Home / All / My Real Fake Love / Chapter 6 - Weather

Share

Chapter 6 - Weather

last update publish date: 2020-09-29 15:29:24

Adam/Eve's POV

"Adam? Adam? Are you okay?"

"Adam? Adam, huy!"

"Bestie? Bestie?"

"Huuuy!"

"Aaaahh!" laking gulat ko na lang nang iyugyog ni Allan ang mga balikat ko kaya bumalik ang sarili ko sa realidad. Punyetang imagination 'yan. Pahamak! Walangya!

"Ano bang nangyari sa 'yo?" kunot-noong tanong ni Allan sa 'kin habang nakahawak pa talaga sa mga balikat ko.

"A-Ahh... W-Wala naman!" ayan nababaliw ka na naman kasi. Tigilan mo na kasing kumain ng krimstix!

"Bestie. Kanina ka pa natulala diyan. Okay ka lang?" alalang tanong ni Emma at chineck pa talaga ang leeg ko.

"O-Okay lang ako, bestie." sagot ko matapos inalis agad ang kamay niya mula sa aking leeg.

The truth is I want to go home because I want to avoid Allan for now, at alam ni Emma 'yon. Pero siguro nakalimutan din niya saglit ang tungkol doon dahil ako naman kasi, nagpantasya pa na may gusto rin sa 'kin si Allan. Kaya para maintindihan niya ang gusto kong iparating, binigyan ko na lamang siya ng makahulugang tingin. 'Buti na lang at na-gets niya dahil halata sa kanyang mukha ang paghingi ng paumanhin.

"Ah, guys?" pagsisimula ko. Now deep inside, I'm starting to be paranoid. Baka kasi mangyari talaga 'yung inisip ko kanina. Pero sana hindi naman. "Hindi muna pala ako makakapagturo ng sayaw para sa Cotillion ngayon kasi... hindi mabuti ang pakiramdam ko."

Allan didn't say anything. Pero halatang dismayado siya. Ang ibang mga dancers naman, tumango na lamang sila bilang pagpayag sa 'kin na magpahinga.

"I see, Mr. Perez. As the President of Supreme Student Government, kapakanan ko rin ang kalusugan niyo. I chose you to be one of the choreographers Adam, kaya responsibilidad kita. You're not feeling well today, so huwag mo munang pagurin ngayon ang sarili mo. You need to rest for now." sabi ni Angel sa 'kin.

"Thank you, Angel." sabi ko naman sa kanya na nagbow pa ng konti. "Bestie, tara na?" baling ko kay Emma na sumunod naman sa sinabi ko.

Nakalabas na rin kami ng dance studio. Habang naglalakad kami, hindi mawala ang curiousity ng bestie ko. All she knew was I have to avoid his cousin for awhile. Hindi pa niya alam ang dahilan.

"Bakit mo nga pala iniiwasan ngayon si Couz? Akala ko ba okay kayo kahapon?" pagsisimula niya.

"Okay naman kami kahapon. Kaso, kaso..."

"Kaso ano?"

"Uhmm... I just started to realize kasi na, hindi talaga ako ang para sa pinsan mo. I mean sure, alam kong suntok sa buwan na maging kami pero... akala ko kasi may pag-asa, eh. Pero lately, I realized na... hindi pala talaga 'yon mangyayari kahit kailan."

"Bestie, ano ba kasi talagang nangyari?" halatang atat na siyang makinig sa kwento ko. Bakit ba kasi hindi ko na lang din sinabi sa kanya ang tungkol dito kanina? Parang tinatamad na kasi ako ngayong magshare!

Pero dahil bestfriend ko siya at pinsan niya ang crush ko, pagbibigyan ko siya. She has the right to know anyway. So para makwento ko sa kanya lahat, saglit kaming tumambay sa Woolridge Park. Masyado itong malaki lalo na't kabilang na rito ang soccer field ng school. Marami rin itong mga benches at puno kaya kadalasan din itong tambay zone ng mga students dito. At heto na nga... ikukwento ko na ang dapat niyang malaman upang ma-gets na rin niya ang pagkakaroon ko ng regla laban kay Allan. Flashback...

Alam ko sa sarili kong kalog lang talaga itong si kambal. Masyado kaming close kaya ganyan ang trato niya sa 'kin to the point na gusto ko na siyang patayin. Pero kahit ganyan siya, he's always been with me at all times. Kahit siya lang ang natatangi kong kapatid, he will always be my best brother. He will always be my best twin.

