LOGIN"Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Tulong! Rape! Rape!" Halos magkandaugaga ako kakasigaw mawala lang ako sa pagkakakalong ng misteryosong lalaki na ito.
Hindi siya kumilos na dahilan para mapatigil din ako sa ginagawa kong paglulupasay sa bisig niya. Nakatitig lang ako sa kanyang bagong gising na mukha.
Bakit hindi siya oily? Nag-Master ba siya? Sikreto ng mga gwapo? Kaya siguro makinis ang kanyang mukha. Parang natural na sa kanya iyong kinis ng balat.
Hay, ano ba itong naiisip ko?! Nasa panganib na nga ako kung anu-ano pang kabaliwan ang pumapasok sa utak ko!
Pero nanganganib nga ba ako? Kasi nakatitig lang din ang isang mata niya sa akin at halatang nagising ko siya sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Antok na antok pa rin ang kanyang mukha at pupungas-pungas pa ng mata.
"Anong ginagawa mo dito? Sino ka?" Antok na tanong niya.
"Ako ang dapat magtanong niyan. Bakit ka nandito? Magnanakaw ka, no? Magnanakaw ka! Tulong! Tu—" tila na-alarma siya sa aking pagsigaw. Tinanggal niya ang kanyang hita at braso sa pagkakadantay sa akin at pinunas punas ulit niya ang kanyang mata dahil sa antok. Humihikab pa ito habang umuupo.
"Mukha ba akong magnanakaw?" Tanong niya. Hindi siya aligaga na tumakbo palayo dito sa dorm. "Dito ako nagdo-dorm. Ikaw siguro 'yong bagong lipat dito."
Ano?
"Ikaw ang kasama ko dito niyan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yep."
"Bakit ikaw?" Tanong ko. Lalaki siya. Sa pagkakaalam ko hindi pwedeng magsama ang mga babae at lalaki sa isang dorm. Pero kami lang naman dalawa dito.
"Actually, nauna ako sa'yo. I've been here since first year college." Sagot niya. "Ako dapat ang magtanong niyan sa'yo di'ba? Bakit ikaw? Lalaki ang mga nakakasama ko before dito, eh."
So, ako pa pala ang dapat mahiya dahil nauna siya rito sa'kin. Umupo ako nang maayos at pumunta sa kama ko. Magkaharap kaming magkausap ngayon. "Hindi ko rin alam. 'Yong best friend ko lang ang nakahanap nitong dorm na 'to."
Tumango-tango siya. "Ang sabi niya may kasama ako rito pero siyempre babae ang ine-expect ko. Malay ko ba na lalaki ka pala tapos hindi ko alam na nauna ka na pala sa'kin dito. Sorry sa inasal ko, ah." Nahihiya kong sabi.
Tumawa naman siya. "It's okay. No worries. Hindi naman ako namamalagi dito. Dito lang ako natutulog minsan." Aniya. Pumalatak naman ako.
"Sayang ang ipinangbabayad mo dito. Bakit 'di ka nalang umuwi sa inyo para doon matulog?" Usisera na ako ngayon. Ang komportable niya kasing kausap. Pakiramdam ko tuloy close na kami.
"Malayo masyado. Tsaka nagta-trabaho kasi ako kaya ayon." Napatitig ito sa akin na parang kinikilatis ako. Bigla tuloy akong na-conscious. "Ano nga palang pangalan mo?"
"Reese."
"Nice to finally meet you, Reese. I'm André." Ngiti niya sa akin. Napatitig ako sa kanya. Ang amo ng mukha niya at kay gwapo. Matikas ang pangangatawan, mukhang mabait at mahinahon.
"Nice to meet you too, roommate." Balik ko naman sa kanya. "Hmm, saan ka pala nagta-trabaho?" Tanong ko.
"Diyan lang."
Adik ba 'to? May ganoon bang kumpanya o kung ano mang pwedeng pagtrabahuhan? "Saan nga?" Usisa ko.
"Basta. Anyway, buti nagdorm ka dito? Tell me your story." Pag-iiba niya. Mukhang ayaw niyang pag-usapan. Hindi ko na dapat siguro ipilit pa. Isa pa, ngayon lang kami nagkakilala.
