LOGIN
CHAPTER 1: The Artist
“You are my painter
And my world is your canvas.
Happiness and love are mixed in your palette;
You said that this art of our love story will be perfect.
Smiles are formed in our lips
Everytime the paintbrush dips.
I always feel a hundred percent of bliss,
Because of the love that you’ve painted on my canvas.
As the paintbrush stroke.
It assures that your loves is not a joke,
Not until the art that you promised
Is already completely finished.
You promised that it’ll be perfect art of our love story,
But the ouput became a trompe l’oeil,
Because everything that you painted
Is just an illusion that deceived my heart.
I was deceived by your illusionistic art;
I was deceived by your paintbrush;
I was deceived by your palette;
I was deceived by an artist like you.
--The Cry of Masterpiece, M.D. Serene
Napabusangot ako matapos kong mabasa ang tulang nabunot ko kanina. Paano ba naman kasi, kailangan naming gumawa ng sarili naming interpretasyon tungkol diyan sa tula. Mabuti sana kung gagawa kami ng interpretasyon sa pamamagitan din ng paggawa ng tula. Hindi kasi gano’n ang pinapagawa sa amin.
Kailangan naming gumawa ng interpretasyon sa pamamagitan ng malikhain na pamamaraan. In short, gagawa kami ng interpretation sa pamamagitan ng artwork like painting o drawing, basta yung magmumukhang artwork. Wala naman akong kaalam-alam tungkol diyan sa arts na iyan kaya problema ko kung paano ko sisimulan.
Kahit gan’on ay tila nakadama ako ng kalungkutan matapos kong mabasa ang tula. Ang bigat sa pakiramdam dahil feeling ko ay ako `yong speaker ng tula kahit wala pa naman akong karanasan sa pag-ibig.
Wala akong kaalam-alam na ang output na iyan ang magiging umpisa ng lahat. Iyan pala ang magiging dahilan upang may mabaon akong iba’t ibang mga alaala na hinding-hindi ko malilimutan. Mga alaala na mananatili sa puso ko kahit anong mangyari.
Kalahating oras na yata ang lumilipas ngunit kahit isang guhit ay wala pa akong nailalagay. Hindi ko talaga alam kung paano ang gagawin dito!
“Patingin nga ng sa`yo,” sabi sa akin ng kaibigan kong si Queenie.
Napatingin naman ako sa gawa niya habang pilit niyang inaaninag ang sa akin. Napahalakhak ako nang makita ko ito dahil bukod sa hindi kagandahan ang drawing ay kalat-kalat din ang pagkakakulay.
“Huwag mo na kasing tatawanan. Hindi ko nga alam mag-drawing, eh. Patingin na kasi ng sa`yo,” pagpupumilit niya sa akin kaya wala akong nagawa kundi ipakita ang illustration board.
“Ayos lang ba?” natatawang tanong ko.
“Wala namang nakalagay, eh! Pinagloloko mo ba ako, Miarei?” tanong nito sa akin at pinanliitan ako ng tingin. Eksakto namang papalapit si Kyzer at halos mapunit ang mukha nito sa lawak ng ngiti niya.
“Huhulaan ko, tapos mo na ‘yong sa`yo,” wika ko sa kay Kyzer kaya napatango siya nang dalawang beses. Sa aming tatlong magkakaibigan dito sa classroom ay siya lang talaga ang magaling sa arts.
“Patingin nga ng sa`yo!” sabi ulit ni Queenie at agad niyang hinablot ‘yong illustration board kay Kyzer at sumilay sa mukha nito ang labis na pagkamangha kaya agad ko rin itong tinignan.
“Oh, eh ‘di ikaw na ang magaling sa arts,” sabi ko habang nakatitig sa gawa niya.
Ang ganda tuloy nakawin no’ng gawa niya tapos gawing display sa bahay. Ginawa niya kasing painting ‘yong sa kaniya. Ewan kung anong tawag sa klase ng painting na iyan basta mukhang propesyunal ang gumawa. Syempre, hindi naman ako kleptomaniac kaya hindi ko magagawang nakawin `yan.
“Ano naman kaya ang trip ni ma’am? Reading and Writing Skills yung subject pero feeling niya Arts ang subject,” pagrereklamo ko habang nakalumbaba.
