Mag-log in
Panimula
"Isabel! Bilisan mo na at baka mahuli pa tayo!" sigaw ni Lola mula sa ibaba. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at ang aking toga cap at saka bumaba na.
"Nandyan na ang tricycle, halika na," ani Lola at saka lumabas. Hindi pa pala ako nakakapagsapatos!
"Tulog ka kasi nang tulog! Ayan, natataranta ka tuloy!" rinig kong pagalit pa ni Lola mula sa labas. Napairap na lamang ako at saka tuluyang isinuot ang sapatos ko.
Graduation ko ngayon at nagmamadaling pumunta si Lola sa school namin kahit maaga pa naman.
7:00 AM pa lang at mamaya pang 9:00 AM mag-sstart ang program. Ang agang nagising ni Lola at dinamay ako sa sobrang excitement niya kaya hindi rin ako nakapag-ayos ng maayos.
Inalalayan kong bumaba si Lola mula sa tricycle at saka kami naglakad papasok sa gate ng school ko.
"Gagraduate ka na, hija. Parang kailan lang noong iuwi ka ng iyong ama sa atin," ani Lola habang naglalakad kami papuntang gym kung saan gaganapin ang graduation namin.
Nang ipanganak ako ni Mama ay hindi alam nila Lola. Sabi sa akin e, tinago raw ako ng tatlong buwan mula nang ipanganak ako.
Nalaman daw ni Lolo na may apo na siya kaya naman agad daw siyang pumunta sa bahay nila Mama at kinuha ako.
Hindi rin naman daw kasi ako inaalagaan doon kaya nilayo nila ako pati si Papa ay wala na rin daw balita kay Mama.
Sabi ng iba e nangibambansa na raw siya at kailanman hindi ko na siya nakita. Pero ayos lang naman, as long as I have my Lola with me.
Si Papa naman ay naaksidente noong 8 years old lang ako kaya kila Lola at Lolo ako lumaki, kaso noong nakaraan taon ay namatay na rin si Lolo kaya kaming dalwa na lang ni Lola ang magkasama.
"Upo po muna tayo, La," saad ko nang may madaanan kaming bench malapit lang sa gym. Wala pa rin kasi gaanong tao at nag-aayos pa lang ng mga upuan sa loob ng gym.
"Anong balak mo pagkagraduate mo, hija?" tanong ni Lola.
Matagal na naming napag-usapan na balak kong pumuntang Maynila para magtrabaho pero pinipilit pa rin ni Lola na huwag.
"La, buo na po talaga 'yong desisyon kong pumuntang Maynila," sagot ko. Nakita ko namang ngumiti lamang sa akin si Lola at saka ako niyakap.
"Uuwi naman po ako palagi dito, La. At saka binilin na rin kita kay Remy na tingnan ka araw-araw," ani ko.
"Mag-iingat ka doon, apo at palagi kang tatawag ha," ani Lola at saka ako hinalikan sa noo.
Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang mga tao at kami naman ni Lola ay pumasok na sa loob ng gym.
Huminga ako ng malalim nang tawagin na ang aking pangalan sa entablado.
Gagraduate ka na, Isay. Matutupad mo na lahat ng pangarap mo para sa inyo ni Lola.
Agad akong umakyat sa taas ng stage at nakipag-kamay sa mga opisyales ng aming paaralan.
Lumingon ako sa mga tao sa ibaba para hanapin si Lola at hindi ako nabigo dahil nakita ko siyang nakangiti habang pinupunasan ang mga luha niya.
Iniabot sa akin ang aking diploma at muli akong lumingon kay Lola para ipakitang hawak ko na ang matagal kong pinaghirapan.
Pagkababa ko ay dumiretso ako sa kinauupuan ng aking Lola Isyang at agad siyang niyakap.
"Magiging sikat na writer ako, La. Pangako ko 'yan sayo," ani ko at saka tuluyang umiyak.
"OH, eto susi ng unit mo," saad ng land lady habang humihithit ng sigarilyo. Agad ko namang kinuha ang susi at saka nagpasalamat.
Napatingin ako sa isang mataas na building sa harapan ko. Kaya ko 'to.
Hinila ko ang aking maleta paakyat sa hagdan at saka hinanap ang unit ko. Ang dilim ng hallway at may mga nag-aaway pa akong nakita.
Napadaan ako sa isang bukas na pintuan at laking gulat ko nang may makitang bagong ligo. Agad ko naman nilihis ang aking mata dahil nakakahiya!
Nasa 4th Floor pa ang unit ko kaya naman bago ako makarating doon ay halos maubusan na ako ng hininga.
Agad kong binuksan ang unit ko at tumambad sa akin ang isang studio type na kwarto.
Pagkapasok ay nasa kanan agad ang kusina at lababo at nasa kaliwa naman ang CR. Sa bandang loob pa ay isang malawak na open area kung saan ilalagay ang higaan ko.
Maliit lang. Hindi kagaya ng bahay namin sa probinsya. Pero mapagtitiisan ko naman siguro dito.