"Nabenta kasi 'yong lupa at Café namin ng Tiyang ko at nag-aaral ako diyan sa Holy Trinity University kaya pinaghanap akong dorm ng best friend ko. Ito ang pinakamalapit at pinakamura kaya nandito ako."
Tumatango-tango lang siya. "That explains. Anyway, Reese, have you eaten breakfast yet? Nagugutom kasi ako. Wanna go out?" Feeling close yata kami sa isa't isa at naisipan niyang yayain ako?
I was taken aback mentally, though. Hindi naman ito ang inaasahan ko. Malayong-malayo sa naiisip ko noong unang dating ko rito. Una, hindi siya babae. At pangalawa, hindi siya mukhang nanghihiram at nangunguha ng may gamit. Mukha nga siyang may kaya sa buhay, eh. Ang kinis ng balat niya. Or maybe, malinis lang sa katawan?
At bakit ko naman naiisip ang mga 'yan? Masyado na akong usisera.
Hindi pa pala ako kumakain ng almusal. Kapal talaga ng Thorne na 'yon, hindi man lang ako tinanong kung kumain na ba ako o hindi.
"Hindi pa ako kumakain. Pwede naman akong magluto kung gusto mo. Share na lang tayo sa gastos." Sabi ko.
"No. My treat." Nakangiti niyang sabi. Komportable na ako sa kanya kahit wala pa kaming isang oras na magkakilala. Pwede ba 'yong ganoon?
"Hindi na. Nakakahiya sa'yo ngayon lang tayo nagkakilala, eh. Tsaka I have my own money."
"I said, my treat. Ikaw ang kauna-unahang babae na nagdorm dito and I want to make sure na okay tayo at nagkakasundo. Gusto mo rin naman 'yon di'ba? Gusto mo ba cold tayo sa isa't isa?"
Bakit? Tayo ba?
Ang ayos niya. Ang bait niya. Sobrang swerte ko pala sa roommate ko. Gusto ko tuloy humingi ng sorry dahil na-judge ko siya agad noon. Pinangunahan kasi ako ng inis na baka katulad siya ng mga nakakadorm ng mga naging kaklase ko noon sa State University na pinapasukan ko. Mga timawa daw sa gamit 'yong mga roommates nila. Pero itong roommate ko ay kabaligtaran.
"Sige na nga. May point ka naman." Ngiti ko sa kanya.
"Is that a 'yes'?" Tumango lang ako bilang sagot. "Perfect. Mag-ready ka na. I'll wait for you."
Hindi ako sanay na may lalaki akong kasama. Naiilang ako ng sobra lalo na kapag maliligo. Malay ko ba kung mamboboso pala siya? Mukha namang malayo siya sa mga ganoon. Pero kahit na. Pero hindi naman siya siguro talaga ganoon. Pero kahit na pa rin.
Ang kulit ng isip ko.
"I'm not a bad guy. I promise. Makikita mo naman sa attitude ko kapag nagtagal ka rito. I don't have those bad characteristics." Nag-init tuloy ang pisngi ko. Grabe, ganoon ba kahalata sa mukha ko ang ilang? Nakakahiya sa kanya at kailangan pa niyang i-explain at i-prove ang sarili niya. Sobrang swerte ko dahil mabait siya.
"Sorry. Sige magre-ready na ako."
Kumuha ako ng gamit sa cabinet ko at naligo sa banyo. I made sure na naka-lock ang pinto. Nang matapos ay sinuot ko ang black tank top ko at nagpantalon. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
Bakit bigla akong naconscious sa sarili ko? Nagdadalaga na nga siguro talaga ako. I am one of the small percentage of late bloomers. Balingkinitan naman ang katawan ko. Palaging sinasabi ni Tiyang sa akin na mukha akong model dahil sakto ang tangkad ko at may kaputian ang balat. Maputi kasi si mama at sa kanya ko nakuha ang maganda at bagsak kong buhok. Kay papa ko naman nakuha ang tangos ng ilong ko pati na ang mata ko. Pero malungkot ako dahil wala akong kapatid. Buntis noon si mama noong mamatay silang dalawa ni papa. Namatay silang tatlo.
