LOGINKabanata 2
"Oh, Miss Cuanco's here," ani Robin nang bigla kaming magkasalubong. Ano bang problema ng babaeng 'to sa'kin?
Nilampasan ko siya at saka napairap. Relax, Isabel. Agad akong naupo sa harap ng set at saka binasa ang mga reports.
"We are live in 3... 2... 1... Action!" sigaw ng director. Agad namang ngumiti sa camera si Robin at saka nagsimulang magsalita.
Biglang tumunog ang phone ko kaya naman agad ko itong kinuha at tiningnan ang notifications ko.
From: Kirsten Tolentino
Wala sa Metro si Gov. Fuentes. Wala rin siya sa Pangasinan.
Napakunot ang noo ko nang mabasa ang text ni Kirsten. Paano namin magagawa 'yong plano kung hindi namin alam kung nasaan siya?
Nilapag ko ang phone ko at saka pinanood na lang ang mga reporters habang nagrereport.
"I tried to search his IG account pero nakadeactivate halos lahat ng mga public accounts niya," ani Kirsten habang nasa café kaming muli.
"Mukhang tinanggal niya talaga muna ang koneksyon sa publiko matapos ang issue about sa corruption last year," sabi naman ni Benedict.
"Oh, by the way nakausap ko rin ang provincial secretary ng Pangasinan at sinabi niya ngang naka-leave si Gov," ani Kirsten.
"So, paano natin siya mahahanap ngayon?" tanong ko na kanina pa nakakunot ang noo. Nakakainis. Alam kong mahirap na magkaroon ng connection lalo na sa mga politiko pero ako itong desperada, habol pa rin ng habol.
"Maybe we should—"
Biglang tumunog ang phone ni Benedict kaya naman he excused his self. Napahawak ako sa baba ko dahil sa sobrang stress.
Lalo na kanina sa set ng FTV, napakaatrabida ng lintek na si Robin. Akala mo kung sinong napakagaling na anchor.
" Kailan ka uuwing Mindoro, Isabel?" napalingon ako nang biglang magtanong si Kirsten.
Matagal-tagal na rin nang huli akong umuwi. Mag sisiyam na buwan na, kamusta na kaya si Lola Isyang.
Palagi ko pa rin naman siyang nakakausap at inuupdate ako palagi ni Remy sa mga ginagawa ni Lola pero iba pa rin kung kasama ko siya.
Matapos ko lang ang news na 'to, uuwi talaga ako kaagad. Nakakastress na dito sa Maynila. I need to unwind after this case.
"Good news," ani Benedict pagkabalik niya sa lamesa namin.
"Someone spotted Governor Fuentes," agad napunta ang atensyon namin ni Kirsten sa kanya at hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin.
"My brother saw this in Twitter," iniharap niya ang phone niya sa amin at nakita namin ang tweet ng isang netizen.
@honeylovessss
OMG!I can't believe na makikita ko si Gov. Fuentes here in Siargao!!
# Sexygov
# futurehusband
# omyghad
"We will go to Siargao," ani ko na siyang kinagulat nilang dalawa.
"What? No!" agad na sagot ni Kirsten. Nakita ko rin namang umiiling si Benedict.
"We won't go to Siargao, Isabel. You will go there," Benedict said by emphasizing YOU.
"Hindi kami pwedeng umalis dito, nasa ospital ang kapatid ko," ani Kirsten. Naalala ko namang nadengue nga pala ang kapatid niya kaya napatingin ako kay Benedict.
Agad akong nagpaawa sa kanya kaya naman napairap siya at natawa ako.
"Fine, sasama ako," ani ni Ben.
"Next week tayo aalis after makabalik ni Andrea sa FTV," ani ko at saka nagpatuloy sa ginagawa ko.
"Isabeeeeel," papauwi na ako at laking gulat ko nang biglang sumulpot si Kirsten kung saan.
"Magshoshopping tayo," ani niya kaya naman napairap ako. I don't have time to make shopping shopping at saka, wala naman akong mga kailangang gamit.
