MasukCHAPTER 4- ARTIST'S MELANCHOLY
Isang buwan na ang nakalipas matapos magtapat sa akin si Ernell. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya o hindi dahil pagkatapos no’n ay hindi na kami nakapag-usap pang muli.
“Miarei, naman! Sabihin mo na kasi kung ano ‘yong sasabihin mo. Isang buwan na akong pinapatay ng curiousity,” naiinis na sabi ni Minerva.
Sinabi ko kasi sa kaniya noon na may sasabihin ako tungkol kay Ernell pero hindi ko itinuloy dahil siguradong aasarin niya ako nang aasarin.
Eksakto naman kasi ngayon na practice lang namin para sa mass dance sa foundation day. Magkakasama lahat ng mga Grade 11 kaya magkasama kami ngayon ni Minerva.
“Ipangako mo na hindi mo ako aasarin kapag sinabi ko,” sabi ko sa kaniya kaya napatango siya.
“Promise, hindi kita aasarin,” nakangiting sagot niya kaya napahinga ako nang malalalim.
“Umamin sa akin si Ernell na gusto niya rin ako. Noong una nga hindi ako makapaniwala, eh,” kinikilig na sabi ko atsaka ikinuwento ko sa kaniya ‘yong nangyari sa mga contests.
“Totoo? For real?! Buti ka pa crush ng crush mo, samantalang ako hindi man lang pansinin ni Christian,” kinikilig din na sabi niya ngunit mayamaya ay napatigil siya.
“Miarei, I can’t believe it!” tili niya at tila kumikinang pa ang mga mata niya.
“Bakit?” naguguluhang tanong ko. Ano nanaman kaya ang mayroon sa babaeng ito?
“Si Ernell! Kanina pa nakatitig sa`yo,” Tugon niya kaya napatingin ako sa direksyon ng tinitignan niya at gayon na lamang ang pagkabog ng puso ko nang nakita kong nakatitig sa akin si Ernell.
Nagtama ang mga mata namin ngunit hindi pa rin siya nag-iiwas ng tingin. Nagkatitigan kami at tila wala siyang balak mag-iwas ng tingin kaya ako na ang umiwas.
“Ayieee!” napabalik ako sa reyalidad nang sundutin ni Minerva ang tagiliran ko.
Buong practice namin ng mass dance ay hindi na ako makapag-focus dahil feeling ko ay nakatingin pa rin sa akin si Ernell. Paminsan-minsan naman ay sumusulyap ako sa kaniya at nahuhuli ko pa rin siyang nakatingin sa akin.
Hindi siya sumama sa mass dance kaya pinapanood niya lamang kami mula sa tapat ng kanilang classroom.
Pasado alas singko natapos ang practice at mag-isa na lamang akong naglalakad papuntang sakayan pauwi sa amin. Eksakto naman na pagsakay ko ay sumakay rin si Christian at ngumiti siya sa akin.
“Akala mo hindi ko alam, ah,” sabi niya at ngumisi na tila nang-aasar.
Nakakainis talaga ang lalaking ito. Ang sarap basagin ng salamin niya.
“Anong hindi mo alam?” naguguluhan na tanong ko at kunwari ay hindi ko alam ang tinutukoy niya.
“Gusto ka rin ni Ernell,” sagot niya.
“Paano mo alam?” Nahihiyang tanong ko.
“Sinabi niya sa akin. Atsaka, halata naman sa mga galaw niya, eh. Ibang-iba ang pakikitungo niya sa`yo,” sabi pa niya. Ibig sabihin, totoo nga ang inamin ni Ernell sa akin?
“Napakaswerte mo dahil gusto ka rin ng taong gusto mo,” wika niya kaya napabuntong-hininga ako.
Muntik ko ng sabihin na, “Oo nga, napakaswerte ko dahil gusto ako ng gusto ko, samantalang si Minerva na gusto ka ay hindi mo naman gusto.” Pinigilan ko na lamang ang bibig ko dahil ayaw ko namang ibuking si Minerva.
May kabilang bahagi sa akin na nalulungkot ako. Masasaktan ko kasi Lowell, tapos pinsan niya pa ‘yong gusto ko na nagkakagusto rin sa akin. Ayokong masayang ang pinagsamahan namin.
Kinagabihan ay nag-chat sa akin si Lowell at nagso-sorry dahil madalas ay hindi niya ako pansinin. Sinabi ko naman na naiintindihan ko siya. Sinabi rin niya na babawi siya sa akin.
