Mag-log inAdam—ay este... Eve's POV
"Tol, okay na ba?" tanong ko kay kambal tungkol sa hitsura ko. And take note, lalakeng lalake na ang boses ko rito. Nakakainis 'di buuh?
Simpleng tango lamang ang sinagot niya sa 'kin. Hindi ko ipinahalata ang gusto kong i-point out dahil nandito pa kami ni kambal sa sasakyan kasama ang mga tauhan ni Papa. Mahirap magtiwala sa kanila dahil hawak ni Papa ang mga buhay nila. In other words, only my twin knows my secret. 'Buti na lang may isang taong katulad niya na kayang kaya kong pagkatiwalaan.
Hindi nagtagal ay nakapasok na kami. Sa may entrance pa lang, agad bumungad sa amin ang sampung babaeng servants na sabay pang bumati sa aming dalawa.
"Si Papa, asa'n?" tanong ko sa isa sa mga servants.
"Nasa trabaho pa po, Master Adam. Kung may kailangan po kayo sa kanya, mamaya pa raw siya pwedeng kausapin." sagot ng isa.
"Okay. Wala naman akong kailangan sa kanya. Ikaw, 'Tol, may kailangan ka kay Papa?" tanong ko.
"Nothing." matipid na sagot ni kambal sa akin. "We'll go ahead." paalam niya sa mga servants.
"Yes, masters." sabay-sabay na sagot ng sampu.
Dumiretso na kaming dalawa sa kwarto namin. Kahit malaki ang bahay namin, our parents decided na share pa rin kami ni kambal ng kwarto kahit gustung-gusto kong magsolo. I want privacy, of course. Mas malaya kasi sa pakiramdam kapag sa'yong-sa'yo ang room mo, 'di buuh? Pero no choice kami, eh. Masyadong authoritative ang parents namin kay wala kaming magawa kundi ang sumunod na lamang.
"Uy, ikaw ba. Sa'n kayo pupunta ng friends mo?" tanong ko habang nakaupo sa kama ko. Okay, I know it's none of my business pero siyempre hindi ko pa rin maiwasang maintriga, 'no lalo na dahil alam kong kasama si Allan my crush sa lakad nila.
"Basta. Bawal ang bakla roon." walang kwenta niyang sagot. Nakaupo rin siya sa kama niya.
"Wow. Talaga lang, ha? Bakit, may gagawin ba kayong hindi ko pwedeng malaman, ha?" aba'y tinitesting ako nito ah.
"Oo. Kaya 'wag ka nang magtanong. Tsaka, kailan ka ba nagkaroon ng interes sa mga pupuntahan ko, ha?"
"Ngayon lang!" mabilis kong sagot. "Kasi naman kasama mo si Allan. Ang slow mo rin paminsan-minsan eh, 'no?"
Saglit siyang natahimik saka biglang ngumisi. May topak po siya sa utak kaya pagpasensyahan niyo na.
"Sa tingin mo type ka no'n? Lol. 'Tol, alam kong bakla ka but trust me, I know Allan very well." sabi niya saka hinawakan ang kanang balikat ko. "He's into girls. Mahal kita bilang kapatid, that's why I'm telling this to you."
Kahit kailan talaga, panira! Duuh, I know na straight si Allan. Alang namang mahulog rin ako sa baklang katulad ko! Pero hindi rin naman ako nawawalan ng pag-asang titingin din siya sa akin pabalik, kahit ganito lang ako.
At dahil badtrip talaga siya sa buhay ko, tinanggal ko ang kamay niya na para bang masyado itong mabigat sa balikat ko. With rolling eyes pa.
"Oo na, oo na! Gusto ko lang naman malaman kung saan ang lakad niyo, eh! Hindi mo naman kailangan ipamukha sa 'kin na hindi niya ako gusto!" stress ka sa bangs, kambal. Kaimbyerna!
"Hahaha. Okay, fine! Pupunta kami sa club dahil Friday ngayon. Wanna come?" pagtatapat niya.
