LOGINAdam/Eve's POV
"Girl, ang laway mo uy! Mababasa papel mo niyan!" panggigising ni Emma sa 'kin sa katotohanang nandito kami sa classroom habang kinokopya ang mga nakasulat sa pisara.
"Aba-aba... Daig pa 'to sa may shabu, ah? Huy." pag-aalog niya sa 'kin pero hindi pa rin ako nakaalis sa mundo ng Wonderland.
"Mr. Perez?" sambit sa akin ni Mrs. Pineda na pansamantalang natigil sa pagsusulat niya. "Is everything alright?"
"Ahh... M-Ma'am?" pagbabalik ko sa reyalidad. Natawa naman ang mga kaklase ko sa inasal ko.
"Welcome to Woolridge Academy. The land of amazing dreams and the foundation of success. Built since 1965, to this day it's still alive. You're not in Wonderland, Mister. Come back to your senses or you'll fail your future." patulang saysay ni Mrs. Pineda dahil may topak rin po siya paminsan-minsan, charot.
Pumalakpak naman at naghiyawan pa ang mga kaklase ko dahil nabuhay na raw ako. Mga siraulo talaga."H-Hehe. Sorry po, Ma'am." paumanhin ko saka nag-peace sign.
Nagpatuloy si Mrs. Pineda ng pagsusulat sa pisara at sinigurado ko naman na nasa realidad na ang presensya ko. Nakakaloka naman kasi 'tong si Allan. Masyado akong pinakilig no'ng Friday night kaya 'eto tuloy ako... nagiging assuming na!
Saglit namang naagaw ang atensyon naming lahat nang may kumatok sa pinto ng room namin. It's a rule na dapat nakasara ang mga pinto ng bawat silid during classes. Siguro para iwas istorbo. Pero kahit 'yun man ang rason, may glass windows naman. So kung sino man sa amin ang may mga jowa na taga-ibang classroom, diyan sa mga glass windows ang paraan nila upang makapag-usap through signs or smile-smile lang kapag dadaan."Come in." sagot ni Mrs. Pineda kaya agad namang bumukas ang pinto. "Mr. Sales!"
Oh my gosh. Si ALLAN!!!
Alam ng buong section namin na siya ang aking crush. Kaya pagpasok niya, agad nagparinig sa akin ang mga kaklase kong palaka dahil sa panunukso.
"Here's the book, Ma'am." magalang na sabi ni Allan my crush kay Mrs. Pineda nang inilapag niya ang libro sa front table na may kasama pang pagyuko ng ulo. Napaka-responsible talaga niya...
"Thank you, Mr. Sales! Class, please say hi to Mr. Sales." isa pa 'tong si Ma'am na halatang nananadya. May sikreto pang kindat sa akin ang bruha!
"Hi, Allaaan." palambing na bati ng mga kaklase ko. Kahit ang mga lalake ay nakisali pa. For sure masyado na akong halata na nahihiya rito dahil hindi ako sumali sa pagbati.
"Hello! Um... hello, Adam."
"AAAAHHHHHH!" hiyawan ng lahat except ni Ma'am nang ma-special mention ako ni Allan. Ano bang ginagawa nito?! Nakakabwisit, ah? Porket alam niyang crush ko siya, nakuuu!
"Hehehe..." dagdag niya na may pakamot pa sa ulo. Nahiya ka pa, Allan? Pasalamat ka, cute ka kundi... ay ewan ko na lang! "Goodbye, Ma'am. Goodbye everyone!" huli niyang sambit saka lumabas ng pinto at sinara ito ulit.
Matapos ang ilang segundo,
"Ayyyiiieeee!" panunukso naman nila sa akin. Nakisali pa si Ma'am!"Ang haba ng hair mo girl! Hahaha!" sabi ni Bea.
"Aray-aray!" kunyare kong reklamo. "Natapakan mo hair ko, ano baaa? Hahaha!" pagpapatawa ko sa kanila.
"Ang ganda mo naman, Mr. Perez. Ay, Ms. Perez pala. O baka, Mrs. Sales? Hahahaha!" biro naman ni Mrs. Pineda.
"Naku naman, Ma'am! Gusto niyo po kayo ang Ninang? Hahahahaha." sabi ko.
