MasukCHAPTER 7- ARTISTS' FAIRYTALE
Kahit pala nagkamali ka ng pinili sa una ay maaari mo pa rin itong maitama. Hangga’t patuloy na sumisilay ang panibagong umaga ay maaari mo pang maitama ang lahat. Maaari mo pang piliin ang dalat piliin na hindi mo nagawa noon.
Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na pumili muli at piliin ang tama, huwag ka ng magdalawang isip pa na gawin kung ano ang nararapat. Huwag mo ng palalampasin pa ang pagkakataon.
Katulad sa akin ngayon, hindi ko noon pinili si Ernell kaya labis kong pinagsisihan. Pero ngayon na may pagkakataon na ulit ako, hindi ko na ito palalampasin pa. Gaya ng ginawa ko, pumili muli ako sa pangalawang pagkakataon. Sa pagkakataong ito siya na ang pinili ko.
Matapos kong sabihin na siya na ang pinipili ko ay napagdesisyunan naming tumambay muna sa Rizal Park para makapag-usap. Nakapag-text naman na ako kina mama na gagabihin ako sa pag-uwi.
“Sorry talaga ka kung hindi ikaw ang pinili ko noon. Aaminin ko, nagkamali ako sa pinili ko at pinagsisisihan ko na iyon,” malungkot na sabi ko kay Ernell kaya hinawakan niya ang dalawang kamay ko at marahang pinisil. Sa paghawak niya sa aking kamay ay mas lalo kong naramdaman ang pagsisisi.
“Huwag ka ng malungkot, Miarei. Ang mahalaga ay ‘yong ngayon,” nakangiting sabi niya at kita ko sa mga mata niya ang labis na tuwa na dati ay puno ng kalungkutan.
Gano’n ba ang naging epekto ng hindi ko pagpili sa kaniya noon? Simula kasi noong nangyari iyon ay parati na siyang matamlay at malungkot. Kahit pa nakikita ko siyang nakangiti ay sumisilay pa rin sa mga mata niya ang kalungkutan. Pero ngayon, ibang-iba na. Ang kalungkutan sa kaniyang mga mata ay napalitan ng saya.
“Kung hindi mo mamasamain, maaari ko bang malaman kung sino ang kaibigan mong dati mong pinili?” tanong niya kaya tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Idagdag mo pa ang malamig na simoy ng hangin dahil gabi na.
Hindi ako makapagsalita. Tila ba may bumara sa lalamunan ko at parang may pumipigil sa akin para sagutin iyon.
Paano ko ba sasabihing ang pinsan niyang si Lowell ang kaibigan kong dati kong pinili? Paano ko sasabihin sa kaniya na nag-assume ako na gusto pa rin ako ni Lowell hanggang ngayon kaya siya ang pinili ko. Paano kung nalaman niya iyon? Ano ang sasabihin niya?
“S-Si Lowell,” nahihiyang sagot ko tapos ay napayuko ako.
“Sabi ko na nga ba. Tama ang kutob ko na si Lowell iyon,” sabi niya kaya napaangat ako ng tingin.
“Paano mo alam?”
“Close na close kami ni Lowell. Madalas ay nakakapagkwento siya sa akin tungkol sa mga kaibigan niya. Noong Junior High School ka pa niya naikuwento sa akin kaya matagal na kitang kilala. Naikuwento niya kung gaano kayo ka-close kaya alam ko na si Lowell iyong tinutukoy mong kaibigan,” pagkukwento niya.
“Noong sinabi mo na ang kaibigan mo ang pinili mo, wala akong nagawa no’n. Alam ko naman sa sarili ko na wala akong karapatan dahil si Lowell nga naman ang nauna sa iyo. Pinipilit ko na lamang maging masaya para sa inyong dalawa. Pero noong nakita kitang malungkot, nararamdaman kong may mali sa inyong dalawa kaya ito, naglakas ako ng loob para muli kang lapitan. Nagkaroon ako ng pag-asang baka ako na ang pipiliin mo,” dagdag pa niya.