Napatigil ako sa pagta-type dahil sa message niya sa akin.
“Babawi ako sa`yo. Ayoko kasing mapalayo ka sa akin at tuluyan kang mawala sa akin.”
Anong ibig sabihin niya sa sinabi niya? Totoo nga ba talaga na may gusto rin siya sa akin? Kailangan kong mahanap ng kasagutan at bukas na bukas din ay gagawa ako ng aksyon.
Napunta ang usapan namin tungkol kay Ernell. Gayon na lamang ang pagkainis ko nang kung anu-anong masasama ang sinasabi niya tungkol kay Ernell.
“Si Ernell, kung ano ang gusto niya iyon lamang ang nasusunod. Late na rin siyang umuuwi sa bahay nila dahil nakatambay siya palagi sa computer shop.”
“Naubos din ang ipon niya dahil doon. Pati nga pag-aaral niya ay napapabayaan niya na.”
Iyan ang mga sinabi niya sa akin. Ang mga sinabi niya ay malayo sa pagkakakilala ko kay Ernell. Madalas kasi na sinasabi nila Christian at Kyzer na masipag si Ernell. Siya halos ang gumagawa ng mga gawaing bahay kaya maaga siyang umuuwi.
Pero ang mas ikinainis ko ay ang huling sinabi ni Lowell.
“Mali ang pagkakakilala mo kay Ernell. Mas malala ang ugali niya sa inaakala mo.”
Hindi na ako nag-reply dahil sa inis ko. Bakit niya ba sinasabi iyon? Dahil ba nagseselos siya? Dahil ba natugan niya na ang pinsan niya ang gusto ko at hindi siya?
Kinabukasan, pagkarating ko sa school ay hinanap ko kaagad si Lowell. Lumapit ako sa kaniya kaya napatingin siya sa akin.
“Pwede ko bang mahiram ‘yong cellphone mo?” tanong ko sa kaniya.
“Anong gagawin mo?” tanong din niya sa akin.
“Icha-chat ko sana si Minerva. Naiwan ko ‘yong cellphone ko sa bahay,” sagot ko kaya agad niyang ibinigay sa akin ang phone niya.
“Basta para sa`yo,” wika niya atsaka ngumiti. Kakalikutin ko na sana ang cellphone niya ngunit dumating na ang titser namin. Nawalan ako ng time para kalikutin iyon dahil ang daming ipinagawa sa amin.
Mabuti na lamang ay wala kaming last period sa umaga kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para maisagawa ang plano ko.
Una akong pumunta sa gallery niya at napadpad ako sa folder kung saan naroon ang mga screenshots at halos mawalan ako ng hininga dahil sa malakas na pagkabog ng puso ko dahil sa nakita ko.
Screenshot iyon ng convo namin at nilagyan niya ng caption na, “Pinapaasa mo lang ako kasi alam mo na crush kita.”
Ibig bang sabihin tama nga ang hinala ko? May gusto talaga sa akin si Lowell? Paano na ito? Pareho silang magpinsan na may gusto sa akin.
Agad kong ipinasa ang picture sa cellphone ko. Oo, dala ko ang cellphone ko at nagsinungaling ako na naiwan ko ito.
Eksakto naman na dumating si Lowell para kunin ang cellphone niya. Mabuti na lamang ay naipasa ko na iyon sa cellphone ko at agad kong naitago.
“S-Salamat,” kinakabahan na sabi ko at ibinalik ang cellphone niya. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil sa nalaman ko. Ewan ko ba kung bakit.
Ngumiti lang siya nang malawak atsaka umalis. Naiwan naman akong tulala at bigla na lang din akong napangiti.
Noong nalaman ko na vacant nina Minerva ay agad ko siyang pinapunta sa classroom naming. Eksakto naman na nakikipagdaldalan sina Queenie at Kyzer sa iba naming mga kaklase kaya makakausap ko si Minerva.
“Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko,” panimula ko kay Minerva kaya napatingin siya sa akin dahil busy siya sa pages-cellphone.
“Ano na naman ba iyon?” tanong niya naman sa akin.
“Crush din ako ni Lowell!” nakangiting sagot ko kaya nanlaki ang mga mata niya.
“Seryoso?” hindi makapaniwalang tanong niya kaya ipinakita ko ang picture na nakalkal ko sa gallery ni Lowell.
