Home / All / My Real Fake Love / Chapter 5 - Fever

Share

Chapter 5 - Fever

last update publish date: 2020-09-29 15:28:11

Adam/Eve's POV

Mula sa pagiging masayahin kanina, pinalitan ng cold na aura ngayon si Allan. Ayoko nang dugtungan ng ‘my crush’ kasi ang baduy at cliche nang pakinggan. Kahit matagal ko na siyang crush, hindi ko pa nakita ang ganitong mood niya. I wanted to talk to him since we've been standing outside the school gate for minutes, but the most part of me is holding back. Siguro dahil hindi pa kami close. Siguro dahil hindi pa kami matagal nagsimulang mag-usap. Siguro dahil hindi pa namin lubos na kilala ang isa't isa. Hanggang sa,

“Allan?” ako.

“Adam?” siya. Magkasabay naming binigkas ang pangalan ng isa't isa.

Bakit parang ang awkward? Mygad, Adam!—ay Eve pala kasi babae ka. Hmm, muntik ko nang makalimutan na Eve pala ang pangalan ko, ah. Anyway, siguro kaya naging awkward kasi parehas kaming gustong mag-usap. Luuh siya? Ano 'to, tapatan ng feelings kaya awkward?

“Um, sorry pala kanina, Adam.” paumanhin niya sa 'kin.

“Huh? Ba't ka naman magso-sorry sa 'kin, eh wala ka namang kasalanan?” tanong ko.

“You've witnessed my fight with Keila. Nakakahiya lang tingnan.” dahilan niya na iniyuko pa ng slight ang ulo niya as a sign of apology.

“Ahh...” hindi ko alam ang aking sasabihin. “H-Hindi naman natin in-expect na mangyari 'yon. Saka isa pa, si Keila naman ang nagsimula.”

“Kahit na. I knew all along that she would follow me wherever I am, lalo na sa katotohanang parehas lang kami ng school. Kilala ko siya. Dinamay ka pa niya kanina.” nag-insist pa talaga siya. Dagdag puntos ka na naman sa 'kin, Allan ugh! Pero kahit hindi ko gusto si Keila para sa kanya, I can't see any reason para lokohin niya lang si Allan ng gano'n gano'n lang. Not to judge but I think masyado niya lang ginamit ang kagandahan niya. Palagi niya kasing iniisip na agad niyang makukuha ang lahat ng gusto niya. Edi siya nang maganda! Pero aanhin pa naman ang mukhang 'yan kung wala namang kaanghel-anghel na ugali ang ipinapakita!

“Hay, naku. Okay lang 'yon, 'no. Sa tindi ng kasikatan pa naman ng ex mo, kilala ko na rin 'yon. Mabuti na lang at hanggang doon lang ang ginawa niya kanina, kahit alam kong kaya pa niyang gumawa ng higit pa do'n.”

“Yeah, right.” at tila muling bumalik ang mood niya. That smirk.

“Ayan. Ngumiti ka rin sa wakas! Kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ko.” pero masaya ako sa muli niyang pagngiti, of course.

“Hindi naman talaga ako natawa sa sinabi mo, eh. Natawa ako sa ngipin mo.” parang natatawa niyang sabi.

“H-Huh? Bakit? Anong meron sa ngipin ko?” what the eff? Don't tell me I was talking with him the whole time without pansin-pansin my ngipin?!

“P-Parang may natira pang fried chicken—pfft!” pagtatapat niya saka tinakpan pa ang bibig para pigilan ang pagtawa pero useless naman.

“Hah?! Seryoso?!” paninigurado ko sa kanya pero kinuha ko na lang ang foundation ko sa bag dahil may salamin naman iyon. Para mas makasigurado.

Nang tingnan ko ng maigi ang ngipin ko do'n, binigyan ko siya ng masamang tingin dahil wala naman palang dumi. Dahil do'n, mas tumawa pa siya ng malakas. Kahit crush ko siya? Parang gusto ko siyang sapakin ngayon na. Nang-aasar, eh punyeta.

“Hahahaha...” 'yung ikinagulat mong may katapusan pa pala 'tong tawa niya. “For a moment, nakalimutan kong babae ka pala. Foundation talaga? I mean, really?! Hahaha!”

