Home / All / Twenty-Four Seconds / CHAPTER THIRTY-FIVE

Share

CHAPTER THIRTY-FIVE

last update publish date: 2020-08-12 18:57:46

Habang nagre-research si Shelby tungkol sa Skylark Quandt Corporation mayroon siyang hindi maintindihan. Dati-rati sobrang aktibo ni Henry Klaus Albrecht sa pamumuno ng kanyang negosyo subalit pagsapit ng ika-animnapu’t limang taon nito’y dahan-dahan nang pinaubaya sa bunsong anak na si Gunter na noo’y kaka-dalawapu’t isang taon pa lamang ang pamamahala rito. Sa tingin niya, sobrang aga naman nitong nagpahinga. Ang lolo nga niya, kamakailan lang bumaba sa kanyang puwesto bilang chairman ng San Diego Group of Companies. Siguro’y otsenta na iyon nang tuluyang bumaba.

“Who’s that?” tanong ni Lyndie habang sinisilip ang larawang nakabalandra sa kanyang laptop. Nang mabistahan nitong mabuti ang hitsura ng pinagmamasdang mabuti ni Shelby ay napakomento ito na ang pogi naman daw ng lalaki.

“This is Henry Albrecht, Gunter’s dad when he was in his fifties.”

“Ah. No wonder Gunter is drop-dead gorgeous. His dad was a total hunk.”

Napatukod ng siko sa desk niya si Shelby habang nag-iisip. Nawala sa isipan ang mga papeles na kanina pa ini-endorso ng assistant sa kanya. Kinailangan pang untagin siya ni Lyndie tungkol doon.

“Oh. Sorry. I was just thinking about---never mind. How are we doing with the bridal gowns? Can they be ready by February?”

Mayroon kasi silang fashion show ng mga bridal gowns sa Pebrero. Gusto sana nilang itaon sa araw ng mga puso. May mahigit dalawang buwan pa naman sila bago ang petsang iyon. Pero dahil mabusisi ang ibang disenyo niya na kinakailangan pang isa-isahing burdahan gamit ang kamay, medyo nag-aalala na si Shelby na baka hindi umabot ang mga prized collections niya.

“I think we are on schedule. Don’t worry, Shelby. We will make sure, we will be the talk of the town. For sure, we will be. Most fashion houses have theirs in June, ours is in February. We are way earlier than them.” At tumawa pa si Lyndie. Pero naputol agad ito nang makitang tila hindi pa rin naiba ang ekspresyon sa mukha niya.

Napabuntong-hininga si Shelby at nagpirma na sa mga papeles. Inabot niya ito kay Lyndie at pinagpatuloy ang pananaliksik tungkol sa korporasyon ng mga Albrecht.

“I heard from the grapevine that Henry Albrecht used to have a very controversial affair. It involved a wife of a prominent political family.”

Natigil sa pagbabasa ng history ng Skylark Quandt si Shelby at napatitig sa assistant. Naupo na si Lyndie sa isa sa mga visitor’s chair na nasa harapan ng desk niya.

“They said Henry Albrecht was accused of killing the husband of the woman. But he was acquitted for having no strong evidence against him. Despite his acquittal, people in New Jersey believed that he was guilty of the crime. ”

Napanganga sa narinig si Shelby. Si Henry Albrecht ay inakusahang nakapatay ng tao? Parang hindi consistent sa mahinahon nitong personalidad. Kung sa bagay. Wala naman sa personality ang pagiging killer kung minsan.

“Is that the reason why he stepped down as the Chairman con CEO of Skylark Quandt Corporation?” tanong niya kay Lyndie.

“No idea. Maybe.”

Nagka-affair pala si Henry Albrecht noon. Well, she was not surprised. Kung titingnan kasi sila ni Madame Margaux parang hindi mag-asawa. Malamig pa sa yelo ang pakikitungo ni Henry sa kanyang asawa. Si Madame naman parang hindi rin sweet. In-imagine ni Shelby ang kabataan ni Gunter. Kaya pala noon ay nasabi nito na inggit na inggit siya sa kanya dahil marami siyang kapatid. Marahil he was a lonely child. Gusto niya tuloy yakapin nang mahigpit ang musmos na Gunter at ipadama rito ang kanyang pagmamahal.

