MasukCHAPTER 2- ARTIST'S ADMIRER
Madalas sa buhay natin, ‘yong mga bagay na ayaw na ayaw natin sila o ito pa ‘yong mga magdadala sa`yo papunta sa isang bagay o tao na may mahalagang parte sa buhay mo.
Kahit na gaano mo ito tanggihan, kung ito talaga ay nakalaan sa iyo, hindi mo ito matatakasan o maiiwasan. Minsan nga maitatanong mo na lamang sa sarili mo kung bakit, samantalang hindi mo naman ito deserve.
Katulad ngayon, ayaw na ayaw ko sa arts at wala akong kaalam-alam tungkol doon pero kasama ako sa art contest sa Division Science Quest. Lagapak ako sa elimination round para sa environmental science quizbee. Mabuti pa nga si Minerva nakapasok.
Kadalasang sumasama sa mga Science quests ay mga STEM student at bihira lamang ang ibang mga estudyanteng galing ibang strand ang sumasama. Gaya ni Minerva, siya lamang ang kasama sa Science quest na hindi kabilang sa STEM.
“Ayoko na! Ayoko ng sumali diyan. Wala naman akong kaalam-alam tungkol diyan, eh,” pagrereklamo ko kay Kyzer.
Nakita kasi ni Sir Nel ‘yong output ko na ipinasa ko kay Ma’am Marlene noong isang araw. Akala niya ay gawa ko iyon kaya sabi niya ako ang isasali niya sa collage-making. Ilang beses kong sinabi na hindi talaga ako magaling diyan pero ayaw niyang maniwala.
“Sige na, Miarei. Please, sumama ka na. Walang representative ang school natin para sa Collage-Making,” pagmamakaawa niya sa akin.
“Eh, hindi nga ako magaling diyan. Atsaka wala akong ideya sa mga ilalagay ko,” sabi ko pa.
Feeling ko kung gaano katigas ang ulo ko, mas matigas pa ang ulo niya, eh. Wala nga talaga kasi akong alam sa arts. Kung hindi lang ako ginawa’n ng pinsan ni Lowell eh di wala akong naipasang artwork para sa output namin.
“Ayoko na talaga. Ibigay niyo na lang sa iba ‘yong slot,” sabi ko ulit at kinuha ko na ang notebook ko at binasa ang mga notes ko para kunwari busy ako at hindi pwedeng istorbohin.
“Kaya nga hindi na sumali si Christian para maibigay sa iba ‘yong chance para makasali,” wika pa ni Kyzer.
Teka lang… Christian?
“H-Ha? Si Christian?” tanong ko.
“Oo, si Christian Magno. Bakit? Crush mo ano? Ayieeee!” pang-aasar sa akin ni Queenie kaya inirapan ko siya.
Gaga! Si Minerva kaya ang may crush doon.
“Hindi ko siya crush! Eh `di dapat ibalik na lang sa kaniya ‘yong slot dahil mas magaling naman siya sa arts, eh,” sabi ko pero ayaw talagang paawat ni Kyzer. Hindi niya talaga ako tatantanan.
“Ganito, ako na lang magsasabi ng mga materials na dadalhin mo, tapos ako na rin ang mag-iisip ng ideya. Ako na rin ang magsasabi kung paano mo aayusin at kung paano mo pagdidikit-dikitin. Bale ang gagawin mo na lang ay magdidikit,” suhestiyon ni Kyzer. Sa huli, wala rin lang akong nagawa kundi sumama.
“Techonology Advancement Through Research, Inventions, and Innovations in Sustaining a Quality of Life” ang tema para sa Division Science Quest ngayon. Tema pa lang ay nakagugulo na ng utak.
“Bakit ang problemado ng mukha mo ngayon?” tanong sa akin ni Lowell matapos akong lubayan ni Kyzer kaya mas lalo akong napasimangot.
“Ayoko nga kasi talagang sumama sa collage-making,” sagot ko at umubob sa desk ko ngunit napaayos ako bigla ng upo nang haplusin niya ang buhok ko.
