Share

CHAPTER 9

Penulis: MD Serene
last update Tanggal publikasi: 2020-10-25 20:06:31

CHAPTER 9- ARTIST'S DOUBTS

Mabilis na lumipas ang buwan. Parang kahapon lang noong unang araw na naging kami ni Ernell, pero ngayon ay tatlong buwan na kami. Parang kahapon lang, Grade 11 pa lang kami pero ngayong ay isang buwan na kaming Grade 12.

Habang ninanamnam mo ang bawat sandali doon naman bumibilis ang pagtakbo ng oras. Hindi talaga mapigilan ang paggalaw ng oras.

“Goodmorning, Miarei!” salubong sa akin ni Ernell sa harap ng gate kaya napangiti ako.

“Magandang umaga rin sa`yo,” nakangiting tugon ko sa kaniya.

“Mas maganda ka pa sa umaga,” sabi niya na may kasama pang matamis na ngisi.

Ang aga namang bumanat ng lalaking ito.

“Talagang pinanindigan mo na talaga ang paghintay sa akin dito tuwing umaga,” puna ko habang naglalakad kami papunta sa Building A.

Palagi akong hinihintay ni Ernell sa gate tuwing uamaga at sabay kaming pumupunta ng building naming dahil pareho lang naman ang building na kinaroroonan ng room namin. 

Iyon nga lang, siya sa second floor tapos ako sa fourth floor pa. Matiyaga naman siyang naghahatid sa akin sa room namin.

“Mabuti hindi ka nag-sasawa na maghatid sa akin sa taas. Nakakapagod kayang umakyat atsaka ang hirap dahil fourth floor pa,” wika ko sa kaniya ngunit umiling siya. Huminto naman siya sa paglalakad nang hingalin siya kaya huminto rin ako.

“Pangako, hinding-hindi ako magsasawa. Atsaka, ikaw na mismo ang nagsabi na mahirap umakyat. Sa hirap at sa ginhawa sasamahan kita,” tugon niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Infairness, kinilig ako sa banat niya.

“Ikaw talaga, Ernell, ang aga-aga kanina ka pa bumabanat. Kapag ako gumanti ng bumanat baka magmukha kang bading dahil sa sobrang kilig,” pang-aasar ko sa kaniya kaya napahalakhak siya at binatukan ako nang marahan.

“Aray, Ernell! Violence against women iyang ginagawa mo!” natatawang sabi ko sa kaniya.

“Pero kapag ako ang binabatukan mo, walang reklamo! Ang daya lang kasi walang anti-violence against men,” sabi niya sabay pout.

“`Di mo bagay, Ernell. Oh, sige papasok na ako sa room namin,” pagpapaalam ko sa kaniya nang malapit na kami sa tapat ng room ko.

“Sige, pagbutihin mo ang pag-aaral mo,” bilin niya at ibinigay na sa akin ang akin bag.

“Opo, ‘tay,” natatawang sagot ko. Hinintay ko muna siyang makababa bago ako dumiretso sa room namin.

Eksakto namang nakatayo sa pinto si Lowell kaya napayuko ako. Akala ko noon, hindi ko na siya magiging kaklase pero ayun, kaklase ko pa rin siya.

Ngayon ay pinapansin niya na ako o iniimik pero hindi na katulad noon. Para ngang hindi ko siya naging kaibigan. Sayang lang ‘yong pagkakaibigan na iningatan at prinotektahan ko noon.

“Kayo pa rin pala ni Ernell hanggang ngayon,” sabi ni Lowell at base pa lang sa tono ng boses niya ay parang may ibang ibig sabihin ang kaniyang sinabi.

“Oo, may problema ba roon?” malamig na tanong ko sa kaniya.

“Basta, itigil mo na ang pakikipagrelasyon kay Ernell habang maaga pa. Siguradong iiyak ka lang sa huli, at pagsisisihan mo iyon,” makahulugang sagot niya at lumakad papalayo.