"Bakit? What was he, then?" reverse psychology mostly works, I guess. Curiosity kills the cat, sabi nga nila. He's Allan's friend, so he definitely knows him more. Kahit buang itong si kambal, hindi naman niya siguro sisiraan ang kabarkada niya sa akin, hindi ba?

"Boys are boys, 'Tol. And because we're boys, we love girls. And when I say 'girls'..." sandali siyang tumigil upang bumulong sa akin. "It has a lot of 's'."

Kahit anong isip ko, para sa 'kin ay masyadong maamo ang mukha ni Allan para maging katulad ni kambal at ng mga kabarkada niya. Kamukha kami ni Bryan, oo. Pero napakadaling i-distinguish ang personality naming dalawa sa pamamagitan ng aming fashion. I look like a formal guy, he looks like a Casanova. Kaya nagustuhan ko si Allan, dahil ang layo niya talagang tingnan sa kanilang lima.

"Sumama ka sa 'kin mamaya. May pupuntahan tayo." alok pa sa akin ni kambal. Tinanggal na niya ang kanyang bisig sa aking mga balikat upang kunin ang cellphone at maglaro roon. Ano kayang balak nito at naisipan niyang isama ako? Hmm.

Nang dumating kami sa bahay, agad kong naisipang maligo dahil feeling ko, ang baho ko na. Naglagay pa nga ako ng PH Care sa aking sensitive area dahil feeling babae nga ang bruha. Karamihan sa mga gamit ko ay ako ang bumili mismo na safe namang makarating sa bahay without anyone noticing maliban sa kambal ko.

"Tol!" sigaw ni kambal mula sa bathroom dahil siya na ang naligo. "Ano ka ba namang bakla ka? Ba't hindi mo pa tinapon 'tong napkin mo?!" actually, tinutukoy niya 'yong pang-ipit ko. Minsan lang naman akong magsuot ng gano'n. Timing nga lang na nasaksihan niya 'to ngayon.

"Ay, poocha! Hahaha. Sorry, Tol! Pakitapon na lang diyan."

"Ayoko nga! Kadiri!"

"So gusto mo papasok ako diyan?"

"Sige ba! Para gawin kitang bungi!"

"Eh sa ilagay mo na lang 'yan diyan sa trashcan! Arte nito!" as if pa namang may dugo 'yon! Saka isa pa, naliligo pa naman siya, 'no. Pwede naman siyang magsabon ng kamay niya matapos 'yong itapon!

Matapos ang aming bangayan, nakapagbihis na rin kami. Dahil wala na naman ang parents namin, madali kaming nakaalis at kinuha agad ni kambal mula sa garahe ang kanyang mamahaling kotse.

Habang bumabyahe, hindi ko naiwasang mapansin ang mga dinaanan namin. Kaya pala familiar, dahil papunta pala kami sa Raving Club. Hmm, brings back memories.

Pagkarating namin doon, marami na namang tao ang nasa loob ng club. And I should always expect na karamihan sa mga tao rito ay mga mayayaman. Marami sa kanila ang nasa dance floor ngayon dahil sa napakalakas na tugtog ng musika. But aside sa katawan kong nati-tempt nang sumayaw, I still have no idea kung bakit nandito kami ni kambal ngayon.

"Ano bang gagawin natin dito, Tol?" pasigaw kong tanong upang mas marinig ni kambal.

Hindi siya sumagot. Hinawakan niya lang ang kanan kong kamay at nagsimulang maglakad. Dahil medyo mabilis siya, hindi ko naiwasang mabangga sa mga hindi ko naman kakilala.

"Aray naman, Tol! Tol, ano ba?" reklamo ko sapagkat masyado nang masakit ang braso ko resulta ng maraming beses na pagkabangga.

"Aray, punyeta! Ang sakit no'n, ah? Hmph!" ungol ko habang hinihimas ang mga braso ko nang tumigil na siya sa paglalakad. Dahil sa inis ko, sinuntok ko ng malakas ang braso niya para it's a tie. "Ano ba kasing ginagawa natin dito, ha?" pero hindi siya nagreact kahit alam kong masakit 'yon. Edi siya na ang manhid.

"Tingnan mo siya." utos niya. At first, hindi ko siya gets. Pero upang malaman ko ang gusto niyang iparating, sinunod ko na rin ang direksyon ng mga mata niya.

And then I saw it...

Allan is with someone else. Isang babaeng maganda na for sure, wala akong laban. Mukhang napakasaya nga nila sa isa't isa. Kung papansinin ng maigi, parang matagal na silang magkakilala.