“Bakit ba kasi ayaw mo? Mabuti nga iyan dahil masusubukan mo nang sumali sa mga contests,” litanya niya sa akin.
Napaiwas ako ng tingin nang mapansin ko na titig na titig siya sa akin. Aish! Masyadong awkward hindi ko kaya.
Umisip ka, Miarei, ng paraan para maiba ang usapan at mabawasan ang awkwardness.
“U-Uhm… ano nga pala ang pangalan ng pinsan mong gumawa ng output ko?” tanong ko sa kaniya. Nagtaka ako nang bigla na lamang mag-iba ang ekspresyon ng mukha nito.
“Secret. Ayoko ngang sabihin,” sagot nito at may sinabi pa ngunit hindi ko maintindihan dahil sobrang hina ng pagkakasabi niya.
“Sabihin mo na kasi,” pagpupumilit ko sa kaniya kaya napabuntong hininga siya.
“Fine!”
“Fine ang pangalan niya?” tanong ko ulit.
“Tungek! Patapusin mo muna kasi ako!” Halata sa boses niya na naiinis siya. Bakit ba parang ayaw niyang sabihin sa akin? Ano ba ang big deal doon?
“Bakit mo ba natanong?” tanong niya pabalik sa akin.
“Wala lang. Sobrang nakamamangha kasi ‘yong ginawa niya! Sobra rin ang pasasalamat ko sa kaniya kasi hindi ako napagalitan ni ma’am dahil pati siya na-amaze,” tuwang-tuwa na kwento ko sa kaniya ngunit kabaliktaran naman ang ekspresyon niya. Bakit kaya?
“Hindi ka rin ba magte-thank you sa akin? Kasi kung hindi dahil sa akin hindi ka naman niya maigagawa’n ng output?” nakasimangot na tanong niya sa akin.
“Oo nga, ano? Oh, eh ‘di thank you kasi tama ka nga, kung hindi dahil sa`yo hindi ako maigagawa’n ng artwork,” nakangiting sabi ko sa kaniya kaya kung kanina ay nakasimangot siya, ngayon naman ay nakangiti na siya.
“Syempre, basta para sa`yo lahat ay gagawin ko,” sagot niya.
“Ano na ang pangalan ng pinsan mo na gumawa ng output ko?” tanong ko ulit sa kaniya. Ayaw niya pa ngang sabihin pero kinulit ko siya nang kinulit.
“Ernell Gautier ang pangalan niya,” tipid na sagot niya at umismid. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla na lamang siyang umalis ng hindi nagpapaaalam.
Akala ko ay wala lang iyon pero noong mga sumunod na subjects na ay hindi niya na ako pinapansin o nilalapitan. Ni hindi nga siya tumitingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagkaganyan.
“Nag-away ba kayo ni Lowell?” tanong sa akin ni Queenie habang siya ay nag-aayos ng kaniyang gamit dahil malapit ng matapos ang last subject namin sa hapon.
“Hindi naman. Hindi ko nga alam kung bakit bigla siyang nagkaganyan,” sagot ko sa kaniya. Magsasalita pa sana siya pero may nahagip ang mga mata niya sa labas ng room at napangiti.
“Sino yun? Si Alvin ba iyon?” tanong ko rin sa kaniya kaya napatango siya na parang kinikilig. Napatingin ulit ako sa labas at nandoon pa rin si Alvin na parang may hinihintay. Sino naman kaya ang hinihintay niya? Hindi kaya si Queenie?
“Hoy! Umamin ka nga. Ikaw ba ‘yong hinihintay ni Alvin? Anong meron sa inyong dalawa?” tanong ko kaya agad siyang napatingin sa akin.
“Ganito kasi, si Alvin may gusto sa akin tapos may gusto rin ako sa kaniya. Bale may mutual understanding kaming dalawa,” kinikilig pa ito habang nagkukwento sa akin.
Ako ang naiirita sa inaasta niya. Sa totoo lang, hindi naman sa pagiging bitter pero naiirita ako sa mga estudyanteng hindi pa nakakapagtapos inuuna na ang landi. Siguro sasabihin niyo na sinasabi ko lang ito dahil wala akong love life.