“Itigil ang pakikipagrelasyon kay Ernell? Bakit ba lagi mo siyang sinisiraan?” tanong ko kaya napatigil siya at muling humarap sa akin.

“Nagsisisi nga ako noon kung bakit ikaw ang pinili ko at hindi ang pinsan mo. Kung makasira ka sa kaniya akala mo naman napakalinis mong tao. Ikaw nga parang hindi kita naging kaibigan dahil bigla-bigla ka na lang nang-iwan,” dagdag ko pa atsaka napairap at nilagpasan pa siya.

Ang lakas ng loob niya para siraan si Ernell samantalang siya naman ang kasira-sira ang ugali. May ganiyan bang kaibigan? Sabagay, si Ernell nga na pinsan niya sinisiraan niya, paano pa kaya ako na kaibigan niya lang noon?

Kung noon may kaibigan at kasama pa ako dito sa room, ngayon wala na. Hindi ko na kaklase sila Queenie at Kyzer kaya naging loner na lang ako.

`Saka ko na nga lang nararamdaman ang presensiya ng tunay na kaibigan sa tuwing magkakasama kami nila Minerva at Racquel. O kaya naman ay kapag nagkikita kami nina Queenie at Kyzer.

Kung noong Grade 11 ay pahirapan na ang mga subjects, mas doble pa ngayon ang hirap. Dumagdag pa ang Physics at Biology na kung anu-anong experiments ang ginagawa.

Mabilis na lumipas ang oras at uwian nanaman. As usual, sinusundo ako ni Ernell sa room namin pagkatapos ay dumidiretso kami sa grand stand para gawin ‘yong painting.

“Bukas pala hindi kita masusundo. Hindi muna natin itutuloy itong painting,” sabi niya habang inilalabas ‘yong mga acrylic paints.

“Bakit naman?” tanong ko ngunit napabuntong hininga lamang siya.

“Wala, basta may aayusin lang ako. Magiging busy rin pala ako sa mga susunod pang araw at linggo,” tugon niya kaya napasimangot ako.

“May problema ba? Anong aayusin mo?” sunud-sunod na tanong ko ngunit hindi siya umimik kaya nagkibit-balikat na lamang ako.

Pinanuod ko lamang siya habang ginagawa niya ang painting. Napatitig ako sa kaniya habang seryoso siya sa paggawa. Bawat galaw niya at pagdapo ng paintbrush sa canvas ay hindi ko pinalagpas.

Halos hindi ako kumurap habang pinapanuod siya. Ayokong palagpasin ang bawat sandaling nakikita ko siyang ginagawa ang painting dahil sabi niya nga, hindi niya muna maitutuloy ito simula bukas. Magiging busy na rin siya sa mga susunod na araw at linggo.

Naiintindihan ko naman kung magiging busy siya dahil sa pag-aaral. Pero hindi ko alam ang dahilan niya dahil ayaw niyang sabihin. May problema ba siya? May itinatago ba siya?

“Ernell…”

“Bakit?” tanong niya nang hindi inaalis ang tingin sa painting.

“W-Wala pala,” matipid na sagot ko. Mas maganda siguro na huwag ko na lang siyang kulitin. Pinanuod ko na lang siya ulit habang itinutuloy niya ang painting. 

Mayamaya pa ay tumigil na siya sa pagpe-paint at itinago na ang mga acrylic paints at paintbrush. Umupo na siya sa tabi ko pagkatapos.

“Sasabihin ko naman sa iyo pero hindi muna ngayon,” wika niya habang nakatanaw sa malayo.

“Sabi mo, eh,” matipid na tugon ko kaya napatingin siya sa akin.

“Sana maintindihan mo,” sabi pa niya kaya napatango na lamang ako.

Sinamahan ko na siya sa guard house para itago ‘yong painting. Inihatid niya na ako sa sakayan ng tricycle atsaka siya umalis.

Labing-limang minuto na siguro akong nakatayo dito sa paradahan ngunit wala pang tricycle. Eksakto naman ang pagdating ni Christian kaya may nakakausap ako habang nagihintay ng masasakyan.

