LOGIN“Sample maker? Ano iyon?” walang kainte-interes na tanong ni Dane kay Shelby habang nag-aalmusal sila isang Lunes nang umaga.
“Tagatahi ng design matapos magawa ng master designer ang disenyo para kung mayroong problema ang pattern ay magagawan kaagad niya ng paraan bago ito maibigay sa mananahi namin for mass production.”
“Ang ibig mong sabihin hindi ikaw ang master designer diyan sa fashion house n’yo? Eh ba’t nagtitiyaga ka pa riyan? My God, Shelby! Hindi bagay sa iyo! You can do better than that, you know. Parang entry level position lang pala iyan tapos nagpapakahirap ka pa. Why don’t you ask your dad to get you your own fashion house?”
Sinimangutan ni Shelby ang kaibigan bago inubos ang pinakahuling patak ng kape sa tasa niya.
“That’s the last thing I want to do. Dane. Gusto kong magsimula sa ibaba para alam ko ang pasikot-sikot sa negosyong ito. I’ll build my own fashion house someday but I want to do it on my own.”
Itinirik ni Dane ang mga mata bago inimis ang mga pinagkainan nila at nilagay sa dishwashing machine. Natawa naman sa kanya si Shelby.
“Okay, see you later, Dane. I have to go na.”
At tumakbo na ang dalaga palabas ng shared condo unit nila. Dahil gustong pangatawanan ang simpleng pamumuhay, iniwan niya sa garahe ang bigay na sasakyan ng dad niya at nag-bus lamang papunta sa Margaux Quandt, ang pangalan ng fashion house kung saan siya nagtatrabaho ngayon bilang isang sample maker. Makikita ito sa pinaka-sentro ng Manhattan.
“Lord Randolph, the Philipino girl is here now. You said you want to see her yourself,” sabi ng isang petite na black woman pagkapasok na pagkapasok ni Shelby sa loob ng working area nilang mga sample makers.
Kinabahan agad ang dalaga. First two weeks pa lang niya sa trabaho at gusto na siyang makausap agad ng head designer nila? Hindi ba nito nagustuhan ang ginawa niyang samples noong isang araw? Mabilis na nag-replay sa utak ni Shelby ang mga ginawang notes matapos maipasa ang mga samples na gawa niya. Hala! Baka hindi nito nagustuhan ang mga isinama niyang suggestions to make the pattern better!
My gosh! Masyado ba akong pabida?
Kabado man, pinilit ni Shelby na maging kampante. She straightened her shoulders and stood with her chin tilted upward. ‘Ika nga ng dad niya sa kanya noon, dapat kapag nakipag-usap sa kahit kanino huwag laging kalimutang ipakita na confident siya at sure na sure sa sarili. Malaking bagay raw ang nagagawa ng power poses sa kung paano tratuhin ng isang tao ang kapwa niya.
“So you are Miss Shelby San Diego?” tanong sa kanya ng matandang puti na base sa accent nito’y naisip ng dalaga na baka tubong Alemanya.
“Yes, Lord Randolph. I’m Shelby San Diego.”
Inikot-ikotan siya ng matanda habang tinitingnan mula ulo hanggang paa. Mayamaya pa’y nagtaas ito ng kilay at parang napaismid.
“That’s a pair of Manolo Blahnik’s Hangisi flats,” bigla na lang ay nasabi nito.
Napatingin din si Shelby sa suot na pares ng black flat shoes mula sa isang mamahaling designer ng mga sapatos. Ganoon din ang mga kasamahan niya sa departamentong iyon pati na ang fashionable na petite black woman na napag-alaman niyang assistant pala ni Lord Randolph. Nagkaroon ng bulung-bulungan ang mga empleyado roon at medyo nakaramdam ng guilt ang dalaga dahil alam niyang nagtitiyaga lamang sila sa mumurahing gamit samantalang heto siya at tila binabalandra pa sa lahat ang kung ano ang kaya niyang bilhin. She made a mental note to do an overhauling of her closet once she gets home that day.
“I like your dress. It shows class and elegance without being extravagant. However, I have no idea who designed that one and to think my knowledge of designer clothes is vast. I know every designer’s creation---I mean designers who matter of course.” At ngumiti uli sa kanya ang matanda. Ngiting hindi umabot sa mga mata nito.
