Mag-log in
Sa mundong ito, marami ang mapaglinlang. Pitong bilyong tao ang naninirahan, ngunit kahit isa man sa kanila ay hindi mo kilala ng lubusan. Lahat ay nakatago sa kani-kanilang maskara sa takot na paghusgahan, sa takot na iwanan.
Sa mundong ito, marami ang namamalimos ng pagmamahal. Pitong bilyong tao ang naninirahan, ngunit karamihan sa kanila ay hindi pinahahalagahan. Karamihan ay kinakailangang magpanggap upang makamtan ang maulan na pagpuri ng mga katauhan. Hanggang sa makalimutan nang mahalin ang sarili o pahalagahan.
Sa mundong ito, marami ang peke. Inakala mong mabuti, ngunit maitim pala ang budhi. Masaya sa simula, ngunit masakit sa huli. Hahamakin ang lahat, maaari ka mang masaktan o hindi.
Adam's POV
"Alexa, there's something I have to tell you." sabi ko sa isa kong classmate na nakatayo sa may pintuan. Nasa classroom kami at heto ako ngayon sa harapan niya na kanina pa naglalakas-loob na aminin ang isang bagay na dapat niyang malaman.
"What is it, Adam?" napaka-inosente niyang tanong. Wala siyang kaalam-alam kahit kaunti sa aking sasabihin.
"You know I've always been honest with you. We have been friends for years and I was so thankful for that. You have been a great friend. And I can't imagine any day of losing you." sinsiro kong pagtapat sa kanya.
"Me too, Adam. We've been at each other at all times. When I first saw you, I instantly thought that you would be a part of me for the rest of my life." aniya.
"Really?" hindi makapaniwala kong tanong. "That's what I also felt the whole time! Alexa..." pabitin kong sagot saka hinawakan ang mga kamay niya ng mahigpit. "I don't know if this is the right time, but I can't hide this feeling anymore!"
At sa sinabi kong iyon, tila hindi na siya makapagsalita. Ibinigay niya ang nakangangang tingin at naging bato sa kadahilanang hindi makagalaw.
"A-Adam?" sambit niya. "What are you doing?" halatang hindi mapakali niyang tanong matapos kong iniluhod ang isang tuhod sa kanyang harapan.
"Alexa, will you be my girl?" inilabas ko na ang pinaka-romantikong tinig ng isang lalake dahil sa pagbabaka-sakaling makuha ang kanyang damdamin sa ganitong paraan.
"AAAAAHHHH!" biglaang sigaw ng mga kaklase naming nanonood lamang sa aming eksena.
"Alexa, sagutin mo na!" sigaw ng isa sa mga kaklase kong babae na nakahawak pa ng mahigpit sa kanyang katabi dahil sa kilig.
"Y-Yes!" masayang sagot niya. "Yes, Adam!"
"AAAHHH!" mas maingay pang sigaw ng aking mga kaklase sabay palakpak na halatang nakakaistorbo na sa ibang mga silid. Pero kahit ganu'n pa man, hindi iyon naging hadlang sa pagyakap ko kay Alexa ng mahigpit matapos niya akong sagutin.
"5 years later, Adam and Alexa got married. Things have never been easy for the two of them. They fought more often, ignored each other for days, and attempted to separate for a thousand times. But even though things went tough, they still decided to be together. Because at the end of the day, they always learn to love each other. The end." salaysay ng kaklase kong babaeng narrator bilang pagtatapos ng role play namin. YES! ROLE PLAY NAMIN SA ENGLISH!
"Great job, 3rd group!" puri sa amin ni Mrs. Pineda, ang English IV teacher namin. "This section always had me impressed whatever task I give. Keep it up!"
"Papa Adam, ang galing mo! Ang gwapo mo pa! Hahaha!" sigaw na naman ng kaklase kong si Bea ang pangalan. Siya 'yung sumigaw kanina na sagutin na raw ako ni Alexa. I didn't bother to change our names sa aming role play, except...
"Che! Hindi nga Adam ang pangalan ko 'no! Eve ang pangalan ko kaya huwag mo akong mapapa-Papa diyan! Ew!" saway ko sa kanya na ikinatawa naman ng iba pa naming mga kaklase. Yes, tama ang nabasa niyo. I proclaimed myself to be called as 'Eve' kasi para sa 'kin, hindi ako lalake. Babae ang aking kaluluwa ngunit nakakulong lamang sa katawan ng lalake.
