LOGINKabanata 5
"Are you serious?" tawang tawa na sabi ni Carlos habang papasok kami sa hotel.
"That was my first day in Manila, grabe hindi ko nga inakalang kinaya ko e," sabi ko naman.
Kinwento ko sa kanya ang story ko nong unang araw ko pa lang sa Manila. He was laughing his ass out when I told him na pinabuhat ko yung sofa sa bata.
"You know what, Isay. I love your humor," ani Carlos nang nasa tapat na kami ng elevator. Ngumiti naman ako at saka siya tinaasan ng kilay.
Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay agad niya akong hinila papasok sa loob at bigla akong hinalikan. Gulat na gulat ako kaya hindi ako makagalaw at nanlalaki ang mga mata ko.
Nakita kong may ilang mga taong sasakay sana sa elevator na biglang lumayo nang mikat ang ginagawa namin ni Carlos.
Nang sumara ang pinto ay agad naman niyang binawi ang mga labi niya mula sa labi ko. Ako naman ay gulat na gulat na nakatitig lang sa kanya.
"My name is Carlos Miguel Fuentes, Governor of Pangasinan," ani niya habang sobrang lapit pa rin ng mukha namin sa isa't isa.
"What's your name?" tanong ni Carlos kaya naman medyo natauhan ako.
"Uh. I-I'm Isabel Cuanco, a tutor," ani ko na halata pa rin ang pagkagulat. Agad namang tumunog ang elevator at saka bumukas ang pinto.
"Um, padaan?" ani ko dahil nasa floor na ko ng room ko.
"Stay with me tonight?" ani niya na mas nakapagpabilog sa mga mata ko. Oh, no. No. No. No. Naramdaman kong mas humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko at pinindot ang close button.
Agad naman akong kumawala sa kaniya at pinigilan ang pagsara ng pinto ng elevator.
"I really should go, napagod ako kanina e," ani ko at saka lumabas sa elevator. I heard him calling me but I didn't hesitate to look back.
Agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko at napasandal sa pintuan. Oh, boi. Someone stole my first kiss.
"Ayos ka lang?" tanong ni Benedict habang nasa loob kami ng van. Papunta na kami ngayong airport at hindi pa rin ako makaget over kung paano ako hinalikan ni Carlos kagabi.
Inirapan ko si Benedict at saka binaba muli ang eye cover ko. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa lecheng nangyari na 'yon.
Hindi na rin ako nagpakita kay Carlos nang paalis na kami. Why would I?
Nang tumigil na ang van sa harap ng airport ay agad akong bumaba bitbit ang hand bag ko at hinila ang maleta ko.
"May nakuha ka bang informations kay Carlos?" tanong ni Benedict nang makaupo kami sa waiting area ng airport.
"Wala pa," ani ko. We just met. Malamang ay hindi agad siya magbibigay ng personal issues niya sa'kin.
"Hindi ka ba nakapasok sa kwarto niya?" tanong pa niya kaya naman naalala ko bigla ang usapan namin sa elevator. Ugh, cringey.
"Well,niyaya niya ako kagabi—"
"May nakita ka bang mga papeles doon?" putol ni Benedict kaya naman ngumiwi ako.
"Hindi ako pumunta," ani ko at saka sumandal sa upuan. Nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Benedict kaya naman agad ko siyang tiningnan.
"He wanted to have sex with me, idiot," ani ko at saka siya inirapan. Oo, desperada na ako sa kaso na 'to pero labas sa usapan ang puri ko.
Maya maya pa ay inannounce na ang flight namin kaya naman agad akong tumayo. Naglalakad na kami papunta sa terminal nang biglang may sumigaw ng pangalan ko kaya agad akong napalingon at nakita si Carlos.
"Isabel!"
Agad nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako kay Benedict na ngayon ay natatawa na.
"Mauna na ako, magbabye ka muna kay sweet corrupt governor mo," ani Benedict kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin at tawang tawa naman siyang naglakad papasok.
Tumabi muna ako para makadaan ang iba pang pasahero. Don't raise ypur eyebrow, Isabel. Be kind. Kunwari naiiyak ka sa tuwa.
"H-hi! W-what are you doing here?" arte ko na parang natataranta sa tuwa. What the hell.
"Can I get your number?" tanong niya. Walang pag-aalinlangan akong tumango at saka naman niya binigay ang phone niya sa akin.
Nakita ko ang recent calls niya at agad kong tinandaan ang pangalan at number non.
Pagkatapos kong maitype ang number ko ay agad ko namang binalik ang phone niya.
May mga sinabi pa siya pero hindi ko na pinakinggan dahil inuulit ulit ko ang pangalan at number ng nakita kong recent call sa phone niya.
"I really love to talk to you, Carlos but I have to go," ani ko. Tumango naman siya at saka bigla akong niyakap.
Hindi ako komportable sa yakap niya kaya naman tinapik ko na lang ang likod niya bilang reaponse.
"Bye, see you soon?" ani ko na medyo natatawa. Tumango na lang siya kaya naman agad na akong tumalikod.
Agad nawala ang ngiti sa labi ko. Umirap ako at saka muling naglakad. Lumingon ako ng saglit at kumaway sa kanya.
