LOGINCHAPTER 3- ARTIST'S CONFESSION
“Kanina pa kita kinakausap, Miarei. Nakikinig ka ba sa akin?” Napatingin ako bigla kay Queenie. Kung sasagutin ko ang tanong niya, hindi nga ako nakikinig sa kaniya. Hindi ko nga namalayan na nasa tabi ko na pala siya.
“Sino ba kasi ang tinitignan mo riyan at kanina ka pa nakatingin?” tanong niya muli at tinignan ang direksyon kung saan ako nakatingin, kaya agad kong ibinaling ang paningin ko.
Hindi niya dapat malaman kung saan ako nakatingin dahil tiyak na aasarin niya lang ako nang aasarin. Mamaya mahuli niya akong nakatingin sa room nina Ernell dahil nandoon si Ernell ngayon sa labas ng room nila.
“W-Wala akong tinitignan, ah. Bigla lang talaga akong napatulala,” pagsisinunangaling ko kaya tumango na lamang siya senyales na napaniwala ko siya.
Napatulala dahil kay Ernell. Aish! Naiinis na talaga ako sa sarili ko. Noong mga nakaraang linggo pa ako tila nagiging abnormal dahil diyan kay Ernell.
Ayoko sanang aminin sa sarili ko na may gusto ako kay Ernell pero hindi ko naman maloloko at mapagtataguan ang sarili ko.
Oo, crush ko siya pero hanggang doon lang naman na siguro iyon. Hindi ko naman pwedeng palalimin pa ‘yong nararamdaman ko dahil sa huli, ako rin lang naman ang kawawa.
Wala na ‘yong sinasabi kong never akong magkakagusto dahil sa astronomy lang ako mai-in love. Sinira na lahat ni Ernell! Joke lang, wala pala siyang kasalanan.
Naikuwento ko na rin kay Minerva na crush ko si Ernell kaya todo asar din siya sa akin. Ayon kay Minerva, HUMSS student din daw si Ernell. ‘Yon nga lang ay hindi niya kaklase dahil magkaiba sila ng section.
“Kamusta naman na kayo ni Lowell?” tanong ulit sa akin ni Queenie. Makulit na nilalang at masyadong maraming tanong.
“Medyo dumidikit-dikit na rin at kinakausap na ulit ako.” Hindi na siya puro Crizza ang kasama.
“Malay ba sa lalaking iyon. Masyadong matampuhin,” sabi ni Queenie. Matampuhin? Baka kasi nagkaroon kami ng misunderstanding nang hindi ko alam.
Oo nga pala, hindi pala pwedeng malaman ni Lowell na crush ko si Ernell na pinsan niya dahil baka magkaroon ng issue, at mas lalo niya akong hindi pansinin. Aware naman ako na parang may pagtingin sa akin si Lowell. Baka kapag nalaman niya na ‘yong pinsan niya ang gusto ko, baka masaktan siya or masira ‘yong friendship namin.
Pero ano naman ngayon kung malaman niya? Wala namang kasiguraduhan kung may gusto nga sa akin si Lowell. Ako lang naman itong masiyadong nag-iisip ng kung anu-ano.
“Pupunta lang ako saglit sa room nina Alvin. Iwanan muna kita saglit,” pagpapaalam ni Queenie sa akin kaya tumango ako bilang tugon. Nakakatamad magsalita, eh.
Halos mapamura ako sa aking isipan nang igala ni Ernell ang kaniyang mga mata niya at eksaktong napatingin sa direksyon ko.
Nahuli ako ni Ernell na nakatingin sa kaniya! Napatingin din siya sa akin ngunit hindi rin siya nag-iiwas ng tingin. Nakikipagtitigan siya sa akin at wala yata siyang balak mag-iwas ng tingin. Ako na ang nag-iwas ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya.
“Ay palaka!”
Napasigaw ako nang tumalikod ako dahhil biglang may sumulpot sa harapan ko. Nakakagulat talaga ang biglang pagsulpot ng lalaking nakasalamin sa harap ko.
Basta kapag matangkad na nakasalamin, alam na kung sino ang lalaking iyon. Sa kanilang mga magkakaibigan siya pinakamatangkad.
“Christian? Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya. Sana kasama ko si Minerva dahil panigurado kikiligin nanaman ‘yon.
“May sasabihin sana ako sa`yo,” tugon niya at tila nahihiya na kinakabahan.
“Baka kasi hindi ka pumayag,” dagdag pa niya.
Bakit naman ako hindi papayag? Ano ba ang sasabihin niya? Hala! Baka gusto niya akong yayaing makipag-date sa kaniya?
