Share

CHAPTER 8

Author: MD Serene
last update publish date: 2020-10-10 15:07:05

CHAPTER 8- ARTISTS' LOVE

Araw-araw na gano’n ang ginagawa naming dalawa. Pagkatapos ng klase ay pumupunta kami sa grandstand, kukunin niya ‘yong canvas sa guard house at magpe-paint ulit.

Isang buwan na rin naming ginagawa ang painting ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin tapos. Kung tutuusin, dapat isang linggo lang tapos na namin ito pero inuunti-unti naming gawin.

Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong sagutin si Ernell. Eksaktong Recognition Day namin noong sinagot ko siya. Doon lang din nakilala nina mama at papa si Ernell, mabuti nga ay hindi sila nagalit.

“Ang tagal natapos ng recognition ninyo. Ang dami naman kasing nag-speech ng kung anu-ano kaya mas tumagal ang program,” pagrereklamo ni papa habang ako naman ay nag-iisip ng paraan kung paano ko ipakikilala si Ernell.

Kalalabas lang din namin sa social hall dahil doon ginanap ang recognition day namin. Hindi ko pa nakikita si Ernell simula kaninang mag-uumpisa ang program, pero sinabi niya na hanapin ko na lang daw siya sa bleachers na malapit sa JICA Building. Hindi siya kasama sa recognition dahil wala siyang nakuhang honor, ngunit ayos lamang iyon dahil hindi naman mababa ang kaniyang mga grades.

“Tara na, Miarei. Kanina ka pa palinga-linga sa paligid, ah. Sino ba ang hinahanap mo?” tanong naman sa akin ni mama. Napalunok ako sa kaba dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

“Puwede po bang hintayin niyo ako saglit dahil may kakausapin lang ako?” kinakabahang tanong ko habang diretsong nakatingin sa kanila. Dama ko pa ang pagtagaktak ng butil ng pawis mula sa aking noo.

“Sige, basta bilisan mo,” naiinip na tugon nina mama at papa kaya dali-dali akong nagtungo sa bleachers at doon ay nakita ko siyang tahimik na nakaupo at nakatanaw lamang sa oval.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at tinabihan siya. Napatingin naman siya sa akin at umayos ng upo. Matamlay siyang ngumiti sa akin at nag-iwas na ng tingin.

“May problema ba?” tanong ko sa kaniya ngunit umiling lamang siya.

“Pasensya ka na dahil hindi ako katulad ng ibang mga lalaki na nakakasama sa recognition. Hindi kasi ako katulad nila na may matataas na grades. Gusto ko sanang makasama ka sa loob ng social hall pero hindi naman ako kasali riyan,” halos pabulong na wika niya at napayuko.

“Ernell, hindi sa akin importante kung may award ka o wala. Hindi mahalaga kung kasama ka sa recognition o hindi. Para sa akin may magaling ka, lalo na sa arts kaya hanga ako sa kagalingan mo,” tugon ko naman kaya bahagya siyang napangiti.

“T-Talaga?” tanong niya kaya tumango ako bilang pagtugon.

“Hindi tayo pare-pareho ng kagalingan, Ernell. Para sa akin, ikaw na ang number one!” masiglang sabi ko sa kaniya kaya mas lalo siyang napangiti.

“Kaya nga, dahil ikaw ang number one para sa akin, may regalo ako sa’yong siguradong magugustuhan mo,” dagdag ko pa kaya nagtataka siyang napatingin sa akin. Lumapit pa ako sa kaniya at bumulong sa kaniyang tainga.

“Let’s continue the art of our love story. Tinatanggap ko na ang pag-ibig mo,” bulong ko sa kaniya at kita ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata.

“Totoo ba iyan, Miarei?” gulat na tanong niya kaya tumango ako habang nakaukit sa aking labi ang matamis na ngiti. Agad niya naman akong niyakap, ngunit naramdaman ko ang kaniyang pagbuntong hininga.

“Sana’y maging katulad tayo nina Mori at Taliya, na kahit k-kamatayan ay nalabanan nila. We should have a happy ending too,” saad niya. Tutugon pa lamang sana ako nang matanaw kong papalapit na sa amin sina mama.

Napakalas ng pagkakayakap sa akin si Ernell. Pareho kaming kinakabahan sa susunod na mangyayari. Buong akala ko ay magagalit sina mama at papa, ngunit kinausap lamang nila si Ernell. Hindi ko narinig ang kanilang pinag-usapan dahil  pinalayo ako ni papa.