Nangunot ang noo ni Shelby. Para saan ba itong pag-uusap na ito? Mukhang hindi naman galit sa kanya si Lord Randolph. Katunayan, pinuri-puri pa ang gawa niyang damit. Wait. Baka pinaparatangan siyang nagsususuot ng mga gawa ng rival fashion houses? Hala! Iyan pa naman ang pinaka-mortal sin na maaring makamit ng ninumang nagtatrabaho sa Margaux Quandt!
“This is from one of my Spring collections, sir, I mean Lord Randolph.”
Natigilan ang master designer nila. Tinitigan siya lalo nito. Hindi mawari ni Shelby kung ano ang naging epekto ng kanyang pag-amin sa matanda dahil hindi naman ito nakitaan ng galit o kasiyahan. Dahil sa labis na pag-aalala, nawala na sa isipan niya ang power poses na tinuro ng kanyang ama. Medyo humuklot bigla ang kanyang pagkakatayo.
“So you also design dresses?”
Marahang tumangu-tango si Shelby. “Yes, sir. I designed all the dresses I wore to work since last week,” sabi pa niya pero this time ay halos pabulong na lamang.
Biglang pumalakpak ang matanda na ikinagulat naman ni Shelby. “Good! Please follow me.” At mabilis itong lumabas ng working area nila. Natigilan ang dalaga saglit subalit nang senyasan ito ng assistant ni Lord Randolph na sumunod agad ay halos mapatakbo na ito sa paghabol sa dalawa.
“Seriously?! I mean---I just came here and---”
“Don’t you want the job?” tanong ni Lord Randolph. Medyo kakitaan ito ng pagkagulat sa naging reaksiyon ng trabahante nang sabihin niya ang pakay ng pakikipag-usap dito.
“Of course, I do! But---”
“Then, it’s settled, Ms. San Diego. Please ask Ms. Williams here on what you need to do. That’s all for now.” At sumenyas na itong umalis na raw ang dalaga sa harapan niya.
Napasulyap si Shelby sa assistant ni Lord Randolph. Larawan ang dalaga ng pag-aalinlangan. Gagawin daw kasi siyang assistant head designer ng fashion house! Iyan ay kung maipapasa niya ang isang pagsubok. Sa susunod na buwan ay idadaos ang in-house fashion show ng Margaux Quandt kung saan ang apat na empleyadong may angking talento sa pagdisenyo ng damit ay magpapatagisan ng galing. Ang mananalo sa naturang kompetisyon ang siyang pipiliin upang maging assistant head designer. At apat daw ang katunggali niya. Isa na roon ay si Katarina Horvathova, isang Slovakian immigrant na simula’t sapul ay ipinabatid sa lahat na gusto niya ang posisyon ni Lord Randolph. Minsan nang nasilayan ng dalaga ang gawa ng babaeng iyon at aminado siyang hindi madaling kalaban ang Slovakian na iyon.
She knew she was in for a great challenge. Nakakakaba. But then, she’s a San Diego. Nasa dugo niya ang pagiging palaban. Napakuyom siya ng palad at sumuntok sa ere.
I can do it!
**********
Napangiwi si Gunter nang makita ang ginawang portrait ng artist na kinomisyon niya matapos niyang idikta rito ang facial features ng babaeng gusto niyang masilayang muli.
“What the fvck is this?!” halos ay isigaw niya sa lalaking pintor. “Frederick!” bulyaw niya sa kanyang assistant na nakatayo lang sa hindi kalayuan sa kanyang desk. Kaagad namang lumapit sa tabi niya ang huli. “Where the fvck did you find this guy?” nag-aapoy sa galit na tanong niya rito.
Napakamot-kamot ng ulo si Frederick. Ang pintor nama’y namutla. Tila natakot din.
“Sir, he’s a multi-awarded artist,” pabulong na sagot ni Frederick sa amo.
“Multi-awarded my ass!” At hinagis ni Gunter ang canvas sa kaharap na dingding. Dali-dali namang pinulot ito ng kanyang assistant. “Look at the nose in that damned portrait! That’s not even remotely close to her nose! And the eyes! That’s not her fvcking eyes!”
Nangunot ang noo ni Frederick. Wala siyang kaide-ideya kung ano ang hitsura ng babaeng nais ipa-sketch ng kanyang amo pero ang nakikita niya sa canvas ay hitsura ng isang Asian girl. Medyo mababa ang bridge ng cute na ilong at may pagkasingkit ang mga mata. Hindi ba ganoon naman ang hitsura ng mga Asyanong babae?