"Mr. Perez, I have to agree what Ms. De Vera says." sang-ayon naman ni Mrs. Pineda sa sinabi ni Bea. "You are handsome indeed! Ayaw mo bang ipamana 'yang kagwapuhan mo? Nang sa gano'n ay dadami naman kayo! Hahaha." at muling tumawa ang buong klase.
"Yuuck! Nakakaloka ka talaga, Ma'am. Correction, ipapamana ko po itong kagandahan ko. Hindi kagwapuhan! Eww!" diring-diri kong sabi. Eh sa BABAE nga ako enebe!
"Okay, alright! It's your choice after all, Mr. Perez. Not mine. Just make sure to find someone who can love you whoever you are, okay?" nakangiti niyang payo sa akin saka kumindat pa sa huli. "Okay class?" sabi niya sabay tayo. "I'll see you on Monday." saka lumabas ng classroom namin.
"Goodbye, Mrs. Pineda!" magalang na pamamaalam ng buong klase.
Nang makaalis na si Ma'am, agad naming inayos ang mga upuan para sa susunod naming asignatura. Mula sa napakalalake kong hitsura, binalik ko na ito sa medyo bakla. Medyo lang. Basta, 'yung mahahalata talaga na bakla ka. Bawal kasi sa school namin ang magsuot ng mga lantad na damit kahit tanggap naman dito ang mga estudyanteng kabilang sa third sex kagaya ko.
"Girl, nagawa natin!" masayang sabi naman ng kaklase kong si Alexa na naging partner ko kanina.
"Oo nagawa nga. Pero ang OA ng acting mo kaninang bruha ka! Hmph!" sumbat ko naman sa kanya.
"Ay? Grabe ka talagang bakla ka! Alam mo namang hindi ko talaga field 'yang acting 'di ba?" kunot-noo naman niyang tanong.
"Alam ko naman. Pero sana naman mas binigyan mo pa ng justice 'yung kanina. Masyado kang pabebe!" sabi ko.
"Pabebe ka diyan! Na-impress nga si Mrs. Pineda sa 'tin kanina tapos 'yan ang sasabihin mo? Loka ka talaga!" ganti niya.
"Hoy, hindi sa 'yo na-impress si Mrs. Pineda, 'no! Sa 'kin lang kasi nagmukha akong lalake kanina. Pero ikaw, ang urgh! Nakaka-stress ka!" pang-aasar ko sa kanya.
"Ewan ko sa 'yo! Pasalamat ka gwapo ka." ganti niya ulit.
"Yuck! Ang ganda ko na lang kaya para tawaging—"
"Gwapo! Gwapo! Gwapo!" tukso niya.
"Maganda ako! Maganda akooooh!" diin ko pa.
"Gwapo! Gwapo! Gwapo!"
"Maganda akooooh!" diin ko ulit. Nakakarindi kasi sa tenga 'yang salitang 'yan. Ew talaga!!!
Simula bata pa kasi ako, alam ko na sa sarili kong iba ako. Hindi ko lang masyadong ipinapakita sa karamihan especially sa parents ko dahil sa takot na hindi nila ako matanggap. Mabigat man sa kalooban dahil sa pagtatago, pero alam kong darating rin ang araw na kaya ko na ring ilabas ang totoong ako sa pamilya ko. Balang araw.
Tinapos ko na ang pakikipag-bangayan ko kay Alexa dahil nakakapagod na siya sa bangs ko. Pero kahit ganyan kami, close rin naman kami kahit papano. Pero mayroon akong isang kaklaseng mas malapit sa akin. Siguro ay dahil matagal na kaming magkakilala. At dahil sa sobrang close namin, palagi kaming magkatabi ng upuan. Ang pangalan niya? Emma.
"Uy, bestie. Okay ka lang?" tanong niya sa 'kin.
"Hay naku, tinanong mo pa. Eh kitang-kita mo naman kung pa'no mag-acting 'yung bruhang 'yun kanina. Duuh." bulong kong sagot.
"Aysus naman, bes! Alam mo namang napilitan lang 'yun, 'di ba? Intindihin mo na lang!" sabi niya.
