LOGINKabanata 4
Nakatulala ako sa kisame ng kwarto ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na bata si Governor Fuentes!
All this time I thought isa siyang old corrupt/drug lord politician. What the hell!
Napatingin ako sa balcony ng kwarto ko at nakitang lumiliwanag na. Wala ako gaanong tulog dahil buong gabi akong hindi makaget over sa nangyari.
Bumangon ako at pumunta sa bathroom. Agad akong naghilamos ng mukha at tumingin sa salamin.
Gwapo siya pero mas mahalaga ang career mo, Isabel. Hindi ka marupok. Wag kang rurupok!
Nag-isip ako ng magiging plano ko. Hindi niya alam na alam kong gobernador siya—kurakot ng gobernador.
Hindi niya alam na journalist ako at hindi niya dapat malaman 'yon. Kaya ko 'to.
Once makuha ko ang tiwala niya, sasabihin niya lahat sa akin lahat ng tinatago niya. Kapag mas napalapit ako sa kanya, dadalhin niya ako sa mva properties niya.
Pababagsakin kita, Fuentes.
Agad akong naligo at sinuot ang two-piece kong halos lumuwa na ang kaluluwa ko sa sobrang sikip. Paniguradong pag nalaman ni Lola na nagsuot ako ng ganito pagagalitan ako 'non.
I am wearing a plain black two-piece. Pinaibabawan ko pa ito ng see thru na dress at saka hinayaang nakalugay ang buhok.
I grab my straw bag and my plastic slippers. Nagsuot din ako ng sombrero at ng sunglasses.
Bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ay muli akong tumingin sa salamin.
"Maging malandi ka, Isabel," ani ko at saka nagbuga ng isang malalim na hininga.
Pagkadating ko sa pool area, napakarami na agad na mga tao dito. Hindi ko kasama si Benedict dahil hindi dapat malaman ni Carlos na may kasama ako.
Napag-usapan namin kagabi na magmamanman lang siya at susunod sa aming dalawa ni Carlos.
Well, I also have my own plan na hindi na niya dapat malaman. And that is how I can earn his trust.
Inikot ko ang buong pool area para hanapin si Carlos or should I say Seiji like how he introduced himself last night.
Nagkalat ang mga beach chairs kaya naman umupo muna ako saglit. Ang init ngayon at buti na lang palagi akong may dalang tubig.
Where the hell is he? Inikot ko ang paningin ko pero wala pa rin talaga. Hindi ko siya makita.
Biglang tumunog ang phone ko at nakitang si Lola ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.
"Hi, La!" masiglang bati ko.
Matagal tagal kaming nag-usap ni Lola dahil kinukwento niya na marami na raw bulaklak ang mga gumamela niya.
Tawa naman ako nang tawa dahil puro halaman na naman ang pinag-uusapan namin.
Nagrereklamo rin siya sa akin dahil napakaingay daw ng mga manok ni Lolo Macario—kapatid ni Lola.
"Kamusta naman ang mga baboy—" napatigil ako sa pagsasalita nang biglang may umagaw ng atensyon ko.
Kakaahon niya lang sa pool at basang basa ang buo niyang katawan. He combed his hair with his fingers and his eyes suddenly landed to me.
Para akong nanonood ng movie dahil dahan-dahan siyang naglalakad papunta sakin.
"L-la, t-tawag po ako u-ulit mamaya," ani ko at saka binaba ang telepono ko nang hindi pa rin pinuputol ang tingin sa kanya.
Tumutulo pa ang mga droplets ng tubig mula sa buhok niya pababa sa labi niya, sa dibdib niya, sa abs hanggang sa—.
Agad nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko kung anong mga pinag-iisip ko. Agad kong nilihis ang tingin ko mula sa kanya.
Wag rurupok, Isabel. Abs lang 'yan, mas mahalaga ang career mo kahit na nakakatakam.
"Hey," bati ko sa kanya. Nakakailang kasi naka shorts lang siya at basang basa pa.
"Kanina ka pa ba dito?" tanong niya. Agad naman akong umiling kahit na kanina ko pa talaga siya hinahanap at pagod na ko.