“Sir, the girl in the portrait is definitely an Asian one. What’s the problem?”
“Get out! The two of you! Out!”
Tumayo pa si Gunter para itulak ang dalawa palabas ng kanyang upisina. He never felt so frustrated. Naibagsak niya ang sarili sa swivel chair at pinaikot-ikot ito habang nag-iisip ng paraan kung paano uli makita ang babaeng nagpapagulo sa kanyang isipan nitong mga nakaraang buwan. It has been almost three months now since he had a glimpse of her in Eleven Madison Park. Ni wala man lamang siyang larawan nito para madali niyang mapahanap. Ang artist namang nakuha ng assistant niya na mag-sketch ng hitsura ng babae mula sa paglalarawan niya rito ay wala ring silbi.
Napapukpok siya sa mesa sa matinding frustration. Dahil sa iritasyon, pasigaw niyang sinagot ang telepono nang mag-ring ito. Si Mr. Stevenson pala ang nasa kabilang linya.
“You seemed to be in a bad mood again, Gunter Albrecht,” natatawang bungad ng matanda. Mukhang in a good mood ito. Taliwas sa nararamdaman ng binata.
A seemingly inaudible growl ang sinagot ni Gunter dito.
“I’m sorry?” si Mr. Stevenson uli. Nang hindi umimik ang kausap sa kabilang linya, hindi na ito nagpatuloy sa pang-uusisa sa kung ano’ng nangyari sa Chairman nila. Ibinalita niya na lang rito ang kanina pa nais sabihin.
“So the board of directors finally agreed to our proposal?” tila tinatamad na pahayag ni Gunter nang marinig ang binalita ng Chief Operating Officer. “All right then. I’ll see you later for the finalization of the deal.”
Matapos maibaba ang telepono sinulyapan ni Gunter ang wristwatch niya. Alas kuwatro palang ng hapon. May dalawang oras pa bago ang naturang meeting sa Skylark Hotel, ang flagship hotel ng kanilang korporasyon. Makalipas ang isang oras tinawagan niya ang kanyang assistant para ihanda ang sasakyan. Although half na hour lang naman ang biyahe mula sa upisina niya papuntang hotel, pero nais niyang dumating nang maaga. Ang isang Gunter Klaus Albrecht kasi ay hindi nale-late sa mga importanteng meetings kagaya nitong dadaluhan niya sa Skylark Hotel mamaya. Biruin mo? After almost three months of telling the board to diversify to another industry, hindi lang hotels at pharmaceuticals, pumayag ang mga ito. He was starting to regain his composure na sinira kanina ng walang kuwentang artist. Naturingan pang multi-awarded kuno. Asshole!
Makaraan ang ilang sandali, “We’re now here, sir,” pahayag ng assistant niya. Nasa tapat na sila ng entrance ng Skylark Hotel.
Tiningala muna ni Gunter ang pangalan ng hotel nila bago umibis ng sasakyan. Nauna nang kung ilang hakbang si Frederick sa kanya dahil bumati pa siya sa isang kakilala na nadaanan sa bungad ng entrance. Papasok na sana siya sa loob nang biglang nag-froze. After months of searching for her, there she was! Niluluwa ng revolving exit door! Sinalubong niya agad ito. Nangunot ang kanyang noo nang makitang tila umiiyak ang babae. He felt a bit angry na para bagang gusto niyang saktan ang kung sino o ano man ang nagpaiyak dito.
“Are you okay, Miss?” kaagad niyang tanong sa babae.
Tila nagulat ito nang makita siya. Pero nang makabawi ay bigla nitong inabot sa kanya ang isang tag na may numero. He looked at it with a confused expression on his face. Nakisilip ang isang valet parking attendant at mabilis na pinaliwanag sa kanya kung ano iyon. Kukunin pa sana nito sa kanya ang numero nang biglang may dumating na isang royalty from a Middle Eastern country kung kaya iniwan sila saglit para estimahin ang napaka-importanteng parokyano ng hotel.
Napagkamalan siyang butler ng babae! He was a bit amused. He never thought that with his Dormeuil Vanquish II suit and Stefano Ricci’s diamond plated tie anybody would still mistook him for a mere butler. Pero sige lang. At least this time, they have some kind of an interaction.