Inilapag ko ang mga gamit kong dala at saka naupo muna sa sahig dahil wala pa akong gamit.
Agad kong binuksan ang phone ko para tingnan ang e-mails ko. Hindi nga ako nagkamali dahil may tatlong unread messages ako galing sa Diario Filipinas-ang publication kung saan ako magtatrabaho.
To: Maria Isabel R. Cuanco
URGENT!
Miss Cuanco,
This is Antonio Arevallo, Editor-in-Chief of Diario Filipinas. I just want to inform you that you can start your job this Monday instead of next week. Thank you.
Truly yours,
Antonio Arevallo
Agad akong napatayo nang mabasa ko ang e-mail. Saturday pa lang ngayon at wala pa akong mga gamit o mga damit na isusuot.
Agad akong lumbas at saka dumiretso sa mall na malapit para bumili ng mga gamit na kakailanganin ko.
Siguro ay bibili na lamang ako ng sofa bed para mas madaling mabitbit pabalik sa unit.
Bago ako makauwi ay napadaan muna ako sa isang boutique kaya agad akong pumasok doon para bumili ng mga semi-formal na mga damit.
Nang makauwi akong muli ay napatigil ako sa harap ng hagdan. Okay, paano ko mabibitbit 'tong mga binili ko? Napakadami at ang laki nung sofa-bed!
"Ate, kailangan mo ng tulong?" ani isang binatilyo nang mapadaan sa akin. Agad naman akong ngumit at tumango.
"Dapat kasi pinadeliver mo na lang 'tong sofa, Ate," ani niya.
"Salamat ha," sabi ko nang marating na namin ang unit ko.
"Ano palang pangalan mo?" tanong ko pa.
"Echo po, taga baba po ako" ani Echo at saka nagpaalam na.
"Ay, Ate," papasok na sana ako nang bigla akong tawaging muli ni Echo.
"'Wag kang lalabas ng unit mo kapag gabi, maraming nag-iinuman sa baba baka makursunudahan ka," paalala naiya na siya namang kinatuwa ko.
"Sige. Salamat, Echo!" ani ko at saka tuluyang pumasok sa unit ko.
Maya-maya pa ay tumunog ang phone ko at nakitang si Lola ang tumatawag.
"Hello, La!" masiglang bati ko.
"Kamusta ka d'yan, apo? Maayos ba ang tinitirhan mo?" tanong ni Lola.
"Hahaha opo, La. Maayos naman po kahit maliit pero 'wag po kayong mag-alala. Okay lang po ako dito," sabi ko.
"Palagi mong i-lolock ang pintuan mo ha, huwag ka ring masyadong lalapit sa mga lalaking Maynila, mga loko yan," paalala ni Lola kaya naman medyo natawa ako.
"Uminom ka na ng gamot mo, La ha," ani ko.
"Papatayin ko na po muna 'tong call at mag-aayos pa po ako dito. Bye, La, love you," ani ko at saka pinatay ang tawag.
Okay. Let's start decorating this room!
Naalimpungatan ako nang biglang tumunog ang alarm ng phone ko. Hindi ko na pala namalayang nakatulog ako kagabi dahil sa pagod sa pag-aayos ng kwarto ko.
Bumangon ako at saka pinatay ang alarm ng phone ko. Napatingin muna ako sa salamin sa gilid ko at saka tuluyang dumiretso sa banyo.
Lunes na ngayon. Start na ng trabaho ko.
Pagkatapos kong maligo ay agad kong kinuha ang ilan kong mga makeups para mag-ayos. Pinusod ko rin ang buhok ko na ngayon ay mahaba na.
Sinuot ko ang plain white longsleeve ko at tinupi ito hanggang siko ko at ang slacks kong kulay black. Sinuot ko ang flat sandals ko at saka dinala ang iba kong mga papeles.
Nang makababa na ako ay nakasalubong ko si Echo na ngayon ay nagwawalis.
"Ingat, Ate Ganda!" sigaw niya nang makalabas na ako sa gate. Agad naman akong kumaway sa kanya at saka naglakad nang muli.
Inayos ko ang salamin ko habang naghihintay ako ng bus. Napakaraming tao ngayon dito sa kanto para maghintay din at nang may dumating nga ay agad nag-unahan ang mga tao.
Nakaupo akong agad pero ang dami pa ring tao at ang daming standing. Siniksik ko ang sarili ko sa gilid ng bus dahil nakakailang 'yong isang Mamang nakaharap sa akin.
Napatingin ako sa bintana at nakita ang mga gusaling matatayog. Walang mga bundok at hindi na rin halos makita ang langit dahil sa smog.
Masasanay ka rin, Isabel.
Agad akong tumayo at nakipag-siksikan sa mga pasahero para makababa nang sumigaw na ang kundoktor ng bus.
Pagkababa ko ay halos madala ako ng mga tao dahil sa bilis nilang maglakad. Nakipagsabayan naman ako at saka umakyat sa MRT.
Napakahaba ng pila ng mga tao para bumili ng ticket at ang iba naman ay pawis na pawis na dahil sa init.