“Sorry talaga dahil umabot pa sa gano’n ang sitwasyon mo,” sabi ko atsaka tumingala sa kalangitan upang mapigilan ang mga luha ko sa pagbagsak. Nasilayan ko tuloy ang maliwanag na buwan at napatitig doon.
“Miarei, ano ba ang nangyari sa inyo ni Lowell?” tanong pa ni Ernell.
“Nalaman ko na nililigawan pala niya ‘yong kaklase namin noon. Umasa akong gusto niya pa rin ako hanggang ngayon. Sa kagustuhan kong maprotektahan ang friendship namin, siya ang pinili ko,” puno ng pagsisisi kong tugon habang nakatitig pa rin sa buwan.
“K-Kaya ba ako na ang pinili mo dahil nasaktan ka sa pagpili mo kay Lowell?” punung-puno ng kalungkutan na tanong niya sa akin kaya agad akong napatingin sa kaniya.
“Hindi! Huwag mong isipin na kaya kita pinili ay dahil nasaktan ako. Huwag mong isiping kaya kita pinili para gawing panakip-butas. M-May iba akong rason,” paglilinaw ko sa kaniya.
“Kung gano’n, ano ang iyong rason?”
“Ernell, gusto rin kita. Gustung-gusto kita at alam iyon ni Christian. Unang beses pa lamang na nakita kita noong ibinigay mo sa akin ‘yong output ko ay may kakaiba na akong naramdaman sa iyo. Pilit ko iyong ikinukubli pero gusto talaga kita,” naiiyak na sabi ko.
Ito ang ayaw ko sa sarili ko. Sa tuwing ipinapaliwanag ko ang side ko sa mga ganitong situations ay naiiyak ako. Ayoko ng ganito. Pakiramdam ko ay ang hina-hina ko.
“Kaya nga nagkaroon ako ng lakas ng loob na umamin sa iyo noon dahil nararamdaman ko na may gusto ka rin sa akin. Ako pala ang gusto mo, bakit hindi ako kaagad ang pinili mo? Bakit si Lowell at hindi ako?”
“Kasi gulung-gulo ang isip ko noong mga panahong iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naging padalos-dalos ako sa desisyon ko. Ernell, kalimutan na sana natin iyon at ang intindihin na lamang natin ay ‘yong ngayon,” sabi ko naman kaya agad niya akong niyakap.
“Tama ka, Miarei. ‘yong ngayon at para sa hinaharap ang dapat nating intindihin,” wika niya habang nakayakap sa akin.
Pareho naming hindi namalayan ang paglipas ng oras kaya alas nuebe ng gabi na akong nakauwi sa bahay. Tulog na sila mama n’on at hindi na nila alam ang pag-uwi ko. Pagkatapos kong kumain at magbihis ay dumiretso na ako sa aking kama.
Napatitig ako sa kisame habang naka-ukit sa aking labi ang matamis na ngiti. Hindi ko lubos akalaing darating ang araw na iibig ako at iibigin din ako. Dati naman ay bitter ako sa pag-ibig na iyon, pero ngayon mukhang nagbago na ang lahat.
---
Dalawang buwan na simula noong si Ernell ang pinili ko. Dalawang buwan na rin simula noong nag-umpisa siyang ligawan ako. Pero kahit naman na may gusto ako sa kaniya at crush na crush ko siya hindi ko naman siya basta-basta sasagutin nang walang kahirap-hirap.
Ano ako, easy to get?
“Miarei, hinahanap ka ni Ernell sa labas,” sabi ni Queenie sa akin na kagagaling lang din sa labas ng room. Agad naman akong tumayo at lumabas na may ngiti sa labi.
“May klase ka pa ba?” tanong niya sa akin atsaka inabot sa akin ang isang piraso ng rosas. Hindi ko mapigilan ang pag-ngiti ko sa ginawa niyang iyon.
“May pa-rose ka pa, ah. Ang sweet mo naman,” nakangiting sabi ko at inamoy ang rosas.
“Basta para sa iyo, Miarei,” tugon niya naman habang pinapanood niya akong nilalaro ang mga petals ng rose.
