LOGINAdam/Eve's POV
"Huy. Hinaan mo nga 'yang boses mo? Baka nakalimutan mong nasa bahay na tayo." saway sa akin ni kambal. Kasi naman... masyado na akong pinakilig ni Allan! First time pa naman ako naging ganito kabaliw. AAAAHHH!
"Ito naman! Eh sa grabe naman 'yang kaibigan mo! Hindi mo ako masisisi 'no!" pangangatarungan ko naman.
"Oo na't nakakagulat na ganyan si Allan pagdating sa 'yo, pero hindi 'yan sapat na dahilan para ka magwala rito! Nag-aalala kaya ako sa 'yo! Tol naman!" sabi niya. "Mabuti na lang talaga't walang CCTV dito."
Alam ko namang concern lang siya. Pero halata naman sa pagmumukha niya na hindi siya interesado sa kwento ko. Nakakainis lang dahil minsan lang ako makipag-usap sa kanya, ganito pa ang ugali niya.
"Ang sabihin mo, ayaw mo talaga kay Allan para sa 'kin. Hater!" parang batang sabi ko sa kanya.
"Hala? Sinabi ko bang hindi ko siya gusto para sa 'yo? Tanga!"
"Hindi mo rin naman kasi sinabing gusto mo siya para sa 'kin, eh. Tsaka action speak louder than words! Huwag kang magdeny dahil matagal na kitang kilala simula pa nu'ng palagi tayong magkasabay na naliligo ng hubo't hubad!"
"Alam mo, matalino ka sana, eh. Parang nasobrahan nga lang! Hindi ba pwedeng pinag-iisipan ko muna 'yung tao? Masyado ka talagang tililing, alam mo 'yun?"
"Duh. Whatever!" inirapan ko na lamang siya. "Badtrip ka man sa 'kin ngayon, at least makakasama ko na si Allan my crush palagi simula bukas hanggang sa mag-JS na. At least wetet ang wrinkles ko kapag siya ang kasama!"
"Puro ka talaga Allan–Allan. Nakakarindi na sa tainga! Matulog ka na nga! Sana nga't hindi ka nagkakamali tungkol sa kanya, ah. Dahil kapag nagkataon, huwag ako ang sisihin mo. Binalaan na kita." babala niya sa 'kin saka nagdesisyong humiga sa kama niya.
Humiga na rin ako matapos patayin ang ilaw ng aming kwarto. Huminga pa ako ng malalim upang mawala ang mga bad vibes sa katawan ko. Pero kahit ilang beses ko na 'yun ginawa, wala pa rin palang epek. Masyado kasi itong malaki. Natutulog nga lang sa kabilang kama. Leche!
"Itulog ko na nga lang 'to. Baka kasi papasok pa si Allan my crush sa panaginip ko. Yieeee!"
"Ssshhhh!" punyeta gising pa pala.
Pero hindi nagtagal, kusa na ring nagsara ang mga mata ko. Sana nga lang maganda ang panaginip ko.
Sumapit naman ang Martes. Nakakalungkot lang isipin na hindi ko napanaginipan si Allan my crush kagabi, pero hindi rin naman ako binangungot. I just hope na sana magiging maganda ang araw ko ngayon. Makikita at makikita ko siya mamaya dahil magsisimula na rin kaming magpractice ng sayaw, at alam kong magiging masaya 'yon. Pero sana naman walang badtrip na mangyayari.
You see, Allan is a famous guy. Paniguradong maraming mga babaeng magpapapansin sa kanya mamaya at paniguradong dehado naman ako do'n. Isa lang naman akong hamak na bakla na hanggang pangarap lang ang isang tulad niya sa buhay ko. At ang sakit no'n, I know. Kaya sana naman, kahit hindi siya magiging akin sa huli, huwag naman sanang mambwiset 'yang mga taong palaging ipapamukha sa akin ang totoong mundo ko. I just want to be happy kahit sandali lang 'no.
"Goodbye, Ma. Goodbye, Pa." paalam ni kambal kina Mama at Papa dahil papasok na kami sa sasakyan.
Tuluyan nang pumasok si kambal. Papasok na rin sana ako nang tawagin naman ako ni Papa.
