LOGINThorne
"Kuya, what the heck? Can you tell me how you did it?" Because being a millionaire in just a day is really unbelievable. Who would have thought that Hunter William Bermudez would do that?
"Umayos ka, Thorne, I'm your kuya." Pagpapa-alala sa akin ng Bachelor ng Bermudez clan.
He is busy with his laptop on his table. Yeah, could you believe that this big house has lots of offices? And mine is just beside Kuya's. Dad is preparing my own little boring office because I will be managing my own Mall in the near future.
"Will you just help me? Dad's busy." Flat ang ekspresyon ng mukha ko at ganoon rin ang boses ko.
"I can't. You can do it on your own. Trust yourself or you'll lose everything." Aniya, still busy typing on his laptop. "You know Dad. He'll take the five percent back to the whole asset if you keep on whining. Read books and stuff. Those might help."
Gusto kong ihagis ang laptop niya sa malaking glass window na nasa kanyang likuran. Sa tuwing busy siya ay palagi niyang suot ang kanyang salamin sa mata. Mali talaga siguro ang timing ko ngayon. I can't talk to him now.
"Kuya, just give me tips." Pagsusumamo ko. Ito na ang huling pagpipilit ko sa kanya. Alam kong hindi niya ako pakikinggan dahil masyado siyang focus sa kanyang ginagawa. Pero malay ko ba na magkaroon ng himala, di'ba?
"No." He answered quickly. I stomped my feet because I am here for almost an hour begging him to help me!
"Kuya! Argh!" Nakakainis! I want to punch somebody. Gusto ko siyang suntukin dahil kapatid niya ako at humihingi ng tulong. Why can't they spare me a little bit of their precious time?!
Yeah, I remember that one of the rules of a Bermudez man should 'man up' in everything or you will lose everything if you don't.
"Leave, Thorne. We'll talk next time." Alam kong nauubusan na siya ng pasensya sa akin. Sobrang wrong timing talaga at nawawalan na rin ako ng pasensya! Gusto nang sumabog ng mga nerves na nasa ulo ko sa sobrang inis.
"That next time will be next year." He's going to France next month and he'll stay there until next year's Christmas day for his company's expansion. I heard him talking with someone over his phone earlier. Ngayon wala na akong magagawa kaya lumabas na ako ng kanyang office.
He only visit the house every after three months plus the holidays dahil sa may sarili na siyang buhay. Umuuwi lang siya to make time for the Bermudez Family.
I shouldn't be reminiscing Kuya Hunter's life now because it's gay. I have no time to stay here any longer. Kinuha ko ang aking cell phone sa bulsa and called someone.
It's ringing ngunit walang sumasagot. I tried to call it again but no one is answering. Darn it. One last call and I will invade that little, dirty Dorm of hers. I impatiently dialled her number again and after three rings, she answered it.
"Thank god, you sleepy little mouse! Sinagot mo rin!"
"Ang aga-aga naman, Thorne. Anong kailangan mo?"
"Cook me a heavy breakfast. English breakfast." I mean sausages, eggs, bacons, baked beans, and so on. I went straight ahead to Kuya Hunter's Office dahil baka hindi ko siya maabutan. Nakakainis lang dahil most of the time ay madaling araw siya umuuwi kaya mas inagahan ko pa kaysa sa kanya at ma-corner.
"What the heck is English breakfast? Nag-i-ingles ba ang mga pagkain?"
What a dumb person.
"What kind of brain do you have? It's like the size of an atom."
"Hoy! Kapal ng mukha mong sabihan ako niyan! Walang hiya ka!"
"I have no time with your rants, you dumb rat. Cook me english breakfast. I'll be in my Condo at thirty minutes."
"Sino ka sa aka—" hindi ko na siya pinatapos. I hung up.
I don't need a nagger early in the morning. I need to eat or I'm going to smash everything here.
Reese
Adik ba siya? English breakfast? In thirty minutes? Anong pagkain ba 'yon? Matagal bang lutuin 'yon?
Napakamot ako ng ulo sa kakaisip ng pinapaluto ng kumag na 'yon. Kapal ng mukha! Utak ko kasing-size ng atom? Walang hiya talaga!
Tumayo ako sa kama at naghilamos ng mabilis. I went straight ahead to his condo and swiped his card he gave to me noong nakaraang araw. Dumiretso ako sa kanyang kusina at binuksan ang kanyang hi-tech na fridge pero sinara rin.