“Kumusta na kayo ni Ernell? Tatlong buwan na kayong mag-jowa, ah,” tanong ni Christian.

“Ayos naman kami. Masaya kami noong mga nakaraang buwan hanggang ngayon,” tugon ko habang pinapanood ang iba pang mga estudyanteng naglalakad.

“Eh, bakit nakasimangot ka?” tanong niya pa.

“Eh kasi…”

“Ano? Sabihin mo lang sa akin. Sabi ko nga sa`yo pwede kang mag-share sa akin. Malay mo makatulong ako sa iyo,” wika niya kaya napabuntong hininga ako at napatingin sa kaniya.

“Wala bang nasasabi sa iyo si Ernell? Wala ba siyang nababanggit sa iyo tungkol sa pinagkakaabalahan niya or kung magiging busy ba siya?” tanong ko ngunit napailing siya.

“Wala naman siyang sinasabi sa akin. Hindi na kami gaanong nakakapagkita ngayon nina Ernell. Ikaw ang girlfriend niya kaya dapat mas alam mo iyan,” sagot niya kaya mas napasimangot ako.

“May problema ba kayo?” tanong niya naman sa akin.

“Sinabi niya kasi kanina na hindi niya muna magagawa ‘yong painting tapos magiging busy raw siya sa mga susunod na araw at linggo,” tugon ko habang nakasimangot.

“Ayaw niya namang sabihin kung bakit,” dagdag ko pa.

“Naku, hindi ko naman sinasabing magduda ka pero ang masasabi ko lang na kailangan mong gawin ay imbestigahan o obserbahan siya,” sabi niya. Maya-maya pa ay may dumating na tricycle kaya agad kaming sumakay.

Napaisip naman ako sa sinabi ni Christian sa akin. Bakit kailangan kong mag-investiagte o mag-obserba. Masyado siyang nago-overthink kaya pati ako ay nahahawa sa kaniya. Wala naman siguro masamang gagawin si Ernell gaya ng iniisip ni Christian.

Pagkarating ko sa bahay ay nakasalubong ko ang bunsong kapatid ko na si Lynneth na nakasimangot sa akin.

“May problema ba?” tanong ko sa kaniya.

“Kanina ka pa hinahanap ni Papa. Nagagalit siya kanina dahil alas sais na raw ay hindi ka pa umuuwi,” tugon niya kaya napabuntong-hininga ako. 

Nagpapaalam naman ako sa kanila tuwing umaga na alas sais na ako makakauwi. Si mama tumatango lang tapos si papa ay walang imik at tila ba walang pakialam. Isa pa, kahit naman alas sais ako umuuwi ay nagagawa ko pa rin ka agad lahat ng responsibilidad na nakaatas sa akin dito sa bahay. Nagagawa ko rin lahat ng mga gawain ko para sa school.

“Si Ernell nanaman ba ang kasama mo kanina?” tanong sa akin ni Papa na kapapasok pa lang ng bahay. Tumango ako bilang pagtugon at akmang lalakad na papuntang kuwarto ko.

“Baka napapabayaan mo na ang pag-aaral mo dahil sa kaniya. Lagi na lang kayong magkasama. Dapat kasi iyang pag-aaral mo ang inauuna mo kesa diyan,” sermon sa akin ni Papa kaya napayuko ako.

Ano nanaman ba ang ginawa kong mali at bigla siyang magkakaganyan? Noong mga nakaraang buwan hindi naman sila ganyan. Isa pa, hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko. 

“Bakit, magkakaroon ka ba ng magandang kinabukasan dahil sa lalaking iyan? Mapapakain ka ba ng mga painting niya? Balita ko ang bababa ng mga grades niya,” sermon pa niya kaya napapikit ako dahil sa inis.