The hell I care with that love. Wala sa plano ko ang lovelife na iyan. Actually, 10 or 20 years from now, hindi ko nakikita ang sarili ko na may asawa o kasintahan na, bagkus ay nakikita ko ang sarili ko nakasuot ng space suit at nasa loob ng sasakyang pangkalawakan o kaya ay nakatapak sa buwan.
Simula sa pagkabata, hindi ko talaga pinangarap ang magkaroon ng kasintahan dahil ang gusto ko talaga ay maikasal sa magiging trabaho ko. ‘Yon ay ang pagiging astronaut.
“Oo nga pala, Miarei, sabay kaming uuwi ni Alvin kaya sorry kung hindi ako makasasabay sa`yo sa pag-uwi,” sabi sa akin ni Queenie kaya in the end, mag-isa akong maglalakad papuntang paradahan ng tricycle.
“Okay lang,” tipid na sagot ko. Agad na rin siyang lumabas ng classroom at pinuntahan si Alvin. Haist! Mag-isa na lang ako na maglalakad. Sa bagay, sanay naman na akong mag-isa, eh.
Tahimik akong naglalakad palabas ng school nang makita ko sa malayo si Lowell na naglalakad. Ibabaling ko na sana ang tingin ko sa ibang direksyon nang makita kong may kasama pa pala siya. Si Crizza.
Ang saya nilang dalawa pero ako na kaibigan, niya mag-isa lang na naglalakad. Bahala siya sa buhay niya. Hindi niya nga ako pinansin kanina. Noong mga nakaraang buwan din pansin ko na iba ang pag-aligid niya kay Crizza pati na rin ‘yong kung paano niya tignan.
“Miarei, magdala ka na ng materials mo bukas para sa collage. Kailangan mo pa raw magpass ng output. Ise-send ko na lang ‘yong mga dadalhin mo.”
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Kyzer sa tabi. Napamura na lamang ako sa isip ko nang maalala na nasama pala ako sa contest na iyan. Tsk, dagdag pa sa problema ko.
“Sige lang,” walang ganang sagot ko at agad naman siyang tumakbo papalayo dahil sinundan niya sina Christian at iba pa niyang kaibigan na sumasama sa mga art contests.
Kung kasama ko lang siguro si Minerva malamang kilig na kilig nanaman siya dahil tanaw na tanaw dito sina Christian. Kaso wala naman siya dito—
“BOOO!”
Muli nanaman akong napatalon sa gulat nang biglang sumulpot si Minerva at ginulat pa ako. Iniisip ko lang si Minerva kanina tapos ngayon biglang sumulpot.
“Bakit mag-isa kang naglalakad?” tanong niya sa akin.
“Mabuti nga dumating ka. Sina Queenie kasi may ibang lakad kaya naiwan akong mag-isa,” tugon ko.
“Sayang nga dahil hindi na tayo magkaklase. Hindi na tayo madalas magkasama,” malungkot na wika niya. Lumulungkot na ang atmosphere kaya oras na siguro para asarin siya. Mwehehehe!
“Alam mo ba—”
“Hindi ko pa alam,” agad niyang sabi kaya inirapan ko siya. Tignan nga natin kung masabat mo ako ng ganyan kapag sinabi ko na ang sasabihin ko.
“Ganyan ka lang, ah. Sasabihin ko lang naman na kasama namin si Christian sa contest. Yieee… makakasama ko si Christian,” pang-aasar ko at kunwari kinikilig ako para mas effective ang pang-aasar ko sa kaniya.
“Hoy! Walang ganyanan, nakakainis ka!” singhal niya sa akin at hinampas pa ako sa braso.
“Aray ko naman! Para talagang bakal `yang kamay mo!” litanya ko sa kaniya habang nakangiwi at bumawi rin ng hampas sa kaniya.
“Anong magagawa ko kung magkasama kami ni Christian sa contest? Yieeee! Maso-solo ko siya,” pang-aasar ko pa sa kaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
Pulang-pula na siya sa sobrang inis kaya hindi ko mapigilang mapatawa. Akala niya naman seryoso ako na aagawan ko siya kay Christian. Noong nakaraang araw kasi biniro ko siya na aagawan ko siya kay Christian. Hindi ko naman alam na sineryoso niya pala iyon.