Hanggang sa matapos na ang subject namin sa kaniya at halos lahat ay nakapasa na ng output nila. Samantalang ako, ayun walang nagawa. Bahala na mamaya kung ano ang magagawa ko dahil bukas ko nalamang ipapasa.
Sa totoo lang, wala akong hilig sa arts dahil astronomy talaga ang gusto ko kaya napunta ako sa STEM (Science Technology Engineering and Mathematics).
Simula pa lamang sa pagkabata ko, pangarap ko na talagang maging astronaut. Gusto kong makalapabas sa planetang ito at gusto kong makatapak sa buwan.
Pero kahit na gaano ko kagusto maging astronaut, feeling ko hindi pa rin matutupad ang pangarap kong iyon. Hindi ako suportado ng mga magulang ko. Naalala ko nga noong tinanong ako nina mama kung ano ang gusto ko.
“Ikaw, ano ba ang gusto mong kunin na kurso sa kolehiyo?”
Napalunok ako sa kaba nang ako na ang tinanong dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Kapag sinabi ko na gusto ko ng Astronomy, alam ko na hindi sila papayag. Sesermonan lang nila ako.
‘Yong mga pinsan ko ay tinanong rin. ‘Yong isa gustong maging doktor, at ‘yong isa naman gustong maging piloto. Samantalang ako, gusto kong maging astronaut.
‘Yong tatlong kapatid ko ay natanong na rin. Apat kasi kaming magkakapatid. Tatlo kaming mga babae at isa ang lalaki. Ako ang panganay kaya mabigat din ang responsibilidad na nakalaan sa akin.
“A-Astronomy po. Gusto kong m-maging astronaut,” nauutal na sagot ko dahil sa kaba.
“Astronomy?Ano ang mapapala mo diyan? Atsaka, wala kang pang-aral. Mahal ang tuition fee kapag `yan ang kukunin mo,” panenermon sa akin nina mama at papa.
“May namimigay naman po ng scholarship sa—”
“Kahit na! Wala kang mapapala riyan. Huwag mo ng itutuloy ‘yan,” sabi nila sa akin kahit `di pa ako tapos sa sinasabi ko.
Gusto kong isagot na malaki ang mapapala ko sa Astronomy. Marami akong gustong isumbat pero hindi ko magawang sabihin.
“Ang lalim yata ng iniisip mo?”
Napabalik ako sa reyalidad nang lumapit sa akin si Lowell at tumabi sa kinauupuan ko.
“Ang hirap naman kasi no’ng pinapagawa ni ma’am. Hindi tuloy ako nakapag-pass,” tugon ko sa kaniya. “Ikaw, tapos ka na ba?” tanong ko rin sa kaniya.
“Oo. Nag-drawing lang ako ng parang drawing ng kinder,” sagot nito atsaka humalakhak kaya napatingin sa amin ang aming mga kaklase.
“Buti nga nakapag-pass ka. Ako nga hindi, eh,” nakasimangot na sabi ko.
“Akin na iyang illustration board mo,” sabi niya sa akin kaya ibinigay ko ito kaagad sa kaniya.
“Ano namang gagawin mo riyan?” tanong ko habang inaayos ang mga libro ko sa bag ko.
“Try kong lunukin baka sakaling maging artwork,” sarkastikong sagot nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Joke lang! Ako ang bahala. Bukas may maipa-pass ka na,” siguradong-sigurado niyang sagot sa akin. Nginitian niya pa ako at `di niya inalis ang pagkakapako ng tingin niya sa mga mata ko kaya ako na lamang ang nag-iwas.
Minsan ay naiilang ako sa kaniya. Masyado siyang dumidikit sa akin. Tapos sa tuwing nagcha-chat kami ay masyado rin itong sweet.
Simula pa noong nasa Grade seven kami ay ganiyan na siya sa akin. Madalas siyang mag-open sa akin tungkol sa mga problema niya. Feeling ko nga mas nasasabi niya ang saloobin niya sa akin kesa sa mga magulang niya.
Hanggang isang araw, nagpakita siya ng motibo na parang may pagtingin siya sa akin through chat. Magmula noon naging mas malapit pa kami sa isa’t isa. Hindi ko nga alam kung ano ang meron sa amin ngayon.