"We need to buy some bikinis and sundresses and—"
"Ikaw na lang, tinatamad ako," sabi ko at saka siya nilampasan. Agad akonh pumara ng taxi pero agad din namang sumakay si Kirsten.
"Manong, Estancia po," sabi ni Kirsten sa driver kaya agad akong nagsalita.
"Manong sa San Antonio po, hindi Estancia," giit ko ngunit agad namang nag-abot ng 500 si Kirsten kay Manong kaya agad ko siyang pinanlakihan ng mata.
"Estancia, manong," ani Kirsten at saka tinaasan ako ng kilay. Wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya papuntang Estancia.
Nang makarating na kami sa mall ay agad akong hinila ni Kirsten papasok. Napakaraming tao ngayon dahil Friday. Halos mga estudyante ang mga nakakasalubong namin.
Agad pumasok sa isang boutique si Kirsten at wala na akong nagawa kundi sumunod na lang.
"I will not pay for those things, Kirsten. Bahala ka," sabi ko bago maupo sa upuan ng boutique. Ayokong bumili ng bumili ng mga gamit na hindi ko naman kailangan.
Paikot-ikot naman si Kirsten sa loob ng store at maya-maya pa'y ang dami na niyang bitbit.
"Fitting room, bilis!" utos niya kaya naman napasinghal ako. Kung hindi ko lang talaga kailangan 'yong gobernador na 'yon para sa career ko. Hindi ako magtitiis dito kasama si Kirsten.
Tiningnan ko ang mga damit na binigay sa akin ni K at napangiwi nang makitang mga see thru ang karamihan dito.
Nakailang sukat ako at nakailang ikot din kaming dalawa sa Estancia bago masatify si K.
Siya rin ang nagbayad dahil hindi ko talaga babayaran ang mga dakit at sapatos na 'to. Ever.
Saturday morning agad akong pumunta sa HR at nagpaalam ng 1 week leave. Ganon din si Benedict at buti na lang pinayagan kaming dalawa.
"Remember, Isabel. Wag kang umattitude kapag nakita mo si Gov, be a flirt," ani Kirsten habang nag-aayos ako ng mga gamit ko. Agad akong napangiwi nang maisip kong makikipaglandian ako sa isang matanda. Yuck!
"Hindi ko pa nakikita ang picture ni Gov, patingin muna para makilala ko kaagad," ani ko kay Kirsten.
"No no no," nagulat ako sa naging sagot niya. At bakit ayaw niyang ipakita sa akin ang itsura ng Fuentes na yon? Oh God, ganon ba siya katanda? Or kapanget?
"Kilala naman ni Ben yon at siya na lang magtuturo sayo," ani K. Agad ko namang itinabi ang bag ko at inilagay na sa pouch ko ang ticket at passport ko.
"Ingat kayo bukas, enjoooy!" ani K at saka umalis. Kinuha ko naman ang phone ko para tawagan si Lola at agad naman niya itong sinagot.
"Hi, La! Papunta akong Siargao bukas," ani ko.
"Anong gagawin mo doon? Ang layo non diba?" tanong ni Lola na halatang nag-aalala.
"Trabaho po," ani ko. Nagpatyloy pa kaming magkwentuhan ni Lola hanggang sa antukin ako. Maaga pa ako bukas kaya naman agad akong nagpaalam at natulog na.
"On behalf of Philippine Airlines, the flight crew would like to welcome you to Sayak Airport. We will be arriving at the gate momentarily. Please remain in your seats with your seat belt securely fastened until the aircraft has come to a complete stop at the terminal gate," the pilot said.
Nakatingin ako ngayon sa bintana ng eroplano habang si Benedict naman ay natutulog pa rin.
Mahigit isang oras ang biyahe namin at sa buong biyahe ay hindi ako nakatulog dahil kinakabahan ako. Hindi ko pa rin kasi talaga maimagine 'yong gagawin ko once magmeet na kami ni Governor Fuentes.