Natigil sila sa pag-uusap ng may kumatok nang tatlong sunud-sunod sa pintuan. Sumilip ang isa niyang staff at tila nahihiyang magsabi na buksan daw nila ang telebisyon na naka-angkla sa dingding paharap sa mesa ni Shelby. Naalarma tuloy ang huli. Si Lyndie na ang tumalima para sa kanya. At ganoon na lamang ang panghilakbot niya nang makita ang laman ng balita. Hinuhuli si Gunter ng mga pulis!

**********

“Boss, sir! There are policemen downstairs!” humahangos na balita ni Frederick kay Gunter. Halatang kinakabahan ito.

Kalmadong nagpatuloy lang sa tinitipa niya sa laptop si Gunter. Hindi man lang ito ng kakitaan ng kaba o takot. Pinagalitan pa nga si Frederick dahil sa pagpa-panic nito.

“Boss, aren’t you scared? They are going to arrest you for something you haven’t done!”

No’n lang tumigil si Gunter. “You’re right. Something I didn’t do. So why would I panic? Attorney Thompson will be here any moment from now. Dad already called him.”

Mayamaya pa, may kumatok nang tatlong mahihinang katok sa pintuan. Napatingin sila doon ni Frederick. Lumitaw ang ulo ng sekretarya at makikita sa mukha nito ang pangamba. Halos hindi na nga naisatinig ang gusto sanang sabihin bago dere-deretsong nagmartsa sa loob ang tatlong arresting officer.

“I told you so, boss!” nininerbyos na bulong ni Frederick sa amo.

Tumayo lang si Gunter at hinarap ang mga arresting officers. Sinabihan siya ng isa na nandoon sila para arestuhin siya sa kasong first degree money laundering which involved a million or more US dollars at may parusang hanggang dalawampu’t limang taong pagkabilanggo kapag napatunayang nagkasala.

Binasahan naman siya ng isapa

ng kanyang Miranda Rights bago pinosasan.

Naghihimutok ang damdamin ni Gunter, pero minabuti niyang tumahimik at sumunod sa kagustuhan ng mga pulis. May tinanong ang isa sa kanila, pero hindi na niya sinagot pa. Maging ang madaldal na Frederick ay natahimik din sa isang tabi. Mababanaag sa mukha nito ang matinding pag-aalala subalit hindi siya umimik gaya ng amo.

Matiwasay na sumama si Gunter sa mga pulis. Pagdating nila sa ground floor mayroon nang sumalubong na ilang paparazzi na nakahulagpos sa mga guwardya. Nagkagulo roon at halos hindi na magakamayaw ang mga journalists ng daily news sa NYC sa pagkuha ng magandang anggulo habang inaalalayan ng mga arresting officers ang dati-rati’y tinaguriang the most eligible bachelor of New York City.

**********

Sa isang bar sa Virginia, may dalawang lalaking labis na nanggagalaiti habang nanonood ng eksena sa TV. Halos lahat ng parokyano ng bar na iyon ay natigil sa pag-uusap para manood ng kaganapan sa telebisyon kung saan nire-report ng isang batikang news anchor ang tungkol sa pagkakadakip sa isang tinataguriang bigating criminal.

“This is insane! He shouldn’t be the one in handcuffs!” galit na sabi ng isang lalaki na sinang-ayunan naman ng isa pa na kaharap sa mesa.“Are you up for a challenge?” tanong nito sa kasama.

Tinungga muna ng isang mas bata ang isang mug na dark beer saka malakas na binagsak ito sa mesa. “I love challenges! I cannot wait to practice what I have thought I will never use again in my adult life,” excited nitong sagot.

Tumawa ang nagtanong. Magkaakbay nilang nilisan ang bar na iyon at agad-agad na tumungong helipad ng pamilya sa Fairfax para pumuntang New York. Tinawagan nila ang isa pa nilang kasama sa New Jersey at impunto ala una y medya nang umaga’y nagkita-kita sila sa Time Square. Nanginig sila sa matinding lamig dahil bumaba sa 2-3 degrees na ang temperatura. Ngunit kailangan nilang maghintay saglit bago masundan ang pinupuntirya.

“You guys know what to do, right?” tanong ng pinakamatanda.