Eh, ano naman ngayon kung mabababa ang grade niya? Hindi naman masusukat sa grado ang kakayanan ng isang tao. Bakit ba lahat na lang pinapakialaman nila? Ayos lang naman ang lahat noong una pero bakit ngayon? Atsaka, bakit ba niya minamaliit ang talento ni Ernell sa painting?

“Hindi naman po iresponsable si Ernell. Opo, mababa ang grades niya pero may talento siya na hinuhubog niya na paniguradong ikauunlad niya,” wika ko at sa pagkakataong iyon ay tumaas na ang boses.

“Hindi naman porke mababa ang grades ng isang tao mananatili na siya sa ibaba. Marami namang matatalino diyan at matataas ang grade pero hindi naman maunlad,” dagdag ko pa kaya kita ko ang pagkunot ng noo ni papa kaya umalis na ako at inis na dumiretso sa kuwarto ko.

Hindi naman si Ernell ang dahilan kung bakit hindi ko maabot-abot ang pangarap ko. Sa totoo lang, ang mga magulang ko ang napakalaking hadlang. Lahat na lang ng gusto at ikasisiya ko ayaw nila. Ano na lang ba ang gusto nila?

---

Kinaumagahan ay nadatnan ko sa tapat ng room si Minerva at tila nababalisa kaya agad ko siyang nilapitan.

“Bakit ang aga mo? Ano ang sasabihin mo?” tanong ko. Napabuntong-hininga muna siya bago ako sinagot. May problema ba?

“May kailagan kang malaman,” tugon niya.

“Ano? Anong kailangan kong malaman?” tanong ko pa.

“Tungkol kay Ernell. May kailangan kang malaman tungkol sa kaniya,” sabi niya at may sasabihin pa sana siya ngunit napatigil siya dahil papalapit na si Ernell sa kinaroroonan namin.

“Sige, mamayang hapon ko na lang sasabihin sa iyo,” wika niya atsaka dali-daling umalis. Ano naman kaya ang kailangan kong malaman tungkol kay Ernell?

“Oh, bakit ka napadaan dito?” tanong ko kay Ernell.

“Ire-remind lang naman po kita na hindi kita masusundo mamaya dahil may importante akong gagawin,” tugon niya atsaka niya ako niyakap.

“Ano ba kasi iyang gagawin mo?”

“Secret!” sabi niya atsaka kumalas sa pagkakayakap sa akin.

“Wala raw kayong first subject sabi sa akin ni Lowell,” wika pa ni Ernell. Oo nga pala, ngayon ko lang naalala na vacant pala namin ngayon sa first subject namin. Ang aga ko pa man ding pumasok.

“Kayo ba? May klase na ba kayo?” tanong ko kaya umiling siya.

“Nag-umagahan ka na ba?” tanong niya naman habang inaayos ang kaniyang damit na nagulo noong niyakap niya ako.

“Hindi pa. Hindi ako kumakain ng umagahan,” tugon ko kaya hinila niya ako.

“Saan tayo pupunta?”

“Bibili tayo ng pagkain sa canteen tapos doon natin kakainin sa grand stand,” sagot niya at maya-maya pa ay narating na namin ang canteen.

Bumili siya ng dalawang order ng fried rice na may egg at dalawang bottle ng mineral water. Siya na ang nag-insist na magbabayad kaya nakatipid pa ako. 

“Himala, hindi yata kaniya-kaniyang bayad ngayon,” natatawang sabi ko pagkarating namin sa grand stand.

“Ngayon lang ito. Sa susunod ikaw rin ang manlilibre,” wika niya naman. Mas mabuti naman na iyong gano’n kesa naman umaasa na lang palagi sa libre. 

Hindi naman bank account ang mga lalaki, at higit sa lahat, pera ng mga magulang niya ang ginagamit niya kaya wala akong karapatan para makihati sa baon niya. May pera naman ako kaya tama lang ang ginagawa namin na kaniya-kaniyang bayad.

“What if this will be our last happy moment?” I asked kaya napatigil siya sa pagkain.

“What do you mean?”