“Gusto mo suntukan?” kunyare seryoso kong tanong matapos kong ibalik ang foundation ko sa bag. 'Yung gusto ko talaga ng away.

“Woah woah!” sabi niya sabay taas ng mga kamay na parang susuko na. “Ito naman, oh. Binibiro lang, eh.”

“Eh sa bwisit ka, eh! Paano kung totoo 'yun, ha? Edi nakakahiya talaga! Kaloka!” pero seriously, nainis talaga ako no'n ng konti. Konti lang naman kasi hindi ko matanggal ang katotohanang masaya na ulit siya dahil sa akin. “At saka isa pa, babae naman talaga ako 'no. Kaya nga crush kita 'di ba? Lalake nga lang ang katawan ko.”

“At dahil babae ka, at crush mo ako, I bet iniisip mo ako gabi-gabi...” hirit niya. At dahil do'n, sa isang taong tulad niya, hindi ko inasahan na ang mga katagang iyon ay galing talaga sa kanya. Hindi tuloy naiwasan ng mga mata ko na lumuwa.

“Oh my God, Allan. Oh my God. Oh my God!” I expressed in disbelief. I can't believe he has this side of cockiness after all! Back on Friday night, hindi ko inisip 'yan dahil akala ko, straightforward lang siya. All these times of admiring him, akala ko shy type siya. But I guess hindi ko talaga siya kilala. Kaya hindi ko maiwasang ngayon ang magulat.

“What?” inosente pa niyang tanong.

“Ang kapal ng mukha mo, ah? I can't believe na naging crush kita. Yuck!” kunyareng nandidiri kong sabi. Seriously, naiinis ako sa mga mahangin. Blame my twin. Oo nga pala... kabarkada niya 'to.

“Hahahahaha! Gino-good time lang kita oy! Hahaha.” pagtatanggal niya sa inis ko saka ginulo ang buhok ko. Inayos ko naman agad.

Hindi nagtagal, dumating na rin ang kanyang taga-sundo. I can't believe na matatapos na ang pagkikita namin sa araw na 'to. Haaaay.

“It's been so nice to be with you, Ad—”

“Eve.” correction ko.

“What?”

“You can call me Eve.” sagot ko sabay ngiti. Ang cringey kainis! Hahaha.

“Oh. Okay! Well, see you tomorrow... Eve.” sabi niya saka binuksan ang pinto ng kanyang van at... kumindat pa sa 'kin. SYEEEET!!!

Isinara na rin niya ang pinto. Dahan-dahan na rin itong umalis kaya mag-isa na tuloy ako. Ang tagal naman kasi ng sundo namin. Pero mas matagal si kambal!

“I love you, Allan!” hindi po ito sa akin galing.

“Bwisit akala ko ano!” eh sa nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni kambal sa likod ko. Pinabakla pa ang boses ng gago.

“Kinilig ka naman? Hmm.” tukso niya.

“Ano bang paki mo? Duuh.” pagtataray ko na naman. Ewan ko ba! May mood swings talaga ako pagdating sa kanya! Para bang isang matinding regla? Kasi araw-araw siyang nakakairita! Grrrr!

“Luuh? Huy!” hinampas pa ang braso ko. 'Buti na lang hindi masakit. “Buang ka na naman. Ano bang masama sa sinabi ko, ah?”

Ang nakakainis lang, hindi ko lubos mahanap ang rason kung bakit agad akong nainis sa kanya. Siguro may mga tao lang talaga na kahit saglit lang kumilos o magsalita, o kahit walang ginagawa, naba-badtrip ka lang agad kapag nand'yan na. Feel me? Feel you? Feel us? Charot lang.

“Wala naman.” pagtatapat ko. Kasi wala naman talaga akong dapat ikagalit sa kanya. “Nature mo lang talaga ang mang-asar. To the point na nakakainis ka kapag nakita lang kita. Pero pasalamat ka't hindi ko malait-lait 'yang mukha mo kasi kamukha kita.”

“Hay naku, 'Tol.” saka inakbayan ako. Hinayaan ko na lang. Ayoko namang sirain ang moment niyang maging tao sa akin 'no. Paminsan-minsan pa lang naman siyang ganyan. “Ang sabihin mo, nagdadalaga ka na. Kanina pa kaya ako nandito. Kanina pa ako nakinig sa inyo.”