“Like we’ve done this all our lives!” halos sabay na sagot ng dalawa. Nakangisi.

Pinagpatung-patong nila ang kanilang mga kamay at parang timang na sumigaw ng, “Para sa bayan!”

Naghagikhikan sila pagkatapos dahil wala namang kinalaman ang ‘bayan’ sa pakay nilang tatlo pero nakagawian na nilang ‘battle cry’ iyon sa tuwing may susuunging maaksiyon na eksena.

**********

“Gunter!” sigaw ni Shelby nang makita ang lalaking nakaupo sa isang silid mag-isa.

Pagkahatid sa kanya ng isang policewoman doon ay iniwan na silang dalawa.

Napayakap sila pareho sa isa’t isa. Gunter cupped Shelby’s face and without saying anything rested his forehead on hers. Napapikit ito agad.

“I am sorry for all these---for the humiliation---the inconvenience---the worries---. I shouldn’t have married you if I have known I will subject you to all these,” tila hirap na hirap na pahayag ni Gunter sa namamaos na tinig.

“Ssshh,” bulong ni Shelby sabay lagay ng hintuturo sa mga labi ni Gunter.

Dumilat ito at tumitig sa kanya nang matiim. Tapos ay bumaba ang mukha nito at ginawaran siya ng halik sa labi. Dampi lang iyon nang una, pero nang maramdaman din ang kanyang pananabik ay lumalim ang halik. Si Gunter ang unang tumigil. He then gave Shelby a light kiss on her lips and hugged her tightly.

“How’s Shy?” tanong nito nang maging panatag na ang kalooban. Inalalayan niya si Shelby sa pag-upo sa katabing silya.

“She’s doing all right. But at night, she would suddenly just wake up and cry non-stop. I think she missed you.”

Tumangu-tango si Gunter. Hindi na ito umimik. Shelby leaned on his shoulder and held his hand. Hindi na rin siya kumibo pa.

Mayamaya pa’y may kumatok at sumilip na isang police officer. Dumating na raw ang abogado ni Gunter at naayos na ang papeles. Makakalaya siya pansamantala. Napahinga sila nang maluwag.

**********

Sa conference room ng MS & Sons Ad Agency, nagkaroon ng mainit na diskusyon ukol sa kung ipagpapatuloy pa ang pagseserbisyo sa subsidiary companies ng Skylark Quandt Corporation matapos ito masangkot sa big time money laundering case. Ayon sa mga board of directors ng kompanya, hindi makakadulot ng mabuti ang pagkakabit sa malinis na pangalan ng kanilang agency sa korporasyong nalalagay ngayon sa kontrobersyal na kaso na kinasasangkutan pa mismo ng CEO nito na si Gunter Klaus Albrecht.

“We understand your sentiments, Mr. San Diego. Afterall, he is your son-in-law. But that’s the point of our discussion. The more that you---WE--- need to distance ourselves from his companies to make the people understand that althought he’s family now, you do not tolerate such illegal activities. That you can denounce a family member if he or she has committed a crime,” sabi ng isa sa kanilang board of directors na si Mr. Larsen.

Napakagat-labi si Magnus. Mukhang hindi nito nagustuhan ang huling pangungusap ng matandang puti, lalo na iyong ‘denounce a family member’. Si Shelby kasi agad ang kanyang naisip.

Kung nagawa ni Magnus na manahimik, hindi niya napigilan sa pag-alma ng kanyang kambal na naroon din dahil miyembro din sila ng board of directors. Si Marius ang kumakatawan sa mga shareholders at si Markus naman bilang Finance Director.

“We have to admit, we DO NOT approve of Mr. Albrecht for our little sister. If it were up to us, we want them to split ASAP. But my personal feelings about this bastard has nothing to do with how I see him as a businessman. And I DO NOT believe he is guilty of this money laundering case being hurled at him right now,” matigas na pahayag ni Marius na kaagad namang sinang-ayunan ng kanyang kakambal.

Bahagyang tumaas ang kilay ni Mr. Larsen. Makikitang pinaglalaruan ng kamay nito ang hawak na sign pen. Senyales na hindi nagustuhan ang pahayag ng kambal.

“All right, why don’t we vote whether to continue doing services for them or not?” hamon na lang niya sa mag-aama na kaagad namang tinanggap ng mga ito.