Wala naman akong balak na agawan siya, eh. Sadyang trip ko lang na asarin siya dahil ang bilis niyang maasar. Atsaka, hindi naman pala pang-aagaw ang tawag doon dahil hindi naman silang dalawa. Mwehehehe!
“Ibig sabihin, kung kasama siya sa contest edi makakasama ko rin siya,” tila nabuhayan siya sa naiisip niya.
“Hindi pa rin kayo magkakasama dahil day 1 ang art contest tapos kayong mga kasama sa quiz bee ay day 2,” nakakalokong ngisi ko sa kaniya. Kung kanina ay nakangisi siya, ngayon naman ay muli siyang napasimangot.
“Basta huwag mo akong aagawan kay Christian, ah,” sabi nito kaya agad akong napatango. Napatingin ako sa paligid at na-realize ko na ang tagal pala naming naglakad. ‘yong dapat na nilalakad lang ng 10 minutes ay nilakad namin ng 20 minutes.
“HALA! 5:20 NA PALA!” gulat na sabi ni Minerva nang makita niya ang oras sa kaniyang cellphone.
Palagi talagang atat umuwi ang babaeng ito. Parang may sariling curfew. Sabagay, masyado kasing liblib ‘yong kinalalagyan ng bahay nila. Binilisan na namin ang paglakad dahil problemadong-problemado na siya.
Kapag talaga ang kasama mo ay ‘yong mga taong mahahalaga sa`yo hindi mo mamalayan ang oras dahil hindi importante ang oras na inaaksaya mo kung nakalaan naman ito sa mga taong mahalaga sa`yo.
---
Noong mga sumunod na araw, gaya ng inaasahan ko, naging hassle at stressing ang buong buwan ko dahil sa pagpoproblema diyan sa collage na iyan para sa contest.
Ilang beses na-postpone ‘yong contest kaya nawalan na tuloy ako ng gana ngunit mapilit talaga si Kyzer. Araw-araw niya akong kinukulit kaya para tumigil na siya, pumyag na lang ako.
Hanggang sa dumating na ‘yong araw ng contest. Bale lima kaming nasa category ng arts. Ako sa collage-making, si Kyzer naman ay sa poster-making, tapos dalawa naman sa sci-painting.
Oo nga pala, kasama rin pala si Ernell sa sci-painting. Sa galing niya sa arts panigurado na mananalo iyon. Matapos ang isa’t kalahating oras ay nakarating na rin kami sa Tayug National High School na siyang pagdarausan ng paligsahan.
“Oh, kayo na ang bahalang humanap sa designated rooms ninyo,” sabi sa amin ng mabuti at responsable naming coach na si Sir Nel. Please take note the sarcasm.
Ang dami kong nababalitaan tungkol sa teacher na iyan. Palaging ikinukwento ni Minerva na hindi raw iyan nagtuturo. Kung magturo man, babasahin niya lang daw kung ano ang nakalagay sa powerpoint niyo.
Aangal sana ako sa sinabi ni Sir Nel kaso bigla na siyang umalis. Nakakainis! Responsibilidad kaya niya na samahan o ihatid kami sa designated rooms namin. Mabuti si Kyzer nahanap niya agad ‘yong room para sa poster-making.
Nauna na rin ‘yong isa naming kasamang babae kaya ako na lang ang natirang mag-isang nakatayo. Joke lang! Nandito pa rin pala si Ernell. Bakit `di na siya sumunod doon sa babae eh pareho silang sa Sci-painting?
Napaiwas ako ng tingin at kunwari ay lumilinga-linga sa paligid nang makita kong nakatitig lang sa akin si Ernell.
“Tara, hanapin na natin ‘yong room para sa collage-making,” sabi niya at kinuha ang malaking paper bag ko na may lamang materials para sa collage. Ako na ang nagbitbit ng illustration board ko dahil nakakahiya naman kung ipapabitbit ko pa sa kaniya.
