MasukCHAPTER 5- ARTIST'S COMPUNCTIONS
May mga pagkakataon sa buhay natin na basta-basta na lamang tayong nagpapasya at hindi na inaalam ang maaaring lalabas na negatibong resulta. Hindi na natin naiisip kung tama nga ba ang napili dahil ang emosyon ang nananaig.
Sa buhay natin, kailangan muna nating dumaan sa isang mabusising proses ng sa gano’n ay hindi natin pagsisihan ang resultang kalalabasan ng ating napili.
Kung ano man ang lumabas na resulta, wala kang ibang sisisihin bukod sa sarili. Kailangan mong tanggapin ang consequences dahil ikaw ang pumili no’n.
“Bakit ang lalim yata ng iniisip mo? May problema ka ba?” tanong sa akin ni Racquel kaya napaayos ako ng upo at sa isang iglap ay tila bumalik ako sa reyalidad.
“Kanina ka pa namin kinakausap pero hindi ka nagsasalita,” sabi naman ni Minerva at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
“Hindi ko kasi alam kung tama ‘yong desisyon ko. Sana huwag kong pagsisihan iyon,” sagot ko at lumumbaba.
“Ano bang sinasabi mo? Anong desisyon?” naguguluhang tanong ni Racquel.
Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari. Mula doon sa pag-set up sa akin ni Christian hanggang sa pagpiliin ako ni Ernell.
“Isipin mo, ‘yong taong gusto mo, gusto ka rin pero hindi siya ang pinili mo. Bakit naman si Lowell ang pinili mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Minerva kaya napabuntong hininga ako. Hindi ko nga rin alam sa sarili ko.
“Dahil maraming masisisira. Masisisira ang pinagsamahan namin ni Lowell at baka mag-away sila ni Ernell,” tugon ko kaya maging silang dalawa ay napasimangot.
Ilang minuto na lamang ay malapit ng mag-umpisa ang klase kaya pumunta na kami sa kani-kaniyang classroom namin.
Nadatnan ko si Lowell na tahimik na nakaupo sa tabi ng upuan ko at napatingin sa gawi ko nang makita niya na paparating na ako.
Sana hindi ko pagsisihan na ikaw ang pinili ko.
“Kanina pa kita hinihintay,” nakangiti niyang wika sa akin kaya napangiti rin ako at umupo na sa tabi niya.
“Kausap ko kasi kanina sila Minerva at Racquel,” tugon ko at inilabas ang aking notebook para sa susunod na subject namin.
Hindi naman na umimik pa si Lowell, bagkus ay kinuha na lang din niya ang kaniyang notebook. Mayamaya pa ay nagsimula na ang klase. Wala naman akong naintindihan dahil lumilipad ang isip ko at kung saan-saan napapadpad.
Hanggang sa hindi ko namamalayan na lunch break na pala. Sa kaiisip ko ng kung anu-ano ay hindi ko namamalayan ang oras.
“Lowell, pahiram nga ako ng cellphone mo. Magme-message lang ako kay Minerva,” saad ko kay Lowell kaya agad niya namang ibinigay ang cellphone niya sa akin.
Hindi ko pa man din natatapos na i-message si Minerva ay nakaalis na si Lowell kaya naiwan ang cellphone niya sa akin. Iuuwi ko na lang muna at mamaya ko na ibibigay sa kaniya.
Pagkarating ko sa sakayan papunta sa amin ay nakita ko si Christian kaya doon na ako sumakay sa tricycle kung saan siya nakasakay.
“Oh, kumusta ang pag-uusap niyo ni Ernell last week?” tanong niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin at hinampas ang braso niya.
“Aray ko! Ikaw na nga lang ‘yong tinulungan ko, eh,” pagrereklamo niya habang hinahaplos ang braso niya.
“Baki mo ginawa iyon? Dahil sa`yo kaya siya nasaktan!” naiinis na sabi ko kaya napaiwas siya ng tingin tapos nag-peace sign kahit hindi nakatingin sa akin.
“Nakuwento ni Ernell sa akin ang nangyari. Hindi ako ang may kagagawan dahil siya ang nag-request na gawa’n ko ng paraan para makausap ka niya,” tugon niya at sa pagkakataong ito ay nakatingin na siya sa akin.
“Bakit hindi siya ang pinili mo? `Di ba gusto mo rin naman siya? `Di ba may nararamdaman ka naman sa kaniya?” sunud-sunod na tanong niya sa akin kaya malungkot akong napabuntong-hininga.