Joke lang! Kung anu-ano ang iniisip ko. Kay Minerva na pala siya kahit wala namang sila. Pero parang gusto ko ‘yong naiisip ko—joke lang ulit!
“A-ano ba kasi ‘yon?” tanong ko.
Nakakainis ka naman, self! Bakit ka nauutal hindi mo naman `yan crush?
“Hindi mo pa ba alam? May art contest na naman at nangangailangan na naman sila para sa art contest.”
Sa takbo ng pananalita niya ay tila ipinapahiwatig na yayayain niya akong sumama sa contest kaya agad akong sumagot sa sinabi niya.
“Ayokong sumama! Wala naman akong mapapala. Panigurado matatalo lang ako roon. Kayo na lang,” walang ganang sagot ko kaya di siya nakaimik. Maya-maya ay napangisi ito at parang may naisip na kalokohan.
“Sumama ka na kasi. Kasama rin naman si Ernell sa contest,” wika niya kaya namula ang mukha ko.
Hala! Baka alam niya na crush ko si Ernell!
“A-ano naman ngayon kung k-kasama si Ernell?” nauutal na tanong ko sa kaniya at tumalikod na para sana ay itakbuhan siya pero humarang siya sa daan.
Help me get out of here!
“Kasi crush mo si Ernell! Ayieeee crush niya si Ernell! Kanina ka pa titig na titig sa kaniya,” pang-aasar niya sa akin kaya mas lalo akong namula. Tsismoso talaga ang lalaking ito. Makaasar naman siya sa akin feeling niya close kami.
“H-hindi ah!” pagde-deny ko.
“Huwag ka ng mag-deny. Ayieeee crush niya si Ernell! Sabihin ko nga sa kaniya—”
“Huwag!” bulyaw ko sa kaniya at tinakpan ang bibig niya.
Ang ingay talaga ng lalaking ito!
“Sige, let’s have a deal. Hindi kita ibubuking kay Ernell pero sasama ka sa contest,” pilyong ngiti niya kaya no choice, nakipag-deal na lang ako sa kaniya.
Ayokong malaman ni Ernell na crush ko siya. Kapag nalaman niya, eh ‘di hindi na ako malayang makatitingin sa kaniya. Baka mailang pa siya sa akin. Mas mabuti ng hindi niya alam na may gusto ako sa kaniya.
Minsan kasi, mas mabuti ng ikubli mo na lamang ang nararamdaman mo at huwag ng umamin pa. Mahirap kasing tanggapin na kapag umamin ka ay hindi naman ito papansinin at babalewalahin lamang ang damdamin mo. In the end, ikaw lang din ang masasaktan at mahihirapan.
“Sige, basta ang usapan huwag mo akong ibubuking sa kaniya,” paninigurado ko kay Christian kaya napatango naman siya.
“Promise, hindi ko sasabihin. May bonus pa pala sa deal,” wika niya sa akin saka napangisi.
“Ano naman iyon?” tanong ko sa kaniya. Feeling ko may iba nanamang naiisip ang feeling close na lalaking ito. Sana talaga nandito si Minerva!
“Ilalakad pa kita sa kaniya,” nakangising sabi nito at napahalakhak. Bago pa man ako mag-react ay umalis na ito. Bastos na nilalalang. Feeling close!
Paano ba `yan? Mukhang nasabit na ako sa contest na iyan. Sabi na ngang ayoko nang sumali pero mapaglaro si tadhana. Tapos may pa-blackmail pang nalalaman si Christian.
“Kailan pa kayo naging close ni Christian?” nakaismid na tanong ni Lowell sa akin.
“Malay ko rin. Bigla na nga lang lumapit sa akin kanina at nakipag-deal sa akin kahit ‘di naman kami close,” sagot ko.
“Deal? Anong deal iyon?” nagtatakang tanong niya. Alam niya kasing hinding-hindi ako nakikipag-deal sa mga taong hindi ko naman close.
“Ah… eh… w-wala iyon,” nauutal na sagot ko. Shems! Baka kasi malaman niya na nakipag-deal ako kay Christian para lang hindi niya ibuking na crush ko si Ernell.
“Spill it. Sabihin mo sa akin kung bakit ka nakipag-deal sa kaniya,” sabi pa niya kaya nataranta ako. Ano ba ang pwedeng ipalusot. Umisip ka ng palusot bilisan mo!
“K-kasi nga…”
“Ano?”
“K-Kasi nga pinipilit niya akong sumama nanaman sa contest pero ayaw ko. K-kaya nakipag-deal ako na sasama lang ako sa contest kapag…” Shemay anong susunod? Anong idudugtong ko sa palusot ko?
