Nahuli ni Shelby na mataman siyang pinagmamasdan ni Lyndie habang nagtuturo siya sa isang mananahi nila kung paano ang pagburda sa mga bridal gowns na ira-rampa nila sa kanilang bridal show sa Pebrero. Ngumiti agad ito sa kanya nang magtama ang kanilang paningin. Subalit, hindi tulad ng nakagawian ay agad din itong nagpaalam. Aasikasuhin pa raw ang tungkol sa appointment niya sa tatlong wedding planners na kinuha niya para magsanib-puwersa sa madaliang pag-aayos ng kanyang kasal isang linggo matapos ang naka-iskedyul na bridal fashion show nila.“Uhm, Lyndie,” tawag niya rito.“Yes, Shelby?” nakangiti na
Last Updated : 2020-09-16 Read more