“S-samahan mo ako?” Tanong ko sa kaniya.
“Oo, kawawa ka naman, eh. Baka hindi ka makarating sa room `pag mag-isa ka lang. Baka mawala ka,” sagot niya sa akin.
Mabuti pa siya gentleman, samantalang ‘yong pinsan niyang si Lowell never akong sinasamahang magbitbit. Simula noong araw na tinanong ko si Lowell tungkol sa pangalan ni Ernell ay madalang na lang akong pansinin. Bahala siya diyan sa buhay niya.
Hindi ko siya maintindihan kung ano ang big deal sa pagtanong ko sa kaniya. Tapos sa tuwing magcha-chat kami at mapupunta ‘yong topic tungkol kay Ernell, bigla niya na lang iibahin ‘yong topic o kaya naman ay hindi na siya magre-reply.
“Oh, yan na ‘yong room mo. Goodluck!” sabi niya sa akin at ibinigay na ang paper bag atsaka ngumiti. Hala shet! Bakit ang cute niya kapag ngumingiti? Aish! Bakit ko nga ba yan naitanong?
“Goodluck din sa`yo,” tugon ko at gumanti rin ng ngiti sa kaniya. Kabado akong pumasok ng room at napatingin sa mga estudyante. Late na pala ako ng 10 minutes kaya nagsisimula na sila. May mga babae pero ang karamihan ay lalaki.
Mas magaling ba ang mga lalaki in terms of arts o sadiyang mas marami lang talagang nakipag-participate dito?
Iwinaglit ko na lamang ang katanungan sa isipan ko dahil hindi iyon ang tamang oras para mag-isip ako ng kung anu-ano.
Humanap na ako ng area ko at inayos ang mga gamit ko. 2 hours lang ang oras na ibinigay sa amin. Whether we finished it or not, kailangan na naming ipasa kaya naman aligaga ako sa pag-prepare ng gamit ko.
Magdidikit na sana ako kaso wala ng available na saksakan para sa glue gun ko. Paano ko maididikit ang mga ito? Isang oras na lang ang natitira naming oras pero hindi pa ako nakapagdidikit. Medyo marami pa naman ito.
Lumipas na ang sampung minuto pero wala pa ring available na saksakan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako na parang gusto ko ng maiyak.
Eh kung mag back out na lang kaya ako? Send help!
Napatingin ako sa ibang mga contestants. May mga nagdidikit na at may mga malapit na ring matapos samantalang ako magdidikit pa lang, tapos wala pang outlet na pagsasaksakan.
“Uhmm... miss, ikaw muna gumamit dito sa extension ko.”
Bigla akong nabuhayan ng loob nang sabihin iyon ng lalaking katabi ko, kaya agad kong isinaksak doon ‘yong plug ng glue gun ko.
“Thank you very much!” tuwang-tuwang sabi ko sa kaniya at tumango lamang siya. Hulog talaga siya ng langit!
Sinimulan ko na ang pagdikit at binilisan ng tapusin dahil nakakahiya naman sa kaniya. Buti na lang at pareho naming natapos on time kaya naipasa namin ng buo. Yun nga lang ay hindi ko na naitanong ang pangalan niya dahil lumabas na rin ako kaagad para hanapin ‘yong ibang mga kasama ko.
Akala ko ay last na ‘yong kamalasan na nanagyari sa akin kanina pero nagkamali ako. Paano ba naman kasi, ‘yong “responsible” naming coach ay iniwanan ako. Sina Ernell, Kyzer, at ‘yong isang babae na hindi ko alam ang pangalan ay kasama ni sir, samantalang ako iniwanan niya.
In the end, mag-isa akong kumain sa canteen. Gustong-gusto ko na ngang lumubog na lang sa sobrang hiya dahil hindi talaga ako sanay sa maraming tao tapos wala pa akong kasama. Ang loner ko tuloy tignan kanina. Tapos halos kumulo pa ‘yong dugo ko nang sabihin ni sir na kaya iniwanan na ako dahil ang tagal ko raw, nagugutom na siya.