"I've been trying to intindi naman... pero halata naman kasi sa kanya na hindi siya nag-effort 'no. Mas bongga naman kasi 'yon kung sinubukan talaga niya 'di ba? 'DI BUUH?" bulong ko muna sa kanya ngunit may diin sa huli upang marinig ni Alexa. Eh, sa masyadong disappointed ang lola niyo!
"Oh, tama na nga 'yan. Nangyari nang nangyari. Don't think of it too much na, okay? Ang mabuti pa'y ikain na lang natin 'yan. Mukhang wala kasi tayong klase sa Math." awat niya sa 'kin.
"Ugh. Okay!" sabi ko sabay rolling eyes. "Pero libre mo, hah?" pataray kong request.
At nagkatotoong hindi kami nagklase sa Math. Nagpunta kami ni Emma sa canteen at tinupad naman niya ang wish kong manlibre siya sa akin. Parehong business tycoon ang mga family namin pero siya ang palaging nanlilibre. Hindi rin naman siya madamot saka idagdag pa ang thought na sobra kaming close so, yeah.
"By the way, bestie." pagsisimula ko sa kwento habang kumakain. "Ano palang kurso ang kukunin mo ngayong college? Ilang months na lang kasi, batch 2014-2015 graduates na tayo yieeeh!" kinikilig ko pang pagbukas ng topic. I don't know. I'm just so excited. I just can't hide it, baby!
"Well, I think I'll go with Entrepreneurship. Inspired ako kay Daddy bilang businessman, eh. Ikaw?"
Biglang nag-iba ang mood ko. "Uhmm, alam mo naman siguro 'di ba?" medyo malungkot kong tanong. Pero dahil best friend niya ako, alam na rin niya ang ibig kong sabihin. Mali palang binuksan ko ang ganitong topic. Ayan tuloy.
"You may find it hard to tell them the truth, but they will understand you someday naman bestie. Because no matter what happens, you will always be their family!"
"Alam ko naman bestie, eh. Pero most of the times kasi, parang malabo talaga 'yung mangyari. Lalo na kay Papa. The way he treats gays, parang malalaking salot sa mundo."
"And you think kaya kang tratuhin ni Tito ng ganyan once na malaman niya ang totoong ikaw?"
"Ewan ko. Si Papa 'yun, eh. He's... unpredictable. Tapos, masyadong matigas ang puso."
"Bestie..." hinawakan niya ako sa balikat. "Everything happens for a reason naman 'di ba? Tito may have discriminations sa mga taong kagaya mo. But come to think of it, bakit siya binigyan ni God ng isang katulad mo? Is it because you're a punishment? Or ikaw ang magiging susi upang mabago niya ang pagtingin sa mga taong naiiba sa kanya. Hmm."
Hindi naman ako sumagot sa kanya dahil naiintindihan ko naman ang point niya.
"You know I'm right. Kaya kung ako sa 'yo, pursue your dreams. Love yourself! Ipagpatuloy mo lang 'yan because people will love you for who you truly are. At kung magiging masaya ka diyan sa fashion designing, then I'll support you all the way. And I won't doubt na susuporta rin sa 'yo ang family mo, okay?"
Speechless ang lola niyo! I already know those things pero iba lang talaga ang feeling kapag sinabihan ka 'no, lalo na kapag galing mismo sa isa sa mga taong malapit sa 'yo.
"Thank you, bestie." napangiti kong pasasalamat.
"No, thank you, bestie. Kasi dahil sa 'yo, I learned to love myself even more. Kaya ikaw, dapat palagi kang proud kung sino ka." napangiti rin niyang sabi.
"Let's go home?" alok niya.
"Sure!" sang-ayon ko naman saka umawrang tumayo.
Sabay kaming naglakad palabas ng school habang nagholding hands. Nagkwentuhan pa kami ng kahit ano na may kasabay na malalakas na tawanan. Palapit na kami sa gate nang...
"'Tol!" tawag sa 'kin ni...
"Bryan! Nandito ka na pala! I thought mamaya ka pa uuwi!" approach naman ni Emma sa kambal ko. YES. KAMBAL KO PO! At hindi lang basta kambal... IDENTICAL PA!