“Oo nga pala, wala na kaming susunod na klase,” wika ko kaya lumawak ang ngiti niya.
“Tamang-tama, sumama ka sa akin,” sabi niya at akmang hihilain ako papalayo pero pinigilan ko siya.
“Excited ka naman masiyado. ‘Yong bag ko kukunin ko lang,” sabi ko kaya binitawan niya ang kamay ko.
Dali-dali kong kinuha ‘yong bag ko sa loob ng room na nakapatong sa ibabaw ng mesa sa tabi nina Queenie.
“Bakit nagmamadali ka? May date na naman kayo ni Ernell, ano?” tanong sa akin ni Queenie na may halong pang-aasar.
“Ayieee! Kaya naman pala noong mga contests parang may iba sa inyo, iyon pala mayroon ng something!” pang-aasar din ni Kyzer.
“Inggit ka lang, kasi sa ating mga kasama sa mga art contests ikaw na lang ang walang lovelife,” pang-aasar ko rin kay Kyzer.
“Hoy, hindi lang naman ako! Pati kaya si Christian!” sumbat naman niya.
“O, eh ‘di kayong dalawa na lang kaya ni Christian,” sabi naman sa kaniya ni Queenie kaya sinamaan siya ng tingin ni Kyzer.
Christian ka riyan! Kay Minerva na iyon!
Alam na ng buong klase ang namamagitan sa amin ni Ernell. Syempre, alam na rin ni Lowell. Noong una, hindi pa siya makapaniwala na may namamagitan sa amin ni Ernell. Medyo na-shock pa nga siya na ang pinsan niya ay may gusto sa akin.
Higit sa lahat, alam na rin nina Minerva at Racquel. Noong nalaman nga nila inggit na inggit sila dahil mabuti pa raw ako gusto ng taong gusto ko. Lalo na si Minerva. Hanggang ngayon umaasa pa rin kay Christian!
“Mga baliw talaga kayo. Ngayon na nga lang magkaka-lovelife ang tao tapos asar pa kayo nang asar,” singhal ko kina Queenie at Kyzer. Aasarin pa sana nila ako pero agad na akong tumakbo palabas ng room.
Pagkalabas ko ng room ay dali-dali niya akong hinila ng walang pasabi. Hindi naman na ako nagtanong pa dahil sa sobrang bilis ng pagkabog ng puso ko.
Pakilig ka masyado, Ernell! Omoooo~
Tumigil kami sa grand stand at naupo doon. Maya-maya pa ay tumayo siya at nagpaalam na may kukunin saglit sa guard house.
Makalipas ang limang minuto ay may dala-dala na siyang malaking canvas. Kasing laki siguro iyon ng flatscreen tv naming 43 inches. May mga inilabas din siyang acrylic paints at paintbrush sa paper bag na dala niya kanina.
“Anong gagawin mo?” nagugulahan na tanong ko sa kaniya.
“Gagawa ng cake gamit ang acrylic paints!” pang-aasar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“O sige, gumawa ka ng cake gamit ang acrylic paints tapos kainin mo,” sagot ko naman at kunwari naiinis pero ang totoo ay natatawa rin ako sa sinabi ko. Ang hirap pala magpigil ng tawa.
“Joke lang, uy! Masiyado ka namang seryoso,” sabi niya at ginulo ang buhok ko.
“Ernell!” bulyaw ko kaya natawa siya sa itsura ko.
“Joke lang naman kasi. Gagawa tayong dalawa ng painting,” tugon niya habang inihahanda niya ang mga gagamitin.
“Seryoso ka? Ako, kasama mo magpe-paint? Wala nga akong kaalam-alam sa painting na iyan,” natatawang sabi ko.
“Eh ‘di tuturuan kita. Iga-guide ko ‘yong kamay mo,” nakangiting tugon niya at ibinigay sa akin ang isang paintbrush.
“Para saan ba kasi ‘yong gagawin nating painting?” tanong ko sa kaniya.
“Gagawa tayo ng painting na nagpapakita at sumisimbulo ng pagmamahalan nating dalawa,” seryosong tugon niya at tumigin ng diretso sa mga mata ko.