Chismoso ka rin pala. Akala ko singer lang at basketbolista.

Nagpatuloy pa siya. “I didn't expect na komportable pala kayo sa isa't isa until I saw it. And to be honest? I'm starting to see the side of Allan which I've never seen in him before. And it's a compliment. Maybe I was wrong about him all this time.”

“Bakit, ano ba'ng pagkakilala mo sa kanya?” tanong ko.

“Na... playboy siya! Maki-babae! You know that. Kaya nga naging sila ni Keila, 'di ba?”

“Parang hindi naman.” I disagreed. Maaaring naging girlfriend niya ang worst bitch ng Woolridge Academy, but it doesn't define him as one.

“Well, hindi naman umabot ng ilang taon ang pagiging magbarkada namin ng walang pagsasama. And if I were you, ayoko nang alamin pa. Hahaha!”

“Bakit? What was he, then?” reverse psychology mostly works, I guess.

“Boys are boys, 'Tol. And because we're boys, we love girls. And when I say ‘girls’...” sandali siyang tumigil upang bumulong sa akin. “It has a lot of ‘s’.” 

Wednesday. Wednesday na dahil mabilis tumakbo ang araw. Nagising akong may dinaramdam, concluded na wala ngayon sa tamang kondisyon ang katawan ko. Hindi ko nga alam kung bakit nangyari 'to sa 'kin. Siguro natuyuan ako ng pawis kahapon habang sumasayaw kaya ganito na tuloy ako ngayon. Ang sakit pa naman.

Pinilit ko pa ring pumasok sa school sapagkat kailangan. Kasi para sa 'kin, hindi pa naman ito hahadlang sa mga kailangan kong gawin ngayon. At saka isa pa, mahilig magquiz ang karamihan sa mga teachers namin araw-araw kaya parang pinili mo na ring mamatay kapag hindi ka papasok.

Matapos ang mga ilang oras dito sa school, dumiretso agad kami ni bestie sa canteen upang tumambay. Kahit papano, kinaya ko naman ang mga naganap. Halos mapiga nga lang ang utak ko dahil sa sunud-sunod na long quiz kanina. Ngayon, ang kulang na lang ay pupunta kami sa dance studio upang sabihin sana sa mga tao roon na hindi muna ako makakapagturo ng sayaw para sa Cotillion.

“Good afternoon everyone.” matamlay kong bati. “I just want to say na hindi muna ako makakapagturo ng sayaw ngayon sa Cotillion para sa mga sasali because I'm not feeling well.”

“Huh? Bakit naman?” tanong ni Angel. Punyeta, kakasabi ko lang kung bakit 'di ba? Tsk.

“It's okay, Adam—uh, Eve. Pwede ka naman magrelax, hehe.” sabat ni Allan. So early siya ngayon!

“Uh, y-yes. K-kaya... uuwi na lang muna ako ng maaga ngayon.” parang hindi na kasi kaya ng katawan ko rito. Gusto ko nang magpahinga sa bahay.

“S-sure ka?” dismayadong tanong ni Allan. “Kasi kahit hindi ka sasayaw, kailangan ka pa rin dito, eh.”

“Huh? U-Uh, 'di ba, memorize na man natin 'yung steps?”

“Exactly! But I need you to be my eyes especially to the incoming students who would like to join the Cotillion!” he insisted. Oh, Allan.

“A-Ah, you can ask for the other dancers' help naman. They were here yesterday kaya I'm sure alam na rin nila 'yung steps!”

“Pero tayo kasi ang naka-assign sa Cotillion.”

“Pero masama kasi ang pakiramdam ko ngayon.”

“That's why you can just watch! Hindi ka naman mapapagod niyan.”

“Eh sa hindi nga kaya ng katawan ko. I need to rest, like I need to lie down and sleep.”

“Pwede naman dito, ah. Meron rin naman kasing folding bed!”

“Hindi ako komportable. I need to go home for now, Allan.”

“Hay naku, Adam. Palagi kang may sagot.”

“Palagi ka rin namang may rason para hindi ako paalisin dito when I really need to—”

“Rest? Or to avoid me.” 