“Ngayon malinaw na sa akin kung ano ako sa kaniya,” hindi mabura ang ngiti sa labi ko habang sinasabi ko iyon.
“Pero, paano iyan? May gusto sa`yo si Lowell tapos gusto ka rin ng pinsan niya?” tanong ulit ni Minerva kaya napaisip ako.
Malaking problema nga ito. Baka mag-away silang dalawa o baka masira ang samahan nila kapag nalaman nila na magkaribal pala sila sa akin.
Pero kung tutuusin, hindi ko naman dapat problemahin iyon, eh. Mas gusto ko si Ernell. Yun nga lang ay ayaw kong masaktan si Lowell at may parte sa akin na para bang sinasabing si Lowell na lang.
Noong sumunod na araw ay tahimik akong nagpapahinga sa room dahil katatapos lang ng practice namin para sa mass dance nang lapitan ako ni Queenie.
“Miarei, may naghahanap sa`yo sa labas ng room,” sabi sa akin ni Queenie. Baka si Minerva lang iyon. Madalas kasi siyang pumunta dito sa room.
“Sino raw?” tanong ko pero nagkibit-balikat lamang siya kaya napagpasiyahan kong lumabas na lang at tignan kung sino.
Pagkalabas ko ng room ay nakita ko si Christian na nakatayo sa hallway. Wala namang ibang tao bukod sa kaniya kaya siya siguro ang naghahanap sa akin.
“Ikaw ba ang naghahanap sa akin?” tanong ko sa kaniya kaya lumapit siya sa akin.
“Oo,” matipid na sabi niya sa akin.
“Anong kailangan mo?” Kailangan mo ba si Minerva? Charot lang. Alangan naman na iyan ang itanong ko sa kaniya.
“May importante akong sasabihin sa`yo mamaya. Pumunta ka ng alas kuwatro sa grand stand doon ko sasabihin sa`yo,” tugon niya sa akin at dali-dali ng tumakbo papalayo kaya hindi ko na naitanong kung bakit mamayang alas kuwatro pa.
Ano naman kaya ang sasabihin niya? Bakit kailangang sa grand stand pa at hindi na lang dito? Ang lakas din ng trip ng crush ni Minerva.
“Kausap mo na naman si Christian! Ang dayaaaa!” napatalon pa ako sa gulat nang biglang sumulpot sa likuran ko si Minerva na may kasamang babae.
“Ha? Hindi, ah. Tinanong niya lang kung saan ang room nila Ernell ngayon,” pagsisinungaling ko. Bakit ba hindi ko sinabi ang totoo?
“May ipapakilala nga pala ako sa`yo. Si Racquel De Vera, bago kong kaibigan. Racquel, si Miarei nga pala best friend ko,” pagpapakilala ni Minerva. Saan niya naman nakilala si Racquel?
“Sana maging magkaibigan din kayo para tatlo na tayo!” masayang sabi ni Minerva.
“Saan mo siya nakilala?” bulong ko kay Minerva.
“Shunga ka ba? Kaklase natin siya noong Grade 7 kaya lang nag-transfer siya. Tapos ngayon bumalik ulit siya dito sa school. Tapos ayun, ako ‘yong una niyang nahagilap sa mga dati nating kaklase,” sagot niya kaya napatingin ako kay Racquel na nakangiti sa akin.
“Ah, naaalala na kita! Ikaw ‘yong pumuntang Canada! Hoy, palagi tayong magkatabi noon! Kaya nga pareho rin tayong nakakuha ng zero sa math noon,” sabi ko kaya napatawa siya.
“Yieee, nice to meet you ulit,” sabi niya sa akin.
“Same here! Sige, simula ngayon bubuo na tayo ng squad kasama ka,” wika ko kaya halos mapunit ang mukha nilang dalawa ni Minerva dahil sa lawak ng mga ngiti nila.
“Sabay tayong umuwi mamayang hapon,” sabi sa akin ni Minerva kaya napailing ako.
“Hindi pwede. May pupuntahan ako mamaya, eh,” sagot ko kaya napasimangot siya. Kakausapin pa ako mamaya ni Christian, eh.
“Sige, kasabay ko na lang si Racquel mamaya,” sabi niya at halos mapasigaw ako sa sakit nang paluin niya ang braso ko `saka kumaripas ng takbo.
Para talagang bakal ‘yong kamay niya! Ang payat pero ang sakit naman ng palo niya. Parang dos por dos!
