LOGINKabanata 6
"Kanina ka pa ba nandito?" tanong ko kay Carlos habang nakaupo kaming dalawa sa bench dito sa labas ng apartment ko.
"Uh, mag-iisang oras palang ata," ani niya kaya naman nagulat ako. Bakit ba kasi siya pumunta rito?
"Next time, text me okay?" ani ko. I hate surprises, hindi nakakatuwa. Ayokong maging hindi handa sa mga mangyayari.
"So, um. Labas muna tayo?" tanong niya. Agad naman akong tumango kaya napangiti siya. I have a lots of repors to do but I can spare my time for him naman siguro, lalo na at siya naman talaga ang pinakapriority ko for the sake of my career.
"Aakyat muna ako para magbihis, dito ka na lang muna," ani ko at saka umakyat papunta sa unit ko.
Dama ko sa katawan kong pagod ako pero hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy na lamang sa pag-aayos.
He better be worth it, geez.
I wear a loose t-shirt and tie it up with my ripped jeans and white rubber shoes. I also wear a belt bag dahil ayokong may hawak hawak akong bag.
Agad akong bumaba atnakitang nasa loob na ng sasakyan si Carlos. Ibang sasakyan na naman galing sa pera ng bayan ang sasakyan ko.
Pilit akong ngumit nang makasaky na sa front seat. Ang linis ng sasakyan niya, kasinlinis ng mga ginagawa niyang krimen.
"So, saan tayo pupunta?" tanong ko habang nagddrive siya.
"We'll go to my place," ani Carlos kaya naman nagulat ako. Dadalhin niya ako sa bahay niya? Oh, shit. This is a chance.
"Netflix na lang tayo and I'll order Chinese," sabi niya at sandaling tumingin sa akin.
Tumango-tango na lang ako at saka pasimpleng kinuha ang phone ko para itext si Benedict.
To: Benedict Romero
Otw to Gov. Fuentes' house. Gonna ud you if I gather infos.
Agad kong sinend ang message at itinagong muli ang phone ko. Sumandal ako sa sa upuan at saka tumingin sa labas.
Nang tumigil ang mga sasakyan dahil sa traffic ay agad kong nakita ang mga batang hamog na nangangatok sa mga bintana.
Maya-maya pa ay may kumatok din sa bintanang nasa tapat ko. Isang batang babae na sobrang dungis ng mukha. I look at her kahit na alam kong hindi niya ako makikita dahil sa tint ng sasakyan.
Dumukot ako ng mga barya mula sa bag ko at bubuksan sana ang bintana nang biglang pigilan ni Carlos ang kamay ko. Agad akong napatingin sa kanya nang nakakunot ang noo. Problema nito?
Umiling siya sa akin bilang hindi pagsang-ayon sa balak ko. Tumango na lang ako at umayos nang upo. Naturingang politiko pero hindi naman natulong sa mga nangangailangan?
Ay, corrupt nga pala siya. Gusto niya nga pala kasi manguha ng perang para sa mga batang tulad 'non at angkinin. Napairap ako sa isip ko at saka pinanood na lang ang ibang mga sasakyan sa labas.
Napatingin ako sa paligid nang bigla siyang lumiko sa isang building at pumasok sa parking non. Wait, where are we going? This is not his house!
Nang makapag-park na siya ay agad akong napatingin sa kanya at siya naman ay gulat na napatingin sa akin.
"What's wrong?" tanong niya kaya naman agad akong umiling. Baka mahalata niyang alam ko na hindi dito ang bahay niya.
"Where are we?" tanong ko.
"I own a pad here," ani niya na siyang kinagulat ko. May isa pa siyang bahay pero bakit hindi sa mansion niya ako dinala? Tumango naman ako at saka lumabas sa sasakyan.
Sumakay kaming dalawa sa elevator at bigla ko namang naalala ang nangyari sa amin sa Siargao sa loob ng elevator.