Hindi na ako nakasagot. Everyone was already staring at us. We didn't realize that we're already making a scene, even worse than yesterday between Keila and him.

“Adam, I don't know what happened yesterday, pero sa pagkakaalam ko, okay lang tayo.”

“Wala naman kasi tayong problema, Allan. Hindi nga lang kaya ng katawan ko sa ngayon.” paliwanag ko. Why can't he get me?

“Hindi kaya ng katawan mo? O hindi mo ako kayang makita ngayon.”

Unbelievable Allan. “Nababaliw ka na ba? Ano bang pinagsasabi mo?”

“Anong pinagsasabi ko? Akala mo ba hindi kita napapansin ngayon? Sabihin mo nga, Adam. Ba't ka ba ganyan ka-bitter sa 'kin ngayon, ha?”

“Grabe ka naman. Hindi nga lang maayos ang katawan ko! Parang nilalagnat nga ako!” I can't believe he has this overreacting attitude despite from all his charm and innocence. Oh, was that second one necessarily included?

“Sige nga. Pahawak nga sa leeg mo?” he attempted to touch my neck pero agad ko itong inalis bago pa umabot. “Kasi kung meron nga, I might let you go home.”

And for the second time, hindi na ako nakasagot. He finally got me. So yes, I am avoiding him. Hindi na niya itinuloy ang balak niyang pag-check sa leeg ko. I guess he was smart enough to find out.

“See? I was right. You're a bad liar, Adam.” patuloy niya.

“And so? Do you really care that much?”

“Yes!”

“Why?!”

“Because I like you, Adam! Why are you so dense? Bakit ba ako nakipagkaibigan sa 'yo? Bakit ba ako nag-volunteer na maging partner mo rito? Bakit ba ako concerned pagdating sa 'yo? Because I like you, Adam! I like you!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Real Fake Love   Chapter 12 - Punch

    Adam/Eve's POVI remained stiff as Keila continued to expose my true self to everyone. Halos lahat ng mga Wonder graduates ay dumalo sa kaarawan namin ni kambal, ngunit hindi na lingid sa kaalaman nila ang tungkol sa 'kin. All of the famous businessmen who are friends of the family were also there, kaya kasali sila sa kabang nararamdaman ko because of the strong possibility of ruining the image of our company. Magiging matunog ang pagbunyag ng aking lihim, which may cause a colossal failure to other businesses na kaakibat ng mga magulang ko. But what I feared the most...Is Mama and Papa's rejection."Ano, Adam? Are you surprised? You didn't see this coming, did you?" muling paggambala ni Keila sa presenya kong nananahimik. Buong takot ang aking naramdaman nang titigan ko siya sa mata."Keila! Why are you doing this?!" dinig kong tanong ni Allan."Let me go!" sigaw naman ni kambal sa mga guard

  • My Real Fake Love   Chapter 11 - March

    Adam/Eve's POVAnd I was right all along. This weekend has become one of the most unforgettable moments in my whole existence. Sa loob ng dalawang araw, ako'y naging masaya. Ngunit sa loob din ng dalawang araw, ako'y nag-iba. Nagsimulang malito, nagsimulang magtaka."Tol... ayos ka lang?" pansin ni kambal sa akin habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi. "Kanina pa kita napapansing ganyan.""H-Hah? M-May sinasabi ka?" paninigurado ko kung ako ba talaga ang kausap niya sapagkat masyado lamang akong nakatutok sa daan. Ngunit napagtanto kong ako nga sapagkat kami lamang dalawa ang nasa loob ng sasakyan."Hay, naku. May iniisip ka na naman, 'no? Tsk." pagbabasa niya sa isip ko."Well, technically, may isip naman talaga ang bawat tao kaya natural lamang na mag-isip." sagot ko bilang pagsampal sa kanya sa obvious na katotohanan."Alam ko. But my point is, you're thinking to someone I certainl