"Adam." sambit niya sa pangalan ko with a very deep voice kaya hindi ko maiwasang lumingon sa kanya. Boses pa lang niya, medyo tumatayo na ang mga balahibo ko.
"Y-Yes, Pa?" tanong ko.
"Are you wearing makeup?" kunot-noo niyang tanong na para bang tinitigan ng maigi ang mukha ko. Patay kang bakla ka! Latigo na dis!
"Ahh, what? Hahaha... Pa, ba't ko naman po gagawin 'yan?" napakalalake kong tanong. Shoot, Adam! Masyado yatang makapal ang foundation mo!
"And why are you giving me that kind of question when I wasn't the one who did that?" tanong niya rin. Ang pilosopo rin, eh. Nakakatakot nga lang ang boses niya. Parang tinutunaw ako ng unti-unti!
"Ahh, hehehe. What I mean is, bakit naman po ako magme-makeup, eh, hindi ko naman po 'yan kailangan?" sabi ko.
"Exactly. Is there something you need to tell me kaya ganyan kaputi ang mukha mo? Because I'm not convinced na ganyan ang balat mo." sabi niya. Argh gusto kong magmura dahil sa napakalinaw ng mga mata niya! Hindi sa naiinis ako sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ako nag-ingat! Buset ka, Adam!
"A-Ahh... Pulbo lang po 'to, Pa. Masyado kasing oily ang mukha ko lately, eh. Hehe..." palusot ko. Hindi talaga oily ang fes ko pero feeling ko, parang tutungo na diyan dahil nararamdaman ko na ang munting pawis ko sa noo.
"Sige, Pa. Pasok na po ako." paalam ko sa kanya pero,
"Gusto mo bang imudmod ko 'yang mukha mo sa canal? Tanggalin mo 'yan!" medyo galit na sabi niya.
"Ah... O-okay po." halos nanginginig kong sabi. Inilagay ko muna ang bag ko sa loob ng sasakyan since nandito na kami sa may kotse at pumasok sa loob ng bahay para tumungo sa kusina. Kaya siguro nahalata ni Papa ang foundation ko sa mukha dahil masyado nang maliwanag sa labas.
Gusto ko pa sanang sabihin sa kanya na may mga lalake namang nagme-makeup. Nagli-lipstick pa nga kasi hindi masyadong mapula ang lips pero straight naman sila. Kagaya ng mga artista, mga model at ng mga sumasali sa male pageants, 'di ba? Pero hindi ko na itinuloy kasi bakla naman talaga ako. Baklang bakla.
"Wala akong anak na bakla, Adam. Tandaan mo 'yan." mahina ngunit mabigat niyang tugon sa akin nang dumaan ako sa kanya.
Wala pa rin akong lakas ng loob upang sabihin sa kanya ang totoong ako. Masyado akong coward pagdating sa kanya sa ngayon, pero alam kong magiging matatag rin ako balang araw. At kapag nangyari 'yon, sisiguraduhin kong magbabago rin ang tingin niya sa mga baklang katulad ko. Pangako 'yan, Pa kaya hindi kita susukuan. Kasi kahit ganyan ang puso mo, matutunan mo pa rin akong tanggapin kahit hindi ko pa alam kung kailan.
Hindi man naging masaya ang umaga ko kanina, mabuti namang nag-shortened ngayon ang aming class. From 8:00 to 5:00 noon, naging hanggang 3:00 na lang ngayon. And it was so good to know na until JS Prom ang ganito ka-bonggang schedule! Oh, 'di vuuuh? Ayoko nang ma-stress masyado dahil kanina lalo na't makakasama ko naman mamaya ang happy pill ko. Sana nga lang happy pill niya rin ako char.
"Grabe naman si Tito kanina sa 'yo. 'Buti na lang hindi ka niya napuruhan?" pagtutukoy ni Emma kay Papa dahil nagdesisyon akong magkwento sa kanya tungkol sa nangyari sa akin. Since wala na kaming class, pansamantala muna kaming tumambay dito sa canteen.
"Hindi naman sadista si Papa, 'no. Minsan nga, mas gugustuhin ko na lang na gulpihin niya ako kaysa paulanan ako ng mga masasakit niyang salita." sabi ko. Mabait naman si Papa. Ayaw niya lang talaga sa mga bakla. Kahit lalake ako pagdating sa kanya, may mga times rin na tila napapansin niya ang babae kong kaluluwa. Totoo talaga siguro 'yung mga sinasabi nilang 'mahirap magpakalalake kung hindi ka tunay na lalake'. Eh, sa iba talaga ang puso ko, eh! Kahit anong gawin ko, sumusuway pa rin siya.