“What if bukas magbago na ang takbo ng lahat. No more happy moments with you, and no more us,” tugon ko habang nakatanaw sa JDV Building na hindi kalayuan sa grand stand.

“B-Bakit mo naman biglang natanong iyan?” tanong niya at bakas sa kaniyang boses ang kaba. Why, Ernell?

“Pakiramdam ko lang. Nothing is permanent in this world. Malay mo mamaya o bukas ay wala na ang lahat,” malungkot na tugon ko.

Pakiramdam ko talaga ay magbabago na ang lahat pagkatapos nito. Kahit pa hindi direktang ipinapakita ng tadhana ay gano’n pa rin ang gusto nitong ipahiwatig. Truly unfair.

“If this will be the last, then let us enjoy this moment. Huwag mo ng isipin iyan dahil ang mahalaga ay ‘yong ngayon,” sabi niya kaya napabuntong-hininga ako.

“Ernell, kung may problema sabihin mo lang sa akin, ha? Atsaka sana maging katulad din tayo nina Taliya at Mori dahil walang nakadaig sa kanilang pag-iibigan,” saad ko at halos maluha pa ako habang sinasambit iyon.

“Come on, cheer up! Bilisan mo ng kumain dahil may pupuntahan pa tayo!” pag-iiba niya sa usapan kaya pilit akong ngumiti.

Pagkatapos naming kumain ay nagpalipas muna kami ng sampung minuto para hindi kami magkaroon ng appendicitis. Dumaan kami sa likod ng Senior High School kung saan kadalasan dumadaan ang mga estudyanteng tumatakas sa klase.

“Ernell, kinakabahan ako baka mahuli tayo ng mga guards dito,” nag-aalangang sabi ko habang nakakapit sa braso niya at palinga-linga sa paligid.

“Hindi iyan! Bilisan na lang nating maglakad,” tugon niya kaya tumahimik na lamang ako. After 10 minutes ay nakalayo na kami sa school kaya parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan ko.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko habang nagpapahinga kami sa Rizal Park dahil pareho kaming hingal na hingal.

“Saan mo ba gusto?” tanong niya naman kaya napaisip ako. Wala naman akong ibang gustong puntahan. Ang makasama lang siya ay sapat na sa akin.

“Hindi ko alam—”

Naantala ang aking pagtugon nang tumunog ang kaniyang cellphone. Napatitig muna siya ng ilang saglit sa screen bago niya ito sagutin. Lumayo siya ng kaunti sa akin noong sagutin niya ang tawag ngunit hindi ko na lamang iyon inintindi.

Makalipas ang tatlong minuto ay bumalik na siya sa tabi ko ngunit tila ba nagbago ang mood niya. Nakasimangot na siya ngayon, samantalang kanina ay abot-langit ang kaniyang ngiti.

“May problema ba?” tanong ko.

“I’m sorry, Miarei, but I need to go. Hindi na kita maihahatid pa pabalik sa school,” sabi niya kaya napalunok ako.

This is it. Ito na ‘yong sinasabi kong last moment. I can feel it, this will be the last.

“Ano ba talaga ang nangyari?” kinakabahag tanong ko ngunit hindi siya umimik.

“I need to go,” wika niya at sa huling pagkakataon ay niyakap niya ako. Alam kong sa mga sandaling iyon ay maaaring iyon na ang huli kaya niyakap ko na rin siya pabalik.

“Goodbye, Miarei,” wika niya at kumalas sa pagkakayakap sa akin `saka tuluyang umalis.

Bakit ba iba ang ibig sabihin ng Goodbye niya sa akin?

Pinanood ko na lamang siya habang lumalakad siya papalayo hanggang sa tuluyan na siyang naglaho sa paningin ko.

Agad kong nag-chat kay Minerva at sinabing nandito ako ngayon mag-isa sa Rizal Park. Mabuti na lamang ay vacant din nila kaya pwede niya akong puntahan dito.