Bago pa ako maiyak ay isinantabi ko na ang aking mga iniisip. Binuksan ko ang pouch ko na may mga kolorete sa loob. Nag-powder ako at lipgloss. Sinuklay ko ang buhok ko at naaamoy ko ang amoy bulaklak kong shampoo doon.
Lumabas ako ng banyo at doon ay halos mapabalik ako ulit sa loob dahil hubad pang-itaas si André habang naka-unan ang kanyang ulo sa isa niyang braso at busy naman sa kanyang cell phone ang isa.
May nakita akong abs.
Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. Hindi ko naman sinasadya. Malay ko bang topless siya? Mainit kasi dito sa dorm. May aircon naman pero pinatay ko kanina noong pumunta ako sa condo ni Thorne.
"Sorry, Reese. Kailangan ko din sigurong mag-adjust." Natatawa niyang sabi. Lumabas ako ng banyo at naka-shirt na siya ulit.
"Okay lang. Pareho lang tayong kailangang mag-adjust." Natatawa ko ring sabi. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Baka bukas best friends na kami. Hindi siya mahirap kausap. Hindi katulad no'ng si Thorne.
Teka, bakit siya nasali sa usapan?
"Tara na? I have a car, we don't need to commute." Sabi na nga ba at may kaya talaga ito sa buhay. Siguro siya 'yong taong ayaw pinag-uusapan kung anong meron siya sa buhay. Ayaw niya kasing sabihin kung anong trabaho niya. Baka isa pala siyang mataas na tao, di'ba? Who knows. Pero ang importante mabait siyang tao.
"Sounds good. Tara na." Anyaya ko rin.
Nang makasakay na kami sa kanyang sasakyan na itim na nakapark dito sa basement ng building ay dumiretso kami sa isang Resto.
"Teka, almusal lang tayo di'ba?" Tanong ko.
"Oo. Ayaw mo dito?" Nakatanaw kaming pareho sa Resto mula dito sa loob ng kanyang sasakyan.
"Masyadong mahal diyan. Doon lang tayo sa affordable pero nakakabusog."
"Saan?" Kunot noong tanong niya.
"I'll show you." Ngiting sagot ko sa kanya.
Itinuro ko sa kanya ang daan at doon kami nagpunta sa Carenderia.
"Masarap diyan." Sabi ko sabay labas ng kanyang sasakyan. Alanganin pa siyang lumabas pero ginawa niya rin.
"Dito?" Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalinlangan.
"Oo! Masarap diyan, promise! Malinis din magluto dito kakilala ko naman 'yong nagtitinda."
Pumasok kami sa loob at nag-order ako ng dalawang lugaw na may manok na din na kasama. Nang maka-order ay niyaya ko siyang umupo sa isang bakanteng mesa.
"Hindi ka sanay dito, no?" Tanong ko. Mukha kasi siyang hindi komportable.
"Oo. I have never been here."
"Halata nga." Natatawa kong sabi. "Pero sure akong magugustuhan mo dito. Masarap ang luto nila."
"Pero ikaw nagluluto ka?" Aniya.
"Oo. May Café nga kami di'ba. Minsan ako 'yong nagluluto. Gusto mong matikman?"
Ngumiti siya na labas ang ngipin at naningkit ang kanyang mga mata. Ang aliwalas ng kanyang reaksyon, tila nabuhayan. "I would love that."
"Magluluto ako mamayang gabi, sige. Anong gusto mong ulam?"
"Anything na luto mo. Surprise me." Nagniningning ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
Grabe, feeling ko tuloy mag-jowa kami. Naalala ko kasi na mamayang ten babalik ako sa condo ni Thorne para ipagluto siya ng kare-kare. Tapos si André naman ipagluluto ko ng sinigang na baboy.
Dumating ang lugaw namin na inihanda no'ng waiter. Mga boy lang ang mga waiter ng Carenderia. Naka-mangkepweng pa at puting T-shirt.
