Mabilis na bumalik sa isipan ni Shelby ang mga pinagsasabi ni Gunter nang gabing iyon bago siya ihatid sa penthouse ng mga magulang. May binanggit itong he can handle anything but not losing them. Naisip niya, ito na kaya ang ‘anything’ na sinasabi? Ni sa hinagap hindi naisip ni Shelby na mangyayari ang ganoon sa korporasyon nila Gunter. Ang mga manufacturing companies, ang mga hotels, construction business, mga pharmaceutical firms, pati iyong mga minahan ng ginto ay mukha namang matatag. Paanong nangyari na magsasara ang nasa Indiana? Iyon nga ang inakala niyang pinakamatatag sa lahat. Narinig na niya ang tungkol doon dahil mahilig din siya sa mga beauty products.
Last Updated : 2020-08-06 Read more