"Huwag na! Masi-stress lang beauty ko do'n!" masungit kong sagot tapos inayos pa ang bangs. Ang hairstyle ko kasi ay may bangs ako sa gilid habang si kambal naman, gano'n rin. If you're thinking na masyado kaming parehas, then yes. Ang pagkabakla ko lang ang pagkakaiba.
"Okay. I'm not forcing you anyway. Pero kung pupunta ka, we'll just be at the Raving Club." sabi niya saka tumayo at kumuha ng towel dahil maliligo for sure.
In the end, I decided na pumunta roon sa lugar na sinabi niya. Tamang google maps lang ay agad ko itong nalaman kung saan makikita. Buti na lang nag-iisa lang ang club na 'yan. Baka kasi may branch-branch 'yan, 'no. Kasi kung meron, tiyak na ma-krongkrong 'tong lola niyo dahil mahihirapan akong maghanap sa club na pupuntahan ni kambal. Yes, hindi ako sumama sa kanya. Hinintay ko muna siyang mauna dahil he's not funny na kasama. And I don't want him to think na gusto kong sumama pero sa intestines ko ay gusto ko talagang pumunta. May topak rin ako paminsan-minsan so pardon me na.
Madalang lang umuwi dito sa amin sina Mama at Papa kaya marami ang mga gabing wala rito si kambal dahil ang boring rin naman dito sa mansion if you ask me. Kaya siguro naging okay na lang rin sa 'kin na share kami ni kambal ng room since hindi naman siya every night dito umuuwi.
With the speed of hundred in my car, charot, nakarating na rin ako rito sa sinabing Raving Club. Ang laki, ah? Parang pang-high class! Mapasok nga!
"Uy, Sir Bryan! Lumabas pala kayo? Akala ko nandito na po kayo sa loob." bati sa akin ng matabang bouncer pero mukhang good boy naman. Ay wait... so nandito na pala si kambal. Malamang dahil nauna nga siyang umalis. At tsaka, parang kakilala niya ang kambal ko, ah? Maybe he's been here a lot of times.
"Uh, yeah. Lumabas lang ako saglit. Bye." Bryan mode kong sagot. Parehas pala kami ni kambal ng outfit ngayon. In a way na hindi niya malaman na nandito ako. Hindi naman sa nagtatago ako pero, hindi ko talaga hilig sumama sa kanya. Yeah, may topak ako, oo na.
Tuluyan na akong nakapasok sa bar, at nagsimulang humanap sa kinaroroonan ni kambal at ng mga kasama niya.
"Excuse me." pahintulot ng isang lalake mula sa aking likuran kaya binigyan ko ng daan. Nang lumingon ako, si Allan my crush pala!
"Uy, Bryan!" gulat niya at bigla akong hinampas sa balikat. Ouch!
"Uy, A-Allan! Hehe." enebeee nauutal akooo!
"Yeah, haha. Kararating mo lang?" masaya niyang tanong. Ang cute niya, mygawd!
"N-No! Lumabas lang ako sandali. M-May kinuha lang sa kotse. Hehe." nahihiya kong sagot. Gosh, Adam---ay, Eve! This is so not Bryan! Baka mahalata ka niyan!
"Tara?" alok niya.
"Ha? S-Saan?" confused kong tanong. Gusto mo bang tayo lang dalawa, Allan? Charot hahaha!
"Sa mga kabarkada natin, malamang! Hahaha." sagot niya na as if 'yun lang ang pinaka-obvious na sagot dito sa mundo.
Oh no! Mabubuking na is me! Malamang nando'n na si kambal kaya mabibisto niya akong pumunta rin dito---although, wala na man talagang kaso sa kanya 'yun pero... ah, basta! Grabe 'yun mang-asar, eh! Hindi ako uurungan no'n! Malamang tutuksuhin niya ako to death tungkol kay Allan which is totoo naman talaga!
"A-Ah, mauna ka na! May nakalimutan kasi ulit ako, eh. Hehe!" palusot ko at napakamot pa sa ulo kunyare.
