Home / All / Her Whimpers / Unang Kabanata

Share

Unang Kabanata

last update publish date: 2020-09-23 15:57:19

Kabanata 1

"D'yan nakatira si Governor Fuentes," turo ni Benedict—co-writer/worker ko.

Nasa isang exclusive subdivision kami ngayon at nasa labas ng isang malaking mansion.

"Base sa research ko, may apat na mansion si Gov. Fuentes at isa sa mga 'yon itong nandito sa Pasig," pagpapatuloy ni Benedict.

Nakatayo lang kaming dalawa malapit sa poste ng kuryente ngayon at ako naman ay pinagmamasdan ang bahay.

Sobrang yaman pala talaga niya. Halatang corrupt siya dahil sa dami niyang properties.

Maya-maya pa'y may dumating na mga black SUVs at pumasok sa mansion. Malalaman ko rin ang mga tinatago mong baho, Gov. Fuentes.

"Maraming babae si Gov. Fuentes at nareach ko 'yong isa niyang babae," ani Kirsten habang nasa café kami ngayon.

Isang grupo kaming nag-iimbestiga sa gobernador na 'yon—ako, si Kirsten, at si Benedict. The issue behind this Governor will be a big scoop in the media. Maybe after 5 years kong pagtatrabaho sa Diario Filipinas ay mapansin na ako ni Antonio.

"Great! So, kailan natin makakausap 'yong babae?" tanong ko habang umiinom ng kape.

"Well, that's the problem pala. Wala siya sa Pilipinas," sabi ni Kirsten kaya naman  agad bumaba ang balikat ko.

"Maybe we can contact her thru Skype," Benedict suggests. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa kanya.

"What's her name, K?" I asked.

"Yanna Giorgio, a runway model and an ambassador of UNICEF," ani Kirsten na siyang kinagulat ko.

I thought this Governor was an old man pero pinatulan ng isang model?

"She also owns a few businesses here in the Philippines but 'yong pinakabusiness niya ay nakabase in Paris," pagpapatuloy ni Kirsten.

Agad kong hinanap si Yanna Giorgio sa Instagram at sa hinala ko, tama nga. She's famous, 17.4M followers in IG says it all.

She's pretty and sexy but the fact that she had a relationship with a corrupt old politician gives me cringe.

"May e-mail na nakapost dito sa IG account niya, should we e-mail her?" tanong ko kay Benedict dahil siya ang nakatoka sa pakikipagcommunicate namin sa mga taong posibleng may alam.

"I'll try to e-mail her pero anong magiging rason natin kung bakit natin siya gustong mainterview?" tanong ni Benedict.

"We'll tell her na about kay Governor Fuentes  'yon," ani Kirsten.

"Seriously? Tingin mo okay lang sa kanya 'yon?" tanong pabalik ni Benedict kay Kirsten samantalang ako naman ay tuloy pa rin ang pagscroll sa feed ni Yanna Giorgio.

"She'll cooperate," I said.

Napatingin naman sa akin si Kirsten at Benedict. Takang-taka sila dahil sa kasiguraduhan ko.

"I will be the one who will contact her, Ben," ani ko at saka inimis ang gamit ko sa lamesa.

"Magresearch pa kayo ng mga data na makakatulong sa atin," giit ko at saka tumayo.

"Mauuna na ako," sabi ko at saka umalis. Pagkalabas ko ay muli kong tiningnan ang litrato ni Yanna kasama ang isang lalaki.

Mukhang nakamove on na rin naman siya so I am pretty sure she will spill everything.

Pagkauwi ko ay agad akong naligo at saka muling humarap sa laptop ko. I inserted the e-mail she attached to her IG account.

Ilang beses kong binasa at pinacheck kila Kirsten ang message ko bago ko isend.

E-mail sent.

Now, all I need to do is to wait.

"Nagreply na ba?" tanong ni Benedict sa akin habang may inaayos akong article para sa dyaryo bukas.

"Wala pa rin," simple kong tugon. Tatlong araw na matapos kong i-email si Yanna at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang response.

"She's famous baka natabunan na  'yong  message mo," Kirsten said.

"May iba pa ba kayong infos na nahanap?" I asked.

"Well, masyadong private ang ibang mga personal infos ni Governor Fuentes," sabi ni Benedict.

Napasinghal na lang ako at saka bumalik sa cubicle ko. Nakatingin lang ako sa monitor ko nang bigla akong tawagin ni Flor.

"Mr. EIC wants to talk to you," agad akong tumayo at inayos ang skirt na suot ko. Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa loob ng opisina ni Sir Anton.

Pagkapasok ko ay bumungad kaagad sa akin ang mga nagkalat na papel sa sala ng office niya.

"Pinapatawag niyo raw po ako, Sir?" magalang kong sabi. Agad naman siyang napalingon sa akin.

"Ikaw muna ang magiging head writer sa Filipinas TV next week. Nagleave si Andrea ng isang linggo kaya ikaw muna ang papalit," ani Sir Anton at saka muling tinuon ang tingin sa mga binabasa niya.

"Okay, Sir," ani ko bago lumabas pero bigla niya ulit akong tinawag.

"You also don't have good scoops for our newspaper, sana naman ay pinagtatrabahuhan niyo ito ng mga kasama mo," pahabol niya. Tumango naman ako at saka bahagyang ngumit at saka tuluyang lumabas.