“May itinatago ka ba sa akin?” tanong niya. Gusto ko sanang sumagot ng, “oo may itinatago ako sa iyo,” pero hindi naman ako tanga para iyon ang isagot ko.
“Sasama lang ako sa contest kung papansinin niya si Minerva,” sa wakas may naisip na rin akong palusot. Sorry na lang kay Minerva kung nagamit ko pa siya sa palusot ko.
“`Yon lang? Ano naman kinalaman ni Minerva kay Christian?” sunud-sunod na tanong niya kaya napakagat ako sa aking labi/
Wala na akong choice kundi sabihin kay Lowell na crush ni Minerva si Christian. No choice, eh. Mas maniniwala siya kapag sinabi ko iyon.
Minsan kailangan nating magpalusot o magsinungaling upang mapagtakpan ang mga bagay na ayaw nating maibunyag. Lahat naman siguro tayo nagawa na iyon. ‘Yon nga lang nakaka-guilty dahil dinamay ko pa ang best friend ko sa palusot ko.
Pero hindi iyon ang problema ko. Alam na ni Lowell na crush ni Minerva si Christian. Baka awayin ako no’n. Katulad ko, ayaw niya ring ipaalam sa iba kung sino ang crush niya.
Sa huli, naniwala rin si Lowell sa palusot ko. Haist! Kung hindi ko sana crush ‘yong cute na pinsan niya eh ‘di sana hindi ako humantong sa pagsisinungaling.
Wala na kaming klase sa hapon kaya niyaya ko si Minerva para mag-milk tea. Nakakalungkot nga lang dahil minsan na lamang kaming nagkakasama na dalawa. Madalas ay sa Facebook na lamang kami nagkakaroon ng communication.
“Hoy! Ang daya mo talaga, magkausap kayo kanina ni Christian!” pagmamaktol ni Minerva at hinampas-hampas pa ako sa braso.
“Aray ko! Pinilit niya lang kasi akong sumama sa art contest,” sagot ko habang umiilag sa mga hampas niya.
Ang payat niya pero kung makahampas akala mo bakal ‘yong kamay. Lagi siyang inaasar ng mga kaklase ko noong Junior High School pa kami ng kawayan. Ang payat niya ngunit ang tangkad-tangkad niya. Mas matangkad pa yata siya nang kaunti kumpara kay Christian.
“Waaaah! Selos ako sa`yo! Ang daya!”
“Shunga! Alam niya na crush ko si Ernell. Kapag `di ako sumama sa contest, ibubunyag niya ang sekreto ko,” sabi ko.
“Eh, ano naman kapag sumama ka? Ano ang kapalit?” tanong naman niya.
“Hindi niya raw ibubunyag ang sekreto ko tapos ILALAKAD NIYA PA AKO KAY ERNELL!” kinikilig na tugon ko kaya pati siya ay lumawak ang ngiti.
“YIEEE! Ako kaya? Kailan mo kaya ako ilalakad kay Christian?” kinikilig din na tanong niya at halos lumubog kami sa kahihiyan nang mapatingin ‘yong ibang mga tao sa amin.
Tatlong oras na naming iniinom itong regular size na milktea pero hanggang ngayon `di pa rin naming ubos.
“Huwag ka kasing masyadong maingay,” panunuway ko sa kaniya.
“Anong ako? Ikaw rin kaya!” sabi niya kaya napahilot na lamang ako sa noo ko.
Para talaga kaming takas sa mental hospital kapag magkasama kaming dalawa, tsk!
---
Buong linggo ay wala akong inisip bukod sa panibagong art contest na sasalihan ko. Akala ko ay huli na ‘yong sa Division Science Quest noon pero nagkamali ako. Kung hindi lang talaga ako na-blockmail ni Christian edi sana wala akong pinoproblema.
Araw na ng art contest na sinasabi sa akin ni Christian. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako.
“Ready na ba ‘yong mga gagamitin mo?” tanong sa akin ni Christian kaya napatango ako.
“Sino pa ang wala?” tanong ni Sir Nath kaya napalinga ako sa loob ng van.
Nandito na ang mga kaibigan ni Christian na kasama rin sa art contest, sina Adrian at Kraler. Si Kyzer naman ay hindi na sumama dahil may iba siyang gagawin.
Si Ernell ang wala pa. Nasaan na ba si bebe—este, nasaan na ba siya?
“Yieee hinahanap niya si Ernell,” pabulong na biro sa akin ni Christian kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Simula noong nalaman ni Christian na may gusto ako kay Ernell ay hindi niya na ako tinigilan sa kakaasar. Mabuti na lang talaga ay hindi niya ikinalat sa mga kaibigan niyang sina Adrian at Kraler dahil mas mapang-asar ‘yong dalawa.