“Sino ba kasi ‘yong kaibigan mo na ayaw mong mawala sa`yo kaya siya ang pinili mo? Huwag mong sabihing si Minerva? Bisexual ka?” hindi makapaniwalang tanong niya kaya napatawa ako kahit papaano.
“Sira! Hindi si Minerva iyon at higit sa lahat hindi ako bisexual!” natatawang sagot ko.
Ikaw kaya ang gusto ni Minerva!
“Eh, sino nga ba kasi iyon?” tanong niya ulit. Hindi niya talaga ako tinigilan sa pangungulit kaya sinasabi ko na lamang sa kaniya.
“Si Lowell, ‘yong pinsan niya. Ayaw kong masira ang pinagsamahan naming lalo na’t nalaman kong gusto niya rin ako. Isa pa, ayaw kong mag-away silang magpinsan. Kaya ikaw, huwag mong sasabihin kay Ernell o kahit na kanino ang nalalaman mo,” sabi ko sa kaniya kaya napatango siya at hindi makapaniwala sa nalaman niya.
“Mas pinili mo talaga ang kaibigan mo, ano? Sabagay, ang tagal na ng pinagsamahan ninyo. Pero sana huwag mong pagsisihan ang desisyon mo sa huli,” wika niya rin kaya may gumuhit na kaba sa puso ko.
Oo nga, paano kung sa huli ay mali pala ang desisyon ko?
Nang makarating ako sa bahay ay agad kong kinalikot ang cellphone ni Lowell. Hindi ko alam pero parang may nag-uudyok sa akin na kalkalin iyon. Feeling ko, may mahahanap akong importante rito.
Pumunta muna ako sa messenger niya at tinignan kung sino ang mga ka-chat niya. Nakita kong ka-chat niya rin pala si Akira, kaklase namin simula noong junior high school. Ang alam ko may gusto rin si Akira kay Lowell, eh.
Dahil sa kyuryosidad ay binuksan ko ang conversation nila. Alam kong mali ang ginagawa ko pero pinapatay talaga ako ng kyuryosidad.
Naagaw ng atensyon ko ang mga voice messages na pagkarami-rami na s-in-end ni Lowell kay Akira kaya agad kong i-pl-in-ay iyon.
Biglang nanikip ang dibdib kong nang marinig na parehong-pareho iyon sa mga sine-send niya sa akin. Sine-send niya rin pala kay Akira ang mga iyon.
Binasa ko pa ang iba nilang mga conversation at mas nanikip ang dibdib ko nang parehong-pareho rin iyon sa mga sinasabi niya sa akin.
Ang sweet niya sa akin sa chat tapos ngayon malalaman ko na hindi lang pala niya sa akin ipinapadala ang mga iyon. Kung kani-kanino niya rin pala sinasabi ang mga iyon.
Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito, eh hindi naman kami. Oo, inaamin kong nagseselos ako. Akala ko kasi sa akin lang siya gano’n. Akala ko espesyal ang nararamdaman niya sa akin kaya siya gan’on.
Pero wala ng mas sasakit pa sa nabasa ko. ‘yong conversation nila ni Akira last three months ago pa yata, nakalagay roon na balak ligawan ni Lowell si Crizza.
Kaklase rin namin noong Junior High School si Crizza. Kumpara sa akin, higit na mas maganda si Crizza.
Parang pinipiga ang puso ko. Akala ko ako ‘yong gusto ni Lowell. Siya ang pinili ko pero iba pala ang gusto niya.
Buong akala ko ako ang gusto ni Lowell. Wala palang ibig sabihin ‘yong nakita ko. Kaya pala madalas magkasama sila ni Crizza. Dapat pala hindi ako umasa.
Sa sobrang sama ng loob ko ay naibato ko ang cellphone niya. Mabuti na lamang ay doon ko naihagis sa mga unan ko kaya hindi nabasag.
Sumasakit na rin ang lalamunan ko dahil sa pagpigil ko sa aking iyak. Napatingala ako sa kisame upang hindi tuluyang bumuhos ang mga luha ko.
Pagkatapos kong kumain ay agad ko ng inayos ang aking sarili at inilagay sa bag ang mga gagamitin ko sa school.
Tahimik lamang akong pumunta sa classroom dahil naiisip ko pa rin ang kamalian ko. Kamalian ko na siya ang aking pinili ko. Kamalian ko na umasa ako na may gusto siya sa akin.
Una sa lahat, hindi naman ako aasa kung hindi siya nagbigay ng motibo na may gusto siya sa akin. Isa pa, noong junior high school sinabi niya sa akin through chat na may gusto siya sa akin.
Noong gusto niya ako, hindi ko siya gusto. Ngayon namang siya na ang pinili ko, may iba na siyang gusto.