"Bestie," malungkot niyang sambit sa 'kin saka hinawakan ang balikat ko. "I really feel sad for you. Napakabait ni Tito, alam ko. Pero kung hindi man niya makikita ang pagmamahal sa totoong sarili mo, then I think he's not good to you at all."
"I understand Papa naman bestie, eh. Ayaw niya lang na pagtawanan ako ng karamihan. Pero ewan ko ba. Habang tumatagal kasi, unti-unting nagbago ang pakiramdam ko sa kanya. Ang nakikita ko kasi, he doesn't want me to be gay hindi upang ako'y mapahiya. He doesn't want me to be gay upang siya ang hindi mapahiya."
"Bestie, whatever the reason, sana patuloy ka pa ring lalaban. Kasi para sa 'kin, walang magulang na hindi kayang tiisin ang mga anak nila. Lalambot si Tito. Lalambot ang puso niya sa 'yo."
"Bestie naman! Akala ko tuloy lalambot rin siya kagaya ko 'yung sasabihin mo." biro ko.
"Loka! Hahaha!" tawa niya. "Ang mabuti pa'y pumunta na tayo sa dance studio para sa Prom. Malay mo, my cousin is already waiting for you! Yiiiieee!"
Biglang nagliwanag ang mukha ko nang banggitin ni Emma ang pinsan niya. Shuta ang rupok ko talaga! Pero hindi niyo talaga ako masisisi 'no! Allan my crush is so freaking gorgeous my God!
"Sige sige punta na tayo do'n! Let's gooo!" excited kong sabi.
Dahil sa sobrang happy ko, tila nangangawit na ang aking bibig sa kakangiti. Starring tuloy ang mga ngipin kong kasingputi ng mga armpit ni Anne Curtis.
Sa labas pa lang ng dance studio, dinig na dinig na namin ang music sa loob. Hindi ko alam ang title ng kanta pero sigurado akong Hip Hop ang genre nito sapagkat napaka-obvious ng beat.
"Adam!" bungad sa akin ni Angel, ang president ng SSG. "You're here!"
"Adam? No, this is Bryan." pagsisinungaling ko. Minsan kasi, nanlilinlang ako sa mga students dito.
"B-Bryan? A-Ahh, nasa'n si Adam?" nauutal niyang tanong. So may crush 'to kay kambal panigurado.
"Duuh, he's still practicing basketball. Si Eve 'to, 'no! Hahaha!" pagbabalik ko sa totoong ako.
"Hahahahaha!" tawa naman ng mga ka-member ko sa dance club na kakatapos lang magpractice sa mga sayaw nila.
"Papunta na pala rito si Allan, Adam." hirit naman ni Angel. Hindi kami close pero parang magkakasundo kami simula ngayon. Hindi ko talaga close ang mga officers, eh. Last year nga, parang pinili lang ako ng previous batch ng SSG na maging choreographer kasi ako daw ang pinakamagaling sa club namin.
"A-Ah talaga? Si A-Allan?—ay!" nauutal kong sabi ngunit bigla akong nagulat nang tusukin ni Emma ang tagiliran ko. "Aray naman, bestie."
"Hahahahaha!" muling tawa nilang lahat.
Umupo naman kami ni Emma sa mga vacant seat ng studio. Ilang minuto lamang ang lumipas ay nagsimula na kaming magkwentuhan sapagkat wala pa si Allan. Masyado ring pa-VIP 'tong si crush pero nevermind. Baka inihanda niya muna ang sarili niya. Sino ba namang hindi mag-prepare 'pag ang isang tulad ko ang makakasama niya? Choss hahaha!
Dahil bored pa kami, hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataong makipag-usap kay Angel. Siya ang dahilan kung bakit si Allan ang magiging kasama ko sa pagtuturo ng sayaw kahit kaya ko naman mag-isa, since siya ang president. At saka isa pa, hindi naman member ng club namin si Allan. But he's a great dancer kasi sumasali naman siya sa mga competitions na solo act. Sumali na nga siya noon sa mga TV shows, eh. Nanalo nga lang 'yung iba. Gayunpaman, gusto ko pa rin siya.