Lumingon siya sa akin at saka ngumiti. Naramdaman ko ring hinawakan niya ang mga kamay ko. He intertwined our hands and I just let him.
Hawak-kamay kaming naglalakad sa hallway ng 17th floor kung nasaan ang pad niya.
Napansin ko rin na halatang mayayaman ang mga nakatira dito dahil sa sobrang high-tec ng mga security ng bawat pads.
Tumigil kami sa harap ng isang plain black door. He unlocked the door by his fingerprint at agad din naman itong bumukas.
Agad akong sinalubong ng panlalaking amoy nang pumasok ako sa loob. Everything here is so simple and uniformed. Sobrang linis at hindi mo aakalaing lalaki ang nakatira.
"Welcome to my home," ani Carlos nang maisara na ang pinto. Naramdaman kong niyakap niya ako mula sa kllikuran kaya naman sinandal ko ang likod ko sa dibdib niya.
"This place is amazing," ani ko. Agad naman niya akong hinila sa couch ng living area niya at binuksan ang flat screen TV sa harap naming dalawa.
"Choose some movies you like, I'll just go to my room," ani Carlos. Tumango naman ako at ngumiti.
Nang makaalis na siya ay agad kong kinuha ang phone ko at inopen ang GPS ko para makuha ang address ng lugar na ito.
Agad kong kinopy ang address at saka sinend kay Benedict.
Maya-maya pa'y bumalik na sa living room si Carlos. Tumabi siya sa akin at pinatong ang ulo ko sa balikat niya.
"I ordered Chinese," bulong niya habang nanonood kami ng Godzilla. Tumango na lang ako bilang sagot.
Ilang oras pa ang lumipas at dumating na nga ang order niya. Halatang gutom na gutom siya dahil agad niyang binuksan ang pagkain niya at sinimulan itong kainin.
"Kailan ka bumalis dito?" tanong ko habang nakain kaming dalawa.
"Yesterday," ani niya at saka uminom ng tubig. Napatitig naman ako sa kanya dahil sa ginagawa niya. Gosh, why do he look so sexy in everything.
Tumango naman ako at saka kumain din. Agad ko namang naalala ang mga mukha ng mga batang kalye kanina.
Sobrang bata pa nila para maramdaman kung gaano kahirap ang buhay. They do not have any power to speak and fight for their rights dahil mga out of school youth sila.
"You okay?" tanong ni Carlos kaya naman napatingin ako sa kanya at ngumiti. Tumango ako pero itinabi ko muna ang pagkain ko dahil hindi ko kayang magpakabusog habang may mga batang matutulog ngayong gabi na kumukulo ang tiyan.
"Isabel," ani Carlos. Bigla siyang tumayo at itinabi rin ang kinakain niya kaya naman agad akong napatuwid ng upo.
"Let's go somewhere," ani niya at saka kinuha ang susi ng sasakyan niya sa coffee table.
Hinila niya ako palabas ng pad niya at agad sumakay sa elevator pababa.
"Where are we going, Carlos?" tanong ko dahil bigla-bigla na lamang siyang nanghihila nang walang pasabi.
"You'll see," giit niya at saktong bumukas din naman ang pinto ng elevator. Dumiretso kami papunta sa sasakyan niya at pagsakay ko ay may bigla akong naamoy. I smell food.
"The kids earlier seemed to bother you," Carlos said while driving. Gulat naman akong napatingin sa kanya.
"I didn't let you to give them money earlier but it doesn't mean I don't wanna help them," pagpapatuloy niya na siyang mas kinagulat ko.
"Maraming mga sindikatong ginagamit ang mga bata para pagkakitaan. Isa pa, mas magandang pagkain na ang ibigay sa kanila kaysa pera," saad niya.
"Money can buy anything not only food, and when you give them money, are you sure that they will spend it for food?" ani Carlos at saka ako nginitian.
My heart suddenly smiled for a sec. Hindi naman pala siya ganon kasama.