“‘Yong cellphone ko?” Napaayos ako ng upo nang biglang sumulpot sa tabi ko si Lowell.
Walang imik kong ibinigay sa kaniya ang kaniyang cellphone. Ni hindi ko man lang siya inimik. Pagkatapos no’n ay hindi niya na ako kinausap.
Mas nanikip ang dibdib ko nang makita ko sa peripheral vision ko na doon siya umupo sa tabi ni Crizza. Dinig na dinig ko pa ang mga tawa nila.
Pagkatapos ng tatlong subject namin ay nakita ko si Ernell na dumaan sa harap ng room namin kaya mas napasimangot ako.
Nagsisisi tuloy ako na hindi siya ang pinili ko. Iniwan ko na nga siya sa grand stand, tinanggihan ko pa siya doon sa ibinibigay niyang mga letters at bulaklak. I’am so stupid!
Naalala ko pa ‘yong sinabi sa akin ni Lowell na mali ang pagkakakilala ko kay Ernell, na ang gusto niyang iparating ay hindi maganda ang ugali ni Ernell. In the end, sarili niya pala ang tinutukoy niya.
“Kanina ka pa nakatitig sa hangin, ah,” napaiwas ako ng tingin nang makitang si Lowell pala ang tumabi sa akin. Dadalawa lang kami sa room namin kaya gusto ko biglang lumabas na lamang.
“Iniisip ko kasi kung paano ko nanaman tatapusin ‘yong ibang mga assignments. Sabay-sabay naman kasi,” pagsisinungaling ko pero hindi maitago ng tono ng boses ko ang pagkalungkot. Pinipigilan ko ring maluha kaya pilit kong iniiwas ang aking tingin.
“Kaya mo `yan. Ako nga wala pang nasisimulan kahit isa,” sabi naman niya. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay wala ng umimik sa amin dalawa. Namayani ang katahimikan kaya napagpas’yahan kong basagin na lang.
“Ikaw, ah. Nililigawan mo na pala si Crizza pero hindi mo sinasabi sa akin,” saad ko sa kaniya sabay ngiti ng peke.
“Paano mo nalaman?” nagtatakang tanong niya.
Paano mo nalaman? Ibig sabihin, totoo ngang nililigawan niya si Crizza.
“Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman,” sagot ko naman kaya napangiti siya nang bahagya. Ako naman ay napahinga nang malalim.
“Oo, nililigawan ko siya. Dalawang buwan na siguro kaya lang hindi pa niya ako sinasagot,” nakangiting sabi niya. Tila ba sinaksak ng libo-libong karayom ang puso ko.
Gustong kumawala ng mga luha ko pero pinipigilan ko lamang. Ayokong malaman niya na nasasaktan ako dahil umasa ako.
“K-Keep it up. Sana sagutin ka niya,” napipilitang sabi ko. Garalgal na ang boses ko kaya napatingin siya sa akin.
“Alam ko naman, eh,” sabi niya.
“Ang alin?”
“Wala. Sa Tuesday na ang defense kaya mag-focus ka muna roon dahil para iyon sa future mo,” pang-iiba niya ng usapan.
“Mag-focus para sa future… eh, ikaw ang gusto kong future, pero iba rin ang gusto mong future,” out of nowhere na sabi ko kaya napatingin siya sa akin.
“Alam ko naman talaga. Sorry,” malungkot na sabi niya. Kahit hindi niya direktang sinabi kung bakit siya nagso-sorry ay alam ko kung bakit.
“Okay lang, baka hindi naman na tayo magkaklase next year. Ayos lang talaga,” sabi ko atsaka ngumiti.
“Sure ka?” nag-aalinlangang tanong niya.
“Tama na nga, madrama na masyado. Pero sana manatili pa rin tayo bilang magkaibigan.”
“Oo naman,” nakangiting sabi niya kaya ngumiti na rin ako. Ngumiti ako kahit parang dinudurog ang puso ko.
Siguro hanggang magkaibigan lang talaga kami. Pero ang sakit talaga dahil umasa ako dahil sa motibong ibinigay niya. Siya pa man din ang pinili ko pero ganito ang kinalabasan.
Mayamaya pa ay uwian na namin kaya agad na akong umalis nang hindi nagpapaalam kina Lowell maging kila Queenie at Kyzer.
Mabilis akong naglakad ng nakatungo habang nakasimangot. Mukha na nga akong lugmok na lugmok dahil sa problema.
Napagpasiyahan kong dumaan na lamang sa oval kung nasaan ‘yong grand stand. Bigla ko tuloy naalala ‘yong pag-uusap namin ni Ernell. Sana pala siya na lang ang pinili ko.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ko nang biglang may humila sa akin at dinala ako sa grand stand. Agad ko namang nilingon kung sino ang humila sa akin.