Painting na naglalarawan ng PAGMAMAHALAN naming dalawa. Shemay! Kinikilig ako!
“Ano naman ang itatawag natin sa painting na gagawin natin?” tanong ko ulit. Masiyado na yata akong maraming tanong. Feeling ko tuloy nakasalang siya sa quiz bee tapos ako ‘yong quiz master!
“The Art of Our Love Story,” sagot niya kaya hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa kilig.
“Yieee~ halika na nga, simulan na natin,” sabi ko kaya napagiti rin siya at kinuha ang isa pang paintbrush.
At sa grand stand na ito, sinumulan namin ang The Art of Our Love Story. Tumabi siya sa akin at hinawakan ang isa kong kamay upang i-guide ako sa gagawin ko.
Nang mapagod na an gaming mga kamay sa kapipinta ay iniligpit na namin ang mga ginamit namin art materials at itinabi muna sa gilid. Umayos naman siya ng upo sa aking tabi at isinandal niya ang kaniyang ulo sa aking balikat.
Malalalim din ang kaniyang paghinga at kitang-kita ko sa kaniya ang pagkapagod. Kung sabagay, katatapos lang ng klase namin tapos ito pa pinaggagawa namin.
“Magpahinga muna tayo bago umuwi. Halatang pagod na pagod ka na, eh,” wika ko kaya napatango siya.
“Kuwentuhan mo na langa ako, Miarei,” saad niya kaya napatango ako. Naalala ko naman ‘yong pinabasa sa akin ni Minerva na isinulat niyang fairtale.
“Ang title nito ay ‘Nang Mag-ibigan ang Tao at ang Alitaptap’. Isinulat ito ni Minerva, mabuti ay natatandaan ko pa,” panimula ko habang nakatanaw sa kulay kahel na kalangitan.
“Dali, ikuwento mo at makikinig ako.” Sinimula ko na ngang magkuwento sa kaniya. Naramdaman ko namang kumakalma na ang paghinga niya. Marahil ay napapawi na rin ang kaniyang pagod.
“Daan-daang taon na ang nakalilipas, may isang kagubatang mahiwaga na pinumugaran ng mga alitaptap na imortal. Mahiwagang Gubat ni Alitha ang tawag ng mga tao sa gubat na iyon. Natatangi ang gubat na iyon sapagkat doon lamang matatagpuan ang mga alitaptap na immortal,” panimula ko.
“Binabantayan at pinamumunuan iyon ni Dyosang Alitha, at inililigaw ang mga taong may masamang pakay doon ngunit pinangangalagaan naman niya ang mga may busilak na puso. May isa namang dalagang alitaptap na patagong lumabas ng kagubatan. Siya ay si Taliya, ang nag-iisang anak ni Dyosang Alitha,” dagdag ko pa.
“Ang mga pasaway talaga. Malamang mapapahamak diyan si Taliya,” entrada ni Ernell kaya napatigil ako sa pagkukwento.
“Sure ka? Ikaw na lang kaya ang magkuwento?” pambabara ko naman sa kaniya, ngunit nag-peace sign lang siya at nginitian ako.
“Ito, itutuloy ko na. Makinig ka na lang diyan para mabilis,” sabi ko pa kaya agad siyang napatango.
“Inabutan siya ng umaga sa labas ng kagubatan kaya doon na rin siya inabutan ng pagbabago ng kaniyang anyo. Nakita siya ng binatang magsasakang ulila na si Mori. Kasama ng binata ang kaniyang kalabaw na kagagaling lamang sa putikan. Nagulat si Mori sa kaniyang nakita kaya nakiusap si Taliya na huwag ipagsasabi sa iba ang nasaksihan niya.”
Gaya ng sabi ko kay Enrell, naging tahimik nga siya habang nakikinig kaya tuluy-tuloy ang pagkukwento ko. Nagmistula tuloy akong storyteller.
