Share

CHAPTER ONE

last update publish date: 2020-07-28 19:40:45

“Cool off? Na naman? Why?” sunud-sunod na tanong ni Dane, ang matalik na kaibigan ni Shelby. Kasasabi lang kasi rito ng dalaga na nagdesisyon na naman siyang makipaghiwalay muna sa nobyo niyang si Alfonso.

“Ayaw niya akong payagang mag-work dito sa New York. He wants me to go back home with him as soon as he completes his MBA here.”

“And for that you broke up with him again?”

Natigilan sa pag-inom ng red wine sa kopita niya ang dalaga nang makita kung gaano ang panghihinayang ng kaibigan sa kanyang naging desisyon. Natanong tuloy niya ang sarili kung tama ba ang kanyang kapasyahan. Pero sa isang banda naisip rin niya na sobrang loyal ni Alfonso sa kanya. Katunayan, sa loob ng walong taon nilang pagiging mag-nobyo at apat na beses na pag-cool off ay hindi man lang ito natingin sa ibang babae. Ilang linggo makalipas ang kanilang break up ay kusa itong bumabalik sa kanya para pagbigyan siya sa kung ano man ang hiling niya. Kaya nakasisiguro siya na itong paghihiwalay na ito ay hindi naiiba. Sinabi rin niya iyon kay Dane.

“That was before. You guys were teenagers then. It’s different now. Pareho na kayong nasa tamang edad para magpakasal.”

“Marriage can wait, Dane. There’s still a lot of things I want to do. I’m just twenty-five years old.”

Napabuntong-hininga si Dane at napailing-iling pa.

“A guy like Alfonso dela Peña should have been caged a long time ago, Shelby. Nasa kanya na ang lahat, ano ka ba. Guwapo, matalino, mayaman, at galing pa sa buena familia. He’s a Soriano-Araneta for crying out loud! Siya lang ang bagay na bagay sa isang katulad mo!”

Nginitian ni Shelby ang kaharap. “He is a dela Peña, Dane. Mom niya lang ang Soriano-Araneta.”

“Gano’n na rin iyon. Sayang!”

Bakit gano’n? Sa tuwing nalalaman ng mga tao ang lineage ni Alfonso ay halos ipagduldulan na nila ito sa kanya? Ano naman ngayon kung galing ito sa angkan ng mga mayayaman? Hindi naman iyon ang ginusto niya sa dating nobyo.

“Kapag napikot ng ibang babae rito si Alfonso ikaw rin. Wala ka nang mahahanap tulad niya. Dinig ko engaged na kahapon ang last chance mo sana from the Zobel de Ayala clan. Tapos iyong mga Razon? Huwag mo nang pangarapin. They are all taken.”

Dahil umiinom sa wineglass niya nang mga oras na iyon si Shelby at biglang natawa, tumalsik ang ilang patak ng vino at tumulo pa sa baba niya. Mabuti na lang at maagap siya sa pagpahid dito kung kaya hindi namantsahan ang suot niyang puting one piece dress na isa sa mga priced collection niya mula sa paborito niyang designer na si Vera Wang.

“I don’t need a rich man to be happy, Dane. I can marry anyone---rich or poor for as long as I love him,” paalala pa niya kay Dane.

“And do you think your family especially your brothers will allow you to marry just anyone?” natatawang sagot naman ng kaibigan.

“Of course! They just want me to be happy. And besides money is not everything.”

Itinirik ni Dane ang mga mata. “You just say that because you’re a San Diego and you do not need to work to feed yourself,” medyo malungkot na pahayag pa ng babae.

Natigil sa pagsubo ng broccoli mula sa vegetable salad niya si Shelby. Na-guilty siya nang kaunti kung kaya ginagap niya ang isang kamay ni Dane na nakapatong sa mesa at bahagya itong pinisil.