Limang minuto lamang ang nakalipas ay natanaw ko na siya agad na papalapit sa akin. Ito na rin ang pagkakataon niya para sabihin sa akin ang tungkol sa nalaman niya kay Ernell.

“Ano ang dapat kong malaman tungkol kay Ernell?” tanong ko sa kaniya at hindi na nagpaligoy-ligoy pa.

“Prepare yourself sa malalaman mo…”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Art of Our Love Story   CHAPTER 9

    CHAPTER 9- ARTIST'S DOUBTSMabilis na lumipas ang buwan. Parang kahapon lang noong unang araw na naging kami ni Ernell, pero ngayon ay tatlong buwan na kami. Parang kahapon lang, Grade 11 pa lang kami pero ngayong ay isang buwan na kaming Grade 12. Habang ninanamnam mo ang bawat sandali doon naman bumibilis ang pagtakbo ng oras. Hindi talaga mapigilan ang paggalaw ng oras. “Goodmorning, Miarei!” salubong sa akin ni Ernell sa harap ng gate kaya napangiti ako. “Magandang umaga rin sa`yo,” nakangiting tugon ko sa kaniya. “Mas maganda ka pa s

  • The Art of Our Love Story   CHAPTER 8

    CHAPTER 8- ARTISTS' LOVEAraw-araw na gano’n ang ginagawa naming dalawa. Pagkatapos ng klase ay pumupunta kami sa grandstand, kukunin niya ‘yong canvas sa guard house at magpe-paint ulit.Isang buwan na rin naming ginagawa ang painting ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin tapos. Kung tutuusin, dapat isang linggo lang tapos na namin ito pero inuunti-unti naming gawin. Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong sagutin si Ernell. Eksaktong Recognition Day namin noong sinagot ko siya. Doon lang din nakilala nina mama at papa si Ernell, mabuti nga ay hindi sila nagalit. “Ang tagal natapos ng recognition ninyo. Ang dami naman kasing nag-speech ng kung anu-ano kaya mas tumag

  • The Art of Our Love Story   CHAPTER 7

    CHAPTER 7- ARTISTS' FAIRYTALEKahit pala nagkamali ka ng pinili sa una ay maaari mo pa rin itong maitama. Hangga’t patuloy na sumisilay ang panibagong umaga ay maaari mo pang maitama ang lahat. Maaari mo pang piliin ang dalat piliin na hindi mo nagawa noon.Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na pumili muli at piliin ang tama, huwag ka ng magdalawang isip pa na gawin kung ano ang nararapat. Huwag mo ng palalampasin pa ang pagkakataon.Katulad sa akin ngayon, hindi ko noon pinili si Ernell kaya labis kong pinagsisihan. Pero ngayon na may pagkakataon na ulit ako, hindi ko na ito palalampasin pa. Gaya ng ginawa ko, pumili muli ako sa pangalawang pagkakataon. Sa pagkakataong ito siya na ang pinili ko.Matapos kong sabihin na siya na ang pinipili ko ay napagdesisyunan nami

  • The Art of Our Love Story   CHAPTER 6

    CHAPTER 6- ARTIST'S CHOICE Karaniwan na kinatatakutan ng lahat ay pagkasira ng pagkakaibigang matagal na binuo. Masakit sa damdamin kapag nasira ang pundasyon ng pagiging magkaibigan ninyo.

  • The Art of Our Love Story   CHAPTER 5

    CHAPTER 5- ARTIST'S COMPUNCTIONSMay mga pagkakataon sa buhay natin na basta-basta na lamang tayong nagpapasya at hindi na inaalam ang maaaring lalabas na negatibong resulta. Hindi na natin naiisip kung tama nga ba ang napili dahil ang emosyon ang nananaig.

  • The Art of Our Love Story   CHAPTER 4

    CHAPTER 4- ARTIST'S MELANCHOLYIsang buwan na ang nakalipas matapos magtapat sa akin si Ernell. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya o hindi dahil pagkatapos no’n ay hindi na kami nakapag-usap pang muli.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status