Tinitigan ko lang siya hanggang sa tumigil na ang sasakyan niya. Napalingon ako sa labas at nakitang nasa Luneta kami.
"Let's go," ani Carlos at saka bumaba at sumunod naman ako.
Limang kahong puno ng mga pagkain ang nasa likod ng sasakyan niya. Kinuha niya ang dalawa at ako nama'y binuhat ang isang karton.
Nang makita kami ng mga bata ay agad silang nagsilapitan sa amin.
Hindi ko mabilang kung ilang bata ang nasaharap namin dahil sa dami nila.
"Pumila kayo ng maayos! Ang hindi pumila walang chicken joy!" sigaw ni Carlos kaya naman agad gumawa ng pila ang mga bata.
Nakaupo lamang ako sa tabi ni Carlos habang siya ay namimigay ng mga pagkain. Kaya na niya rin naman siguro 'yan, sanay naman siguro siyang mangampanya.
Nang mabigyan na ang lahat ng bata ay agad siyang tumabi sa akin.
"Feeling good now, babe?" tanong niya na ngayon ay halatang napagod sa pamimigay. Agad naman akong tumango.
"Thank you for doing this," ani ko kaya naman agad niya akong inakbayan at hinalikan sa noo.
My heart felt warmed. I suddenly felt a strange feeling when he kissed me. And I can't define what was that because I have never felt this feeling in my life.
"Kuya Carlos! Si Dodong po tinapon ang pagkain ko!" napalingon kaming dalawa nang biglang may sumigaw na umiiyak na bata.
Agad tumayo si Carlos at lumapit sa dalawang bata at kinausap ang mga ito. I just watch him talk to them and smiled.
"Ate Ganda, bagay kayo ni Kuya Carlos. Jowa mo?" napalingon ako sa isang dalaginding na nasa tabi ko na ngayon habang pinapanood din si Carlos.
Tinawanan ko lang siya at saka muling tumingin kila Carlos na ngayon ay nagtatawanan na.
"Sabihin mo lang, Ate. Crush ko si Kuya Carlos e, baka maagaw ko sa'yo," ani niya kaya naman napatingin ulit ako sa kanya na ngayon ay nakatingin na rin pala sa akin.
Tinitigan niya ako na para bang nanghahamon. Tumayo siya at muling lumingon sa akin sabay irap. Aba malditang batang 'yon.
Itutuloy...
Kabanata 15"Thank you," napalingon si Carlos nang magsalita ako. Gabi na at nandito pa rin kami sa gym.Wala na gaanong tao dahil nagsiuwian na ang mga taga dito at tanging mga bran
Kabanata 14"So, hija. What's your job?" ani Theodore Fuentes habang kumakain kami ng hapunan.Napaayos naman ako ng upo dahil sa tanong niya. I cleared mg throat and answer him.
Kabanata 13Maaga akong nagising para maghanda. Nilinis ko muna ng kwarto ko at nang maayos ko na ang bawat sulok nito ay agad naman akong kumain.My phone suddenly beeped so I opened it and saw Carlos' message. Agad naman akong napangiti nang makitang may message agad siya kahit alas quatro pa
Kanabata 12"Echo! Halika na!" tawag ko kay Echo nang magyaya na si Carlos na umuwi. Nakita ko namang agad tumakbo palapit sa amin si Echo.Pawis na pawis siya kaya naman pinunasan ko muna angmukha niya ng towel na bitbi
Kabanata 11"Sumama ka sa akin sa Pangasinan," ani niya kaya napatulala ako sa kanya. Wait, what?"Cat seemed to really like you," ani niya kaya napangiti ako nang bahagya. Catalina is a great kid at mukha naman siyang mabait.
Kabanata 10Agad kong chinarge ang phone ko nang makapasok ako sa unit ko. Hindi ko alam kung bakit ganitp ako kaapektado sa nangyari kanina.Nang bumukas ang phone ko ay nakita kong tambak ang messages at missed calls ni Carlos dito kaya naman napasinghal a