Home / All / Twenty-Four Seconds / CHAPTER THIRTY-SIX

Share

CHAPTER THIRTY-SIX

last update publish date: 2020-08-17 01:21:56

Abala si Shelby sa pagtuturo sa mga mananahi niya kung paano ang pagburda sa trahe de boda na kabilang sa kanyang prized bridal wear collection nang nagkaroon ng komosyon sa ground floor. Humahangos na tumakbo si Lyndie papunta sa kanya sa ninth floor ng gusali kung saan ang work area ng mga dressmakers niya nang bigla ring rumadyo ang security guard na nakatalaga sa ibaba. Pinasagot niya iyon sa isa niyang staff at hinarap ang assistant.

“What happened to you?” tanong ni Shelby habang hinahagud-hagod ito sa likuran. Halos hindi na kasi ito makapagsalita sa tindi ng hingal.

“I---I just---I --- ran --- to---here from the---gound floor!”

Napangisi si Shelby. “We have an elevator. You should have used it, silly.”

Bago pa makapagpaliwanag si Lyndie ay humarap na ang staff na sumagot sa radyo ng gwardya kay Shelby at binalitang may kaguluhan sa ibaba.

“What? Commotion? Why?” tanong niya sa staff.

Hindi na nakasagot ang staff dahil bigla na lang niluwa ng pintuan ng work area nila si Marinette at tila galit na galit ito. May kabuntot itong ilang alalay at mga kaibigang journalists. Gulat na gulat si Shelby. Bukod kay Gunter, wala na siyang ibang naiisip na dahilan kung bakit nag-uumapaw ang galit ng babaeng ito para lumusob pa sa kanyang building. Noong huli niya itong nakaengkwentro sa isang charity event, pinamukha nito sa lahat na hindi ito naghahabol kay Gunter dahil sa pagka-bankrupt ng negosyo. Kaya ano ang dahilan nito kung bakit pa naparito?

“Ms. Shelby!” anang gwardya.

Ang itim na middle-aged black American guy ay mukhang hiyang-hiya dahil hindi napigilan sa pag-akyat ang grupo ni Marinette. Heto nga’t sila na ang nag-trespass pero may guts pa ang bodyguards nitong tumutok ng baril sa gwardiya at sa dalawa pa nitong kasama.

Nagtangka sana ang tatlo niyang security na pigilan pa ang pag-abante ng grupo ni Marinette nang si Shelby mismo ang sumenyas ditong hayaang makapagpahayag ng saloobin ang dalaga.

“We are so sorry, Ms. Shelby!” paghingi pa ng paumanhin ng guard.

“It’s all right, Mr. Mitchell,” kalmado niyang sabi sa lalaki kahit na medyo na-rattle siya nang makita ang mga baril ng bodyguards ni Marinette na nakatutok sa mga ito.

“Could you please tell your bodyguards to stop pointing their guns at my security personnel?” mahinahon niyang sabi sa babae.

Marinette gave her a bitchy look before glancing at her bodyguards. Imbes na sabihan ang mga itong ibaba ang baril, parang in-encourage pa.

“We do not know if we can trust your security guards. It’s good that we are being cautious.”

Napalunok nang sunud-sunod si Shelby nang humahangos na nagsidatingan din ang mga bodyguards niya. Tinutukan din nila ng baril ang mga bodyguards ni Marinette. Parang may kumudlit na kirot sa dibdib niya sa nakitang eksena.

“Mang Conrad, ibaba n’yo ho ang baril n’yo. Pakisabi na rin po sa iba,” kaagad na mando niya sa pinuno ng kanyang mga tagabantay. Hindi agad tumalima si Mang Conrad. Sa halip, nakita niya pang humawak ito sa gatilyo ng baril dahil parang kakalabitin ng bodyguard ni Marinette iyong hawak din nito.

“My God! You guys! Please!” naiiyak na naibulalas ni Lyndie. Namumutla na ito sa takot. Inakbayan ito ni Shelby at pinisil sa balikat saka binulungan na kumalma ito.

“Will you go straight to the point now, Ms. Schlossberg? To what do we owe this visit?” tanong na lang niya kay Marinette para matapos na.

Nginitian siya nang mapakla ni Marinette tapos humalukipkip ito sa harapan niya.

“I just want to deliver a message personally. My dad received an anonymous call warning him that his happy days are numbered. Just hope and pray that you and your brothers are not involved in these threats because I assure you, I will use all my connections to have all of you deported!”