"Crush ka na ata agad ni Gov," tawang tawa na sabi ni Benedict sa akin kaya naman agad ko siyang siniko.
"Shut up," ani ko at saka sinandal ang ulo ko sa bintana ng eroplano. I closed my eyes and finally had a peaceful sleep.
"So, how's Siargao?" ani Kirsten nang makita akong pumasok na. Agad akong nagmake face at saka umupo sa swivel chair ko.
"What's with the attitude?" tanong niya kaya lumapit siya sa akin.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na bata pa pala si Carlos?" I said.
"He's so sexy di'ba?!" ani ni Kirsten na ngayon ay kinikilig kilig. Well, he's sexy but still he's corrupt and a drug lord.
"Hey!" napalingon ako at gayundin si Kirsten. Bumungad kaagad sa amin ang mapang-asar na ngisi ni Benedict.
"Where's the governor's chick?" he joked kaya naman agad akong nagtaas ng kilay sa kanya.
"Oh! There she is!" tawang tawa niyang sabi kaya agad konb tinaas ang middle finger ko sa harap niya at tumalikod.
"So, what happened in Siargao? Kwento naman!" ani Kirsten na si Benedict na ngayon ang ginugulo.
"Success ang paglandi ni Isabel," ani Benedict na siyang kinagulat ni Kirsten.
"Then?" sabik na sabi ni Kirsten kaya naman todo kwento pa si Benedict.
"And the other night, they kissed!" sigaw ni Benedict dahilan para humarap ako sa kanila ni Kirsten. What the hell, paano niya nalaman 'yon?
Agad tumingin sa akin si Benedict at saka ginalaw ang kilay niya at tumawa.
"Nakita ko kayo sa elevator," ani niya at saka muling tumawa.
"Shut up, Benedict," naiinis kong sabi at saka muling tumalikod. Bakit ba ko pinapalibutan ng mga gantong klaseng workmates?
Isinuot ko ang airpods ko at saka nilakasan ang volume ng music para hindi na marinig ang usapan nilang dalawa.
Napatingin ako sa picture ni Lola sa desk ko kaya naman agad akong napangiti. I miss my Lola so much.
After nito, uuwi na ako. Promise.
"Ate!" sigaw ni Echo bago ako makapasok sa gate ng apartment ko.
"May naghahanap sayo!" sigaw niya ulit kaya naman binilisan ko ang lakad ko para makita kung sino ang sinasabi niyang naghahanap sa akin.
"Ano raw pangalan niya?" tanong ko kay Echo ngunit agad din naman siyang nagkibit balikat.
Pagpasok ko ay agad bumungad sa akin ang isang SUV. Kanino naman kaya 'to?
Dumiretso ako sa paglalakad at nang makalampas ako sa SUV ay halos manghina ang tuhod ko sa gulat.
How did he know where I live?!
Lumapit siya sa akin at agad ko namang napansin ang dala-dala niyang bouquet.
Pilit akong ngumiti at tiningnan siya pabalik. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.
"It's nice to see you again, Isabel," ani niya at saka inabot sa akin ang hawak niyang mga bulaklak. Agad ko naman itong tinanggap.
Fuck, I have allergies with roses. Agad kong nakita si Echo kaya naman agad kong binigay sa kanya ang mga bulaklak.
"P-paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" tanong ko na halatang gulat na gulat pa rin.
Lumapit siya sa akin at saka hinawakan ang baywang ko. Pinantay niya angmukha niya sa akin at saka muling nagsalita.
"Well, I'm Carlos Fuentes, baby. So better expect everything," ani niya at saka kumindat.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong nabahiran ng takot. Masyado atang malaking tao ang babanggain ko.
Itutuloy...
Kabanata 15"Thank you," napalingon si Carlos nang magsalita ako. Gabi na at nandito pa rin kami sa gym.Wala na gaanong tao dahil nagsiuwian na ang mga taga dito at tanging mga bran
Kabanata 14"So, hija. What's your job?" ani Theodore Fuentes habang kumakain kami ng hapunan.Napaayos naman ako ng upo dahil sa tanong niya. I cleared mg throat and answer him.
Kabanata 13Maaga akong nagising para maghanda. Nilinis ko muna ng kwarto ko at nang maayos ko na ang bawat sulok nito ay agad naman akong kumain.My phone suddenly beeped so I opened it and saw Carlos' message. Agad naman akong napangiti nang makitang may message agad siya kahit alas quatro pa
Kanabata 12"Echo! Halika na!" tawag ko kay Echo nang magyaya na si Carlos na umuwi. Nakita ko namang agad tumakbo palapit sa amin si Echo.Pawis na pawis siya kaya naman pinunasan ko muna angmukha niya ng towel na bitbi
Kabanata 11"Sumama ka sa akin sa Pangasinan," ani niya kaya napatulala ako sa kanya. Wait, what?"Cat seemed to really like you," ani niya kaya napangiti ako nang bahagya. Catalina is a great kid at mukha naman siyang mabait.
Kabanata 10Agad kong chinarge ang phone ko nang makapasok ako sa unit ko. Hindi ko alam kung bakit ganitp ako kaapektado sa nangyari kanina.Nang bumukas ang phone ko ay nakita kong tambak ang messages at missed calls ni Carlos dito kaya naman napasinghal a