**********

“I want to spend my weekends with my family. Do not disturb me unless it’s a matter of life and death situation, okay?” bilin ni Gunter sa assistant habang naghahanda sa pagpasok sa kanyang Rolls Royce. Dadaanan niya nang umagang iyon sina Shelby at Shy. Balak niyang magpalipas sila ng weekend sa kanyang mansion sa Scarsdale. Dapat nga nandoon na sila naka-base kung hindi lang nagkaroon ng komplikasyon ang sitwasyon nila.

“Enjoy, boss,” nakangising sagot naman ni Frederick. Kumindat pa ito sa amo.

Makaraan ang ilang minuto’y nasa harapan na ng building ng ama ni Shelby si Gunter. Dere-deretso siya sa loob ng building. Doon niya nakasalubong ang kanyang mga bayaw. He felt awkward when he saw the twins. Just the sight of them make him want to bolt. But he knew that would make them hate him more. So he pretended everything’s all right and greeted them politely.

“We’re good,” sagot nila pareho. “And we will not ask you the same question because we know you are not,” dugtong ng isa pa. Ito iyong napapansin niyang mas agresibo at mas arogante.

Napangiti si Gunter at napailing-iling na rin. Ganunpaman, sumagot pa rin siya as if tinanong siya kung okay lang siya.

“And I am here to pick up my wife and kid. I am planning to take them to my house in Scarsdale, if that’s all right with you two.”

Hindi agad sila sumagot. Akala ni Gunter, iisnabin ang sinabi niya o di kaya’y babarahin siya. Kaya nagulat siya sa sinabi ng mas mellow at mas level-headed, but there was a catch.

“They’re already ready to go upstairs. But you must understand, they cannot go without an escort. So we will be driving as your convoy to your house in Scarsdale.”

“My bodyguards will also accompany us to Scarsdale,” sabi niya sa mga ito.

“Yes. The head of your bodyguards called ours but Dad wouldn’t let Shelby and Shy go with you without our own men and us, her brothers accompanying them,” sagot ng mas mabait.

“Don’t worry. We will not ride with you. We have our own car. Markus, let’s go.”

Napahilot-hilot ng sentido niya si Gunter. Nahagip ng paningin niya ang pagngiti ng gwardiya ng building. Hindi ito umimik pero batid niyang amused na amused sa naging palitan nila ng salita ng mga kuya ni Shelby. Pinagpasalamat na lang niya na at least hindi nagkaroon ng panununtok o pangkukwelyo ang kanilang confrontation this time.

**********

Amazed na amazed si Shelby habang iniikot ang mansyon ni Gunter. Although lumaki siya sa karangyaan at normal na ang magagarang gamit, pero hindi niya napaghandaan ang kung ilang collectors’ items na mga paintings sa art room nito. Daig pa ang art museum sa Pilipinas! Doon niya nakita ang mga rare pieces of art kagaya ng mga gawa nila Picasso at Felix Naussbaum, isang German surrealist painter, Ernst Ludwig Kirchner, isang expressionist painter naman, at Fernando Amorsolo, isang sikat na Pilipinong pintor!

“Do you know that this guy is Filipino?” tanong agad ni Shelby kay Gunter habang hinihipo ng mga daliri ang nakasabit na painting ng isang tila eksena sa nayon. She was more than elated. Pati si Shy na nakahimlay sa isa niyang braso ay napadilat at tila napatitig din sa naturang painting.

“Dad and I had no idea before I met you,” nangingiting pag-amin ni Gunter.

Mismong ang lolo daw nito noong 1920s ang nagkomisyon sa isang batang-bata na pintor galing Asya para sa painting na pinagmamasdan na nila ngayon. Noong mga panahong iyon daw wala itong kaide-ideya kung sino si Amorsolo. Maging silang mag-ama’y ganoon din. Nagustuhan lang ng kanyang pamilya ang nasabing painting kung kaya nanatili ito sa mga Albrecht for decades.

“But this became a personal treasure after meeting you,” nakangiting pag-amin ni Gunter.

“When Frederick saw this, he excitedly told me he saw similar dresses worn by your people in the old times as he was doing some research about your culture.”