Pinangunutan ng noo si Shelby. Tinatakot ba siya ng higad na ito? Tingin naman niya natatakot siya sa kanya. Saka bakit naman siya o mga kapatid niya mag-resort to threats?

Si Shelby naman ngayon ang humalukipkip at nakangiting sumagot kay Marinette.

“I assure, Ms. Schlossberg, we have nothing to do with the threats. Why will we do it? My brothers do not care about Gunter. Plus, we do not think --- I DO NOT think your family is capable of making the Albrechts bankrupt. What’s happening with their corporation right now is just a consequence of bad decisions from their top executives, but not really about your father withdrawing his investments.”

Nanlisik ang mga mata ni Marinette. At mukhang sasampalin sana si Shelby, pero maagap ang personal assistant nito sa pagpigil dito. Pasimpleng ibinulong ang presensya ng mga journalists at mga kawani ng Shelby Madeline San Diego Fashion House. Huwag daw nitong ipakita sa mga iyon na madali siyang magalit.

“Do not make yourself look like she has the ability to make you lose your cool,” narinig pa ni Shelby na dugtong ng babae kay Marinette.

She felt good upon hearing it. At least kahit papaano ay nakaganti siya rito. Hindi siya makapaniwala na sa kabila ng tila good breeding nito’y lalabas ang ganitong side ng kanyang pagkatao. Si Gunter lang pala ang makakapagpapalabas ng tunay nitong pag-uugali.

Lumapit si Marinette sa kanya sa paraang parang slow motion na pagrampa sa catwalk, tapos ay bumaba ang mukha nito para bumulong sa kanya.

“Fvck you!” mariin nitong sabi sa mahinang tinig.

Natawa roon si Shelby. Ang kanyang pagtawa ay walang halong pretensions. She was just amused at what she did. Kaarte. Mumurahin lang pala siya.

Lalong nainis si Marinette. Umasim na ang mukha nito nang tumingin muli sa kanya.

“You’re a weirdo!” asik nito sa kanya.

“At least I am not paranoid,” sagot naman ni Shelby.

Napakuyom ng mga palad niya si Marinette bago dali-daling umalis sa harapan niya. Bago pa ito makalabas sa work area ng mga mananahi niya’y dumating sina Gunter at Frederick. Minanduan agad ni Gunter ang mga gwardiya ni Marinette na ibaba ang mga baril. Akala ni Shelby magmamatigas pa ang mga ito. Hindi naman pala. Kasabay ng pagtago nila ng kanilang armas ay dali-dali na rin silang bumuntot sa among tila lalong nagalit nang makita roon ang dating nobyo. May sinabi pa ito kay Gunter sa German bago maarteng kumembot-kembot papunta sa elevator.

**********

Dali-daling lumapit naman si Gunter kay Shelby saka niyakap ito.

“Are you all right?” nag-aalala niyang tanong.

Napayakap naman si Shelby sa kanya. Naramdaman niya ang panginginig nito. Nilayo niya nang kaunti sa katawan ang asawa at sinapo sa magkabilang pisngi. Sinipat niya ang mga mata nitong mamasa-masa na dahil pinangiliran ng luha.

“She accused me and my brothers of threatening her dad,” paliwanag ni Shelby sa kanya.

“What? She’s insane.”

Hindi makapaniwala si Gunter na magagawa ni Marinette iyon. Ang laki ng kanyang pinagbago. Hindi niya sukat-akalain na may ganoong side ang dalaga. She has always been a sweet girl to him. Bakit ngayong napabalitang naghihirap na ang mga Albrecht ay kakaiba na ang pakikitungo nito sa kanya?

“Sinasabi ko na sa inyo noon, boss. Sa iyo lang mabait dati ang babaeng iyon. Ngayong nakikita niyang bumubulusok ang negosyo ninyo kita mo na ang trato sa iyo? Ikaw eh. Ayaw mong maniwalang magaling akong kumilatis ng tao,” sabi ni Frederick sa kanyang likuran.

Pinangunutan ito ni Gunter ng noo lalo pa’t nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Shelby na nagtataka. Kailangan pa niyang ipaliwanag sa babae na walang katuturan iyong mga sinabi ni Frederick sa German. Nagpahayag lang ng takot at kaba sa paglusob nila Marinette sa gusali niya. Hindi naman nang-usisa pa ang asawa. Inakabayan niya ito at inalalayan pabalik sa upisina nito. Nang nasa private office na sila ni Shelby, binilin niya sa mga bodyguards nito na hindi ito iiwan kahit ano’ng mangyari.