"Mabuhay! Enjoy your stay here in Siargao!" bati ng flight attendant bago kami bumaba ng eroplano. Nginitian ko naman siya at saka tuluyang lumabas.
"Saan daw nakacheck-in si Governor?" tanong ko kay Benedict nang makalabas na kami ng airport.
"I tried to stalk the girl who tweeted the information perowalang nakalagay kung saan," ani Benedict kaya naman napafacepalm ako.
So what now? Based on Google may 25 hotels dito, alangan namang isa-isahin namin lahat?
"He probably staying in Mango Tree," napalingon ako kay Benedict na ngayon ay hawak-hawak ang phone niya.
"Doon halos nagchecheck in ang mga celebrities so probably nandoon siya," ani Benedict kaya naman tumango ako at pinara ang paparating na van.
Naunang pumasok sa loob si Benedict at agad naman akong sumunod sa kanya. I am really doing it! Shit!
"Here are your keys po," ani ng receptionist. Agad ko namang kinuha ang isang susi at binigay kay Benedict ang isa pa.
Agad akong umakyat papuntang kwarto ko pero bigla akong tinawag ni Benedict.
"Let's go around later, baka makita natin si Fuentes," ani Benedict. Tumango naman ako at saka dumiretso paakyat.
Inayos ko ang mga damit ko at sandaling nahiga dahil sa pagod. Kaya mo 'to, Isabel.
Kinuha ko ang phone ko at saka nagtext kay Lola.
To: Lola
Nasa Siargao na po ako, La. Wag mo kalimutang uminom ng gamot ha. Ingat, love you!
Naidlip ako ng saglit at pagkagising ko ay hapon na. Agad akong nagtext kay Benedict para sabihin na nakatulog ako at pababa na rin.
Agad akong naligo pero nang magbibihis na ako ay natagalan ako sa pamimili ng susuotin dahil halos puro two-piece at mga see thru ang mga damit kong dala.
Buti na lang at may nakita akong halter sando na crop top. Agad ko ring kinuha ang isang long skirt na may mahabang slit sa gilid.
I tied my hair into a high ponytail and wear my gladiators.
Naglagay din ako ng kaunting makeup para fresh tingnan.
Oh, Fuentes. You must be in this hotel para hindi sayang ang effort ko.
Huminga ako ng malalim at saka lumabas ng kwarto ko. This will be a very long night.
Itutuloy...
Kabanata 15"Thank you," napalingon si Carlos nang magsalita ako. Gabi na at nandito pa rin kami sa gym.Wala na gaanong tao dahil nagsiuwian na ang mga taga dito at tanging mga bran
Kabanata 14"So, hija. What's your job?" ani Theodore Fuentes habang kumakain kami ng hapunan.Napaayos naman ako ng upo dahil sa tanong niya. I cleared mg throat and answer him.
Kabanata 13Maaga akong nagising para maghanda. Nilinis ko muna ng kwarto ko at nang maayos ko na ang bawat sulok nito ay agad naman akong kumain.My phone suddenly beeped so I opened it and saw Carlos' message. Agad naman akong napangiti nang makitang may message agad siya kahit alas quatro pa
Kanabata 12"Echo! Halika na!" tawag ko kay Echo nang magyaya na si Carlos na umuwi. Nakita ko namang agad tumakbo palapit sa amin si Echo.Pawis na pawis siya kaya naman pinunasan ko muna angmukha niya ng towel na bitbi
Kabanata 11"Sumama ka sa akin sa Pangasinan," ani niya kaya napatulala ako sa kanya. Wait, what?"Cat seemed to really like you," ani niya kaya napangiti ako nang bahagya. Catalina is a great kid at mukha naman siyang mabait.
Kabanata 10Agad kong chinarge ang phone ko nang makapasok ako sa unit ko. Hindi ko alam kung bakit ganitp ako kaapektado sa nangyari kanina.Nang bumukas ang phone ko ay nakita kong tambak ang messages at missed calls ni Carlos dito kaya naman napasinghal a