May pahampas pa sa balikat ni Allan ang babae habang tumatawa, na kapag umulit pa ay gusto ko nang sabunutan. Allan was even happier with her. Ngayon ko pa lang nakita ang ganyang side niya.

And then it hit me...

I realized that he will never like me. He will never want me, he will never love me. Dahil ang puso niya, ay para lang talaga sa babae. At ang katotohanang iyon ay parang tinusok na ang puso ko.

Parang mas tinusok pa ang puso ko nang niyaya ng babae si Allan na sumayaw, at pumayag ito. At ang mas masakit, hindi na panghataw na musika ang itinugtog. It's a love song. At silang dalawa, napakasaya nilang tingnan. Sabay pa silang nagtatawanan sa musikang mabagal. At malinaw sa kanilang dalawa na gusto nila ang isa't isa.

Damn you, Allan.

End of flashback. Nakwento ko na lahat ng mga dapat malaman ni Emma kaya tuloy ang reaksyon niya, ay isang napakalaking nganga.

"Uso namang takpan ang bibig, bestie." biro ko pa. Baka kasi pasukan pa ng bubuyog ang bibig niya. Marami pa namang mga flowers dito sa park kaya posibleng marami ring mga ganyang insekto sa lugar na ito.

Napabuntong-hininga na lamang si Emma sandali saka tila nag-iisip sa mga gusto niyang sabihin sa akin. "Bestie... We both know na lalake pa rin si Allan." paglilinaw niya. Yeah, Allan is obviously straight.

"Alam ko naman 'yon bestie, eh. But come to think of it... bakit ba siya lumalapit sa 'kin? Bakit gusto niyang makipagkaibigan sa 'kin? Bakit nag-volunteer siyang maging partner ko sa choreography para sa Cotillion kahit alam pala niyang crush ko siya? You can't blame me for being like this. Because the way he acts? Parang nagpapakita siya ng motibo sa 'kin, eh. Ayokong mag-assume pero, kapansin-pansin naman kasi na... napakaiba ng turing niya sa 'kin."

Wala nang maisagot si Emma sa mga tanong ko kaya ang ending, sabay kaming naglabas ng mabigat na paghinga. Napakasakit mo sa ulo, Allan! One month at ilang weeks na lang at graduation na pero nakikisawsaw ka pa. Punyetaaaa!

"Hi, guys!" panggugulat ni kambal sa amin ni Emma sa pamamagitan ng pag-akbay. Napatalon tuloy kami. "Ano bang pinag-uusapan niyo rito, ha? Pwede bang makisali?" parang good mood niya pang tanong. Imudmod ko kaya 'to sa inidoro.

"Get your hands off us!" mataray kong saway saka tinanggal ang mga bisig niya sa balikat ko at kay bestie. Ang bigat kasi! "Usapang babae 'to, 'no. Tsaka teka, ba't ka ba nandito?"

"Well, maagang natapos ang practice namin sa basketball kaya... I'm here to get your bestie." sabi niya.

"Ay! Oo nga pala, bestie! 'Buti na lang, naalala ko pa. Sige, bestie! Practice muna kami ni Bryan!" sabi naman ni Emma saka tumayo at kinuha ang mga gamit niya.

"Anong meron? Bakit kayo magpa-practice?" tanong ko sapagkat wala akong alam sa mga balak nilang gawin. "Bestie, may hindi ka ba sinasabi sa 'kin?"

"Ang OA naman nito? Magpa-practice lang kami sa pagkanta para sa Prom, 'no! Bawal kang manood sa rehearsal namin so, see you tomorrow!" aniya. Ay, oo nga pala. Singer din 'tong bestie ko. Maganda nga ang boses niya, eh. Kasingganda ng mukha niya. Ngapala, sa sobra niyang ganda, naging crush ko siya noon pero hindi niya lang alam. And then I found out na crush pala niya ang kakambal kong si Bryan. Poor, Emma. Nagkagusto na nga lang, sa isang Casanova pa. But as for me, maybe I still have this masculine personality after all. Kapag lalake lang ako? Malamang girlfriend ko na 'to si bestie ngayon.

Tuluyan na silang lumisan kaya mag-isa ko na lang tinahak ang daan patungo sa labas ng gate. Hindi na ako nag-abalang magpayong, ni sumilong sa mga matataas na puno sapagkat hindi naman masyadong mainit ang hapon ngayon.