“S-Sige, may kakausapin lang ako saglit,” pamamaalam ni Lowell kaya napatango ako.
Pagkaalis pa lamang niya ay agad namang tumabi sa akin si Queenie at sigurado ako, kukulitin niya na naman ako tungkol sa kung ano ang meron sa amin ni Lowell.
“Miarei, ano ba ang meron sa inyo ni Lowell?” magpag-usisang tanong sa akin ni Queenie kaya halos maibuga ko ang iniinom kong tubig.
Ano nga ba ang meron sa amin? Hindi ko rin alam, eh. Basta ang alam ko, lagi siyang sweet sa akin. Tapos sa mga chats niya parang nais niyang iparating na may gusto siya sa akin tapos ako lang ang gusto niya.
“Meron kaming mukha tapos kamay. Meron din kaming balikat at paa,” papilosopong sagot ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.
“Seryoso na kasi! Bakit parang iba yung closure ninyo?” tanong pa ng isa kong kaklase. Itong mga kaklase ko talaga, kapag tsismis ang lakas ng pandinig nila.
At dahil ayaw kong mag-spill ng secrets and information sa kanila, hindi ko na lamang sila sinagot. Hindi naman kasi sa hindi ako nagtitiwala sa kanila. Baka kasi yung mga sasabihin ko na meron sa amin ay wala lang naman pala para kay Lowell. Ayoko kasing umasa, baka ako rin lang ang masaktan sa huli.
Baka kasi akala ko may gusto siya sa akin tapos iyon ang sasabihin ko sa mga kaklase ko. Pero in the end, wala naman pala siyang gusto sa akin.
Wala akong pinagsasabihan tungkol sa aming dalawa ni Lowell bukod sa best friend kong si Minerva. Kaklase ko siya since Grade 2 at naging best friend ko siya simula noong Grade 8 kami. Ngayong Grade 11 na kami, hindi na kami magkaklase dahil iba ang strand niya. Nasa HUMSS (Humanities and Social Sciences) siya dahil Education ang kukunin niyang kurso.
Lahat ng tungkol sa akin at pati na rin ang tungkol sa amin ni Lowell ay alam niya. Sa kaniya ko lang sinasabi dahil alam kong mapagkakatiwalaan ko siya.
Pagkauwi ko sa bahay ay agad ko ng ginawa ang mga assignments ko—joke lang! pagkauwi ko sa bahay ay agad akong nagbihis atsaka humilata sa kama.
Nakakatamad pang gumawa ng assignments. Mamaya na lang siguro. Alam ko naman na pati rin naman ang ibang mga estudyante ay tinatamad din gumawa ng assignments kaya lang no choice kaya gagawa at gagawa ka pa rin.
Dahil napakabait at responsable akong estudyante, hindi muna ako gumawa ng assignments, bagkus ay nag-facebook muna ako. Hehehe!
A philosopher once said, “Ayos lang naman na mag-aaral basta huwag mong pababayaan ang pagi-internet.” Miarei Laluan yata ang pangalan ng philosopher na iyon, eh!
Hindi ba dapat, “Ayos lang na mag-internet basta huwag pababayaan ang pag-aaral?” pagtatama ng kabilang bahagi ng isipan ko kaya napabuntong hininga na lamang ako.
Isang oras na yata akong tumatambay sa Facebook ko at parang wala pa akong balak na gumawa ng kahit isang assignment man lang.
Mayamaya pa ay biglang nag-message sa akin si Minerva. Tinatanong niya kung sasama raw ba ako bukas sa elimination para sa Environmental Science quiz bee. Gusto niyang sumama ngunit kinakabahan siya dahil hindi siya nag-review. Sinabi ko naman na subukan lang namin. Sabagay, wala namang mawawala kung susubukan.
Ayan, hindi ko pa nga natatapos ang mga assignments ko tapos balak pa naming sumali sa elimination para sa Division Science Quest. Pero malay, natin makuha kaming dalawa ng best friend ko.
Napatingin ako sa oras ng cellphone. Laking gulat ko nang makita na alas dose na pala ng madaling araw at ni isang assignment ay wala pa akong nagawa.
Agad kong kinuha ang bag ko at sinumulang gawin ang mga dapat kong gawin. Sunud-sunod pa yung pinagawang assignment kaya natambakan ako.