Kaiba kasi sa kanya, si Dane Felice Florindo ay anak lamang ng isang magsasaka sa Pilipinas na sinuwerte’t natanggap bilang nurse sa isa sa mga ospital sa New York samantalang siya, si Shelby Madeline Mariano San Diego, ay nag-iisang anak na babae ng isang Filipino business tycoon na si Magnus San Diego. Kilalang-kilala ang kanilang pamilya sa negosyo dahil bukod sa ama may mga pangalan din ang kanyang mga kuya sa iba’t ibang industriya hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa rin. Kung hindi nga lang dahil sa pagkakasakit niya minsan at pagkaka-admit sa ospital na pinagtatrabahuhan ng kaibigan ay hinding-hindi sila siguro magkakadaupang-palad nito. Ibang-iba kasi ang mundong ginagalawan nila.

“Nakikita mo ba ang nakikita ko?” tanong bigla ni Dane sa mahinang tinig. May tinuturo ito kay Shelby sa may bandang bintana ng restawrang kinakainan nila. Napatingin naman ang dalaga doon kahit na wala siyang ideya kung ano ang titingnan dahil hindi niya nakuha agad kung bakit sobrang excited ang kaibigan.

“Sayang! Ang bilis niya kasing maglakad, eh!”

“The who?” Bahagya lang interesado si Shelby. May kutob siyang may naispatan na naman sigurong local elite o celebrity si Dane. Kaya nga kahit may kamahalan ang Eleven Madison Park ay dito nito napiling mag-dinner dahil bukod sa mayayamang New Yorker ang kadalasang kumakain sa restorang ito marami ring taga-ibang bansa na may kaya sa buhay ang napupunta rito. Kaharap lang kasi ito ng Madison Square Park, ang isa sa pasyalan ng mga turista kapag nagagawi sa Manhattan. Nagbabakasakali na naman siguro ang kaibigan niya na doon makikita ang very elsuive na Mr. Right niya.

“I think I’ve seen a hotel magnate,” tila kinikilig pang pagkukuwento ni Dane. Kumikislap na sa excitement ang mga mata. Just like that naglaho na ang kalungkutan nito.

Napangiti lang si Shelby. Paano kasi, it doesn’t have the same effect on her. Eh ano ngayon kung may nadaang hotel magnate sa harap ng restawran? Kahit pa siguro pinakamayamang tao sa buong mundo ang bigla na lang lumitaw doon ay hindi niya pag-aaksayahan ng kahit isang sulyap man lang. How much more kung isang hotel magnate lang. Parang daddy lang kasi niya iyon. Hotel magnate din namang matatawag ang dad niya sa dami ng hotels nila na nagkalat sa buong Asya. Kamakailan lang ay nagpatayo ng pang-isang libong hotel nila ang kanilang pamilya. Itinayo iyon sa Bali, Indonesia kung kaya halos lahat ng miyembro ng pamilya niya naroon para ipagdiwang ang nasabing accomplishment ng padre de pamilya nila. Siya lang ang hindi dumalo dahil may interview siya sa pinagtatrabahuhan na niya ngayong fashion house.

“Aren’t you even excited?” si Dane uli.

Pinagkibit-balikat na lamang iyon ni Shelby sabay ubos sa red wine na nasa kopita. Pagkatapos no’n tumayo na siya at niyaya na ang kaibigang umuwi na sila. Kailangan niyang magising nang maaga bukas para sa preparasyon sa gaganaping New York Fashion Week sa susunod na linggo.

“Hay, sana naman bumalik si Mr. Golden Boy,” tila nangangarap pang pahayag ni Dane.

Shelby gave out a hearty chuckle at nauna na siya sa may labasan.

**********

“Sir? Sir!” untag ng assistant ni Gunter sa kanya. Kailangan pa nitong yugyugin nang bahagya ang balikat ng amo para tapunan siya ng kahit isang sulyap man lang. Mayroon kasing sinusundan ng tingin ang isang Gunter Klaus Albrecht na biglang naglaho kung kaya abala ang isipan sa pag-aanalisa kung saan ito nagsuot.