"Actually about that, siya ang lumapit sa 'kin. He just volunteered!" pagtatapat ni Angel sa 'kin. He whaaaat?!?!
"A-Ano?" hindi makapaniwala kong tanong. He volunteered?! "Ah, Emma... alam mo ba 'to?"
Kahit si Emma ay na-shock rin. I take it as a yes. It is so unusual for Allan to be like this. Nevertheless, masaya ako sa ginawa niya. I guess he really wanted to be friends with me. Oh my gosh, ilang feet na ba kahaba ang hair kooo?!
"Pero in fairness, ah. Parang gusto niya talagang maging friends kayo." sabi naman ni Angel sa 'kin.
"Pa'no mo naman nasabi 'yan?" tanong ko. Parang masyado namang malakas ang instinct niya.
"I see how he looked at you yesterday, Adam. Ang swerte mong bruha ka!" sagot niya. Ay naku sana naman totoo.
"Yiiiieee!" reaksyon naman ng iba. Nakikinig pala ang mga timang.
"Hello, guys!" biglaang pagsulpot ni Allan na medyo ikinagulat naman naming lahat.
Inayos naman naming lahat ang aming mga sarili upang hindi mahalata ni Allan na siya ang pinag-usapan namin.
"I brought some snacks nga pala." dagdag niya. Agad namang pumasok ang kanyang mga guards na may dalang mga fastfood snacks.
Pagkatapos naming kumain, sinimulan na rin naming gawin ang choreography ng sayaw. Hindi naman gaano kahirap ang mga steps upang madali itong gayahin ng mga sasali. Panay tawa lamang ang nangyari sa amin, dagdagan pa ng mga pagpaparinig na mga kilig na likha ng mga butiki—ay este, mga bruha sa tabi-tabi.
"Then paiikutin ang girls sa part na 'to." sabi ni Allan habang sumasayaw kasama ako. Nagpadala ako sa kanya upang malaman ko ang ibig niyang sabihin. At ang action namin ay inikot niya ako since ako muna ang babae, saka medyo inihiga ako ng konti with his arms around me. Char, feeling ko napakahaba na ng hair koooo! Tinalo ko na 'ata si Rapunzel!
"Ehem ehem..." pagpaparinig ni Emma sa 'kin. 'Buti na lang talaga supportive siya sa 'kin ahihihi!
Hindi nagtagal ay nakabuo na kami ng mga steps na ituturo namin sa mga sasali. It was easier indeed to have a partner while doing this. And again, ang sarap-sarap-sarap lang talaga sa pakiramdam na si Allan my crush pa ang partner ko. Kung panaginip man 'to, nawa'y hindi na ako magising kahit kailan. Ever!
"Allan." sambit ko sa pangalan niya. Palabas na kami ng gate sapagkat natapos na namin ang practice. Naunang umuwi si Emma dahil may gagawin pa raw siya. If I know, gusto niya lang ma-solo ko si Allan. Haaay, 'buti na lang talaga may kaibigan akong katulad niya.
"Hmm?" tanong niya.
"I heard na nag-volunteer ka raw na maging partner ko. Pwede ko bang malaman kung bakit?" eh, sa curious ako, ano ba?
"Hmm, hindi ko rin alam, eh. Siguro dahil gusto lang kitang tulungan." sagot niya. "Alam ko kasing hindi madali maging choreographer ng Cotillion."
"Ah, ganu'n ba? Hehe. Sabagay, nakaka-stress rin kasi most of the times 'yung mga sumali last year, eh. After nga no'n, I kinda promised myself na ayoko nang mag-choreo. Haha!"
"You're welcome?"
"H-Ha? Ay, oo. Thank you pala."
"Hahaha. Just kidding. Maganda lang talaga sa pakiramdam ang tumulong. Saka isa pa, gusto kong ma-experience ang Prom bago ako grum-aduate." paliwanag niya. Oh, yes. Hindi pala siya sumali sa JS Prom last year. Kaya ang result, si kambal ang naging Prom King.
"Allan?" boses ng isang familiar na babae mula sa aming likuran. Lumingon naman kaming dalawa upang makilala 'yung tumawag.