Buti na nga lang tinulungan ako ni Lowell doon sa artwork na gagawin ko. Pero paano niya gagawin iyon? Hindi rin naman marunong yun.
Antok na antok na ako habang ginagawa ko yung mga assignments ko. Sunud-sunod pa itong mga assignments, abuso rin talaga yung mga ibang teachers.
Akala siguro ng mga guro, computer kaming mga estudyante. Parang hindi nila napagdaanan ang pagiging estudyante dahil ipinaparanas pa nila yung mga ganitong torture.
Noong sumunod na araw ay hindi ko mabilang ang pagpintig ng puso ko dahil sa sobrang bilis. Paano ba naman kasi, nalaman ng teachers namin sa Reading and Writing Skills na may mga hindi nagpasa ng artworks kahapon.
Galit na galit ‘yong teacher namin. Sinabi pa na hindi raw kami marunong sumunod sa kung ano ang sinabing deadline. Iresponsable raw kaming estudyante at hindi gumagawa ng mga outputs.
“`YONG MGA HINDI NAGPASA KAHAPON, BIBIGYAN KO KAYO NG PALUGIT HANGGANG MAMAYANG TANGHALI PARA MAGPASA! KAPAG `DI KAYO NAKAPAGPASA, IBABAGSAK KO KAYO!”
Muntik pa akong sinukin dahil sa gulat nang muli kaming sermonan ng guro namin. Kung takot yung mga kaklase ko, ano na lang ang tawag nila sa akin? Hindi ako nakapagpasa kahapon, eh.
“Uyyy, Miarei. Paano yung sa`yo? Hindi pa man din pumasok si Lowell,” kinakabahan din na tanong sa akin ni Kyzer.
“Kung iginawahan mo sana ako, edi sana may naipasa ako. Parang `di naman tayo magkaibigan,” `yan sana ang isasagot ko kaso nakakahiya naman.
Haist! Sana may anghel man lang na bumagsak dito tapos tulungan niya ako sa problema ko. Tapos pagbagsak diretso yung mukha sa sahig—joke lang! Pinapatawa ko lang ang sarili ko dahil masyado na akong natatakot.
Hindi nga ipinagkait ng kalangitan sa akin ang dalangin na iyon. Akala ko ay mananatiling pangarap lang na may darating na anghel sa akin. Hindi ko alam na may ipagkakaloob nga ang kalangitan sa akin.
“Hindi ko alam ang gagawin ko. Bahala na,” nakasimangot na sagot ko at laking gulat ko nang mapatingin ang teacher namin sa kinauupuan namin nila Kyzer at Queenie.
Lagot na. Lilitisin na ako ng bruha—este, terror kong teacher. Baka ibagsak niya ako sa subject niya. Tapos kapag bagsak ako edi hindi ako makakapag-college. `Pag hindi ako nakapag-college, PAANO NA LANG ANG PANGARAP KONG MAGING ASTRONAUT?
Kapag `yan nangyari, isinusumpa ko na talaga lahat ng may kinalaman sa arts!
“A-Ano po ‘yon?” kinakabahan na tanong ni Queenie. Maging ako ay napalunok sa sobrang kaba.
“Porke ba tumingin ako sa inyo may sasabihin ako? Manahimik na lang kayo riyan!” paggalit na sagot niya sa amin.
Tila nabunutan ng tinik ang lalamunan ko nang sabihin niya iyon. Akala ko pa naman pagagalitan kami dahil hindi ako nakapagpasa kahapon.
“Muntik na tayo roon,” bulong ko kay Queenie.
“Tapos mamaya idamay mo pa ako. Pati ako mapapagalitan,” dagdag niya at tumingin na sa harapan.
Napasimangot ako dahil hindi pumasok si Lowell. Nakakainis! Nag-promise pa man din siya na siya na ang bahala doon sa output ko tapos ngayon wala siya. Kung alam ko lang na papaasahin niya ako edi sana ako na lang ang gumawa kahit super pangit na ang kalalabasan.
“Lagot ka riyan, Miarei. Wala ka pa ring naipasa na output,” sabi sa akin ni Queenie at hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o nag-aalala rin siya para sa akin.