Ngunit bigla kong naramdaman ang pag-akbay niya sa balikat ko nang sabihin niya ang mga linyang,
"Mamaya mo na kunin 'yon! Samahan mo muna ako."
~ Simple lang ang pangarap ko
Mahalin ang katulad moSana ay mapansin moDahil simple lang ang pangarap koMaging ikaw at akoAng tanging ligaya ko'ySimpleng tulad mo... ~"Allan!"
"B-Bryan?" hindi makapaniwalang tanong ni Allan nang makita niya si kambal. Bistado na ako, oo na! Panira talaga 'tong kambal ko!
"Adam? Is that you?" tanong naman ni Allan sa 'kin matapos niyang alisin ang bisig niya sa balikat ko.
"Uh... Y-Yeah. Sorry." paumanhin ko. Pakiramdam ko kasi masyado akong guilty sa hindi pag-amin sa kanya kung sino talaga ako.
"Ah hahaha. Ikaw haah?" tila panunukso ni Allan sa 'kin sabay tapik ng mahina sa balikat ko at inakbayan ako ulit. "Akala ko tuloy ikaw si Bryan. Tsaka parehas pa kayo ng suot! 'Buti naman naisipan mong sumama rito!" masayang sabi niya sa 'kin. Allan, ano ba? Mamaya aasa na 'ko niyan.
Napatingin muna ako kay kambal. He gave me this meaningful look na feeling ko, gusto niyang sabihin sa 'kin na huwag akong masyadong magpadala.
"Um, Bryan invited me. And since wala rin naman akong kailangang asikasuhin, I decided to be here. Hehe!" nahihiya kong sagot.
"Ah kaya pala. So ano, let's go?" alok ni Allan.
"Sa usual spot natin, bro." sagot naman ni kambal.
"Sige." Paalam ni Allan sa 'kin tsaka nauna nang pumunta sa spot kuno nila. Si kambal naman, nilapitan ako.
"Susunod ka rin naman pala, eh." pang-aasar niya sa 'kin."Oh ano? Manunukso ka na naman?" pataray kong tanong.
"Hmm mamaya na. Tara na!"
Nagpunta na kami doon sa spot na sinasabi ni kambal. Mukha itong VIP dahil sa masyado itong malaki kumpara sa iba. Nagmistula itong living room dahil meron itong napakahabang sofa saka may pang-isahan ring sofa sa bawat gilid na nakalibot sa malaking glass table.
Kasama ni Bryan ang tatlo pa niyang kabarkadang sina Jake, Stephen, at Carlos na may mga kasama ring tatlong babaeng mukhang mga prostitute sa club. Eh, sa pananamit naman kasi nila kaya huwag niyong sabihing judgmental ako ha?
May mga introductions pang naganap between me and those three witches kahit hindi naman ako interesado sa kanila. Nahalata rin naman nilang bakla ako kaya ang sinabi ng isa sa kanila sa akin ay,
"Alam mo, sayang ka. You're too handsome para maging bakla pa naman." sabi nitong babaeng Nicole daw ang pangalan.
"And you think maganda ka bilang babae?" maldita kong tanong sa kanya na ikinatawa naman ni kambal at ng mga barkada niya. Eh, sa ayoko ngang tawaging handsome!
"Che!" pikon na sagot nito saka pumulupot sa braso ng katabi niyang si Jake. "Babe, ang maldita niya, oh. Huhuhu."
"It's okay, babe. Biro lang naman 'yan, eh. Hehe." sabi naman ni Jake. Babaero tsk!
"Pero maganda naman ako 'di ba, babe?" malandi nitong tanong.
"Of course!" pambobola pa nito saka hinayaan pa ang babae niyang humiga sa dibdib niya.
Mga puro kalandian lamang ang nakikita ko rito sa Raving Club. Gusto ko na ngang masuka, eh. Na-realize kong hindi ko pala talaga gusto ang mga ganitong klaseng gala. Pero 'buti pa 'tong si Allan, behave lang. Siya lang ang nakikita kong matino sa kanilang lima. 'Yang si kambal kasi, nako mastermind 'yan sa pagiging Casanova! Ewan ko ba kung bakit nalilibang sila sa pagiging manloloko na sa totoo lang, masyado lang 'yang masakit sa ulo!