"Yeah. Maagang nagdismiss sa amin si coach, eh. Kayo, 'di ba dapat may klase pa kayo ngayon?" sabi naman ni Bryan na naka-basketball attire pa at sa akin na pala nagtanong.
"Hindi nagklase sa 'min ang Math. Mabuti na rin 'yon kasi sumakit 'yung bangs ko sa acting skills kuno ni Alexa bruha kanina. Ugh!" maarte kong sagot. Alam ng kambal ko na bakla ako kaya hindi ko itinatago sa kanya ang totoong ako. Close rin naman kami kahit papano.
"Hoy, hindi porket okay lang sa 'kin 'yang pagbabakla mo, ganyan ka na umarte ah? Ayusin mo nga 'yang sarili mo? Mamaya blackeye ni Papa maabutan mo diyan." saway pa sa akin ni kambal na inirapan ko naman sabay sabing,
"Whatever!"
"Bryan!" tawag ng mga barkada ni Bryan na parehas pa rin sa kanya ang mga suot.
"Oh, ano?"
"See you later, ah?" sabi ng isa sa mga barkada ni kambal na si Allan, ang crush ko. Pero hindi ko lang pinahalata. Pakipot kasi ako hihi!
"Sige!"
Umalis na rin kaagad ang mga barkada ni kambal. Anuman ang ibig-sabihin ng 'see you later' nila, it's none of my business na. Boys are boys so, duuh.
"Bryan, Adam. Nandito na si Manong! Bye!" pamamaalam ni Emma sa amin.
"Bye, Emma!"
"Bye, bestie!" halos sabay naming bati ni Emma sa isa't isa.
"Hoy, 'di ba sabi ko sa 'yong ayusin mo na 'yang hitsura mo?" paalala ni kambal sa hitsura ko.
"Ay! Oh eto na, eto na!" sabi ko saka dali-daling nagtransform from bakla to lalake. Well, expert naman ako sa mga designs so, yeah. Madali na para sa 'kin ang mga ganito.
Hindi nagtagal ay dumating na ang aming sundo. Wala nang bahid ng pagkabakla ang hitsura ko ngayon at pinilit ko na ring patigasin ang boses ko. Mahirap mang gawin pero kinakailangan muna sa ngayon. Hindi pa kasi malakas ang loob ko. Ngunit lalakas din ito balang araw. Balang araw.
Adam/Eve's POVI remained stiff as Keila continued to expose my true self to everyone. Halos lahat ng mga Wonder graduates ay dumalo sa kaarawan namin ni kambal, ngunit hindi na lingid sa kaalaman nila ang tungkol sa 'kin. All of the famous businessmen who are friends of the family were also there, kaya kasali sila sa kabang nararamdaman ko because of the strong possibility of ruining the image of our company. Magiging matunog ang pagbunyag ng aking lihim, which may cause a colossal failure to other businesses na kaakibat ng mga magulang ko. But what I feared the most...Is Mama and Papa's rejection."Ano, Adam? Are you surprised? You didn't see this coming, did you?" muling paggambala ni Keila sa presenya kong nananahimik. Buong takot ang aking naramdaman nang titigan ko siya sa mata."Keila! Why are you doing this?!" dinig kong tanong ni Allan."Let me go!" sigaw naman ni kambal sa mga guard
Adam/Eve's POVAnd I was right all along. This weekend has become one of the most unforgettable moments in my whole existence. Sa loob ng dalawang araw, ako'y naging masaya. Ngunit sa loob din ng dalawang araw, ako'y nag-iba. Nagsimulang malito, nagsimulang magtaka."Tol... ayos ka lang?" pansin ni kambal sa akin habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi. "Kanina pa kita napapansing ganyan.""H-Hah? M-May sinasabi ka?" paninigurado ko kung ako ba talaga ang kausap niya sapagkat masyado lamang akong nakatutok sa daan. Ngunit napagtanto kong ako nga sapagkat kami lamang dalawa ang nasa loob ng sasakyan."Hay, naku. May iniisip ka na naman, 'no? Tsk." pagbabasa niya sa isip ko."Well, technically, may isip naman talaga ang bawat tao kaya natural lamang na mag-isip." sagot ko bilang pagsampal sa kanya sa obvious na katotohanan."Alam ko. But my point is, you're thinking to someone I certainl