Pagkalabas namin sa classroom para pumunta sa susunod na subject ay may nakasalubong akong lalaking tila kanina pa nag-aabag. Ngumiti siya sa gawi ko kaya napatingin ako sa likuran ko at sa tabi ko kung may iba pa bang tao ngunit wala na. Nahuli kasi akong lumabas at iniwan ako nila Queenie kaya mag-isa na lamang ako.
“Ikaw si Miarei Laluan, `di ba?” tanong sa akin ng lalaki kaya napatango ako. Hindi siya gano’n katangkad gaya ng ibang mga lalaki pero mas matangkad pa rin siya sa akin.
Ano naman kaya ang kailangan nito sa akin?
Omgeee! Baka type niya ako tapos tatanungin niya number ko para maka-text ako. `Pag magka-chat na kami, yayayain niya na ako para makipag-date tapos liligawan niya na ako—CRAP! What a ridiculous imagination. Tsk!
“Pinsan ko pala si Lowell. Hindi pala siya makakapasok ngayon dahil masama ang pakiramdam niya, pero ipinabibigay niya ito,” sabi niya sa akin at inabot sa akin ang illustration board at halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko.
“Para raw `yan sa output mo sabi niya,” wika pa niya.
“Ang ganda!”
Ang galing! Sino ang gumawa nito? Sobrang ganda ng painting na ito! Hindi ko mai-describe ng maayos pero to the 999999th level ang ganda. Detalyado ang pagkaka-paint. Kita mo ‘yong sad ambiance ng painting na nais iparating ng poem. Para lang talaga akong nakatingin sa magandang paraiso.
“S-Sino ang gumawa nito?” tanong ko sa kaniya. Sure naman na hindi si Lowell ang gumawa nito dahil walang alam iyon sa arts dahil puro math equations lang alam no’n.
“Ako. Kagagawa ko lang kanina,” sagot niya atsaka ngumiti.
“Thank you talaga! Ang ganda-ganda parang professional ang gumawa. Siguradong mataas ang ibibigay na grade dito ni ma’am,” sabi ko pa sa kaniya.
“You’re always welcome,” tugon niya atsaka muling ngumiti atsaka lumakad papaalis.
Hindi pa rin maalis sa labi ko ang ngiti habang tinitignan siya na lumalakad papalayo. Naguguluhan ako kung bakit ko ito nararamdaman sa kaniya.
AISH! 15 minutes na akong late sa next subject ko!
Pagkarating ko sa susunod na subject ay nagdadaldalan lamang sila dahil wala pa ‘yong teacher namin sa Oral Communication. Sabi nga ng mga kaklase ko baka hindi pumasok o kaya ay may pinuntahan saglit.
Agad akong tumabi kay Queenie na kasalukuyang nakikipag-debate kay Kyzer na hindi rin talaga magpapatalo. Parang babae kung makipagsumbatan.
“Ang point ko lang naman, sana nagpaalam ka sa akin kung kukuha ka ng papel sa bag ko!” inis na sabi ni Queenie kay Kyzer.
“Girl, busy kang nakikipagdaldalan kanina kaya hindi na ako nakapagpaalam. Sasabihin ko naman talaga sa`yo kaya lang ay pinangunahan mo ako ng daldal,” sumbat naman ni Kyzer.
“Kahit na! Wala pa namang sampung segundo para sabihin sa akin na kukuha ka!”
“Girl, ang damot mo! Parang hindi tayo magkaibigan. Minsan lang naman eh!”
“Kahit na nga!”
“May dalaw ka ba ngayon?” tanong ni Kyzer tapos tinakpan ang kaniyang ilong. “Ano yung amoy malansa?”
“Nakakainis ka talaga! Wala akong dalaw ngayon!” inis na bulyaw ni Queenie `saka piningot ang tainga ni Kyzer.
“Aray!!! Joke lang!” sigaw ni Kyzer kaya napailing na lamang ako sa inaasal ng dalawa. Para talaga silang mga aso’t pusa kung magbangayan.
“Hep hep! Tama na iyan. Ang ingay niyong dalawa,” panunuway ko sa kanilang dalawa kaya napatigil sila.
“Buti nandito ka na. Saan ka ba galing?” tanong ni Kyzer.
