LOGINCHAPTER 6- ARTIST'S CHOICE
Karaniwan na kinatatakutan ng lahat ay pagkasira ng pagkakaibigang matagal na binuo. Masakit sa damdamin kapag nasira ang pundasyon ng pagiging magkaibigan ninyo.
Isang linggo na matapos ang huling pag-uusap naming ni Lowell pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako pinapansin. Hindi ko nga alam kung bakit siya gano’n.
Simula noong napag-usapan namin ang panliligaw niya kay Crizza, hindi na kami nakapag-usap muli kahit na napagkasunduan naming hanggang magkaibigan lang talaga kami.
Ang ikinasasakit ng damdamin ko ay hindi ‘yong panliligaw niya kay Crizza, kundi ‘yong hindi niya pagpansin sa akin. Kahit papaano magkaibigan kami ni Lowell. Napagkasunduan na nga namin na as a friend na lang tapos ganito ang gagawin niya.
Bahala siya sa buhay niya. Kung hindi niya ako papansinin eh ‘di hindi lang. Bahala na siya sa buhay niya.
“Grabe naman pala ang pagpapaasa sa`yo ni Lowell, ano?” sabi ni Racquel with matching hand gestures pa.
“Eh ‘di balik ka na kay Ernell ngayon?” tanong naman ni Minerva.
“Hindi ko alam. Matapos ko siyang i-reject, baka nasaktan din ‘yon, kaya hindi niya na rin ako papansinin,” sagot ko atsaka napabuntong-hininga.
“Ang lala naman ng nangyari. Hindi ka na nga pinapansin ni Lowell, tapos hindi ka pa papansinin ni Ernell,” sabi pa ni Racquel kaya mas napasimangot ako.
“Tagay!” natatawang sabi ko atsaka itinaas ang milk tea na hawak ko.
“Tagay para sa mga sawi!”
“Matcha cookie para sa mga taong hindi pinili,” nakangising sabi ni Minerva.
“Choco matcha para sa mga babaeng pinaasa,” natatawang sabi ni Racquel atsaka tinignan ako.
“Matcha para sa mga babaeng—”
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang mapatingin ako sa labas ng milktea shop. May kung anong gumuhit sa puso ko dahil sa nakita ko.
“Si Ernell ba iyon? Bakit may kasama siyang ibang babae? `Di ba iyan ‘yong kaklase niya?” sunod-sunod na tanong ni Minerva kaya napatango ako habang hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatingin ko sa kanila.
“Ang sad naman. Iyan kasi hindi siya ang pinili mo, naghanap tuloy ng iba,” pangangantsaw naman ni Racquel kaya napayuko ako.
Kasalanan ko ito, eh. Sana hindi na lang si Lowell ang pinili ko. Gusto ko lang naman isalba ang friendship naming dalawa tapos ako pa ‘yong nasaktan.
Malungkot akong bumalik sa classroom pagkatapos naming pumunta nina Minerva at Racquel sa milk tea shop na malapit sa school namin.
Pagkapasok ko pa lamang ay agad na akong nilapitan ni Kyzer. Mayamaya pa ay nandiyan na rin sila Christian, Kraler, at Adrian.
“Miarei, isasama ka ulit namin sa art contest sa Alcala. Kulang pa kasi kami ng representative kaya ikaw na lang,” wika sa akin ni Kyzer kaya napasimangot ako.
Arts na naman! Si Ernell tuloy ang naaalala ko.
“Ayoko. Hinding-hindi na ako sasama. Isa pa, wala naman akong hilig sa arts, eh. ayoko, hindi ako sasama diyan,” giit ko atsaka pilit na tumatayo ngunit pinigilan ako ni Christian.
Nandito na naman si Christian. Paniguradong iba-blackmail na naman niya ako. Nakakainis talaga! Iniiwasan ko na nga iyang arts na iyan dahil gusto ko ng mag-move on.
“Sige na, Miarei. Sama ka na last naman na ito, eh,” pagpupumilit ni Kyzer sa akin. Tapos pinalibutan pa ako nina Christian, Adrian, at Kraler.
Habang naiinis ako ay pigil naman ako sa pagtawa kapag nakikita kong magkakatabi sina Chris, Adrian, at Kraler. Ang tangkad ni Christian tapos ‘yong dalawa naman ay mas maliliit sa kaniya. Pero kahit gano’n mas matangkad pa rin naman sina Adrian at Kraler sa akin.