“Get your hand off my shoulder,” babala ni Gunter sa assistant. Walang ka-ekspre-ekspresyon ang kanyang mukha ngunit may galit naman ang tinig.

“Sorry, sir. I was just trying to say---”

Hindi natapos sa pagsasalita ang lalaki dahil tinalikuran na ito ni Gunter. Pumasok na kasi ang binata sa loob ng Eleven Madison Park. The moment he stepped inside the restaurant women looked at him with admiration, including those who came with their husband or partner. All female in the house seemed to salivate just at the sight of him. Ibang-iba kasi ang dating ng batang-batang negosyante na si Gunter Klaus Albrecht. Bukod sa matangkad ito sa karaniwan sa taas na isang daan at walumpu’t walong sentimetro, maganda pa ang pangangatawan kung kaya bagay na bagay ang suot nitong kulay abo na amerikana. ‘Ika nga ng karamihan, he’s the epitome of class and elegance. Bagay na bagay maging chairman con CEO ng isang malaking korporasyon na tinatawag na Skylar Quandt Corporation, pinaghalong pangalan ng yumaong kapatid at apelyido ng ina sa pagkadalaga.

“Good evening, Mr. Albrecht,” bati kaagad ng mga nasa front desk. Hindi naitago ang kilig ng lahat. Minsan lang kasi pumupunta roon ang isa sa tinaguriang hottest bachelor of New York City. Kadalasan pa’y may kasama itong socialite na ubod ng selosa. Kaya kahit na wala itong reservation that night ilang staff ng restawran ang sumalubong dito at umestima.

“A table for two, sir?” tanong ng manager na mabilis na nakalapit sa lalaki. Ilang segundong sulyap lang ang binigay dito ni Gunter bago mabilisang hinagod ng tingin ang mga kumakain doon ngayon. Pagkatapos no’n ay tumalikod ito na tila dismayadong-dismayado.

“Anything we can do for you, sir?” tanong pa uli ng manager. Sinundan pa si Gunter habang papalabas ito sa restawran nila.

Nang hindi sumagot ang binata ang assistant na nito ang humarap sa manager at humingi ng dispensa bago patakbong humabol sa amo. Halos sabay na silang nakarating sa tapat ng kulay pulang second generation Tesla Roadster na nakaparada sa harapan lang ng Madison Square Park na kaharap ng pinanggalingan nilang restawran. Napakamot-kamot sa ulo ang assistant nang tinabig lang ng amo nito ang kamay nang tangkain niya sanang pagbuksan ito ng pinto sa likuran ng kotse. Walang imik na lang siyang napaikot sa driver’s side at pumasok na rin sa loob ng sasakyan.

“Sir, as I was saying a while ago, Mr. Stevenson called up to inform you that he just summoned the board of directors for an emergency meeting tonight. Something came up. We need to go back to Skylar Quandt Building now.”

Bahagyang tumango si Gunter sa likuran. Wala sa sinasabi ng assistant ang isipan niya. Hinayang na hinayang kasi siya sa pagkakataong makilala na sana ang babaeng iyon. Kung bakit ang bilis naman maglaho nito sa paningin niya. Pagdaan ng kotse nila kanina sa tapat ng Eleven Madison Park, namataan pa niya ito sa isang table malapit sa bintana. Namamalikmata lang kaya siya? The first time he saw her was at the MET or kilala rin sa pangalang Metropolitan Museum of Art habang personal na tino-tour ang pinakamalaki nilang investor from Dubai at hindi na siya natahimik mula noon. And he was not even the type to dwell on beautiful women because he has an abundant supply of them if he wants to be with one but this girl seemed to have something he couldn’t put his finger on which kept him thinking about her.

“We’re now in front of the building, sir,” pagbigay-alam ng assistant niya pagkatapos ay dahan-dahan nitong hininto ang sasakyan sa harap ng entrance.