Good old Frederick. Napangiti si Shelby. She felt so flattered na pina-research pa ni Gunter si Frederick tungkol sa kultura niya.

Dinala sila ni Gunter sa likod-bahay nito. Dahil kasagsagan ng winter at bumaba sa almost 0 degree Celsius ang temperatura sa labas, nagkasya silang mag-anak nang nakatanaw lamang sa tila mini-forest na kaharap ng lanai. Nakasara ang lahat ng bintana pero dahil salamin ang nakapaligid na dingding ay kitang-kita pa rin nila nag nasa labas. Kinuha na ni Gunter si Shy sa mga kamay ni Shelby at ito na ang nakakandong sa bata habang pinagmamasdan nila ang tanawin sa labas nang nakaupo sila pareho sa dalawang magkakatabing rocking chairs. Dahil nalagas na ang lahat ng dahon ng puno, nagmistulang patay na mga kahoy ang natatanaw nila. Subalit ang kapal ng naipong snow sa labas ay nagbigay dito ng maliwanag at kaaya-ayang tanawin, lalo na sa isang tropical person kagaya ni Shelby.

Napahilig siya sa balikat ni Gunter habang nakahawak sa mga paa ni Shy. Umingit ang bata at mayamaya’y dumilat. Napatitig ito kay Gunter tapos kay Shelby. Tapos mayamaya’y ngumiti na lang ito bigla. Halos napasigaw sa tuwa si Shelby sa nasaksihan. Napabungisngis na rin tuloy si Gunter at hinawakan na nila ito pareho habang tinatayo sa kandungan ng huli.

“I wish you will grow to be a caring and responsible person,” pabulong na sabi ni Shelby sa bata habang hinahaplos-haplos ng daliri ang pisngi nito.

“She will be. That’s for sure,” sagot naman ni Gunter. Hinagkan pa nito ang bata at nag-nose to nose silang dalawa. Umangat ang kanang braso ni Shy at tila humaplos sa pisngi ng ama. Napabulalas na naman ng katuwaan si Shelby. Bihira kasing gawin iyon ng bata. Mas madalas ay wala itong reaksiyon sa paligid.

Gunter leaned over and kissed Shy’s cheeks then Shelby’s forehead.

**********

Nagkakape na si Gunter nang bandang alas singko y medya nang umaga kinabukasan nang biglang nag-ring ang cell phone niya. Si Frederick. Umasim agad ang pagmumukha niya. Sinabihan na itong huwag siyang istorbohin pero twenty four hours pa lang ang nakalipas at heto nambubulabog na. Tiningnan lang muna ni Gunter ang screeng ng kanyang telepono at binalewala ang assistant. Subalit, makaraan ang ilang segundo tumawag na naman ito. Narindi na siya sa tunog ng ring tone kung kaya nilagay ito sa silent mode. Kaso, vibrate pa rin nang vibrate ang lintek. Napilitan din siyang sagutin ang hinayupak ngunit bulyaw agad ang bungad niya rito.

“Boss! I thought you would be in a good mood after spending the entire day and night with Ms, Shelby. Why are you so grumpy? Let me guess. I think you have not scored a homerun!” At humagalpak ito ng tawa.

Pinutol niya agad ang linya. Tumawag na naman ito, pero hindi na niya pinansin. Nakailang calls itong inisnab niya bago nag-text. Buksan daw niya ang TV dahil magugulat siya sa makikita. Ang unang eksenang bumalandra sa kanyang TV screen sa kumedor ay ang likuran ng mga police officers na nakapaikot sa kung sino ang in-apprehend nila. Pamilyar sa kanya ang neighborhood. It is close to Time Squaresa NYC. May nakita pa nga siyang billboards na bagong show ni Marinette. Mayamaya pa’y pinokus ng camera ang haggard-looking na si Mr. Stevenson. He was already handcuffed! At ayon sa balita’y kasama ito sa naaresto mula sa isang high end building doon na siyang ginagawang meeting place diumano ng mga big time drug lords.

Hindi na niya pinatapos ang balita bago tinawagan si Frederick! “Why the hell didn’t you tell me right away?!”

“Boss, I called you up several times, remember?” pagpapaalala nito.