Kung hindi lang dahil sa kondisyon hindi ako sasama sa contest na ito.
Pagkatapos ng ilang mga minuto ay dumating na si Ernell at umupo sa tabi ko kaya pigil na pigil ang pag-ngiti ko. Napatingin sa amin si Christian na nagpipigil din ng ngiti.
Itong lalaking ito talaga, siya yata ang matchmaker namin ni Ernell. Mas kinikilig pa yata kesa sa akin.
Napatingin din si Ernell sa akin kaya halos sumabog ang puso ko dahil sa sobrang pagtibok nito. Bakit ba ganyan ang epekto mo sa akin?
Habang nasa biyahe kami ay panay ang huli ko kay Ernell na nakatingin sa akin. Mayroon naman ‘yong pagkakataon na nagkakatama kami ng tingin.
Hindi naman sa umaasa ako, pero bakit ba siya tingin nang tingin sa akin? May mali ba sa mukha ko o type niya ako.
Aish! Ano ba itong iniisip ko?
Alam kong masamang mag-assume, pero ‘yong mga tingin niya talaga. Para talagang may ibang ibig sabihin.
Pagkarating naming sa place ng event ay inalalayan ako ni Ernell sa pagbaba. Nanginginig pa nga ang kamay ko nang iabot ko iyon sa kaniya. Panay naman ang pag-ubo “kunwari” ni Christian kaya sinasamaan ko siya ng tingin.
Akala ko ay wala ng espesyal na mangyayari sa araw na ito pero nagkakamali ako.Kanina tinulungan ako ni Ernell na maghanap ng maliliit na kahoy para pandagdag sa materials ko. Palagi rin siyang nakatingin sa akin tapos ngumingiti.
Noong luch naman ay siya palagi ang nag-aabot ng pagkain sa akin. Tanong siya nang tanong kung ano pa ang gusto ko at kung ano pa ang kailangan ko.
Pati nga sina Adrian ay nahalata ang pagiging caring sa akin ni Ernell bigla kaya tanong sila nang tanong akin.
Lumipas pa ang ilang mga linggo ay akala ko doon na magtatapos ang lahat. May mga sumunod pang mga contest. Kung dati ay napipilitan lamang akong sumama, ngayon ako na mismo ang nagbo-volunteer.
Sa tuwing sumasali ako sa contest ay palaging si Ernell ang nakakausap ko. Siya kasi ‘yong lapit nang lapit kumpara kina Adrian at Kraler. Si Christian naman todo asar sa akin kapag hindi nakaharap si Ernell.
Katulad ngayon, nandito nanaman kami sa isang school dahil meron ulit contest about arts. As usual, ako ang representative nila sa collage-making.
“Maiiwan na lang ako dito, antok na antok na talaga ako dahil wala pa akong tulog simula kagabi,” inaantok na sabi ko pagkarating namin doon sa parang cottage.
“Sige, para may magbantay na rin sa ibang mga gamit,” sabi ng teacher na kasama namin.
Inilagay na nga mga kasama ko sa loob ang mga gamit nila at pagkatapos no’n ay umalis na sila.
“Ma’am, maiiwan na rin po ako dito. Masakit po kasi ang katawan ko,” sabi rin ni Ernell kay ma’am. Napatango naman siya at pagkatalikod niya ay nahuli kong napangisi si Ernell.
Bakit ka nanaman ganyan?
Napapikit na lamang ako at pinapakiramdaman siya. Naramdaman kong humiga siya sa pinakamalapit na upuan sa akin.
Kaming dalawa lang ang nasa loob ngayon.
Hindi ko na mapigilan ang antok ko kahit na anong pagpigil ko kaya nakatulog ako pero bago ako tuluyang makatulog ay naramdaman kong may humaplos sa pisngi ko.
Sigurado, ikaw yan Ernell.
Pagkamulat ko ng mga mata ko ay iginala ko kaagad ang paningin ko at si Ernell agad ang nakita ko.
Nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Hindi niya inaalis ang pagtitig niya sa akin kahit pa nahuli ko nasiyang nakatingin sa akin. Walang nag-iwas ng tingin sa amin.
Ilang minuto na kaming nagtititigan hanggang siya na mismo ang nag-iwas.
“B-Bakit ka ganito sa akin, E-Ernell?” wala sa sarili kong tanong sa kaniya. Napatingin siya sa akin at maging ako ay nagulat sa itinanong ko.