Naalala ko pa ‘yong sinabi ni Minerva tungkol kay Kraler. Sinabi ba naman niyang sunog daw si Kraler. Pero para sa akin naman, tama lang iyon na kulay ng kutis niya. Kutis talaga na pang Pilipino. Kahit gano’n pare-pareho naman silang mga guwapo.
“`Di ba charcoal ‘yong kadalasang ginagamit ni Kraler sa artworks niya? Sakto sa kaniya iyon. Bagay niya! HAHAHAHAHA!”
“Sama ka na kasi, Miarei,” pagpupumilit ni Adrian.
“Ayoko na nga kasi,” sagot ko naman kaya lang pinanliitan ako ng tingin ni Christian.
“Sige ka, kapag hindi ka sumama ibubunyag ko ‘yong sikreto mo,” pagbabanta niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Nakakainis talaga ang lalaking ito.
“Anong sikreto?” tanong naman ni Adrian.
“Kasi si Miarei—”
“Oo na! Sasama na ako sa contest na iyan!” napipilitang sabi ko kaya napangisi sila.
“Yes!”
Napasubo nanaman ako sa apat na ito. Mapapasabak nanaman ako sa art contest tapos matatalo nanaman ako. Naalala ko tuloy ‘yong last contest na sinalihan namin. Iyon ‘yong time na nagtapat sa akin si Ernell.
Speaking of Ernell, siguradong kasama nanaman siya. Makakasama ko nanaman siya. Kung kailan naman iiniwasan ko ay doon naman kami pinagtatagpo.
Masyadong biglaan ‘yong contest at walang preparation dahil bukas na kaagad iyon. Ni hindi man lang ako nakapaghanda. Kahit naman na maghanda ako matatalo pa rin naman ako.
Talo naman talaga ako sa lahat ng aspeto. Sa pangarap kong maging astronaut, sa pagkakaibigan namin ni Lowell, at sa kahit saan talong-talo ako.
“Goodluck sa contest bukas,” halos tumalon ang puso ko sa sobrang tuwa at gulat nang biglang sumulpot sa likuran ko si Ernell.
“A-ah… e-eh… ikaw rin, goodluck. Alam kong mananalo ka,” nauutal na sabi ko kaya napangisi siya.
Haist, nakakahiya talaga!
Halos magwala ang puso ko nang ngitian niya ako tumingin ng diretso sa aking mga mata.
Enebe, Ernell kenekeleg ako.
“Salamat sa pagtitiwala sa kakayahan ko,” tugon niya kaya halos matunaw ang tuhod ko.
“Miarei, tungkol pala doon sa nangyari noong nakaraan na pag-uusap natin…”
“I’m sorry, Ernell. Sorry sa ginawa ko dapat hindi ko iyon ginawa. Sorry kung nasaktan ka.” Nasaktan din naman ako no’n. Mas nasaktan pa nga ako.
“Anong ibig mong sabihin?” nagtatatakang tanong niya.
“W-Wala,” matipid na sagot ko atsaka umalis. Ayokong malaman niya na nagsisisi ako na hindi siya ang pinili ko.
Ang tanga mo, Miarei.
Pagkatapos ng klase ay bumili na ako ng materials para sa gagamitin ko bukas. Mixed media arts kasi sa akin. Mabigat nga lang sa bulsa dahil pera namin ang gagamitin namin sa mga materials.
Noon halos isumpa ko ang art na iyan, ngayon naman kasama na ako sa mga contests na may kinalaman sa arts. Hindi lang iyon, dahil sa arts nakilala ko si Ernell. Dahil sa arts nag-umpisa ang pag-ibig na nararamdaman ko. Corny `di ba? Well, that’s love.
Wala naman kaming masiyadong ginawa ngayong araw na ito pero umuwi ako ng bahay na pagod na pagod. Physically, emotionally, and mentally.
“Ma, may art contest pala kami bukas sa Alcala baka ma-late ako ng uwi,” pagpapaalam ko.
Pero kahit naman na late na akong umuwi hindi naman nila ako hahanapin.
“Saan naman iyan gaganapin?” tanong naman ni papa.
“Sa Alcala raw, medyo malayo kaya baka gabihin ako sa pag-uwi,” sabi ko pa ngunit tumango lang sila bilang pagtugon.
