LOGINKabanata 3
Kinuha ko ang phone sa rattan bag ko at saka tinext si Benedict. Nasa lobby ako ngayon ng hotel at napakaraming tao. Hindi naman niya sinabi sakin kung saan kami magkikita.
To: Benedict Romero
Where are you? Nasa lobby na ako.
Napalingon ako sa gilid ng lobby at nakitang may café doon kaya naman pumunta muna ako doon at saka umorder ng frappe.
Umupo ako sa tapat ng salamin kaya naman kitang kita ko ang mga naglalakad sa labas.
Napakaraming tao ngayon dito dahil summer na at halatang mayayaman lahat ng nandito.
Tinuon ko ang atensyon ko sa frappe na iniinom ko at saka muling lumingon sa labas. Nakita kong may isang lalaking naka-Hawaiian polo at cargo shorts na papunta sa beach front.
Nakasunglasses siya at magulo ang buhok niya. Ang gwapo niya, that's how I can describe him.
Hmm. Maybe going in Siargao is not that bad at all.
Nangingiting uminom akong muli habang nakatitig pa rin sa lalaking ngayon ay malayo na.
Biglang tumunog ang phone ko kaya naman nanakaw nito ang atensyon ko. Nagreply na si Benedict.
From: Benedict Romero
Nasa beachfront ako, positive. Nandito nga si Governor Fuentes.
Agad akong tumayo at muling napalingon sa labas para hanapin 'yong gwapong lalaki kaso bigla na lang siyang nawala. Nagkibit-balikat na lang ako at saka lumabas.
Magkikita pa naman siguro kami ni Mr. Pogi, maliit lang naman 'tong hotel na 'to.
Naglakad ako papuntang beachfront at ang dami ko ring nakasalubong na mga foreigners.
"Hi, you speak english?" nagulat ako nang biglang may kumalbit sa akin at paglingon ko ay isa pa lang Chinese citizen.
Agad naman akong ngumiti at saka tumango sa kanya.
"Yes, I speak english. How can I help you?" tanong ko.
"You take us picture there," ani ng lalaking Intsik at saka tinuro ang garden na may magagandang lights.
"Sure, no problem," masayang tugon ko at saka sumunod sa kanilang dalawa ng kanyang asawa.
"Okay, smile on three," ani ko at saka inayos ang pagkakahawak ng camera.
"One... Two... Three... Smile," I said as I clicked the shutter. Nakailang kuha oa kami ng litrato bago masatisfy ang mag-asawa.
"Thank you thank you," ani nilang dalawa kaya naman ako ay tumango na lang at saka nagpaalam.
Maya-maya ay biglang tumawag si Benedict kaya naman agad ko itong sinagot.
"Nasaan ka?!" sigaw niya kaya naman agad kong inilayo ang phone sa tainga ko.
"May nagpapicture sakin," ani ko.
"Umalis na si Governor!" sigaw pa niya na halatang galit na. Napairap naman ako dahil sa pagkadismaya. Well, hindi naman kasalanan 'nong dalwang turista pero parang ganon na nga.
Agad pinatay ni Benedict ang tawag at saka nagtext sa akin na bukas na raw namin ulit hanapin si Governor dahil inaantok na siya.
Ako naman ay nandito pa rin sa garden malapit sa pool kaya napagdesisyunan kong pumunta muna sa poolside at magbabad ng paa.
Hinubad ko ang gladiators ko at saka nilubog ang paa ko sa maligamgam na tubig ng pool.
Walang katao-tao dito at napakatahimik. Siguro lahat ng mga visitors ay nasa beachfront, narinig ko kasing may magcoconcert daw doon.
Alas onse na ng gabi. Napatingin ako sa langit at ang daming bituin.
Isang araw, Isay. Magiging isa ka rin sa mga bituin sa media. Sisikat ka at makikilala. Mabibigyan mo na ng magandang buhay si Lola Isyang at mapapagamot mo rin siya.
Pinikit ko ang mga mata ko at bigla namang humangin. Agad akong nakaramdam ng lamig dahil nakasando lang ako.
"Hi, stranger," gulat akong napamulat nang biglang may magsalita sa tabi ko. At mas nagulat ako nang makitang si Mr. Pogi na naka-Hawaiian ang nasa gilid ko.
Oh my gosh! Ewan ba pero kinikilig ako. Don't judge me pero ngayon na lang ulit ako nagkacrush.
Agad akong ngumiti sa kanya at ganon din siya.
"Can I seat beside you?" tanong niya kaya naman tumango na lang ako.
"Sure," ani ko na halos mapunit na ang mga labi ko sa sobrang ngiti.
"So, what's your—"
"No names, I just want to talk to a stranger," putol niya sa akin.
"Oh, okay," ani ko. Nakakahiya!
"Strangers can't judge you, so, kung mag-oopen ako sayo. Hindi mo ko majujudge because you don't know me well," ani niya sabay kindat sa akin. Halos matunaw ako dahil sa sobrang kalandiang nararamdaman ko ngayon.