“Yes, sir. That was also our order from Mr. Magnus San Diego himself. It took us a bit long to come upstairs because Ms. Shelby asked us to do some errands. But next time, we will not leave her side no matter what. We are sorry to let this happen,” sagot naman ni Mang Conrad.

Tumangu-tango rito si Gunter. Umikot-ikot siya sa office ni Shelby. May hinahanap. Mayamaya pa, may tinanggal ito sa likuran ng painting na nakasabit sa dingding. Parang isang maliit na device na nakakasagap daw ng sound sa upisina. Hindi lang iyon. Mayroon pang nakita si Gunter sa chandellier ni Shelby at sa likuran ng wall clock. Napanganga ito sa mga natuklasan niya lalo na nang kanyang ipaliwanag na mga micro devices iyon na nakakasagap ng kahit gaano ka faint na sound sa loob ng silid.

“Who has access to your office aside from you and your bodyguards?” tanong niya rito.

“Me and Lyndie,” aniya. She looked shocked. “But I do not think Lyndie will do that to me!” maagap ding sabi ni Shelby nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Gunter na tila pinaparatangan ang assistant.

“Okay. Who else?”

Natutop ni Shelby ang bunganga nang tila may naalala. May pinagawa raw ito sa office noong isang linggo. Pinaayos raw nito ang plumbing sa banyo. Hindi pa ito tapos sa paliwanag ay umalis na si Gunter para tsekin ang banyo. Sa tulong ni Mang Conrad may inalis pa sila roong spy camera.

“Do you take a shower here?” tanong niya kay Shelby.

“No! Of course not!” Pero mukhang pinangilabutan ito nang makita kung ano ang maaring nakita ng sinumang may hawak ng control ng camera na iyon. Inakbayan agad ito ni Gunter at hinagkan sa sentido para ipakita rito ang simpatiya.

“I will tell Frederick to monitor all porn sites just in case they leak some nude photos of yours to ruin your reputation,” kaswal niyang sabi kay Shelby na ikinagitla nito.

“I don’t do anything like that here!” sabi agad ni Shelby. “This is just my powder room and---oh my God! What if they---”

Alam ni Gunter kung ano ang kinababahala ng asawa. He tried to visualize kung anong anggulo ang nabigyang pokus ng spy camera. Mukhang hindi naman ang toilet bowl. Mas sa shower area. Pero dahil iyon ang pinangambahan ni Shelby, pinatsek na rin niya sa mga bodyguards nito kung mayroong naka-attach doon.

“None, sir,” sagot ng head makaraang masuri iyon nang mabuti.

Kahit mukhang natanggal nila lahat ang mga nakakabit na spy devices doon, minabuti pa rin ni Gunter na ipa-check iyon sa professional at ipatanggal lahat kung may naiwan pa. With his supervision, sinuyod ng hinire niyang tao ang room ni Shelby pati na ang adjacent bathroom nito. Wala na rin namang nakita pang ibang monitoring devices doon bukod sa nakuha na nila ng mga bodyguards.

Mayamaya pa, may tumawag kay Gunter. Isa sa mga detectives na pina-monitor niya sa kung ilang top executives ng kanilang korporasyon. May balita raw ito at gusto siyang makita nang personal.

Nagpaalam siya kay Shelby na may aasikasuhin at hinalikan ito sa pisngi. Pero bago niya nilisan ang upisina nito, katakot-takot na bilin ang ginawa niya sa mga guwardiya nito.

“They already know what to do,” nangingiting pakli ni Shelby at halos ay itulak na siya palabas.

**********

Natigil sa paglalagay ng strawberry jam sa toasted bread niya si Shelby nang pinakita ang balita sa TV na kaharap lamang ng kanilang dining table. Napalingon din doon ang kuya niyang si Morris. Sinasabi kasi sa balita na nasa custody na rin ng mga pulis ang isang top executive ng Skylark Quandt dahil sa pagkakasangkot nito sa money laundering case na initially ay isinampa laban sa CEO and Chairman ng korporasyon na si Gunter Albrecht. Sa pagkakadakip sa executive, may dinawit pa itong ibang pangalan pero wala sa listahan nito ang pangalan ni Mr. Stevenson.