  • My Real Fake Love   Chapter 10 - Judgements

    Adam/Eve's POVIt was awkward. It was unbelievable. It was unforgettable. It was unpredictable. Allan was about to plant me a kiss, but something in my mind is telling me that this isn't the right time. And there goes my best friend who's enjoying the company with my twin which made my heart uneasy, slowly making weak beats, slowly making... unbearable pain.Bakit? Bakit ko nararamdaman 'to?Bahagya naman akong nagulat nang biglang hawakan ni Allan ang aking kanang balikat. "Okay ka lang?""Okay lang ako, Allan. Salamat." sagot ko saka tinapik ang kanyang kamay ngunit nasa direksyon pa rin nina kambal at bestie ang mga mata. Dahan-dahan ko naman itong inalis at bigla akong humikab. Lumingon naman ako saglit sa kanya upang magpaalam na ako'y aalis na rito sa dalampasigan. "Good night na nga pala, Allan. Babalik na 'ko sa rest house. Inaantok na ako, eh.""Adam." tawag niya sa totoo kong pangalan dahi

  • My Real Fake Love   Chapter 9 - Moments

    Adam/Eve's POVOh my goodness! She's really here! Nandito talaga siya! Hindi kami ni bestie namamalik-mata!"Hi, Emma!" muling bati ng bruha nang siya'y makalapit na kay Emma, na may beso pang kasama. Naka-see through at jeans pala ang outfit niya. "Hi rin sa 'yo, bakla!"Pero dahil maldita ako, hindi ko hinayaang madampian ang mukha ko ng balat ng ahas."Duuh! Ang arte. Edi 'wag!" maarte niyang reklamo sa 'kin."Ano bang ginagawa mo rito? Pa'no mo nalamang nandito kami?" diretso kong tanong.Natawa muna siya kahit pilit, bago sinagot ang aking tanong. "Oh my God. Tinatanong pa ba 'yan?""Booba ka ba? O nagpapaka-booba lang. Itatanong pa ba namin kung alam na namin ang sagot? Duuh!" maldita kong tanong. Sarap talaga niyang suntukin at sabunutan nakuuu!"Sino ka ba para sagutin ko, ha? Alam mo, 'yang mga taong tulad mo ay 'di dapat kinakausap sa mga

  • My Real Fake Love   Chapter 8 - Alarm

    Adam/Eve's POV"And the Prom King for JS Prom 2015 is..." announcement ng babaeng emcee saka tiningnan ang card na naglalaan ng resulta kung sinong mga papalaring tao ngayong taon ang kokoronahan. "Are you ready to find out, Wonders?"Walang masyadong respond ang audience sapagkat karamihan sa kanila ay kagaya kong hindi pa nakapag-adjust matapos nagperform sina Keila at Allan. The reigning royals are not in the mood either. Sino ba naman kasing masiyahan pang magpatuloy sa programang ito matapos nangyari 'yung infamous performance na 'yon? Ang galing talagang gumawa ng eksena ni bruha, 'no? What a selfish brat!"Oh. I feel like everyone thinks the party's over now! Okay lang ba tayong lahat, Wonders?" 'yung lalakeng emcee naman.And for the sake of the show, may mga ilang tao naman ang napilitang magrespond ng, "Yeeeess!" ugh! Boooring!Kahit tapos nang sumayaw si crush with his bitchy ex, hi

  • My Real Fake Love   Chapter 7 - Prom

    Adam/Eve's POV~ When I see your face,There's not a thing that I won't change'Cause you're amazingJust the way you are...And when you smile,The whole word stops and stares for awhile'Cause girl, you're amazingJust the way you a— ~"Puta ka, Bryan!" malakas na sigaw ko kay kambal sabay bato sa kanya ng aking bag kahit ang kabuuan ko ay napakabasa. Halatang hindi siya nagmind sa pagbukas ko ng pinto dahil sa pag-concentrate niya sa pagkanta at pag-gitara kaya binato ko na rin siya. "Napakalaki ng kasalanan mo sa 'king demonyo ka! Argh!" dagdag ko pa saka malakas na sinara ang pinto ng aming kwarto."Anak ng... ano na naman bang kasalanan ko, ha?" galit naman niyang tanong sa 'kin. "Gusto mo bang mamatay? Muntik mo nang sirain ang gitara ko, ah!""Huwag ka ngang magkunwari na wala kang alam sa sinasabi ko! Gusto mo bang paputukin ko 'yang itlog mo?! Haaah?! Bwisit ka!!!"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status