“Ipinaliwanag ni Taliya na nag-aanyong tao siya tuwing umaga, at alitaptap tuwing gabi. Siya lamang ang may gan’ong kakayanan dahil ang kaniyang ama ay isang tao na matagal ng pumanaw at ang ina niya naman ay isang dyosang alitaptap. Naging matalik na magkaibigan sina Mori at Taliya. Tuwing umaga ay nagkakasama sila at tuwing gabi ay naghihiwalay ang landas nila.”
“Nang maglaon ay naging magkasintahan sila. Ipinakilala ni Taliya si Mori kay Dyosang Alitha at hindi naman iyon tinutulan ng dyosa dahil nakita niyang busilak ang kalooban ni Mori. Mas naging magkasama sila sa loob at labas ng gubat. Naging magkasama na rin sila tuwing gabi kahit pa isa ng alitaptap si Taliya. Saksi ang iba pang mga alitaptap sa kanilang pag-iibigan.”
Napalunok ako dahil naalala kong may kalungkutang mangyayari sa pag-ibig nina Mori at Taliya. Noong mabasa ko iyon noon ay tila pinupunit ang puso ko kahit na kwentong pambata lang naman iyon.
“Isang umaga ay may napadpad sa gubat na isang matandang lalaki na si Apo Kosme. Dahil sa katandaan ay hindi nito nakita ang dinaraanan kaya muntik na siyang nalaglag sa bangin. Nakita siya ni Mori kaya dali-dali niya itong tinulungan kaya tagumpay na nasagip si Apo Kosme. Subalit si Mori naman ang tuluyang nalaglag sa bangin. Labi ang paghihinagpis ni Taliya dahil wala ng pulso si Mori nang punatahan niya ito, patay na si Mori.”
Maging si Ernell ay biglang napaayos ng upo nang marinig niya iyon. Bakas din sa kaniyang mukha ang pagkagulat.
“Ano? Mamatay si Mori? Hindi iyon pwede!” pagrereklamo niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Oo na, patatpusin na kita,” dagdag niya kaya ipinagpatuloy ko na ulit ang kuwento.
“Nakiusap naman si Taliya sa kaniyang ina na tulungang buhayin si Mori. Maaari naman daw maibalik ang buhay ni Mori kung isusuko ni Taliya ang pagiging alitaptap at pagiging imortal upang ang iba niyang buhay ay maibigay kay Mori. Pumayag naman si Taliya kaya tuluyang nawala ang pagiging alitaptap at imortal niya. Naging ganap siyang tao at nabuhay naman si Mori, ngunit naging baliktad na ang kalagayan nila.”
“Dumating ang araw na kinatatakutan nilang dalawa. Nagkasakit nang malubha si Taliya dahil hindi siya sanay sa buhay bilang tao. Walang nagawa si Mori kundi panooring nag-aagaw buhay si Taliya dahil isa lamang siya maliit na alitaptap noon. Nang sumapit ang umaga ay nagbago na ang anyo ni Mori kaya dinala niya ito sa Mahiwagang Gubat ni Alitha. Gaya ng ginawa ni Taliya, nakisuap siya kay Dyosang Alitha na ibalik ang buhay ni Taliya kahit ano pa ang magiging kapalit. Si Taliya na ang tao at si Mori naman ay nagiging alitaptap tuwing gabi at naging imortal. Kahit gan’on pa man ay hindi naging hadlang iyon sa kanilang pag-iibigan.”
“May isang kaparaanan, iyon ay kapag isusuko ni Mori ang pagiging isang imortal at magiging isa na lamang siyang mortal na alitaptap upang sa gan’on ay mabahaginan ng buhay si Taliya. Dagdag pa dito, babalik din sa pagiging alitaptap si Taliya ngunit hindi na imortal.”
“Nagtagumpay nga sila kaya pareho ng mortal na alitaptap sina Mori at Taliya. Ipinagpatuloy nila ang kanilang pag-iibigan. Hindi naglaon ay ikinasal silang dalawa sa tulong ng basbas ni Dyosang Alitha. Saksi naman ang iba pang mga alitaptap. Nagkaroon sila ng mga masupling at sila na ang pinagmulan ng mga mortal na alitaptap at namuhay at nag-ibigan pa sila nang matagal.”