At nagpatuloy ang tawanan ng buong klase. Puro harutan na lamang ang nangyari sa time ni Mrs. Pineda aside sa pangopya ng mga isinulat niya sa pisara. Malapit na kasing matapos ang class namin so expected na ring hindi na masyadong seryoso ang aming klase.
"Girl! Bruha ka talaga! Hahaha!" tukso naman ni Emma sa 'kin nang sabihin ko na sa kanya ang lahat ng nangyari noong gabi ng Biyernes. Papunta na kami sa gate upang umuwi nang matapos na rin ang aming last subject.
"Hindi ko nga inasahan 'yun, eh. Alam mo naman 'yang cousin mo, masyadong tahimik!" sabi ko. Yes, cousin ni bestie si Allan. Can't believe na magiging sissy-in-law ko na siya ahihi! Choss!
"Yeah. Napakatahimik nga ng taong 'yan. Kaya nga hindi kami masyadong close, eh, kasi ang layu-layo ng ugali namin sa isa't isa."
"Kaya nagustuhan ko siya, eh. Kasi ibang-iba siya sa lahat." parang kinikilig kong sabi.
"Hala hala hala!" parang manok na sabi ni bestie sa 'kin with matching high pitches pa. "Ang bakla mo talaga! Hahaha!"
"Maganda naman." confident ko pang sagot na may pa-flip pa sa bangs saka rumampa.
"Calling all Junior & Senior students!" announcement mula sa mga speakers ng school namin. "Please proceed to gymnasium for the important announcement. Thank you."
"Oh my gosh! This is definitely about JS Prom!" sabi ni girl number one.
"JS Prom?! OMG!!!" girl number two.
"We better go there, girls! I so want to be the Prom Queen this year. Dali!" girl number three. Ang feeling!
Nang makapunta na kaming lahat sa gym, tama ang hinala ng lahat na ang announcement ay tungkol sa JS Prom. Napakaingay pa ng lahat na akala mo'y wala nang bukas dahil sa overexcitement.
Do I sound like I'm not excited? Kasi kung oo, tama ang hinala mo. Kasi paniguradong ako nanaman ang magiging choreographer sa Cotillion ngayong taon. Don't get me wrong. I love dancing, and I love being a dancer. Ang nakakainis lang, mahirap makakuha ng steps 'yung mga sumali last year so probably, mas mahihirapan ako ngayon. Bakit ba kasi naglalakas-loob pa 'yang mga iba diyan kahit puro kaliwa naman ang mga paa nila? Sakit sa bangs!
"Oh, alam ko ang mukhang 'yan. Masi-stress ka nanaman dahil sa Cotillion, girl!" pansin ni Emma sa mukha ko. Yaaas, kilala niya talaga ako.
"Eh, ano pa nga ba? Hindi ko naman kasalanang mahusay akong sumayaw. Pero bakit pagdating dito parang kasalanan ko?"
"Ba't galit ka? Ba't kasalanan ko—parang kasalanan ko? Gano'n 'yon, bestie. Hahaha!" panggagaya ni Emma kay Bea Alonzo sa Four Sisters and a Wedding kaya sinapak ko siya in a bff style. "Aray naman, girl!"
"Baliw." mahina kong sabi saka nag-crossed arms.
Gustuhin ko mang tumakas, hindi pa rin ako makakaligtas. Tatawagan lang ako ng mga bwiset na officers dito sa school saka pipilitin lang ako hanggang kamatayan. Tanggap ko namang magiging choreographer ako ulit, eh. Pero mababa ang pasensya ko. At ito ang pinakaayaw ko sa lahat ng mga ugali ko.
"For the students who are willing to be in the Cotillion, you may look for Mr. Adamme Wilson Perez & Mr. Allan Harold Sales. They will be the choreographers for this year's Junior-Senior Prom." patuloy na pahayag ng babaeng president ng Supreme Student Government ng school namin.
"Girl, narinig mo 'yon?" masayang tanong ni Emma sa 'kin.
"Ang alin?" hindi kasi ako masyadong naging aware sa mga pinagsasabi ng president sa stage.
"Ikaw at si Allan ang magiging choreographer!!!" masaya niyang sagot.
"ANOOO?!?! AAAHHH!" sigaw ko saka nagsimulang tumalon na parang sira. Hindi ako masyadong narinig ng lahat dahil maingay na rin ang gym. Pero maingay man dito o hindi, wala akong pakialam dahil masyado akong masaya ngayon! AAAAHHHH!