Base naman sa naobserbahan ko ay naging maayos ang kanilang pag-uusap. At matapos ang pag-uusap nilang iyon hindi naman ako pinagalitan nina mama at papa. Marahil ay tanggap naman nila ang relasyon namin ni Ernell.

Hindi naman sila nagalit sa akin dahil sabi nila alam nila na alam ko raw kung hanggang saan ang limitasyon ko at responsibilidad ko.

Napabalik ako sa reyalidad at napatingin sa painting na nasa harapan ko.  Katatapos lamang mag-paint ni Ernell, hindi ako nakatulong dahil masakit ang daliri ko dahil nasugat ako ng kutsilyo kahapon habang nagbabalat ako ng sibuyas.

“Isang buwan na nating ginagawa ito pero hindi pa natin nakakalahati itong The Art of Our Love Story,” sabi ko habang inaayos ang mga ginamit niyang mga acrylic paints at paintbrush.

“Gusto ko lang kasing sulitin ang bawat araw na magkasama tayo habang ginagawa ito,” tugon niya habang inaayos ang canvas.

Dahil bakasyon na at walang pasok, sa Rizal Park na namin itinutuloy ang painting. Siya naman ang matiyagang nag-uuwi ng canvas sa bahay nila kahit na ang laki-laki.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko kaya napatingin siya sa akin.

“Wala. Ang ibig ko lang naman sabihin, mami-miss ko ‘yong mga araw na magkasama tayo habang ginagawa ito kaya gusto kong huwag matapos kaagad ito,” tugon niya kaya napatango lang ako.

“Wala naman tayong magagawa kung matatapos na ito. Bakit ayaw mo bang makita ang kalalabasan nitong painting na ito?” tanong ko pa kaya napailing siya.

“Uy, wala akong sinabing ganiyan. Gusto ko lang kasi ‘yong ganitong lagi tayong magkasama,” sabi pa niya at laking gulat ko nang dinamba niya ako at niyakap ako nang mahigpit.

Pinalo ko pa ang kaniyang likod dahil halos hindi ako makahinga sa higpit ng kaniyang pagkakayakap. Kung gaano ka-gentle ang kamay niya sa pagpinta ay kabaliktaran naman sa pagkayap niya.

“Hoy, Ernell! Hindi ako makahinga!” pagrereklamo ko kaya niluwagan niya ang pagkakayakap niya sa akin. PDA!

“Ano bang gusto mong kainin?” tanong niya sa akin at inalis na ang pagkakayakap sa akin. Sayang—CHAROT!

“Ikaw ang gusto kong kainin,” nakangising sagot ko kaya napalunok siya.

Pigil na pigil naman ako sa pagtawa sa naging reaksyon niya kaya napakagat ako sa aking labi.

“Hoy, b-bastos ka!” sigaw niya sa akin kaya tuluyan na akong napahalakhak.

“Ikaw talaga ang dumi ng isip mo. Hindi ba pwedeng cannibal ako?” natatawang sabi ko. Hindi ko pa rin mapigilang tumawa dahil sa pamumula ng kaniyang mga pisngi.

“Seryoso na kasi. Ano bang gusto mong kainin?” tanong niya ulit sa akin.

“Kung anong gusto mong kainin yun na lang din sa akin,” tugon ko kaya napatango siya.

“Nasaan na ang pera? Ilibre mo na rin ako, ah. Hehehe,” sabi niya kaya pinanliitan ko siya ng tingin.

“Akala ko ba libre mo?” tanong ko tapos kunwari naasar ako sa kaniya. 

Kuripot talaga ang lalaking ito kahit kailan. Noong nakaraang araw wala raw siyang dalang pera kaya ako ‘yong pinagbayad niya ng bayad para sa acrylic paints.

“Joke lang! Oo na, ililibre na kita baka mangayayat ka pa,” pang-aasar niya sa akin. Babatukan ko sana siya kaso kumaripas na ng takbo kaya napailing-iling na lamang ako.

Napatingin ako sa canvas kung saan nakalagay ang painting. Hindi pa nakakalahati at hindi pa tapos kaya hindi ko pa maintindihan kung anong gustong ipakita ng painting na ito. Hindi ko pa alam kung anong gustong ipakita ni Ernell.