“Kanina pa kaya ako dito! Busy kasi kayo sa pagtatalo kaya hindi niyo napansin ang pagdating ko,” tugon ko kaya napangisi silang dalawa.
30 minutes before matapos ang subject namin `saka dumating yung subject teacher namin pero nagturo pa rin siya.
Habang nagkaklase kami ay walang pumapasok sa isip ko bukod doon sa pinsan ni Lowell. Sayang nga lang dahil hindi ko natanong kung ano ang pangalan niya.
Bakit gano’n? Bakit ang pinsan na naman ni Lowell ang nasa isip ko? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
The feeling is very strange. I never felt this before kaya hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. What’s the meaning of this?
Hindi ako puwedeng magkagusto sa kaniya o makaramdam ng kung ano dahil pinsan iyon ni Lowell. Kapag nagkagusto ako roon sa pinsan niya, siguradong malaking suliranin ito dahil nga sa kung ano ang mayroon sa amin ni Lowell.
But I failed…
CHAPTER 9- ARTIST'S DOUBTSMabilis na lumipas ang buwan. Parang kahapon lang noong unang araw na naging kami ni Ernell, pero ngayon ay tatlong buwan na kami. Parang kahapon lang, Grade 11 pa lang kami pero ngayong ay isang buwan na kaming Grade 12. Habang ninanamnam mo ang bawat sandali doon naman bumibilis ang pagtakbo ng oras. Hindi talaga mapigilan ang paggalaw ng oras. “Goodmorning, Miarei!” salubong sa akin ni Ernell sa harap ng gate kaya napangiti ako. “Magandang umaga rin sa`yo,” nakangiting tugon ko sa kaniya. “Mas maganda ka pa s
CHAPTER 8- ARTISTS' LOVEAraw-araw na gano’n ang ginagawa naming dalawa. Pagkatapos ng klase ay pumupunta kami sa grandstand, kukunin niya ‘yong canvas sa guard house at magpe-paint ulit.Isang buwan na rin naming ginagawa ang painting ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin tapos. Kung tutuusin, dapat isang linggo lang tapos na namin ito pero inuunti-unti naming gawin. Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong sagutin si Ernell. Eksaktong Recognition Day namin noong sinagot ko siya. Doon lang din nakilala nina mama at papa si Ernell, mabuti nga ay hindi sila nagalit. “Ang tagal natapos ng recognition ninyo. Ang dami naman kasing nag-speech ng kung anu-ano kaya mas tumag
CHAPTER 7- ARTISTS' FAIRYTALEKahit pala nagkamali ka ng pinili sa una ay maaari mo pa rin itong maitama. Hangga’t patuloy na sumisilay ang panibagong umaga ay maaari mo pang maitama ang lahat. Maaari mo pang piliin ang dalat piliin na hindi mo nagawa noon.Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na pumili muli at piliin ang tama, huwag ka ng magdalawang isip pa na gawin kung ano ang nararapat. Huwag mo ng palalampasin pa ang pagkakataon.Katulad sa akin ngayon, hindi ko noon pinili si Ernell kaya labis kong pinagsisihan. Pero ngayon na may pagkakataon na ulit ako, hindi ko na ito palalampasin pa. Gaya ng ginawa ko, pumili muli ako sa pangalawang pagkakataon. Sa pagkakataong ito siya na ang pinili ko.Matapos kong sabihin na siya na ang pinipili ko ay napagdesisyunan nami
CHAPTER 6- ARTIST'S CHOICE Karaniwan na kinatatakutan ng lahat ay pagkasira ng pagkakaibigang matagal na binuo. Masakit sa damdamin kapag nasira ang pundasyon ng pagiging magkaibigan ninyo.
CHAPTER 5- ARTIST'S COMPUNCTIONSMay mga pagkakataon sa buhay natin na basta-basta na lamang tayong nagpapasya at hindi na inaalam ang maaaring lalabas na negatibong resulta. Hindi na natin naiisip kung tama nga ba ang napili dahil ang emosyon ang nananaig.
CHAPTER 4- ARTIST'S MELANCHOLYIsang buwan na ang nakalipas matapos magtapat sa akin si Ernell. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya o hindi dahil pagkatapos no’n ay hindi na kami nakapag-usap pang muli.