Malapit na akong makarating sa labas ng gate when someone grabbed my hand. Bigla akong napahinto nang makita ko ang taong gumulo sa solo moment ko.

"A-Allan?" hindi makapaniwala kong tanong. Alam kong hindi pa tapos ang pagpa-practice namin ng sayaw kaya ganito na lang katindi ang aking pagtataka na nandito siya.

"Where are you going?" seryosong tanong niya sa 'kin. Naiilang akong tumingin sa kanya ng diretso dahil iba ang paraan ng pagtitig niya sa akin.

"U-Uuwi malamang! Hindi nga kasi mabuti ang pakiramdam ko." rason ko. Pero pesteng feelings 'to dahil parang naiihi na naman ako sa ginagawa niya sa 'kin ngayon!

"Hindi mabuti ang pakiramdam mo? O ayaw mong makita ako." paninigurado niya. Bwiset! Masyado ba akong obvious?!

"A-Ano bang pinagsasabi mo? I don't see any reason naman to avoid you, Allan! Huwag ka ngang over thinker diyan!" of course ayokong ipahalata na iniiwasan ko siya, 'no.

"You're a bad liar, Adam. You really are." sabi niya na may kasama pang iling. Edi ikaw nang magaling! Peste.

"Sakay." alok niya sa 'kin nang dalhin niya ako sa parking lot na may motorsiklo niya. "Sumakay ka nga sabi." pagpipilit niya.

"Eh, pa'no 'yung Cotillion?"

"Sina Angel na'ng bahala do'n. We need to fix us first." diretso niyang sagot. Us? As if naging kami.

"Eh, pa'no kong ayoko-"

"Sakay!" sigaw niya kaya napatalon naman ako sa gulat.

"Tanga ka ba? Bakit ba ako sasakay, eh hindi ka pa nauna?" naghahanap lang ako ng lusot para sisihin din naman niya ang katangahan niya.

"Ah, gano'n ba? S-Sorry. T-Teka..." nauutal pa ang loko. Takot rin naman pala sa 'kin, eh. Tsk!

Kumuha muna siya ng mga helmet galing sa box ng motor niya. Dalawa talaga, ah? Hmm. So I'm totally sure na marami nang nakasakay rito sa mamahaling motor niya. Pero I wonder kung ilang babae na. Kasi kung ako ang tatanungin? Paniguradong marami na, at paniguradong nakasakay na rin dito ang babaeng kasama niya kagabi.

"Oh, 'etong helmet mo." sabi niya saka binigyan ako ng helmet. Isinuot niya ang sa kanya, at sumakay na rin. "Sakay na."

"Oo, 'eto na. Sandali lang." dali-dali kong suot saka umangkas na rin sa malaking motor niya.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Basta."

Medyo mabilis na pinatakbo ni Allan ang motor kaya pumapasok rin sa isip ko ang humawak sa baywang niya. Pero mas tinubuan ako ng hiya kaya humawak na lang ako sa likuran ng motor niya. Oo, crush ko siya. Pero labag sa isipan ko ang pagsamantalahan ang pagkalalake niya.

Makalipas ang ilang minuto ay pinahina na ni Allan ang takbo ng motor. Kaya feeling ko, hanggang dito lang muna ang destination naming dalawa. Lord, akala ko malayo paaa!

And I was right, kasi pinark na niya ito. Nang suriin ko ang buong lugar, nandito pala kami ngayon sa isang restaurant. It's so obvious na pangsosyal ang lugar na 'to kaya pwede ko na ring isipin na may date ngayon kaming dalawa. Naku, Allan! Kung hindi lang ako badtrip sa 'yo, malamang kinilig na ako kanina pa!

Pumasok na rin kami sa loob ng resto at naghanap ng mga mauupuan. Mabuti na lang at nakakita kami agad kaya hindi na kami nag-alinlangan pa na pumili sa bakanteng iyon. Nang makaupo na kami, agad naming sinuri ang menu na nasa card ng mesa kaya lumapit na rin sa amin ang isa sa mga waiter ng restaurant. Naibigay rin namin ang aming mga order kaya ang gagawin ngayon ay maghintay na lamang.

"Allan, huwag na natin 'tong patagalin pa. Ano bang kailangan mo sa 'kin? Ano bang dapat nating pag-usapan?" walang paligoy-ligoy kong tanong.

"Adam... please don't do this to me." tanging nasabi niya sa akin.

"Anong... ano bang sinasabi mo?"