Mayamaya pa ay nandiyan na siya. May dala siyang iisang baso lang na may kwek-kwek at isang baso rin ng pineapple juice. Paboritong-paborito niya talaga ang kwek-kwek. Hindi ko alam kung nasasarapan ba siya sa kwek-kwek o iyan ang binibili niya dahil diyan siya mas nakakatipid.

“Huwag mong sabihing pagkain mo lang iyan?” tanong ko.

“Share na lang tayong dalawa dito. Kinulang kasi ang budget ko,” natatawang sabi niya.

“Kuripot ka talaga!” pang-aasar ko at inagaw sa kaniya ang basong may laman ng kwek-kwek.

Ganito palagi ang set-up, kapag bibili siya ng pagkain palagi kaming nagshe-share sa iisa. Napakakuripot niya parang hindi pa ako nasanay. Pero mas maganda naman na iyan kesa gumastos siya nang gumastos.

“Hindi talaga ako makapaniwala na ang kaibigang tinutukoy mo noon na ayaw mong mawala, kaya siya ang pinili mo, ay ang pinsan kong si Lowell,” sabi niya matapos lunukin ang kaniyang nginunguya.

“Kaya nga ayaw kong sabihin sa iyo noon na siya yun dahil baka mag-away kayo,” sagot ko naman.

“Ay, wow assuming! Ganda ka? Ikaw pag-aawayan namin?” pang-aasar nanaman niya kaya hinampas ko siya sa kaniyang braso.

“Nakakaasar ka talaga, Ernell! Panira ka!” naaasar na sabi ko sa kaniya kaya napatawa nanaman siya. Kanina pa siya tawa ng tawa. Para tuloy siyang may saltik.

“Joke lang naman! Pero matanong ko lang, kinakausap ka na ba niya ngayon?” tanong niya kaya napabuntong-hininga ako.

“Hindi pa masiyado. Busy kasi siya sa Crizza niya,” tugon ko.

“Nagseselos ka? Hoy, baka hanggang ngayon may gusto ko pa sa pinsan ko!” 

“Hoy ka rin! Hindi ko na siya gusto. Ang akin lang naman, kahit papaano ay naging magkaibigan kami tapos ngayon hindi niya na ako papansinin,” sumbat ko sa kaniya.

“Akala ko type mo pa siya. Aawayin ko talaga siya kapag gano’n,” banta niya na animo’y kayang bumugbog ng tao samantalang takot naman sa gagamba.

“Para kang sira, Ernell! Kung siya pa rin ang gusto ko eh ‘di sana hindi kita pinili. Edi sana hindi tayo mag-jowa ngayon,” litanya ko sa kaniya kaya napa-peace sign siya.

“Ang sabihin mo, pinili mo ako dahil na-head over heels ka sa akin,” pang-aasar pa niya.

“Ay ang kapal ng mukha, ano? Baka ikaw, Ernell!” ganti ko naman kaya napahagikgik lang siya. Kahit kailan talaga ay ang lakas niyang mang-asar.

Halos araw-araw ay iyang ang ipinang-aasar niya sa akin, ang tungkol sa amin noon ni Lowell. Paulit-ulit at tila hindi siya nagsasawa kaaasar sa akin.

Matapos kaming kumain ay ihinatid na ako ni Ernell sa paradahan ng tricycle para makauwi na ako. Tanghali na rin kasi.

“Mag-ingat ka sa pag-uwi mo,” sabi ko sa kaniya bago pumasok sa loob ng tricycle.

“Mag-iingat talaga ako para mas mahabang panahon kita makakasama,” tugon niya.

“I love you, Miarei,” dagdag pa niya kaya natigilan ako at napalunok kasabay ng pagkabog ng mabilis ng puso ko.

Hindi kasi ako sanay na nasasabihan ng ganyang mga salita. Isang linggo na kaming magkasintahan ni Ernell at araw-araw ay sinasabi niya sa akin iyan pero I never replied, “I love you,” pero hindi naman ibig sabihin no’n hindi ko na siya mahal.

Hindi lang talaga ako sanay. Naiilang din akong magsabi ng I love you. 

“Ah… oo nga pala, nevermind—”

“I love you too, Ernell. I love you so much,” tugon ko kaya nanlaki ang mga mata niya. First time, eh.

Kita ko rin ang pagpula ng kaniyang mukha at hindi maitago sa ekspresyon ng mata niya ang kilig at saya. Ganyan pala kiligin ang mga lalaki. Pasimple lang.