Kinuha ko ang cell phone ko na nasa bulsa at naisipang mag search sa browser. Ni-type ko ang english breakfast and boom!
Sausages, eggs, bacon, baked beans, sliced tomatoes, tea and/or coffee. Iyan pala ang english breakfast. Sa ibang bansa pala ito originated kaya hindi ako aware. Binuksan kong muli ang kanyang fridge at nakakagat labi pa ako sa paghahanap ng mga iluluto ko. Nang mahanap ko ay isa-isa ko silang kinuha at kinarga sa kamay ko. Inilapag ko ang mga iyon sa mesa at inihanda ang mga gagamitin na panluto. Inilapag ko rin ang cell phone ko at nagplay ako ng playlist sa Youtube. Unang-una ang Hate That I Love You ni Rihanna featuring Ne-Yo. May mga kanta talaga minsan na kahit di mo gusto pero nasa playlist ay hahayaan mo na lang.
Sumasayaw-sayaw pa ako habang nagluluto dahil who cares? No one's here. Mamaya pa darating ang mahal na hari. It only took me twenty minutes to ready his food. Nang matapos ako ay hindi ko na alam ang gagawin. Hihintayin ko ba siya? Napatingin ako sa relo. Five more minutes and he will be here.
Teka, bakit ko naman siya hihintayin? Tapos na akong magluto para sa kanya kaya dapat umalis na ako. Pero bakit gusto ko siyang hintayin?
May kung ano sa akin na gustong makita kung anong magiging reaksyon niya sa niluto ko. Hindi ko naman first time magluto ng sausages, itlog, bacon, at magtimpla ng tea. Hindi ko lang alam 'yong pangalan ng uri ng breakfast na 'yon pero almost everyday naman akong nagluluto. Pero bakit gusto kong malaman ang reaksyon niya?
Although, hindi naman niya sinasabi kung masarap o hindi. Pero base kasi sa niluto kong adobo noon ay kitang-kita na sarap na sarap siya.
Hindi lang talaga siguro ako sanay na hindi pinupuri ang luto ko. Kahit sa All Bloom Café ay binibigyan pa ako ng tip ng mga loyal customers namin dahil malasa at malinamnam ang mga inihahain ko sa kanila.
Kakaisip ko ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng condo.
Nakangisi ang mokong habang papasok dito sa dining area. Nakasuot siya ng white T-shirt at jeans na akala mo model ng Bench. Ang aga naman niyang umalis? Saan siya nagpunta?
At bakit ko naman iniisip kung saan siya galing? Nababaliw na yata ako.
Nakangisi pa rin siya na akala mo may alam siyang hindi ko alam. Wait, napatingin ako sa shirt na suot ko. Naka-bra naman ako. Anong problema nito? Kanina lang kung makaasta akala mo lalabas ang kamao niya sa cell phone at mananapak na sa sobrang bad mood niya, eh. Tapos heto siya ngayon. Ang weird niya.
"May nakita ako." Aniya at naupo na sa inihapag ko sa mesa.
"Ayan na english breakfast mo."
"Thanks." Aniya at nakatingin sa akin na akala mo talaga may nalaman na kung ano. Iyong mukha niya parang bully talaga. "May nakita ako. Nakakatawa."
"At ano naman 'yon?" Kunot noo kong tanong.
"Hindi ka ba aware na may CCTV dito?"
Okay, lupa kainin mo na ako.
"I love your moves. Swabe." Aniya at tumatawa habang kumakain. Iyong hindi tawang-tawa. Iyong may pagkain siya sa bibig at bahagya lang tumatawa pero nakakaasar.
Sa sobrang pula ng mukha ko gusto ko nang tumakbo palabas ng condo niya. Paano niya nalaman? Dala-dala ba niya ang monitor? Ang laki no'n, ah.
"I have my tablet. Nakikita ko doon ang nangyayari dito sa loob ng condo ko." aniya as if nabasa ang nasa isip ko.
"Ohh." Nahihiya kong sabi. "Huwag mo nalang pansinin." Wala na akong magagawa dahil nakita na niya at ang masasabi ko lang ay katawa-tawa talaga. Feeling kontesera pa ako kanina habang kumakanta.
"Have you been to a bar or club? Do you party at night?"
"Hindi."
"Yeah, sa hitsura mo pa lang hindi ka party-goer. No offense."