"Adam, please. I know you're avoiding me." okay, malakas talaga ang pakiramdam niya sa 'kin. Na sa sobrang lakas ay dinaig pa niya ang internet speed ng Pilipinas.

"Okay, fine. I am avoiding you, Allan." pagtatapat ko. What's the point of denying naman kasi, 'di ba?

"I'm sorry if you have seen me like that last night. But I want you to know na mali ang iniisip mo." paliwanag niya na ikinagulat ko naman dahil alam pala niyang nando'n rin ako kagabi sa Raving Club.

"L-Last night? P-Pa'no mo-"

"Nakita kita kagabi." pagpuputol niya sa tanong ko. "At first, I thought I saw Bryan. Until I found out na dalawa pala kayo."

Hindi ako nakasagot. Grabe pala ang mga mata niya. Nagmistulang telescope.

"Again, I'm sorry." pag-uulit niya.

I sighed bago ako nagsalita. Dahil sa inasal niya, tila nakonsensya naman ako sa ginawa ko sa kanya. "To be honest Allan, ako dapat ang humihingi ng pasensya."

"No, Adam. It should be me." he insisted.

"No, ako dapat."

"Ako."

"Ako nga sabi."

"Ako nga kasi nasaktan kita."

"Ako dapat kasi ang feeling ko." at ako ang nanalo sa aming pagtatalo. "Alam ko naman kasing lalake ka talaga, eh. At hindi ko mababago 'yon. Masyado lang talaga akong nag-assume na... may pag-asang maging tayo, Allan."

"No, Adam. Ako dapat kasi ako ang gusto mo." pagpipilit na naman niya. "Alam kong crush mo ako pero, I felt like I took it for granted to the point na parang pinaramdam ko na sa 'yo na crush din kita."

So, ibig sabihin, wala talaga siyang feelings para sa 'kin. Dahil kung para sa 'kin, the way he acts towards me are somehow convincing that he likes me back, ay pakikipagkaibigan lamang 'yon para sa kanya? Pero sabagay, he already clarified na gusto niya lang talagang makipagkaibigan sa 'kin in the first place. Siguro masyado lang talaga akong assuming. Masyado lang talaga akong feeling.

"But I want to know you, Adam. Kaya lahat ng mga ginawa ko sa 'yo, totoo 'yon! I don't want to be friends with you just because I'm a friend of Bryan. I want to be friends with you because I feel like, magiging malaki rin ang parte mo sa buhay ko."

"That's why I strongly believe na kasalanan ko talaga, Allan. Kasi to be honest? Wala talaga akong karapatan na magtampo laban sa 'yo because you're just being a good friend to me! Ako lang talaga ang nag-isip na may malalim ka ring pagtingin sa 'kin, even though it will always be impossible to happen. I realized na ang kapal lang talaga ng mukha ko para gawin sa 'yo 'to na ang nangyari, ikaw pa 'tong humihingi ng tawad sa 'kin ngayon. I'm sorry." lesson learned na rin para sa sarili: itigil na ang pagiging assuming!

"Adam. Kailan ba naging tama na paglaruan ko 'yang feelings mo? Kailan ba naging tama na paasahin kita? Kailan ba naging tama na hinayaan kitang mag-isip na gusto rin kita dahil sa mga pinaramdam ko? Adam, hindi magiging tama iyon. Hinding hindi."

"Okay lang naman para sa 'kin 'yon, Allan. Kasi for once, nagkaroon din ako ng feeling na... may magmamahal din pala sa isang tulad kong bakla." napaiyak kong sabi.

"Adam..."

"I'm sorry, Allan. I'm sorry..." muli kong paumanhin at tuluyan nang humagulhol sa pag-iyak.

"Adam..." muli niyang sambit sa pangalan ko at hinawakan pa ang kanan kong kamay. "Bakla ka man o hindi, deserve mo ang pagmamahal. Crush mo ako kaya karapatan mo ring gawin 'yan laban sa 'kin. At saka isa pa, kahit hindi pa tayo matagal na magkasama, napagtanto ko rin kung gaano kagaan sa pakiramdam ang makasama ka. Kaya nararapat lamang na ako ang humingi ng tawad."

"Allan..." mahina kong bigkas sa pangalan niya.

"But I just want you to know na wala kang dapat ikaselos sa babaeng kasama ko kagabi. That girl was Stacy. My cousin from my father's side."