Naghahalo-halo na ang amoy ng mga taong nandito kaya naman pasimple kong tinakpan ang ilong ko.
Pagkabili ko ng ticket ay agad din namang dumating ang tren kaya agad din naman akong nakasakay. Punong-puno ito at halos hindi na rin ako makagalaw sa sobrang dami ng tao sa loob.
Napapikit na lamang ako at saka naramdamang pagod na kaagad ako. Ang hirap pala talaga dito sa siyudad.
"Good morning, Ma'am. Ano pong sadya niyo rito?" tanong ni Manong Guard nang makarating na ako sa harap ng builing ng Diario Filipinas.
"Ah, bagong aplikante po ako," ani ko kaya naman agad akong pinapasok ni Manong pagkatapos niyang i-check ang bag ko.
Nasa 15th Floor ang opisina ng mga writers kaya naman agad akong pumasok sa elevator.
Nakita ko ang repleksyon ko sa pintuan nito kaya naman agad akong nag-retouch ng kaunti at nagpabango para presentable ako kapag nandoon na ako.
"Hi! You must be Miss Cuanco?" ani ng receptionist. Agad naman akong tumango bilang pagtugon.
"Hi, my name is Flor. Halika, ihahatid kita sa cubicle mo," ani Flor tsaka tumayo at saka pumasok sa isang glass na pintuan.
Bumati ang ilang mga empleyado kay Flor at ang iba naman ay bahagya akong nginitian.
"Ito ang magiging opisina mo at 'yon," turo ni Flor sa isang opisinang napapalibutan ng frosted glass. "Iyon ang opisina ni Antonio Arevallo, you know him right?"
Tumango naman ako at saka umupo sa aking swivel chair.
"May kukunin lang akong mga data na kailangan mong sulatan ng article, I'll be back," ani Flor at saka umalis.
Tiningnan ko ang paligid at halos lahat ng mga empleyado ay busy sa mga ginagawa nila.
"Hi!" agad akong napalingon sa kabilang cubicle na nasa gilid ko.
"I'm Kirsten, you are?" masigla niyang sabi kaya naman nginitian ko siya.
"Isabel," ani ko at saka tinanggap ang kamay niyang nasa harapan ko.
That is how I become a writer of the number 1 newspaper of the Philippines. Akala ko 'nong una ay agad kong malalasap ang tagumpay ngunit nagkamali ako.
Akala ko kasi dati kapag nakapasok na ako sa media ay agad na akong sisikat pero hindi pala ganon kadaling bumuo ng pangalan.
Lalo na nang biglang sumulpot sa network namin si Robin Fernandez. Mas lalong nawalan ako ng pwesto para maging isang sikat na manunulat.
"Isabel! We have a big big big big TEA to spill!" agad akong napaharap kay Kirsten.
"Kilala mo ba si Governor Carlos Miguel Fuentes?" agad akong napangisi nang marinig na isang politiko ang may isyu ngayon.
"Nasangkot siya sa isang drug Lord at dati ay napabilang siya sa mga listahan ng corrupt officials! We need to get behind all of this!" naeexcite na sabi ni Kirsten samantalang ako naman ay tahimik na nagdiriwang.
Once makakalap ako ng impormasyon galing sa gobernador na 'yan. Paniguradong sisikat ang pangalan ko at malaki ang chances na mapromote at mag-rise ang sweldo ko.
Wait for me, Gov. Isabel's coming.
Itutuloy...
Kabanata 15"Thank you," napalingon si Carlos nang magsalita ako. Gabi na at nandito pa rin kami sa gym.Wala na gaanong tao dahil nagsiuwian na ang mga taga dito at tanging mga bran
Kabanata 14"So, hija. What's your job?" ani Theodore Fuentes habang kumakain kami ng hapunan.Napaayos naman ako ng upo dahil sa tanong niya. I cleared mg throat and answer him.
Kabanata 13Maaga akong nagising para maghanda. Nilinis ko muna ng kwarto ko at nang maayos ko na ang bawat sulok nito ay agad naman akong kumain.My phone suddenly beeped so I opened it and saw Carlos' message. Agad naman akong napangiti nang makitang may message agad siya kahit alas quatro pa
Kanabata 12"Echo! Halika na!" tawag ko kay Echo nang magyaya na si Carlos na umuwi. Nakita ko namang agad tumakbo palapit sa amin si Echo.Pawis na pawis siya kaya naman pinunasan ko muna angmukha niya ng towel na bitbi
Kabanata 11"Sumama ka sa akin sa Pangasinan," ani niya kaya napatulala ako sa kanya. Wait, what?"Cat seemed to really like you," ani niya kaya napangiti ako nang bahagya. Catalina is a great kid at mukha naman siyang mabait.
Kabanata 10Agad kong chinarge ang phone ko nang makapasok ako sa unit ko. Hindi ko alam kung bakit ganitp ako kaapektado sa nangyari kanina.Nang bumukas ang phone ko ay nakita kong tambak ang messages at missed calls ni Carlos dito kaya naman napasinghal a