Kailangan niyang mapuntahan ang ama. Mas naging komplikado ang sitwasyon ngayon ng Skylark. Ganunpaman, parang ini-insinuate na ng report na maaring maling tao raw ang napagbintangan sa money laundering case.

Gunter knew Mr. Stevenson is guilty of something, pero hindi niya inisip na ito ang konektado sa drug syndicate. May isa siyang kutob na kahit sa ama at kay Frederick ay ayaw pa muna niyang sabihin hangga’t hindi pa siya nakakalap ng sapat na ebidensiya.

“Call the corporate lawyer and our publicist. We need to issue a public statement ASAP.”

**********

Tila parang nahulog ang paa sa bangin kung kaya napadilat bigla si Shelby. Pagkapa niya sa tagiliran, hangin na lang ang nahawakan niya. Wala na si Gunter sa kanyang tabi. Dali-dali siyang bumaba ng kama at pinatungan ng white robe ang kanyang nightie. Dinaanan niya sa kuna si Shy at hinagkan ito sa pisngi bago bumaba sa second floor. Naririnig niya ang ingay ng TV sa kumedor kung kaya doon siya pumunta. Pagdating niya roon ay may kausap na sa phone si Gunter.

“What’s going on?” tanong niya rito at sumulyap sa TV. Napatutop sa bunganga si Shelby nang makita’t marinig ang news. “Isn’t that Mr. Stevenson?” tanong niya agad kay Gunter.

Lumapit sa kanya ang asawa at hinagkan siya sa pisngi habang patuloy na kumakausap sa kung sino ang nasa kabilang linya. Base sa lenggwaheng gamit, naisip niyang baka si Frederick ang kausap.

“Why is Mr. Stevenson being arrested?” tanong niya uli kay Gunter nang maibaba na nito ang cell phone sa mesa. “Did he do something wrong?’

“Somebody tipped the police that there was a meeting of big time drug lords in one of those buildings in Time Square. They thought they could get away with it and no one will suspect they were up to something because they were in a popular tourist destination.”

Si Mr. Stevenson ay isang drug lord? Parang wala sa hitsura.

Maganda pa naman ang pakiramdam niya sa matandang iyon. She thought he was a sweet, old man.

“Will it be all right if we go back to Manhattan now?” medyo nag-aalangang tanong ni Gunter kay Shelby. Dapat sana kasi’y bukas pa sila babalik.

“Of course!” agad namang sang-ayon ni Shelby.

**********

Walang inaksayang panahon si Gunter. Nagtungo agad ito sa bahay ng mga magulang nang maihatid sa penthouse ng mga San Diego ang asawa’t anak at binalita sa ama ang nangyari kay Mr. Stevenson. Inasahan niyang magugulat ito, pero mukhang napanood na nito ang breaking news nang umagang iyon.

“Poor Albert,” nalulungkot na pahayag ng ama. Napahilot-hilot pa ito ng sentido. “He should have been careful in acting as a middle man this time.”

Middle man? Wala namang nabanggit na ganoon sa balita.

“What middle man, Dad?”

“If they think Mr. Stevenson is the culprit, they’re barking up the wrong tree,” matalinghaga nitong sagot. Nang pinilit ni Gunter na magpaliwanag, kaagad nitong iniba ang usapan. “I doubled your security. I also hired people to guard your little family.”

“Her father has already done that for her. She now has four bodyguards following her around.”

“I know.”

Pinangunutan ng noo si Gunter. He knew?

“Mr. Stevenson was arrested!” bigla na lang ay naibulalas ng ina nang lumitaw ito sa living room kung saan sila nag-uusap na mag-ama. Eksaherada itong kumumpas-kumpas para ipakitang hindi siya makapaniwala sa balita at hindi niya pinaniniwalaan ang bintang sa COO ng korporasyon.

“Henry, do something!”

Hindi sumagot ang asawa.

“I have just talked with Felicia Stevenson and she was devastated! The entire family is shocked!” patuloy pa ni Madame Margaux.