"No, kabababa ko lang dito," ani ko at saka siya nginitian.
"Have you eaten?" tanong niya at naalala ko namang hindi pa nga pala ako kumakain.
"Hindi pa," ani ko.
"Let's have brunch then," giit niya at saka tumayo. Kinuha niya rin ang isa tuwalya at sinabi 'yon sa leeg niya.
Tumayo rin naman ako at saka nilibot ang tingin ko para hanapin si Benedict. Agad ko naman siyang nakita at agad siyang tinanguan hudyat na aalis kami ni Carlos.
Naramdaman kong lumapat ang mga kamay niya sa baywang ko habang naglalakad kami papunta sa resto.
Hindi ako sanay na hinahawakan ako sa baywang. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kinikilig ulit ako.
Okay lang naman sigurong kiligin basta hindi rurupok.
Inilapit ko pa ng kaunti ang katawan ko sa kanya para mas dumikit ang mga balat namin. Tumingin siya sa akin at ngumiti kaya naman ngumiti rin ako pabalik.
"So, tell me about yourself," ani niya habang kumakain kaming dalawa. Muntik akong mabulunan sa tanong niya. Hindi niya dapat malamang journalist ako.
"I—uh. I'm a tutor," ani ko.
"Great. So, ilang taon mga tinuturuan mo?" tanong pa niya. Ilang taon na ba si Echo? Siya na lang muna kunwari ang tinuturuan ko.
"Uh—fourteen years old," sagot ko naman.
"Wow. Anong subject?" napairap ako dahil sunod-sunod na ang mga tanong niya.
"Enough about myself, how about you?" tanong ko at saka ngumiti.
"I am a businessman," ani niya na nakapagpaangat sa kilay ko. Businessman hmm?
"And a politician," dugtong niya. Tumango naman ako at nagkunwaring walang alam.
"What's your position?" tanong ko.
"Governor," sagot niya. Nagkunwari akong gulat na gulat kaya naman parang nalito siya.
"You really don't know me?" nalilitong tanong niya. Agad naman akong napatawa. Well, nong una e hindi ko naman talaga kilala ang taong nasa likod ni Carlos Fuentes. Di ko inakalang sexy governor siya at hindi old boring corrupt politician.
"I had an issue last year," ani niya.
"Hindi ako updated sa mga news, ypu know I'm too busy," ani ko at saka pinagpatuloy ang pagkain.
"So, what's your name?" tanong ko pa.
"No names, darling," ani naman niya at saka kumindata. Ngumisi naman ako at saka tinuon ang tingin sa pagkain ko.
Pagkatapos naming kumain ay niyaya ako ni Carlos na umalis muna sa hotel. Tinext ko naman kaagad si Benedict na huwag na munang sumama dahil naiilang din akong makipaglandian lalo na kung alam kong may nanonood sa akin.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang hinihila ako ni Carlos papunta sa sasakyan niya.
Jeep, hmm. Agad niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan para pasakayin ako. I can't believe na sasakay ako sa sasakyang galing sa pera ng bayan but I have no choice.
"Are you kidnapping me?" biro ko habang nasa kalagitnaankami ng biyahe. Agad namang natawa si Carlos.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko. Kanina pa kaming nasa biyahe but I am not worried dahil nakabukasang GPS ko at nattract ako ni Benedict.
Hindi naman siguro rapist si Governor. Well, if he would rape me that's a big scoop pwro hindi ko naman ipagkakanulo ang kaluluwa ko.
"We're here," napalingon ako sa kanan ko at nakitang nasa isa kaming beach. I looked at him and make face. We traveled that far to go in a beach? E may beach na rin naman sa harap ng hotel.
Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. For a corrupt politician and a drug lord, may manners naman pala siya.
We walked towards the beach. Walang katao-tao dito. Binasa ko ang signage, Mapupungko. Nagkibit-balikat ako at saka sumunod na lang kay Carlos.
Nang makalapit na kami sa dagat ay laking gulat ko nang makitang may rock pool sa tapat nito.
Napatingin ako kay Carlos. Oh, my God. This is paradise.
Agad akong tumakbo patungo sa rock pool at dahan dahang nilublob ang paa ko. Lumingon ako kay Carlos na ngayon ay papalapit sa akin.