"So, what should I call you?" tanong ko.
"You can call me Seiji," ani niya at saka medyo natawa.
"Seiji? Weird but kinda cute," ani ko at saka natawa rin
"So, ikaw? What should I call you?" tanong niya.
"You can call me Isay," ani ko. Tumingin ako sa kanya at napatitig sa mga mata niya. Sana hindi siya bakla kasi sayang talaga.
"So, what's your problem?" tanong ko at saka tinuon ang buong atensyon sa kanya.
"I made bad decisions that cause major problems," pagsisimula niya samantalang ako naman ay ginagala ang paningin ko sa buong mukha niya. Damn, this man is a god!
"Alam mo 'yon, napilitan akong gawin ang bagay na hindi ko gusto. Then, now, I am the bad guy in the eyes of the people," makahulugang sabi niya. Tumatango tango lang ako.
"That's why I flew here, gusto kong mag-unwind," ani niya at saka muling tumingin sa akin na ngayon ay nakatitig pa rin sa kanya.
"Ikaw, bakit ka nandito?" tanong niya kaya naman agad akong natauhan. Umayos ako ng pagkakaupon at saka tumingin sa tubig ng pool.
"I am here to chase my dream," makahulugan kong sabi at saka muling tumingin sa kanya.
Ang dami naming pinag-usapan and gosh! Mas naging crush ko siya! He's so funny and cute and sexy, ugh!
Nang mapatingin ako sa relo ko ay nagulat ako nang makitang alas dos na pala ng madaling araw.
"I should probably go back to my room, maaga pa ako bukas e," ani ko.
"Sure, want me to drop you on your room?" tanong niya na mas nakapagpalundag ng puso ko. Agad naman akong tumango at saka kami nagsimulang bumalik sa hotel.
"So... Dito na lang ako," ani ko nang makarating na kami sa tapat ng kwarto ko.
Unti-unti siyang lumapit sa akin at napaatras naman ako. Omy. He's going to kiss me?! Yes please, YES!
"Have a good night, Isay," ani niya at saka ako hinalikan sa noo. Halos matumba ako sa sobrang kilig dahil nanghina ang mga tuhod ko. Buti na lang at nakakapit ako sa door knob kaya hindi alo tuluyang natumba.
"Good night din," giit ko habang pilit na pinipigil ang kakiligan.
Lumayo siya at saka muling tumango.
"Bye, see you tomorrow?" tanong niya kaya naman agad akong tumango.
"Sure, sure. Uh, same place?" tanong koat agad naman siyang tumango.
Nakailang beses pa kaming nagpaalam sa isa't isa hanggang sa napagdesisyunan niya nang umalis.
I waved to him before the elevator door closes and he waved back.
Oh my gosh! Magkaka-love life na ba ako, Lord?
Nakangiti kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko pero bigla akong napalingon nang biglang may tumawag sa akin.
"Oh shit, Isabel! What was that?!" sigaw ni Benedict na ngayon ay nakasuot ng night gown at may suot pang facial mask.
"What?" gulat kong tanong sa kanya.
"You did a very great job!" naeexcite niyang sabi at ako naman itong litong-lito sa mga sinasabi niya.
"You just flirted with Governor Fuentes!" agad nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya 'yon.
What the fuck?! That was Governor Fuentes?! Hindi siya matanda?!
Itutuloy...
Kabanata 15"Thank you," napalingon si Carlos nang magsalita ako. Gabi na at nandito pa rin kami sa gym.Wala na gaanong tao dahil nagsiuwian na ang mga taga dito at tanging mga bran
Kabanata 14"So, hija. What's your job?" ani Theodore Fuentes habang kumakain kami ng hapunan.Napaayos naman ako ng upo dahil sa tanong niya. I cleared mg throat and answer him.
Kabanata 13Maaga akong nagising para maghanda. Nilinis ko muna ng kwarto ko at nang maayos ko na ang bawat sulok nito ay agad naman akong kumain.My phone suddenly beeped so I opened it and saw Carlos' message. Agad naman akong napangiti nang makitang may message agad siya kahit alas quatro pa
Kanabata 12"Echo! Halika na!" tawag ko kay Echo nang magyaya na si Carlos na umuwi. Nakita ko namang agad tumakbo palapit sa amin si Echo.Pawis na pawis siya kaya naman pinunasan ko muna angmukha niya ng towel na bitbi
Kabanata 11"Sumama ka sa akin sa Pangasinan," ani niya kaya napatulala ako sa kanya. Wait, what?"Cat seemed to really like you," ani niya kaya napangiti ako nang bahagya. Catalina is a great kid at mukha naman siyang mabait.
Kabanata 10Agad kong chinarge ang phone ko nang makapasok ako sa unit ko. Hindi ko alam kung bakit ganitp ako kaapektado sa nangyari kanina.Nang bumukas ang phone ko ay nakita kong tambak ang messages at missed calls ni Carlos dito kaya naman napasinghal a