Hindi na hinintay ni Gunter na pagbuksan siya ng pintuan gaya ng nakagawian nilang mag-amo. Mabilis siyang umibis ng kotse at dali-daling pumasok sa Skylar Quandt Building kung saan daw naghihintay ang mga ka-meeting niya.

Pagdating nila Gunter sa ika-limampu’t limang palapag kung saan naroroon ang conference room nila it was already half past nine in the evening. Ibig sabihin kalahating oras na silang late sa pinatawag na pagtitipon ng Chief Operating Officer o COO ng Skylar Quandt Corporation. Hindi na maipinta ang mga pagmumukha ng board of directors lalo na ng COO na si Mr. Stevenson.

“I have called your assistant at eight o’clock this evening,” bungad kaagad nito hindi pa siya nakakaupo sa kabisera ng conference table. Pigil na pigil ang galit ng sisenta y sais anyos na puting Amerikano. “I said we have an emergency meeting!” he hissed.

Hindi ito pinansin ni Gunter. Prenteng-prente pang inayos-ayos ng binata ang kurbata habang pinapasadahan ang memo at headline ng isang daily news na nakalapag sa kanyang harapan. Nang mabasa pareho iyon, napahikab siya. Lalong nanggigil ang mga board of directors lalo na ang COO. Inaasahan kasi ng mga ito na magwawala siya dahil sa nilalaman ng balita.

“What the fvck is wrong with you? Our pharmaceutical firm has suffered a great blow today in the stock market for what your fvcking fiancee has been doing behind your back and you are not even bothered?!” galit nang pahayag ni Mr. Stevenson. Nanlalaki pa ang butas ng ilong nito. Si Gunter nama’y kalmado pa rin. Ni wala pa rin siyang reaksiyon sa balitang bumalandra sa local newspaper nang araw na iyon tungkol sa diumanong pagkakatisod ng isang paparazzi sa pagtataksil ng kanyang nobya kasama ang pinuno ng kanyang personal bodyguards. Kahit pa na ang sabi sa balita ay aktuwal na pagtatalik ang nakuhanan ng video.

“What do you want me to do, Mr. Stevenson? Kill the man?” parang tinatamad pang sagot ni Gunter. Sa totoo lang, he had better things to do than talk about Adeline and her sexcapades.

“How do you expect the public to believe that our Verlangen supplements really help men in bed when you, the chairman of this goddamn corporation has always been pictured as no less than a low performing cuckold?!”

Napaismid si Gunter. Palalampasin lang sana niya iyon ngayong tila bulkang sumasabog ang COO niya ngunit hindi siya nakatiis maging sarkastiko. “I am not married to her yet, Mr. Stevenson, so that term, cuckold, is NOT appropriate.”

Napangiti ang ilang board of directors samantalang lalong nanginig sa galit ang matandang COO. Nag-demand itong maglabas siya ng statement sa press agad-agad tungkol sa pagtataksil na naman ng nobya niyang si Adeline dahil kung hindi raw ay tiyak na bubulusuk lalo ang stock price ng subsidiary firm nilang Munich, ang pharmaceutical company na na-acquire nila five years ago.

“I’ll see what I can do, gentlemen. Meeting adjourned.”

Tumayo na agad si Gunter at dere-deretsong lumabas na ng conference room. Minanduan niya ang kanyang assistant na sisantehin ang nasabing bodyguard. Pagkatapos, tuloy-tuloy na siya sa parking lot kung saan iniwan ang Tesla Roadster. Mayroon lang siyang babalikan sa Manhattan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Twenty-Four Seconds    EPILOGUE

    Umiinat-inat pa lamang si Shelby sa kama nang may marinig na sunud-sunod na katok. Para bagang may something urgent. Kinapa niya ang katabi. Wala na si Gunter sa kama. Napatingin siya sa orasan sa bedside table. It was almost one o’clock in the afternoon!“Ate Shelby, sina Kuya Morris at Kuya Moses po ay nasa ibaba. Aakyat nga po sana sila rito kaso ang sabi ko po bawal po kayong istorbohin dahil iyon ang bilin ni Kuya Gunter bago umalis kanina papuntang work,” bungad ng katulong nang pagbuksan niya ito. Napahikab si Shelby habang napatangu-tango. She was wondering what made her brothers come visit her in her