Ano ba, self? Napalakas yata iyang imagination mo.
“Mas maganda ng huwag mong malaman. Hindi ka lang din maniniwala sa akin,” sagot niya.
“Sabihin mo na. Maniniwala ako,” pagpupumilit ko kaya napabuntong hininga siya.
“Miarei, hindi ko rin alam kung ano ang nangyayri sa akin. Ilang mga buwan na ang lumipas simula noong makilala kita. Akala ko wala lang iyong nararamdaman ko noon pero habang nagdadaan ang mga araw nagiging weird ang lahat. Gusto ko, lagi kitang nakikita. Gusto ko, lagi kitang kasama. Miarei, gusto kita,”
Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi niya. Hindi mapropseso ng utak ko ang mga inamin niya sa akin. Totoo ba ito?
“Hindi ka ba nagbibiro?” naiilang na tanong ko.
“Hindi biro ang nararamdaman ko. Miarei, please be mine.” Tuluyan nang kumabog nang mabilis ang puso ko dahil sa sinabi niya.
Gusto niya rin ako? Pareho kami ng nararamdaman sa isa’t isa?
Ang daming katanungan sa isipan ko na obvious naman na ang sagot per tila hindi ako makapaniwala. Ibig sabihin, mas magiging komplikado ang lahat dahil gusto rin ako ni Ernell. Paano na si Lowell?
CHAPTER 9- ARTIST'S DOUBTSMabilis na lumipas ang buwan. Parang kahapon lang noong unang araw na naging kami ni Ernell, pero ngayon ay tatlong buwan na kami. Parang kahapon lang, Grade 11 pa lang kami pero ngayong ay isang buwan na kaming Grade 12. Habang ninanamnam mo ang bawat sandali doon naman bumibilis ang pagtakbo ng oras. Hindi talaga mapigilan ang paggalaw ng oras. “Goodmorning, Miarei!” salubong sa akin ni Ernell sa harap ng gate kaya napangiti ako. “Magandang umaga rin sa`yo,” nakangiting tugon ko sa kaniya. “Mas maganda ka pa s
CHAPTER 8- ARTISTS' LOVEAraw-araw na gano’n ang ginagawa naming dalawa. Pagkatapos ng klase ay pumupunta kami sa grandstand, kukunin niya ‘yong canvas sa guard house at magpe-paint ulit.Isang buwan na rin naming ginagawa ang painting ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin tapos. Kung tutuusin, dapat isang linggo lang tapos na namin ito pero inuunti-unti naming gawin. Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong sagutin si Ernell. Eksaktong Recognition Day namin noong sinagot ko siya. Doon lang din nakilala nina mama at papa si Ernell, mabuti nga ay hindi sila nagalit. “Ang tagal natapos ng recognition ninyo. Ang dami naman kasing nag-speech ng kung anu-ano kaya mas tumag
CHAPTER 7- ARTISTS' FAIRYTALEKahit pala nagkamali ka ng pinili sa una ay maaari mo pa rin itong maitama. Hangga’t patuloy na sumisilay ang panibagong umaga ay maaari mo pang maitama ang lahat. Maaari mo pang piliin ang dalat piliin na hindi mo nagawa noon.Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na pumili muli at piliin ang tama, huwag ka ng magdalawang isip pa na gawin kung ano ang nararapat. Huwag mo ng palalampasin pa ang pagkakataon.Katulad sa akin ngayon, hindi ko noon pinili si Ernell kaya labis kong pinagsisihan. Pero ngayon na may pagkakataon na ulit ako, hindi ko na ito palalampasin pa. Gaya ng ginawa ko, pumili muli ako sa pangalawang pagkakataon. Sa pagkakataong ito siya na ang pinili ko.Matapos kong sabihin na siya na ang pinipili ko ay napagdesisyunan nami
CHAPTER 6- ARTIST'S CHOICE Karaniwan na kinatatakutan ng lahat ay pagkasira ng pagkakaibigang matagal na binuo. Masakit sa damdamin kapag nasira ang pundasyon ng pagiging magkaibigan ninyo.
CHAPTER 5- ARTIST'S COMPUNCTIONSMay mga pagkakataon sa buhay natin na basta-basta na lamang tayong nagpapasya at hindi na inaalam ang maaaring lalabas na negatibong resulta. Hindi na natin naiisip kung tama nga ba ang napili dahil ang emosyon ang nananaig.
CHAPTER 4- ARTIST'S MELANCHOLYIsang buwan na ang nakalipas matapos magtapat sa akin si Ernell. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya o hindi dahil pagkatapos no’n ay hindi na kami nakapag-usap pang muli.