"Kaloka ka ngayon, girl! AAAHHH!" tuwang-tuwa ring sabi ni Emma kahit cousin niya ang gusto ko hahaha.
"Oh my God. Oh my God!" sabi ko na pinaypay pa ang sarili gamit ang mga kamay. Una, sa bar. Pangalawa, sa classroom. Pangatlo, ito?! Oh my goodness! I'm in heaven!!!
"Okay kalma lang, girl. Kalma! Hahaha." sabi ni bestie sa 'kin siguro ay dahil para na akong mahihimatay sa kilig.
"May we call on Mr. Perez and Mr. Sales? So that all the students around here can recognize the both of you." request ng president kaya nakarinig kami ng palakpakan at hiyawan.
Unang umakyat sa stage si Allan. And as expected, maraming naghiyawan. Idagdag mo pa ang pagiging mahiyain niyang personality na hindi ko alam kung sinasadya ba niyang maging ganyan pero napaka-effective naman sa mga kababaihan. At kasali na 'ko doon.
Sumunod naman ako. Marami rin naman akong fans kasi gwapo raw ako. Walanjo talagang mga tao rito paminsan-minsan pero nevermind na lang dahil muli ko namang magiging katabi si Allan my crush ngayon. Takteee! Para na akong matatae because this is happening! Masyadong naging mabait ang universe ngayon sa akin!
"Hi everyone!" bati niya.
"ALLAN! ALLAN! ALLAN!" sigaw ng karamihan. Daig pa silang nakakita ng artista.
"Okay, please settle down for awhile." at tumahimik naman saglit ang lahat. "Um, for me, I'm not really a good dancer. But since this is a request from our dearest SSG President, Ms. Angela Reyes so, request granted."
"WOOOHHH!" sigaw at palakpakan ng lahat. Agad naman silang tumahimik nang magsalita ulit si Allan.
"And since I already said that I'm not that good dancer, I'm so lucky to have Mr. Perez as my partner—"
"WOOOHHH!" muling hiyawan at palakpakan ng lahat.
"Hahaha, as my partner to form a perfect dance for Cotillion." pagka-clarify niya sa sinabi niya. "Mr. Perez?" pag-offer niya ng mic sa 'kin kaya muling naghiyawan ang lahat.
Gustuhin ko mang kumalma, masyado namang nagpahalata ang aking katawan. Napakalakas ng aking panginginig habang kinukuha ng dahan-dahan ang mikropono mula sa kamay niya. Para naman akong nakuryente nang dumampi ang kamay ko sa kamay niya. Ayokong kiligin. Ayokong sumigaw pero WAAAAHHHH!
"Relax!" bigkas ng bibig niya sapagkat hindi ko narinig ang boses niya. Relax ka diyan! Ang dali lang para sa 'yong sabihin 'yan! Hmph!
"Ehem ehem..." sabi ko pa sa mic. Lumikha pa ito saglit ng nakakabinging ingay kaya tumahimik ulit ang lahat upang sa akin naman makinig.
"Magandang hapon sa ating lahat."
"WOOOHHH!!!" ingay nanaman ng lahat. Saglit akong tumingin kay Allan kaya tuluyan kong nalamang nakatingin rin pala siya sa 'kin na may kasama pang palakpak.
"Alam kong marami na sa inyo ang nakakakilala sa 'kin, but allow me to introduce myself once again. Ako pala si Adamme Wilson Perez, este Eve—char."
"HAHAHAHA!"
"Na naging choreographer na rin ng Cotillion last year. Marami sa mga Seniors na ngayon ang nakasaksi sa aking pagiging tigre noon during the practice, 'yun ay dahil gusto kong maging mahusay ang ating performance sa Prom. Now, for those who are willing to join, hindi ko maipapangakong maitago ang aking dragonang ugali lalo na kung meron man sa inyo ang kukupad-kupad kung gumalaw. Tigre na, dragon pa. So kung mangyayari man ulit 'yon, huwag niyo na akong sisihin. But then again, we must have a good performance kaya kinakailangan ko ang cooperation ng lahat. Okay ba 'yon?" ayokong magpaka-plastic. Prangka na kung prangka, perfectionist na kung perfectionist.
"YES, S—"
"Sir?!" nilakihan ko ang aking mga mata upang maintindihan nila ang ibig kong sabihin.