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FIFTY

    Napanganga si Shelby nang makitang halos kompleto ang buo niyang pamilya sa kanilang living room sa pangunguna ng mga kuya niya. Nandoon din si Gunter. Nasa bandang likuran ito nila Moses at Morris. Ang Kuya Marius at Markus niya ang may hawak ng chocolate cake. Maluha-luha sa tabi nila ang kanyang mga magulang. Hawak na ng mommy niya si Shy. Pati ang bulinggit ay tila may alam sa ginawang pa-surprise ng pamilya niya sa kanya. Tumitili-tili na ito habang nagka-clap-clap. “You guys are crazy,” mangiyak-ngiyak na sabi niya sa kanila. Halos hindi na niya maihakbang ang mga paa para tuluyang makababa ng hagdanan. Bigla kasing nanlambot ang mga tuhod niya at animo’y bibigay na ang mga ito. Siguro natumba siya roon kung hind

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-NINE

    Naging laman na naman ng headlines ng mga dailies sa NYC ang pamilya Albrecht matapos mailibing ang patriarch nito na si Henry Klaus Albrecht. Pormal kasing pinahayag ng publicist ng korporasyon pagkatapos ng libing na naayos na raw ang gusot ukol sa problemang pinansiyal ng Skylark Quandt Corporation. Kahit hindi nabanggit ang tungkol sa pagpapanggap na na-bankrupt ito, lumabas pa rin ang usap-usapan na niloko raw ng matandang Albrecht ang lahat. May umugong na alingasngas mula sa mga nagsipag-alisang executives at stockholders. Nagalit ang iba sa panlilinlang diumano ng former president ng korporasyon. Mayroon pa ngang mga news outlet na nabwisit din dahil pati raw sila ay nauto ng matanda. Sa lahat ng may negatibong reaksiyon sa pang

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-EIGHT

    Shelby stiffened upon seeing Albus Smith, Jr. Awtomatiko siyang napalapit kay Gunter saka agad na kinuha si Shy. Ang asawa nama’y natigilan din, pero mukhang nakabawi agad ito. May pinindot itong numero sa intercom at makaraan ang ilang sandali’y nagmamadaling pumasok sa loob ng upisina nito ang bagong assistant na sa tanda ni Shelby ay nagngangalang Jackson. May sinenyas dito si Gunter at agad namang pinakita ng lalaki ang tablet nito. Saglit na pinasadahan ng asawa ang tantiya ni Shelby ay listahan ng appointment nito nang araw na iyon at ito’y napangiwi.“You didn’t tell me he was this guy,” pabulong na sabi ni Gunter sa assistant.

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-SEVEN

    My Dearest Shelby,I hate to break this news to you a few days before the New Year, but I’m a signatory to all of Dad’s loans. So I’ll be inheriting all of them---all twenty billion US dollars! Not to mention the corporate loans…I would understand it if you backed out of our wedding. But always remember that I love you to the moon and back.Your loving husband,

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-SIX

    Tila naalimpungatan si Shelby nang hawakan siya ng yaya ni Shy sa pisngi. Ang lamig ng kamay nito and she was screaming like crazy.“Ano’ng nangyari sa iyo?” tanong niya rito.“Ms. Shelby! Oh my God! Thank God that you’re conscious now.” Humagulgol na ito at napayakap sa kanya nang mahigpit. “You scared the hell out of me!” At kinuwento nitong nawalan daw siya ng malay dahil sa balita. Pagkarinig sa salitang ‘balita’ napapiksi siya sabay tingin sa telebisyon. Tapos na ang flash report. Tungkol na sa weather ang binabalita.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status