“At doon nagtatapos ang kuwento nina Mori at Taliya,” wika ko kaya napabuntong-hininga siya.
“Love conquers death. Napatunayan iyan nina Mori at Taliya kaya masaya ako sa naging wakas ng kuwento mong isinulat ni Minerva,” saad ni Ernell habang nakatanaw sa malayo. Tila may problema siya.
“At napatunayan din nila na walang problemang makahahadlang sa tunay na pag-ibig,” dagdag ko naman. Napatingin naman sa akin si Ernell at hinawakan ang aking mga kamay.
“Kahit anong mangyari, sana ay maging matatag tayo gaya nina Mori at Taliya,” sabi niya kaya napatango ako.
“Just promise me that you and I will conquer death, just like what Mori and Taliya did,” I answered.
“Promise, Miarei…”
CHAPTER 9- ARTIST'S DOUBTSMabilis na lumipas ang buwan. Parang kahapon lang noong unang araw na naging kami ni Ernell, pero ngayon ay tatlong buwan na kami. Parang kahapon lang, Grade 11 pa lang kami pero ngayong ay isang buwan na kaming Grade 12. Habang ninanamnam mo ang bawat sandali doon naman bumibilis ang pagtakbo ng oras. Hindi talaga mapigilan ang paggalaw ng oras. “Goodmorning, Miarei!” salubong sa akin ni Ernell sa harap ng gate kaya napangiti ako. “Magandang umaga rin sa`yo,” nakangiting tugon ko sa kaniya. “Mas maganda ka pa s
CHAPTER 8- ARTISTS' LOVEAraw-araw na gano’n ang ginagawa naming dalawa. Pagkatapos ng klase ay pumupunta kami sa grandstand, kukunin niya ‘yong canvas sa guard house at magpe-paint ulit.Isang buwan na rin naming ginagawa ang painting ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin tapos. Kung tutuusin, dapat isang linggo lang tapos na namin ito pero inuunti-unti naming gawin. Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong sagutin si Ernell. Eksaktong Recognition Day namin noong sinagot ko siya. Doon lang din nakilala nina mama at papa si Ernell, mabuti nga ay hindi sila nagalit. “Ang tagal natapos ng recognition ninyo. Ang dami naman kasing nag-speech ng kung anu-ano kaya mas tumag
CHAPTER 7- ARTISTS' FAIRYTALEKahit pala nagkamali ka ng pinili sa una ay maaari mo pa rin itong maitama. Hangga’t patuloy na sumisilay ang panibagong umaga ay maaari mo pang maitama ang lahat. Maaari mo pang piliin ang dalat piliin na hindi mo nagawa noon.Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na pumili muli at piliin ang tama, huwag ka ng magdalawang isip pa na gawin kung ano ang nararapat. Huwag mo ng palalampasin pa ang pagkakataon.Katulad sa akin ngayon, hindi ko noon pinili si Ernell kaya labis kong pinagsisihan. Pero ngayon na may pagkakataon na ulit ako, hindi ko na ito palalampasin pa. Gaya ng ginawa ko, pumili muli ako sa pangalawang pagkakataon. Sa pagkakataong ito siya na ang pinili ko.Matapos kong sabihin na siya na ang pinipili ko ay napagdesisyunan nami
CHAPTER 6- ARTIST'S CHOICE Karaniwan na kinatatakutan ng lahat ay pagkasira ng pagkakaibigang matagal na binuo. Masakit sa damdamin kapag nasira ang pundasyon ng pagiging magkaibigan ninyo.
CHAPTER 5- ARTIST'S COMPUNCTIONSMay mga pagkakataon sa buhay natin na basta-basta na lamang tayong nagpapasya at hindi na inaalam ang maaaring lalabas na negatibong resulta. Hindi na natin naiisip kung tama nga ba ang napili dahil ang emosyon ang nananaig.
CHAPTER 4- ARTIST'S MELANCHOLYIsang buwan na ang nakalipas matapos magtapat sa akin si Ernell. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya o hindi dahil pagkatapos no’n ay hindi na kami nakapag-usap pang muli.