"Adam, okay ka lang?" tanong ni Allan sa akin nang makita niyang wala akong ginagawa aside sa tila kina-career na ang pagiging model sa sofa.
"Kapag sasabihin ko bang hindi, may magagawa ka?" pilosopo kong sagot.
"Hahaha, loko. Wala ka bang PSP diyan?" tanong niya.
"Wala, eh. Maglalaro ka?"
"Kapag sabihin ko bang oo, bibili ka ba?" pilosopo niya ring sagot.
"Hahahahaha!" tawa na lamang naming dalawa. Kami na lang kasing nakaupo pa rito, eh. I was in the good-for-one-person sofa awhile ago pero lumipat na rin dito sa mahaba. Siyempre para makatabi siya 'no, ano pa ba? Hahaha! Nagsasayawan na kasi sa baba ng stage ang iba pa naming kasama.
"Alam mo..." pagsisimula niya. "Hindi ko naman talaga hilig ang mga ganito, eh." saka unti-unting dumikit sa akin upang mas marinig ko ang boses niya. Masyado kasing maingay ang paligid. Pero, hmm... okay rin pala ang ganito. Ayiieee! Hahaha!
"Ay... same. Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito, eh." actually nandito ako para makita ka lang. Hihi!
"As for me, I guess I'm here because I'm friends with them. Parang ugali na rin kasi namin ang magkasama palagi kahit saan, eh."
"Kahit hindi mo hilig ang ibang mga hilig nila?"
"Oo. Pero hindi naman ako nagrereklamo kahit hindi ko trip ang ibang mga trip nila. Ewan ko rin ba? Para kasing mahirap humindi sa mga katulad nila. Hahaha!"
"Kaya pala late ka ngayon, kasi hindi mo gusto sa mga clubs. Ay, parang late ka naman pala palagi ahahaha!"
"Grabe ka naman. Masyado mo na yata akong napapansin hahaha."
Nagblush ako pero feeling ko hindi niya nahalata. "Hindi naman. Entitled ka lang talaga sa ganyan."
"Alright, alright. Oo na. Tungkol sa mga kabarkada ko ang pinag-usapan natin, agad sa 'kin napunta ang topic anubayan hahaha!"
"Ay sorry hahaha. Sige, maiba na lang. Um... kung dala ko ang PSP ko rito, anong lalaruin mo?"
"Malamang kahit ano. Basta malibang lang okay na."
"Pero siyempre may paborito ka, 'di ba?"
"Ahh okay. Hmm, Dragon Ball siyempre!"
"Ay? 'Yon ang hilig mo? Ang chaka naman!"
"Bakit ano bang paborito mo, Tekken?"
"Oo! Teka... ba't mo alam?"
"Eh, sa 'yan ang palagi mong nilalaro, eh. Hahaha!"
"Luh? Pa'no mo naman 'yon nakita, eh hindi naman kita classmate?"
"Sikretong malupet hahaha. Alam ko nga kung sino ang crush mo, eh. Hahahaha!"
What?! Anooo?! Anudaaaww?!?!
"H-Hah? Anong crush? Tsaka teka... ibang topic na 'to, ah! Sagutin mo muna ang tanong ko, uy!" pamimilit ko sa kanya with matching hampas pa sa braso niya."Hahahaha! Uyy, namumula na siyaaa. Hahaha!"
"Buset ka, ah! Sabunutan kaya kita diyan? Hahahaha!"
"Aysuus! Kaya mo? Hahahaha!"
"Akala mo hindi?"
"Luh? So kaya mong saktan ang crush mo?"
"Anong kaya kong sakta—" napahinto ako nang ma-realize ko ang sinabi niya.
"Oh, ano? Ba't 'di ka makasagot? Hahaha."