"Keila?" oh, right. Meet Allan's ex.
"Haven't you heard the news?" tanong niya which made Allan and I curious.
"Anong news?"
"May intermission daw tayo this coming Prom." sagot nito. Wait, what?
"At bakit naman tayo may intermission, ha?" tanong ni Allan. Halata sa kanyang pananalita ang galit niya kay Keila. Kaya nga naging ex niya, 'di ba? Well if you ask me, it was all Keila's fault kung bakit sila naghiwalay. Cheating. I never liked her for him anyway.
"I talked to Angel. And I want you back." straightforward nitong sagot. Keila is also a dancer, pero hindi siya kasali sa club. She's in the cheering squad, cheer captain pa. No wonder kung bakit ganyan ka-bitchesa ang attitude niya, kasi feeling entitled siya. And look what she's doing. She wants to have a second chance with Allan after some countless times niya itong sinaktan, na as if makukuha niya agad si Allan ng ganu'n lang kadali.
"Wow, haha. Easy right there, Keila. You want me back? Too sad. Ayoko na." sabi ni Allan saka tumalikod upang magpatuloy sa paglakad.
"At bakit? Kasi may iba ka na? Sino? 'Yang bakla na 'yan? I didn't know you're into gays now, my love. How pathetic!" see? Bitchesa talaga.
Lumingon ulit si Allan at saglit na huminto. "Ano bang pakialam mo? Ano bang kailangan mo? Pakiusap naman, Keila. Tigilan mo na ako!" pagpipigil niya ng galit upang maiwasan ang eskandalo. "Tinanggalan na kita ng karapatang mangialam sa buhay ko. Ni ayaw mo ring makialam ako sa buhay mo. Masyado na akong nagpaloko sa 'yo because I was crazy in love with you! But that was a long time ago. Don't you ever come near me again kaya huwag mo nang ubusin ang pasensya ko. Tayo na, Adam."
Agad tinalikuran ni Allan si Keila at nagsimula itong maglakad ng napakabilis. Tumakbo naman ako ng kaunti para maabutan siya. Galit talaga siya sa ex-girlfriend niya. And as for me, sana matulungan ko siyang pagaanin ang loob niya. He needs someone to talk to right now. At sana ako 'yun.
Adam/Eve's POVI remained stiff as Keila continued to expose my true self to everyone. Halos lahat ng mga Wonder graduates ay dumalo sa kaarawan namin ni kambal, ngunit hindi na lingid sa kaalaman nila ang tungkol sa 'kin. All of the famous businessmen who are friends of the family were also there, kaya kasali sila sa kabang nararamdaman ko because of the strong possibility of ruining the image of our company. Magiging matunog ang pagbunyag ng aking lihim, which may cause a colossal failure to other businesses na kaakibat ng mga magulang ko. But what I feared the most...Is Mama and Papa's rejection."Ano, Adam? Are you surprised? You didn't see this coming, did you?" muling paggambala ni Keila sa presenya kong nananahimik. Buong takot ang aking naramdaman nang titigan ko siya sa mata."Keila! Why are you doing this?!" dinig kong tanong ni Allan."Let me go!" sigaw naman ni kambal sa mga guard
Adam/Eve's POVAnd I was right all along. This weekend has become one of the most unforgettable moments in my whole existence. Sa loob ng dalawang araw, ako'y naging masaya. Ngunit sa loob din ng dalawang araw, ako'y nag-iba. Nagsimulang malito, nagsimulang magtaka."Tol... ayos ka lang?" pansin ni kambal sa akin habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi. "Kanina pa kita napapansing ganyan.""H-Hah? M-May sinasabi ka?" paninigurado ko kung ako ba talaga ang kausap niya sapagkat masyado lamang akong nakatutok sa daan. Ngunit napagtanto kong ako nga sapagkat kami lamang dalawa ang nasa loob ng sasakyan."Hay, naku. May iniisip ka na naman, 'no? Tsk." pagbabasa niya sa isip ko."Well, technically, may isip naman talaga ang bawat tao kaya natural lamang na mag-isip." sagot ko bilang pagsampal sa kanya sa obvious na katotohanan."Alam ko. But my point is, you're thinking to someone I certainl