Suddenly, something popped in my mind. I can use this paradise to win him.
Nang makalapit na siya ay agad akong ngumiti. Landian mo pa, Isabel.
Ngumisi ako at saka hinubad ang see thru dress na suot ko leaving me with my two-piece only.
Agad akong nagtampisaw sa malamig na tubig at nakitang titig na titig si Carlos sa akin.
Sinenyasan ko siyang lumapit kaya naman agad siyang naghubad ng t-shirt niya at lumangoy patungo sa akin.
Damn, that abs.
"Hi," ani Carlos at saka ako bahagyang hinila palapit sa kanya.
"Hi," ani ko. Napakalapit ng mukha namin sa isa't isa at dama ko rin ang paghinga niya.
Biglang tumagilid ang ulo niya at akma sana akong hahalikan kaya naman nanlaki ang mga mata ko af naitulak siya.
"Y-you're moving too fast, hindi ko pa nga alam pangalan mo e," biro ko kaya naman napangisi siya at umiling.
Muli niya akong hinila palapit sa kanya at agad naglapat ang mga balat namin.
"No names, babe," ani niya tsaka bigla akong hinalikan sa pisngi.
Gulat na gulat ako kaya naman hindi ako nakagalaw. What the hell was that? Pwede na palang halikan ngayon kahit sino? Kahit hindi mo kilala?
Wow. Unlikiss for all?
Napalingon ako kay Carlos na ngayon ay nasa kabilang sulok na ng rock pool. Napairap ako sa isip ko at saka lumangoy palapit sa kanya.
Magkaharap kami ngayon at walang nagsasalita. Ano kayang iniisip niya?
"Taga-saan ka?" tanong niya.
"Pasig," ani ko at napangisi siyang bigla.
"I have a house in Pasig," ani niya. Ako naman ay nagkunwaring gulat na gulat. Nakapunta na ko sa mansion niya na halatang taguan nita ng mga shabu sa sobrang daming sasakyan palagi ang pumpasok.
"Kailan ka uuwi?" tanong niya pa.
"Bukas," sagot ko naman.
"Then, we should probably enjoy this day," ani niya at saka bigla akong sinabuyan ng tubig. Gulat akong napatingin sa kanya kaya naman sinabuyan ko rin siya pabalik.
Maya maya pa'y natahimik na lang kaming dalawa at nakatitig na lang sa isa't isa.
I will soon know what are your skeletons inside your closet, Carlos. Soon.
Itutuloy...
Kabanata 15"Thank you," napalingon si Carlos nang magsalita ako. Gabi na at nandito pa rin kami sa gym.Wala na gaanong tao dahil nagsiuwian na ang mga taga dito at tanging mga bran
Kabanata 14"So, hija. What's your job?" ani Theodore Fuentes habang kumakain kami ng hapunan.Napaayos naman ako ng upo dahil sa tanong niya. I cleared mg throat and answer him.
Kabanata 13Maaga akong nagising para maghanda. Nilinis ko muna ng kwarto ko at nang maayos ko na ang bawat sulok nito ay agad naman akong kumain.My phone suddenly beeped so I opened it and saw Carlos' message. Agad naman akong napangiti nang makitang may message agad siya kahit alas quatro pa
Kanabata 12"Echo! Halika na!" tawag ko kay Echo nang magyaya na si Carlos na umuwi. Nakita ko namang agad tumakbo palapit sa amin si Echo.Pawis na pawis siya kaya naman pinunasan ko muna angmukha niya ng towel na bitbi
Kabanata 11"Sumama ka sa akin sa Pangasinan," ani niya kaya napatulala ako sa kanya. Wait, what?"Cat seemed to really like you," ani niya kaya napangiti ako nang bahagya. Catalina is a great kid at mukha naman siyang mabait.
Kabanata 10Agad kong chinarge ang phone ko nang makapasok ako sa unit ko. Hindi ko alam kung bakit ganitp ako kaapektado sa nangyari kanina.Nang bumukas ang phone ko ay nakita kong tambak ang messages at missed calls ni Carlos dito kaya naman napasinghal a