Wala rin naman akong napala sa contest na ito dahil natalo ako. Nag-aksaya lang ako ng effort at pera. Si Kyzer pang 7th place tapos si Ernell naman ang nakakuha ng 1st place sa sci-painting kaya siya ang representative sa National level. Hanga talaga ako sa kagalingan niya sa arts.
Tahimik lang ako na nakaupo sa loob ng van habang bumabiyahe kami pabalik ng school namin. Napatingin ako sa kinauupuan ni Ernell at hindi ko alam kung bakit napako ang tingin ko sa kaniya. Ni hindi ko kayang iiwas ang tingin ko sa kaniya.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito bigla ang nararamdaman ko sa kaniya. Hanggang sa lumipas ang buwan at tila nag-iiba ang nararamdaman ko sa kaniya. Parang lumalalim… hindi ito tama…
CHAPTER 9- ARTIST'S DOUBTSMabilis na lumipas ang buwan. Parang kahapon lang noong unang araw na naging kami ni Ernell, pero ngayon ay tatlong buwan na kami. Parang kahapon lang, Grade 11 pa lang kami pero ngayong ay isang buwan na kaming Grade 12. Habang ninanamnam mo ang bawat sandali doon naman bumibilis ang pagtakbo ng oras. Hindi talaga mapigilan ang paggalaw ng oras. “Goodmorning, Miarei!” salubong sa akin ni Ernell sa harap ng gate kaya napangiti ako. “Magandang umaga rin sa`yo,” nakangiting tugon ko sa kaniya. “Mas maganda ka pa s
CHAPTER 8- ARTISTS' LOVEAraw-araw na gano’n ang ginagawa naming dalawa. Pagkatapos ng klase ay pumupunta kami sa grandstand, kukunin niya ‘yong canvas sa guard house at magpe-paint ulit.Isang buwan na rin naming ginagawa ang painting ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin tapos. Kung tutuusin, dapat isang linggo lang tapos na namin ito pero inuunti-unti naming gawin. Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong sagutin si Ernell. Eksaktong Recognition Day namin noong sinagot ko siya. Doon lang din nakilala nina mama at papa si Ernell, mabuti nga ay hindi sila nagalit. “Ang tagal natapos ng recognition ninyo. Ang dami naman kasing nag-speech ng kung anu-ano kaya mas tumag
CHAPTER 7- ARTISTS' FAIRYTALEKahit pala nagkamali ka ng pinili sa una ay maaari mo pa rin itong maitama. Hangga’t patuloy na sumisilay ang panibagong umaga ay maaari mo pang maitama ang lahat. Maaari mo pang piliin ang dalat piliin na hindi mo nagawa noon.Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na pumili muli at piliin ang tama, huwag ka ng magdalawang isip pa na gawin kung ano ang nararapat. Huwag mo ng palalampasin pa ang pagkakataon.Katulad sa akin ngayon, hindi ko noon pinili si Ernell kaya labis kong pinagsisihan. Pero ngayon na may pagkakataon na ulit ako, hindi ko na ito palalampasin pa. Gaya ng ginawa ko, pumili muli ako sa pangalawang pagkakataon. Sa pagkakataong ito siya na ang pinili ko.Matapos kong sabihin na siya na ang pinipili ko ay napagdesisyunan nami
CHAPTER 6- ARTIST'S CHOICE Karaniwan na kinatatakutan ng lahat ay pagkasira ng pagkakaibigang matagal na binuo. Masakit sa damdamin kapag nasira ang pundasyon ng pagiging magkaibigan ninyo.
CHAPTER 5- ARTIST'S COMPUNCTIONSMay mga pagkakataon sa buhay natin na basta-basta na lamang tayong nagpapasya at hindi na inaalam ang maaaring lalabas na negatibong resulta. Hindi na natin naiisip kung tama nga ba ang napili dahil ang emosyon ang nananaig.
CHAPTER 4- ARTIST'S MELANCHOLYIsang buwan na ang nakalipas matapos magtapat sa akin si Ernell. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya o hindi dahil pagkatapos no’n ay hindi na kami nakapag-usap pang muli.