“Liar,” sabi rito ni Morris habang ngumunguya ng omelet. Napatingin sila pareho ng dad niya rito. Pati ang mommy niya’y napatitig din nang mabuti sa kapatid niya.

“How do you know he was lying?” tanong ni Shelby rito.

“I just know. I am good at judging people’s character and I know if someone’s lying,” kaswal na sagot ni Morris sa kanya.

Pinangunutan niya ito ng noo.

“Magsabi ka nga nang totoo. Ayon sa narinig ko kay Gunter, may nakapag-tip daw sa pulisya sa involvement ni Mr. Stevenson sa money laundering case. Nahuli raw ito habang nakikipag-meeting sa mga pinaghihinalaang drug lords sa Time Square. May kinalaman ka ba rito?”

Ngumisi si Morris. “Don’t look at me like that, Shelbita. Ano naman alam ko riyan? Busy rin ako sa buhay ko, for your information. I have a lot of problems in the Philippines already. Kinailangan ko lang personal na bumisita sa iyo rito when I heard about the news to make sure you are okay.”

“Ang dami mong paliwanag. I was just asking if you were involved.”

“You seemed convinced na may kinalaman nga ako riyan. That’s why,” sagot nito sabay tingin sa relo. Mayamaya pa’y uminom na ito ng orange juice niya saka tumayo. Pagkahalik sa ina ay nagpaalam na ito sa kanila.

“You are not done with your food, yet, Morris,” paalala ng mommy nila rito.

“Where the hell are you going at this hour, Morris?” usisa naman ng dad niya.

Alas sais y medya pa lang kasi ng umaga.

“May usapan kami ni Moses na magkikita ngayon,” sagot nito habang naglalakad palabas ng kumedor.

“Then tell your brother to meet you here!” pahabol pa sana ng dad niya, pero mabilis nang nakaalis si Morris.

Ngayo’y siya ang inulan ng mga ito ng tanong. Ano raw ba ang sinabi ni Gunter sa kanya tungkol sa pagkakahuli kay Stevenson. Kinuwento niya tuloy sa mga magulang kung ano ang sinabi sa kanya ni Gunter.

“Malamang may kinalaman nga ang mga kapatid mo ro’n,” sang-ayon naman ng dad niya sa kanya. “Hindi mo ba pinaalalahanan mga anak mo tungkol sa pangha-hack ng mga iyan? Are they still doing that?” baling naman nito sa mom niya.

Napabuntong-hininga si Sheila. “Kung sa pagpapaalala lang hindi ako nagkulang. Ilang beses ko na silang nasabihan. Aba’y ewan ko sa mga iyan.”

Kaagad na uminom ng kape niya ang ama at may tinawagan sa telepono. Pinasundan niya sa isa nitong bodyguard si Morris.

**********

Nang makita na ni Gunter ang bouquet of flowers na inorder niya para kay Shelby napangiti siya. Nakikinikinita na niyang matutuwa ito sa pa-surprise niya mamaya.

“Boss, sir!” At pabiro pang nag-stand at attention si Frederick nang makita siya nitong papalapit sa sasakyan. Nag-hand salute pa ang timang.

Sinimangutan niya ito bago pumasok sa passenger’s seat. Nasa harapan sila no’n ng Skylark Quandt Building. Katatapos lang din ng conference niya with their very important stockholders.

“Ganda naman ng bulaklak mo, loverboy. Tiyak na mai-in love na nang todo niyan si Ms. Shelby sa iyo. Kaso nga lang may isang tila lanta na sa bouquet na hawak mo. Alam mo naman ang mga Filipino. Mapamahiin,” komento ni Frederick habang pinapaandar ang kotse.

“May nalanta? Saan?” Hindi magkandaugaga sa pagsipat sa bouquet na nasa kandungan si Gunter. Ngingiti-ngiti naman ang assistant sa kanyang tabi. Nang mahulaan niyang niloloko lang siya ng timang kinutusan niya ito. Lahat na yata ng expletives sa German ay binato niya sa hunghang. Ngingisi-ngisi lang ang hinayupak.

“Grabe, boss. Kung wala siguro si Ms. Shelby sa buhay n’yo ngayon, malamang isa ka nang mental case sa patung-patong na problema.”

Napasandal si Gunter sa back rest ng upuan at napapikit. He tried to imagine his life without her at bigla siyang napaupo nang matuwid sabay dilat. Pinilig-pilig niya ang ulo. Hindi niya yata kaya ang ganoon. Kahit ano man ang mangyari sa kinabukasan, sigurado siyang he will always choose to be with Shelby no matter what.