Tinikman niya ang lugaw. Hinihintay ko ang pag-ngiti niya pero hindi dumating. Hindi talaga siguro siya sanay. Tahimik lang kaming kumakain at nakalahati niya lang ang kanya samantalang ako naubos ko. Para tuloy akong timawa, nakakahiya. Dapat umayos na ako sa ikinikilos ko. Hindi na ako fifteen years old na wala pa rin muwang.
"Hindi mo nagustuhan. Sorry pinilit ko, ah." Nakangiwi kong sabi.
"Ayos lang. Masarap naman." Ngiti niya pero kitang-kita kong iniintindi niya lang ako. Sigh.
In the end umuwi kaming hindi maganda ang pakiramdam niya.
"Saglit lang ah, banyo lang ako." Ka-park niya ng kanyang sasakyan ay nauna na siyang umakyat sa dorm. Sobrang nagi-guilty tuloy ako. Hindi siya sanay sa mga ganoong pagkain. Halata naman kasi pero pinilit ko pa. Nahihiya kasi ako sa kanya na gumastos ng malaki para sa'kin at hindi ako sanay sa ganoon.
Kwek-kwek nga lang masaya na ako, eh. Hindi naman kami mahirap nila Tiyang. Pero hinding-hindi ko mahihigitan ang buhay na mayroon itong mga bagong kakilala ko na sina André at Thorne. What more kapag pasukan na. Mukhang mga elitista ang mga nag-aaral sa HTU.
Umakyat na rin ako sa dorm at nagpaalam sa kanya. "André ayos ka lang ba?" Tanong ko sa nakasarang pinto ng banyo. Nandoon pa kasi si André.
"Ayos lang ako." Sagot naman niya. Pero narinig ko ang pagpururut ng kanyang pwet. Mukhang hindi maganda ang kanyang nakain ngayong umaga. Sobrang guilty ko tuloy. Ang kulit ko kasi, eh.
"Sorry, sumakit pa tuloy ang tiyan mo."
"Nope, it's okay."
"Uhm, aalis muna pala ako. May gagawin lang ako. Huwag mo na akong hintayin ng lunch kasi hapon na ako makakauwi. Sorry talaga, André."
"Got it. You don't need to worry, I'm fine!"
"Okay." Guilty na guilty akong umalis sa dorm at malamlam ang paglalakad ko papasok sa condo ni Thorne.
Kapasok ko ay tumingin ako sa kanyang wall clock na walang shape. Parang 'yong mismong pader ang orasan dahil parang nakapinta lang doon ang mga numero at nakadikit lang ang mga kamay ng orasan. Nine fifty pa lang. napaaga ako ng ten minutes.
Mukhang nasa loob ng kanyang kwarto si Thorne kaya naman dumiretso na ako sa kusina at binuksan ang fridge. Kinuha ko ang mga sangkap na kakailanganin ko at saka nilinis sa sink ang baboy na sobrang na-freeze.
Maya-maya narinig ko ang pagbukas ng fridge sa tabi pero hindi ko inabalang tingnan dahil alam ko naman kung sino iyon. Wala akong balak na pansinin siya dahil busy ako sa aking ginagawa. Hanggang sa maramdaman ko ang isang mainit na katawan sa likod ko. Hindi ito nakadikit o nakadampi pero nararamdaman ko ang kanyang presensya sa aking likod at sobrang lapit nito. Ni-corner niya ang kanyang dalawang kamay sa aking magkabilang gilid at idinantay ang mga palad sa mesa. Doon ko naramdaman ang mainit niyang hininga sa aking tainga.
"Ba't ang bango mo? Saan ka pumunta?" Nanginig ang katawan ko dulot ng kanyang husky na boses.
"D-diyan lang." sagot ko.
"Bakit naka-ayos ka?" Napakademanding ng tono ng kanyang boses. Nais nito ng mabilis na pagsagot.
"U-umalis nga kasi ako. Bakit ba?" Kunwari ay inis kong tanong dahil kinakabahan ako sa kanyang ginagawa. Tila natauhan siya sa kanyang inasal at naramdaman ko na ang lamig sa aking likod. Senyales na lumayo na siya sa akin.