‘Yon lang iyon? Samantalang ‘yong ibang mga magulang tatanungin nila kung magiging okay ba ang sitwasyon ng anak doon. O kaya naman ay sasabihan ng goodluck.
How nice. Goodluck, self.
Gusto ko lang naman makuha ay ang suporta ng mga magulang ko sa mga contests at pangarap ko pero hindi nila maibigay. Mahirap ba ang hinihiling ko?
Kinagabihan ay halos hindi ako makatulog. Iniisip ko ‘yong contest sa Alcala dahil hindi ako gano’n ka-prepared. Isa pa, iniisip ko ‘yong nangyari sa amin ni Ernell. Kung alam ko lang na gano’n ang kahahantungan ng pagpili k okay Lowell, sana si Ernell na lamang ang pinili ko.
Maaga akong nagising dahil ngayon na ang contest namin sa Alcala. Ako nga ang unang dumating sa meeting place namin. Sunod namang dumating si Adrian. Mabuti na lamang ay hindi si Ernell.
“Goodluck sa atin mamaya!” excited na sabi ni Kyzer habang nasa loob kami ng sasakyan at tinatahak ang daan papuntang Alcala.
“Iuwi natin lahat ng awards. Dapat tayo lahat ang makakuha,” sabi naman ni Christian samantalang ako ay nananahimik lang dahil nasa likuran ko lang si Ernell.
“Tandaan ninyo, kasama kayo sa contest hindi dahil sa pansarili ninyong karangalan. Kasama kayo sa contest para sa karangalan at pangalan ng school natin,” wika ng mga coaches namin sa amin na mas ikinagana ng loob namin.
“Guys, may problema,” biglang sabi ni Ernell at bakas sa boses niya na parang may problema nga.
“Ano iyon?” tanong naman ni Adrian.
“Wala pa akong canvas. Wala akong nabili kahapon,” tugon ni Ernell.
What? Paano siya gagawa ng sa kaniya kung wala siyang canvas?
“Paano iyan ngayon?” tanong naman ni Kraler.
Kinakabahan tuloy ako para sa bebe ko—este, para kay Ernell. Paano niya gagawin ‘yong entry niya kung wala siyang canvas? Iyon pa naman ang pinakaimportante.
“Ma’am, daan na lang kaya tayo sa Urdaneta para bumili ng canvas?” suggestion ni Kraler kay Ma’am Yen.
“Pwede naman pero liliko pa tayo,” sabi naman ni Sir Nath.
“Huwag na. May mabibilhan naman siguro doon sa Alcala,” tugon ni Ma’m Yen kaya wala kaming nagawa.
Sana nga’y may mabilhan doon dahil kung wala ay lagot na. Kung walang canvas, walang maipapasang entry si Ernell. Kung wala siyang entry, hindi siya mananalo.
“`Wag ka ng mag-aalala, par, may mabibilhan naman siguro doon,” sabi ni Kyzer kay Ernell.
Hanggang sa makarating kami sa Alcala ay bakas pa rin sa mukha ni Ernell ang pag-aalala. Parang gusto ko tuloy siyang i-comfort. With harot nga lang.
Pagkarating naming sa auditorium kung saan gaganapin ang contest ay eksaktong mag-uumpisa na ang contest. Binigyan lamang kami ng dalawang oras para tapusin ang entry namin.
“Ma’am, paano po ‘yong sa akin? Paano ko po sisimulan kung wala akong canvas?” nag-aalalang tanong ni Ernell.
“Sana kasi dumaan na lang tayo sa Urdaneta,” naiinis na bulong ni Adrian.
“Kayong mga kumpleto na ang mga materials umpisahan niyo na ‘yong sa inyo. Sasamahan ko si Ernell na humanap ng canvas,” sabi ni Ma’am Yen kaya agad na naming inilabas ang mga materials namin.
Uumpisahan ko na sana ‘yong mixed media art ko kaya lang ay nakita kong papalapit sa akin ni Ernell. Bigla tuloy akong kinabahan tapos feeling ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko.
“Uhm… goodluck pala sa iyo, Miarei,” Sabi niya sa akin habang sumisilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi.
“T-Thank you, Ernell. Ikaw rin, sana makahanap ka na ng canvas mo,” tugon ko kaya mas napangiti siya saka lumakad papalayo at sinundan si Ma’am Yen.
Habang ginagawa ko ang output ko ay hindi ko maiwasang mag-alala kay Ernell. Kalahating oras na kasi ang nakalilipas pero hindi pa sila bumabalik.