Pagdating nila sa restaurant kung saan niya unang nakita si Shelby with her dad, napangiti si Gunter. Naalala niya noon, dali-daling tinapos ni Magnus ang pagkain nang bigla na lang siyang naupo sa mesa ng mga ito uninvited. Parang kailan lang iyon. Ngayo’y bumabalik siya roon with Shelby as Mrs. Gunter Albrecht.

“A penny for your thoughts, boss?” biro ni Frederick habang pinagbubuksan siya ng pintuan.

“This resto is very special to me and Shelby. Would you know if the owner is selling it?”

Pinangunutan siya ng noo ni Frederick.

“Hayan ka na naman, boss, eh. Lahat na lang gusto mong bilhin.”

Hindi niya pinansin si Frederick. Nagtuluy-tuloy siya sa loob.  Nang makarating sa reception area, napasimangot siya. Ang bilin kasi niya sa assistant ay ipapa-close ang resto para magkaroon sila ng privacy ni Shelby habang naghahapunan. Bakit mukhang may ibang diners na sa loob? Lumabas ang manager at medyo kabado ito. Nagpaliwanag ito sa kanya na may dumating daw na bisita na pinauna raw niya para mag-set up ng surprise sa ka-date niya ngayong gabi. Bilin daw niya ito. Nakita siguro ng manager na mukha siyang nalilito kung kaya napa-sign of the cross ito. Nataranta.

“Oh my God!” sabi pa nito at natutop ang bunganga.

No’n dumating si Shelby. She looked so expectant nang magtama ang kanilang mga mata. Pero obvious siguro ang disappointment sa mukha niya dahil ang tamis ng ngiti nito ay napalitan ng pag-aalala.

“What’s wrong?” tanong nito agad.

“Somebody gate crashed. They are already inside.”

“Oh. How did they know about---”

Bago pa matapos ni Shelby ang tanong, lumabas ang seksing-seksi na si Marinette Schlossberg. She was wearing a backless black dress na nakaekis lang ang tela sa harap, which barely covered her breasts. Ang luwang ng tela ng damit mula sa balakang nito hanggang sa talampakan na nagbigay dito ng bitchy-princessy kind of look. Nakataas ang dark brown nitong buhok at nakapaikot sa ulo na nagbigay ng malinis na mukha. May ilang strands lang ng buhok na nakalawit to give her a seductive look. Nagtaas siya ng kilay sa pagnanais nitong magmukhang kaaya-aya sa kanyang paningin.

Napabuntonghininga si Gunter nang makita ang babae. Ganunpaman, nanatiling cool lang si Shelby. Bagay na bagay ang suot nitong dark blue cocktail dress na off shoulder. Natanggal na kasi niya ang pinatong na overcoat at hina-hang na ng staff ng restaurant sa area kung saan nilalagay ng mga guests ang kanilang suot na winter jackets.

Hindi na tinuloy ng asawa ang tanong nito. Marahil napagtanto na nito kung sino ang nagpalagay ng spy device sa kanyang upisina. Dapat kasi’y secret date nila itong dalawa. Ni hindi pinamalita kung kanino para walang sagabal. No paparazzi. No unwanted visitor. Pero heto. At nalaman pa rin ni Marinette.

“Aren’t you cold here, guys?” pa-sweet na tanong ni Marinette sa kanila ni Shelby nang makita sila sa bandang entrance ng resto, nag-uusap. “Why don’t we all go inside? C’mon! Me and my friends have already set up the place. Let’s parteee!”

Napangiwi si Gunter. Hindi siya sanay sa ganitong side ni Marinette. Nakakapanibago.

Imbes na sundan ang dating nobya, minanduan niya ang staff na ibalik kay Shelby ang coat nito dahil aalis na sila. Nag-panic ang manager. Nagmakaawa ito sa kanila na mag-stay. Nagbitaw daw ng salita si Marinette na kapag umatras daw sila sa party na iho-host niya ay sisiguraduhin nitong damay pati restaurant.

“She said that?” hindi makapaniwalang tanong dito ni Gunter.

“Yes, sir. And we cannot take any chances. We can, of course, take some legal actions but---she’s a Schlossberg.” Halos binulong na lang ng binabaeng manager ang huling sinabi. Lalong tumikwas ang mga kamay nito habang kumukumpas dahil sa kaba at takot.