"MA'AM! YES, MA'AM!"
"Korek!" sigaw ko kaya muli silang humiyaw at pumalakpak.
Ibinigay ko na rin kay Angel, ang president ng SSG, 'yung mic. Paniguradong alam niya na crush ko 'tong magiging partner ko na si Allan sa pagtuturo dahil masyadong halata ang nakangiti niyang mukha.
"Alright, students! Since we already know our choreographers, I believe we deserve something more!" sabi niya na para bang nagpaparinig sa amin ni Allan. "Something... awesome! Something... incredible! Something... hot! And something powerful... on the dance floor!!!"
"SAMPLE! SAMPLE! SAMPLE! SAMPLE!" sigaw ng lahat. Never in my life na makakasayaw ko si Allan, never in my life to think that this is very possible to happen! WAAAHH!!!
"Showdown tayo." muling bigkas ni Allan nang tumingin siya sa 'kin. Tumango na lang ako.
Hinanda na namin ang aming mga sarili sa pamamagitan ng pagharap sa isa't isa. Ang gwapo niya talag—Adam, focus! Magpapakitang-gilas ka pa!
~ Usher, usher
Yeah, man ~Naunang sumayaw si Allan. And if you ask me, yes. Mas gwapo siya kung sumayaw.
~ So we back in the club
With the bodies rocking from side to sideSide, side to sideThank God, the week is doneI feel like a zombie gone back to lifeBack, back to life ~Tapos ako naman. Take note, napakalalake ng mga moves ko rito. I love Usher. Kaya medyo influenced rin ako sa kanya sa pagsasayaw.
~ Hands up, and suddenly we all got our hands up
No control of my bodyAin't I seen you before?I think I remember those eyes, eyes, eyes,Eyes, eyes, eyes ~At sumayaw siya ulit. Ipinakita niya ang flexible dance moves niya.
~ 'Cause baby tonight, the DJ got us falling in love again ~
Tapos ako nanaman. Ipinakitang gilas rin ang aking flexibility.
~ Yeah, baby tonight, the DJ got us falling in love again ~
Tapos kaming dalawa. Pero freestyle kami.
~ So dance, dance, like it's the last, last night of your life, life
Gonna get you right'Cause baby tonight, the DJ got us falling in love again ~And I'm falling in love with you na yata, Allan. Ewan ko lang kung kaya mo ba akong saluhin.
Adam/Eve's POVI remained stiff as Keila continued to expose my true self to everyone. Halos lahat ng mga Wonder graduates ay dumalo sa kaarawan namin ni kambal, ngunit hindi na lingid sa kaalaman nila ang tungkol sa 'kin. All of the famous businessmen who are friends of the family were also there, kaya kasali sila sa kabang nararamdaman ko because of the strong possibility of ruining the image of our company. Magiging matunog ang pagbunyag ng aking lihim, which may cause a colossal failure to other businesses na kaakibat ng mga magulang ko. But what I feared the most...Is Mama and Papa's rejection."Ano, Adam? Are you surprised? You didn't see this coming, did you?" muling paggambala ni Keila sa presenya kong nananahimik. Buong takot ang aking naramdaman nang titigan ko siya sa mata."Keila! Why are you doing this?!" dinig kong tanong ni Allan."Let me go!" sigaw naman ni kambal sa mga guard
Adam/Eve's POVAnd I was right all along. This weekend has become one of the most unforgettable moments in my whole existence. Sa loob ng dalawang araw, ako'y naging masaya. Ngunit sa loob din ng dalawang araw, ako'y nag-iba. Nagsimulang malito, nagsimulang magtaka."Tol... ayos ka lang?" pansin ni kambal sa akin habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi. "Kanina pa kita napapansing ganyan.""H-Hah? M-May sinasabi ka?" paninigurado ko kung ako ba talaga ang kausap niya sapagkat masyado lamang akong nakatutok sa daan. Ngunit napagtanto kong ako nga sapagkat kami lamang dalawa ang nasa loob ng sasakyan."Hay, naku. May iniisip ka na naman, 'no? Tsk." pagbabasa niya sa isip ko."Well, technically, may isip naman talaga ang bawat tao kaya natural lamang na mag-isip." sagot ko bilang pagsampal sa kanya sa obvious na katotohanan."Alam ko. But my point is, you're thinking to someone I certainl