Pagpatak ng alas kuwatro ay pumunta na ako sa grand stand. Eksakto naman kasi na wala kaming klase kaya hindi ko na kailangan pang lumiban sa last subject namin.
Pagkarating ko doon ay wala naman si Christian doon bukod kay Ernell na nakaupo sa gilid. Aalis na sana ako pero bigla siyang lumapit sa akin.
“Nasaan na si Christian?” kinakabahang tanong ko sa kaniya ngunit umiling lamang siya.
Napalunok naman ako at halos sumabog ang puso ko dahil sa pagkabog nito nang mabilis. Tila nakikipag-unahan ang bawat pintig nito.
“Wala si Christian dito,” sagot niya.
“Sabi niya puntahan ko raw siya dito dahil may sasabihin siya sa akin,” wika ko naman.
“Wala siyang sasabihin sa`yo. Ako ang may sasabihin sa`yo,” seryosong sabi niya sa akin kaya napalunok ako.
“Hindi! Sabi niya sa akin—”
“Ako nga ang may sasabihin sa`yo. Sinabi lang iyon ni Christian para mapapunta ka dito. Kakuntsaba ko siya,” tugon niya kaya napalunok ako.
Aish! Kapag nakita ko lang talaga si Christian babatukan ko siya nang malakas! Lumapit pa siya sa akin kaya muling dumagundong ng mabilis ang puso.
“Miarei, gusto kong marinig mula sa`yo kung ano nga ba ako para sa`yo,” sabi niya sa akin kaya nanlambot ang mga tuhod ko.
“Nahuhuli rin kitang nakatitig sa akin. Kung minsan ay nakikipagititigan ka pa. Alam kong may ibig sabihin ang lahat iyon,” dagdag pa niya.
“E-Ernell—”
“Please, sabihin mo sa akin ‘yong totoo,” kita ko sa mga mata niya ang pagmamakaawa. Pero kasi naguguluhan din ako sa nararamdaman ko. Paano si Lowell? Paano kung malaman niya ito? ayokong magalit siya sa akin. Ayokong magtampo siya.
“Naguguluhan pa rin ako, Ernell. Bigyan mo muna sana ako ng time para makapag-isip. Hindi ako handa,” sagot ko kaya napabuntong hininga siya.
“Sabihin mo lang naman ang totoong nararamdaman mo sa akin. ‘Yong lang naman ang gusto kong marinig.”
“Ernell…”
Maya-maya ay may kinuha siya sa gilid. Isang boquet ng bulaklak at may mga handwritten letters pa. Inabot niya iyon sa akin. Nakatingin na rin ang ibang mga tao sa amin mabuti na lamang ay malayo kami.
“Ernell, gusto kita. Oo, may nararamdaman din ako sa`yo pero napakakomplikado kasi. May masasaktan ako sa oras na ibigay ko rin ang pag-ibig ko sa`yo. Ayokong masira iyon dahil ang tagal na ng pinagsamahan namin. Natatakot ako na baka bigla siyang lumayo dahil dito,” sabi ko kaya nagulat siya sa sinabi ko.
“Ibig sabihin gusto mo rin ako?” tanong niya kaya napatango ako.
“Oo, pero sa tingin ko hanggan doon na lamang iyon,” malungkot na sabi ko.
Kahit na malaman kong may gusto sa akin ang crush ko ay maaari dahil ayokong isakripisyo ang pinagsamahan namin ni Lowell. Sigurado ako na kapag nalaman niya ay masisira ang pinagsamahan namin at relasyon nila ng pinsan niya dahil may gusto rin siya sa akin.
“Bakit naman siya magagalit? May gusto ba siya sa`yo?” tanong niya muli sa akin kaya napatango ako. Kita ko ang muli niyang pagbuntong hininga.
“Kung gano’n, hayaan mong ibigay ko ang mga ito sa`yo. Please accept these things,” sabi niya at muli niyang inabot ang mga hand written letters at bulaklak pero napailing ako.
“Gano’n ba siya kaimportante sa`yo?” malungkot na tanong niya.
“Oo, sobra at ayokong masira ang pinagsamahan namin. Atsaka hindi lang naman ang pinagsamahan naming ang masisira.” Pati ang samahan ninyong magpinsan.
“Sino ang mas importante, ako o… siya?” nag-aalinlangang tanong niya kaya napapikit ako.