Hinawakan siya ni Shelby sa siko at bahagya itong tumango. “Let’s just leave when she becomes unbearable,” sabi nito sa kanya.

Pagdating ng dalawa sa loob, nagulat si Shelby. The place was transformed into a heaven-like room. Ang lighting, ang mga bulaklak---lahat ay nagbigay ng ganoong ambience. Parang nasa paraiso sila ni Gunter. Nalito tuloy siya sa pakay ni Marinette. Nahihibang na ba ito?

“Ladies and gentlemen, let us all welcome, Mr. and Mrs. Gunter Albrecht!” sigaw ni Marinette sa mikropono nang bumungad sila ni Shelby sa may entrance ng silid. Masigabong palakpakan ang kasunod ng pagpasok nilang dalawa.

“To all you guys who do not know about me and Gunter. We both hail from Germany. Yes. Pretty obvious because of our last names?” Natawa ito sa reaksiyon ng grupo. “So I shouldn’t have said that anymore?” Tumawa na naman ito.

Sina Shelby at Gunter naman ay makikitang parang naguguluhan. Ganunpaman, magaling din naman silang magtago. Kung isang tingin lang ay hindi makikita agad ang ganoong ekspresyon sa kanilang mukha.

Sumeryoso na si Marinette. Pinabigyan nito lahat ng maiinom na vino pati na sina Shelby at Gunter. “Our dads came to this country together,” bigla ay sabi nito. “My dad and Gunter’s dad had a looooong history starting when they were kids in Munich, Germany. But you see, Uncle Henry’s family was very wealthy. Mine were just ordinary folks.”

Nagpahayag ng simpatiya ang pitong kataong audience ni Marinette na hindi pa alam nila Shelby at Gunter kung sino at ano ang papel nila sa buhay ng tila hibang na dalaga.

“But Dad was --- is a very hard working man. Even as a little boy, he persevered so I can have this kind of life.” Binuksan nito ang mga braso. Kumumpas-kumpas. “Dad worked as Uncle Henry’s assistant for so many years starting when he was nineteen years old. He barely finished college when he worked for Gunter’s father. And because of sheer hard work, Dad was able to get to where he is right now. But sadly, some people do not like it when those whom they have looked down all their life started to rise and become even more successful than them.”

Nagpahid ng mga luha niya si Marinette. Hindi na nagugustuhan ni Gunter ang pinupunto ng kuwento nito. Nang kumislap ang unang lens ng camera mula sa pitong bisita nito, tumayo na siya at hinila sa kamay si Shelby.

“Let’s go.”

“Why are you leaving, my dear ex-boyfriend? My story is not yet finished.”

“You need to see a shrink, Marinette. You’re insane,” mariing sabi ni Gunter sa dalaga.

Ngumiti nang ubod-tamis si Marinette sa kanya. “Your days are numbered, Gunter. You will soon rot in jail,” bulong nito sa kanya sa salita nila.

Ngumisi rito si Gunter. “Oh yeah? Why don’t you ask the manager to turn on the TV and watch the news. You wasted your time hosting this party.”

Pagkasabi niyon, dali-dali nang lumabas ng restaurant ang dalawa. Pagdating nila sa parking lot, nadatnan nila ang napakaseryosong si Frederick. Inabot nito kay Gunter ang cell phone. Naka-stream pala ang pakulo ni Marinette. Kasabay ng balitang pagkakahuli kay Mr. Schlossberg bilang kasabwat sa money laundering scheme na pinaratang kay Gunter ay bumuhos ang simpatiya ng mga netizens sa mga Schlossberg sa ikinuwento ng anak nito. Napakuyom ang mga palad ni Gunter.

“Sir, sir!” tawag mula sa likuran nila.

Ang staff ng restaurant. Kalung-kalong nito ang bouquet of yellow tulips na iniwan kanina ni Gunter sa reception dahil parte sana iyon ng gagawing surprise para kay Shelby. Tinanggap naman iyon ng lalaki saka inabot niya kay Shelby.

“For you.”

Nayakap agad ni Shelby ang mga bulaklak. “At least I have received something pleasant tonight,” nakangiti nitong sabi saka hinalikan sa pisngi si Gunter. “Don’t worry. Everything will work out just fine,” bulong pa nito.