Adam/Eve's POVIt was awkward. It was unbelievable. It was unforgettable. It was unpredictable. Allan was about to plant me a kiss, but something in my mind is telling me that this isn't the right time. And there goes my best friend who's enjoying the company with my twin which made my heart uneasy, slowly making weak beats, slowly making... unbearable pain.Bakit? Bakit ko nararamdaman 'to?Bahagya naman akong nagulat nang biglang hawakan ni Allan ang aking kanang balikat. "Okay ka lang?""Okay lang ako, Allan. Salamat." sagot ko saka tinapik ang kanyang kamay ngunit nasa direksyon pa rin nina kambal at bestie ang mga mata. Dahan-dahan ko naman itong inalis at bigla akong humikab. Lumingon naman ako saglit sa kanya upang magpaalam na ako'y aalis na rito sa dalampasigan. "Good night na nga pala, Allan. Babalik na 'ko sa rest house. Inaantok na ako, eh.""Adam." tawag niya sa totoo kong pangalan dahi
Adam/Eve's POVOh my goodness! She's really here! Nandito talaga siya! Hindi kami ni bestie namamalik-mata!"Hi, Emma!" muling bati ng bruha nang siya'y makalapit na kay Emma, na may beso pang kasama. Naka-see through at jeans pala ang outfit niya. "Hi rin sa 'yo, bakla!"Pero dahil maldita ako, hindi ko hinayaang madampian ang mukha ko ng balat ng ahas."Duuh! Ang arte. Edi 'wag!" maarte niyang reklamo sa 'kin."Ano bang ginagawa mo rito? Pa'no mo nalamang nandito kami?" diretso kong tanong.Natawa muna siya kahit pilit, bago sinagot ang aking tanong. "Oh my God. Tinatanong pa ba 'yan?""Booba ka ba? O nagpapaka-booba lang. Itatanong pa ba namin kung alam na namin ang sagot? Duuh!" maldita kong tanong. Sarap talaga niyang suntukin at sabunutan nakuuu!"Sino ka ba para sagutin ko, ha? Alam mo, 'yang mga taong tulad mo ay 'di dapat kinakausap sa mga
Adam/Eve's POV"And the Prom King for JS Prom 2015 is..." announcement ng babaeng emcee saka tiningnan ang card na naglalaan ng resulta kung sinong mga papalaring tao ngayong taon ang kokoronahan. "Are you ready to find out, Wonders?"Walang masyadong respond ang audience sapagkat karamihan sa kanila ay kagaya kong hindi pa nakapag-adjust matapos nagperform sina Keila at Allan. The reigning royals are not in the mood either. Sino ba naman kasing masiyahan pang magpatuloy sa programang ito matapos nangyari 'yung infamous performance na 'yon? Ang galing talagang gumawa ng eksena ni bruha, 'no? What a selfish brat!"Oh. I feel like everyone thinks the party's over now! Okay lang ba tayong lahat, Wonders?" 'yung lalakeng emcee naman.And for the sake of the show, may mga ilang tao naman ang napilitang magrespond ng, "Yeeeess!" ugh! Boooring!Kahit tapos nang sumayaw si crush with his bitchy ex, hi
Adam/Eve's POV~ When I see your face,There's not a thing that I won't change'Cause you're amazingJust the way you are...And when you smile,The whole word stops and stares for awhile'Cause girl, you're amazingJust the way you a— ~"Puta ka, Bryan!" malakas na sigaw ko kay kambal sabay bato sa kanya ng aking bag kahit ang kabuuan ko ay napakabasa. Halatang hindi siya nagmind sa pagbukas ko ng pinto dahil sa pag-concentrate niya sa pagkanta at pag-gitara kaya binato ko na rin siya. "Napakalaki ng kasalanan mo sa 'king demonyo ka! Argh!" dagdag ko pa saka malakas na sinara ang pinto ng aming kwarto."Anak ng... ano na naman bang kasalanan ko, ha?" galit naman niyang tanong sa 'kin. "Gusto mo bang mamatay? Muntik mo nang sirain ang gitara ko, ah!""Huwag ka ngang magkunwari na wala kang alam sa sinasabi ko! Gusto mo bang paputukin ko 'yang itlog mo?! Haaah?! Bwisit ka!!!"