Adam/Eve's POVIt was awkward. It was unbelievable. It was unforgettable. It was unpredictable. Allan was about to plant me a kiss, but something in my mind is telling me that this isn't the right time. And there goes my best friend who's enjoying the company with my twin which made my heart uneasy, slowly making weak beats, slowly making... unbearable pain.Bakit? Bakit ko nararamdaman 'to?Bahagya naman akong nagulat nang biglang hawakan ni Allan ang aking kanang balikat. "Okay ka lang?""Okay lang ako, Allan. Salamat." sagot ko saka tinapik ang kanyang kamay ngunit nasa direksyon pa rin nina kambal at bestie ang mga mata. Dahan-dahan ko naman itong inalis at bigla akong humikab. Lumingon naman ako saglit sa kanya upang magpaalam na ako'y aalis na rito sa dalampasigan. "Good night na nga pala, Allan. Babalik na 'ko sa rest house. Inaantok na ako, eh.""Adam." tawag niya sa totoo kong pangalan dahi
Adam/Eve's POVOh my goodness! She's really here! Nandito talaga siya! Hindi kami ni bestie namamalik-mata!"Hi, Emma!" muling bati ng bruha nang siya'y makalapit na kay Emma, na may beso pang kasama. Naka-see through at jeans pala ang outfit niya. "Hi rin sa 'yo, bakla!"Pero dahil maldita ako, hindi ko hinayaang madampian ang mukha ko ng balat ng ahas."Duuh! Ang arte. Edi 'wag!" maarte niyang reklamo sa 'kin."Ano bang ginagawa mo rito? Pa'no mo nalamang nandito kami?" diretso kong tanong.Natawa muna siya kahit pilit, bago sinagot ang aking tanong. "Oh my God. Tinatanong pa ba 'yan?""Booba ka ba? O nagpapaka-booba lang. Itatanong pa ba namin kung alam na namin ang sagot? Duuh!" maldita kong tanong. Sarap talaga niyang suntukin at sabunutan nakuuu!"Sino ka ba para sagutin ko, ha? Alam mo, 'yang mga taong tulad mo ay 'di dapat kinakausap sa mga
Adam/Eve's POV"And the Prom King for JS Prom 2015 is..." announcement ng babaeng emcee saka tiningnan ang card na naglalaan ng resulta kung sinong mga papalaring tao ngayong taon ang kokoronahan. "Are you ready to find out, Wonders?"Walang masyadong respond ang audience sapagkat karamihan sa kanila ay kagaya kong hindi pa nakapag-adjust matapos nagperform sina Keila at Allan. The reigning royals are not in the mood either. Sino ba naman kasing masiyahan pang magpatuloy sa programang ito matapos nangyari 'yung infamous performance na 'yon? Ang galing talagang gumawa ng eksena ni bruha, 'no? What a selfish brat!"Oh. I feel like everyone thinks the party's over now! Okay lang ba tayong lahat, Wonders?" 'yung lalakeng emcee naman.And for the sake of the show, may mga ilang tao naman ang napilitang magrespond ng, "Yeeeess!" ugh! Boooring!Kahit tapos nang sumayaw si crush with his bitchy ex, hi
Adam/Eve's POV~ When I see your face,There's not a thing that I won't change'Cause you're amazingJust the way you are...And when you smile,The whole word stops and stares for awhile'Cause girl, you're amazingJust the way you a— ~"Puta ka, Bryan!" malakas na sigaw ko kay kambal sabay bato sa kanya ng aking bag kahit ang kabuuan ko ay napakabasa. Halatang hindi siya nagmind sa pagbukas ko ng pinto dahil sa pag-concentrate niya sa pagkanta at pag-gitara kaya binato ko na rin siya. "Napakalaki ng kasalanan mo sa 'king demonyo ka! Argh!" dagdag ko pa saka malakas na sinara ang pinto ng aming kwarto."Anak ng... ano na naman bang kasalanan ko, ha?" galit naman niyang tanong sa 'kin. "Gusto mo bang mamatay? Muntik mo nang sirain ang gitara ko, ah!""Huwag ka ngang magkunwari na wala kang alam sa sinasabi ko! Gusto mo bang paputukin ko 'yang itlog mo?! Haaah?! Bwisit ka!!!"