Bakit ba ang hihirap ng mga tanong niya sa akin. Gusto ko si Ernell pero kasi importante sa akin si Lowell. Importante ang samahan naming dalawa.
“Ayoko ng tanong mo, Ernell. Hindi ko iyan masasagot.”
“Ako o siya?” tanong niya ulit.
Dahil wala na akong choice, kailangan ko ng sagutin ang tanong niya at wala akong pagsisisihan sa pipiliin ko.
“Siya. Ernell, gusto kita pero mas importante ang pinagsamahan naming dalawa, sana maintindihan mo,” sagot ko kaya nalaglag niya ang hawak niyang bulaklak at mga letters.
“Hindi mo ba pagsisisihan iyan?” tanong niya kaya napatango ako. Napaupo na lamang siya sa gilid at tumingin sa malayo. Bakas sa mukha niya ang lungkot at pagkadismaya.
Hindi na niya ako kinausap pa kaya lumakad na ako papaplayo. Sana nga huwag kong pagsisihan ito. Isa pa, kailangan kong hanapin bukas si Christian! Babatukan ko talaga siya!
CHAPTER 9- ARTIST'S DOUBTSMabilis na lumipas ang buwan. Parang kahapon lang noong unang araw na naging kami ni Ernell, pero ngayon ay tatlong buwan na kami. Parang kahapon lang, Grade 11 pa lang kami pero ngayong ay isang buwan na kaming Grade 12. Habang ninanamnam mo ang bawat sandali doon naman bumibilis ang pagtakbo ng oras. Hindi talaga mapigilan ang paggalaw ng oras. “Goodmorning, Miarei!” salubong sa akin ni Ernell sa harap ng gate kaya napangiti ako. “Magandang umaga rin sa`yo,” nakangiting tugon ko sa kaniya. “Mas maganda ka pa s
CHAPTER 8- ARTISTS' LOVEAraw-araw na gano’n ang ginagawa naming dalawa. Pagkatapos ng klase ay pumupunta kami sa grandstand, kukunin niya ‘yong canvas sa guard house at magpe-paint ulit.Isang buwan na rin naming ginagawa ang painting ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin tapos. Kung tutuusin, dapat isang linggo lang tapos na namin ito pero inuunti-unti naming gawin. Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong sagutin si Ernell. Eksaktong Recognition Day namin noong sinagot ko siya. Doon lang din nakilala nina mama at papa si Ernell, mabuti nga ay hindi sila nagalit. “Ang tagal natapos ng recognition ninyo. Ang dami naman kasing nag-speech ng kung anu-ano kaya mas tumag
CHAPTER 7- ARTISTS' FAIRYTALEKahit pala nagkamali ka ng pinili sa una ay maaari mo pa rin itong maitama. Hangga’t patuloy na sumisilay ang panibagong umaga ay maaari mo pang maitama ang lahat. Maaari mo pang piliin ang dalat piliin na hindi mo nagawa noon.Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na pumili muli at piliin ang tama, huwag ka ng magdalawang isip pa na gawin kung ano ang nararapat. Huwag mo ng palalampasin pa ang pagkakataon.Katulad sa akin ngayon, hindi ko noon pinili si Ernell kaya labis kong pinagsisihan. Pero ngayon na may pagkakataon na ulit ako, hindi ko na ito palalampasin pa. Gaya ng ginawa ko, pumili muli ako sa pangalawang pagkakataon. Sa pagkakataong ito siya na ang pinili ko.Matapos kong sabihin na siya na ang pinipili ko ay napagdesisyunan nami
CHAPTER 6- ARTIST'S CHOICE Karaniwan na kinatatakutan ng lahat ay pagkasira ng pagkakaibigang matagal na binuo. Masakit sa damdamin kapag nasira ang pundasyon ng pagiging magkaibigan ninyo.
CHAPTER 5- ARTIST'S COMPUNCTIONSMay mga pagkakataon sa buhay natin na basta-basta na lamang tayong nagpapasya at hindi na inaalam ang maaaring lalabas na negatibong resulta. Hindi na natin naiisip kung tama nga ba ang napili dahil ang emosyon ang nananaig.
CHAPTER 4- ARTIST'S MELANCHOLYIsang buwan na ang nakalipas matapos magtapat sa akin si Ernell. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya o hindi dahil pagkatapos no’n ay hindi na kami nakapag-usap pang muli.