“N-Nanaginip ba ako, Miarei?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

“Gusto mo bang bawiin ko ang sinabi ko?” natatawa ko namang tanong sa kaniya kaya agad siyang umiling.

“I love you more,” sabi pa niya at laking gulat ko nang halikan niya ako sa pinsgi. Eksakto naman na nagsidatingan na ang iba pang mga pasahero at umandar na ang tricyle.

Feeling ko ang pula-pula na ng mukha ko. Nakakahiya pa sa ibang mga nakasakay kaya tinakpan ko na lamang ang mukha ko. Shemay ka, Ernell!

Kahit papaano, masaya na ako dahil hindi ko na pinagsisisihan ang pinili ko ngayon dahil alam kong masaya ako sa pinili ko.

Hindi man ako gano’n ka-vocal kay Ernell pero ipinaparamdam ko naman kung gaano ko siya kamahal. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Art of Our Love Story   CHAPTER 9

    CHAPTER 9- ARTIST'S DOUBTSMabilis na lumipas ang buwan. Parang kahapon lang noong unang araw na naging kami ni Ernell, pero ngayon ay tatlong buwan na kami. Parang kahapon lang, Grade 11 pa lang kami pero ngayong ay isang buwan na kaming Grade 12. Habang ninanamnam mo ang bawat sandali doon naman bumibilis ang pagtakbo ng oras. Hindi talaga mapigilan ang paggalaw ng oras. “Goodmorning, Miarei!” salubong sa akin ni Ernell sa harap ng gate kaya napangiti ako. “Magandang umaga rin sa`yo,” nakangiting tugon ko sa kaniya. “Mas maganda ka pa s

  • The Art of Our Love Story   CHAPTER 8

    CHAPTER 8- ARTISTS' LOVEAraw-araw na gano’n ang ginagawa naming dalawa. Pagkatapos ng klase ay pumupunta kami sa grandstand, kukunin niya ‘yong canvas sa guard house at magpe-paint ulit.Isang buwan na rin naming ginagawa ang painting ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin tapos. Kung tutuusin, dapat isang linggo lang tapos na namin ito pero inuunti-unti naming gawin. Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong sagutin si Ernell. Eksaktong Recognition Day namin noong sinagot ko siya. Doon lang din nakilala nina mama at papa si Ernell, mabuti nga ay hindi sila nagalit. “Ang tagal natapos ng recognition ninyo. Ang dami naman kasing nag-speech ng kung anu-ano kaya mas tumag

  • The Art of Our Love Story   CHAPTER 7

    CHAPTER 7- ARTISTS' FAIRYTALEKahit pala nagkamali ka ng pinili sa una ay maaari mo pa rin itong maitama. Hangga’t patuloy na sumisilay ang panibagong umaga ay maaari mo pang maitama ang lahat. Maaari mo pang piliin ang dalat piliin na hindi mo nagawa noon.Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na pumili muli at piliin ang tama, huwag ka ng magdalawang isip pa na gawin kung ano ang nararapat. Huwag mo ng palalampasin pa ang pagkakataon.Katulad sa akin ngayon, hindi ko noon pinili si Ernell kaya labis kong pinagsisihan. Pero ngayon na may pagkakataon na ulit ako, hindi ko na ito palalampasin pa. Gaya ng ginawa ko, pumili muli ako sa pangalawang pagkakataon. Sa pagkakataong ito siya na ang pinili ko.Matapos kong sabihin na siya na ang pinipili ko ay napagdesisyunan nami

  • The Art of Our Love Story   CHAPTER 6

    CHAPTER 6- ARTIST'S CHOICE Karaniwan na kinatatakutan ng lahat ay pagkasira ng pagkakaibigang matagal na binuo. Masakit sa damdamin kapag nasira ang pundasyon ng pagiging magkaibigan ninyo.

  • The Art of Our Love Story   CHAPTER 5

    CHAPTER 5- ARTIST'S COMPUNCTIONSMay mga pagkakataon sa buhay natin na basta-basta na lamang tayong nagpapasya at hindi na inaalam ang maaaring lalabas na negatibong resulta. Hindi na natin naiisip kung tama nga ba ang napili dahil ang emosyon ang nananaig.

  • The Art of Our Love Story   CHAPTER 4

    CHAPTER 4- ARTIST'S MELANCHOLYIsang buwan na ang nakalipas matapos magtapat sa akin si Ernell. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya o hindi dahil pagkatapos no’n ay hindi na kami nakapag-usap pang muli.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status