“Christian? Anong kailangan mo?”
“Bakit mukhang lugmok na lugmok ka?” tanong niya kaya napasimangot ako. Hindi ko siya inimik.
“Hulaan ko, si Lowell ang pinili mo pero iba na ang kaniyang gusto. Nagsisisi ka kung bakit siya ang pinili mo samantalang nandiyan naman si Ernell,” sabi pa niya kaya mas lalo akong hindi nakaimik.
“Hindi ko naman kasi alam na gano’n ang kalalabasan. Hindi ko naman alam na may iba na pala siyang gusto,” sabi ko at kusang kumawala ang mga luha.
“Hayaan mo na, huwag kang iiyak. Atsaka, hindi kita yayakapin bilang comfort katulad ng mga nababasa o napapanood mo dahil hindi kita jowa,” natatawang sabi niya kaya natawa na rin ako. Loko talaga.
“Ano na ang gagawin ko ngayon?” malungkot na tanong ko.
“Hindi pa naman huli ang lahat. Pwede mo pa namang kausapin si Ernell. Naghihintay lang siya sa pagbabago ng desisyon mo,” tugon niya.
Makalipas ang ilang mga minuto ay nagpaalam na ako kay Christian. Naglakad na ako papunta sa sakayan papunta sa amin.
Habang naglalakad ako ay natanaw ko sa malayo si Ernell. Napangiti ako nang makita ko siya ngunit agad iyong naglahao.
Kung siya sana ang pinili ko ay hindi sana ako ganito. Kung tama lang sana ang pinili ko ay hindi siguro ako naghihinagpis ngayon.
Hanggang sa makauwi ako sa bahay ay wala akong imik. Dumiretso na ako sa kuwarto ko at pagkatapos kong magbihis ay humilata na ako sa kama.
Habang nakatitig ako sa kisame ay naramdaman kong tumutulo na ang mga luha ko. Sana nga hindi pa huli ang lahat.
---
Maaga akong pumasok dahil maaga rin akong nagising kanina. Pagkarating ko sa room namin ay nadatnan ko sina Crizza at Lowell na magkasama at masayang nag-uusap. Silang dalawa pa lamang ang nadatnan ko sa room. Hindi nila napansin ang pagdating ko dahil abala sila sa isa’t isa.
Gumuhit na naman ang lungkot sa puso ko habang pinapanood ko sila. Pagkakaibigan lang naman ang gusto kong maisalba pero ako pa ‘yong nasaktan. Ako na nga lang ‘yong may magandang intension, ako pa ‘yong nahihirapan.
Palagi kong iniisip kung paano siya, paano sila? Pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko kung papaano naman ako. Palagi na lamang ang kapakanan nila ang iniisip ko. Nakakalimutan ko ng magtira para sa akin. I became selfless to the point na nakasasama na ito para sa akin.
Agad kong inilapag ang bag ko atsaka lumabas. Madali lang akong maiyak kaya ayokong makita nila na lumuluha ako dahil doon.
Maaga pa naman kaya bumaba muna ako para pumunta sa grand stand. Doon ay mahahanap ko ang peace of mind.
Pagkababa ko ay laking gulat ko nang magkasalubong kami ni Ernell. Saglit siyang napatitig sa akin. Bakas din ang kalungkutan sa kaniyang mga mata kaya napayuko ako. Lalagpasan ko sana siya nang banggitin niya ang pangalan ko.
“Miarei…”
“Sorry, Ernell—”
Naputol ang sasabihin ko nang makasalubong namin ang kaklase ni Ernell na babae at masayang yumakap kay Ernell. Hindi siya nakagalaw at nanatili lamang nakatitig sa akin. Maging ako ay nagulat sa ginawa ng kaklase niya. Nasasaktan na nga lang ako dahil kina Lowell at Crizza pagkatapos ay dadagdag pa ito.
“S-Sige, mauuna na ako. May pupuntahan p-pa kasi ako,” nauutal na sabi ko at nilagpasan ko na sila.
Habang naglalakad ako patungo sa grand stand ay sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para matanggal na ang bigat na nararmdaman ko.
Pagkarating ko roon ay umupo na ako atsaka napabuntong hininga. Bakit ba lagi akong talo? Lumalaban naman ako at hindi sumusuko pero palagi akong talo.
Una, sa pangarap ko. Lagi kong ipinaglalaban at iginigiit kina mama na astronomy ang gusto ko. Lagi kong sinasabi sa kanila na hindi ko pagsisisihan kung astronomy ang kukunin ko pero ayaw nilang makinig sa akin.