Nang makita niya ang sasakyan nito sa parking lot ng hotel, he was a bit impressed. A white Mercedes-Maybach. Ibig sabihin hindi siya isang ordinaryong Asian lamang. Teka. Asian nga ba siya? Her eyes are large and she seemed a little fairer than an avergae Asian girl. Baka Mexican? But her English has no traces of a Spanish accent. Ah, baka isang Latina from Europe? Or a mixed descent? Half-white, half-Asian or half-white, half-Latina? He couldn’t really tell for sure after seeing her up close.
Pagkadala niya ng sasakyan sa harapan ng babae kaagad itong nagpasalamat sa kanya. Iikot na sana ito papunta sa driver’s seat nang mapansin niyang gumigiwang-giwang ang lakad nito. Hindi naman mukhang lasing.
“Do you think you can drive, miss?” tanong niya rito.
“Yeah,” sagot ng babae sa namamaos na tinig.
He knew right there and then that she cannot drive in her present state. Maingat niyang inalalayan ito patungo sa passenger’s side. Nang maipasok doon ang babae ay saka siya bumalik sa driver’s seat. Tinanong niya ang katabi kung saan nito nais magtungo, pero imbes na sagutin siya nito’y pumikit lang ng mga mata at patuloy ang impit na pagtangis. Parang pinipiga naman ang puso niya sa nakikitang hinagpis ng kasama pero sinikap niyang hayaan itong makapaglabas ng damdamin. Nagmaneho lang siya palayo sa hotel nila. Malamang ay nandoon ang sanhi ng labis na kalungkutan ng babae kung kaya mabilis niya itong inilayo roon. Iyon lamang ang tanging maitutulong niya rito.
While he was driving, he couldn’t resist the urge to glance in her direction. Kung nabighani siya sa ganda nito sa malayuan noong una niya itong makita sa MET lalo na ngayong kitang-kita niya sa malapitan. Napagtanto niya kung gaano ka perpekto ang bawat facial feature nito. Mula sa makapal pero magandang hugis ng kilay, malago at malalantik na pilik mata, matangos na ilong at mamula-mulang labi. Wala siyang makitang kapintasan. Nabatid pa niyang mapusyaw lang ito mag-apply ng make up. Pati nga lipstick ay hindi rin gaanong matingkad. At ang pamumula ng mukha ay hindi dahil sa artipisyal na pampaganda kundi sa matindi nitong emosyong nararamdaman ngayon. How he wished he could simply erase her anguish even just for tonight.
Napabuntong-hininga siya. He felt helpless.
“Stop the car!” bigla na lang ay narinig niyang utos nito.
Sa gulat niya ay bigla niyang natapakan ang preno ng sasakyan kung kaya para itong hayop na ginilitan sa leeg. Nakakabingi ang screeching sound ng kotse.
“My God, woman! You’ll give me a heart attack!”
Tinanong siya ng babae kung sino siya. Bago pa niya masagot ang tanong ay dumukot na ito ng wallet sa purse sa kandungan at kumuha ng kung ilang hundred dollar bills. Mariin niyang tinanggihan ang alok ng babae. At laking tuwa niya nang malaman sa wakas ang pangalan nito. Shelby San Diego. Kay gandang pangalan. Katulad din ng may-ari. Walang kasing rikit. He couldn’t help smiling at her kahit na tumigil sila in what seemed like the middle of nowhere. Katunayan, hindi mabura-bura ang matamis niyang ngiti kahit nang bumababa na siya mula sa sasakyan nito.
He glanced at his watch. It was almost half an hour past six. Ibig sabihin ay late na late na siya sa kanyang meeting. Nakikini-kinita na niya ang nakalukot na mukha ng kanyang Chief Operating Officer. Pero who cares? Napangisi pa siya habang ini-imagine ang galit na galit na si Mr. Stevenson sampo ng kanilang board of directors.
Habang pinipindot niya ang numero ng assistant biglang huminto ang isang pamilyar na pink na pink na Mercedes Benz sa kanyang harapan. Napakamot-kamot siya ng ulo nang biglang lumabas mula roon ang maarte niyang ina. Walang iba kundi si Margaux Quandt Albrecht. Nang hagkan siya ng mama niya sa magkabilang pisngi, he felt a bit awkward lalo pa’t nasa hindi kalayuan lang ang babaeng nais niyang i-impress. His mom gave the white Mercedes-Maybach an uninterested glance before she commanded her driver to drive away. Napamura siya nang malutong nang biglang maalala na hindi niya pala nakuha ang numero ng babae.
“Fvck!”
“What’s the matter with you, son?” nagtatakang tanong ng ina.