At dahil do'n, bigla akong napanganga. Potek, Adam! Nagalit ka pala sa isang walang kwentang dahilan! Nag-emote ka pa't lahat pero PINSAN LANG PALA NIYA ANG BABAENG 'YON?!?!

Pero... the thought of him na parang hindi niya akong gustong saktan, parang ang selfish ko naman no'n. Papano kung, may nagustuhan pala talaga siyang babae? Bawal niya 'yong maging jowa dahil sa 'kin? Kapag mangyari 'yon, masasaktan ako, oo. Pero hindi naman siguro ako gano'n ka-obsessed para itali siya sa buhay ko kahit hindi naman niya ako gusto.

"Hahaha. Usong takpan ang bibig, oy!"

"Ay sorry." sabi ko saka kunwari pang pinunasan ang bibig kahit wala namang laway. "Oh. Edi kasalanan ko talaga dahil pinagselosan ko pa ang pinsan mo." dagdag ko pa saka pinunasan ang aking mga pisngi dahil sa luha.

"Hindi. Kasalanan ng kambal mo." sabi naman niya.

"Huh? Bakit naman?"

"Dahil alam niyang pinsan ko rin si Stacy maliban kay Emma."

At sa revelation niyang 'yon, parang gusto kong patayin si kambal mamaya pag-uwi. Argh, Bryan! You're so G-R-R-R!!!

Matapos ang aming talunan, slash kapatawaran, slash kwentuhan, slash tawanan, kumain na rin kami. It's so great to be friends with him again. Dito ko mas na-realize kung gaano talaga kabait na tao si Allan. Kasi kahit ganito ako, he totally cares about me. Bihira lang kasi ang ganyang mga lalake sa mga taong tulad ko. And I'm so glad na hindi siya kabilang do'n. At ang swerte ko lang dahil siya pa ang lumapit sa buhay ko.

"Allan."

"Hmm?" tanong niya habang ngumunguya.

"Eve nga kasi hahaha."

"Eve? Oh, right! Hahaha! Okay, Eve."

Matapos naming kumain, nagdesisyon na kaming umuwi. He presented na ihatid ako sa bahay since siya naman daw ang nagkidnap sa 'kin. Pumayag naman ako kasi why not? Paminsan-minsan lang 'to 'no kaya, sulitin ko na. Ahahaha!

Madilim na rin ang paligid nang bumyahe kami kaya naka-on na rin ang headlights ng motor niya. He's only driving at a normal speed, kaya wala akong nakikitang rason para yumakap sa baywang niya. May kalayuan rin ang aming pinuntahan mula sa aking bahay kaya't napadaan kami sa hindi mataong lugar nang biglang umulan. At hindi lang basta ulan. Samahan pa ng hangin na napakalakas.

"Kailangan nating sumilong, Eve! Masyadong malakas ang ulan!" sigaw niya. Hindi ko maiwasang matawa dahil parang pinipilit niya lang na tawagin ako sa babaeng pangalan.

"Sige!" tanging nasabi ko. Nagsimula na rin kasing mabasa ang aming mga katawan.

Mabuti na lang at may waiting area sa bandang unahan. Pero wala ring mga tao roon sapagkat wala ring mga bahay, kaya tanging mga streetlights lang at motor ni Allan ang nagbibigay-liwanag sa daan.

Nang makarating kami, bumaba na rin kami upang sumilong. Agad kong kinapa ang aking cellphone mula sa aking bulsa upang icheck kung nabasa ba ito o hindi. Nu'ng nalaman kong okay lang siya, chineck ko naman ang signal.

"Damn it! There's no signal!" inis na usal ni Allan. Naka-check na pala siya.

"Lalo na sa 'kin. Pa'no na 'to? Parang matagal pa naman 'tong titigil." sabi ko. And then I just realized... me being stuck here with Allan? Oh my gosh!!!

"What a night." bulalas niya. Naku, Adam-ay, Eve! Huwag kang magsaya diyan dahil nakabusangot ang crush mo! "How can I get there in time?"

"Bakit? Anong meron?" hindi ko naiwasang magtanong.

"Uhh... It's my mom's birthday." malungkot niyang sagot.

"Ahh, gano'n ba?" matapos ko 'yong nalaman, hindi ko naiwasang ma-guilty. Come on, I'm the reason why we're stuck here. Double reason for me not to be happy that it's raining kahit sabi nila, maganda rin ang ulan.

Dahil parang matagal pa ring matapos ang ulan, umupo na lang ako. Nang makita naman ako ni Allan, umupo rin siya sa tabi ko. Ayoko rin namang ma-bored kaya kinuha ko na lang ang earphones ko sa aking bag na 'buti na lang, hindi pa nabasa.

