang emosyon nitong sabi.Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "Ikaw ‘yung may condom sa wallet. Grabe, mayaman ka pala talaga," pagtatanto ko rito.Pinaningkitan niya lang ako ng mata. He lazily went inside the condo unit. At dahil curious ako, pumasok ako sa loob. Pinigilan pa nga ako ni Mang Dencio, pero nag-shh lang ako sa kaniya at tinapik ang kamay niya
Tinatawanan ako ngayon ng mga katrabaho ko ngayon. Mga leche ‘tong mga ‘to. Ako ‘yung kaibigan nila pero parang mas pinapaboran pa nila ‘yung lalaking ‘yun.Arghh! Nakakairita siya!"So besh, talagang ‘yung condom 'yung napansin mo sa wallet niya? Hindi ka man lang tumingin sa pera? At partida! Nakalagay pa ‘yun sa may zipper, napansin mo pa rin ‘yung condom? 'Yung totoo, besh? " natatawang sabi ni Rose.