Hindi sila nakikinig sa akin. Bakit ba sila gano’n? Dahil ba mas matanda sila sa akin at sila ang mga magulang ko kaya mas alam nila kung ano ang makabubuti sa akin? O dahil ba para lamang sa pansariling kagustuhan nila.
Hindi porke higit na mas bata ako sa kanila ay hindi ibig sabihin na hindi ko na alam kung ano makabubuti sa akin. Alam kong hindi ko pagsisisihan kung susundin ko ang pangarap kong maging isang astronaut. Buong buhay kong pagsisisihan kung ang kursong kukunin ko ay labag sa kagustuhan ko.
Pangalawa, sa pagkakaibigan naming ni Lowell. Talong-talo ako lalo na’t meron na siyang Crizza. Wala akong ibang ginawa kundi mapabuti ang pagkakaibigan namin at protektahan ito pero napunta lang sa wala. At higit sa lahat, ‘yong kay Ernell. Sa totoo lang, ako rin lang ang dahilan kung bakit ako natalo.
Pinili ko ang dapat hindi piliin. In the end, ako lang din ang nahihirapan at nasasaktan dahil sa nagawa ko. Pinili ko ang tao na hindi naman ako ang pipiliin. This is my life. Palaging talo.
CHAPTER 9- ARTIST'S DOUBTSMabilis na lumipas ang buwan. Parang kahapon lang noong unang araw na naging kami ni Ernell, pero ngayon ay tatlong buwan na kami. Parang kahapon lang, Grade 11 pa lang kami pero ngayong ay isang buwan na kaming Grade 12. Habang ninanamnam mo ang bawat sandali doon naman bumibilis ang pagtakbo ng oras. Hindi talaga mapigilan ang paggalaw ng oras. “Goodmorning, Miarei!” salubong sa akin ni Ernell sa harap ng gate kaya napangiti ako. “Magandang umaga rin sa`yo,” nakangiting tugon ko sa kaniya. “Mas maganda ka pa s
CHAPTER 8- ARTISTS' LOVEAraw-araw na gano’n ang ginagawa naming dalawa. Pagkatapos ng klase ay pumupunta kami sa grandstand, kukunin niya ‘yong canvas sa guard house at magpe-paint ulit.Isang buwan na rin naming ginagawa ang painting ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin tapos. Kung tutuusin, dapat isang linggo lang tapos na namin ito pero inuunti-unti naming gawin. Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong sagutin si Ernell. Eksaktong Recognition Day namin noong sinagot ko siya. Doon lang din nakilala nina mama at papa si Ernell, mabuti nga ay hindi sila nagalit. “Ang tagal natapos ng recognition ninyo. Ang dami naman kasing nag-speech ng kung anu-ano kaya mas tumag
CHAPTER 7- ARTISTS' FAIRYTALEKahit pala nagkamali ka ng pinili sa una ay maaari mo pa rin itong maitama. Hangga’t patuloy na sumisilay ang panibagong umaga ay maaari mo pang maitama ang lahat. Maaari mo pang piliin ang dalat piliin na hindi mo nagawa noon.Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na pumili muli at piliin ang tama, huwag ka ng magdalawang isip pa na gawin kung ano ang nararapat. Huwag mo ng palalampasin pa ang pagkakataon.Katulad sa akin ngayon, hindi ko noon pinili si Ernell kaya labis kong pinagsisihan. Pero ngayon na may pagkakataon na ulit ako, hindi ko na ito palalampasin pa. Gaya ng ginawa ko, pumili muli ako sa pangalawang pagkakataon. Sa pagkakataong ito siya na ang pinili ko.Matapos kong sabihin na siya na ang pinipili ko ay napagdesisyunan nami
CHAPTER 6- ARTIST'S CHOICE Karaniwan na kinatatakutan ng lahat ay pagkasira ng pagkakaibigang matagal na binuo. Masakit sa damdamin kapag nasira ang pundasyon ng pagiging magkaibigan ninyo.
CHAPTER 5- ARTIST'S COMPUNCTIONSMay mga pagkakataon sa buhay natin na basta-basta na lamang tayong nagpapasya at hindi na inaalam ang maaaring lalabas na negatibong resulta. Hindi na natin naiisip kung tama nga ba ang napili dahil ang emosyon ang nananaig.
CHAPTER 4- ARTIST'S MELANCHOLYIsang buwan na ang nakalipas matapos magtapat sa akin si Ernell. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya o hindi dahil pagkatapos no’n ay hindi na kami nakapag-usap pang muli.