Adam/Eve's POVIt was awkward. It was unbelievable. It was unforgettable. It was unpredictable. Allan was about to plant me a kiss, but something in my mind is telling me that this isn't the right time. And there goes my best friend who's enjoying the company with my twin which made my heart uneasy, slowly making weak beats, slowly making... unbearable pain.Bakit? Bakit ko nararamdaman 'to?Bahagya naman akong nagulat nang biglang hawakan ni Allan ang aking kanang balikat. "Okay ka lang?""Okay lang ako, Allan. Salamat." sagot ko saka tinapik ang kanyang kamay ngunit nasa direksyon pa rin nina kambal at bestie ang mga mata. Dahan-dahan ko naman itong inalis at bigla akong humikab. Lumingon naman ako saglit sa kanya upang magpaalam na ako'y aalis na rito sa dalampasigan. "Good night na nga pala, Allan. Babalik na 'ko sa rest house. Inaantok na ako, eh.""Adam." tawag niya sa totoo kong pangalan dahi
Adam/Eve's POVOh my goodness! She's really here! Nandito talaga siya! Hindi kami ni bestie namamalik-mata!"Hi, Emma!" muling bati ng bruha nang siya'y makalapit na kay Emma, na may beso pang kasama. Naka-see through at jeans pala ang outfit niya. "Hi rin sa 'yo, bakla!"Pero dahil maldita ako, hindi ko hinayaang madampian ang mukha ko ng balat ng ahas."Duuh! Ang arte. Edi 'wag!" maarte niyang reklamo sa 'kin."Ano bang ginagawa mo rito? Pa'no mo nalamang nandito kami?" diretso kong tanong.Natawa muna siya kahit pilit, bago sinagot ang aking tanong. "Oh my God. Tinatanong pa ba 'yan?""Booba ka ba? O nagpapaka-booba lang. Itatanong pa ba namin kung alam na namin ang sagot? Duuh!" maldita kong tanong. Sarap talaga niyang suntukin at sabunutan nakuuu!"Sino ka ba para sagutin ko, ha? Alam mo, 'yang mga taong tulad mo ay 'di dapat kinakausap sa mga
Adam/Eve's POV"And the Prom King for JS Prom 2015 is..." announcement ng babaeng emcee saka tiningnan ang card na naglalaan ng resulta kung sinong mga papalaring tao ngayong taon ang kokoronahan. "Are you ready to find out, Wonders?"Walang masyadong respond ang audience sapagkat karamihan sa kanila ay kagaya kong hindi pa nakapag-adjust matapos nagperform sina Keila at Allan. The reigning royals are not in the mood either. Sino ba naman kasing masiyahan pang magpatuloy sa programang ito matapos nangyari 'yung infamous performance na 'yon? Ang galing talagang gumawa ng eksena ni bruha, 'no? What a selfish brat!"Oh. I feel like everyone thinks the party's over now! Okay lang ba tayong lahat, Wonders?" 'yung lalakeng emcee naman.And for the sake of the show, may mga ilang tao naman ang napilitang magrespond ng, "Yeeeess!" ugh! Boooring!Kahit tapos nang sumayaw si crush with his bitchy ex, hi
Adam/Eve's POV~ When I see your face,There's not a thing that I won't change'Cause you're amazingJust the way you are...And when you smile,The whole word stops and stares for awhile'Cause girl, you're amazingJust the way you a— ~"Puta ka, Bryan!" malakas na sigaw ko kay kambal sabay bato sa kanya ng aking bag kahit ang kabuuan ko ay napakabasa. Halatang hindi siya nagmind sa pagbukas ko ng pinto dahil sa pag-concentrate niya sa pagkanta at pag-gitara kaya binato ko na rin siya. "Napakalaki ng kasalanan mo sa 'king demonyo ka! Argh!" dagdag ko pa saka malakas na sinara ang pinto ng aming kwarto."Anak ng... ano na naman bang kasalanan ko, ha?" galit naman niyang tanong sa 'kin. "Gusto mo bang mamatay? Muntik mo nang sirain ang gitara ko, ah!""Huwag ka ngang magkunwari na wala kang alam sa sinasabi ko! Gusto mo bang paputukin ko 'yang itlog mo?! Haaah?! Bwisit ka!!!"