"Pwede bang maki-share?" tanong ni Allan sa 'kin nang makita niya ako. Is he observing me? Shut up. Kinikilig ako mygaaaad!

"S-Sure!" matipid kong sagot.

Ibinigay ko naman sa kanya ang isang side ng earphone ko, at pumili naman sa music player ng ipapatugtog. And since moment ko na 'to, pipiliin ko na rin ang favorite kong kanta na feeling ko, babagay naman kahit papano sa aming dalawa.

~ There I was again tonight

Forcing laughter, faking smiles

Same old tired lonely place

Walls of insincerity

Shifting eyes and vacancy

Vanished when I saw your face

All I can say is it was enchanting to meet you... ~

"Teka, parang alam ko 'to, ah?" sabi niya.

~ Your eyes whispered, "Have we met?"

'Cross the moon, your silhouette

Starts to make its way to me

The playful conversation starts

Counter all your quick remarks

Like passing notes in secrecy

And it was enchanting to meet you...

All I can say is I was enchanted to meet you... ~

At kahit sintunado kaming dalawa, sumabay kami sa pagkanta pagdating sa chorus.

~ This night is sparkling, don't you let it go

I'm wonderstruck, blushing all the way home

I'll spend forever wondering if you knew

I was enchanted to meet you... ~

And we started to look each other in the eye, habang patuloy pa ang pag-awit ni Taylor Swift sa aming mga tenga. At dahil dito, hindi ko maiwasang mag-isip kung may pag-asa ba talaga ang isang tulad ko sa kanya. Ayokong umasa, ayokong mag-assume. Pero bakit malakas ang kutob ko na hindi lang ako ang may gusto sa kanya? How can he ever treat me like this? Why does he care so much kapag nasasaktan ako? Why is he giving me this look kung kaibigan lang ako sa paningin niya?

This guy is really confusing me. Pero ang mahalaga, nandito siya. May nararamdaman man siya para sa 'kin o wala, ako pa rin ang pinakamasayang tao sa mundo matapos kong malaman na gusto niya rin akong maging parte ng buhay niya. I have to thank him for wanting me to be his friend. I have to thank God that someone like him exists. And for tonight, and for this moment, I have to thank the rain. This is such indeed a beautiful weather.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Real Fake Love   Chapter 12 - Punch

    Adam/Eve's POVI remained stiff as Keila continued to expose my true self to everyone. Halos lahat ng mga Wonder graduates ay dumalo sa kaarawan namin ni kambal, ngunit hindi na lingid sa kaalaman nila ang tungkol sa 'kin. All of the famous businessmen who are friends of the family were also there, kaya kasali sila sa kabang nararamdaman ko because of the strong possibility of ruining the image of our company. Magiging matunog ang pagbunyag ng aking lihim, which may cause a colossal failure to other businesses na kaakibat ng mga magulang ko. But what I feared the most...Is Mama and Papa's rejection."Ano, Adam? Are you surprised? You didn't see this coming, did you?" muling paggambala ni Keila sa presenya kong nananahimik. Buong takot ang aking naramdaman nang titigan ko siya sa mata."Keila! Why are you doing this?!" dinig kong tanong ni Allan."Let me go!" sigaw naman ni kambal sa mga guard

  • My Real Fake Love   Chapter 11 - March

    Adam/Eve's POVAnd I was right all along. This weekend has become one of the most unforgettable moments in my whole existence. Sa loob ng dalawang araw, ako'y naging masaya. Ngunit sa loob din ng dalawang araw, ako'y nag-iba. Nagsimulang malito, nagsimulang magtaka."Tol... ayos ka lang?" pansin ni kambal sa akin habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi. "Kanina pa kita napapansing ganyan.""H-Hah? M-May sinasabi ka?" paninigurado ko kung ako ba talaga ang kausap niya sapagkat masyado lamang akong nakatutok sa daan. Ngunit napagtanto kong ako nga sapagkat kami lamang dalawa ang nasa loob ng sasakyan."Hay, naku. May iniisip ka na naman, 'no? Tsk." pagbabasa niya sa isip ko."Well, technically, may isip naman talaga ang bawat tao kaya natural lamang na mag-isip." sagot ko bilang pagsampal sa kanya sa obvious na katotohanan."Alam ko. But my point is, you're thinking to someone I certainl