Napalingon siya sa pinanggalingan nila. Pababalikin niya sana ang sasakyan ng ina sa pinag-iwanan kay Shelby San Diego pero wala na roon ang kotse nito.
“Goddamnit!” he said under his breath.
Umiinat-inat pa lamang si Shelby sa kama nang may marinig na sunud-sunod na katok. Para bagang may something urgent. Kinapa niya ang katabi. Wala na si Gunter sa kama. Napatingin siya sa orasan sa bedside table. It was almost one o’clock in the afternoon!“Ate Shelby, sina Kuya Morris at Kuya Moses po ay nasa ibaba. Aakyat nga po sana sila rito kaso ang sabi ko po bawal po kayong istorbohin dahil iyon ang bilin ni Kuya Gunter bago umalis kanina papuntang work,” bungad ng katulong nang pagbuksan niya ito. Napahikab si Shelby habang napatangu-tango. She was wondering what made her brothers come visit her in her
Napanganga si Shelby nang makitang halos kompleto ang buo niyang pamilya sa kanilang living room sa pangunguna ng mga kuya niya. Nandoon din si Gunter. Nasa bandang likuran ito nila Moses at Morris. Ang Kuya Marius at Markus niya ang may hawak ng chocolate cake. Maluha-luha sa tabi nila ang kanyang mga magulang. Hawak na ng mommy niya si Shy. Pati ang bulinggit ay tila may alam sa ginawang pa-surprise ng pamilya niya sa kanya. Tumitili-tili na ito habang nagka-clap-clap. “You guys are crazy,” mangiyak-ngiyak na sabi niya sa kanila. Halos hindi na niya maihakbang ang mga paa para tuluyang makababa ng hagdanan. Bigla kasing nanlambot ang mga tuhod niya at animo’y bibigay na ang mga ito. Siguro natumba siya roon kung hind
Naging laman na naman ng headlines ng mga dailies sa NYC ang pamilya Albrecht matapos mailibing ang patriarch nito na si Henry Klaus Albrecht. Pormal kasing pinahayag ng publicist ng korporasyon pagkatapos ng libing na naayos na raw ang gusot ukol sa problemang pinansiyal ng Skylark Quandt Corporation. Kahit hindi nabanggit ang tungkol sa pagpapanggap na na-bankrupt ito, lumabas pa rin ang usap-usapan na niloko raw ng matandang Albrecht ang lahat. May umugong na alingasngas mula sa mga nagsipag-alisang executives at stockholders. Nagalit ang iba sa panlilinlang diumano ng former president ng korporasyon. Mayroon pa ngang mga news outlet na nabwisit din dahil pati raw sila ay nauto ng matanda. Sa lahat ng may negatibong reaksiyon sa pang
Shelby stiffened upon seeing Albus Smith, Jr. Awtomatiko siyang napalapit kay Gunter saka agad na kinuha si Shy. Ang asawa nama’y natigilan din, pero mukhang nakabawi agad ito. May pinindot itong numero sa intercom at makaraan ang ilang sandali’y nagmamadaling pumasok sa loob ng upisina nito ang bagong assistant na sa tanda ni Shelby ay nagngangalang Jackson. May sinenyas dito si Gunter at agad namang pinakita ng lalaki ang tablet nito. Saglit na pinasadahan ng asawa ang tantiya ni Shelby ay listahan ng appointment nito nang araw na iyon at ito’y napangiwi.“You didn’t tell me he was this guy,” pabulong na sabi ni Gunter sa assistant.
My Dearest Shelby,I hate to break this news to you a few days before the New Year, but I’m a signatory to all of Dad’s loans. So I’ll be inheriting all of them---all twenty billion US dollars! Not to mention the corporate loans…I would understand it if you backed out of our wedding. But always remember that I love you to the moon and back.Your loving husband,
Tila naalimpungatan si Shelby nang hawakan siya ng yaya ni Shy sa pisngi. Ang lamig ng kamay nito and she was screaming like crazy.“Ano’ng nangyari sa iyo?” tanong niya rito.“Ms. Shelby! Oh my God! Thank God that you’re conscious now.” Humagulgol na ito at napayakap sa kanya nang mahigpit. “You scared the hell out of me!” At kinuwento nitong nawalan daw siya ng malay dahil sa balita. Pagkarinig sa salitang ‘balita’ napapiksi siya sabay tingin sa telebisyon. Tapos na ang flash report. Tungkol na sa weather ang binabalita.