Napatingin ako kila Kyzer, Christian, Adrian, at Kraler na busy sa paggawa ng kanilang mga entry. Mabuti sa kanila ay naumpisahan na nila pero si Ernell ay wala pa rin hanggang ngayon.
Si Kyzer ay nasa category ng Mixed Media Arts (canvas), sa Charcoal Pencil Rendering ay si Kraler, Color Pencil Rendering naman kay Adrian, at Paper Quilling naman kay Christian.
Napatingin ako sa paligid at nakita kong naglilibot si Ernell at sa tingin ko ay iniisa-isa niya ang mga contestants kung may extra ba silang canvas.
Lord, tulungan niyo pong makahanap ng canvas si bebe Ernell, please.
Makalipas ang isang oras ay paparating na si Ernell na malawak ang ngiti habang may dala-dalang canvas. Eksakto naman na patapos ko na ang akin. Sina Kyzer naman ay tapos na rin sa kanilang ginagawa.
“Mabuti may nahanap kang canvas,” tuwang-tuwang sabi ni Christian.
“Oo nga, eh. Mabuti na lamang ay may nakapagbigay sa akin,” tugon niya at inilabas na niya ang mga acrylic paints niya.
“Sino naman ang savior mo?” natatawang tanong ni Adrian.
“Nakalimutan kong itanong ‘yong pangalan niya pero babae siya. `Di bale, magkikita naman kami mamaya,” nakangiting sagot niya.
Tila nanikip ang dibdib ko sa sagot niya. Makikipagkita siya mamaya sa babaeng “savior” niya raw.
“Yieee! Iba ka talaga, par! Mukhang may mabibingwit ka ng chix!” pang-aasar sa kaniya ni Kraler pero napangisi lamang siya. Napatingin naman sa akin si Christian, ngunit nag-iwas lamang ako ng tingin.
“Tama na nga iyang daldal ninyo. Umpisahan mo na iyan, Ernell. Less than one hour na lang ang natitirang oras,” nag-aalalang sabi ni Christian. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa sinabi nila Kraler o dahil ba kulang na sa oras si Ernell.
Pagkatapos kong gawin ang entry ko ay pinanuod ko na si Ernell. Napatingin ako sa mukha niya habang ginagawa niya ang kaniyang painting. Bakas sa mukha niya ang pag-aapura at pag-aalala.
Sakto naman na natapos niya ang kaniyang painting nang maubos na ang oras na ibinigay sa amin. Kahit na rush na ang ginawa ni Ernell ay maganda pa rin ang kinalabasan.
“Ang ganda…” hindi ko napigilan ang bibig ko sa sinabi ko. Totoo naman kasi na ang ganda ng gawa niya.
“Tara, ipasa na natin,” sabi ni Adrian kaya sumama na ako sa kanila at ipinasa ang likha namin.
Pagkatapos no’n ay pinuntahan na kami ng mga coaches namin. Una kong nakita ay si Ma’am Yen na dahilan kung bakit nag-rush si Ernell. Nakakaasar siya.
“Pwede na muna kayong gumala sa gusto ninyong puntahan. Kayo na ang bahala kung saan niyo gustong kumain. Basta bumalik kayo before awarding,” sabi sa amin ni Ma’am Chael kaya napatango kami.
“Par, pupuntahan ko muna ‘yong sinasabi ko sa inyo kanina,” pagpapaalam ni Ernell kaya hindi ko mapigilang mapasimangot.
“Ayieee! Sige, par, puntahan mo na,” gatong din ni Kraler kaya inirapan ko sila ng hindi nila alam.
“Paano ba iyan, tayong lima na lang muna ang magkakasama,” sabi naman ni Kyzer.
Mabuti na lamang ay may malapit na kainan dito sa auditorium kaya hindi na kami napalayo pa. Nakakailang nga dahil mag-isa ko lang na babae. Buti na lang parang binabae si Kyzer kaya may nakakausap ako ng hindi naiilang.
Hindi ko nga alam sa lalaking ito kung straight siyang lalaki o bisexual. Sayang, may histura pa naman din siya. Maputi na tapos singkit pa. ‘Yon nga lang, gaya ni Ernell ay hindi rin siya gano’n katangkad.
“Kumusta kaya si Ernell ngayon doon sa bagong chix na nabingwit niya?” natatawang tanong ni Adrian kaya napatingin ako. Kita ko sa peripheral vision ko na napatingin sa akin si Christian.