Head writer for Filipinas TV. What the hell. 'Yan lang ang kumento ko sa sinabi ni Sir Anton.

"Anong sinabi sayo?" tanong ni Kirsten pagkabalik ko sa cubicle ko.

"Maghehead writer ako sa Filipinas TV for one week," walang gana kong sabi.

"Oh?! Paniguradong may dagdag na sahod 'yan!" ani Kirsten.

"May dagdag nga, makakasama mo naman sa studio si Robin madafakah," giit ni Benedict at saka tumawa kaya naman inirapan ko siya.

Napatingin ako bigla sa computer ko nang bigla itong tumunog.

Yanna Giorgio replied to your message.

Agad akong lumapit sa computer ko at nagmamadaling binuksan ang mail. This is it, shit!

To: Maria Isabel Cuanco

Hi Maria!

I am so sorry but I cannot entertain your interview with me about my past lover, Carlos. It is just too private and I don't want an issue between us. We already moved on and our relationship was a long time ago.

I am so sorry, I just don't want to involve my name to his.

Truly,
Yanna Giorgio

"Fuck," ani ko.

"Ooh. Rejected!" ani Kirsten na nasa likuran ko na ngayon.

Agad kong sinara ang Gmail ko atsaka sumandal sa upuan ko. So, what now?!

"Hey, hey. May naisip akong idea," ani Kirsten kaya naman lumingon ako sa kanya.

"Gov. Fuentes love chicks right? Why don't we hire someone to—"

"Seriously? Anong ipambabayad mo? E hindi naman ganon kalaki sweldo natin," ani Benedict.

"Edi, si Isabel! Si Isabel na lang!" ani Kirsten kaya naman agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"No way, ikaw nakaisip edi ikaw gumawa," ani ko. I can't imagine myself dating an old politician. NO FUCKING WAY.

"Hindi ako pwede, sino mag aasikaso sa paghahanap ng data? Ikaw?" Kirsten challenged. Well, I am not a good stalker like her.

"Alangan namang si Benedict? Straight si Gov HAHAHA," natatawang sabi pa niya. Kita kong sinamaan siya ng tingin ni Benedict.

"Ayoko!" sabi ko. NAKAKADIRI. Para kong dinate  'yong mga matandang kaedaran na ng Lola ko. Gosh! No way.

"Akala ko ba gusto mo sumikat?" sabat ni Kirsten kaya naman agad ko siyang sinamaan ng tingin. I know. This is a big scoop pero bakit kailangang ako?

But still, this is my dream.

"Pag-iisipan ko," ani ko at saka nagfocus sa sinusulat kong article.

Nakahiga ako ngayon at sinubukan kong magsearch about kay Governor Fuentes. I was so shocked nang walang lumabas na mga pictures niya.

Anong klaseng gobernador ba 'to? No pictures?!

Itinabi ko ang phone ko at saka pinag-isipang muli 'yong suggestion ni  K kanina.

I tried to close my eyes and imagine myself dating an old man. Geez! Agad kong minulat ang mata ko. Nakakadiri talaga.

I swore to myself not to date any politicians, kahit pa gwapo si Vico. I also swore not to date an old man. At mas lalong ayoko kapag pinagsama pa. But, I badly need this for my career!

Kinuha ko ulit ang phone ko sa side table at saka tinext si K.

To: Kirsten Tolentino

Ok. Game.

Gusto ko lang makilala at tumaas ang sweldo. That's all. Oh, the things I do for my job, ugh! 


Itutuloy...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Her Whimpers   Ikalabinlimang Kabanata

    Kabanata 15"Thank you," napalingon si Carlos nang magsalita ako. Gabi na at nandito pa rin kami sa gym.Wala na gaanong tao dahil nagsiuwian na ang mga taga dito at tanging mga bran

  • Her Whimpers   Ikalabing-apat na Kabanata

    Kabanata 14"So, hija. What's your job?" ani Theodore Fuentes habang kumakain kami ng hapunan.Napaayos naman ako ng upo dahil sa tanong niya. I cleared mg throat and answer him.

  • Her Whimpers   Ikalabintatlong Kabanata

    Kabanata 13Maaga akong nagising para maghanda. Nilinis ko muna ng kwarto ko at nang maayos ko na ang bawat sulok nito ay agad naman akong kumain.My phone suddenly beeped so I opened it and saw Carlos' message. Agad naman akong napangiti nang makitang may message agad siya kahit alas quatro pa

  • Her Whimpers   Ikalabindalawang Kabanata

    Kanabata 12"Echo! Halika na!" tawag ko kay Echo nang magyaya na si Carlos na umuwi. Nakita ko namang agad tumakbo palapit sa amin si Echo.Pawis na pawis siya kaya naman pinunasan ko muna angmukha niya ng towel na bitbi

  • Her Whimpers   Ikalabin-isang Kabanata

    Kabanata 11"Sumama ka sa akin sa Pangasinan," ani niya kaya napatulala ako sa kanya. Wait, what?"Cat seemed to really like you," ani niya kaya napangiti ako nang bahagya. Catalina is a great kid at mukha naman siyang mabait.

  • Her Whimpers   Ikasampung Kabanata

    Kabanata 10Agad kong chinarge ang phone ko nang makapasok ako sa unit ko. Hindi ko alam kung bakit ganitp ako kaapektado sa nangyari kanina.Nang bumukas ang phone ko ay nakita kong tambak ang messages at missed calls ni Carlos dito kaya naman napasinghal a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status