Hindi na nakasagot si Gunter doon dahil may natanggap itong text mula kay Frederick. Agad-agad siyang nagpaalam sa mga magulang at nagtungo sa fashion house ni Shelby.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Twenty-Four Seconds    EPILOGUE

    Umiinat-inat pa lamang si Shelby sa kama nang may marinig na sunud-sunod na katok. Para bagang may something urgent. Kinapa niya ang katabi. Wala na si Gunter sa kama. Napatingin siya sa orasan sa bedside table. It was almost one o’clock in the afternoon!“Ate Shelby, sina Kuya Morris at Kuya Moses po ay nasa ibaba. Aakyat nga po sana sila rito kaso ang sabi ko po bawal po kayong istorbohin dahil iyon ang bilin ni Kuya Gunter bago umalis kanina papuntang work,” bungad ng katulong nang pagbuksan niya ito. Napahikab si Shelby habang napatangu-tango. She was wondering what made her brothers come visit her in her

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FIFTY

    Napanganga si Shelby nang makitang halos kompleto ang buo niyang pamilya sa kanilang living room sa pangunguna ng mga kuya niya. Nandoon din si Gunter. Nasa bandang likuran ito nila Moses at Morris. Ang Kuya Marius at Markus niya ang may hawak ng chocolate cake. Maluha-luha sa tabi nila ang kanyang mga magulang. Hawak na ng mommy niya si Shy. Pati ang bulinggit ay tila may alam sa ginawang pa-surprise ng pamilya niya sa kanya. Tumitili-tili na ito habang nagka-clap-clap. “You guys are crazy,” mangiyak-ngiyak na sabi niya sa kanila. Halos hindi na niya maihakbang ang mga paa para tuluyang makababa ng hagdanan. Bigla kasing nanlambot ang mga tuhod niya at animo’y bibigay na ang mga ito. Siguro natumba siya roon kung hind

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-NINE

    Naging laman na naman ng headlines ng mga dailies sa NYC ang pamilya Albrecht matapos mailibing ang patriarch nito na si Henry Klaus Albrecht. Pormal kasing pinahayag ng publicist ng korporasyon pagkatapos ng libing na naayos na raw ang gusot ukol sa problemang pinansiyal ng Skylark Quandt Corporation. Kahit hindi nabanggit ang tungkol sa pagpapanggap na na-bankrupt ito, lumabas pa rin ang usap-usapan na niloko raw ng matandang Albrecht ang lahat. May umugong na alingasngas mula sa mga nagsipag-alisang executives at stockholders. Nagalit ang iba sa panlilinlang diumano ng former president ng korporasyon. Mayroon pa ngang mga news outlet na nabwisit din dahil pati raw sila ay nauto ng matanda. Sa lahat ng may negatibong reaksiyon sa pang

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-EIGHT

    Shelby stiffened upon seeing Albus Smith, Jr. Awtomatiko siyang napalapit kay Gunter saka agad na kinuha si Shy. Ang asawa nama’y natigilan din, pero mukhang nakabawi agad ito. May pinindot itong numero sa intercom at makaraan ang ilang sandali’y nagmamadaling pumasok sa loob ng upisina nito ang bagong assistant na sa tanda ni Shelby ay nagngangalang Jackson. May sinenyas dito si Gunter at agad namang pinakita ng lalaki ang tablet nito. Saglit na pinasadahan ng asawa ang tantiya ni Shelby ay listahan ng appointment nito nang araw na iyon at ito’y napangiwi.“You didn’t tell me he was this guy,” pabulong na sabi ni Gunter sa assistant.

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-SEVEN

    My Dearest Shelby,I hate to break this news to you a few days before the New Year, but I’m a signatory to all of Dad’s loans. So I’ll be inheriting all of them---all twenty billion US dollars! Not to mention the corporate loans…I would understand it if you backed out of our wedding. But always remember that I love you to the moon and back.Your loving husband,

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-SIX

    Tila naalimpungatan si Shelby nang hawakan siya ng yaya ni Shy sa pisngi. Ang lamig ng kamay nito and she was screaming like crazy.“Ano’ng nangyari sa iyo?” tanong niya rito.“Ms. Shelby! Oh my God! Thank God that you’re conscious now.” Humagulgol na ito at napayakap sa kanya nang mahigpit. “You scared the hell out of me!” At kinuwento nitong nawalan daw siya ng malay dahil sa balita. Pagkarinig sa salitang ‘balita’ napapiksi siya sabay tingin sa telebisyon. Tapos na ang flash report. Tungkol na sa weather ang binabalita.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status