“Wala, hindi niya iyon mabibingwit,” tugon naman ni Christian.
“Bakit ba ang bitter mo sa lovelife ni Ernell? Crush mo siya ano?” pang-aasar naman ni Kraler. Inaamin ko, medyo natawa ako sa sinabi niya.
“`Nimal ka, par! Kung anu-ano ang iniisip mo!” sagot ni Christian kaya napatawa kami.
“Ikaw, Miarei, sa tingin mo ba nabingwit na ni Ernell iyon?” tanong naman sa akin ni Kyzer kaya muntik pa akong masamid sa kinakain ko.
“Malay ko, bakit ako ang tinanatanong niyo?” tanong ko naman kaya napangisi lang sila, lalo na si Christian.
Eh, kung upakan ko kaya silang lahat?
Makalipas ang isang oras ay bumalik na kami sa auditorium at pinuntahan sina Ma’am Yen dahil awarding na. Eksakto naman na paparating na rin si Ernell. Kung anu-ano na naman ang pinag-usapan nila tungkol sa chix na iyan kaya hindi na ako nakinig.
Napatahimik lang sila nang ianunsyo na nila kung sino ang mga panalo.
“Par, sigurado ako mananalo tayo!” confident na sabi ni Christian.
Ilang saglit pa ay inanunsyo na ng emcee ang mga panalo. Unang inanusyo ay ang sa Mixed Media Arts (Canvas).
“And our first place for the Mixed Media Arts (Canvas)… Mr. Kyzer Cosca!” sabi ng emcee kaya nagpalakpakan kaming lahat.
“Sana all! Congrats, par!” tuwang-tuwang sabi ni Adrian. Hindi lang doon nagtatapos ang lahat. Nanalo rin si Kraler, first place sa charcoal pencil rendering. Fifth place naman si Adrian sa color pencil rendering.
Ito ang nakakatuwa, first place si Christian sa paper quilling pero dadalawa lang naman silang magkalaban. Proud na proud pa siya dahil doon.
“For the mixed media arts (bottle), our second place is Miarei Laluan!” biglang tumigil ang mundo ko sa narinig ko.
Hindi ko inaasahan na mananalo ako. Ilang beses na akong sumama sa mga contest pero ngayon lang ako nanalo. Shemay baka panaginip lang ang lahat!
“Wow! Congrats, Miarei! Sabi sa iyo mananalo ka!” tuwang-tuwa na sabi ni Christian at nakipag-apir pa sa akin.
Pagkaakyat ko sa stage para kunin ang certificate at medal ko ay agad akong napatingin sa gawi ni Ernell na malawak ang ngiti. Taksil ka, doon ka na sa chix mo.
Last na inanunsyo ay ang sa Landscape Acrylic Painting. Panglima si Ernell pero para sa akin siya pa rin ang number one. Ang ganda kaya ng sa kaniya. Siguro kung hindi lang siya nag-rush ay siya talaga ang number one.
Noong pauwi kami ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa biyahe. Nagising na lamang ako noong gisingin ako ni Kyzer.
Madilim na nang makarating kami dito sa Manaoag. Umalis na silang lahat bukod kay Ernell. Kanina niya pa ako gustong kausapin pero iwas lang ako ng iwas.
“Miarei, kanina pa kita kinakausap pero bakit mo ako iniiwasan?” tanong niya sa akin kaya mas napaiwas ako ng tingin.
Laking gulat ko nang higitin niya ako papalapit sa kaniya at pilit na ipinapaharap sa kaniya.
“May problema ka ba sa akin? Bakit mo ako iniiwasan?” tanong niya ulit sa akin.
“Hindi na mahalaga ang sagot ko,” malamig na tugon ko at pilit na hinihila ang kamay ko pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa akin.
Medyo masakit na ang pagkakahawak niya at wala siyang balak na bitawan ang kamay ko. Masiyado kang mapanakit, Ernell.
“Miarei, please sagutin mo ang tanong ko. Ayoko lang na umiiwas ka sa akin,” sabi niya sa akin at may halong pagmamakaawa sa boses niya.
“A-Ano naman sa iyo kung umiiwas ako… `di bale may chix ka naman na,” nauutal na sagot ko.
“Nagseselos ka ba?” natatawang tanong niya sa akin. Oo, selos na selos ako!