Wala na. Para akong ambulansyang nasira dahil hindi ko na magawang mag-ingay. Walang hiya, alam pala niya! Walang hiya! Walang hiya talaga!!! Pa'no niya nalaman?!
"Adam? Uy." sabi niya saka tinapik ang aking braso sa kadahilanang hindi na ako nakapagsalita. "Huy, okay ka lang?"
"A-Ahhh... Pa'no mo nalaman?"
"So totoo nga. Hindi na importante kung paano ko nalaman. Baka patayin mo, eh. Hahahaha!" biro niya.
"Siraulo!" pagtataray ko.
"Anyway, matagal ko nang alam." pagtatapat niya na ikinalaki naman ng mga eyeballs ko.
"S-Sorry, Allan."
"Ba't ka naman magso-sorry? Crush lang naman 'yan, eh. Hahaha."
"Baka kasi isipin mong nilalandi kita..." medyo nahihiya kong sagot.
"Sa tingin mo ba ganyan ako mag-isip?"
"A-Ahhh..."
"Adam..." kahit hindi man Eve ang tawag niya sa 'kin, parang kiniliti pa rin ako dahil sa kilig. Idagdag pa ang medyo paglapit ng mukha niya sa akin dahilan upang aking maamoy ang mabango niyang hininga. "Wala akong nakikitang mali upang magalit sa 'yo. Kung tutuusin nga, dapat akong mag-thank you, eh."
"Bakit naman?"
"Dahil isa ka sa mga taong nagbibigay sa akin ng dahilan upang mahalin ko ang sarili ko."
AAAAHHHH! NAIIHI NA AKOOO!! TAMA NA, ALLAN! TAMA NAAA!
"Ah... hehehe. Hindi ko alam ang sasabihin ko."
"Pero may hihilingin sana ako sa 'yo."
"A-Ano 'yun?"
"Let's be friends from now on."
Adam/Eve's POVI remained stiff as Keila continued to expose my true self to everyone. Halos lahat ng mga Wonder graduates ay dumalo sa kaarawan namin ni kambal, ngunit hindi na lingid sa kaalaman nila ang tungkol sa 'kin. All of the famous businessmen who are friends of the family were also there, kaya kasali sila sa kabang nararamdaman ko because of the strong possibility of ruining the image of our company. Magiging matunog ang pagbunyag ng aking lihim, which may cause a colossal failure to other businesses na kaakibat ng mga magulang ko. But what I feared the most...Is Mama and Papa's rejection."Ano, Adam? Are you surprised? You didn't see this coming, did you?" muling paggambala ni Keila sa presenya kong nananahimik. Buong takot ang aking naramdaman nang titigan ko siya sa mata."Keila! Why are you doing this?!" dinig kong tanong ni Allan."Let me go!" sigaw naman ni kambal sa mga guard
Adam/Eve's POVAnd I was right all along. This weekend has become one of the most unforgettable moments in my whole existence. Sa loob ng dalawang araw, ako'y naging masaya. Ngunit sa loob din ng dalawang araw, ako'y nag-iba. Nagsimulang malito, nagsimulang magtaka."Tol... ayos ka lang?" pansin ni kambal sa akin habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi. "Kanina pa kita napapansing ganyan.""H-Hah? M-May sinasabi ka?" paninigurado ko kung ako ba talaga ang kausap niya sapagkat masyado lamang akong nakatutok sa daan. Ngunit napagtanto kong ako nga sapagkat kami lamang dalawa ang nasa loob ng sasakyan."Hay, naku. May iniisip ka na naman, 'no? Tsk." pagbabasa niya sa isip ko."Well, technically, may isip naman talaga ang bawat tao kaya natural lamang na mag-isip." sagot ko bilang pagsampal sa kanya sa obvious na katotohanan."Alam ko. But my point is, you're thinking to someone I certainl