"Sa hitsura mo naman mukha kang nagbabakasyon sa mga club." Sagot ko naman. Natawa naman siya at tila ba na-amuse sa aking sinabi.
"Mukha ba?" Aniya.
"Sobra. In fact, doon lang sa babaeng nagngangalang Stella, madami ka nang nakasamang babae. No offense." Sabi ko na akala mo super close kami. Well, he will be my boss sooner or later kaya naman kailangan ko nang maging komportable sa presensya niya. At hindi porket nagta-trabaho ako sa kanya ay magiging taga-sunod niya ako. I am vise versa, actually.
"Well, I must admit that you are an observer." The amusement never left him.
"I am. And since, you are eating those food that I cooked, you have to tell me if I did good. You can't just let people work for you without evaluating their work. Para na rin alam nila saan sila dapat mag-improve pa."
Nakatitig lang siya sa akin at napahilig ang kanyang ulo na tila hindi makapaniwala sa kanyang nakikita at naririnig. Na akala mo may naiisip siyang imbensyon na ngayon lang niya nadiskubre.
"I bet you are good at everything."
"Hindi naman. I just do what I need to do. Gusto ko lang 'yong kapag may ginawa ako, they do the same para fair. Give and take ba."
"Wow. You're ready to take a job."
"Kaya nga, eh. If ever may alam kang pwede kong pasukan ngayon, patulong naman. Kailangan ko kasi talaga."
"No." Mabilis niyang sagot na tila hindi nagustuhan ang aking sinabi. "I can double your pay if you want."
"Seryoso?" Hindi ako tatanggi. Hindi naman ako oportunista. Ibang usapan na 'to. Trabaho 'to. Sino bang empleyado ang gustong magtrabaho na maliit ang sweldo? Di'ba wala?
"If you are consistent with your job which is ang pagluluto mo. 'Yong hindi ako naghihintay kahit isang segundo at kung ikaw ang mag-go-grocery, I will double your pay. Actually, I have made a contract para mas maganda. I'll get it kapag tapos na akong kumain."
"Sounds good. Sige. Pumapayag ako."
Nang matapos siyang kumain, take note, simot, ay kinuha niya ang printed na contrata. Pagkatapos kong basahin ay nilagdaan ko ito. Kung ano ang nabanggit niya kanina ay nandoon sa kontrata. Isang short bond paper lang naman iyon at konti lang nag nilalaman. Pero mukhang seryoso na siya sa paghahanda bilang owner ng isang Mall kaya siguro siya gumawa nito. Tama na rin 'yon para kapag nagkandaletse-letse ay maari itong i-file sa korte. Hindi naman siguro makakadating sa ganoon. For formality lang siguro itong ginawa niyang kontrata.
Ngayong tapos na ako sa gawain ko dito ngayong umaga, aalis na siguro ako. Nakapagluto na ako at nakapaglagda na. Wala na akong gagawin dahil mamayang ten o'clock pa ako babalik dito para ipagluto siya.
"Sige. I'll see you later." Aniya habang nakaupo sa kanyang leathered sofa at nakadantay pa ang kamay sa sandalan nito.
"Anong gusto mong lutuin ko mamaya?" I asked. Grabe, para naman niya akong asawa sa tanong ko. I saw him smiled a bit pero nawala rin.
"I want kare-kare."
"Noted. I'll be back later at ten." Tatayo na sana ako para umuwi sa dorm pero napatigil ako sa pagtayo nang mag-ring ang kanyang Iphone X at nag-flash doon ang pangalan ng isang babae.
Serenity.
Mabilis niya iyon sinagot at doon ko nakita ang pagiging maaliwalas ng kanyang mukha. Na parang nawala ang stress sa kanyang katawan nang marinig ang babae sa kabilang linya.
"Baby girl, what's up?" Aniya.
Nakaramdam ako ng kung ano sa'kin. Hindi ko naman dapat ito maramdaman. Baby girl? Parang nasira ang araw ko. Sino ba 'yong Serenity? Ang ganda pa man din ng pangalan. Babaeng-babae ang datingan, pang-prinsesa.
May girlfriend na siguro siya hindi niya lang sinasabi. Hindi kaya niloloko ng Thorne na 'to 'yong Serenity at nakikipaglandian pa sa iba kagaya ni Stella?
Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko pero kaya kong magpaubaya. Wala naman namanagitan sa amin pero nagpapaubaya na ako. Sigh. Ni hindi nga ako nito type. Nababaliw na siguro ako. Sino bang hindi magkakagusto sa lalaking ito, eh nasa kanya na lahat? Pwera ugali. May pagkabastos. Pero kaya naman niya sigurong i-work out.
"Are you okay there? Want me to come over? Ohh, my poor baby... you sure you're okay?... okay, I'll hung up now. See you soon, baby girl. Love you." And he hung up. Napatingin siya sa akin na kunot ang noo. "What?"
"Wala. Sige aalis na ako. Balik na lang ako mamaya." Biglang wala sa mood kong sabi. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang lumabas ang mga 'yon sa bibig ko at masungit ang pagkakasabi. Tumayo na ako at lumabas ng kanyang condo. May pa-love you-love you pa. Tss.
Ilang araw ko pa lang siyang nakita at nakasama kaya hindi ko dapat i-entertain itong katiting na weird feeling na 'to. Dire-diretso ako sa aking pag-uwi sa dorm at nang pihitin ko ang doorknob ay hinti ito naka-lock.
Sa pagkakaalam ko ni-lock ko ito kanina?
Nakaramdam ako ng kaba. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi kaya nilooban ako? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng aking dorm at sa aking pagsilip ay doon bumulagta ang isang taong nakadapang natutulog sa kabilang kama.
Isang lalaki.
Mahimbing na natutulog. Nakasapatos pa ito na parang inihagis na lang ang katawan sa kama at diretso nang natulog nang hindi nagpapalit. Tinignan ko ang paligid, wala siyang dalang gamit. Di kaya magnanakaw 'to at sobrang lasing kaya hindi na nakatayo at nakatulog?
Pero paano naman mangyayari 'yon eh ang gwapo niya? Matangkad at makisig. Fit ang katawan at hindi mukhang nangunguha ng gamit o nakikigamit ng may gamit. Ako pa 'yong mas mukhang nakikigamit ng may gamit kaysa sa kanya. Sino 'tong lalaki na 'to na may matangos na ilong at mapupulang labi? Naka jacket siya na itim at ganoon din ang kanyang faded jeans. Bakit dito siya natutulog?
Sa dami ng katangunan sa isip ko ay napagpasyahan kong lapitan at gisingin siya.
"Huy." Sabi ko. Ngunit sa pagyugyog ko sa kanyang balikat ay siya namang paghila niya sa akin at ginawa akong unan. Take note, 'yong parang unan na ginawang kabayo. Dinaganan lang naman niya ako sa kanyang hita at braso!
Reese"Tere, pagod na ako. Pwede bang magpahinga?""Hindi pwede! Paano
ThorneJulian kept telling me how amazing thatgirlis, at wala akong ibang nagawa kundi ang tumango ng tumango kahit pa flat ang reaksyon ko. I've never seen this guy as happy as he is right now. Pero medyo tinamaan na rin siya ng alak that's why he's babbling things. Mabuti na lang hindi pa niya n
Sa sobrang pananakit ng tiyan ni André ay halos mahulog na siya kanina sa kanyang kama. Pagulong-gulong pa siya doon habang akap-akap ang tiyan. Naka-fetal position siya, namumutog ang pawis sa noo at gayon din ang kanyang balat na kumikinang ng pawis. Siguro kanina pang umalis ako ay dumadaing na siya sa sakit.At hindi maikakaila sa mukha ko na guilty na guilty talaga ako sa sinapit niya.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Tulong! Rape! Rape!" Halos magkandaugaga ako kakasigaw mawala lang ako sa pagkakakalong ng misteryosong lalaki na ito.Hindi siya kumilos na dahilan para mapatigil din ako sa ginagawa kong paglulupasay sa bisig niya. Nakatitig lang ako sa kanyang bagong gising na mukha.
Thorne"Kuya, what the heck? Can you tell me how you did it?" Because being a millionaire in just a day is really unbelievable. Who would have thought that Hunter William Bermudez would do that?
Umuwi ako sa Dorm at wala pa rin ang roommate ko. Marahil ay hindi ito matutulog ngayon dito. Mas mabuti iyon para makapag-relax ako. Hindi ko talaga kasi alam kung anong aasahan ko doon sa kasama ko.But it looks like, there will be no sleep for me tonight. Sigh. Pilit na bumabagabag sa akin iyon sinabi ni Thorne. Na magta-trabaho ako sa kanya sa itatayo niyang Mall.