"Put more peanut butter sa kare-kare. Gusto ko 'yong malinamnam." Aniya at lumabas na ng kusina.
Huh? Ano 'yon? Hindi ko maintindihan ang nangyari. Problema niya? Nag-focus na lang ako sa aking pagluluto at ginawa ang gusto niya. Eleven thirty na nang matapos ako at saka ko na inihain ang kanyang lunch sa dining area habang mainit pa.
Naririnig niya ang mga inihain kong plato sa mesa niyang salamin kaya pumasok na rin siya dito. "Let's have lunch together. Hindi ito mababawas sa sweldo mo don't worry. You can eat here with me." He's serious, I could tell.
"Thank you." Makakaipon talaga ako nito sa nangyayari. Libre na rin pati pagkain ko. Sinong hindi matutuwa doon? Sabay kaming kumain at tahimik lang ako. Ayokong magsalita dahil tahimik rin siya. Ang lalim ng kanyang iniisip.
Natapos ang pagkain namin at nandoon na siya sa sala habang nanonood sa kanyang flat-screen TV. Ano naman kayang iniisip niya?
Tumingin ulit ako sa wall clock, one-thirty na ng hapon. Nakakain na kaya si André naawa tuloy ako sa kanya.
"Aalis na ako, Thorne. Anong oras ako babalik mamaya?"
"Kakain muna ako sa labas mamaya. Bukas na lang ulit ng umaga. Thank you." Monotone ang kanyang pagkakasabi. Mukhang wala siya sa mood makipag-usap? Hindi na siguro ako dapat mangulit pa kaya naman umalis na ako at bumalik sa dorm.
Nang makapasok ako sa dorm ay nabitawan ko ang susing hawak ko dahil kay André.
Namimilipit siya sa kanyang kama sa sobrang sakit ng kanyang tiyan.
"Thank god you're here." Sabi niya habang hirap na hirap sa pagsasalita dahil sa sakit ng kanyang tiyan.
"André! Jusko!" As if ngayon lang nagsink in ang nangyayari ay napatakbo ako palapit sa kanya at sobrang init niya! Nilalagnat siya. Nagkabacteria na nga agad ang tiyan niya nang ganon kabilis at nilagnat pa? Ganoon ba kaselan ang tiyan ng lalaking 'to?
Reese"Tere, pagod na ako. Pwede bang magpahinga?""Hindi pwede! Paano
ThorneJulian kept telling me how amazing thatgirlis, at wala akong ibang nagawa kundi ang tumango ng tumango kahit pa flat ang reaksyon ko. I've never seen this guy as happy as he is right now. Pero medyo tinamaan na rin siya ng alak that's why he's babbling things. Mabuti na lang hindi pa niya n
Sa sobrang pananakit ng tiyan ni André ay halos mahulog na siya kanina sa kanyang kama. Pagulong-gulong pa siya doon habang akap-akap ang tiyan. Naka-fetal position siya, namumutog ang pawis sa noo at gayon din ang kanyang balat na kumikinang ng pawis. Siguro kanina pang umalis ako ay dumadaing na siya sa sakit.At hindi maikakaila sa mukha ko na guilty na guilty talaga ako sa sinapit niya.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Tulong! Rape! Rape!" Halos magkandaugaga ako kakasigaw mawala lang ako sa pagkakakalong ng misteryosong lalaki na ito.Hindi siya kumilos na dahilan para mapatigil din ako sa ginagawa kong paglulupasay sa bisig niya. Nakatitig lang ako sa kanyang bagong gising na mukha.
Thorne"Kuya, what the heck? Can you tell me how you did it?" Because being a millionaire in just a day is really unbelievable. Who would have thought that Hunter William Bermudez would do that?
Umuwi ako sa Dorm at wala pa rin ang roommate ko. Marahil ay hindi ito matutulog ngayon dito. Mas mabuti iyon para makapag-relax ako. Hindi ko talaga kasi alam kung anong aasahan ko doon sa kasama ko.But it looks like, there will be no sleep for me tonight. Sigh. Pilit na bumabagabag sa akin iyon sinabi ni Thorne. Na magta-trabaho ako sa kanya sa itatayo niyang Mall.