Adam/Eve's POVIt was awkward. It was unbelievable. It was unforgettable. It was unpredictable. Allan was about to plant me a kiss, but something in my mind is telling me that this isn't the right time. And there goes my best friend who's enjoying the company with my twin which made my heart uneasy, slowly making weak beats, slowly making... unbearable pain.Bakit? Bakit ko nararamdaman 'to?Bahagya naman akong nagulat nang biglang hawakan ni Allan ang aking kanang balikat. "Okay ka lang?""Okay lang ako, Allan. Salamat." sagot ko saka tinapik ang kanyang kamay ngunit nasa direksyon pa rin nina kambal at bestie ang mga mata. Dahan-dahan ko naman itong inalis at bigla akong humikab. Lumingon naman ako saglit sa kanya upang magpaalam na ako'y aalis na rito sa dalampasigan. "Good night na nga pala, Allan. Babalik na 'ko sa rest house. Inaantok na ako, eh.""Adam." tawag niya sa totoo kong pangalan dahi
Adam/Eve's POVOh my goodness! She's really here! Nandito talaga siya! Hindi kami ni bestie namamalik-mata!"Hi, Emma!" muling bati ng bruha nang siya'y makalapit na kay Emma, na may beso pang kasama. Naka-see through at jeans pala ang outfit niya. "Hi rin sa 'yo, bakla!"Pero dahil maldita ako, hindi ko hinayaang madampian ang mukha ko ng balat ng ahas."Duuh! Ang arte. Edi 'wag!" maarte niyang reklamo sa 'kin."Ano bang ginagawa mo rito? Pa'no mo nalamang nandito kami?" diretso kong tanong.Natawa muna siya kahit pilit, bago sinagot ang aking tanong. "Oh my God. Tinatanong pa ba 'yan?""Booba ka ba? O nagpapaka-booba lang. Itatanong pa ba namin kung alam na namin ang sagot? Duuh!" maldita kong tanong. Sarap talaga niyang suntukin at sabunutan nakuuu!"Sino ka ba para sagutin ko, ha? Alam mo, 'yang mga taong tulad mo ay 'di dapat kinakausap sa mga
Adam/Eve's POV"And the Prom King for JS Prom 2015 is..." announcement ng babaeng emcee saka tiningnan ang card na naglalaan ng resulta kung sinong mga papalaring tao ngayong taon ang kokoronahan. "Are you ready to find out, Wonders?"Walang masyadong respond ang audience sapagkat karamihan sa kanila ay kagaya kong hindi pa nakapag-adjust matapos nagperform sina Keila at Allan. The reigning royals are not in the mood either. Sino ba naman kasing masiyahan pang magpatuloy sa programang ito matapos nangyari 'yung infamous performance na 'yon? Ang galing talagang gumawa ng eksena ni bruha, 'no? What a selfish brat!"Oh. I feel like everyone thinks the party's over now! Okay lang ba tayong lahat, Wonders?" 'yung lalakeng emcee naman.And for the sake of the show, may mga ilang tao naman ang napilitang magrespond ng, "Yeeeess!" ugh! Boooring!Kahit tapos nang sumayaw si crush with his bitchy ex, hi
Adam/Eve's POV~ When I see your face,There's not a thing that I won't change'Cause you're amazingJust the way you are...And when you smile,The whole word stops and stares for awhile'Cause girl, you're amazingJust the way you a— ~"Puta ka, Bryan!" malakas na sigaw ko kay kambal sabay bato sa kanya ng aking bag kahit ang kabuuan ko ay napakabasa. Halatang hindi siya nagmind sa pagbukas ko ng pinto dahil sa pag-concentrate niya sa pagkanta at pag-gitara kaya binato ko na rin siya. "Napakalaki ng kasalanan mo sa 'king demonyo ka! Argh!" dagdag ko pa saka malakas na sinara ang pinto ng aming kwarto."Anak ng... ano na naman bang kasalanan ko, ha?" galit naman niyang tanong sa 'kin. "Gusto mo bang mamatay? Muntik mo nang sirain ang gitara ko, ah!""Huwag ka ngang magkunwari na wala kang alam sa sinasabi ko! Gusto mo bang paputukin ko 'yang itlog mo?! Haaah?! Bwisit ka!!!"