  • My Real Fake Love   Chapter 10 - Judgements

    Adam/Eve's POVIt was awkward. It was unbelievable. It was unforgettable. It was unpredictable. Allan was about to plant me a kiss, but something in my mind is telling me that this isn't the right time. And there goes my best friend who's enjoying the company with my twin which made my heart uneasy, slowly making weak beats, slowly making... unbearable pain.Bakit? Bakit ko nararamdaman 'to?Bahagya naman akong nagulat nang biglang hawakan ni Allan ang aking kanang balikat. "Okay ka lang?""Okay lang ako, Allan. Salamat." sagot ko saka tinapik ang kanyang kamay ngunit nasa direksyon pa rin nina kambal at bestie ang mga mata. Dahan-dahan ko naman itong inalis at bigla akong humikab. Lumingon naman ako saglit sa kanya upang magpaalam na ako'y aalis na rito sa dalampasigan. "Good night na nga pala, Allan. Babalik na 'ko sa rest house. Inaantok na ako, eh.""Adam." tawag niya sa totoo kong pangalan dahi

  • My Real Fake Love   Chapter 9 - Moments

    Adam/Eve's POVOh my goodness! She's really here! Nandito talaga siya! Hindi kami ni bestie namamalik-mata!"Hi, Emma!" muling bati ng bruha nang siya'y makalapit na kay Emma, na may beso pang kasama. Naka-see through at jeans pala ang outfit niya. "Hi rin sa 'yo, bakla!"Pero dahil maldita ako, hindi ko hinayaang madampian ang mukha ko ng balat ng ahas."Duuh! Ang arte. Edi 'wag!" maarte niyang reklamo sa 'kin."Ano bang ginagawa mo rito? Pa'no mo nalamang nandito kami?" diretso kong tanong.Natawa muna siya kahit pilit, bago sinagot ang aking tanong. "Oh my God. Tinatanong pa ba 'yan?""Booba ka ba? O nagpapaka-booba lang. Itatanong pa ba namin kung alam na namin ang sagot? Duuh!" maldita kong tanong. Sarap talaga niyang suntukin at sabunutan nakuuu!"Sino ka ba para sagutin ko, ha? Alam mo, 'yang mga taong tulad mo ay 'di dapat kinakausap sa mga

  • My Real Fake Love   Chapter 8 - Alarm

    Adam/Eve's POV"And the Prom King for JS Prom 2015 is..." announcement ng babaeng emcee saka tiningnan ang card na naglalaan ng resulta kung sinong mga papalaring tao ngayong taon ang kokoronahan. "Are you ready to find out, Wonders?"Walang masyadong respond ang audience sapagkat karamihan sa kanila ay kagaya kong hindi pa nakapag-adjust matapos nagperform sina Keila at Allan. The reigning royals are not in the mood either. Sino ba naman kasing masiyahan pang magpatuloy sa programang ito matapos nangyari 'yung infamous performance na 'yon? Ang galing talagang gumawa ng eksena ni bruha, 'no? What a selfish brat!"Oh. I feel like everyone thinks the party's over now! Okay lang ba tayong lahat, Wonders?" 'yung lalakeng emcee naman.And for the sake of the show, may mga ilang tao naman ang napilitang magrespond ng, "Yeeeess!" ugh! Boooring!Kahit tapos nang sumayaw si crush with his bitchy ex, hi

  • My Real Fake Love   Chapter 7 - Prom

    Adam/Eve's POV~ When I see your face,There's not a thing that I won't change'Cause you're amazingJust the way you are...And when you smile,The whole word stops and stares for awhile'Cause girl, you're amazingJust the way you a— ~"Puta ka, Bryan!" malakas na sigaw ko kay kambal sabay bato sa kanya ng aking bag kahit ang kabuuan ko ay napakabasa. Halatang hindi siya nagmind sa pagbukas ko ng pinto dahil sa pag-concentrate niya sa pagkanta at pag-gitara kaya binato ko na rin siya. "Napakalaki ng kasalanan mo sa 'king demonyo ka! Argh!" dagdag ko pa saka malakas na sinara ang pinto ng aming kwarto."Anak ng... ano na naman bang kasalanan ko, ha?" galit naman niyang tanong sa 'kin. "Gusto mo bang mamatay? Muntik mo nang sirain ang gitara ko, ah!""Huwag ka ngang magkunwari na wala kang alam sa sinasabi ko! Gusto mo bang paputukin ko 'yang itlog mo?! Haaah?! Bwisit ka!!!"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status