“I hope so,” mahinang sagot ni Gunter saka inalalayan si Shelby sa pagpasok sa loob ng kotse niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Twenty-Four Seconds    EPILOGUE

    Umiinat-inat pa lamang si Shelby sa kama nang may marinig na sunud-sunod na katok. Para bagang may something urgent. Kinapa niya ang katabi. Wala na si Gunter sa kama. Napatingin siya sa orasan sa bedside table. It was almost one o’clock in the afternoon!“Ate Shelby, sina Kuya Morris at Kuya Moses po ay nasa ibaba. Aakyat nga po sana sila rito kaso ang sabi ko po bawal po kayong istorbohin dahil iyon ang bilin ni Kuya Gunter bago umalis kanina papuntang work,” bungad ng katulong nang pagbuksan niya ito. Napahikab si Shelby habang napatangu-tango. She was wondering what made her brothers come visit her in her

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FIFTY

    Napanganga si Shelby nang makitang halos kompleto ang buo niyang pamilya sa kanilang living room sa pangunguna ng mga kuya niya. Nandoon din si Gunter. Nasa bandang likuran ito nila Moses at Morris. Ang Kuya Marius at Markus niya ang may hawak ng chocolate cake. Maluha-luha sa tabi nila ang kanyang mga magulang. Hawak na ng mommy niya si Shy. Pati ang bulinggit ay tila may alam sa ginawang pa-surprise ng pamilya niya sa kanya. Tumitili-tili na ito habang nagka-clap-clap. “You guys are crazy,” mangiyak-ngiyak na sabi niya sa kanila. Halos hindi na niya maihakbang ang mga paa para tuluyang makababa ng hagdanan. Bigla kasing nanlambot ang mga tuhod niya at animo’y bibigay na ang mga ito. Siguro natumba siya roon kung hind

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-NINE

    Naging laman na naman ng headlines ng mga dailies sa NYC ang pamilya Albrecht matapos mailibing ang patriarch nito na si Henry Klaus Albrecht. Pormal kasing pinahayag ng publicist ng korporasyon pagkatapos ng libing na naayos na raw ang gusot ukol sa problemang pinansiyal ng Skylark Quandt Corporation. Kahit hindi nabanggit ang tungkol sa pagpapanggap na na-bankrupt ito, lumabas pa rin ang usap-usapan na niloko raw ng matandang Albrecht ang lahat. May umugong na alingasngas mula sa mga nagsipag-alisang executives at stockholders. Nagalit ang iba sa panlilinlang diumano ng former president ng korporasyon. Mayroon pa ngang mga news outlet na nabwisit din dahil pati raw sila ay nauto ng matanda. Sa lahat ng may negatibong reaksiyon sa pang

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-EIGHT

    Shelby stiffened upon seeing Albus Smith, Jr. Awtomatiko siyang napalapit kay Gunter saka agad na kinuha si Shy. Ang asawa nama’y natigilan din, pero mukhang nakabawi agad ito. May pinindot itong numero sa intercom at makaraan ang ilang sandali’y nagmamadaling pumasok sa loob ng upisina nito ang bagong assistant na sa tanda ni Shelby ay nagngangalang Jackson. May sinenyas dito si Gunter at agad namang pinakita ng lalaki ang tablet nito. Saglit na pinasadahan ng asawa ang tantiya ni Shelby ay listahan ng appointment nito nang araw na iyon at ito’y napangiwi.“You didn’t tell me he was this guy,” pabulong na sabi ni Gunter sa assistant.

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-SEVEN

    My Dearest Shelby,I hate to break this news to you a few days before the New Year, but I’m a signatory to all of Dad’s loans. So I’ll be inheriting all of them---all twenty billion US dollars! Not to mention the corporate loans…I would understand it if you backed out of our wedding. But always remember that I love you to the moon and back.Your loving husband,

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-SIX

    Tila naalimpungatan si Shelby nang hawakan siya ng yaya ni Shy sa pisngi. Ang lamig ng kamay nito and she was screaming like crazy.“Ano’ng nangyari sa iyo?” tanong niya rito.“Ms. Shelby! Oh my God! Thank God that you’re conscious now.” Humagulgol na ito at napayakap sa kanya nang mahigpit. “You scared the hell out of me!” At kinuwento nitong nawalan daw siya ng malay dahil sa balita. Pagkarinig sa salitang ‘balita’ napapiksi siya sabay tingin sa telebisyon. Tapos na ang flash report. Tungkol na sa weather ang binabalita.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status