“H-Hindi, ah! B-Bakit naman ako magseselos?” nahihiyang sabi ko.
“Nararamdaman ko, Miarei. Kahit na hindi mo ipagkaila alam kong nagseselos ka. Hindi naman ako nakipagkita doon sa babaeng iyon. May binili lang ako,” sagot niya kaya napatingin ako sa kaniya.
Napatingin ako sa hawak niyang teddy bear galing sa loob ng bag niya kasama ang mga letters na nais niyang ibigay sa akin noon.
“Please, Miarei, tanggapin mo ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung ire-reject mo nanaman. Please…” pagmamakaawa niya pero hindi ako umimik. Napayuko lamang ako.
“Miarei, sa panghuling pagkakataon, ako ba o ang kaibigan mo?” tanong niya at iniharap niya ang mukha ko at tumingin ng diretso sa mga mata ko.
“E-Ernell…”
“Please, Miarei sagutin mo ako—”
“Sorry, Ernell,”
“Anong ibig mong sabihin?” naiiyak na tanong niya.
“Sorry kung hindi ikaw ang pinili ko noon. pero ngayon… ikaw, Ernell. Ikaw ang pinipili ko.”
CHAPTER 9- ARTIST'S DOUBTSMabilis na lumipas ang buwan. Parang kahapon lang noong unang araw na naging kami ni Ernell, pero ngayon ay tatlong buwan na kami. Parang kahapon lang, Grade 11 pa lang kami pero ngayong ay isang buwan na kaming Grade 12. Habang ninanamnam mo ang bawat sandali doon naman bumibilis ang pagtakbo ng oras. Hindi talaga mapigilan ang paggalaw ng oras. “Goodmorning, Miarei!” salubong sa akin ni Ernell sa harap ng gate kaya napangiti ako. “Magandang umaga rin sa`yo,” nakangiting tugon ko sa kaniya. “Mas maganda ka pa s
CHAPTER 8- ARTISTS' LOVEAraw-araw na gano’n ang ginagawa naming dalawa. Pagkatapos ng klase ay pumupunta kami sa grandstand, kukunin niya ‘yong canvas sa guard house at magpe-paint ulit.Isang buwan na rin naming ginagawa ang painting ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin tapos. Kung tutuusin, dapat isang linggo lang tapos na namin ito pero inuunti-unti naming gawin. Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong sagutin si Ernell. Eksaktong Recognition Day namin noong sinagot ko siya. Doon lang din nakilala nina mama at papa si Ernell, mabuti nga ay hindi sila nagalit. “Ang tagal natapos ng recognition ninyo. Ang dami naman kasing nag-speech ng kung anu-ano kaya mas tumag
CHAPTER 7- ARTISTS' FAIRYTALEKahit pala nagkamali ka ng pinili sa una ay maaari mo pa rin itong maitama. Hangga’t patuloy na sumisilay ang panibagong umaga ay maaari mo pang maitama ang lahat. Maaari mo pang piliin ang dalat piliin na hindi mo nagawa noon.Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na pumili muli at piliin ang tama, huwag ka ng magdalawang isip pa na gawin kung ano ang nararapat. Huwag mo ng palalampasin pa ang pagkakataon.Katulad sa akin ngayon, hindi ko noon pinili si Ernell kaya labis kong pinagsisihan. Pero ngayon na may pagkakataon na ulit ako, hindi ko na ito palalampasin pa. Gaya ng ginawa ko, pumili muli ako sa pangalawang pagkakataon. Sa pagkakataong ito siya na ang pinili ko.Matapos kong sabihin na siya na ang pinipili ko ay napagdesisyunan nami
CHAPTER 6- ARTIST'S CHOICE Karaniwan na kinatatakutan ng lahat ay pagkasira ng pagkakaibigang matagal na binuo. Masakit sa damdamin kapag nasira ang pundasyon ng pagiging magkaibigan ninyo.
CHAPTER 5- ARTIST'S COMPUNCTIONSMay mga pagkakataon sa buhay natin na basta-basta na lamang tayong nagpapasya at hindi na inaalam ang maaaring lalabas na negatibong resulta. Hindi na natin naiisip kung tama nga ba ang napili dahil ang emosyon ang nananaig.
CHAPTER 4- ARTIST'S MELANCHOLYIsang buwan na ang nakalipas matapos magtapat sa akin si Ernell. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya o hindi dahil pagkatapos no’n ay hindi na kami nakapag-usap pang muli.